ARAL SA MAN~GA INA NA MAY MAN~GA ANAC NA DALAGA

_Si Urbana cay Feliza_,--MANILA ...

IGUINAGALANG CO,T, INIIBIG NA INA: Isinulat sa aquin ni Feliza ang

magandang gayác mo po, na siya,i, ilagay sa estado, ang pagpapahayag

mo sa caniya, ang caniyang casagutan sa iyo, na magmamasid muna,t,

magiisip-isip cun icararapat sa Dios. Ayon sa bagay na ito,i, uala

acong masabi, cun di ang inyong magandang banta at ang mabait na

adhica nang loob ni Feliza, ay ipatuloy, sacali,t, mapaganinao, na

na-uucol.

Humihi~ngi naman sa aquin nang man~ga cahatulang ucol sa caniyang

calagayan, isinan~guni co sa isang Sacerdoteng marunong, ay di

minatapát na ipahayag lamang sa aquin nang bibig, cun di ang isulat.

Ang sulat na iyan, na inyong tatangapin, ay quinapapalamanán nang

man~ga cahatolang aalinsunurin nang isang ina, na may quinacalin~gang

anac na babaye. Caya minarapat cong sa inyo,i, ipinadala.

_Ang Confesor cay Urbana_.

URBANA: Alinsunod sa magandang cahin~gian sa iyo ni Feliza, ay

minatapát cong isulat sa inyo ang man~ga cahatolang laban sa masamang

caugaliang naquiquita, na ipinahihintulot nang ina sa anac; at ang

matotouid na aral na sinipi ni padre Arbiol, sa santong sulat, na

nauucol sa man~ga ina.[24] Mumulán cong isaysáy ang isang masamang

caugalian, na caraniuang naquiquita.

Cun sa bahay nang dalaga ay may pumanhic na baguntauo, cun may

inin~gat na bait ang maguláng, ay di dapat ipahintulot na ang anac na

dalaga ay gumamit nang bandeja, lalo,t, cun di nahaharap ang ama ó

ina, magpan~gan~ga sa baguntauo, sapagca,t, cun ualang inin~gat na

mahal na asal, ay capilitang bubuhatin ang camay ó paá, iquiquilos

nang masama, lalo,t, cun na sa dilim.

Hindi man pagpahamacan nang gayon, bibig naman ang gagamitin, bibigcas

nang sabi; ipahahayag ang na sa loob, na ang caraniuan ay hindi

magaling.

Magsasaysay caya naman nang pagibig. Sa pagibig na ito,i, ¿ilan na

caya baga ang tapat? at sa tapat ma,t, sa hindi, ¿di caya nahahaloan

nang masamang bantá?

Pacatantoin nang ina, na ang calinisan nang isang dalaga ay parang

isang bubog, na cahit di magcalamat, cahit di mabasag, mahin~gahan

lamang ay nadurun~gisan.

May isa pang caugalian na sacdal nang sama at sucat paca-ilagan nang

man~ga magulang. Pag panhic nang baguntauo, pagcabati sa magulang ay

iiuan ang anac na dalaga, pababayaang maquipagusap nang sarili sa

baguntauo.

Cun ang isang dalaga ay naquiquipag usap nang lihim sa baguntauo,

¿saan caya natin maipag hahalimbaua, cundi sa libay na usá, na

hinahabol nang áso, na di tutugutan hangang di abutang macagat, at

mapatay? Cun ang itutugon sa aquin nang isang magulang, ay catiuala

ang caniyang loob sa anac niyang dalaga, at naquiquita níyang may

inin~gat na bait, ang masasabi co naman ay di catampatan sa magulang

na ilagay sa pan~ganib na mauala ang bait at malugso ang puri nang

caniyang anac. Ang sucat alalahanin yaong tulang sambitlá nang man~ga

binata: ang bato,i, sacdal man nang tigas, tubig na malambot ang

nacaaagnas.

