CABAGAYAN NANG PAQUIQUIPAGCAPOUA TAUO.

_Si Urbana cay Feliza_.--MANILA ...

FELIZA: Cun icao ay maquiquipaglipon, ay pagiisipin ang sariling

calagayan ang sa quinacaharap, ang caniyang asal at caugalian, at ang

lugar na pinaguusapan; cun ang lahat nang ito ay hindi limutin sa

paquiquipagharap ay di masisinsay ó masinsay man ay munti lamang, sa

man~ga cautusang guhit nang paquiquipagcapoua tauo. Caya magmula sa

pagcabata hangang sa tumanda, ay magaral maquibagay sa capoua tauo at,

bagayan naman ang lugar na pinaguusapan. Ang magagaua sa sarili, ay di

maaari sa harap nang iba; ang mauiuica,t, magagaua sa bahay, ay di

mababagay sa lansan~gan, at ang magagaua sa lansan~gan, ay di

mababagay sa Simbahan. Caya sa paquiquipagcapoua tauo, ay isasaloob

cun sino ang caniyang cacausapin, ang lugar na paguusapan, at cun ano

ang ipaquiquipagusap, at ang lahat ay habagayan. Ang mabibigcas na

sabi sa isang maalio na salitaan, ay di mababagay, sa pagpupulong sa

namatayán: _sa ibang sulat, Feliza, sasaysayin co sa iyo ang masamang

caasalan na dapat ilagan sa bahay nang namatayan: at ang gagauin_: ang

mauiuica nang lalaqui ay umaan~gat sa babaye; ang bagay sa baguntao,i,

di babagay sa dalaga; ang maigagayac nang bata ay di babagay sa

matanda, sapagca,t, mauiuica, na ibig manaog sa baonan na batbat nang

yaman, hiyas at pamuti. Ang bumigcás nang salita na malayo sa

pinaguusapan, ay nagaanyayang tauanan; caya ang tauo,i, maquiquibagay

sa caniyang capoua, at ang caniyang gaua, quilos at pan~gun~gusap, ay

pagbabagaybagayin at nang huag matauanan. Sa halimbaua, patutun~go sa

bahay nang isang piguing, nagsasaya,t, tumangáp nang magandang

capalaran, caran~galan ó catungculan, ay di nauucol magdamit nang

marun~gis, magpaquita nang malumbay na muc-ha, sapagca,t, ang caniyang

sadya ay ang pagbibigay nang _en hora buena_, ang cahuluga,i,

ipahahayag ang quinacamtán niyang toua sa nabagong palad nang caniyang

pinagsadya. Cun magpaquita nang calumbayan ay parang nagsasaysay na

siya,i, nananaghili; caya ang quilos at pan~gun~gusap ay iisipin, na

ibagay sa touang ipahahayág.

Ang tauong nagagalit ay houag aaglahiin, sa pagca,t, lalong magagalit.

Ang bata,i, houag man~gan~garal sa matandá cun di may catungculan, at

capoua man bata ay di sucat man~garal, cun inaacalang di mamatapatin.

Cun man~gan~garal sa capoua tauo, ay babanayarin ang sabi, houag

gagahasain, at itama sa oras na mamatamisin sa loob, at di ang sino

ma,i, macapan~gan~garal sa caniyang capoua, cun di ang may carapatan,

caya bagay-bagay ang man~gan~garal at inaaralan, at ibagay naman sa

panaho,t, oras, sapagca,t, cun di magcabagaybagay, ay di macagagaling

cun di macasasama ang bibitiuang aral. Ang sasalin nang pan~ginoon sa

alila, ay iuucol sa caniyang pagcalagay; at nang siya,i, igalang;

