CAHATULANG UCOL SA PAG AYON SA CALOOBAN NANG DIOS

_Si Urbana cay Feliza_.--MANILA ...

FELIZA: Sa sulat mo sa aquin ay napag tanto co ang mulá nang saquít ni

ama sampo nang caniyang pagca matay. N~gayo,i, ano ang mauiuica co sa

iyo cun di ang umayon sa calooban nang Dios. Ano pa ang ating gagauin

cun di ang alalahanin siya doon sa isang buhay. Ano ang ating

iaala-ala sa canyang caloloua, cun di ang pag papasaquit sa catauan,

ang pag aayunar, ay ihandóg natin sa Dios, upan ding icacauas niya sa

casalanan, sacali,t, may pinag durusahan pa siya sa purgatorio. Ipag

handóg nang santo Sacrificio nang misa sa pagca,t, cun catungculan

nang anac ang sumaclolo sa magulang cun dinaratnán nang hirap dito sa

buhay na ito, ay lalong daquila ang caniyang catungculang tumulong at

sumaclolo doon sa isang buhay.

Ayon sa sabi na si ina,i, nag dadalamhating masaquit, ang hatol co sa

iyo,i, ipanalan~gin mo sa Dios na bigyang caaliuan, sa pagca,t, sa

Dios at di sa quinapál sucat nating asahan ang caaliuan nang ating

caloloua.[116]

Sabihin mo cay ina na dumaramay sa caniyang hapis ang sacerdoteng

director co, ipinamamanhic sa caniya na basahin itong casunód na

man~ga cahatolan.

Minatapát nang Dios na cunin na dito sa lupa ang caloloua nang iyong

esposo, ay ano ang ating uiuicain cun di ang dumating na ang panahong

tadhana nang caniyang capangyarihan. Dumating na ang panahón nang pag

ganti sa caniyang magandang gauá. Ang Dios ay di nag cacamali, di naca

pag daraya,t, di naman napag darayaan. Cun nauucol na damdamin ang

pagcamatay nang isang minamahal natin, n~guni nauucol naman na ang

loob natin ay iayon sa calooban nang Maycapal, at nang icarapat natin

ang pagdaramdam nang hirap. Ang magandang halimbaua na ipinaquita sa

atin ni Jesucristong Pan~ginoon ay dapat alinsunurin. Nang gabing pag

tiponan nang di mamagcanong, sáquit ang caniyang dibdib, ay

nanalan~gin sa Dios Ama at nan~gusap: houang ang calooban co ang

siyang mangyari, cun di ang calooban mo. Ano ang nararapat n~gayon cun

di ang pag cunang uliran itong maalam na Maestro, at uicain: houag ang

calooban co ang papangyarihin cun di ang calooban mo, Dios co.

Houag uicain, na cun di nagca malí ang médico ay di sana namatày, cun

di guinamót nang mahusay, cun pina inóm nang gayon, cun tinapalan nang

ganoon, di disin napahamac. Ang buhay nang tauo,i, pag dating sa guhit

ay di maca lalampas, at pag dating sa guhit, cahit ang médicong

gumamót ay carunong-dunon~gan ay nasisira ang dunong, hindi maquilala

ang saquít, hindi matutuhan ang tapal na gamot. Dinguin ang nangyari

sa Seraphin sa pag ibig cay Jesús na si Santa Teresa de Jesús.

Nagca saquit nang mabigát ang isang mongja na minamahal niya,

sapagca,t, caramay-ramay niya sa hirap.

Isang arao ay nasoc sa silid nang may saquit ang médicong gumagamót,

ay naquita nitong santa na pinipirin~gan sa matá nang isang Angel.

Dito niya naquilala na cun ayao ang Dios, ang médico,i, di matutong

gumamót sa may saquít, at ualang matutuhang gauin, caya uinica sa loob

na dumating na ang capanahonan na ang mongjang iyon ay palipat na sa

isang buhay. Caya ualá siyang guinaua cun di ang umayon sa calooban

nang Dios. Sino ang iyong tutularan cun di itong mahal na santa.

Nababasa rin naman sa buhay nang santo Job, na minsan ay may isang nag

balita sa caniya: ang lahat mo ang uicang baca at asnos ay ninacao

nang man~ga abeos, at ang man~ga tauo mong upahan ay pinag papatay na

lahat, aco lamang ang nacatanan at nang sa iyo,i, maca pag balita. Di

pa tapós ang salita,t, may dumating namang isa, at ang sabi, ang iyo

ang uicang obejas at pastores ay pinanaogan nang apóy na galing sa

Lan~git, nasunog na lahat, aco lamang ang naca ligtás at nang sa

iyo,i, maca pamalita. Nag sasalita pa siya,i, may dumating namang isa

na nag saysay: tatlo aniyang pulutong na man~ga Caldeos ang dumating,

ninacao ang iyong man~ga camellos, at pinag pugotan ang man~ga taong

nag aalaga, aco lamang ang nacatanan at nang sa iyo,i, maca pag sabi.

