_pulmonía_ na sinasaysay sa itaas sa capítulong nacalalo. Dito sa
_pleuresía,_ ang _baga_ nang maysaquit ay namamaga rin para doon sa
nagcacasaquit nang pulmonía; datapoua,t, itong pamamaga nang baga nang
sinisintacan ay sa dacong ibabao, at ang nararamdaman niya ay gayón.
57. Guiniguinao muna ang maysaquit, hungmahalili ang lagnat, ang
pag-uubo, ang casiquipan nang dibdib; ang pagsaquit nang ulo, at ang
bahag-ya na macahin~ga ang maysaquit; ang marahil idaing nang
pinipleuresía ay ang matigas na saquit nang man~ga taguiliran nang
dibdib sa ilalim nang susó, at ang canang taguiliran ang malimit
sumaquit; cun minsan nama,i, alin mang lugar nang dibdib ay
sungmasaquit. Bucod dito,i, namumula cun minsan ang pisn~gi, at ga
ibig sumuca ang maysaquit. Cun minsan hindi nararamdaman ang saquit
nang dibdib, cundi lungmalo muna ang ilang oras, ó sa icalaua ó sa
icatlong arao nang pagcacasaquit. Ang pulso nang maysaquit ay matigas;
datapoua cun malaquing totoo ang saquit, at mapan~ganib ang buhay nang
tauo, ang pulso ay malambot at munti. Cun minsan ualang lura, at uala
ring ubo. Mayroon namang iba, na binabalin~goyn~goy, na ito,i,
nacaguiguinhaua sa may catauan. Datapoua cun minsan ang tumutulong
dugo ay buloc, na yaon ang pinacatanda na malapit nang mamatay ang
tauo. Cun minsan tila mamamatay na ang maysaquit, at bagcus siya na
ang paggaling niya.
58. Ang gamot sa _pinipleuresía_ ó sinisintacan ay para nang
pag-gamot sa pinupulmonía. Caya sasangrahan ang maysaquit pagcaraca;
at cun hindi siya gungmagaling, ó gumaling ma,i, ungmooli rin ang
saquit na malaqui, sasangrahan pa mandin; datapoua cun hindi malubha
ang tauo, ó cun hindi totoong lacas ang pagsintac, at ang maysaquit
nacacalura, ay hindi cailan~gan sangrahang uli, cundi parapitan lamang
sa man~ga binti ó doon sa lugar na masaquit.
59. Saca ang ibang gagauin doon ay naituro co na doon sa itaas sa
párrafo 31 hangang sa párrafo 40 Sa lahat na bagay, ang totoong sucat
igamot dito ay ang bilin sa número 8; at pagca bagong nagcasaquit ang
tauo, ay tatapalang agad nang bilin sa número 9; at cun hindi pa
nauauala ang sintac, parapitan doon sa masaquit. Gayon din ang
pag-gamot sa man~ga babaying sinisintacan; at may panahon man,
masasangrahan din.
60. Cun munti ang sintac, ay marahil mauala pag sinangrahang minsan
ang maysaquit, at pag pinainom nang tubig na pinaglagaan nang bulaclac
nang _alagao_; itong tubig ay dinoroonan nang caonting _pulot_.
61. Ang saquit nang pleuresía ay nauauala sa paglura, ó sa pag-ihi, ó
sa pagpauis, para nang pulmonía; cun minsan naman sinisibulan ang
maysaquit nang _baga_ sa loob, ó tinutuboan nang bucol na matigas doon
din sa loob, ó cun minsan nama,i, nabubuloc ang caniyang baga, para
nang sinabi co na sa capítulo nang pulmonía.
62. Ang nagcacasaquit nang gayon hindi sucat big-yan nang _triaca,
cordial, castol, ruda_, at nang man~ga bagay na nacacapagpapauis.
63. Ang tauong ungmiinom nang tubig na malamig, capagca siya,i,
totoong nainitan, ay marahil magcasaquit nang pleuresía ó sintac; at
mayroon cun minsang tauo, na pagcainom mandin, namamatay.
_Nota_. Bucod dito sa saquit na sintac na sinaysay co n~gayon,
mayroong isa pang bagay na sintac nang _apdo_ ó _biliosa_, na yao,i,
isa rin nang pulmonía nang apdo ó biliosa, na sinaysay co sa _nota 1_,
nang párrafo 55, na pati nang pag-gamot ay isa rin. Caya susundin ang
lahat na turo doon din sa _notang_ yaon.
