_Isang Sacerdote cay Feliza at cay Amadeo_.--MANILA ...
FELIZA: Cun ang inyong pag sasama ni Amadeo, ay bigyan nang Dios nang
bun~ga, ay caiin~gatan mo,t, nang huag masira. Ang babayeng
nagdadalang tauo ay maramdamin ang catauan, caya dapat itiguil ang pag
aayunar, at baca ipag caramdam, at bucod sa rito naman ay di ang
sariling catauan, cun di sampu nang sangol na dalá sa tiyan, ay nag
cacailan~gan nang pagcain. Magpilit, ca namang mag hauac nang loob,
umilag sa malaquing cagalitan, at baca mo icapahamac.
Pag saquitan mo naman, Amadeo na houag maca pag bigay dalamhati cay
Feliza: icao at siya,i, catatauag sa Dios at cay Guinoong Santa María,
na in~gatan ang buhay nang inyong anac, at nang magcamit nang Santo
Bautismo. Arao arao ay tumauag cayo sa Angel na catutubo, hin~gin
ninyo na cayo,i, hulugan nang magandang tica, iilag sa pan~ganib na
icamamatay nang inyong anac: sapagca,t, malaquing totoo ang nasa nang
demonio na houag maguing cristiano, at nang di maguing campon nang
Dios.
Limitan mo, Feliza, ang pagcocompisal at paquiquinabang ihin~gi nang
aua ang sarili mong caloloua, at ang maguiguing anac mo, lalong lalo
na sa icasiyam na buan, sapagca,t, catungculán nang babayeng nag
dadalang tauo ang mag compisál sa panahóng ito, at palibhasa,i,
malaqui ang pan~ganib nang nan~gan~ganac, lalong lalo na cun
nan~gan~ganay.
Cun mag daan cang maloualhati ay mag pasalamat ca sa Dios.
Cun ang inyong anac, Amadeo at Feliza, ay maguing cristiano na, ulitin
ang pag papasalamat sa Dios, ihain sa pag lilingcód at pamimintuho sa
caniyang camahalan.
Sa arao, Feliza, nan iyong pag sisimba, ihain mo ang anac mo sa Dios
at cay Guinoong Santa María, hin~gin mong cupcupin na ariing anac, at
sambitin mong ulit-ulitin itong panalan~ging hatol ni Padre Claret:
Jesús y María, houag mong ipahintulot na aco,i, maguing ina nang
man~ga hunghang: cun ang aquing anac ay mapapasamà, ay bauian mo na
nang buhay, hangang siya,i, Angelito na ualang casalanan.[83]
Amadeo,t, Feliza, ang inyong anac ay anac nang Dios sa gracia, caya
dapat paca alagaan.
Cun ang isang hari sa lupa ay mag catiuala sa inyo, na paalagaan ang
isa niyang anac, ang iyong pagcacalin~ga capala pa,i, ualang
pagcasiahán.
Ang inyong anac, na anac nang Dios at ni Guinoóng Santa María na
pina-aalagaan sa inyo, cun di cayo maca tupád nang catungculang ito ay
magagayác ang parusa, at cun maca tupád naman ay magandang ganti.
Cun magca loob na, ay lalong daquila ang catungculan ninyo sa inyong
anac: ang pag tuturo nang man~ga catotohanang icaquiquilala at
ipaglilingcód sa Dios, ang pagbibigay nang magandang halimbaua, ang
pag iin~gat na siya,i, magcasala, ang pag lalagay estado. Ang lahat
nang ito ay natatalá sa man~ga sulat ni Urbana, sa Pláticas
Doctrinalas, at sa man~ga sulat co naman.
Gayon man sa casunód na sulat, sasaysayin co ang man~ga cahatolán na
dapat alinsunurin nang magulang cun lumaqui na ang canilang anac.
Pagcallooban nauá cayong mag asaua nang Dios nang magandang capalaran.
Adios, Feliza at Amadeo.--ISANG SACERDOTE.
CAHATULAN SA MAN~GA MAGULANG AYON SA PAG LALAGAY SA ESTADO SA CANILANG
MAN~GA ANAC.
_Isang Sacerdote cay Amadeo,t, cay Feliza_.--MANILA ...
