CAHATOLAN SA DINATNAN NANG PANGANIB

_Si Feliza cay Urbana_.--PAOMBONG....

URBANA: sa sulat na sinundán nito ay aquing sinaysay sa iyo na

maquita co si Amadeo, sulat co,i, napatid, at dinguin ang

cadahilanan: ang dibdib co,i, nagtatahip; ang puso,i, nabibigatán nang

isang caramdamang di nararanasan magpacailan man; ang camay co,i,

nan~gin~ginig, ang pluma,i, nalalaglág sa daliri; sa matá co,i,

nan~gin~gilid at bibitin bitin ang camunting luha, at sa catapusang

matitic sa sulat ang n~galang _Amadeo_, pluma,i, nabitiua,t, pumatac

ang tubig na bumasa sa sulat. N~gayon co ipatuloy ang sulat iyon.

Nang si Amadeo ay maquita cong na sa pintoan nang ating bahay, ay

natilihan aco, loob co,i, napindang at naualan nang diua. Isang

baguntauo, na ang quias at tindig nang pan~gan~gatauan, ay timbang na

timbang, quilos ay mabini, mahinhin ang asal, sa caniyang muc-ha,i,

cahit di maquita ang nacasisilao na cagandahan, n~guni nagniningning

ang cabaitan, ang malubáy at maamong loob na iniin~gatan, ang mata,i,

maamo,t, ang binibitiuan ay may hiyang titig, na di napan~gahasang

itapon sa aquin. Nauumid siya,t, mata,i, nan~gun~gusap, at acong

nacaharap naman ay gayon di,t, tiboc nang puso co ay labis nang tunog,

na aco,i, nagdalang tacot, na baca marinig. Sa aquing mapansin ang

calagayang iyon, bait co,i, nan~gusap, nagdamdam nang hiya: sa

malaquing hiya,i, aco,i, napaalis na biglang di co na nagamit ang

galang sa pagpapa-alam. Nang aco,i, maligpit na sa silid, ay

naramdaman cong napaui ang catahimicang cacambál nang cabataan co, at

ang humalili,i, isang caligaligan na dinaramdam co,i, dili co

masaysay. Ibig co dising umalis sa silid na quinalalagyan co,t, aco,i,

paquita uli, at humin~ging tauad, sa di co pagpapa alam, n~guni

nacarinig aco sa dibdib co nang isang matunóg na voces, na sumansala,

sa aquin, at nan~gusap: na ang gauang iyo,i, bulong nang licóng

pagibig, at saui sa cabaitan nang isang dalaga. Titindig na aco,i,

napa-upó uli nacapaghunos dili at na ala ala co yaong auit ni David:

aco,i, nagsacdál sa aquing Pan~ginoon nang pagusiguin aco nang saquit,

ay quinalugdan dinguin ang carain~gan co.[19] Itong santong auit nang

may dusang Profeta ay parang narinig co, napatindig uli sa

quinaloloclocan, biglang naniclohód sa ating Pan~ginoong napapaco sa

cruz, nanalan~gin aco sa caniyang harapan, at ang caralitaang damdam

nang puso co ay aquing sinaysay:[20] isilay mo, Dios co, ang

caliuanagan sa napagdidimlang cong isip, nang di ang caloloua co,i,

abotin nang camatayan, houag mong itulot na macapagtagumpay sa aquin

ang malupit na caauay nang di pagauitan aco, aglahiin at uicain:

siya,i, nagahis co rin.[21] Nang matapos acong macapanalan~gin,

sumigla ang puso, nagdamdam nang catapan~gan, aquing uiuica; iilag na

aco sa pan~ganib na macasisira nang calinisan co; at naalaala co yaong

uica ni San Pablo; sa tucsong laban sa calinisan, ang douag ang

nagtatagumpay. Gayon man Urbana,i, hindi rin mangyari cun di ang

sangunian cata. Hintay ang casagutan mo nitong iyong capatid na na

nagmamahal sá iyo.--FELIZA.

Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza · 第 46 / 61 题