_Isang Sacerdote cay Feliza,t, cay Amadeo_.--MANILA ...
FELIZA AT AMADEO: Ibinabalita sa aquin ni Urbana na tinangap ninyo ang
Santo Sacramento nang matrimonio, at tuloy hinihin~gi na cayo,i,
sulatang co, at ipaaninao ang man~ga santong cahatolang ucol sa bagong
estado, na inyong tinangap. Pacatandaan na ang sacramentong ito,i,
daquila, alinsunod cay Jesucristo, at sa Santa Iglesia, alinsunod cay
Jesucristo sapagca,t, calarauan nang caniyang pagca Dios at pagca
tauo, na nagcacaisa sa isang persona: gayon din daquila, alinsunod sa
Santa Iglesia, sapagca,t, calarauan nang pagcacaisa nang lahat nang
man~ga cristianos na isá ang ulong quiniquilala na si Jesucristo.
Mahal ang pinagmulan, sapagca,t, lalang, nang Dios, at ang dalauang
tauo ay naguiguing isa, ang loob ay isa, at palibhasa,i, sing isang
catauan.[63] Sasalitin cong saglit sa inyo ang paglalalang nang Dios,
nang Santo Sacramento nang matrimonio.
Naguisnan ni Adan sa Paraiso ay maraming hayóp na ang lahat may man~ga
caparis. Bucod lamang siya, na namumugtong na ualang casama,t,
catulong sa lugar na iyon na caayaaya.[64] Caya pinatulog nang Dios si
Adan, at nang macatulog, ay hinugot ang isang tadyang ay guinauang
babaye na ibinigay cay Adan. Sa pag laláng na ito, ay may isang
misterio na naaninao si San Agustin.[65] Hindi quinuha nang Dios ang
babaye sa ulo nang lalaqui; sapagca,t di itinalagá na gauing
pan~ginoon mag uutos sa lalaqui; hindi quinuha sa paa at nang di
irin~gin at ariing hamac na parang alipin. Quinuha sa tadyang sa tapat
nang pusó, nang pacamahalin at nang ariing isang casama, na
cacatulun~gin sa pagtitiis nang hirap sa buháy na ito. Si Adang
nacatulog at nahimbing nang lalan~gin si Eva, ay calarauan ni
Jesucristo na dinatnán sa Cruz nang tulog na camatayan, at nang
mangyaring lalan~gin ang Santa Iglesia na icalauang Eva. Nang si
Cristo,i, patáy na sa cruz ay nabucsán ang dibdib at binucalán nang
pitong sacramentos, na ipagcacamit nang gracia at casantosan nang
Santa Iglesia, at nang marapat na maguing esposa. Caya ang esposo at
ang esposa, ay tulad cay Jesucristo at sa Santa Iglesia, na tinatalian
nang pag-ibig. Tinatauag naman na magsing isang catauan, sapagca,t ang
catauan nila,i, di na nasasarili; caya ang adulterio ó paglílilo sa
asaua, ay isang casama-samaang casalanan. Daquilang sala ang sabi nang
Dios sa Genesis; malalim ang tauag nang Profeta Isaias, caya
calaqui-laquihan naman ang parusa. Dinguin ang nangyari cay Faraon. Si
Sara, nang maquita ni Faroan ay quinalugdán, at pinagnasaang camtán,
at cahit di tanto na esposa ni Abraham, ay pinarusahan din nang Dios,
na iniramay sampo nang man~ga casambaháy. Sa man~ga di binyagan ang
casalanang ito ay pinarurusahan nang catacot tacot; at, palibhasa,i,
inaaring casama samaan. Sa man~ga Finedos, ay may ugali na pinupugutan
nang ulo gayon din ang man~ga Arabes. Nang man~ga unang panahon, ay
sinusunog nang man~ga Sidonios, at nang panahon ni Moises ay
ipinagutos nang Dios na batohin nang bayan hangang sa mamátay.[66] Sa
Egipto,i, nang naghahari si Sostris, ipinasusunog na buhay ano pa
n~ga,t, ang galit nang man~ga di binyagan sa casalanang ito ay ualang
pagcasiyahan na inaaring di na dapat mabuhay sa mundo ang maglilo sa
asaua, na ipinapapatay sampo nang casama sa pagcacasala. Sa man~ga