=CAPÍTULO 8.=
_Ang saquit na ang pan~gala,i, garrotillo, at ang ibang man~ga saquit
sa lalamunan nang tauo._
64. Marami ang saquit nang lalamunan nang tauo. Ang malimit dumaan
doo,i, ang pamamaga niyong man~ga casangcapang nadoroon, na siya ang
tinatauag na _garrotillo,_ na camuc-ha rin nang saquit na _pulmonía;_
ibang casangcapan lamang ang nasasaquitan.
65. Cun ang lalamunan ang masaquit, ay bahag-ya na macalunoc ang tauo
nang anoman. Ang tubig at ang lauay lalong maliuag lunuquin.
Guiniguinao ang maysaquit; nalalagnat siya nang malaqui, masaquit ang
ulo, at ang ihi ay mapula. Datapoua cun ang namamaga ay ang naroong
malapit sa dinaraanan nang hinin~ga nang tauo, ang paghin~ga ay
mahirap, hindi tahimic ang maysaquit, at tila nahuhunghang; ungmaabot
cun minsan ang saquit hangan sa baga, at namamatay ang tauo. Cun
namamaga yaong lahat na yaon, sampon nang cutil pati nang puno nang
dila, at ang ibang man~ga casangcapang naroon sa piling noon, ang may
catauan ay totoong cahabaghabag; namamaga ang boong muc-ha; hindi siya
macalunoc; ang paghin~ga ay maliuag; lungmalabas ang dila, ang pulso
ay maralas at mahinang-mahina, at cun minsan lungmilibang; at ang
maysaquit ungmaabot lamang hangan sa icatlong arao, at namamatay. Ang
pinangagalin~gan nitong saquit ay ang pag-urong nang pauis, ang
paglacad sa lupa cun bagong nacaulan at mainit ang arao; ang pagtapat
sa han~ging malamig, ang pagbasa, ó ang pag-uiuica ó pagcacanta nang
malauon, ang pagtulog na basa ang damit, ó ang pag-inom nang malamig
na tubig, cun bagong galing sa init ang may catauan.
66. Ang saquit ay ungmaalis cun minsan sa loob at napapasalabas; cun
gayo,i, magaling-galing ang pagcaramdam nang maysaquit. Datapoua cun
sa utac, ó sa baga mapatun~go,i, mahirap at mapan~ganib ang may
catauan.
67. Ang pag-gamot sa nagcacasaquit nang gayón, ay para nang guinagaua
sa pulmonía. Ang maysaquit _ilalagay sa husay_ (capítulo 4), at cun
baga mahirap na totoo ang caniyang lagay para nang sabi sa itaas sa
párrafo 65, cailan~gang sangrahang macaapat ó macalima sa loob nang
ilang oras; paiinuming parati nang bilin sá número 2, at número 4.
Datapoua sapagca sa ganitong saquit ay hindi sumagui cun minsan sa
lalamunan ang ipinaiinom, caya cailan~gang sumpitin touing icatlong
oras ang maysaquit nang bilin sa número 5; at macaitlo maghapon
ibababad ang caniyang man~ga paa sa mainit na tubig ga calahating oras
calauon. Saca tapalan ang liig niya nang bilin sa número 9.
68. Maigui ring carlitan muna sa liig ang maysaquit, na totoong
malubha na, n~guni houag lalaliman ang carlit, bago tacluban nang
ventosa roon. Pinapagmumumog naman siya nang bilin sa número 19; at
pinasisipsip nang sin~gao nang tubig na mainit na macaanim maghapon.
69. Cun ang cutil at ang dalauang tila bucol na capiling noon, yaon
lamang ang masaquit, at namamaga, ay cailan~gan ding sangrahan ang
maysaquit, lalo pa cun ang pulso ay matigas at puno; ito,i, gagauin
agad, maca cun pabayaan yaong pamamagang yao,i, mapatun~go ang saquit
sa _baga:_ at cun minsa,i, uuling sasangrahan cun cailan~gan pa.