Cun ang isang baguntauo, ay naquiquipagharap nang lihim, sa isang

dalaga, hindi malayo na mauala ang pitagan tumapang ang loob na

magpahayag nang caniyang masamang nasa. Sa unang págpapahayag, sa

icalaua sa icatlo, cun ang dalaga,i, may inin~gat na puri, hindi

malayo na di pa hinuhod sa mas mang lamuyot at maitatangol pa nang

catutubong cabaitan. N~guni sa icaapat o icalima marahil ay hindi na.

Mahirap nang macapaglaban, at palibhasa,i, nararagandan.

Maipaghahalimbaua sa cahoy na babad man sa tubig, sa apóy capag

nálapit, at naragandang sa init, ay capilitang magdiriquit.

Sa caraniuang paghaharap nang dalaga,t, baguntauo, ang catauan ay

nagcalapit, nagtatama nang mata,t, nagcacaabutan nang sabi; ay at

¡ilan cayang panimdim na laban sa calinisan ang bucal sa isip! ¡ilang

masamang banta ang magaling sa puso! ¡ilang bucang bibig ang

mabibitiuan! ¡ilang masamang quilos ang magágaua nang binatá na pauang

panglugsó nang puri nang isang dalaga!

Cun icao, dalaga, ay sasagot sa aquin, na ang puso mo,i, gaui sa

calinisan, dibdib mo,i, matibay na di mababagbág, ang isasagót co sa

iyo,i, yaong dalauang hatol nang Dios Espíritu Santo, na ualang

nagcandong nang apóy na hindi nasunog. Ang lumululong sa pan~ganib, ay

sa pan~ganib din mapapahamac.[25]

¡Oh pabayang ama! ¡oh nagcacamaling ina! caiin~gat at sa minsang

malugsó ang puri nang anac ninyong dalaga, ay di na masasauli.

Pagnagcagayon na,i, uala cayong magagaua, cun di itan~gis ang caniyang

casiraan, at ang casiraan nang inyong puri; at ang lalong catacot

tacot ay ipagsusulit ninyo sa Dios, cayo ang sisisihin at parurusahan,

at palibhasa,i, cayo ang may casalanan[26] hatol, na sinipî sa santong

sulat ni padre Arbiol, at ipinan~garal sa man~ga ina.

Cun icao,i, may anac na babaye ay turoan mong matacot sa Dios, houag

pagpapaquitaan nang n~gipin, paca-in~gatan ang canilang pagca

virgen,[27] turoang magmahal sa asal at magpaca hinhin, nang di

lapastan~ganin nang binata.

Houag tutulotan, na sa canilang pagtin~gin, ay mabasa ang cagaslauan

at pagca mairoguin. Sa matá ang uica nang Profeta Jeremías, nanasoc

ang camatayan nang caloloua, na sumisira sa man~ga binata.

Ang anac na talipandás at mapan~gahás, ay nacapagbibigay hapis sa

caaua auang ama, ang uica nang Dios Espíritu Santo. Caya pacain~gatan,

at cun maquitaan nang casiraan, ay hangang bago,i, bigyan agád nang

cagamutan, sa pagca cun lumalâ, ay ualâ nang magagaua. Sundin yaong

magandang hatol sa magulang na ualang di nacatatalastás: ang cahoy na

licó at buctot hutuquin hangang malambut pag lumaqui na at tumayog,

mahirap na ang paghutoc.

Pacaalagaan nang ina ang caniyang anac, tingnan ang canilang man~ga

quilos, nang maquilala ang licó at buctót, at cun sumasamá. Itong

santong hatol nang Dios Espíritu Santo, ay alinsunorin at nang di

mamali: binigyan nang Dios ang tauo, nang tain~ga,t, nang ipaquinig,

matá at nang itin~gin[28].

Sa pagbabago nang muc-há nang babaye, naquiquilala ang caniyang

casamaán,[29] caya hindi carampatang calin~gatan, sapagca ang casiraan

nang anac na babaye, ay casiraan nang ina.

Houag tulutang mamintanang palagui, sapagca,t, ang dalagang

namimintana, ay caparis nang isang buig nang uvas, na bibitin-bitin sa

san~ga sa tabi nang daan, na nagaanyayang papitás sa sino mang

macaibig.

