IV

Bagong namimitak sa kasilan~ganan

liwayway n~g araw, batbat n~g katwaan,

yaong m~ga ama

nagsisikilos na't nan~gagtutulinan

sa pagtuklas noong pangtawid sa buhay.

Sa gitna n~g parang namá'y namukadkad

ang hinirang ban~gong magandang bulaklak

at isinusuob

sa gintong liwayway n~g bagong ninikat

nagsasayang araw sa bayan kong liyag.

Ang napanaginip n~g m~ga bayani

na tadhanang araw sa lahi kong api,

wari'y sumisilang

n~g sandaling yaong lahát ay nagwagi

at pawang naawit n~g m~ga pagkasi.

Sampung m~ga ibong payapang magdamág

ay iniyunat na ang kaniláng pakpák;

sandalíng dumalit

bilang isang bati sa nagharíng galák

na sinasayawan n~g palundaglundag.

Tinig n~g batin~gaw ay sa Konsepsiyón

noó'y nagbalita na may kasal doón;

sa bibig n~g madla

narinig n~g lahat ang kasál na yaón

di iba't kay Tuníng na lan~git ni Osong.

N~guni't ¿sino kaya ang lubhang mapalad

na makikisumpa sa dambanang harap?

at ¿si Osong kaya?

¡oh, hinding hindi n~ga't isang taong pantas

na kinasilawan sa bunton n~g pilak!...

Ito'y si Ruperto na tukod n~g yaman

kung kaya nasilaw si Tuning na hirang;

kanyang kinalakal

pagibig at buhay; puri at katawan

na sampu n~g ama'y nakiayon naman.

Wala n~ga sa isip n~g sandaling yaon

ang pinan~gakuang binatang si Osong

at kahi't bahagya

wala sa gunita ang nasawing sanggol

na tunay mang anak ay ipinatapon.

¡Inang walang awa, pusong salawahan

sa tunay mong supling di ka na nahambal!.....

¡m~ga kulang palad!...

¡oh ang nililikha niyang kayamanan!

at ¡oh, ang babai, kung siyang masilaw!...

Huwag nang lin~guni't bayaang tuman~gis

ang pusong dinaya n~g _Oong_ matamis,

mahalin mo lamang

ang naging bulaklak n~g iyong pagibig

at dakila ka rin sa matang nagmasid.

Sa pagka't ang inang walang pagmamahal

sa tunay na supling na sa puso'y nukal,

daig pa ang hayop,

na lubhang malupit, marun~gis ang asal

n~guni't kung sa anák ay handog ang buhay.

At makalilibong masarap sa malas

ang isang dalagang sa tangkay nagulap

di gaya n~g isáng

babaing magtapon sa ilog n~g anak

bukod sa may dun~gis, sumpaan n~g lahat ...

Subali't ang lahat, di man sumagimsim

sa diwa at puso n~g magandang Tuning,

natan~ging nagdiwang

sa kanyang isipang naglayag sa aliw

na «siya'y yayaman kay Rupertong piling.»

Sampu ni Ruperto'y di kaya ang lugod

sa pagka't kakamtan ang aliw n~g loob;

boong pananalig:

ang kanyang si Tuning ay piling alindog

at wala pang dun~gis sa n~galang pagirog.

Kapwa may ligaya ang magkasingpalad;

dalaga'y sa kintab at tunog n~g pilak,

at ang isa nama'y

sa boong pagasang ang ligayang han~gad,

sarilingsarili't ang pagsinta'y tapat ...

Kasiyahang lubos ang siyang umawit

sa puso n~ga nilang hindi matahimik;

sa boong lansan~gan,

pinahan~ga nila, bawa't makamasid

n~g pagtatagumpay noong si pagibig.

Kapag salapi n~ga ang siyang nagutos

ay payayanigin itong sangsinukob,

at sa pagka't kasal

n~g isang Rupertong sa yaman ay bantog

kung kaya ang handa'y di masayodsayod.

Papanhikang bahay ay sakdal n~g dilag

at sa palamuti'y natatan~ging agad;

palibhasa'y yaman,

ang siyang naghari, ang siyang nagatas

kaya nagigitla panauhing lahat.

Lalo n~g dumating yaong bagong kasal

hiyas na ginamit sa yaman ay sakdal;

«¡Maligayang bati!»

salubong n~g lahat n~g sa puso'y nukal

bago nagsidulog sa isang agahan.

Sa pagsalosalo ay nakikisaliw

tinig n~g musikong gumagara mandin

sa m~ga bulaklak,

n~g bayang Malabong noo'y nagliwaliw

na wari'y nagtipang magsabog n~g aliw.

At naging parayso n~g ligaya't lugod

pagsasalong yaon n~g m~ga alindog;

na sinamantala

noong makikisig pusong umiirog

m~ga paroparong mababa't matayog.

