CALASIN~GAN.[10]

_Si Urbana cay Feliza_,--MANILA....

FELIZA: Sa pagcamasid co na sa maraming bata saan mang bayan, ang isa

sa man~ga nacasisira ay ang malabis na paginom nang alac na

naquiquita,t, namamana sa paquiquipagibigan; sa sulat na ito,

minatapat co na siya cong saysayin sa iyo, at nang pagpilitan mo na si

Honesto,i, macailag sa masamang caibigan at nang houag mahaua sa

canilang vicio. Cun ang batang iya,i, lumaqui,t, maguiguing baguntauo,

icao ay lumamagay na parang pan~galauang ina, at ipan~garal mo yaong

magandang hatol ni Tobias sa anac: _houag cang maguicain at maqui-inom

sa masamang tauo, at nang houag cang sumamang para naman nila_. Cun

ang tamaan ni Honesto ay man~gin~ginom, mauilihin sa taberna, ay di

malaon at cun áno ang asal nang casáma ó caibigan, ay siya namang

aasalin. Houag din nauang itulot nang Dios na siya,i, magcagayon.

Ipaaninao mo na ang paglalasing ay nacasisirá sa caloloua,

nacapagcacasaquit sa catauan, nacauauala n~g puri, at nacalilipol nang

pagaari. Tingni,t, aquing sasaysayin itong apat na casamán na natutubo

nang lasing sa alac.

1.° Ang caloloua na pinamahan nang Dios nang caniyang larauan,

pinamutihan nang tatlong capangyarihan, bait, alaala,t, loob, at sa

santo bautismo,i, pinagcalooban nang lalong matataas na cabanalan at

daquilang biyaya, ang isa sa man~ga graciang ito, na sa caloloua,i,

inahihiyas nang lan~git ay nauaualang lahat at palibhasa,i,

nagcacasala nang daquila. Pag nagcagayon na,i, ¿ano pa ang

quinasasapitan nitong calolouang anac nang Dios sa gracia, cun di ang

maguing alipin ni Satanás sa sala? ¿Nasaan ang cabaitan, nasaan ang

calinauan nang isip, baquit cun nalalasing na,i, cahit aglahiin,

cahit pagtauanán ay di dinaramdam, at palibhasa,i, di nacaquiquilala?

Ang hayop ay cahit ualang bait, na para nang tauo ay pinagcalooban

nang Dios nang isang bagay, na cahit di matatauag na bait, ay

cahalintulad nang bait na iquinaquiquilala nang pan~ganib, na

icatatapos nang canilang buhay; n~gunit ang tauong lasing ay

¿nacaquiquilala caya bagá nang pan~ganib na ito, na parang

pagcaquilala nang hayop? Cun lumalacad sa daan, cahima,t, may mata na

itinitin~gin, ay di naquiquita ang batong catitisuran, ang butas na

cahuhulugan at palibhasa,i, napagdidimlán ang isip. ¿Nasaan ang

catibayan na ipinagcaloob nang Dios? ¿baquit caya baga máhipan lamang

nang han~gin ay susuray suray at guiguiri-guiri? Baquit caya baga,t,

cahit isang bata ang siyang magtulac, ó di man itulac at masagui

lamang, ay nayuyucayoc at nasusubsob? ¡Tauong caaua-aua at

cahabag-habag! na punó nang alac ay nahubdán nang cabaitan, at

palibhasa,i, napagdimlán ang isip. Napagdimlán ang isip ay nahubdán

nang magandang hatol, na salat sa matotouid na sabi, naticom ang bibig

sa tamang salitá, at ang pinapamimilansic sa dilang matabil ay ang

panunun~gayao at panunumpâ, ang maruming sabi at uicang mahalay, ang

pagyayabang at paghahambog ang pagtatalo at cun magcabihira,i, ang

pagtatagaan at pagpapatayan. Pasoquin cun ibig ang bahay nang

masasamang piguing, malasin ang pagpupulong sa man~ga taberna, at

diya,i, maquiquita ang man~ga casalanang ito. Siyang naquiquita sa

man~ga lugar na iyan, at siya rin namang saysay nang Dios Espíritu

Santo sa capitulong icadalauang puo,t, tatlo nang proverbios.[11]

Cun sumisirà sa caloloua ang malabis na pag-inóm nang alác; ay

sumisira rin naman sa catauan. Dinguin ang catotohanan.

