Kasaysayang Tagalog

_Dahil sa kagahulán

sa panahón at dahil

sa kakula~gan

pa sa n~gayón n~g

m~ga gagamitin, ay

hindi nasunód ang

m~ga t u l d í k na

nasa orihinál._

¡Nasawing Pagasa!

I

Mapangláw ang lahát, ang gabí'y tahimik

at ang buwán noóng dapat nang sumilip,

nagtatago pa rí't

sa sangkatauhan ay nagmámasun~git

bitui'y gayón dín at nakíkiwan~gis.

Ni isáng himutók walang mapakinggáng

sukat gumambala sa katahimikan;

¡oh, ang aking lahi!...

payapangpayapa sa kanyáng hihigán

habang nawíwili ang m~ga kalaban.

Huni n~g kuliglíg, tinig mán n~g ibon

ay kapanglawan dín, dinadalit noón;

m~ga makata mán,

siyáng tinutula n~g sandalíng yaón

ang sun~git n~g pangláw, lagáy n~g panahón.

Anó pa't ang lahát ay yapús n~g lumbáy

hihip mán n~g han~gin, mandi'y palaypalay;

habagat má'y salát

at pawáng dalita, ang balitang tagláy

na kung pakikinggán ay taghóy na ¡ay!... ¡ay!...

Subali't sa isáng maralitang dampa

sa bayang Malabóng saksí n~g pagtula:

nagáalimpuyó,

ang lugód, ang sayá, ang galák, ang tuwa

sa piling n~ga noóng dalawáng nunumpa.

Itó ay si Tuníng na piling alindóg

kapiling n~g kanyáng tan~gíng iníirog,

pan~gala'y si Osong

na lipi n~g dukha't di lahing matayog

at binatang Udyóng na ulilang lubós.

Payapa n~gá silá, sa pagkákaupo

siyáng ináani; galák n~g pagsuyo,

pinagúusapan,

ang ikárarangál n~g kaniláng puso

na ganitóng saád nang minsáng mahinto:

«Kay damot mo namán,» kay Osong na sabi,

«isáng halík lamang, itulot mo kasi,

nang ako'y maalíw

at nang magkaroón n~g isá pang saksí!...»

«¡Ayáw ko! ¡ayáw ko!...» kay Tuníng na tanggí.

«¡Halina irog ko!» «¡Ayaw ko! ¡ayaw ko!...»

«¿Diyata't ayaw ka?» «¡Talagáng totoó!»

«¡Halina! ¡halina!

¡isáng halík lamang!...» «¡Kay ulitulit mo!»

«¡Isáng halík lamang!...» «¡Tawad ko sa iyó!»

«¡Ah! at iyán bagá, ang lagi mong turing

na lubháng dalisay pagibig sa akin ...

¡Ikáw ang bahala!...

kung natuto akóng sa iyó'y gumiliw

magisá sa dusa'y matútutuhan din ...»

«¡Nagtampó na namán!...» «¿Sino bagáng puso

ang makababatá n~g asal mong liko?»

«¡Huwag kang magalit!

ang ginagawa ko, ay m~ga pagsuyo ...»

«Pagsuyo sa iyó; sa aki'y panghapo ...

Ikáw ang bahala, ako'y mapagtiís

at ipatay mo mán ang lahát n~g sákit

ay tatanggapín ko;

n~guni't ang hiyain, ang isáng ninibig

libong kamataya'y labis pa n~g tamís ...»

«¿Hiniya ba kitá? ¡Di ko ginagawa!...»

«¿Ginaganáp n~gayó'y di bagá paghiya?»

«Hindi, aking giliw,

at ang aking puri ang nagugunita

na baka kung ...» «¿Kulang bang tiwala?»

«Di lamang sa gayón,» «¿Sa anó pang bagay?»

«Katungkulan naming magin~gat na túnay,

at ang unang halík,

ang katimbang noó'y sampu nitóng buhay

sa pagka't daig pa, ang gawáng pakasál.

¿Hindi bagá Osong?» «Tapát ang turing mo,

at ang pagkakasál ay pakitang tao;

subali't ang halík,

saksíng akin ikáw, at akó ay iyó,

kaya itulot na; halina irog ko ...»

Iláng pang «¡Ayaw ko!» at iláng «¡Halina!»

bago pinagusap ang labing dalawá;

tumunóg ang halík;

nilimot na yatang silá'y may hinin~gá

na dapat malagót sa daratning dusa.

Hayán n~ga ang tuwang na~ghari sa puso

n~g dalawáng yaóng isá sa pagsuyo,

kaya ang paalam

n~g ating binatang anaki ay biro:

«¡Sarili na kitá, búhay má'y mapugto!...»

[Larawan]

Nasawing Pagasa · 第 18 / 25 题