Ang maamong titig, ang mariing sulyap,

panibughong n~giti, kilos na banayad,

n~g sandaling yaon

wari'y umuulang palasong matalas

na di sumasala sa puso n~g liyag.

Anhin mang lasapin ang mayamang handa

di gaya n~g dilag n~g m~ga hiwaga;

iyang mapamihag

kaligaligayang maningning na tala

sa lan~git n~g bayang luoy sa pagluha.

Lalo na ang dikit n~g magandang Tuning

namamaibabaw sa madlang kapiling,

at nakikibagay

sa kislap n~g hiyas na lubhang maningning

kaya si Ruperto'y nagmamalaki rin.

At halos ang puso sa tuwa'y umidlip

at busog na busog kanyang m~ga titig,

ni ang panauhin,

sampung kinakain ay wala sa isip

at walang nalabi kundi ang pagibig,

Hanggang sa matapos, agahang masarap

ay walang naghari kundi pawang galak

at sila'y pumasok;

ang isang matanda sa lupa'y tumawag:

«¡Sa isang naaba'y magdamot n~g habag!...»

Ang ama ni Tuning pagdaka'y nagn~gitn~git

«¡Palayasin ninyo, matandang marun~gis,

nang di mangrimarim,

m~ga panauhin sadyang nakisanib

sa kaligayahan na dulot n~g lan~git!....»

Tugon n~g matanda: «Kung ako'y mayaman

ay hindi ganito yaring kalagayan,

gulanit na damit

di ko isusuot: ako'y masusuklam

n~guni't pagka't wala'y inyong pagtiisan.

At kung kaya lamang ako'y naparito

iyang bagong kasal ay babatiin ko

naging sumbat nama'y

«¡Huwag kang umakyat at maraming tao

na nakahihiya ang abang lagay mo!....»

«Di ikahihiya aking kasalatan

huwag lang sabihin na sakim sa yaman

sa pagka't ang dukha

ay di alan~ganin sa harap nino man

at isa ring anak n~g poong Maykapal.

At sa mundo'y walang nalalagdang batas

sadyang nagbabawal sa pakikiharap,

n~g isang timawa't

kung ipan~gin~gimi ang mukhang mahirap

ang sabik sa yama'y lalong nararapat.

Kaya itulot nang ako'y makapasok

maligayang bati'y aking ihahandog

sa m~ga mapalad,

n~gayo'y nagsisumpa sa harap n~g Diyos ...»

«¡Tuloy na n~ga kayo!....» maasim na alok.

Baga man masaklap sa puso at dibdib

doo'y patuluyin, matandang marun~gis,

ang ama ni Tuning

ay namayapa na't nakiayong tikis

pagka't sumusugat ang bawa't isulit.

Ipinan~gan~gambang baka pa lumala

pagbaban~gon puri n~g abang matanda

na di dumadaplis

ang bawa't ituring sadyang tumatama

sa ama ni Tuning, sa mayamang mukha.

Kaya't ang matanda nang di tumitinag

sa pagkakatayo'y nilapitan agad;

«Tayo na po kayo;

magtuloy po sila't kusang makigalak

sa dakilang araw n~g pagisang palad....»

At nagtuloy na n~ga n~g puspos na galang

yaong bagong kasal, minatamataan;

mana'y may dinukot,

sa loob n~g damit na isang larawan

at anya'y «¡Oh, Tuning, tanggapin mo laman!..»

Pagdaka kay Tuning, pumulas ang luha,

mukha ay naglaho, nagapos ang dila;

si Ruperto nama'y

di rin nakakibo at napipi rin n~ga

at ang kain~gaya'y biglang namayapa.

N~guni't ang matandang ama n~g babai

ay naglakas loob at ipinagsabi:

«¿Ano po ang dala

at isang larawan n~g batang lalaki

na siyang sa lahat ay nakapipipi?»

Tugon n~g pulubi'y «Inyo pong kilanlin

at ito ay isang kamaganak mo rin ...»

yaong bagong kasal,

di na nakabata't inagaw nang tambing;

«¡Ito ang anak ko, at tunay na supling!...»

Tuloy hinimatay; luhang mapapait

ang sa kanyang pisn~gi, pagdaka'y dumilig;

lahat ay nagulo't

nang mahimasmasan, mata'y itinirik:

«¡Patawad Osong ko, sa nagawang lihis!...

Sa laot n~g dusa, ako'y ipinadpad

n~g lubhang marun~gis at masamang palad;

nagtaksil n~ga ako't

inang nagmalupit sa tunay na anak

subalit sa n~gayo'y ¡¡patawad!! ¡¡patawad!!»

At untiunti nang, nalagot ang hin~ga

at noong maburol sumugod ang ama:

«¡Ikaw na pan~gahas,

pulubing naghayag n~g lihim at dusa

dapat kang mamatay! ¡uutasin kita!...»