2° Cun dito sa ibabao nang lupa, ay may quinacamtang munting

caguinhauahan ang catauan, ay ualang caparis na para nang cun di

dinaratnán nang saquít. Ang tauo,i, cahit sacdal hirap, cun masaya

ang loob, masiglá, ang catauan, ay tinatauag nating mapalad, n~guni

cun datnán nang saquít ay ang buntonán man nang yaman, ang batbatin

man nang hiyas, ang punin man nang caran~galan, ang sambahin man nang

mundo,i, tauo ring mahirap, at palibhasa n~gá,i, na sa hirap. Caya ang

lahat nang tauo,i, nagpipilit umilag sa saquit, at cun sacali datnan,

ay ang lalong masaquít na tapal, ang capait paitang painóm, ang

patuloin man ang dugo,i, nagtitiis nang hirap, at macamtan lamang ang

hinahan~gad na cagalin~gan. Ang lahat ay ninilag sa saqíut, bucod ang

mapaglasing na humahanap nang saquit, at nagpapaiclí nang buhay. Ang

lalong matibay na catauan ay nanghihina, nagcacasaquit at cahit batang

bata ay tumatanda,t, dumadali ang buhay pag nagiinom nang alac. Ang

lalong mariquit na culay ay cumucupas, ang muc ha ay namumutlá, ang

matá ay naninilao, ang catauan ay nan~gan~gayayat, nalulupaypáy ang

licsi nang cabataan, ang siglá nang edad na catanghalian, ang ningning

nang cagandahan, ay inaaglahing lahat nang alac: at sa muc-ha nang

man~gin~ginom ay gauari may naguguhit na malaquing letra, na cahit sa

malayo,i, nababasa ang ganitong, pan~gun~gusap: aco,i, tauong lasing.

Si Hipócrates at si Galeno at ang lahat nang médico ay nagpapatotoo na

ualang pansira nang catauan na para nang catacauan sa pagcain at nang

cayamoan sa pag inom nang alac at uala namang pangtibay na-para nang

casiyahan. ¿Ilan caya baga sa ating man~ga cababayan: ilan sa man~ga

caquilala ang dinatnan nang peste ó salot, ilan ang namamatay sa

masamang han~gin; ilan ang sa taol,[12] ilan ang nalulunod sa dugó

dahil sa di pagtitipid nang pagcain at paginóm? Ang lahat nang ito,i,

natatantó nang lasing, n~guni di pinapansin, at palibhasa,i, di

mapaglabanan ang masamang caasalán.

Ang tiyan nang man~gin~ginom ay maipag hahalimbaua sa isang pusalian,

na sinisin~gauan nang lalong cabaho bahoan na sumisin~gao sa catauan,

caya cahit ualang lamang alac, ay quinasusuclamán nang capoua tauo,

ayao lapitan, at palibhasa,i, nacahihilo. At ang lalong

casaquitsaquit, ay ang biglá at masamang camatayan, na tumatapos sa

masamang buhay, sapagca,t, pinatataláb sa canila ang uica nang Dios

Espíritu Santo: cun ano ang pagcabuhay gayon din ang pagcamatay.

Caiin~gat man~ga binata dito sa masamang vicio at linin~gin yaong

santong hatol nang ating Pang~inoong Jesucristo.[13] Mahalin ninyo ang

inyong buhay caiin~gat at baca mabigatan ang inyong puso sa cayamuan,

sa pagcain, sa paginom at sa paglalasing; ay datnán cayo nang biglang

camatayan. Ano pa n~ga,t, ang pinaquiquinabang nang lasing sa malabis

na paginóm, ay pauang cahapis-hapis, asal na parang hayop, buhay na

cahirap-hirapan, may caloloua,i, para ring uala, cun marapa,t,

macatindig ay mararapá ulí, at mapupuno na ang ulo nang sin~gao nang

alac, ay mahahalang na lamang sa tabi ó guitna nang lansan~gan at ang

siya ma,i, pagsicaranan, aglahii,t, pagtauanan, ay di namalayan, at

palibhasa,i, cahoy na na cahalang. Caya uala camunti mang inin~gat na

puri.

