PAGSANGUNI NI FELIZA SA ISA NIYANG CAIBIGAN

_Si Feliza cay Urbana_.--PAOMBONG ...

URBANA: Basahin mo ang sulat nang isa cong caibigan na casama nito.

Nabalitaang co na siya,i, caquilala at capit bahay ni Amadeo, caya

siya ang pinagtanon~gan co, cun sa caasalang naquiquita niya sa

baguntauong ito, ay maihahatol niya sa aquin na ipahinuhod co ang

aquing loob, na maguing esposo co.

_Isang caibigan ni Feliza_

FELIZA: Sa cahin~gian mo na saysayin co sa iyo ang caasalan ni Amadeo,

di mo man sinabi ang puno,t, cadahilanan, ay nahulaan co ang laman

nang pusó mo. Dinguin mo ang aquing salitá:

Ang bilang nang panahon nang pagca tauo ni Amadeo ay labis nang dalaua

sa edad mo n~gayon na labing anim. Natanto mo na siya ay tubo sa

liping guinoo; ang magulang niya,t, magulang co naman ay

magcacaibigan, caya ang canilang pagcacaquilala at pagcacasundo ay

aming minana naman ni Amadeo, na aquing capoua bata. Di mamacailang

nacacasabay co nang cami,i, musmos pa sa pagsisimba, at pagpa sa

escuela, cayá ang madalas ay na pagtatanon~gan co nang di co

narurunun~gan sa lecciong ibinigay sa aquin nang maestra. Ang caniyang

cabaitang cacambal nang pagca bata, ay di tinalicdan, cun di

pinaibayuhan, n~gayong lumaqui na. Loob ay matipid, marunong

maquiramdam sa capoua bata; hindi naquiquipag-ibigan cahima,t,

can~gino, cun di sa naquiquilalang may tacot sa Dios: Dinguin mo ang

sinasalitá niya sa aquin na napahamac na bata, dahil sa maling

pagiibigan, na caniyang nabasa sa isang libro ni San Alfonso de

Legorio.[60]

May isang batang may loob sa Dios, mauilihin sa pagcocompisal at

paquiquinabang, na sinabi nang caniyang confesor na di nagcasala nang

daquila, mula nang magca loob. Isang arao na siya,i, naglilibang,

nacatagpo nang isang masamang bata, na nacasira nang caniyang

cabanalan. Ualang málay malay sa pagcacasala, ay tinuruan nang paraan

nang malupit na batá, sa paggauá nang masamá. Nang siya,i, maoui sa

caniyang bahay, dumating ang gabi,i, guinauá ang natutuhang casalanan.

¡Oh di sucat malirip na justicia nang Dios! Nang gabi ring iyon ay

dinatnan nang camatayan sa pagcacatulog. Nang quinabucasang maquita

nang ina,i, patay ang anac, ay ualang pagcasiyahan nang calumbayan,

dahil sa pagcamatay na biglá, at di pagcacompisal nang caniyang anác.

Ipinatauag na madali ang confesor, at ipinahayag ang caniyang

agam-agam. Ang sagot nang confesor, ay huag ca, aniyang man~ganib, at

ang anac mo ay di nagcasala cailan man nang daquila; gayon man

aniya,i, ipaghahaing co siya sa Dios nang Santo Sacrificio nang misa,

upan ding macacauas siya sa hirap sa purgatorio cun doo,i, may

pinagdurusahan. Lumacad nang madali sa sacristia ang sacerdote, at

gumayac, sa pagmimisa. Nang siya,i, pasa sa altar na, ay nacaramdam na

sa caniyang licoran ay may humahauac sa casulla,t, ayao siyang

palacarin. Nang caniyang lin~gonin, ang naquita ay isang

caquilaquilabot na anino, na anyong tauo na nan~gusap; huag mo aniya,

acong ipagmisa, at aco,i, nagdurusa sa infierno. Sa uicang ito,i,

sabihin ang pagcamaang nang sacerdote. ¿Di baga, aniya, ang sabi mo sa

aquin nang icao buhay pa,i, di ca nacagaua nang casalanang daquila?

Oó, ang sagót nang caloloua, hangang sa cahapong aco,i, tinuruan nang

masamá. Capagca gauà co nang casalanan, ay tinambin~gan aco agád nang

parusa.