Nang houag mamihasa sa pamimintana, ay bigyan nang ina nang gagauin,

turoang mamahala sa bahay, at nang di na pagaralan cun dumating ang

capanahonan. Ito,i, catungculan nang magulang na ituro sa anac; at

gayon ang bilin sa santong sulat[30]. Sapagca,t, sa isang babaye,

nangagaling ang masamá ó magandang capalaran nang pamamahay.[31]

Houag tutulotan na ang dalaga ay lumacad sa daang nag-iisa ó utusan

caya sa oras na di catampatan, ó magpacial caya nang ualang casama,

at nang di pagcaraanan nang capahamacan. Cun si Dina na anac ni

Jacob, ay di nagpacial na nanagiisa, ay di disin hinamac ni Siquem, na

anac nang principe Hemor, na inilugsó ang caniyang pagca virgen. Cun

magcagayo,i, laquing dalamháti nang isang magulang, at palibhasa,i,

casiraan nang puri nila at nang boong cahinlugan. At cun

magcabihira,i, mula nang pagaauay at pagpapatayan, para nang nangyari

sa man~ga anac ni Jacob at anac ni Hemor.

Minsa,i, naisipan ni Dina, na manaog, at ang nasa,i, manood nang

babayeng tubo sa lupa ni Canaan na caniyang tinatahanan. Sa

pagpapacial niya sa lupang iyon, ay naquita ni Siquem, nalugód at

nagdamdam nang malaquing pagibig, hindi nacalaban sa lihis na nasá,

inagao si Dina, itinanan at sinira ang caniyang pagca virgen. Nang

magca gayon na,i, ualang pagcasiahan ang capighatian nitong napahamac

na dalaga. Sa malaquing pag-ibig ni Siquem, ay hinihiling sa caniyang

ama na siya,i, ipacasal cay Dina. Sa cahin~gian nang anac, ay

napahinuhod ang ama, siyang namanhic cay Jacob, na ang anac niyang si

Dina ay ipacasal cay Siquem. Nang nagsasalitaan ang dalauang magulang,

ay narinig nang man~ga anac ni Jacob, natantó ang nangyari cay Dina,

galit ay di hamac, nagbantang maghiganti, n~guni di ipinahalatá ang

canilang masamang nasa. Sa cahin~gian ni Hemor ay hindi napahinuhod

ang man~ga anac ni Jacob, hangang di sila nan~gaco na maquiquiugali sa

canila, na susunód sa Ley nang Circuncision na utos nang Dios sa

man~ga Hebreo.

Palibasa,i, daquila ang pagibig ni Siquem cay Dina, ay tinupad ágad

ang pan~gaco. At di lamang siya, cun di lahat nang lalaquing

siquimitas na canilang nasasacopan, ay pinagutusang sumunod. Nang may

icatlong arao na sila,i, nasasaquitan ay linooban nang dalauang anac

ni Jacob na si Simeon at ni Levi ang ciudad nang Siquem, casama ang

canilang man~ga lingcod at pinagpapatay ang lahat nang lalaqui na

ipinaquiramay si Siquem at ni Hemor, at quinuha si Dina. Nang macaalis

na sa ciudad si Simeon at ni Levi, siya namang pumasoc at lumoob ang

ibang man~ga anac ni Jacob. Sinamsam ang man~ga obejas, baca at asnos

nang siquimitas, at dinalang bihag ang man~ga babaye sampo nang man~ga

bata.[32]

!Laquing capahamacan ang naguing bun~ga nang pagpapacial na nagiisa ni

Dinang quinapos sa palad! Nasira ang caniyang pagca virgen, hiyas nang

isang dalaga, napahamac ang puri nang caniyang magulang at nagca utang

nang maraming buhay ang caniyang man~ga capatid.

Cun si Eva disin ay, di nagiisang nanood nang halaman sa Paraiso, di

sana pinan~gahasang tinucso nang demonio ó cun pinan~gahasan man ay

may isang esposo na macasasansala.