3° Ang puri ay isang mahalagang hiyas, na iguinagayác nang tauo sa

caniyang pan~galan. Caya may nagmamahal sa puri, na mahigit pa sa

buhay, na sumasagasa sa lalong daquilang pan~ganib, lumululong sa

camatayan, houag lamang mauala ang puri na iniin~gatan. Sumasalacay sa

lalong maban~gis na caauay, houag lamang masira ang magandang

pan~galan. Sa icalabindalaua nang capitulo nang Eclesiastes,

ipinagbibilin nang Dios Espiritu Santo, na magin~gat nang magandang

pan~galan, ang cahulugan, ay ang boong caasalan nang tauo, ay

itutonton sa matouid, ang gaua at pan~gun~gusap ay i-aalinsunod sa

utos nang religion Santa nang icararapat sa Dios at pagcamit nang puri

nang tauo, n~guni ang santa religion, ang puri at lahat camahalan ay

hinahamac na lahat nang man~gin~ginom. Pag napuno na nang alac ay

parang ulol na lumalacad sa daan: may mata,y, para ring uala; may

tain~ga,i, para ring bin~gi; ang bait ay di magamit caya cun

magpasuraysuray, cun marapa at magban~gon, cun maquiling at magtouid

at aglahiin nang man~ga bata, pagtauanan at paghiyauanan nang tauo, ay

di dinaramdam, palibhasa,i, ualang cahihiyan. Cun may caloloua,i, para

ring uala, cun may catouiran man ay hindi macayanan, caya ang sabi ni

San Basilio, ay masama pa sa hayóp.[14] Ualang hayop na tulig, ualang

hayop na mangmang na para nang tauong lasing, caya panira nang puri sa

magulang na pinanggalin~gan, sa asaua, anac at boong cahinlugan;

iquinahihiya sa bayan, at palibhasa,i, ualang inin~gat na puri at

camahalan. Caya di naman pinagcacatiualaan nang cahit puri at

catungculan sa bayan.

Sa isang lasing ¿ay sino caya baga ang magpapahayag nang lihim, aling

may bait na dalaga ang macaiibig, alin cayang magulang ang

magpapacasal sa anac, aling caya bagang man~ga guinoó ang

magcacatiuala na papagpupunuin sa bayan; cun hindi rin lamang

nasusuholan nang salapi ó napahihibo sa masamang suyo, cahit mapahamac

ang sangbayánang tauo? Ualang magcacatiuala, at di naman sucat

pagcatiualaan ang tauong lasing. Quinapopootan nang lahat, hindi

pinacucundan~ganan, cun di hinahamac, sa man~ga salita,i, guinagauang

ulo, at sa man~ga pagpupulong ay masabi lamang ang pan~galan nang

tauong lasing, ay naguiguing pagtaua at panghalac-hac, at palibhasa,i,

ualang camahalan, ualang puri, ualang cábaitan at ualang caran~galan,

sapagca,t, pangsira nang capurihan, at gayon din naman sa cayamanan.

4°Ang cayamana,i, hindi lalagui sa man~gin~ginom, at palibhasa,i,

iuauasac nang alac, gayon ang sabi ni Salomón sa proverbios:[15] at

siya naman naquiquita natin sa arao arao.

