25. Pinan~gan~galang Pulmoníang totoo yaong saquit na yaon, na ang

baga sa loob nang dibdib nang tauo, siya ang namamaga, na anaqui may

sisibol doon. Palibhasa,i, hindi maquita ang naroroon sa loob nang

catauan nang tauo, caya lamang nahahalata na mayroong saquit sa baga

nang tauo, sapagca cun minsan naguiguinao ang maysaquit, at parating

balisa na hindi mandin macatahan; saca ang humahalili sa guinao na

yao,i, ang init, na may calahoc na siya,i, pinan~gin~gilabutan nang

guinao; ang pulso,i, matulin, malacas, puno, matigas, at husay, cun

hindi malalaqui ang saquit; cun malaqui ang saquit, ang pulso,i, munti

malambot at gulo; dumaraying ang may catauan, na masaquit saquit ang

isan~g cabilang dibdib; cun minsan ang uica niya, na anaqui mayroong

siyang mabigat sa ibabao nang puso; cun minsan ang boong cataua,i,

masaquit, at lalo pa ang bay-auang; hindi lumagay ang maysaquit cundi

tihaya at bihirangbihira doon sa nagcacasaquit nang gayong saquit, ang

nacacatahan nang pataguilid; nag-uubo ang may catauan cun minsan, na

ualang inilulura; cun minsan dungmarahac na may dugong casama;

mabig-at ang caniyang ulo; nasisira cun minsan ang bait; ang muc-ha,i,

namumula at cun minsan hindi, bagcus nag-iiba sa dati, na cun gayo,i,

mapan~ganib ang buhay nang maysaquit; ang man~ga labi, ang dila, ang

n~galan~gala, pati nang balat ay tuyo; mainit ang hinin~ga; ang

inaiihi niya ay caunti at mapula cun bago, cun malauo,i, marami at

hindi lubhang mapula, at mayroong latac; nauuhao ang maysaquit at cun

minsan ibig niyang sumuca; datapoua,t, hindi sucat big-yan nang

pasuca, at mamamatay cun pasucahin. Touing gab-i lungmalaqui ang init

at ang pag-uubo na ualang nacucuha. Ang ilinulura ay may dugong

caunting casama, na sa icapitong arao nauauala. Cun minsan ang saquit

nang baga,i, ungmaabot hangan sa lalamunan, na hindi macalunoc ang

maysaquit, at caya ang isip niya,i, mayroon siyang _garrotillo_.

26. Cun ang saquit ay malaquing totoo, ay hindi macahin~ga ang

maysaquit cundi locloc; ang pulso,i, totoong unti at maralas;

nan~gin~gitim ang muc-ha, pati nang dila; tungmitin~gin ang maysaquit

sa magcabicabila; hindi mapalagay; sira ang bait; ang isang cabilang

camay cun minsa,i, patay na di maiquibo; linalabasan nang manchang

murado sa dibdib at liig cun siya,i, lungmulubha, at namamatay tuloy.

27. Cun ang gayong saquit ay bigla,t, malaqui, cun ang pagca guinao ay

malauon, at ang maysaquit ay totoong naiinitan pagca nacaraan ang

guinao, cun ang ulo,i, nasisira pagcaraca, cun ang may saquit ay

nag-iilaguin nang darag-is, ó pinapauisan nang marami; ó cun totoong

tuyo ang balat, ó nag-iiba,t, sungmasama ang hichura nang muc-ha, at

hindi dungmarahac, ó cun lungmulura, ay dugo lamang ang lungmalabas,

ay nasasapan~ganib ang maysaquit.

28. Ilalagay agad ang maysaquit _sa husay_ (Capítulo 4.) Houag

paiinumin nang malamig na totoo; iinumin niya ang bilin sa número 2, ó

ang sa número 7, na lalo pang magaling. Susumpiting macadalaua man

lamang arao-arao nang bilin sa número 5. Pag nacaraan ang guinao,

sasangrahan pagcaraca, na ang dugong cucunin, ay timbang labing

dalauang piso, ó labing apat cun ang maysaquit ay bata pa at malacas;

itong pagcuha nang dugo siya ang bagay na gamot dito.