70. Cun munti ang saquit, magpaanyo lamang ang may catauan, at
maghusay sa caniyang pagcain, sa pag-inom, at sa pag-gaua, ay hindi
cailan~gang sangrahan. Datapoua,i, magaling na lalo ang sangrahan, at
painumin nang bilin sa número 2. Saca bañusan hangan tuhod ang
maysaquit cun umaga, at sumpiting minsan cun hapon. Tatapalan naman
ang caniyang liig nang bilin sa número 9. Saca pinapagmumumug nang
aquing turo sa número 19, at macaanim maghapong pasipsipin nang
sin~gao nang mainit na tubig ayon sa bilin sa número 53.
71. Cun baga hindi maalam magmumog ang maysaquit, ang caniyang
ipagmumumog pinatatama nang sumpit na munti, na cauayan man, doon sa
caniyang lalamunan; itong ganitong pagsumpit ay totoong buti, at cun
minsan siya ang iquinapagpapalabas nang maraming malalagquit na
cungmacapit sa ilalim nang lalamunan, at siya rin ang
iquinaguiguinhaua nang maysaquit. Datapoua,i, itong pagsumpit na
ganito ay lilimitan.
72. Cun ang saquit nang lalamunan ay natatalo niyong man~ga gámot na
yaon, sa icatlong arao ó sa icaapat hangang sa icalima, ay gumagaling
na ang maysaquit; at cun ualang sisibol doon, sa icaualong arao
malaqui ang caniyang pag-galing.
73. Cun minsan cun guinagamot ang maysaquit, ay umuunti ang lagnat at
ang ibang man~ga hirap; datapoua,t, ang lalamunan ay para nang dating
masaquit. Ang gagauin doo,i, itutuloy ang pagmumumog, at ang pagsipsip
nang sin~gao nang mainit na tubig número 53; saca cun mayroong
marunong na médico ipahiua sa caniya yaong dalauang bucol ó _agallas_
na masaquit, na naroon sa piling nang cutil, at gagaling ang may
catauan pagca linabasan nang caunting dugo yaong man~ga bucol na yaon.
74. Cun hindi paanyo ang pag-gamot sa maysaquit, cun minsan tinutubuan
nang sibol doon sa lalamunan, na cailan~gang hiuain, cundí pumutoc
siyang cusa sa icalima ó sa icaanim na arao. Ang sibol ay maquiquitang
magaling nang mata, pagca pinan~gan~ga ang maysaquit; caya bago
hiuain, ay maghahanda ang médico nang isang lanceta, na durugtun~gang
magaling sa dulo nang patpat na munti; saca tinatacpan nang damit,
houag lamang ang dulong matulis, at yaon ang ihihiua roon sa sibol, na
naquitang naroroong maputi at malambot doon sa masaquit na lugar. Cun
nahiua na ang sibol ay napupuno nang nana ang bibig, at caya ang
maysaquit ay magmumumog nang bilin sa número 19. Cun minsan ang sibol
ay dalaua.
75. Cun minsan hindi lamang mayroong nana roon sa sibol na naquiquita,
cundi sa ibang lugar nang lalamunan na hindi na-aalaman, caya ang
maysaquit anaqui magaling na, at ang lagnat ay munti at naca-catulog
siya,t, nacacalunoc; datapoua,t, hindi nauauala ang saquit nang bibig;
pinan~gin~gilabutan siya nang guinao, ang dila,i, bungmibigat at
cungmacapal sa caniyang damdam. Mayroon namang man~ga butil na maputi
sa man~ga n~gidn~gid at sa loob nang pisn~gi, pati sa man~ga labi, at
masama ang lasa nang bibig.
76. Ang gagauin nang maysaquit pagca gayon, ay ang malacucong tubig na
may calahoc na gatas, ay siya ang ipagmumog niya. Saca sipsipin niya
ang sin~gao nang mainit na tubig, at doonan ang caniyang liig nang
bilin sa número 9. Saca ipauusisa niya sa médico ang quinadoroonan
nang sibol, at ipahiua sa caniya. Magaling namang sumpitin sa
lalamunan nang tubig na malacuco, upan din pumutoc ang sibol, cun
mag-ubo ang may catauan. Itong pagputoc nitong sibol hindi nacacaano
sa maysaquit, at uala acong narin~gig na namatay dahil doon.
77. Ang nagcacasaquit nang ganitong saquit, cun minsan dínaraanan nang
pagca ibig sumuca, gaua nang man~ga malalagquit na lura na naniniquit
sa lalamunan; caya tandaan ito nang mangagamot, na houag big-yan nang
pasuca ang maysaquit at masama sa caniya yaon.