Romanos, ay destierro ang parusa.[67] Ipinagutos naman nang haring
Constantino na pugutan ang lalaqui at ang babaye ay paloin at
culun~gin sa monasterio.[68] Gayon din ang utos nang haring Alfonso
Sábio.[69] Sa man~ga huling panahon ay binago ang parusa, pinapagisa
ang babaye,t, sa lalaqui na capoua ipinag-utos na patain.[70] Ang
parusa naman nang Santa Iglesia sa naglilo sa asaua ay excomunion.[71]
Ang excomunion ay isang parusa nang Santa Iglesia sa masamang
cristiano, na pinagcacaitán nang dilang cagalin~gan na sa caniya,i,
napapaquinabang; pipinagcacait ang pagaua at pagtanggáp nang man~ga
Santos Sacramentos; ang Santo Sacrificio nang misa, ang paquiquipagusap
sa capoua cristiano, ang olicio ó catungculan na caniyang
ipinagcasaloob, at cun ang excomulgado ay mamatáy na di naquitaan nang
pagsisisi, ay di ipinalilibing sa lupang sagrado, at ang babayeng
lilo, cun ayao nang tangapin nang lalaqui, ay ipinacuculóng sa isang
Monasterio, at nang doon magsisi sa casalanan. At cun sa man~ga
panahong ito, ang marami sa man~ga parusang iyon ay di nasusunód, ay
ipinababaya na sa Dios ang pagpaparusa.[72] Lalong catacot-tacot cun
ang Dios ang magparusa; sapagca,t, cun patauarin dito, ay itatalagá
doon sa isang buhay, at dili bihira na dito at doon ay pinarurusahan.
Ang palaguing pagaauayan, paghihirap nang pagcabuhay, na saan man
ilagay ang camay, ay di magdaang pala, at tila ang hampás nang Dios
ang siyang namamalas. Cun minsan ang lilong lalaqui, ay nagagantihan
na pinaglililuhan nang asaua, at cun di man magca gayo,i, ang man~ga
anac ang magbabayad, at natutupád ang hatol nang ating Pan~ginoong
Jesucristo: cun ano ang isinucat mo sa iba ay siyang isusucat sa
iyo.[73]
Feliza at Amadeo, tanto co ang inyong cabaitan, ang tacot sa Dios, at
ang pagiibigan, na di pahihinuhod sa paglililo; gayon man, ay
minatapát cong italá sa sulat, ang cabigatán nang casalanang ito, nang
may pagcaaninauan ang macababasa. N~gayo,i, isusunod co ang inyong
catungculang magpilit na cayo,i, magcasundô.
Icao man, Amadeo, ay ulo ni Feliza,[74] ay magpaparayâ ca, at houag
mong iguiguiit na palagui ang iyong capangyarihan, pacundan~gan sa
cayo,i, ualang pagauayan. Alalahanin mo yaong pan~gun~gusap nang
sacerdote nang tangapin mo ang Santo Sacramento nang matrimonio casama
at di alipin ang ibibigay co sa iyo.[75]
Icao naman Feliza, ay magpilit na houag magbigay galit sa iyong
esposo, at palibhasa,i, icáo ay nasusucuban nang caniyang
capangyarihan.
Icao Amadeo, ay houag macalilimot, na catungculan mo ang maghanap
buhay, palibhasa,i, ulo ca, na may cautan~gang magpacain sa esposa at
sa maguiguing anac.
Icao naman Feliza, ay may catungculang magimpoc nang maquiquita ni
Amadeo, at magalaga sa pamamahay: ilagan ang pagmamariquit nang
labis, at nang di ninyo ipaghirap.
Icao, Amadeo, ay houag macalilimot sa gaui mong catahimican, nang di
pagcaraanan nang pagcalimot sa Dios, at di naman pagcadahilanán na
paghinalaang ca ni Feliza, na siya,i, pinaglililohan mo.
Icao naman Feliza, ay houag manaog nang ualang pahintulot ni Amadeo,
nang di icao naman ang paghinalaan. Cayo naua,i, matulad sa jardin ó
halamanang may susi, na ualang macapan~gahás pumasoc cun di ang may
ari; sa batis na naquiquintatán nang calinauan[76] at binubucalán nang
malinao na tubig.
