CAHATOLAN SA PAGLAGAY SA ESTADO

_Isang Sacerdote cay Urbana_.

URBANA: Sa sabi mo sa aquin na si Feliza ay nagcacailan~gan nang

man~ga cahatolang ucol sa pagtanggap nang Santo Sacramento nang

Matrimonio, minatapat cong isulat sa iyo at nang maipabasa mo sa

caniya ang man~ga santong hatol, na sinipi co sa isang libro. Dito

sinasaysay ang man~ga bagay na quinacailan~gan nang magsisipagasaua na

ipagcacamit nang capalaran, at pagcacasundo nang esposo,t, esposa.[39]

Ang una-una,i, cailan~gan, na ang esposo,t, esposa,i, magcaparis nang

uri at caugalian. Ang icalaua,i, ang pagiibigan. Ang icatlo,i, ang

pagibig ay malagay sa catamtaman. Ang icaapat ay ang pagcacatiualaan

nang loob. Ang icalima,i, ang babaye ay houag mapacalubha ang yaman sa

lalaqui. Ang icaanim, ang edad ay magcaparis. Ang icapito, ang

cagandahan nang babaye na hahanapin ay caiguihan lamang at huag

lumabis. Ang icaualo,i, capoua mauilihin sa catahimican at mailaguin

sa masasamang pagsasayahan. Ang icasiyam ay huag maiguin sa sugal na

baual at malacas. Ang icasampo ay huag maramot at huag náman sambulat.

Ang icálabing isa,i, capua banal at may tacot sa Dios. Ang icalabing

dalaua,i, masipag at capua caauay nang catamaran. Ang icalabing

tatlo,i, matanguihin sa pagcamamariquit. Ang icalabing apat ay loob na

timtiman at mapagtiis nang hirap.

Cun ang lahat nang ito ay taglay nangsisipag asaua ay capilitang

magcacasundo, ang uica Payo at panununtunan nang magandang capalaran.

Cailan~gang magcaparis sa pagca ualang capayapaan, cundi magcagayon.

Ang uica nang pitong pantas sa Atenas: ang babaye ay humanap nang

caparis at gayon din ang lalaqui.[40] Ang lalaquing nagasaua sa

babaeng mahal pa sa caniya ay di esposo ò asaua cundi alila ang

casacapitan at parang humahanap lamang nang caniyang infierno. Gayon

ang uica ni Flutano, Huag mong papag samahin sa pagaararo ang baca at

asno, ang uica nang Dios sa santong sulat,[41] sapagca,t, sa di

pagcacaparis nang canilang lacas at ugali, ay di naman magcacauasto sa

paggaua.

Ang icalauang quinacailan~gan, ay ang pagibig, pagca,t, cun may

pagibig, ang anomang hirap ay pagcaca-isang bathin, at mabigat man

sacali,t, pinagtutulun~gan ay mamagaanin. Cun may pagibig, anomang

masapit ay di maghihiualay. N~guni,t, cun ualang pagibig, ang munting

hirap ay di matitiis, ang uica ni San Agustin, at palibhasa,i, di

nagcacatulong nang pagbabatá.

Ang icatlong cailan~gan, ay ang pagibig ay houag lumabis, sapagca,t,

cun lumabis, ay pan~ganib na mahulog sa catacot-tacot na panibughó.

Pag ang alin man sa dalauá ay maguing panibughoin, malin~gat lamang sa

matá nang asaua, ang acala,i, naglilo na; lumurá lamang sa

durun~gauan, pinagbibintan~gan na may causap. At ang guinasasapitan ay

ang magasaua,i, parang na sa infierno. Ang naninibugho,i, parang,

isang verdugo sa panibughoin. Gayon din, naghihirap ang

ipinaninibughó, sapagca,t, nasasactán ang loob sa paglililo na

ipinagbibintang sa caniya. Caiin~gat ang magasaua sa panibughó,

sapagca,t, nagpapamatá sa masamá. At cun ang isa,i, mapunó na ay

niuiuica sa loob na caniyang titiquisin.

Ang icapat na cailan~gan ay ang pagpapalagayan nang loob, gayon ang

uica nang haring pantás sa babayeng timtiman na pinagcacatiualaan nang

puso nang caniyang esposo,[42] n~guni nacasisira rin naman ang malabis

na pagcacatiuala sa asaua. Cun di nagca gayon si Samson cay Dalila, di

disin nahulog siya sa camay nang man~ga filisteos, di disin napahamac

ang caniyang buhay.