Di pa tapós ang salita nitong nagbalita, ay may dumating pang isa na

nag sabi naman: ang man~ga anac mong babaye,t, lalaqui, aniya,i, nag

si cain sa bahay nang capatid na pan~ganay, caraca-raca,i, dumating

ang isang bag-yo na galing sa parang, nauasac ang apat na suloc nang

bahay, nahapay, nadaganan at namatay na lahat ang anac mo, aco lamang

ang naca ligtas at nang sa iyo,i, maca pag sabi. Sa balitang itong

capait-paitan, si Job ay nag dapâ sa lupa, nanalan~gin sa Dios at nag

saysay: hubad acong lumabas sa tiyan nang aquing ina, ay hubad din

namang mananaog aco sa hucay. Dios ang nagbigay, at Dios din ang

bumáui: purihin ang cagalang galang na n~galan nang mahal na

Pan~ginoon.

Manghinuha, icao at sinomang may hapis dito cay santo Job na uliran

nang pag titiis. Hindi tinun~gayao ang Lan~git na pinangalin~gan nang

apoy, na sumunog sa caniyang man~ga obejas; di nag bantang manghiganti

sa man~ga Caldeos, na numacao nang caniyang man~ga camellos, cung di

ang uinica,i, purihin ang Pan~ginoon Dios. Ano ang gagauin mo naman

cun di ang igalang ang matataas na lihim nang Lan~git, umayon sa

calooban nang Dios, at di ang umayon lamang cun di ang, siya,i,

pasalamatan at uicain: Dios ang nag bigay sa aquin nang isang mabait

na esposo, ay Dios din naman ang bumaui; purihin ang cagalang galang

na caniyang pan~galan.[117]

Ang man~ga cahatolang ito, Feliza, ay sabihin mo cay ina na ariing

balsamo na igamót sa sugat nang caniyang puso, i alio sa hirap nang

caniyang pan~gon~golila. Na ulila siya sa esposong tauo, ay may isa

naman na lalong caibig-ibig na esposong Dios, na pag uucolan nang

caniyang pag ibig, at mag bibigay caguinhauahan sa calaotan nang dusa.

Ayon sa sabi mo, Feliza, na sa nag si si dalao ay may nararapat na

quilanlin cang utang ay mayroon din namang na capag bibigay dalamhati,

ay parang nahulaan co ang inalilihim mong cahulogan.

Sa nag si si dalao sa man~ga may saquít ay may maquiquita cang tauo na

cahan~galan, ó sa caculan~gan nang bati na pinag aralan, caracaraca,i,

papasoc sa silid nang nag hihirap, di na pinag iisip na siya marahil

doo,i, maca rarami pa, at sa lugar na maca guinhaua, ay lalong naca

pag papahirap, at ang pobreng may saquít ay halos di na maca hin~ga sa

dami nang tauo. May maquiquita ca naman na may bumabasa sa tabi nang

panalan~gin, at may nag tatauanan sa tabi nang hihigán, nag bibiroan

na anaqui baga,i, iyon ang sinadya at di ang pag tulong sa may saquít.

Ano ang magagaua mo sa man~ga tauong ito, cun di ang cahabagan mo ang

canilang cahan~galan at di carunun~gang maquipag capoua tauo. N~guni

di dapat ipahintulot nang isang pinagcacasactán ang gayong man~ga

caasalan. Dinguin nitong man~ga han~gal na tao ang sabi sa aquin nang

isang naca ligtas sa isang mabigát na saquít: aco aniya,i, dinatnán

nang isang saquít na malaot cong dinamdam. Nang aco,i, tumindi na,t,

ualá nang médicong gumamót sa aquin, at ang uica,i, ualang pag sala,t,

di aco mamamatáy, ang catauan co,i, di co na maiquilos at ang boong

asa nang aquing esposa,i, di na aco mabubuhay, ang lahat na salitaan

nang aquing man~ga casambahay, cahima,t, bulon~gan ay naririnig co. Sa

bagay na ito,i, ¿ano caya ang isasaloob nang isang naghihirap cun

naiinis sa tauo,t, naca ririnig nang tauanan? Hindi malayong mapoot sa

dami nang tauo, at mag hinala na siya,i, pinag tatauanán. At ang

casasapitan ay ang na dalao sa may saquít ay siya ring nag papasaquít.