_Nota_. Bucod sa saquit na garrotillo na sinasaysay co sa capítulong
ito i, mayroong isa pang bagay na pagsaquit nang lalamunan nang tauo,
na cung minsan nacamamatay sa marami. Ang pan~galan doo,i, _mal de
garganta ulcerado, ó garrotillong may sugat_. Ang nagcacasaquit nang
gayong saquit, ay bihira ang di binubucalan sa catauan nang man~ga
butil na mumunti, na sa loob nang ilang arao natutuyo at nalalaglag na
parang calisquis. Sa loob nang lalamunan mayroong namang man~ga sugat,
at mapait ang bibig Ang gamot doo,i, catulad-tulad nang gamot sa
_lagnat_ nang _apdo_ capítulo 20; n~guni hindi sucat sangrahang hamac
ang maysaquit. Ang pasuca número 25, ó ang sa número 35, ay totoong
buti doon, cun uala nang lagnat ang maysaquit. Ang purga, ay hindi
magaling doon. Ang parapit sa binti ay totoong bagay sa saquit na ito.
Gayon din mabuti rito ang pag-inom nang maraming tubig na pinaglagaan
nang bulaclac nang _alagao_, at ang pagmumumog nang bilin sa número
19. Magaling naman sa maysaquit na malubha ang bilin sa número 80, na
yao,i, turo ni Buchan.
_Ang gamot sa bucol, na ang pan~galan nang tagalog doo,i, bayiqui, ó
bayicqui._
78. Cun minsan namamaga yaong dalauang _glándulas_, ó bucol na naroon
sa piling nang tayn~ga,t, sihang; cun minsan yaong dalaua namang
hinihipo sa ilalim nang guitna nang sihang, na _glándulas din yaon_,
at parapara nang sila ang pinangagalin~gan nang lauay nang tauo; itong
saquit na ito ay nauauala pagca pinahiran nang tayom, na tinunao sa
caunting suca. Datapoua cun ang boong liig ay lungmalaqui, na maralas
dumaan itong saquit sa man~ga babayi sa provincia nang Batan~gan, ay
basahin mo ang párrafo 261 at ang 262, at sundin ang man~ga turo doon.
=CAPÍTULO 9.=
_Ang romadizo na pinan~gan~ganlan nang tagalog na sipón._
79. Ang sipón ay catulad nang saquit na pulmonía, pleuresía,t,
garrotillo, munti lamang ang saquit; cun sinisipon ang tauo, ay
namamaga rin nang caunti ang _baga_ sa loob nang dibdib, ó ang ibang
man~ga casangcapang naroroon sa ilong, sa noo, ó sa pisn~gi.
80. Ang sipón hindi sucat hamaquing pabayaan, at cun minsan nacahihila
nang man~ga saquit na malaqui sa dibdib, ó sa ibang lugar nang catauan
nang tauo.
81. Ang pinagmumulan nang sipón ay ang pag-urong nang pauis nang
catauan at ang cainitan nang dugo.
82. Ang calaunan nang saquit na sipón ay bagay-bagay. Ang sipón nang
ulo, hindi lubhang nalalauon; datapoua ang sa dibdib ay malauon sa
roon. Cun nalalauon ang sipón, ay masama, sapagca dahilan sa calacasan
nang pag-uubo, nagcacaramdam ang boong catauan, at napapasaulo ang
dugo. Ang isa pang casam-an noon ay ang di icatulog nang tauo, na
caya nanghihina siya; bucod dito ang may sipón ay marahil aayao
cumain, at yaon ang isa pa manding nacagugulo sa catungculan nang
sicmura. Dahilan doon sa pag-uubo; ay nahihirapan namang totoo at ga
nagagambol ang baga nang tauo, at napupuno nang napupuno nang
sarisaring pinacataib n~g catauan na doon napapatun~go, at lungmalapot
at saca nacacahirap pa sa paghin~ga. Dahil doon naman nalalagnat ang
tauo nang lagnat na munti na hindi nauauala.