Cun sa isang anac na dalaga, may manunuyo, ay matacot ang ina ò ama na

sila ay paglingcoran nang baguntao, sapagca,t, cun magca gayon, ay

macaquiquita nang daan na titira na tanghali ó sa gabi, sa man~ga oras

na iyan ay ¿macailang cayang magtama nang mata, macailang

magsasarilinan nang salitaan? Pagca nagca gayon na,i, daan na nang

pagcapahamac; sapagca,t, ang pagtitin~gnan at ang pagnanasa nang

masamá, ay di nagcacalayó, ang uica ni San Gregorio Nazianceno[33] Ang

uica nang Dios Espiritu Santo,i, bago dumating ang saquit ay lagyan

nang cagamotan:[34] ay ¿saan caya naroon ang bait nang isang ama ó

ina, na nagpapahintulot na sa canilang bahay ay tumirá ang isang

binata, sapagiimbót nang suyô? ¿di ang cahulugán nito,i, sila rin ang

cumiquita nang daan at pan~ganib, na icapapahaman nang puri nang

canilang anac na dalaga?

Di naman catampatang magpita nang salapî ang isang magulang sa

lalaqui, sapagca,t, bucód sa ibinabaual nang Superior Gobierno at nang

Señor Arzobispo D. Fr. José Seguí, ay itinutulad sa hayop ang canilang

anac, na pinagbibili sa lalaqui. Di rin naman catampatan, na

magparinig na nagcacailan~gan nang salapi, at nang houag mapaguicaang

masaquim. Bucód dito naman, ay cun magcaayauan, ay hirap na nang

pagsisin~gilan, at palibhasa,i, masáquit ang magbayad. Laquing

casiraan nang puri nang isang dalaga, laquing cahihiyan nang isang

magulang, cun magca hablahan at paghatolan nang isang justicia.

Marami pa at madlá, Urbana, ang masasaysay cong man~ga cahatolan na

dapat alinsunurin nang magulang sa pagaalaga sa anac, n~guni at sa

pagca,t, aco,i, lalauig na lubha ay ililiban co na sa ibang sulat ang

man~ga cahatolang ucol sa magasaua.

Si Feliza, ay may inin~gat na bait na minana sa magulang, umiilag sa

pan~ganib, at palibhasa,i, naquiquilala ang caniyang carupocan ang

rosa nang caniyang pagca virgen ay pinaca aalagaan, quinucubcób nang

tinic nang pagpapasaquit, dinidilig nang panalan~gin, at palibhasa,i,

natatanto yaong uica ni Santa Maria Magdalena de Pazzis, ang

calinisan, ay hindi mabubuhay cun di bacuran nang tinic, at di naman

mamumulaclac, cundi batbát nang tinic. Caya uala acong sucat maihatol

sa caniya, cun di ang ilagui ang loob sa cabaitan, magpasalamat sa

Dios at ipinagtangcacal ang caniyang calinisan sa pan~ganib na

icasisira, at ang tularan niya,i, yaong calolouang nagpasalamat sa

Dios, at ang saysay: aco,i, magpupuring palagui sa iyo, Dios cong

nagtangcacal sa aquin, at iniadía mo ang calinisan co sa

capahamacan.[35]

Ang man~ga cahatolang ucol sa paglagay sa estado, ay sa susunod na

sulat aquing ilalagay. Adios Urbana.--ISANG SACERDOTE

Ang sulat na ito, ina, nitong sacerdoteng hinin~gan co nang hatol, ay

inaasahang co na paquiquinaban~gan nang maraming ina, at ni Feliza

naman, n~gayong siya,i, dalaga pa, at gayon din naman cun siya,i,

maguing ina. Ipagcaloob naua nang Lan~git na mangyari ang iyong

magandang nása cay Feliza cun icararapat sa Dios. Aco po, ina,i,

humahalic sa iyong camay, gayon din naman cay ama.--URBANA.

Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza · 第 48 / 61 题