ANG PAGPAPATIBAY NANG LOOB

_Si Urbana cay Feliza_.--MANILA ...

FELIZA: Di hamac ang pagpupuri co sa Dios, at pinagcaloobang ca nang

matibay na dibdib, na dili nabagbág nang maulit na tucsò, na

nagbantang sumirá nang cabaitan mo; nang timtimang loob na naca

pagtiis nang hirap sa paquiquipaglaban. N~gayo,i, ang hatol co sa

iyo,i, ang pananatili. Nagtagumpay cang minsa,i, houag cang malin~git,

at di ca rin tatahanán. Ang buhay nang tauo dito sa ibabao nang lupa,

ay palaguing paquiquipagbaca,[36] caya ihandá ang sandata, houag

pasuboc, iubos ang lacás, tapan~gan ang paquiquipag-laban, at catatag

capag dating nang digmá.[37]

Ang demonio,i, cun tumucsò sa isang may loob sa Dios nang laban sa

calinisan, ay di natin sucat na malirip. Palibhasa,i, diyan naquiquita

ang carupucán natin, ay diyan ca naman pagpipilitang ihapay. Daraanin

ca muna sa paquiquipag capoua tauo, hihicayating cang

maquipagsalitaang palagui sa quinahihinguilán nang loob, ibubulóng sa

iyo na ualang pan~ganib, sacá isusunód ang pagpapalagáy nang loob at

pagmamahalan, at capag ang puso ay natalian nang masamang pag-ibig ay

taling casunód na ang masamang gauá. Caya ang biling co,i, ang ilaban

mo sa ganitong tucsó,i, ang pagilah sa pan~ganib, pagtauag sa Dios,

pagdating nang oras.

At cun sacali ma,i, ipahayag mo ang loob mo na si Amadeo ay maguing

esposo mo, ay houag itulot, sa puso ang maraming pagibig, at ang

alalahanin ay Santo at malinìs ang Sacramento Santo Dios ang may

lalang, ang Hari nang malilinis na Angeles, ang Esposo nang man~ga

Virgenes: caya tatangapin nang boong calinisan. Tangaping malinis at

nang di ang sumpá nang Dios, cun di ang caniyang bendición Santá ang

igauad sa iyong casabay nang Sacramento. Basahin mo Feliza, ang sulat

na calampi nito, na ipinadadala sa iyo nang aquing Director[38].

Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza · 第 49 / 61 题