Sa umaga, sa tanghali,t, sa hapon nagdidilim sa tauo ang tindahan nang

alac; diyan maquiquita ang ualang bait na guinoó, na di nagbibigay

puri sa caniyang calagayan, at siya ang maestro sa pagtatagayan. Diyan

nasisira ang bait nang binata, at diyan natatapos ang hinahap sa

maghapon nang pobreng cantero, carpintero, banquero, anloagui,

magsasaca at iba pang upahan. Pagtangap nang upá, bago omoui nang

bahay, daraan sa taberna, at ang uica,i, lalagoc nang isang lagoc,

yaon na ang alio. N~gunit ¿anong nangyari? capagcalagoc nang isa,i,

may darating na caibigan tatagaya,t, magiinoman, yaon na ang isang

pangalio. May darating pang isa,i, magiinoman na naman. Pag nagca

ganito na,i, magmamala inibay, magpapaliparan na nang sabi, at

uiuicain di man pacaibiguin ay huag lamang pagca hiin. Sa ganitong

uica, magiinoman na naman, man~gagtatagayan uli, at uiuicain; ang

quinacain nang tauo,i, di sa cagutuman, cun di sa alang alang. Sa

inolit olit náng paginom ay nan~galasing ang tumagay at tinagayan at

ang quinahinatna,i, natapos ang hinanap sa maghapon, nagcautang pa sa

taberna, at ang inaoui sa asaua,t, anac ay alac at utang. Pagdating sa

bahay, sasalubon~gin nang asaua, itatanong ang naquita sa maghapon, at

palibhasa,i, inaasahang hahapona,t, aagahan nila,t, sampong man~ga

anac. Sa tanong na ito,i, sasagotin ang pobreng babaye nang isang

tun~gayao, sasalubon~gin naman nang asaua nang tun~gayao rin, at ang

quinasapita,i, ang sala-salabat na sumpa,t, tun~gayao. Susumpain nang

babaye ang lalaqui, at ang lalaqui naman ay sa babaye: susumpain ang

canilang pagsasama, ipaquiquiramay ang anac at boong sangbahayan; at

ang pangtapos sa gayong música, ay ang pagsusungaban, paghahampasan,

pagsisicaran, pagtatadyacan at pagcacagatan. Ano pa n~ga,t, ang

quinahinatna,i, ang buhay nang lasing ay naguing infiernong munti sa

sinisin~gauán nang apóy na sari saring culay, nang pagtatalo nang

magasaua nang hapis at cagulohán nang boong sangbahayan: at escandalo

nang capit-bahay. ¡O cahapis hapis at cahabág-habág na man~gin~ginom!

verdugo ca nang asaua mo, escándalo ca nang bayan at luha nang

sangbahayán. N~guni ¿ano caya ang cagamotan?

Houag uminóm nang alac cailan man, ito ang cágamutan lamang na

maihahatol sa iyo. Mahirap na hatol ang maitututol mo sa aquin,

n~guni,t, mahirap man, ay anong gagauin, cun di ang pagpilitan: lalong

mahirap ang mabuhay sa alac, mamatáy sa alac at icapapacasama. Lalong

mahirap ang doon sa infierno ay painomin ca nang apdó nang ajas at

apdó nang man~ga olopong na maguing parusa sa malabis na paginóm. Cun

may saquit ang man~gin~ginom ay nacapagtitiis nang isa ó dalauang buan

man na di tumítiquim nang alac, ¿baquit di mo magaua caya ang

pagtitiis na ito, pacundan~gan man lamang sa icagagaling nang iyong

caloloua? Ang icalauang maihahatol co sa iyo, ay cun ibig uminóm

magpabili nang caunti, at inomin sa oras nang pagcain: houag

magiin~gat nang marami sa bahay, sapagca,t, cun maquiquita,i, di

macatitiis hangang, di malasing. Ang icatlo, houag maquisama sa

man~gin~ginom, at nang di malamuyot sa dating gaua. Umilag sa man~ga

piguing nang man~gin~ginom, sapagca,t, diya,i, hindi naquiquita ang

casiyahan sa pagcain at, sa paginóm, cun di ang cayamoan. Ang icapat,

houag uminóm sa di oras nang pagcain, sapagca,t, cun aboting ualang

laman ang sicmura, ay umaac-yat sa ulo ang alac at nacapagcacasaquit.

Pag uminóm, sa hapon at sa gabi, ay nacapagdidilim sa isip, nacasisira

nang lacás nang catauan, at pagcacadahilanan nang man~ga saquít na

aquing sinaysáy. Cun ang isasagót sa aquin, ay di macatitiis na di

uminóm nang marami: ang ipinapacli co,i, pagaralan. Cun ang itututol

sa aquin, ay di mangyayari,t, di macacayanan: ang isasagót co,i,

tumauag sa Dios, patulong cay Guinoong Santa Maria, at nang macayanang

paglabanan ang masamang caibigán sa alac. Ang caholi-holihan cong

hatol, ay magconfesion general, salicsiquin ang calahat-lahatang

casalanang na gaua sa boong panahong nagumon sa vicio, pagsisihang

masáquit sa loob, ipahayag sa confesor nang macayanang; talicdán ang

masamang caasalán, at nang masaoli naman sa gracia nang Dios;

sapagca,i, cun ualà sa gracia, ualà rin namang lacás na icapaglalaban:

cahit anong gauín, cahit pagpilitan, ay di mangyayari, at palibhasa,i,

hindi calugdang tulun~gan nang Dios.

Aco,i, napalauig na lubha, Feliza, nang pagsasaysáy nang dilang

casamáng bun~ga nitong calupit-lupit na vicio, nang maquilala ni

Honesto,i, ilagan hangang bata; at nang di pagsisihan cun mapahamac.

Ang sulat na ito, ay mabasa naua nang caniyang capoua bata,t, binata,

at nang paquinaban~gan. Adios, Feliza, hangang sa isang sulat--URBANA.

Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza · 第 44 / 61 题