Sa inyong pagsasama, ay houag ihiualáy ang calinisan. Ang Arao at
Buan, ay nagpapaliguid-liguid sa mundo, palaguing nalacad ay di
nasinsay sa daang iguinuhit sa canilá nang Dios. Ang man~ga alon sa
dagat, ay sacdal nang bagsic, ang inugong ugong ay parang
nagn~gan~galit, n~guni pagdating sa guilid ay nan~gan~gayupapa, at di
lumalampas sa pasigang iguinuhit sa canila nang Dios.[77] Gayon din
ang magasaua, may guhit na dapat tuntunin, hindi lalampasan, at nang
di masira ang calinisan.
Alalahanin ninyong magasaua na ang Dios ay Santo, si Jesucristo ay
Santo, ang matrimonio ay Santo, caya dapat ninyong pagpilitan na ang
pagsasama ninyo,t, boong caasalan ay maturang Santo.
Alalahanin ang catungculan ninyong magibigan, at magmahalan. Ibiguin
mo, Amadeo si Feliza, at alalahanin mo yaong salita sa Genesis, na ang
babaye hinan~go sa tadyang nang lalaqui na tapát sa puso, at nang
pagcaquilanlán na liban na lamang sa Dios ay ualang iibiguin ang
esposo na para nang esposa, at gayon din naman ang esposa sa
esposo.[78]
Alalahanin mo, Amadeo, na iniuan mo ang ama mo,t, ina, at sumama ca
cay Feliza, at cayo,i, nagca isang catauan,[79] caya sa inyo,i, ualang
magpapahiualáy cun di ang camatayan; sapagca,t, ang matrimonio, ay
isang taling caloob nang Lan~git na di nacacalag nang tauo.[80] Caya
dapat cayong magsunuran sa lahat nang bagay na di nalalaban sa utos
nang Dios.[81]
Malasin mo, Feliza, ang caugalian ni Amadeo, at sundin ang caniyang
calooban, houag lamang sa di catouiran.
Pagaralan mo naman, Amadeo na si Feliza ay maca sundó mo; at cahit
catungculan nang babaye ang sumunód sa lalaqui, ay houag mong piliting
masunód na lahat ang caibigán mo, sa pagca,t, magpacabait-bait man ang
lalaqui, ay nacacapagpita sa babaye nang di macayanang sundin. Cun
maminsan minsan ay di macasunód sa cahin~gian mo, ay houag
tampalasanin, houag pan~gusapan nang di catouiran, at nang di
maquisama sa iyo, na parang natutuntóng sa dulo nang sibat.
Cun si Amadeo, Feliza, ay patutun~go sa Simbahan, ó pasasa buquid
caya,t, magsasaca, ay ihanda mo ang caniyang babaonin, nang macaquita
nang loob sa iyo, at palibhasa nama,i, catungculan mo. Cun siya,i,
matapos na gumauá, alamin mo ang oras nang pagoui, ihanda ang pagcain
nang may pagcaguinhauahan sa pagod at hirap.
Cun nagdaan sa init nang arao ó nagdaramdám caya nang gutom, hindi
malayo na maginit ang ulo, paquiramdaman mo, salubun~gin nang tua at
pagibig, nang may pagcalamigan ang loob. Cun maquitaan mo nang galit,
ay houag salansan~gin, at nang di pagtalunan. Cun may pangalin~gan na
malayong lugar, ay bago mo tanon~gin nang ibang bagay, ang itanong mo
muna, ay cun nagdaramdám nang cagutuman.
Cun may darating na malaquing fiesta ó Domingo caya, agapan mong
alamin, cun may magagamit na damit ucol sa man~ga arao na iyon; at
sacali ualá, ay ihanda. Gayon din, cun may punit, agapang buoin,
houag hintin ang arao at oras nang pag gamit, at bacá ca magahól,
mapilitan cang gumaua sa fiestang daquila, di ca macapan~gilin, at
ipagcasala mo sa Dios dahil sa di pag gaua sa capanahonan.
Cun si Feliza, Amadeo, ay di macasunód sa iyo sa lahat nang bagay at
may macaligtaan, ay magpáraya ca, ipahayag mo nang sabing banayad,
houag gahasain, sapagca,t, ang isang babaye, ay uliran man nang
cabaitan ay may pagcacaculan~gan din sa caniyang catungculan sa
lalaqui, at palibhasa,i, ang babaye ay para rin nang lalaquing anac
nang nagcamaling babaye.