N~guni't ang pulubi'y umurong sandali;

hinubad ang damit at noon nawari,

na siya'y si Osong

¡laking pagkamangha; lahat ay nan~gimi

at yaon ang giliw n~g babaing sawi!

«¡Ikaw na matanda na sakim sa yaman,

uhaw sa tungkulin at sabik sa dan~gal,

na nan~gan~galakal

n~g puri n~g supling ang dapat mamatay

at di akong dukhang inyong inagawan!...»

At saka umakmang tarakan ang puso

noong lilong amang masakim sa ginto;

subali't ang lahat

pagdaka'y umawat, pagdaka'y bumuno

hanggang maibaba't naglapat n~g pinto.

N~guni't ¿si Ruperto'y saan naparoon?

at ¿bakit nawala sa sakunang yaon?

¡walang makaalam!

palibhasa'y lihim na tumakas doong

umilag marahil sa n~gitn~git ni Osong.

At doon natapos yaong kaguluhan

na noong umaga'y isang kasayahan;

sa bibig n~g madla,

pagpuri't pagkutya, pagbunyi't paguyam

ang namumulaklak na lipatlipatan.

Hanggang sa lansan~gan, noo'y sumabog na

balitang masaklap, mapait na bun~ga

n~g han~gad sa yaman;

ibang makamatyag lihim na tatawa

bago tutuguning «¡Nasawing Pagasa!»

¡Oh, m~ga magulang na silaw sa pilak

na nan~gan~galakal n~g puri n~g anak,

man~gagnilay sana,

bago magsisubo sa guhit n~g palad

at baka madapa sa gitna n~g landas!...

¡Oh, m~ga babaing masakim sa yaman

pagibig at puri ay niyuyurakan,

bumalikwas kayo't

inyo nang baguhin ang kinahiligan

upang makailag sa kasakunaan!...

At tuloy tantoing masarap pang tikis

ang pan~galang _dukha_ o _anak n~g pawis_

kay sa sa mayaman,

kung pinupulaan n~g bala na't bibig

na nakatatalos n~g lihim n~g dibdib.

[Larawan]

V

Nang kinabukasan at gabing madilim

sa isang libin~ga'y naglalamay mandin,

yaong si Ruperto;

sa kinalagakan n~g bangkay ni Tuning

doon nakaluhod n~g lubhang taimtim.

Ang kapayaang naghahari doon

ay ginagambala n~g kanyang pagtaghoy:

«¡Ay, sawi kong palad!...»

wikang naghinagpis saka idinugtong

«¡buhay n~g buhay ko, patawad oh, poon!...»

At bago tumayong yumakap sa kurus,

luhang mapapait sa mata'y nanagos,

matimyas na halik

kanyang iginawad saka naghimutok

«¡Tuning n~g buhay ko, tanggapin mo irog!...

Iyan ay sagisag n~g aking pagibig

at nariyan ka man sa bayang tahimik

ay di nililimot

at sa bawa't tibok n~g puso sa dibdib

pan~galan mo lamang, siyang nasasambit.....»

Mana'y napailag naganyong bayani,

lumayo sa kurus at ipinagsabi:

«¡Pusong magdaraya!...

¡papatayin kita! ¡hayo na't magsisi!...

¡kulang palad ka n~ga, nasawing babai!...»

Sandaling tumigil at tumawatawa,

«¡Aba si Tuning ko, kay ganda mo pala!...»

sa harap n~g kurus

ay muling lumuhog at humalik siya

«¡Tanggapin mo irog at lambing n~g sinta!...»

Anaki'y napasong biglang itinulak

n~g kurus na yaon noong kulang palad

«¡Abá si Tuning ko!...

at nagtatampo na, sa aking pagliyag ...

¡ha!... ¡ha!... ¡ha!... ¡ay kahabaghabag!...

Hayo na, hayo na, gapasin ang lugod

naito ang yaman, kandun~gin mo irog;

¡aba't n~gumin~giti!...

¡pusong magdaraya, salawahang loob,

papatayin kita, dapat kang matapos!...

At kung ang gaya mo, ay pababayaang

lumawig sa mundo n~g dalita't lumbay

ay di malalagot,

ang m~ga panaghoy, ang m~ga sumpaan ...

¡aba si Tuning ko, nahihiya naman!...

N~guni't huwag Tuning, huwag kang tumañgis,

ang pagsisisi mo'y aking naririnig;

datapwa't irog ko,

umahon ka rito't ako ay hahalik

sa m~ga pisn~gi mong sakdalan n~g dikit ...

¿Di ka makalabás? sandaling magantay

at babawasan ko ang tabon n~g hukay.»

Lumapit sa kurus,

tinutop ang noong wari'y nagninilay

tuloy na binunot ang tanda n~g patay.