AMADEO AT FELIZA: Ang catungculan nang magulang sa pag cacalin~ga sa
anac, cun di mamatamisin sa loob at patutulong sa Dios, ay mahirap
tupdin, at pag di natutuhan ay palaguing ¡ay! ang mabibitiuan nang ama
at nang ina. Laquing hirap nang ina, na siyam na buang pagdadalang
tauo, sa boong panahón nang pag papasuso, at gayon din naman ang ama,
sa pagquita nang ipacacain sa asaua,t, anac; at lalong mahirap sa
pagtuturo sa anac nang man~ga catotohanang icaquiquilala sa Dios, sa
pag lalagay sa estado. Gayon man, cun ang magulang ay quinacasihan
nang gracia nang Dios, mabigat man ang catungculan ay macacayanang
pasanin. Caya catatauag sa Dios cayong mag asaua.
Tinangap ninyo ang Santo estado nang matrimonio, cruz ni Jesucaito na
inyong ipinan~gacong pasanin, ang daquilang catungculang calangcap, ay
di carampatang ariing mabigat. Ang estadong iyan ay isang daang
lalacaran ninyo sa pag tun~go sa lan~git ay di carampatang sinsayan,
at pagsininsayan ay di cayo macararating sa linalacbay na
caloualhatian. Ang baua,t, isang hirap na inyong pagdadaanan, ay houag
ariing hirap cun di hiyas na niyayari ninyo at ipinamumuti sa corona
ni Jesucristo, bulaclac na doon sa lan~git ay inyong daratnán ay
siyang ipuputong sa inyo.
Isa sa inyong man~ga catungculan ang pag sasaquit, na ang inyung anac
ay malagay sa estado pagdating nang capanahonan.
Cun ang inyong anac ay maca quilala na nang man~ga catungculan nang
pagca cristiano at nang paquiquipag capoua tauo; ang dapat isipin
naman ay ang pag lalagay sa estado.
Maraming magulang ang naquiquita na ualang mapait sa canilang loob, na
para nang mag asaua ang canilang man~ga anac na dalaga, na hangang sa
tumanda ó canilang camatayan ay ayao papagaasauahin. Hindi pinag iisip
nitong ualang bait na magulang na ipag susulit nila sa Dios, ang di
nila pagtupad nang catungculang ito. ¿Sino caya baga ang magsusulit sa
Dios nang casalanang na gagaua nang man~ga anac nilang dalaga? ¿Ilang
cayang pag iisip na laban sa calinisan, ilang maruming pag iibigan,
ilang masamang gauà ang nagagauà nang man~ga anac nilang dalaga, na
ualá silang malay-malay ay ipagsusulit nila sa Dios at sila ang
parurusahan?[84] ¿Ano ang masasapit nang ganitong man~ga dalaga? Sa
caramihan nang nan~gan~gasaua, sa calaunan nang panahon ang
guinayon-gayon, na papahamac ang puri, naguiguing casiraan nang
camaganacan, escándalo nang bayan, at ang lalong casáquit-sáquit ay
ang pagca pahamac nang caloloua nitong caaua auang man~ga dalaga, at
ang maraming tauo na nag casala sa masamang halimbauang naquita sa
canila. ¿Sino caya baga ang sisisihin nang Dios sa man~ga bagay na ito
cun di ang masamang magulang?
Marami rin naman ang naquiquita na bagun tauong nag si sitanda, nag
calat sa lansan~gan, catulad ay cuagong sa gabi ang gala,t, ang huni
ay calumbay-lumbay. Calumbay-lumbay anaquin, sapagca,t, ang pag aauit
sa daan, ay ang man~ga bucang bibìg nang man~ga binatang ito, ang
caramiha,i, hinguil sa calupaan at pang patay sa caloloua. ¿Sino ang
may casalanan na sisisihin nang Dios sa gayong asal na calupit lupit?
Sino cun di ang masamang magulang na nag papabaya na di
pinagsisicapang ilagay sa estado ang canilang man~ga anac pag dating
nang capanahonan.
Ayon sa catungculang ito nang magulan, ay dalauang bagay ang dapat
tantoin: ang una,i, ang anac dapat pumili nang estado o calagayan, na
inaacala niyang mapapasan, at ang icalaua,i, ang magulang ay dapat
mamahala. Daquilang bagay ito, na cun pagcamalian, ay dalauang
capahamacan hangang sa camatayan ang uica ni Padre Arbiol.
