SANTONG ARAL NANG ISANG MAGULANG SA MAN~GA ANAC BAGO PUMANAO SA MUNDO.

_Si Feliza cay Urbana_.--PAOMBONG....

URBANA: Igayac mo ang loob mo sa pagtangap nang isang balitang mapait

sa loob, at ang pag cunang halimbaua yaong sumo sacerdote na

binalitaan ni Samuel na pag dadalhan nang Dios nang maraming hirap;

siya ang Pan~ginoon co,i, gauin ang minimatapat sa caniyang man~ga

mata.[99] Mumulang co ang salita.

Si ama nang á las siete nang umaga, na nangaling sa pag sisimba ay

natisod sa lansan~gan, narapá ay nabalian sa dibdib. Capagcarapá ay

dinampot co,t, aquing quinalong. Di co masabi sa iyo ang dinamdám cong

dalamhati nang na sa aquing candun~gun na. Aquing namasdan na

napipiquit ang matá, ang dibdib ay nag tatahip, hinahabol ang

hinin~ga, cataua,i, nalulun~gayn~gay at di macáyanan. Gayon man ay

tinapan~gan ang loob, nag pilit cumilos at tinaponan aco nang sabing

caalio-alio: _huag cang matacot anac co at ito,i, lilipas din_. Sa

salitang ito,i, ang naisagot co,i, isang buntong hinin~ga at isang

patac na luhang tumama sa noó ni ama. Siya namang pag dating ni ina at

ni Honesto, pinag tulun~gan namin binuhat, at inioui sa bahay. Dito co

na nahalata na tayo,i, man~gun~gulila, na hindi nalaon nang pagca higá

sa banig at naparaing na masaquit ang ulo, nag sisiquip ang dibdib,

inaapóy nang lagnat at nang hipoin co ang camano ay naramdaman co na

gulong-guló ang pulsó. Nang á las seis nang hapon cami ay tinauag na

lahat sampuo ni Amadeo, at sa ami,i, nag pahayag: ang tauo ang uica,i,

nan~gin~gibang bayan dito sa lupa,[100] at hangang nan~gin~gibang

bayan ay dinaratnan nang susong susong hirap; na cucubcób nang

pan~ganib, na cun di tibayan ang loob ay ipag cacasala sa Dios. Cun

malapit nang matapos ang caniyang pan~gin~gibang bayan, mahahan~go na

sa hirap, maliligtas sa pan~ganib at macapapanood sa Dios, ay di dapat

mahapis cun di matoua. Ang caloloua co,i, malapit nang maalis sa

catauan cong masiquip na bilangoan, ay nagcacamit nang toua at naca

ririnig nang magandang balita na pa sa sa bahay na nang Dios.[101]

Caya ang carampata,i, cayo,i, maquiramay sa quinamtan cong tua, at

cahiman at aco ay pumanao sa mundo ay di co ring cayo lilimutan sa

harapan nang Dios.[102]

Nang matapos itong masaysay ay ginin~ging siya,i, pacompisalan, at

nang maca pag compisal ay gumayac naman sa paquiquinabang. Nang

marinig na ang tugtog nang campana sa pag labás nang Viatico, ang

catauan ay sumigla, nag bago nang lacas, sa muc-ha,i, nag ningning ang

isang cauili-uiling saya, na anaquin baga,i, hindi mamamatay sa saquit

na iyon. N~gunit, naquilala co na ang siglang iyon at caligayahan na

hindi cabati nang caniyang mabigat na saquit, ay di ang pinag

cadahilana,i, ang siya,i, maca tauid pa cun di ang pag dating nang

sinisintang Dios, na sa caniya,i, dadalao. Marahil Urbana,i, na

aala-ala mo pa na madalas na pan~ganlan ni ama na Sacramento nang pag

ibig, sang-la nang pag ibig ang casanto-santosang Sacramento sa Altar

caaya ayang bansag na caniyang namana cay Santo Tomás de Aquino Doctor

nang Santa Iglesia at Angel sa pag ibig,[103] caya sa oras na ito ay

pauang pag ibig sa Dios ang caniyang ipinaquita. Nang maquita na ang

Sacerdoteng may dala sa mahal na Sacramento, ay nag pilit lumuhod, na

paalalay cay Honesto,t, sa aquin, at nang maluhod na ay aming narinig

na sinambit yaong cay San Bernardo; tingni,t, narating na ang aquing

casi. Nang maca paquinabang na ay nag pasalamat sa Dios at hinin~gi sa

amin na siya,i, ihiga oli. Nang masangcapán nang Sacramentong

Extremauncion ay pinapag daop ang camáy, ibinabá ang matá at hinin~gi

cay Honesto na ipamuno sa caniya itong maicling panalan~gin.

¿Ano caya bagá Dios co ang igaganti co sa iyo sa lahat nang anang

ipinagcaloob mo sa aquin?[104]

N~gayon tinangáp co ang mahal na Caliz na cabuhayan co,[105] ay

sasambitin co at pupurihin ang iyong pan~galan, at sa oras na ito nang

pag panao sa mundó ay inaasahan co na ipag tatangól mo aco sa man~ga

caauay co.[106].

