SA PAGPAPACIAL

_Si Urbana cay Feliza_.--MANILA....

FELIZA: Cun si Honesto,i, isasama mong magpacial, ay papamihasahin sa

paglacad na mahinhin, ang biling cong ito,i, sa iyo,t, sa caniya,i,

ná-uucol naman. Cun nagpapacial ay houag tutulinan ang lacad, lalo,t,

cun may ibang casama. Houag magpapaquita nang cayaban~gan, na

iquinacayangcang ang dalauang camáy, ang liig ay naninigás at

pacailagan ang palalong äsal, na máquiquita sa ibá, na cun ilin~gon

ang muc ha,i, casama pati catauan na parang naninigas.

Cun ang tauo,i, manlalansan~gan, ay bago manaog sa lupa, ay isaloob

muna na siya,i, hamac na ood, anac sa casalanan, hilig sa camalian,

caya magpacain~gat man, ay nagcacamali rin. Cahit ang cabaita,t, para

nang cay David, cahit ang carunu~ga,i, para nang cay Salomon, cahit

ang cayamana,i, para nang cay Asuero, ay magcacamali rin at capilitang

mapipintasán din.

Cun lumalacad sa daan huag magnanasang mapuri nang lahat, sapagca,t,

cun may isang pumuri ay sampuó ang pupúla. Huag isasaloob ang caniyang

carunun~gan, camahalan, cagandahan at dalang cabutihan, ang alalahanin

ay ang sarili niyang casiraan at dalang capintasan, at nang matutong

magpacababa nang loob at asal, malayo ang capalaloan, at houag

mamihasáng maghambog nang di tauaguing ulól.

Sa isang dalaga naman, ay di nababagay ang paglacad na pinag-áaralan,

ang magpaquin dingquinding at tumin~gin nang pasuliáp sa naquiquitang

binata, sapagqa,t, icapupúla sa caniyang asal.

Cun ang isang dalaga ay mag paquita sa lacad, sa quilos, at pagtin~gin

nang laban sa cabaitan, ay parang nagaanyaya sa lalaqui, na siya,i,

aglahiin nang masamá.

Cun pinagcalooban nang Pan~ginoong Dios nang cagandahan, ay alagaan at

paca-in~gatan na parang isang lirio, bacuran nang cabaita,t, tinic

nang cahinhinan at nang di pan~gahasang pitasin nang salangapang na

camáy.

Houag ipagpalalo, houag magnanasáng mabunyi,t, mabantóg, sapagca,t, di

ang cagandahang tulad sa bulaclac na madaling malanta, agád cumucupas,

di ang cariquitang para nang oropel, na ang buti at ningning ay

pandayang mata, cun di ang cabaitan at ang tacot sa Dios ang

pinacamamahal nang tauong may bait, siyang hinahanap nang haring

Salomon, at ipinupuri sa isang babaye.

Houag magnanasang mabunyi sa cagayacang hiyas at cariquitan, at baca

mahilo sa incienso nang puri, suyo at lamuyot, na isinusuob nang

cabinataa,i, mapagdimlan ang isip at mapagdayaan.

Paca isipin nang dalaga, na ang caniyang puri, ay maipaghahalimbaua

sa cayamanan, sa hiyas na iisa-isa na ini-in~gatan, sa minsang

masira,i, di na maooli, sa minsang malaglág ay di na madarámpot. Tulad

sa maningning at malinis na bubog na sa minsang mabasag ay di na

mabubuo.

Paca iin~gatan nang isang dalaga, sapagca,t, sa minsang manacao nang

tacsil na loob, ay ualang magagaua, cun di ang tuman~gis, n~guni,

tan~gisan ma,i, di na macucuha ang ipinanacao na hiyas.

Cun nanglalansan~gan ang isang babaye, at napamumutihan nang mariquit

na damit at mahahalagang palahiyasan, at parang naguaualang bahala,

sapagca,t, masamang tingnan ang palaguin nagaayos sa daan, hindi

matuloy ang lacad, at toui na,i, pinagmamasdan ang boong catauan.