Sa man~ga anac ay may itinatalaga ang Dios sa matrimonio, mayroong
sacerdocio, at mayroon naman sa pagca dalaga hangang sa camatayan. Cun
ang isang anac ay lumagay sa estado na di talagá sa caniya nang Dios,
ay marahil di niya natupad ang catungculang calangcap, at pag di
matupad ay sapilitang icasasamá. Caya ang carampatan ay malasin nang
magulang ang cahinguilan nang anac, at sacá ilagay sa estado na
caniyang guinahihinguilan. N~guni hindi carampatan na ipag dumali,
catatauag muna sa Dios ang magulang, at nang maquilala cun alin ang
estadong ibibigay sa anac, at nang houag mag camali. Titingnan
anaquin, ang cahinguilan nang anac, at ang tularan ay ang magugulang
na taga Atenas, na nag mamasid muna sa caugalian nang anac at
ibinabagay sa ugali nang anac ang estadong ibinibigay. Gaya sa
cahariang ito naquita ang man~ga tauong balita sa carunun~gan, at ang
man~ga guerrerong bantóg sa catapan~gan, na pinag tac-han nang boong
mundó.
Cun ang matá nang anac na dalaga ay mahinhing para nang sa calapati,
malayo ang loob, ilág ang catauan sa dilang pan~ganib na icasisira
nang calinisan, hindi maibiguing tumanyag sa tauo, at di nahihinguil
sa pag aasaua, ay di catampatang pilitin nang magulang. Pabayaang mag
in~gat nang: pagca Virgen, at nang magcaroon cayo sa bahay nang
maputi,t, maban~gong lirio na quinalulugdan nang esposo. Dinguin ang
pag pupuri nang man~ga Santos Padres sa virginidad.[85] Bulaclác nang
Santa Iglesia ang tauag ni San Cipriano, hiyas at pamuti nang gracia,
larauan nang Dios na pinag niningnin~gan nang caniyang casantosan.
Ang uica ni San Ambrosio, ang cabooan ay napailandang sa himpapauid,
naquiat sa alapaap, nag sumagui sa man~ga bitoin, naquiquiit sa man~ga
Angeles, nag tuloy sa candun~gan nang Ama, hinan~go ang Verbo nang
Dios, ipinanaog sa lupa,t, pinapag catauan tauo. Dito matantó nang
man~ga magulang ang cataása,t, camahalan nang hiyas na pamuti nang
anac nilang dalaga; Virgen ang Ina nang Dios. Virgen ang santo
Precursor, Virgen ang dibdib nang discipulo at apostol na minamahal sa
lahat nang apóstoles, quinalugdan hiniligan at pinahayagan nang
matataas na misterios, at Virgen din naman ang apóstol na iniaquiat sa
icatlong lan~git, at nacarinig nang matataas na lihim, na di
nararapat ipahayag sa tauo, _Et audivit arcana verba quoe non licet
homini loqui_ 2. Cor. 12 4.
Caya cun ang dalaga,i, na sasa mundó ma,i, parang na aan~gat, at ang
caniyang puso,i, itinalaga cay Jesucristo, ay di dapat pilitin nang
magulang sa pag tangáp nang matrimonio, at nang di nila agauan ang
hari nang man~ga virgenes nang isang esposa niyang virgen. Isang
virgen, na sa isang daa,t, apat na puo,t, na libong virgines,
casunod-sunod n~g Cordero[86] ay mapapaquibilang at magcacapalad mag
siualat sa harap nang trono nang bagong auit na ualang macacasambit,
cun di sila lamang na humaharáp sa Dios, na di nadun~gisan sa
mundó.[87]
Cun ang isasagòt sa aquin nang man~ga magulang totoo,t, caaya-aya, na
ang isang dalaga,i, mag in~gat nang caniyang pagca virgen, n~guni,t,
cun di rin lamang liligpit sa isang beaterio ó monasterio, ay malaqui
ang pan~ganib na mapahamac, cun mabubuhay rin lamang sa guitna nang
mundó. Sa sagot na ito,i, ang itutulot co,i, cun sila,i, itinatalagá
nang Dios sa estadong iyan, ay matututo silang umilag sa pan~ganib na
icapapahamac, tuturoan nang paraang icapag iin~gat nang calinisan, at
cun canilang pagpilitan ay di naman ipagcacait nang Dios ang caniyang
gracia.[88] Si Santa Lucia virgen, Santa Filomena, Santa Ursula at
libo-libong virgenes na casama niya, ay sa mundò na buhay, ay naca pag
in~gat at nang pumanao sa mundó ay taglay ang lirio nang canilang
pagca virgen, na inihandóg sa virgeng esposo.
Cun ang dalaga,i, may tacot sa Dios at napa aampon, ay di
mapapahamac; at pag dating nang tucsó ay iin~gatan siya nang Dios at
ipag tatangól sa casamaán.[89] Dinguin ang nangyari sa isang mapalad
na virgen.