Cun si Amadeo, Feliza, ay maquitaan mo nang galit, macabitao siya nang
masaquit na sabi, ay pagaralan mong tiisin, nang cun maquitaan ca nang
magandang halimbaua, ay magaral namang magtiis sa iyo. Marami ang
babayeng matabil, di marunong mag tiis: ang isang sabi nang asaua, ay
sasagotin nang sampo. ¿Ano ang quinásasapitan cun minsan nang man~ga
ganitong babaye? Ang lalaqui pag nagalit, ay hahauac nang pamalo, at
ang sampuong sagót nang babaye, ay gagantihin naman nang sampuong palo
nang lalaqui. At dito na nagmumulà ang masamang pagsasama, na ang
cahalimbaua ay infierno nang pagaauay at pagtutun~gayauan. Icao,
Feliza, na minamahal cong capatid cay Jesucristo, caiin~gat na cayo,i,
magca gayon.
Cun ang isang babaye, ay tumamà nang mapusóc na loob at tampalasang
lalaqui, ay ualang mabuting gamot, cun di ang pagaralang tiisin,
pagpaquitaan nang loob, dagdagán ang pagtauag sa Dios at cay Guinoong
Santa María, at palibhasa,i, siya ang nag-iin~gat nang ating puso.
Gayon ang gaua ni Santa Mónica cay Patricio na caniyang asaua, ni
Santa Marta cay Mario, ni Santa Gregoria cay Vitalino, ni Santa Rita
de Cacia cay Fernando, na sa canilang man~ga panalan~gin, ay
ipinagcaloob nang Dios na nagbago nang loob ang canilang man~ga asaua.
Nauucol na basahin ang buhay ni Santa Rita de Caciá, nang may
pagcunang ulirán ang may asauang babaye.
Cahiman Felisa,i, malayong malayo sa cabaitan ni Amadeo ang
manampalasan sa iyo, ay sinaysay co rin ang man~ga bagay na ito, nang
may pagcaaninauan ang iba. Sasalitin co pa sa iyo ang asal na cauili
uli nang isang babaye, na naguing comare co nang aco,i, bata pa.
Ang asaua nang babayeng ito ay tamád sa paghahanap buhay, mauilihin sa
sugál at man~gin~ginom. Cun macaquita nang caunting pilac, dadalhin sa
sugalan, capag natalo na,i, iinóm nang alac, ooui sa bahay, at
pagcaquita sa asaua ay cagagalitan, at tatampalasanin. Sa guinayon
gayon; sa pagdadalamhati touina nang babaye, at sa casalatán nang
pagcain na sumasala sa oras, ay dinatnán nang saquit. Ang babayeng ito
na cahit casama co sa bahay, at nacacausap co touina minsan man ay
hindi co naquitang dumaing sa magulang, sa aquin at sa can~gino, pa
man. Sa maquita cong nangyayayat at cahit sinasayahan ang mucha, ay
nahahalata rin ang dinaramdam na dalamhati ay di co natiis at tínanong
cong minsan: _Cumare tila may dinaramdam cang saquit at cadalamhatían
Cumpare_ ang sagot sa aquin, _cun maminsan minsan, at aco,i máy,
dinaramdám na pighati sa loob, ay ualá acong pang gamót, cun di ang
calun~gin co ang anac co, at ulit ulitin cong hagcán_. Ang sagót na
ito,i, di na dinugtun~gang catagá man: aco nama,i, nagtindig na sa
salitaan, nahambal aco, at ang aquing luha,i, nan~gin~gilid sa mata
¡Oh! babaye na sucat pagcunang ulirán nang may man~ga asaua! Cayong
magasaua, Feliza at Amadeo, ay catatauag sa Dios na i-adya sa
pagaauay.
Feliza, si Amadeo cun sacali,t, macalilimot sa Dios (hoag din nauang
itulot nang Lan~git), ay aralan mo nang banayad, cun napopoot ay hoang
salansan~gin, hihintin mo ang oras na natatahimic, malamig ang loob,
saca mo pahayagan nang malambót na sabi, at amo amoin na houag mauili
sa casalanan, tumauag cay Guinoóng Santa Maria sa toui touina, na
ihin~gi niya sa caniyang mahal na Anac nang graciang icapagsisi sa
casalanan. Dinguin mo ang casunód na