Icao caloloua,t, boong catauan co,i, mag pasalamat sa Dios, at ipag

bunyi,t, purihin ang cagalang-galang na caniyang pan~galan.[107]

Icao caloloua co,i, mag handóg nang puri sa Dios, at houag mong

limutin ang di maisip na caniyang ipinagcaloob sa iyo.[108]

Ang Dios ang nag patauad sa iyong man~ga casalanan, at ang dilang

saquit mo,i, guinagamòt, niya nang caniyang aua.[109]

Ang ganitong pag papala mo sa aquin ay isinisiualat nang caloloua co

sa sang daigdigang pinaghaharian mo, at inaanyayahang con mag puri sa

iyo ang boo mong quinapal.[110]

At sa oras na ito nang aquing camatayan ay houag mong ipahintulot na

magahis ang caloloua co nang man~ga demonio, caya ipinag tatagobilin

co sa man~ga camay mo yamang sinacop mo nang mahal mong dugó, oh Dios

na Pan~ginoong co.[111]

Nang matapos siyang magpasalamat sa Dios, cami ni Honesto ay linin~gon

at pinan~garalan; hangang cayo,i, nabubuhay man~ga anac co houag

ninyong limotin ang tacot sa Dios, at inyong itanim sa dibdib yaong

cauili-uiling auit sa Dios ni Guinoong Santa Maria: ang aua nang Dios

ay ilinalagui sa may tacot sa caniya, hangang caapo-apohan.[112]

Caiin~gat sa pagcacasala, at nga~yong aco,i, lilipat na sa isang buhay

ay ang cabilin-bilinan co,i, cun aco,i, naquitaan ninyo nang masamang

halimbaua, ay houag tularan, ihin~gi ninyo aco nang tauad sa Dios at

nang aco,i, patauarin naman, at naquitaan ninyo aco nang magandang

gaua ay inyong pagcunang uliran. At hangang nabubuhay cayo,i, houag

macalilimot sa Dios caiin~gat na mahulog cayo sa casalanan.[113] Cun

itong man~ga huling bilin nang mamamatay ninyong magulang cun marápat

na macapanood sa Dios, ay di co cayo lilimutin, at magmula sa lan~git

ay igagauad co dito sa inyo sa lupa ang aquing bendicion. Nang matapos

itong maipan~gusap ay binuhat ang canang camay, pinahalic si

Honesto,t, aco, at cami binendicionan.

Nang mabendicionan cami, ay ang saysay: ang caloloua co, Dios na

Pan~ginoon, ay nagnanasa nang manood sa iyo, nagdaramdam nang uhao;

para nang paghanap nang uhao na usa sa bucal na tubig.[114] Nang

maipan~gusap ito ipiniquit ang mata,t, siyang pagcalagot nang

hinin~ga.

Si ina, Urbana ay ualang pagcasiyahan nang dalamhati, palaguing na sa

suloc, ayao tumiquim nang canin, at ualang sariling lacas na ipagtiis

nang hirap nang pan~gon~golila sa isang esposong hindi nacapagbigay sa

caniya nang munti man lamang dalamhati. Si Honesto,i, tumatan~gis,

dinaramdam ang caniyang pan~gon~golila sa panahon nang cabataan,

n~guni,t, di maquitaan nang labis na pagpipighati hindi maringan nang

ulol na pa nambitan, marunong magtipid at ang cabaitang taglay ni

Honesto na caniyang pan~galan ay siya ring ipinahahalata.

Icao capatid co, ay ipinagbilin ni ama cay ina,t, sa aquin na houag

cang pabayaan, houag panghinayan~gan ang caonting salaping guinugol,

ipamanhic sa iyo na cun mamatapatin mo,i, pumasoc ca sa isang

Beaterio, tumalicod sa mundò, ipan~gaco mo sa Dios ang calinisan

hangang sa camatayan. At ang uica niya,i, ang man~ga panalan~gin mong

malinis na para nang isang vírgen, ay inaasahan niya na aaquiat sa

Lan~git na para nang inciensong haharap sa Dios, icaguiguinhaua niya

doon sa isang buhay at dito sa lupa,i, ipag cacamit nang magandang pag

papala nang Lan~git nang caniyang maiiuang familia.[115] Bilin pa sa

amin na houag ibalita sa iyo ang caniyang pagcamatáy, cun di cun

siya,i, malibing na. Gayon ang bilin, at nang houag ca nang parini, at

nang di na pagca abalahán, at nang di naman macasira sa loob mo. Cun

ano ang bilin ay siya co namang sinunód.

Sa pag cacasaquít ni ama, sa pagca burol, at paglilibing, marami ang

nag si dalao, naquiramay sa aming hapís, marami rin naman ang

quiquilalaning utang na loob sa canila, n~guni sa caramihan nang

dumalao, ay dili naualán nang tauong cun di nasansala, ay nacaguló

disin sa may saquit. Marami rin naman ang di nacararamay sa hirap, cun

di sucat dising maca pag bigay galit, dan~gan ang cami ay nag hahauac

nang loob. Di co na paca saysayin sa iyo,t, yamang na aaninao mo, at

nang di naman nacarurun~gis pa sa sulat na ito. Adios, capatid co

alalayan nauá nang Lan~git ang mag durusa mong dibdib.--FELIZA.

Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza · 第 55 / 61 题