Ipinan~gaco ni Santa Cecilia Romana sa Dios na di niya sisirain ang
canyang pagca vírgen; n~guni,t, ipinacasal nang ama sa isang
baguntauong di binyagan, cahit mapait sa loob nitong santa, pag dating
nang gabi, nangusap cay Valeriano na esposo niya: aco Valeriano,i,
ipinagtatangquilic nang isang Angel at siyang nag iin~gat nang aquing
pagca vírgen,[90] caya houag mo acong pag pahamacan nang di ca
capootan nang Dios. Sa uicang ito,i, di naca pan~gusap si Valeriano at
nag saysay na siya,i, sasampalataya cay Jesucristo cun maquita niya
ang Angel. Ang sagót ni Santa Cecilia ay di mo maquiquita, cun di ca
mag binyag. Sa malaquing nása ni Valeriano na maquita ang Angel, na
pabinyág cay San Urbano Papa. Nang maguing binyagan na,t, mag sauli
cay Santa Cecilia, ay naquitang nananalan~gin na casama,i, isang
Angel, nag niningning at nag liliuanag, sabihin ang tacot ni Valeriano
nang maquita ang Angel, na tapon ang nasang sisirain ang pagca vírgen
ni Santa Cecilia. Tinauag si Tiburcio na caniyang capatid, (si San
Urbano rin ang nagbinyag cay Tiburcio) at pinapanood sa cauili-uling
Angel. At hangang silang tatlo ay pumanao sa mundó at nan~gaguing
mártir ay di rin nasirá ang pagca vírgen ni Santa Cecilia.
Dito maquiquita nang man~ga magulang ang tan~ging pag tatangquilic
nang Dios sa man~ga vírgenes, na cahit ano mang masapit ay caniyang
ipag tatangcal, cun sa caniya tumatauag at nananalig. Caya cun ang
anac nilang dalaga ay naquiquitang may bait, maibiguin sa calinisan,
mababang loob, may tacot sa Dios, at ang caniyang pagca vírgen ay
ina-alagaan na parang lirio na binacod nang tinic,[91] nang pag
papasáquit sa catauan, nang pananalan~gin nang palaguing pagligpit sa
silid at pag ilag sa pan~ganib, ay di dapat pilitin sa pag aasaua. Ang
carampatang gauin ay ang perla santa, ang mariquit na margarita, ang
ualang casinghalagáng hiyas nang anac na dalaga ay pag pilitang
in~gatan nang magulang, at palibhasa,i, talaga sa lalong
camahal-mahalan at cariquit diquitang esposo. Dinguin nang ama at
uliniguin nang ina ang uica nang ating Pan~ginoong Jesucristo sa Santo
Evangelio: ang santong bagay, ay houag ninyong ibigay sa aso, at houag
ninyong ihain ang inyong perlas sa harapan nang babuy.[92]
Ang cahulugán ay di dapat ibigay sa hamac na tauo ang cayamanang
talagá sa Dios.
N~guni cun ang caasalan nang anac na dalaga ay di na uucol sa isang
vírgen, cun ang mata,i, di mahinhin, na para nang sa calapati, cun di
para nang sa lauin na sadyang talas sa pag hanap nang patáy na hayop,
cahit mag sabi sa magulang na aayao mag asaua, ay houag paniualaan. Si
Job ay Santo may tacot sa Dios, malayo ang loob sa pag cacasala, at
ang Dios ang nag saysay na ualang caparis sa balát nang lupa;[93] ay
ang tauong itong ulirán sa cabanalan ang nag saysay nanaquipag tipán
sa caniyang man~ga matá, na di itititig sa dalaga dahil sa malaquing
tacot na siya,i, mahulog sa calupaan, cun ito,i, Santo na,i, gayon ang
pahayag ¿ang babaye pa caya bagang daquila ang carupucán ang maca pag
sasabi na di mapapahamac sa palaguing paquiquipag olayao sa lalaqui?
Ang carampata,i, sauatain, at ipili nang isang esposong maca aacay sa
magaling.
Cun ang anac na dalaga ay ualang tinagong hinhin, malápit ang catauan
sa baguntauo, cahit ang sabihin sa magulang ay uala sa caniyang loob
ang cahalayán, ay houag pabayaang masunód ang masamang cáasalán. Gayon
din naman, cun mauilihin sa paquiquipag uriraan sa lalaqui, ang hipoin
man sa camay ay di pinapansin, ay di dapat calin~gatan nang magulang.