n~guni,t, di nauucol ang mahampalasan, ó magpaquita caya nang

cagahasaang igalang cun di ang carapata,i, lumagay sa caniyang

pagcalagay; di ang calupitan, cun di ang magandang loob ang

ipaquiquita at nang pintohoi,t, mahalin. Houag lilimutin nang

pan~ginoon, na ang caniyang alila,i, quinapál nang Dios, calarauan

nang Dios, tinubós nang mahal na dugó nang ating Pan~ginoong

Jesucristo; cun dito sa ibabao nang lupa,i, tinitin~gala siya doon sa

isang buhay, sinong macaaalam cun siya naman ang titin~galá; dito,i,

nacapagpaparusa cun may casalanan, doon sa arao nang paghohocom sa

sangcatauohan di na naaalaman, cun ano ang masasapit; cun maguiguing

isá sa magsisihatol sa caniya; alalahanin naman nang alila, na ang

mababa niyang calagayan, ay tulot nang Dios, at parang isang hagdang

pinaaacyatan sa caniya, sa pagpanhic sa lan~git; at ang paglilincod sa

caniyang pan~ginoon, ay icararapat sa Dios, ipagcacamit nang

caloualhatian cun minamatamis sa loob, nagtatapat sa pan~ginoon, at

tumutupad nang catungculan. In~gatan nang pan~ginoon ang puri nang

alila, at gayon din naman ang alila sa pan~ginoon, at houag iba bantóg

cun may maquitang camalian, lalo,t, cun icasisira nang puri ay

pacain~gatan. Capagnan~gahas manira, ay pan~gin~gilagan, mapaguiuicaan

na ualang inin~gat na bait. Paganhing saysaying ang tapat na

paquiquipagcapoua tauo ay isang tapat na pagibig, caya ang quinaoouian

ay ang pagbibigay lugod sa capoua. N~guni,t, ang pagbibigay lugod na

ito, ay may guhit na tinutunton. Cun ang hinihin~gi, sa atin nang

capoua, maguing camaganac man at caibigan, ay sinsay sa matouid, ay di

dapat pahinohod cahit ipagdalang poot at icasira man nang pagiibigan

Sinasalitâ sa historia, na si Rotilio, ay pinaghinanactan nang isa

niyang caibigan, dahil sa di napahinohod sa isang di tapat na

cahin~gian caya pinan~gusapan nang caibigan at uinica: ¿ano ang

capansanan nang pagibig mo sa aquin, cun di ca macapagbibigay loob sa

hinin~gi co? ang gayong pan~gun~gusap na may hinanaquit ay sinagot ni

Rotilio nang tapát: aanhin co ¿naman ang iyong pagibig cun maguiguing

daan na ipipilit mo sa aquin sa paggauâ nang di catouiran? Gayon man

ang marunong maquipagcapoua tauo, cun di man mangyaring macapahinohod

sa namamanhic sa caniya, ay sinasagot nang banayad, binabagayan nang

masayang muc-hâ. Ipinaquiquilala, malaqui disin ang caniyang nása na

magbigay loob, ay hindi mangyari,t, di macayanang gauin, ó nasisinsay

caya sa catouiran. Ano pa n~ga,t, ang caniyang sagót na _ayao_, ay

sucat calugdán nang namamanhic na rin nang _óo_.

Ipinaguutos din naman, na cun magpapautan~gan nang loob, ay houag

papaghintay hintayin ang namamanhic. Cun may sumasanguni,t, nunuha

nang hatol, ay houag sumagót nang mataás na sabi, cun di banayad,

malamig at cauili-uili, houag magpapangáp marunong, houag

magaama-amahan, at sa caniyang sagót ay ipahahalalâ ang magandang nása

nang loob sa capoua. Ano pa nga,t, cun icao. Feliza at ni Honesto, ay

matutong maquipagcapoua tauo, ay ang inyong quilos, asal at

pan~gun~gusap, ay magdaramit nang cariquitan na maca bibihag nang

puso.

Ibig co disin, na ang man~ga sulat cong ito ay basahin mo, at gayon

din naman si Honesto, houag ang minsan cun di ang maminsan-minsan,

sapagca,t, cun minsan lamang, matalastas man ang cahulugan ay madaling

malimutan; cun basahin toui-touina, may malimutan man ay maaalaala, at

ang macaligtaan sa man~ga unang pagbasa ay maaaninao sa icalaua; ang

di na pagaralan nang una, ay mapagaralan sa huli, caya ipinanamanhic

co na basahi,t, basahin. Adios, Feliza, hangang sa tayo,i, magquita

diyan sa Paombong--URBANA.

Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza · 第 42 / 61 题