29. Cun ang lagay nang maysaquit ay para nang sinabi co sa párrafo 25,

yaong pagsasangrang yaon ay macacaguinhauang madali sa caniya;

datapoua cun sa loob nang ilang oras ungmooli ang saquit, ay

sasangrahang uli ang maysaquit, at cucunan nang timbang labing dalaua

ring pisong dugo; ito,i, sucat na caalam-alam; datapoua cun baga sa

loob nang sampuong oras ó calahating arao lungmulubha ay cunan pa

mandin nang dugo. Gayon din, cun baga nang tauaguin ang médico, may

ilang arao nang maysaquit ang tauo, at malaqui ang caniyang lagnat,

cun mahirap ang paghin~ga, at hindi dungmarahac, ó cun dumahac ay dugo

lamang ang nacucuha, ay sasangrahan din, may sampuong arao man ang

caniyang pagcacasaquit. Doon sa dugong nacucuha sa nagcacasaquit nang

_Pulmonía_, mayroong naquiquitang anaqui balat na maputi sa ibabao;

cun minsan nama,i, ualang balat na gayón.

30. Cun ang damdam nang maysaquit ay para nang sinabi co sa párrafo

26, ang pagsasangra,i, hindi macacagaling, cundi macasasama sa caniya

cun minsan. Caya mapan~ganib ang caniyang lagay; datapoua ang gagauin

doo,i, gayon.

31. Arao-arao babañusan hangan tuhod ang maysaquit nang calahating

oras calauon sa tubig na malacuco, at saca cucumutang maigui.

32. Touing icalauang oras iinumin niya ang bilin sa número 8, na siya

ang totoong magaling na gamot.

33. Sisipsipin niya ang singao nang tubig na mainit para nang turo sa

número 53. Cun malubha na ang maysaquit, hindi ang sin~gao nang tubig,

cundi ang sa _suca,_ siya ang sipsipin nang malauong panahon.

34. Magaling ding lag-yan ang maysaquit sa dibdib at sa liig nang

bilin sa número 9.

35. Cun ang lagnat ay totoong laqui paiinumin touing oras nang bilin

sa número 10, ga isang cuchara carami, na maisasama doon sa datihang

ipinaiinòm sa caniya.

36. Cun lungmulubha ang maysaquit, ó cun para nang dati ang caniyang

lagay, yaon ding man~ga sinabi co n~gayon, siya ang ituloy gauin doon,

at cun baga gumagaling-galing sa icatlo, sa icapat ó sa icalimang

arao, at hindi lubhang malaqui ang pag-uubo, cun uala nang maraming

dugong calahoc ang inilulura, cun guinha-guinhaua naman ang paghin~ga,

at malinao sa rati ang caniyang ulo, cun ang ihi ay marami na,t, hindi

na totoong pula; ang gagauin lamang doo,i, _ilalagay sa husay,_ at

susumpitin ang maysaquit touing hapon. Cun minsan dinaraanan nang

malaquing hirap ang maysaquit sa icapat na arao.

37. Ang saquit na _Pulmonía_ ay nauauala,t, nacucuha sa paglura, at

sa pag-ihi: dito sa ihi nang maysaquit sa dacong icapitong arao

mayroong naquiquitang latac na marami, na ang color ay maputing itim,

at cun minsan nana ang nadoroon. Saca hungmahalili ang pauis na

nacagagaling sa maysaquit. Bago gumaling-galing ang maysaquit,

dinaraanan siya nang hirap na malaqui, na nacatatacot sa nag-aalaga sa

caniya. Caya gayón ay ang pinaca camandag nang saquit gungmagala sa

catauan; datapoua,t, cun guinagamot nang husay ang maysaquit, hindi

maano; at cun siya,i, dumahac, umihi,t, pauisan, mauauala yaong hirap

na yaon. Caya cun daanan noong hirap na malaqui, houag big-yan nang

man~ga _cordial, triaca, castor, ruda,_ at macacasama bagcus doon. Ang

gagauin lamang, ay susumpitin ang maysaquit nang bilin sa número 5, at

doroonan nang basahang babad sa malacucong tubig sa tiyan, at sa

bay-auang; bucod dito ang guinagauang dati doo,i, itutuloy na para

nang dati. Masama sa gayong saquit ang pasuca, ang purga, at ang

man~ga bagay na nagpapatulog; sapagca ang guinagamot noong gayo,i,

naguiguing _éticong_ totoo.