83. Ang gamot sa sipón ay para nang sa _pulmonía, pleuresía_ ó
_garrotillo_. Caya cun ang sipón ay malaqui, lalo pa cun ang maysaquit
ay marugo at malaqui ang caniyang ubo, pati nang saquit nang ulo, ay
cailan~gang sangrahan sa camay, nang madaling gumaling. Saca painumin
nang bilin sa número 1, 2, ó 4. Magaling din bañosan bago humiga ang
maysaquit sa tubig na mainit-init hangang tuhod; pati nang pagsumpit
ay bagay rin sa saquit na ito, cun hindi manabi touing arao, ó cun
cacaunti ang inaiihi nang may sipón. Sa catagang uica; cun ang may
saquit _ilagay sa husay_ (capítulo 4) pagdaca,i, gumagaling.
84. Datapoua cun munti ang sipón, di man gamutin ang tauo, ay
gumagaling siya; houag lamang cumaing ilang arao, nang _carne, itlog,
baboy, sabao,_ at _alac._ Ang cacanin lamang ay ang tinapay, ó canin,
ang man~ga gulay, ang man~ga bun~gang hinog nang cahoy at tubig; ang
cacanin cun gab-i ay caonti, at ang caniyang iinumin, ay ang tubig na
pinaglagaan nang palay ó cebada, at cun aayao noo,i, ang tubig na
pinaglagaan nang bulaclac nang alagao, na ang sa icapat na bahagui ay
gatas. Ang baños nang tubig na mainit-init sa paa; at ang bilin sa
número 20, ay nacacapagpatulog sa maysaquit.
85. Cun minsan ang maysaquit ualang lagnat cundi nag-uubo lamang at
hindi macatulog; ang gagauin dito ay cun gab-i bañusan nang tubig na
mainit-init, at cun lauon nang nacacain ang maysaquit big-yan siya
nang isang píldorang _estoraque_ (camanguian), ó nang caunting
_triaca_ at caunting tubig na pinagbabaran nang bulaclac nang alagao;
ito lamang ay nacacagaling na tambing sa maysaquit, pagca lauon nang
guinamot nang husay, at hindi pa gungmagaling; datapoua cun bago pa
ang saquit, hindi sucat gauin ito, at masama. Mabuti rin bigyang
maminsan-minsan ang maysaquit nang isang cucharang pulot na hinulugan
nang caunting suca, nang lumambot ang pag-uubo; at cun hindi rin
ungmuunti ang pag-uubo doonan nang isang tapal na sahing sa pag-itan
nang dalauang balicat, ayon sa turo sa párrafo 498. Ito,i, aral ni
Buchan.
86. Sa saquit na sipón, ay bagay ang pagsipsip nang sin~gao nang tubig
na mainit ni pinagbabaran nang bulaclac nang alagao ayon sa turo sa
número 53; maigui rin ang _regaliza_ (saga) cun n~gan~gaing parati ang
dahon.
87. Ang tauong sinisipon, na hindi nagbabauas nang caniyang pagcain,
at ang ungmiinom lamang nang mainit na tubig, ay guinugulo niya ang
sicmura; ang pag-uubo ay hindi mauaualang hamac cun gayón, at siya,i,
ooui sa calagayan sinaysay co sa párrafo 82. Ang pag-inom nang anomang
bagay na alac ay nacacasama doon sa sipón; at cun minsan ang sipón na
talagang mauauala na, ay dahilan sa pag-inom nang alac bagcus
lungmalaqui.
88. Cun ang tauong sinisipon ay totoong nanhina na, at hindi
mangyaring mauala ang caniyang sipón iinomin niya arao-arao ang bilin
sa número 14; ang timbang ay cahati ó isang saicapat na isinasama sa
caonting alac. At cun nahahalata, na ang saquit ay napapatun~go sa
baga, dahil sapagca ang pag-uubo ay lungmalaqui nang lungmalaqui, at
ga siquip ang dibdib pati nang paghin~ga, ay doonan ang maysaquit nang
parapit sa man~ga binti número 36.
89. Hindi magaling sa saquit na ito ang tumahan ang maysaquit sa bahay
na mainit at siquip, sapagca ang pagtahan sa ganoong lugar ay para
nang pag-inom nang alac. Saca pag nacalabas sa silid, at salang
mahan~ginan, siya,i, sinisipon pa mandin. Mayroon namang tauo, na
dahil sa calacasan nang pag-uubo pungmuputoc ang man~ga ugat mumunti
nang mata at tila nanhihinola ang bubong nang mata. Ang mabuti roo,i,
basaing parati yaong hinola nang tubig na sinucaan, para nang
guinagaua sa párrafo 272.