Ito ang dahilan, Feliza, nang pagilag ni Amadeo sa masamang

pagiibigan, caya malayong malayo, at ilág na ilág sa man~ga batang

hilig sa calupaan. Di naquiquipagpulong sa man~ga lansan~gan at sa

pagiinoman.

Sa umaga, bago patun~go pa gagauin, ay nagsisimba muna at ang

sinusunod yaong hatol nang ating P. J. C. sa Santo Evangelio. Hanapin

muna ninyo ang caharian nang Dios, at ang lahat ay maquiquita

ninyo.[61] Capagcatapos, ay napatutun~go sa caniyang sasahan,

pinaquiquialaman. Cun macaquita nang i-asusucal nang loob sa man~ga

upahan, ay di maca bitiu nang uicang di matuid, di nanampalasan at di

linilimot na ang pan~ginoon at alila, ay iisa rin sa mata nang Dios.

Cun nagsasaca nang caniyang buquid, cahima,t, ang hayop ay dili

matumpac, nang paggauá, at naglilibang-libang, caraca-raca,i, hahanap

nang lihim na lugar, nagpapasi-pacial, ang mata ay sa lupa,t, hindi

nan~gun~gusap. ¡Oh Feliza! cun maquita cong gayon, ay naalaala co si

Isaac, na naquita ni Reveca, na nagpapasial sa cabuquiran at

nagdidili-dili.

Cun naquiqui umpoc sa man~ga binata si Amadeo,i, nacan~giti lamang

dili mapanulos na maquipaghambogan, di naman pulaan yaong man~ga

baguntauong nan~gagcacamali, diyan ipinaquiquita ang caniyang

carunun~gan na maquipagcapoua tauo, na pinagaralan sa magulang. Cun

may magpahamac na baguntauo, na maguica sa caniya na

nagbabanalbanalan, dahilan sa naquiquitang cabaítan, at malimít na

pagpasoc sa Simbahan, ay di mabuyong magalit, sumagot man ay banayad,

di magdalang poot sa carohaguinan. Ay at tila naquiquita co yaong

mabait na baguntauong nan~gusap: aco,i, isang baguntauo na inaaglahi

at dinudouahagui, gayon ma,i, ang man~ga utos mo, Dios co,i, di co rin

linilimot.[62] Paganhing saysayin dito sinasalita co sa iyo,i,

matatantó mo ang pagibig sa Dios at cabaitan, ang carunun~gang

maquipagcapoua tauo, mapagtiis nang hirap at carouahaguinan sa mundo

na tínataglay ni Amadeo.

Aquing nasambit sa iyo na sa tanong mo sa aquin, ay natanto co ang

laman nang puso mo. N~gayo,i, dinguin mo naman yaring ipahahayag co,

na di man sagot sa tanong mo, ay ucol na hatol sa nabasa cong puso mo.

Si Isaac ay mabait, mabanayád ang asal; di ipinahintulot ni Sara, na

cániyang ina, na magasáua sa, man~ga babaye na taga Canaan, na

palalo,t malupit, cun di cay Reveca, na tubo sa caniyang angcan na

marunong matacot, mamintuho,t, cumilala sa Díos. Itong guinauá ni

Sara, sa caniyang anac na lálaqui na sinalita co sa iyo,t, nang

pagcunan mong uliran, yayamang naquiquitaan mo si Amadeo nang

cabaita,t, cabanalan. In~gatan ca naua nang Dios, Feliza, at

naghihintay namang pagutusan itong iyong--CAIBIGAN.

Sa ganitong balita, Urbana, nang isa cong caibigang tapat na loob; sa

man~ga pahayag ni ama ni ina at iba pang camaganac natin, ay sinaysay

co cay ina, na pumapayag na aco, na si Amadeo,i, maguing esposo co. Di

co na sabihin sa iyo ang man~ga nangyaring ualang cabuluhan, bago cami

nacasal. Sa arao na ito dumulog cami sa altar, tinangap namin ang

Santo Sacramento nang matrimonio, aco,i, nan~gaco sa harap nang Dios

at ng sacerdote, gayon din naman si Amadeo na aco,i, maguing esposa

niya, at siya,i, maguing esposo co. Adios, Urbana, at hinihintay co na

icao,i, sumulat sa aquin.--FELIZA.

Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza · 第 51 / 61 题