38. Cun guinagamot nang husay ang maysaquit sa loob nang man~ga

labing apat na arao gungmagaling-galing na siya, at cun ibig niyang

cumain, sundin ang bilin sa capítulo 5; datapoua,t, cun mapait ang

bibig, cun mabigat ang ulo, at nananab-ang nang pagcain, cailan~gan

siyang purgahin nang bilin sa número 11.

39. Cun minsa,i, binabalin~goyn~goy ang maysaquit na ito,i, magaling

sa caniya; caya houag ampatin ang dugo, at tatahan siyang cusa. Cun

minsan naman nag-iilaguin ang maysaquit, na ang lungmalabas ay

madilao; datapoua hindi masama ito.

40. Cun biglang nauala,t, tungmahan ang pagdahac, at ang maysaquit ay

dinaraanang uli nang hirap at lungmulubha, ay sasangrahang agad sa

camay, cun baga hindi siya quinunan na nang maraming dugo. Pasipsipin

namang parati nang sin~gao nang tubig na mainit at suca; at paiinomin

nang bilin sa número 2. Ito ang gagauin sa maysaquit na malacas pa, na

hindi pa nalalauong magcasaquit. Datapoua cun mahina na at lauon nang

maysaquit, at nacunan na nang maraming dugo, houag nang sangrahan,

cundi lagyan nang parapit sa dalauang binti, at paiinomin nan~g bilin

sa número 12.

41. Cun ang maysaquit ay hindi guinamot nang paanyo, at hindi mauala

ang pamamaga nang baga; lungmulubha siya, at sinisibulan nang _baga_

doon sa caniyang baga, at itong tungmutubo roo,i, pinan~gan~ganlang

_Vómica_ sa uicang Castila. Ang gagauin doo,i, ganito:

_Ang gagauin sa maysaquit na may sibol doon sa caniyang baga._

42. Caya naquiquilala, na ang nagcacasaquit nang _Pulmonía,_ may sibol

sa caniyang baga, sapagca nacalalo na ang labing apat na arao nang

caniyang pagcacasaquit, at hindi pa siya dinaraanan nang malacas na

paglura, pag-ihi, pag-iilaguin, ó hindi siya pinauisan. Caya hindi pa

siya gungmagaling-galing bagcus ang lagnat ay para nan~g dati; matulin

ang pulso, at cun minsan mahina at malambot; datapoua,t, cun minsan

nama,i, matigas, at ga nag-aalon-alon; ang paghin~ga ay mahirap;

pinan~gin~gilabutan nang guinao na maminsanminsan; gab-i gab-i

lungmalaqui ang lagnat; ang pisn~gi ay mapula; tuyo ang man~ga labi,

at nauuhao ang maysaquit. Saca pagca nacapagnana na ang sibol sa baga,

sungmasama pa mandin ang damdam nang maysaquit; parati nang nag-uubo,

at sa touing cumibo,i, lungmalacas ang ubo; cun minsa,i, natatacot

siyang humiga nang tihaya, at hindi macatulog; saca cun minsa,i,

pinapauisan sa dibdib at sa muc-ha; ang ihi ay mapulapula na anaqui

may bula, ó lan~gis sa ibabao; mapait ang bibig, lungmulubog ang mata,

at cun minsa,i, lungmalabo.

43. Cun ang sibol sa loob ungmaabot hangan sa ibabao nang baga, at

bucod dito hindi lubhang malalim, cun pumutoc ay nabububo ang nana sa

loob nang dibdib sa pag-itan nang baga at tad-yang; itong pagca putoc

ay mahirap, cun ang sibol ay malaqui, sapagca biglang lalabas ang

maraming nana, at namamatay tambing ang maysaquit. Datapoua,t, cun ang

butas nang sibol ay munti nang macaputoc na, at ang maysaquit ay

malacas pa, mailulura niya ang nanang lungmalabas, at gungmiguinhaua

ang damdam. Cun minsan ang sibol ay hindi pumutoc, bagcus lungmalaqui,

at ang boong baga nabubuloc at napupuno nang nana; caya mamamatay ang

tauo na ualang magaua.