90. Yaong man~ga tauong madaling sipunin ay caya malacas dumopoc at
humina ang canilang catauan, sapagca totoong nag-iin~gat sila sa
han~gin, at ang ibig nila ay ang tumahan doon sa may sara ang lahat;
bago,i, ang canilang sucat gauin, ay lumabas at manaog sa lupa, at
uminom nang malamig na tubig: at capag namihasa na sila sa ganitong
gaua, ay lungmalacas at gungmagaling ang pagcaramdam.
=CAPÍTULO 10.=
_Ang saquit nang n~gipin at bag-ang, pati nang sa cabiac nang ulo ó
muc-ha sa uicang castila,i,_ jaqueca, _sampon nang escorbuto na yao,i,
pagdurogo nang n~gipin nang tauo._
91. Tatlong bagay ang pinangagalin~gan nang pagsaquit nang n~gipin at
bagang. Ang isa,i, ang bucboc nang n~gipin. Ang icalaua,i, ang
pamamaga niyong litid na munti, na naroon sa pinacaugat nang man~ga
n~gipin; ó cun minsan ang pamamaga naman niyong pinaca balat na
matigas, na nasasapao sa man~ga n~gipin sa ilalim nang n~gidn~gid, at
caya pati nang n~gidn~gid cun minsan sungmasaquit. Ang icatlong
dahilan nang pagsaquit nang n~gipin ay ang isang pinacataib na malamig
na napapatun~go doon, na nangagaling sa catauan.
92. Cun ang dahilan nang saquit nang n~gipin ay ang bucboc, at cun
nahahan~ginan na ang pinaca litid nang n~gipin, sapagca sinira,t,
quinain nang bucboc, ay ang han~gin, ang pagcain, ang pag-inom, ang
init, at ang pag-gaua, itong lahat na bagay ay paraparang nacalalaqui
nang saquit nang n~gipin. Caya cun malaquing totoo ang nacain na nang
bucboc, cundi ipabunot sa marunong, sasaquit nang sasaquit lamang ang
n~gipin, babaho ang hinin~ga, mabubuloc ang n~gidn~gid, at ang ibang
n~gipin ay mararamayan, pati nang sihang cun minsan ay bubucbuquin
din. Datapoua cun hindi totoong sira ang n~gipin, houag bubunutin
cundi magbabad ca nang camunting _pimienta, canela,_ at _clavo_ sa
calahating tazang tubig na malacuco, at dito sa tubig na ito,i, basain
mo ang camunting bulac, na idoroon mo sa binubucboc na n~gipin. Maigui
pa sa rito ang maglulon ca nang caunting papel, na ganga tingting nang
ualis; sindihan mo ang dulo at pag naguing baga na,i, iyong patamain
sa butas nang bucboc, at mauauala ang saquit; bago sindihan ang papel
ay isinasaosao muna ga lan~gis. Itong gamot hindi masaquit. Ang gaua
nang ibang man~ga tauo, ay ang canilang muc-ha pinapahiran nang pulot,
at gungmagaling sila.
93. Datapoua cun baga caya sungmasaquit ang n~gipin sapagca ang litid
na munti nang n~gipin ay namamaga, hindi macucuha ang saquit, cundi
sangrahan ang may catauan at caalam-alam yaon ang icagagaling niya.
Pagca sangra, ay magmumog ang maysaquit nang tubig na pinaglagaan nang
cebada ó palay, ó cun hindi ibig niya yaon, ay ang tubig na may
calahoc na gatas yaon ang ipagmumog niya; saca tapalan ang caniyang
pisn~ging masaquit na ang bilin sa número 9. Caya naalaman, na ang
litid nang n~gipin, ó ang pinacabalat na matigas na naroon sa ilalim
nang n~gidn~gid siya ang nag-darala nang pagsaquit nang n~gipin,
sapagca cun ang may cataua,i, naiinitan, yaon ang pagsaquit nang
n~gipin; cun minsan linalagnat ang may catauan nang malaqui; ang
pulso,i, malacas at puno; mapula ang mucha, ang bibig ay mainit; ang
saquit nang ulo ay malaquing totoo; namamaga ang n~gidn~gid, at cun
minsan sinisibulan nang bucol na munti; pati nang pisn~gi ay namamaga
rin. Caya sinabi co, na bagay dito ang pag-sasangra, at lalo pa cun
ang maysaquit ay lumulubha, gaua nang pag-inom nang alac, ó café etc.
