ANG PAGIISIP-ISIP NI FELIZA SA PAGLAGAY SA ESTADO.

_Si Feliza cay Urbana_.--PAOMBONG ...

MINAMAHAL CONG CAPÁTiD: Sa pagcamasid ni ina, na aco,i, dumating na sa

panahon, na dapat co nang ilagay sa estado, ay sa madlang binata na sa

aqui,i, nagnanasa, ay napahinuhod ang loob sa isang baguntauo, na

inaacala na may inin~gat na cabaitan.

Dito, sa man~ga nacaraang arao, ay madalás sumagui sa aquing pagiisip,

cun ano ang aquing mapagsasapit sa panahong haharapin. Cun dumating

ang capanahonan, at tayo,i, maulila cay ama,t, cay ina, at aco,i,

dalaga pa, di aco sa mundo,i, ulilang ulila. Ulilang ulila at

mapapagisa sa guitna nang mundong puno nang pan~ganib. Cun magcagayon

na,i, di catulad co,i, isang marupóc na daong na inabót nang sigua sa

guitna nang dagat, pinagtutulong-tulon~gang hampasin nang

salu-salubong na han~gin, ibaba,t, itaas, nang matataas na daluyong;

cahima,t, ang timon nang cabaitan ay di masisira, cun uala na ang

pilotong macapagaalaga; ¿masasabi cayang macasasadsád sa guilid,

macapan~gan~ganlong sa han~gin, at di mababagbág sa laot? Ang puring

inin~gat nang aquing pusong daong na marupóc, cun pagtulong-tulon~gang

hampasin nang marahás na han~gin nang hibo,t, paraya, cahit anong

bait, cahit anong hinhin, cahit anong ilag ang aquing gamitin, at

ipagsangaláng cun mapag-isa na,t abotin nang hina, at aco,i, hapoin sa

catiyagaan ¿masasabi co cayang dili mababagbág sa laot? ¿Di caya isang

capan~gahasan, cun aquing uicain na ang capurihan co at calinisan, ay

ma iin~gatan co rin sa calaguitnaan nang suson-susóng pan~ganib? isang

capan~gahasan at isang caulolan. Caya di pahinohod ang loob co, na

aco,i, lumagui sa ganitong calagayan. Cun ang isang dalaga,i, may bait

at may nag aalagang magulang, cun may mag bantá man nang di matouid,

ay di mapanibulos at palibhasa,i, ang macacabanga,i, dalauang cabaca

ang cabaitan nang isang dalaga, at ang alang alang sa magulang. N~guni

cun maulila na, ang cabaitang ito na parang isang cutang tangolan nang

puri nang isang virgen, cun mapag-isa na,t, ualá nang magtangól, ¿di

caya pagpahamacang lusobin nang pan~gahas na loob? Cun magca gayon

na,i, ang carupucán nang bata cong loob ¿ay macaaasa cayang

macapagtatagumpáy?

Cun pagdili-dilihin co naman, na ang matrimonio,i, mabigát pasanin,

lalo,t, ang tatamaan ay di co macacasundo, at iba ang asal, iba ang

uani, salát sa cabaitan at ualang cabanalan, iba ang loob, ang

dalauang puso ay di matatalian nang isang pagibig, ay capilitang

malayó sa amin ang pagcacasundo. Cun ang man~ga bagay na ito,i, aquing

pagdili dilihin, ay nagaalan~gan aco, natatacot tumangap nang isang

mabigat na pasán, na hindi co masabi na macacayanang dalhín. Sa lagay

na ito, na nagaalan~gan ang aquing loob sa dalauang estado: pinag

titimbáng-timbáng ang pan~ganib at caguinhauahan nang isang dalaga;

ang pagca ayo sa pan~ganib, ang cabigatan at cahirapan nang isang may

asaua, ay nagugulo ang aquing isip, nagaagam-agam ang loob, at

hinahandulong aco nang malaquing saquit. Sa ualang matutuhang gauin,

ay itin~galá co ang matá sa lan~git, at palibhasa,i, diyan co

inaasahan na magmumulá ang tulong sa aquin.[16] Ipinahayag co sa Dios,

ang dinaramdam cong capighatian at aquing sinaysay yaong pinala~nging

bigcas nang Profeta: aco,i, turoan mo Pan~ginoon cong sumunod sa iyong

mahal na calooban, at palibhasa,i, icao ang Dios co.[17] Ang man~ga

mata co,i, para nang alipin na bibitin bitin sa pan~ginoon

hihintay-hintay at di inaalis hangang sa di caauaan.[18]

Ang Dios na dinadain~gan co, sa toui-touing daratnán aco nang sáquit,

si Guinoong Santa Maria na tinatauag cong Ina, ay naaua,t, nahabag sa

aquing man~ga panalan~gin, hindi nalao,i, hinan~go aco sa hirap. Isang

gabing tahimic, na bagong natapos acong nagpuri sa Dios, ay nilapitan

aco ni ina,t, may ipinahayag.

