ALIUAN

_Si Urbana cay Felisa_.--MANILA....

FELIZA: Dito,i, ang ipahahayag co sa iyo, ay ang aasalin ni Honesto,

sa paquiquipagaliuan sa capoua bata, at ang paglalaro cun siya,i,

lumaqui na. Ang isip nang tauo ay para rin naman nang tauo, na

nahahapo cun mapinsalaan sa paggaua. Ang malabis na pagaaral, ang

magisip na palagui, ang magpuyat sa pananalan~gin, na bahagya na

macapagpahin~ga ang catauan, sa oras na quinacailan~gan, at ano mang

gauin nang tauo pag di natunton sa guhit, ay nacapagcaca-saquit, caya

itinutulot ang pagaalio, nang may pagcaguinhauahan ang tauo, may

pagcaliban~gan at nang houag maginit ang ulo. N~guni, at sapagca ang

lahat nang gagauin nang tauo, ay i-aalinsunod sa regla, cun ang

pagaalio, na isa rin namang cabanalan ay napapasinsay ó

napapacalabis, ay naguiguing vicio.

Ang paglalaró nang bata sa capoua báta, ay ilalagay sa catamtaman at

houag itulot sa caniyang puso ang anomang camalian na icapipintas sa

caniyang asal.

Houag lilimutin ang cabaitan, cahinhinan, at sa caniyang calaro, ang

ipaquiquita,i, magandang loob na lalancapan nang pagpaparaya cun

cailan~gan.

Cun nananalo, ay houag magparamdam nang malabis na toua, at cun sacali

ma,t, matouá ay houag magpaquita nang quilos na sucat damdamin nang

caniyang tinalo, houag hahalachac na parang ipinagtatagumpay ang

pananalo, sapagca,t, hindi man magalit, ay capilitang masasactan ang

nagahis na calarô.

Cun natatalo naman ay houag magpahalata nang calumbayan ó cagalitan at

nang di mauicaan na masaquim sa salapî.

Sa pagdampót nang salaping panalunan, ay houag limutin ang cabaitan.

Ang paninin~gil nang pautang sa oras nang paglalarô, ay houag

gagahasaan.

Cun ang pananalo,i, nagcacaalan~gan, na ang magcacalarô ay may

cani-caniyang matouid na inihahanay, ay ipahahayág nang banayad, at

houag sisigáo-sigáo ó magpapahalatá caya na ualang inin~gat na

mahinhing loob.

Ang pagcaisahang hatolan na dapat matalo sa inaacala mang siya,i, may

matouid ay magparayá at ang isaloob, ay ang nagsihatol ay may bait na

tauo,t, ualang quinacabig at ualang iniiring. Sa matouid ma,t, sa

hindi ang caniyang pagcatalo, ay houag magpahalata nang galit, houag

ipagtapunan ang baraja ó anomang pinaglalaroan, tatadyác caya,t,

sisicad houag cucumpas cumpas sapagca,t, ang gayong quilos, ay laban

sa mahal na asal. Paganhing saysayin, sa pagaalio, ay houag lilimotin

ang tapát na paquiquipagcapoua tauo, at diyan maquiquilala cun may

pinagaralan.

Caiin~gatan mo, Feliza si Honesto, na maquipaglarô sa malulupit na

bata, sapagca,i, di man pagaauay ang caniyang matubo, ay pan~ganib na

mahaua sa canilang casamaan.

Cun may matandang maganyaya sa bata sa paglalarô ay houag

cara-caraca,i, papayag, sapagca,t, cun masda,i, isang capan~gahasan.

Cun ang larô, ay baual nang Superior Gobierno, nang Santa Iglesia ó

nang caharian, ay tumangui nang banayad, at mahan~gay siya,i,

paghinanactan sa pahinuhod sa di matouid.

Cun sa paglalaro,i, may dumating na matandá ó guinoó, at ualang

maupan, ay tumindig, at ipagcaloob ang caniyang loclocan.

Hangang naglalaro,i, houag patatalong tiquis, at nang di uicain na

naglalaro,i, masamà sa loob, ó naguulol-ulolan.

Cun ang calaro,i, cagalang-galang na tauo, at nagagalit dahil sa

natatalo,i, houag magtindig sa larò hangang di macabaui, ó siya

caya,i, tulotang umayao; at cun matalo naman ay nauucol na tumindig

at houag umutang magcabi-cabilá.

Cun aalis na sa larò, ay houag magpaquita nang galit ó calumbayan,

sapagca,t, parang pinipilit ang tumalo sa caniya na maglaban uli

hangang di macabaui; cun magcagayon, ay ano ang uiuicain cun di ang

siya,i, hindi marunong maglihim nang inin~gat sa loob. Adios, Feliza,

hangang sa isang sulat.--URBANA.

Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza · 第 41 / 61 题