44. Dahil dito, cun ayon sa sinabi sa itaas sa párrafo 42,

nahahalatang mayroong sibol sa baga, cailan~gang gumaua nang

capaanyoan, nang mangyaring pumutoc ang sibol nang magaling na

pagputoc, nang houag mamatay ang tauo, at gayon ang

gagauin.--Pasisipsipin ang maysaquit, cun baga malacas-lacas pa, nang

sin~gao nang tubig na mainit, ayon sa turo sa nómero 53 at ito,i,

gagauing parati. Cun ang pagsipsip nang sin~gao na yao,i, inaacala

nang nacalambot sa sibol, paiinoming parati ang maysaquit nang

maraming totoong tubig na pinaglagaan nang _cebada ó palay_ man;

maigui rin ang tubig na may calahoc na gatas. Dahilan dito sa

pag-iinom nang marami, palibhasa,i, ang sicmura,i, naroong parating

puno, ay malacas lumaban sa _baga,_ at hindi pinababayaang mabubo ang

nana sa dibdib, cundí pinipilit magpaitaas sa lalamunan, at cun

gayo,i, mailulura nang maysaquit. Saca pinapag-uubo ang may catauan

nang suca at tubig, na biglang isinusumpit sa loob nang bibig nang

isang sumpit na munti, na cauayan man. Pinapag-uiuica ang maysaquit,

pinasisigao, at pinatataua, harin~gang pumutoc ang sibol. Bucod dito

paiinumin din touing icalauang oras nang bilin sa número 8, ga isang

cuchara carami. Mabuti ring isacay ang maysaquit sa carretón,

datapoua,t, painumin muna nang maraming maraming tubig na pinaglagaan

nang _cebada,_ ó _palay,_ cun tubig na may casamang gatas; at cun

minsan itong yagyag na paglacad nang carretón nacacapagpaputoc sa

sibol.

_Ang gagauin sa maysaquit, pag nacaputoc na ang sibol sa baga._

45. Doon sa oras nang pagputoc nang sibol sa baga, ang maysaquit ay

lumulubha na anaqui hindi nacacaramdam. Datapoua,t, cun paamoyin nang

suca, ay nasasaulan cun baga ang pagputoc nang sibol ay hindi masama,

ayon sa sinabi co sa itaas sa párrafo 43; sapagca cun masama, ualang

magagaua at mamamatay ang maysaquit.

46. Cun paanyo ang pagputoc nang sibol, at hindi namamatay pagcaraca

ang maysaquit ang gagauin doo,i, ganito.--Cun ang inilulura nang

maysaquit ay totoong malagquit at maganit, touing icalauang oras

paiinomin nang bilin sa número 8, ga isang cuchara carami, at cun

malaonlaon, painomin naman nang isang taza nang turo sa número 13.

Datapoua cun hindi malagquit at maganit ang inilulura, houag gamitin

itong man~ga bilin, cundí ang gatas nang baca, na siya lamang ang

caniyang cacaning parati ó cun ibig isama sa caniyang quinacain. Saca

macaapat maghapong paiinumin nang bilin sa número 14 na isinasama sa

caunting tubig. Ang iinomin niyang parati, ay ang tubig na pinaglagaan

nang _cebada ó palay_, ó ang tubig na ang sa icapat na bahagui ay

gatas. Saca siya,i, lumacad arao-arao ó sumacay sa cabayong-yagyag.

47. Cun ang maysaquit ay nananabi touing icalaua ó icatlong arao,

sucat na yaon; at masama ang sumpitin nang malimit.