Ang icalimang cailan~ga,i, ang babaye ay houag yumamang lubha sa

lalaqui; sapagca,t, cun magca gayo,i, ang babaye ang maguiguing

lalaqui at ang lalaqui ang maguiguing babaye. Marami ang napapahamac

na pagaasaua, sa pagca hindi esposa cun di pilac ang hinahanap.

Ang icaanim na cailan~ga,i, ang edad ay magcaparis; sapagca,t, cun

magcacahiguitan nang malaqui, ay magcacaroon man nang pagibig, marahil

ay di lumagui at cung magca gayo,i, mauauala ang pagcacasundó, at cun

samain pa nang palad ay mararamay pati nang pagtatapat nang loob. Ayon

sa bagay na ito,i, marami mang bagay na sucat masaysay ay hindi

mangyari, at masisinsáy sa calinisan.

Ang icapitong hinihin~gi ay ang cagandahan nang babaye ay malagay sa

caiguihan sapagca,t, cun lumabis, marahil ay di matahimic ang lalaqui

sasaguian nang agam-agam na sa caramihan nang nalulugod sa caniyang

esposa ay baca siya paglilohan. Gayon ang sabi nang daquilang

Sacerdote nang Santa Iglesia na si San Juan Crisostomo.[43]

Ang icaualang cahin~gia,i, ang magasaua,i, capua maibiguin sa

catahimican, nang di ang lalaqui man~gamba sa caligaligan nang babaye

at nang di ang babaye caya naman ang maghinala sa lalaqui cun

maquitang ualang palagui sa bahay at pagalagala, lalo,t, cun palabiro

at mapag aglahi. Ito,i, tagubilin nang isang pantas sa Grecia.[44]

Ang icasiam ay capua umilag sa sugal sapagca,t, ang viciong ito ay

pangsira nang pagaari, mula nang pagaauay nang magasaua, iquinalilimot

sa Dios nang pagtupad nang catungculan nang pagca cristiano, nang

pagcacalin~ga sa pamamahay, nang pagaral sa anac; at cun ang babaye

ang matutong magsugal, ay lalong malaquing casiraan nang matrimonio.

Maraming lubhang casaman ang napapaquinabang sa sugal. May isang

babaye na mauilihin sa sugal, na maguing ilang oras man sa laró, ay di

naiinip, at palibhasa,i, malaqui ang pagcaibig. Sa guinayon-gayon ay

di dinatnan nang saquit. Gayon man ay di pinapansin at nagsugal din.

Isang gabing na uupo siya sa sugalan, caraca-raca,i, sumuca siya nang

dugó, inabot nang camatayan. Ang caniyang vicio ay sugal, sugal ang

ipinagcasaquit, sugal ang iquinamatay. Sucat pang hinuhaan nang

maibiguin sa viciong ito.

Ang icasampuong cahin~gian, ay capoua hindi masaquim sa salapi at di

naman sambulat. Ang cailan~gan ay bait na icaquiquilala nang panahong

tapat na ipagimpoc, at panahong ipagpapaquita nang magandang loob.[45]

Ang masaquim sa salapi ay salat sa pagibig sa Dios, at malupit sa

capua tauo; at ang di marunong magsimpan naman, ay malapit sa

paghihirap.

Ang icalabing isang cahin~gian ay ang tacot sa Dios sapagca,t,

pinagpapala nang Lan~git. Ang uica nang Dios Espiritu Santo,i, ang

calolouang may tacot sa Dios, ay hinahanap at pinacamamahal at

pagpapalain naman nang Dios.[46] Ang Dios ang canilang pinananaligan

na magtatangcacal sa canila,i, ang mata naman nang Dios ay parating

lin~gap sa nananalig at umiibig sa caniya.[47] Mapalad ang magasauang

may tacot sa Dios mapalad sa canilang pagsasama, mapalad sa man~ga

anac, mapalad hangang sa ca-apu-apuhan.

