_Si Urbana cay Feliza_--MANILA ...
FELIZA: Tinangap co ang dalaua mong sulat ang isa ay fecha 5, ang
icalaua,i, 12, capoua dito sa lumalacad na buan; ay natanto co ang
dilang cabutihan ni Amadeo, ang catapan~gan mong lumaban sa isang
mahigpit na cahin~gian nang puso ang pagsasacdal mo sa lan~git sa
panahon náng pan~ganib ang pagtatagumpay nang cabaitan mo, at ang
dilang cahin~gian mo sa aquin.
N~gayo,i, ang sagot co sa iyo,i, magpasalamat ca sa Dios, at ang
tularan mo,i, yaong mapalad na haring nagsaysay: magpupuri aco sa
Dios, sa toui-toui na: at ang pagpupuri ay di co huhumpayan. Nagsacdál
aco sa Pan~ginoon co,i, quinalugdang dinguin ang aquing dalan~gin: at
sa caralitaang dumating sa aquin, ay iniadya aco.[22] Icao, Feliza,i,
ipinahintulot nang lan~git na malagay sa isang pan~ganib, pinabayaang
ipaquipagbacat ang sarili mong lacás, dibdib mo,i, nalagay sa guitna
nang digma,i, nagcaalan~gan sa lamuyot na tucsó, at sa hatol nang
cabaitan; n~guni pagtauag mo,i, agad cang dinulóg at ang caloloua mong
lumagui sa hirap, ay sinaclolohan, inalis sa dusa, biniguian nang
lacás at caguinhauahan; tingni, capatid co cun di ang catamisan nang
Dios, na ibinabalita nang haring Profeta ay naranasan mo.[23] Hin~gin
mo cay ina, Feliza, ang sulat co sa iyo, at diyan mo matatalós ang
magandang hatol na hinihin~gi mo, Adios, Feliza, hangang sa isang
sulat.--URBANA.