48. Cun ang maysaquit ay nilalagnat touing hapon, at ang inilulura ay

masama sa dating tingnan, sucat nang mahalata na hindi mababahao ang

sugat sa baga, na cun gayon siya,i, maguiguing _éticong_ totoo, at

mamamatay sa loob nang ilang bouán. Datapoua,i, atohin ang uica co sa

itaas sa párrafo 46, at cun baga ang calacasan nang pag-uubo yaon ang

di icatulog niya, painumin cun gab-i nang dalaua ó tatlong cuchara

nang bilin sa número 16, na isasama sa isang basong tubig na

pinaglagaan nang _cebada ó palay_.

49. Cun baga tungmatahan ang pagdahac nang may sibol sa baga,

pasipsiping agad nang sin~gao nang tubig na mainit ayon sa turo sa

número 53; touing oras bibig-yan nang isang cuchara nang turo sa

número 8 at bucod dito,i, painumin nang maraming totoo noong bilin sa

número 12; at cun siya,i, nacacacaya, ay lumacad ó sumacay sa cabayo.

Sasangrahan naman ang ganitong maysaquit cun siya,i, malacas pa; harí

n~gang magsaoli ang canyang pagdahac.

50. Mayroong man~ga maysaquit na anaqui gungmagaling; datapoua,t,

ungmuuli rin silang magcasaquit; saca gungmagaling uli, bago humalili

na naman doon ang pag-cacasaquit; at mahirap man itong canilang buhay,

sila,i, nalalauong di iilang taon, na hindi namamatay. Caya gayón,

sapagca ang sibol sa baga hindi totoong nababahao, at yao,i,

naguiguing parang fuente. Cun ang ganitong maysaquit ay lauon nang

gayon, ualang magauang gamot doon. Datapoua cun bago yaong saquit, ay

matatalo nang gatas, at nang pagsacay sa cabayo; pati nang bilin sa

número 14.

51. Sa saquit nang _Pulmonía_, at sa naguiguing _ético_ dahilan doon,

hindi sucat gamitin ang _trementina_, ang man~ga _bálsamo,_ ang

_incienso,_ ang _almáziga,_ ang _mirra_, ang _camanguian,_ at ang

_bálsamo_ nang _azufre,_ pati yaong gamot na pinan~gan~ganlang

_antiético,_ sapagca nacacalubha bagcus sa maysaquit yaong man~ga

bagay na yaon.

52. Cun hindi paanyo ang pagputoc nang sibol sa baga, cundi nabububo

ang nana sa loob nang dibdib, hindi mailulura nang maysaquit; bagcus

siya,i, mamamatay na ualang pagsala, cundi hiuain sa pagitan nang

dalauang tadyang; datapoua,t, cundi siya totoong marunong na médico,

houag siyang man~gahas gumaua noon.

53. Cun minsan ang ganoong pagsibol nang _baga,_ yaon ang

iquinabubuloc nang baga nang tauo, at yaon din ang iquinamamatay niya.

54. Cun minsan naman hindi tungmutuloy ang pagnanana nang sibol sa

baga, cundi naroong matigas na parati, na anaqui yao,i, isang bucol na

hindi nag-iiba. Ang tauong may ganitong saquit, hindi gagaling na

hamac, datapoua hindi lubhang nahihirapan siya.

55. Ang bagay sa ganitong lagay ay ang _suero,_ ayon sa turo sa

número 17, at ang _pildoras_ número 18. Ang iinumin touing umaga,i,

ang isang basang _suero_ at ang man~ga dalauang puong _pildoras,_

hangan sa apat na puo. Saca parating sisipsipin niya ang sin~gao nang

tubig na mainit número 53.

Ang Pulmonía Nang Apdo.

_Nota. 1_ Bucod sa saquit na _pulmoníang_ totoo na sinaysay sa

capítulong ito, mayroong isa pang bagay na _pulmonía_ na ang pan~galan

doo,i, _biliosa ó pulmonía_ nang _apdo,_ sapagca hindi totoong

pulmonía, cundí catulad nang lagnat nang _apdo_ (Capítulo 20). Ang

maysaquit ay dumurual cun minsan, at nag-iilaguin nang tila madilao at

mabaho ang inilulura niya; hindi gaya nang inilulura nang

nagcacasaquit nang _pulmoníang_ totoo, cundí madilao sa roon. Ang

bibig nang maysaquit ay mapait, hindi pinapauisan siya, tila mayroong

siyang nararamdamang mabigat at masaquit-saquit sa sicmurang palibot.