Ang icalabing dalaua,i, ang casipagan. Si Adan at ni Eva ay linalang

nang Dios at paraisong puspós nang toua ang pinaglagyan sa canila,

n~guni pinagutosan din na bagbaguin ang lupang iyon, at nang may pagca

liban~gan.[48] Ang babayeng hinahanap at pinupuri nang haring Salomón

ay ang may inin~gat na bait,[49] di ang may cagandahan at palibhasa,i,

madaling lumipas,[50] cun di ang may cabanalan at may cabaitan, na

sucat pagcatiualaan nang puso,[51] camahala,t, puri nang isang esposo,

at dilang cayamanan na sa caniya,i, ipinamamahala nang dilang

casipagan na di ang quinahihinguila,i, ang maghiyas at magpamuti nang

labis na di nababagay sa caniyang calagayan cun di ang magca in~ga sa

pamamahay, humanap nang lino at balahibo nang tupa na hinahabi,t,

itinatalaga sa esposo at man~ga casambahay, dili cumain nang tinapay

na di pinagpaguran;[52] ang babaeng itong caguilaguilalas na

naghihiyas nang puri at cabaitan[53] at dilang cabutihan na sucat

taglayin nang esposa at ina ay pinanguilalasan nitong pantas na hari

at nauica na ualang caparis sa lahat nang babayeng anac sa

Jerusalem.[54] Ang babayeng ito ay parang corona nang esposo, at

palibhasa,i, iquinararan~gal sa bayan at parang camahalang taglay nang

caniyang pan~galan na iquinatataas nang caniyang puri sa guitna nang

caguinoohan.[55] Ang ganitong esposo ay capilitan mamahalin nang

caniyang esposo at cabubuhosan nang boong pagibig pamimintuho,t,

paggalang nang caniyang man~ga anac, at capalad-palaran ang ibabansag

sa canilang ina.[56] Caya sa panguiguilalas nang haring Salomon, ay

ipinagtatanong cung sino ang maca quiquita nang isang babayeng

timtiman, na ang camahalan ay higuit sa camahalan nang lahat nang

cayamanan sa mundó:[57] Mapalad, ang uica nang Dios Espírito Santo,

ang lalaqui na may asauang banál.[58] Mapalad sa canilang pagsasama,

mapalad sa canilang pagaanac, mahal hangang sa caapuapuhan. N~guni ang

capalarang ito sa caraniuán, ay di ipinagcacaloob nang Lan~git, cun di

sa lalaquing may inin~gat na cabanalan.[59] Caya ang babaye,t,

lalaqui, magcaca-asaua, ay dapat capoua magtaglay nang casipagan,

cabaitan at cabanalan. Sa catagáng uica,i, magsising isa magandang

asal at nang magsising-isa naman sa magandang palad.

Ang icalabing tatlo, ay houag maibiguin sa malabis na pagmamariquit.

Ang isang dalaga na nagnanasang magasaua, ay nauucol na magdamit nang

mabuti at malinis, n~guni itutuntóng sa guhitt, sapagca paglumabis, ay

maooui sa caparan~galan at pagpapa-ibig. Bucód dito nama,i, ang isang

dalagang butihin ay sucat catacutan nang baguntauo, sapagca,t, ang

uica ni San Basilio, ay cahit ang pilac ay maparis sa agos na

pumapanhic sa bahay, ay madaling mauhos nang babayeng butihin, at

sucat icapahamac nang isang lalaqui. Si Salomón ay hari na mayaman at

marunong, minamahal nang bayan nang siya,i, bagong maghari. N~guni

nang ang caniyang puso ay mabihag at alipinin nang man~ga babayeng

butihin sa caniyang palacio, ay nabighaning sumambá sa man~ga idolo,

sa pagbibigay loob. ¿Ano pa ang nangyari? Quinapootan nang bayan,

dahil sa napilitang pinasaquitan ang caniyang caharian nang matataas

na buis, at nang masunód ang masasamang cahin~gian nang mapagmariquit

na man~ga babaye na inaalagaan. Sa lalaqui di ucol din naman ang

magmariquit nang labis sa caniyang catauan at sa pamamahay; sapagca,t

ipaghihirap nang asaua,t, anac.

Ang icalabing apat na cahingian ay ang babaye ay tahimic at matiisin.