At cun hindi sangrahan, anomang gauin doon, ay hindi macagagaling sa
caniya. Bucod dito touing gab-i ualang liban, babañosan ang maysaquit
nang tubig na malacuco hangan tuhod, at paiinumin nang bilin sa número
20, timbang sa ica-ualo; houag namang big-yan nang carne at _alac_,
lalo pa cun gab-i. Ang _opio_, ang _triaca_, at ang _píldoras_ nan
_estoraque_ (camanguiang) ay masama dito, cun ang dahilan nang saquit
nang n~gipin ay ang litid na nasasailalim noon.
94. Cun ang dahilan nang saquit nang n~gipin ay ang pinacasin~gao ó
pinacataib nang catauan na ungmaanod at napaparoon sa n~gipin, hindi
lubhang malaqui ang saquit. Ang pulso,i, hindi lubhang malacas, hindi
puno, at hindi matulin; hindi lubhang malaqui ang cainitan nang bibig,
at ualang pamamagang malaqui. Cun gayon, ay pupurgahin ang maysaquit
nang bilin sa número 21, na yaon ang madaling macauala nang man~ga
maliliuag na saquit nang n~gipin. Saca magagamot cun ibig nang may
catauan nang bilin sa número 22, at malaqui rin ang cabagsican nitong
gamot. Ang parapit sa batoc, sa licoran nang tain~ga, ó sa ibang lugar
nang catauan ay maiguirin. Pagca pinurga ang maysaquit, ay mabibig-yan
nang píldoras nang _estoraque_ (camanguiang.)
95. Cun minsan ang dahilan nang saquit nang n~gipin ay ang cahinaan
nang sicmura; ang bagay dito ay ang polvos sa número 14.
96. Cun ang saquit nang n~gipin ay casama nang ibang saquit, pagca
gamuti,t, mauala itong isa, ay macucuha tuloy pati nang sa n~giping
saquit. Mayroon namang pagsaquit nang cabiac na ulo, ó cabiac na
muc-ha, na yao,i, tinatauag na _jaqueca_ nang castila, at dala nang
man~ga marurumi na tungmatahan sa sicmura; at ang bagay dito, ay ang
purga número 21; saca ang dita número 14 pag pinurga na ang maysaquit.
_Ang escorbuto_
_Nota._ Mayroon namang ilang saquit na ang pan~galan nang castila
doo,i, _escorbuto_ na yao,i, pagdurugo nang n~gipin. Itong saquit na
ito,i, totoong sama cun hindi pagcagamuting agad. Ang nararamdaman
nang nagcacasaquit nang gayón ay ang man~ga ganito. Ang catauan
niya,i, mabigat na totoo, na dahil doon ay aayao siyang cumibo. Ang
man~ga casucasuan nang man~ga buto ay lungmalagutoc, cun lungmalacad
ang may catauan. Ang hinin~ga mabaho, pati nang bibig cung lungmalaqui
na ang saquit. Saca ang man~ga n~gipin ay ungmuuga, at ang man~ga
n~gidn~gid ay linalabasan nang dugo. Bucod dito ang man~ga n~gipin ay
tila nan~gin~gilo at ga gungmagaspang. Ang man~ga paa cun minsan
namamaga; cun minsan ga natutuyo. Ang balat nang muc-ha ay namumutla,
at cun malauon ay ungmiitim-itim. Cun ang saquit ay lungmaqui pa
mandin, ay nan~gabubuloc ang man~ga n~gipin; ang maysaquit ay
linalabsan nang dugó sa iba,t, ibang lugar nang catauan; ang caniyang
man~ga paa, pati nang ibang man~ga casangcapan nang catauan ay
linalabsan nang mancha, na iba,t, iba ang color; saca nagsusugat nang
masamang pagcasugat ang catauan niya, lalo pa ang man~ga hita; at
pagca malubha na ang maysaquit, ay nalalagnat nang lagnat na _ética_,
at ang iquinamamatay niya ay ang pag-iilaguin, ó ang pamamaga nang
caniyang catauan ó ang pasmo, ó ang desmayo, ó ang pagcabuloc nang
caniyang bituca.