Ang color nang muc-ha ay madilaodilao, at tila nag-iiba. Ang gamot

dito ay para nang sa _lagnat_ nang _apdo_ (Capítulo 20). Cun baga may

catigasan ang pulso, ó may cainitan ang dugo, sinasangrahan ang

maysaquit. Saca binibig-yan nang bilin sa número 3. Sinusumpit naman

ayon sa turo doon din sa capítulo nang lagnat sa _buloc_ ó lagnat nang

_apdo._ Pagca naalaman nang totoo na uala nang catigasan ang pulso,

cundí malambot na, pinaiinom nang bilin sa número 34 at cun ualang

mapagquitaan nito, na-aari ang sa número 35. Ang ibang gagauin doon ay

isa rin nang itinuturo sa capítulo 20, nang _lagnat_ nang _apdo_.

Ang Pulmonía Falsa.

_Nota. 2._ Mayroong isa pang bagay na _Pulmonía_ na hindi totoo, na

marahil dumaan sa man~ga matatanda, ó sa man~ga bata, ó sa man~ga

tauong mahina, cun bagong nagtatag-arao, na yao,i, dala nang man~ga

malalagquit na cungmacapit sa baga nang may catauan. Ang maysaquit ay

nag-uubo muna nang caonti sa loob nang ilang arao, at cun lumacad ay

tila masiquip siquip ang caniyang dibdib sa caniyang pagcaramdam; ang

muc-ha,i, mapula sa rati; ang ibig niya ay cumaing parati at matulog,

at hindi mahimbing ang caniyang pagtulog; pag nalauong ilang arao,

guiniguinao siya; humahalili roon ang init; hindi siya lumagay, at

lungmalaqui ang casiquipan nang dibdib. Bucod dito, hindi macatahan sa

hihigan ang maysaquit, at mahirap man ang caniyang pagcaramdam, ay

gumagala sa loob nang silid; ang pulso ay mahina at madalas; ang ihi

cun minsan tila para nang dati; cun minsa,i, mapulapula; ang pag-uubo

niya,i, munti, at maliuag dumahac; maminsanminsan nasisira ang

caniyang bait; hindi macatulog nang mahimbing, at hindi naman

naguiguising na totoo; ang nagcacasaquit nang ganitong saquit, cun

minsan namamatay nang biglang pagcamatay, lalo pa cun matanda ang may

catauan. Cun minsan lungmalaqui ang casiquipan nang dibdib, at ang may

cataua,i, hindi macahin~ga cundi locloc; saca nasisira tuloy ang bait;

ang pulso ay ungmoonti at dungmaralas; at pag nalaonlaon, namamatay

ang maysaquit. Itong saquit ay masama; at maliuag matapatan ng gamot.

N~guni ang lalong mabuti roo,i, painuming parati ang maysaquit nang

bilin sa número 26, ó nang sa número 12, na lalag-yan nang timbang

saicaualong _salitre_ sa baua,t, isang tagayang tubig. Touing

icalauang oras bibig-yan nang isang taza nang bilin sa número 8. Saca

pararapitan sa man~ga binti nang sa número 36. Itong man~ga gamot na

ito ay hindi macasasama sa maysaquit, at cun minsan macacagaling. Ang

nagcacasaquit nang gayón, cun minsan ay masamang sangrahan.

_Ang gagauin sa natutuyo ang catauan, na yao,i, pínan~gan~ganlang_

consunción _nang castila._

_Nota 3._ Bagaybagay ang pinagmumulan nang pagcatuyo nang catauan nang

tauo, na yao,i, aquing sasaysayin n~gayon. Ang sibol sa _baga,_ cun

minsan siya ang pinangagalin~gan nitong saquit, ayon sa uica co na sa

párrafo 48. Cun minsan gaua nang _escorbuto_, ó nang _bicat_, ó nang

_hica_, ó nang bulutong ó ticdas. Cun minsan naman dala nang mahalay

na saquit na namamahay sa catauan, na doon mahahalata, cun baga

nagsusugat, ó namumutoc, ó macati ang punong catauan.