Ang mundó ay bayan nang dálita, na may hirap na titiisin sa magulang,

may asaua,t, sa anac at dilang casambaháy. Cun ang babaye ay ualang

loob na timtiman, na ipagtitiis nang hirap, ay ualang caguinhauahang

cacamtan sa pagaasaua. Sapagca,t, di matutong magpuno sa pamamahay, at

di maca sundó nang caniyang esposo. May man~ga babaye na cun titingnan

ay naca guiguilio, at masayá ang muc-ha, at sa paquiquipagcapoua tauo

ay cagandahang loob ang ipinaquiquita, n~guni sa munting, masira ang

caibigán, ay ipinahahalata agad ang tinagong casamán. Ang mata,i,

nanlilisic, ang in~gay nang bibig ay para nang sa campana, ang

tinacáp-tacap ay parang manóc na putaquin, sa bibig ay nananambulat

ang tun~gayao na anaqui,i, apóy sa himpapauid: ang man~ga babayeng

ito,i, saan caya natin maipaghahalimbaua, cundi sa putacti na

masaquit sumiguid, sa man~ga olopong na may tinagong camandág na

talagá sa apóy sa infierno. Gayon ang uica nang ating P. J. C.: ¡oh

lahi nang ahas at man~ga olopong! ¿papaano cayang macaliligtás cayo sa

apóy sa infierno ó sa galit nang Dios, na nagbabalang magparusa sa

inyo?

Pang-hinuhahan nang man~ga babaye ang parusang ibinibigay nang Dios sa

isang babayeng palatun~gayao sa Cataluña, na sinalitá nang Señor

Obispo D. Antonio Claret. May narinig, aniya aco, na isang babaye na

nagtutun~gayáo, ay pinan~garalan co. Sa pan~gan~garal co i, tumahimic

na saglit, n~guni nang málayo aco,i, umulit na naman. Dito,i, catacot

tacot ang nangyaring parusa nang Dios. Namagá ang díla nang labis, na

di macasiya sa bibig, nan~gin~ginig, at humihin~gal na tila malalagót

ang hinin~ga. May tumauag sa aquin at nang mapa compisalán co, itong

caaua-auang babaye; n~guni, ¡oh masamang capalaran! Hindi na

nacapan~gusap, at di co naman naquitaan nang tandang pagcacaquilanlan

nang caniyang pagsisisi.

Ito, Urbana, ang nacayanan nong sinipi sa man~ga casulatan na man~ga

santong hatol, na ucol cay Feliza, sa iguinagayác nang loob na

pagtangáp nang Santo Estado. Paquinaban~gan na na niya. Adios,

Urbana--ISANG SACERDOTE.

Cun icao, Feliza, ay macapagtitiis nang hirap, macayayacap sa mabigat

na cruz na pinapasán nang isang babayeng may asaua: uica co sa iyo,i,

tangapin mo itong mabigát na pasán. Cun ang lahat na cabutiha,t,

cabanalang hiyas nang isang babayeng timtiman na hinahanap ni Salomón

at pinupuri nang Dios Espíritu Santo, ay di mo man iniin~gatan at

nasusunód, ay pagsasaquitan mong sundin: uica co sa iyo,i, tangapin

ang Santo Sacramento nang matrimonio. Cun si Amadeo,i, may inin~gat na

bait, may tacot sa Dios, na para nang sabi mo, macapagbibigay sa iyo

nang magandang halimbaua; cun icao,i, marapa ay maibaban~gon ca: cun

mapasinsáy ca sa daang matouid ay maipapatnugot ca: cun inaacala mo na

matimpi ang loob na maca pagtitiis nang taglay na hirap niyang mabigát

na estado; cun nararamdamán mo na marunong magparaan nang mumunting

casiraan at capintasan, na pilit maquiquita sa isang esposa, at

palibhasa,i, babaye; cun naquiquilala mo, na ang caniyang ugali ay

dili malupit cundi mabanayad at ang casiraan at capintasang taglay,

palibhasa,i, tauo ay mapararaan mo: paganhing saysayin, cun nahahalatá

mo na cayong dalaua,i; maca pagtitiisan, at ang mabigat na cruz, na

cun sarilining pasanin ay di macacayanan, at cun pagtulun~gan ay

mamagaanin: hatol co sa iyo ay ipahinuhod cay ina ang calooban mo sa

caniyang calooban na si Amadeo,i, maguing esposo mo. Caya ang mabuti

ay magmasid muna at magtanong tanong. Feliza ang Dios naua,t, si

Guinoong Santa Maria, ang tumulong sa iyo. Adios, hangang sa isang

sulat.--URBANA.

Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza · 第 50 / 61 题