At cun magca bihira,i, siya pang naca tutucsó.

May maquiquita ca namang na pa sa sa bahay nang patáy na may panyóng

lucsá at ang baro,i, pulá, ¿ano ang ipinaguiuica sa canila nang man~ga

tauong ito? Tulíg. May maquiquita ca namang anac na nag lulucsá sa

magulang o asaua, ay di matagalán nang dalauang buan at inaalis na ang

lucsá. ¿Ano ang cahulogán nang ganitong caasalàn? Ayao nang alalahanin

ang naualang asaua, at ayao papurihan ang naualang magulang.

Icao Feliza at Honesto,i, ca-iilag sa ugaling ito; tayong mag iina ay

mag pulos nang lucsá nang sang taong singcád. At cun mangyayari

disi,i, pagca tapos nang taon, ay sundin ang ugali nang di bulág na

naciones sa Europa, na isang taon namang hindi sinasalitan nang pulà

ang canilang man~ga damit. Ang ugaling ito dito sa Maynila,i, marami

ang sumusunód sa man~ga tagalog man. Hamaquin yaong uica nang man~ga

ualang pinag aralan, ang lucsa,i, mainit at naca papanglao.

Cun dumalao sa patáy ay iilagan ang tauanan at nang di uicain nang

namatayán, di na sila dinaramayan ay inaaglahi pa ang canilang hapis.

Ang ipapanhic ay muc hang nag papaquita nang lumbáy at ang ibabati sa

may bahay ay uicang pagdamay sa sáquit. Ilagan ang main~gay na

pan~gun~gusap, at nang di maan~gat sa pag damay sa hapis na canilang

layon. Capootan ang pag bibiroan, at nang di uicaing ualang pinag

aralang mahal na asal.

May maquiquita ca namang bahay nang namatayán, na diyan ca maca

ririnig nang pag bibiroan nang babaye,t, lalaqui; diyan mo maririnig

ang pag sasalita nang catatauanan na sinasabayán nang halac hacan.

¿Ano ang gagauin mo sa man~ga tauong ganito ang asal? May isang

nan~gusap: cun ang pag uuriraan ang inyong sinadya sa aquing

pamamahay, ay doon na ninyo gauin sa inyong sarili.

Ucol sa isang cristiano ang pa sa bahay nang isang namatayan,

sapagca,t, maca pag didili dili nang caholi holihang darating sa tauo,

caya ang uica ni Salomon: mabuti pa ang pa sa bahay nang namatayan, sa

pa sa bahay nang piguing.[118] Mabuti rin nama,t, ucol sa paquiqui pag

capoua tauo ang dumamay sa man~ga cababayan at caibigan, n~guni cun

ang gagauin ay ang pagn~gin~gisihan at iba pang caulolan mahan~gay

houag na at nang di sumagap nang masaquit na uica.

Cun dumalao sa man~ga namatayan, ang carampata,i, tumahimic,

alalahanin yaong uica nang Pantas, _n~gayon ay sa aguin at bucas ay sa

iyo, aco,i, namatáy n~gayon at susunod ca naman_; ipagdasal ang

namatay at aliuin sa hapis ang namatayan. Ang namatayan naman ay di

nauucol mag taua, mag n~gisi at mag tabil at nang di uicain na

iquinatotoua niya ang pagca matay na iyon.

N~guni cun di carampatan ang mag paquita nang toua, ay gayon din naman

ang mag paquita nang hapis na di tinitipid. Ang manambitan nang

mahihiyao, ang ipag hampasan ang catauan, ang labnutin ang buhoc at

sabayán nang ulol na sabi, ay naca tataua, lalo nang masamang masdan

sa lalaqui. Ang nauucol ay mag tipid, at cun di maca pag piguil ay

lumigpit sa gilid, at diyan iloual nang lihim ang taglay na hapis,

nang may pagca guinhauahan.

Dalauin mong madalas, Feliza, at gayon din naman si Honesto ang

libin~gan ni ama, alalahanin ang magulang natin, at dito sa mundo,i,

papurihan mo naman ang caniyang pan~galan.

Aco, Feliza,i, ihalic mo nang camay cay ina, ipahayag mo ang boo cong

cagalan~gan at pamimintuho; cayong mag asaua,i, in~gatan naua nang

Dios, at gayon din naman si Honesto: Susundin co ang bilin ni ama,

aco,i, lalayo na sa mundo. Adios, hangang sa isang buhay.--URBANA

Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza · 第 56 / 61 题