Gayón din cun ang tauo,i, parating nacuculong sa bahay na may sara ang

lahat na dun~gauan; ó cun malimit gumaua nang mahalay; ó cun siya,i,

natatapat sa sin~gao nang man~ga tinutunao na tangso; ó cun siya,i,

namamanglao, ó parating pagod; ó cun nag-iisip nang man~ga maliliuag;

cun siya,i, parating pinapauisan, ó nag-iilaguin, ó ungmiihi, ó

pinapanaogan nang malacas nang sa panahon cun baga babayi; ó cun

siya,i, nagpasuso nang malauon, ó cun linalabasan sa punong catauan

nang tubig na malapot at maputi, na yao,i, saquit din nang babayi, na

pinan~gan~galan _flúor albus_.

Cun siya,i, dating linalabasan nang dugo sa puit, para nang

inaalmorranas, ó cun pinapauisan sa paa ó sa catauan, ó dating

binabalin~goyn~goy, at saca siya,i, naual-an at inurun~gan noon man~ga

yaon; ó cun hindi sumago ang fuente, cun baga may fuente, ó cun

nabahao ang caniyang sugat na malauon, ó ang caniyang dating galis,

buni, ó ang ibang man~ga bagay na lumilitao sa catauan.

Ang pinalo nang malacas, ó nahulog, ó sinicaran nang hayop ang

mayroong nararamdamang bucol sa tiyan, ó sa bituca, ang napupuyat, at

tuloy ungmiinom nang maraming alac; ang ungmaabay sa maysaquit, na

dahil doon siya,i, nasalinan nang caniyang saquit. Ang parating

locloc, at tun~go ang ulo, para nang man~ga sungmusulat, man~ga

sastre, zapatero, man~ga babaying nagdurugtong nang abaca, man~ga

hungmahabi, at ang malauong cumanta ó tumugtog nang flauta. Ang

cungmacain naman nang man~ga mahanghang, ó nang man~ga maalat ó man~ga

maban~go.

Cun minsan naman itong saquit ay minamana, na cun gayo,i, ualang

magagauang gamot doon.

Caya cailan~gang mag-in~gat ang tauo, at pagca mayroon siyang

naramdamang saquit para nang man~ga sinabi co sa itaas, ay cailan~gang

siyang magpagamot na madali; maca cun pabayaan ang saquit sa catauan,

ang sumunod doon sa gayón ay ang pagcatuyo nang catauan niya.

Ang nagcacasaquit nang _consunción_ ó ang natutuyo ang catauan ay

nag-uubo muna nang ilang bouan calauon. Cun baga siya,i, dungmoroual ó

sungmusuca pagca cain ay yaon ang señal na caalam-alam matutuyo ang

catauan. Ganoon din cun mainit sa rati ang caniyang pagcaramdam, ó cun

siquip ang dibdib, lalo pa cun siya,i, cungmiquibo; cun ang caniyang

inilulura ay maalat, ó may calahoc na dugo; cun siya,i, namamanglao,

cun nananab-ang nang pagcain, at nauuhao; cun ang pulso,i, matulin,

malambot at munti (datapoua cun minsan matigas at puno). Ang

hungmahalili rito ay ang paglura nang berdeng maputi na may casamang

dugo. Ang cataua,i, ungmoonti dahil sa lagnat na ética at dahil sa

pauis na malaqui, na dungmaraan sa caniya touing umaga at touing gabi.

Ungmiihi pa siya nang marami, at nag-iilaguin nang malacas; na yao,i,

ang iquinahihina niya. Ang man~ga palad nang camay totoong init, at

ang muc-ha,i, pungmupula pagca cain. Ang caniyang man~ga daliri ay

totoong onti; ang man~ga cuco ay baluctot na pailalim, at nalalaglag

ang buhoc. Saca ang maysaquit ay nanghihinang totoo, lungmalalim ang

caniyang mata, hindi macalonoc; namamaga ang paa, at nanlalamig ang

man~ga dulo nang paa,t, camay, at ang sungmosunod doon ang camatayan.