«Kaunti na lamang, Tuning n~g buhay ko,

huwag kang mainip at makakamtan mo;

mithing kayamanan,

aking hahawiin ang tabon sa iyo ...»

at nagkukutkot n~gang anaki ay aso.

Sa dulong silan~gan nama'y namanaag

masayang liwayway n~g araw n~g bukas,

doon sa libin~gan

ay siyang pagpasok noong kulang palad

binatang si Osong, sawi sa pagliyag.

Kanyang aaliwin ang dusa n~g loob

dahil sa pagasang sinawi n~g lungkot;

sa boong magdamag,

ay di mang nagalay n~g munting pagtulog

kung di pawang sakit, dalita't himutok.

Subali't nabiglang natigil sa landas

abang si Ruperto'y nang kanyang mamalas

na nagkukukutkot

doon sa libin~gan noong kulang palad

kasaliw sa hibik ang luhang nanatak.

N~guni't di napigil, sigabo n~g poot,

patakbong lumapit sa nagkukukutkot;

«¿Sino kang pan~gahas,

lilong gagambala, kay Tuning kong irog?

na namamayapa sa kanyang pagtulog?...»

Tugon n~g Rupertong wikang tumatan~gis

«¡Ay Tuning!... ¡ay Tuning! ¡maawa ka lan~git!...»

at tuloy lumuhod,

sa harap ni Osong at siya'y humalik

kasabay n~g yakap na lubhang mahigpit.

Ang poot ni Osong, lalong naglagablab

kanyang iniwaksi, ang pagkakayakap;

abang si Ruperto,

sa maruming lupa'y nasubasob agad

at napahandusay sa libing n~g liyag.

Sinakyan ni Osong; pinigil sa batok

at ang sundang niya'y madaling binunot,

bago iniyakmang

«¡Papatayin kita!... ¡dapat kang matapos

nang makilala mo kung sino ang Diyos!...

¿At bakit nan~gahas dito sa libin~gan?

¿bakit huhukayin ang sinta n~g buhay?

¡pusong walang bait!

kahi't anong sama, n~g taong sino man

kapagka namatay, dapat mong igalang..»

«¡Tuning ko! ¡Tuning ko!» ang nagiging tugon

«¡oh, anong lupit mo, kay lakas mo n~gayon!.»

tinablan n~g sindak,

ang ating binatang may n~gitn~git na Osong,

at ang yapus niya'y ¡tunay palang ulol!

Tuman~gis ang puso, nagluksa ang dibdib,

sisi, habag, hapis, sa kanya'y naniig,

kaya't ibinan~gon;

«¡Diyos ko! ¡Diyos ko! ¡mahabaging lan~git,

pawa na bang gabi, itong tinatawid!...

At bago niyakap, kaharap na baliw

«Sa aking inasal ako'y patawarin ...»

tumbas ni Ruperto

ay isang mataos, halik na mariin,

«¡Tuning n~g buhay ko, kay sarap mo giliw!...»

«¡Diyos ko! ¡Diyos ko!» ang hibik n~g Osong,

«¡pagkalupitlupit lakad n~g panahon!...»

at kanyang inakay

abang si Ruperto't wikang idinugtong

«¡Tayo na! ¡tayo na!...» at sila'y yumaon.

Habang lumalakad, dalawa'y nagsabay

na isinusumpa ang abang namatay:

«¡Oh, Tuning! ¡oh, Tuning!...

¡ikaw n~ga ang sanhi n~g lahat n~g lumbay

n~gayo'y tinatawid nitong aming buhay!...

At pawa n~g gabing lubhang masusun~git

na kasindaksindak, tanghalan n~g sakit,

ang siyang sa n~gayo'y

laging nilalayag n~g palad na amis,

ikaw, ikaw Tuning, ang dahil n~g hapis ...

N~guni't masaklap man ang nasapit naming

laging naglalayag sa gabing madilim,

pumayapa lamang

ikaw sa tahimik, mapanglaw na libing

at sa amin yao'y kapalaran na rin ...»

At doon natapos, ang lahat n~g sumpa

doon din tumulo mapait na luha;

¡oh, kahabaghabag

na palad ni Tuning, babaing naaba

natan~gi ang lan~git, siyang nagluluksa!...

¡Oh, taksil na pita sa dan~gal at yaman,

ang lahat n~g ito'y iyong kasalanan;

ang busabusin mo,

kahi't man umidlip doon sa libin~gan

sumpang sunodsunod, walang katapusan!...

Pagka't sa bayan mang sinilan~gan niya,

bawa't makabatid ay napapatawa

at tan~gi sa sumpa,

paghabag, pagiring ay isusunod pa:

¡Nasawing Pagasa!... ¡Nasawing Pagasa!...

Nasawing Pagasa · 第 21 / 25 题