Icao, Feliza, ay na sa capanahonan na sucat ipagisip, na lumagay sa

estado. Ang tauo ay di lagui sa mundó, buhay maicli at may catapusan

caya ang iniisip co,i, ang sa haharapin. Minamahal cata, bunto at di

co; datapoua,t, lalong minamahal co ang capanatagan mo.

Cun dumating sa aquin ang oras nang camatayan, at maiuan quita sa

calagayan iyan, ay maguiguing tinic na sa aquing puso,i, magbibigay

saquit, sa pagaalaalang quita,i, maiiuan sa madlang pan~ganib, lalo,t,

cun ulila ca na sa ama,t, sa ina. Sa madlang baguntauo, na

nan~gin~gibig sa iyo,i, isa ang napili nang ama mo, at gayon din naman

aco. Isang baguntauo na anac guinoo, magandá ang quias, asal ay

mahinhin, may loob sa Dios, may iquinacacaya, asal ay tahimic, malayo

pagaauay, ualang nota sa bayan, ang pan~gala,i, Amadeo. Ang

baguntauong ito,i, ang maacala cong macacabagay mo, at maguiguing

casing isa mo sa palad: Pagtaga ni ina nang caniyang salita ay

natalastas co ang tinutun~go, n~guní hindi co sinagot hangang di

natapos, at niniisip co naman ang itutugon co.

Nang siya,i, tumahimic na, ay ualang naisagót aco, cun di ang salamat,

ina, sa pagcacalin~ga sa aquin sa magandá mong nasang aco,i,

mapalagá'y sa capanatagan, sa panahong haharapin. N~guni ang hin~gi co

ina,t, pamanhic sa iyo,i, aco ay bigyan nang caonting panahon

naipagisip. Aquing natatantô, ina, na ang matalas mong bait, ay

nadarayaan, di ang cagandahan, di ang pagca guinoo, di ang munting ari

ni Amadeo, cun di ang magandá niyang asal, ang nacahicayat sa iyo, na

ibigáy sa aquing esposo, n~guni hintay muna, ina, at magmamasid acong

man~ga ilang arao. Cun maquilala co na ang caniyang pagibig ay di

paimbabáo, asal niya,t, asal co ay nagcaca-isa, ang magugulang niya,t,

man~ga capatid ay macacasundo co, ay asahan mo, ina, na aco ay caniya,

n~guni cun sa caniyang familia, ay may ipipintás ang tauo sa bayan, at

ang capintasang ito ay icasisira nang ating puri, ay ipahintulot mo,

ina, na di co ipayag sa caniya ang aquing puso, at inaasahang co naman

na ang sagót cong _hindi_, ay di mo icapopoot.

Sa sagót cong ito,i, nan~giti si ina, at aco,i, niyacap na

pinacahigpit, at ang ipinacli: sa ilan nang arao na ninanasa cong

magpahayag sa iyo, ay nahuhulaan co na ang isasagót mo. Salamat

Feliza, sa Dios, sa masonoring loob na ipinagcaloob sa iyo, salamat sa

pagsunód mo sa calooban nang magulang. Salamat sa cabaitan mo. Sa

isang masonoring anac, ay ualang sucat na asahan ang ina, na para nang

sagót na iyan, na bulong sa iyo nang inin~gat mong bait.

Di co masaysay, Urbana, sa iyo ang quinamtáng tóua ni ina,t, sampong

aco naman: aco,i, niyacap na muli, saca ang canan co ay pinacahigpit

na hinauacan nang dalauang camay, ay bago uinica: matulog ca na,

bunso, bucas ay mulan mo nang isanguni sa Dios sa iyong man~ga

panalan~gin, idalan~gin mo cay Guinoóng Santá Maria, na icao at aco,i,

tulun~gang ipagcaloob na matulóy ang ating magandang bantá, cun maayon

sa santong calooban niya, at igagaling nang iyong caloloua; at cun

hindi naman, ay bigyan tayo nang daan na icasasansala.

Nang quinabucasan, Urbana, ay naquita cong nasoc sa pintoan nang ating

bacuran si Amadeo. Adios, Urbana, hangang sa isang sulat.--Feliza.

Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza · 第 45 / 61 题