Ang gagauin nang may catauan cun ang caniyang saquit ay bagong-bago

pa, ay magbago siya nang lugar, cun baga ang caniyang tinatahanan

hindi pinapasucan ó hindi natatapat na magaling sa han~gin. Saca

siya,i, magpilit sumacay na parati sa cabayo, at houag siyang hihiga

na basa ang damit. Ang lahat na caniyang cacanin ay ang man~ga ualang

liuag matanao sa sicmura: caya ang bagay lamang sa caniya ay ang

man~ga gulay at ang gatas. Dito sa lupa nang Filipinas magaling ang

gatas nang cabayong babayi. Na-aari naman ang gatas nang babaying

tauo, at ang magaling ay doon na sumuso ang maysaquit. Ang gatas nang

cabayong babayi iinumin cun mainit pa, na bagong galing sa suso. Ang

isang inom ay dalauang taza, na yao,i, gagauing macaipat maghapon, ó

macaitlo man lamang. Ang gatas ay doroonan nang ilang sopas na

tinapay. Cun ualang gatas nang cabayong babayi na-aari ang sa baca, ó

ang sa cambing; datapoua cailan~gang alisin ang pinacataba noon. Cun

ibig nang maysaquit ay masasamahan ang gatas nang caonting canin.

Macacain naman nang maysaquit ang man~ga bun~ga nang cahoy na totoong

hinog para nang man~ga atis etc. Cun baga nararamdamang mabigat sa

sicmura ang gatas, ay hulugan nang caonting azucal.

Cun ang maysaquit ay nag-iilaguin dahilan sa gatas, ay cumuha ca nang

man~ga paa,t, sipit nang hipon, iyong bayohin at isama mo sa gatas.

Ang guinagaua nang iba hindi ang gatas cundi ang _suero_ noon, siya

ang iniinom. Caya cun baga nacacayanan ang suero nang sicmura nang

maysaquit, ay mabuti inumin niya yaon; houag lamang uminom siya

pagcaraca nang marami hangang hindi pa bihasa. Datapoua gamitin man

nang maysaquit ang gatas, gamitin man ang suero hindi macagagaling sa

caniya cundi ituloy gauin nang ilang bouan calauon. Maigui rin dito

ang _talaba_ na yao,i, hindi lulutuin, cundí pagcaraca,i, cacaning

hilao.

Dito sa Filipinas ang natutuyo ang catauan ay magaling uminom siya

nang _tuba sa niyog ó sa caong,_ datapoua houag ang maasim. Mabuti rin

ang siya,i, cumain nang man~ga sarisaring matamis na guinagaua sa

man~ga trapiche.

Itong man~ga uica co n~gayon ang sucat gauin nang natutuyo ang

catauan, at cun minsan siya ang nacagagaling sa marami; datapoua

mayroon pang iba na turo ni Buchan na magagaua mo cun ibig mo, at cun

minamagaling mo, na yaon n~ga ang isusunod co rito.

Cun ang saquit nang pagcatuyo nang catauan ay bago pa, at totoong

lacas nang pag-uubo nang may catauan ay masasangrahan siya nang umonti

ang caniyang ubo; at nang houag macahirap sa caniya ang pag-uubo, ay

painoming maminsan minsan siya nang isang cucharang gatas nang _dayap_

na sasamahan nang isang gayon din polot na lulutuin muna sa mahinang

apoy. Ang iinuming parati nang maysaquit ay ang tubig na pinaglagaan

nang _manzanilla;_ datapoua cun baga siya,i, lungmura nang dugo ay

houag painumin noon.

Cun baga ang maysaquit mayroong sibol doon sa caniyang baga, ay

basahin mo ang párrafo 42, at ang man~ga magcasumonod doon.

=CAPÍTULO 7.=

_Ang sintac sa dibdib, na pinan~gan~galan nang man~ga médicong

pleuresia, ó dolor de costado._

Ang Mahusay na Paraan nang Pag-Gamot sa manga Maysaquit · 第 2 / 21 段