Ang uica ni San Pablo ay isang cabaitan nang lalaqui ang di sumaláng
sa babaye;[94] ay isa namang tanda nang cabaita,t, calinisan nang
isang dalaga ang di pahipo sa lalaqui. Ang uica ni San Basilio cun ang
babae ay vírgen, vírgen naman ang pagtin~gin, vírgen ang caasalan,
vírgen ang lahat nang quilos, vírgen ang boong catauan.[95] At cun di
rin lamang maca pag iin~gat; nang calinisan, ay iquita agad nang
cagamotan sa Santo Sacramento nang matrimonio, sa pagca,t, ang uica ni
San Pablo ay mahan~gay mag asaua cun masusunod din lamang nang apóy
nang calupaan.[96] N~guni ang paglalagay sa estado ay dapat daanin sa
dahan-dahan, at houag namang papag asauahin sa di nila na iibigan, sa
pagca,t, cun pilitin, cun pagbalaang parurusahan cun hindi pumayag, o
di man pilitin at pag balaan ay pag paquitaan nang masamang muc ha,
palaguing an~gil an~gilan o irin~gang caya, sa cahinaan nang loob nang
isang babaye, marahil ay mapait man sa caniyang loob ay pumayag sa
magulang, na mag asaua sa di nila ibig. N~guni, ¿ano ang nasapit nang
man~ga dalagang nag si si pag asaua sa pilit nang magulang? Marami ang
napapahamac lalo,t, cun may ibang na iibigan. Nag papahayag nang óo sa
ibig nang canilang magulang, n~guni ang puso,i, di rin inaalis sa
canilang catipán. Ano pa ang nasasapit cun macasál na? Ang asaua,i, di
mahalin nang loob, di pacundan~ganan, at palibhasa,i, di niya ibig.
Cun magca gayon na,i, ¿ano ang quinahihinatnán nang ganitong
matrimonio? Ang lalaqui,i, nag sasaua, palaguing namumuhi, ang babaye
nama,i, gayon din sa munting magca bihira,i, nag tatalo ang mag asaua
at ang quinasasapita,i, ang alin man sa dalaua,i, naca iisip mag lilo.
¿Sinong may casalanan cun magca gayon, cun di ang nag camaling
magulang? Pacatantoin nang ama,t, ina na ang pumilit sa anac sa pag
aasaua ay casalanang daquila, sapagca,t, ipinahamac ang canilang
caloloua. Ang uica ni San Pablo,i, ang capangyarihan nang magulang ay
di dapat gamitin sa icapapacasamá nang anac cun di sa
icapapacagaling.[97]
Cun icao, Feliza at Amadeo, ay pagcalooban nang Dios nang anac na
lalaqui, na mag aaral sa Universidad at cun dumating ang panahón ay
mag nasang tumangáp nang Orden Sacerdotal, ay houag cayong cadadali na
mag bigay nang pahintulot, cun di rin lamang maquitaan nang
carunun~gan na itutupád nang caniyang man~ga catungculan, sapagca,t,
cun ualang carunun~gan ay di niya icagagaling, cun di icasasama, at
sampong cayo,i, caramay dahil sa capabayaan. N~guni cun maganda ang
nasa nang loob, ang siya baga,i, mag lingcód sa Dios, paquinaban~gan,
nang Santa Iglesia na maca pag acay sa caloloua sa gauang magaling;
cun maquitaan ninyo nang di munti cun di malaquing cabanalan,
nalulupit sa sugal, masipag sa pag aaral, malayo ang loob sa masamang
banta, mapag pasaquit sa catauan, mauilihin sa panalan~gin, sa pag
gugunam-gunam, sa pag tangap nang man~ga Santos Sacramentos; ay houag
sansalain, cun di hicayatin. N~guni ¿sino caya itong mapalad na
Estudiante?[98] Cun di rin lamang na gagayac ang loob sa pagtangap
nang orden sagrado, ay pan~ganib na mapacasama. Houag ipahintulot nang
magulang na ang, caran~galan, ang cayamanan sa mundo, at caguinhauahan
sa lupa ang maguing dahilan na hicayatin ang canilang anac na tumangap
nang orden sagrado. At cun maquita na ito ang pinag cadahilanan nang
pag nanasang mag pare nang canilang anac, ay houag pahintulutan. At
cun naquiquitang ualang gayac na cabanalan, cahima,t, mag pilit ay
pacasansalain.
Marami pa,t, madla ang bagay na sucat masaysay sa inyo, ayon sa
catungculan nang magulang sa anac, n~guni,t, di co na saysayin, yamang
sa buhay ni Tobias ay marami cayong maaaninao. In~gatan cayong mag
asaua nang Dios at ni Guinoong Santa Maria.--ISANG SACERDOTE