III

Sa ilog ding yaon na kinasagipan

ni Osong n~g kanyang bunsong minamahal,

ang magamang Tuning

minsan ay nagaliw sa masayang pangpang

na siyang sumaksi sa lihim n~g buhay.

«Talusin mo irog» ang turing n~g ama,

«sa panukala ko, kung hindi nayag ka,

disin hanggang n~gayo'y

lumalagok ka pa n~g luha n~g dusa

at di lumalasap n~g m~ga ginhawa.

¿At di mo ba tantong sa buhay na ito:

salapi, salapi, ang Diyos n~g tao?

¿Bakit ka iibig

sa han~gal na Osong na dukhang totoó

gayong may mayamang iirog sa iyó?»

«¡Ama ko! ¡ama ko!» ang saad ni Tuning,

«¡kay inam n~ga pala n~g inisip natin!

salamat Diyos ko

at ang mayayamang ninibig sa akin

ay hindi natalos ang nangyaring lihim ...»

«¡Talaga! ¡talaga» ang sa amang tugon,

«daig ang nagtiyap n~g pagkakataon,

¿at aling pan~gahas

dilang sinun~galing magsasabi n~gayong

ikaw ay naglaho sa tangkay kahapon?

Para din n~g dati ang tindig mo't bikas,

katutubong ganda'y lalo pang tumingkad;

pagmasdan mo iyang

halamang nilikha n~g Hari n~g lahat,

pawang yumuyuko sa taglay mong dilag.

Sa mabining agos ikaw ay makinig

may ibinubulong na masayang awit,

saksi n~g paghan~ga

sa iyong himalang inimbot na dikit

na waring pinilas sa ganda n~g lan~git.

N~guni't ¡anong saklap sa puso ko't buhay

ang kataasan mo kung iyaagapay

sa piling ni Osong!

¡masarap pang ako ay magpatiwakal!

¡oh, Tuning! ¡oh, Tuning!» at siya'y papanaw.

Pinigil n~g bunso: «Amang pinopoon,

ako'y kaayon mo sa dakilang layon,

at isinusumpang

lilimutin ko na ang han~gal na Osong

at ako'y dalaga na naman sa n~gayon ...»

Sila ay nagyakap at siyang tumunong

ang halik n~g ama, at halik n~g irog;

sigabo n~g tuwa

ay hindi magkasyang sa puso manulos

kaya't napatabi, ang panglaw, ang lungkot ...

¡Saka magkaakbay silang nagsilakad

sa dukhang tahana'y nagtuloy umakyat;

mahiwagang ilog

na nilisan nila'y bago humalakhak

na waring inuyam ang nangyaring usap.

Nasawing Pagasa · 第 20 / 25 题