Cun papasoc sa isang halaman, ay houag man~gahas muti nang man~ga

bulaclac, mitas nang bun~ga nang man~ga hálaman, cun di pinaguutusan

nang may ari.

Cun may papanhiquing bahay, ay houag darampot nang anomang

casangcapan, ó laroan caya, sapagca,t, isang capan~gahasan.

Cun ang bata,i, may casamang matandá, ay houag tutulinan ang lacad, at

alalahanin ang cahinaan nang caniyang casama.

Cun ang capacialan ay isang guinoó ó mahal, ay houag man~gun~guna, ó

umagapay caya, cun di magpahuli nang munti, houag namang tumiguil cun

di sila ang magpauna. Cun pipihit at babalic sa pinangalin~gan, ay

houag magpapauna, at cun pipihit na,i, houag tatalicuran.

Cun nagpapaalam na, at maghihiualay na sa pagpapacialan, ay houag

magdaan ang bata sa haráp nang matanda at ang sila may magcapoua bata,

ay houag tatalicuran ang casama cun di ang ucol ay ang harapin.

Cun ang casama ay mataas sa caniya, ay cacananin, n~guni, cun nalacad

sa tabi nang bacod sa acera caya, ó latag na bato, na nasa tabi nang

bahay na para rito sa Maynila, ay doon ilalagay ang mataas, ó mahal,

cahima,t, mapa sa caliua.

Cun tatlo ang nagpapacial, at magbabalic at pipihit na lahat, ang

paguiguitna ay ang quinacanan nang nangaling sa guitna: cun

nagcaca-apat, ang paguiguitna,i, ang dalauang na sa tabi; n~guni,

magin~gat sa pagpihit, at houag talicoran ang capacialan.

Ang reglang itó, ay susundin maguing sa bahay at sa lansan~gan man

nagpapacial.

Cun ang nagcacasama ay tatlong di magcaisang uri, capala pa,i, di ang

mahal sa lahat ang iguiguitna, at cun baga sa lansan~gan nagpapacial

at pipihit na lahat, ang mataas ay ilalagay sa acera, ó sa tabi nang

bacod, ang paguiguitna,i, ang pan~galaua niya sa uri.

Cun ang bata, baguntauo ó binata, ay may casamang matanda, mahal, ó

guinoo at may maquitang caquilala, ay houag tumiguil na

maquipagsalitaan at nang di matalicdan, na parang pinauaualang halaga,

ang quinacasamang mahal, bucod dito,i, di dapat na papaghintayin.

Cun baga sacali,t, magsisitiguil at tatayó, ay masamang tingnan ang

pagsaclitin, ó papagpatun~gin ang paá, ó pacaang-caan~gin caya, na

parang naghahambog.

Ang magpalin~gos lin~gos sa raan, magtacá, mamaang sa ano man, na

parang noon lamang naquita, ó maquipagsalita caya sa matanda na para

nang sa bata, ó magsaysay caya nang ano man na parang siya lamang ang

naca-aalám, ay isang casalanang nacalulupit.

Cun masalubong ang bata nang sacerdote, maestro ó mahal na tauo, ay

pagpugayan, at cun sacali,t, siya,i, titiguilan at sasalitain, ay

houag ilalagay ang sombrero sa ulo, hangang di pagutusan, at pagutusan

ma,i, houag ilalagay na madali, cun di uliting macalaua, ó macaitlo.

Cun ang na sa ulo,i, panyó ay carampatang alisin, cun maquiquipagusap,

maguing sa lansan~gan man, at maguing sa bahay, lalo,t, cun nagsisilbi

sa dulang.

Masama rin namang caasalan sa lansan~gan ang tingnang palagui ang

chapin, ó chinelas, pagpaguin cun di cailan~gan, bunutin sa paa,t,

bitbitin sa camay ó quipquipin caya sa quiliquili, ang lahat nang

ito,i, nacatatauang tingnan, maguing sa lalaqui; gayon din naman sa

lumalacad na lumalagapác ang paá, sasaga-sagadsad, sapagca,t,

naquiquilala na hindi datihan ang paang sangcapan nang chinelas at

chapin.

Ang lalaqui o babaye na cun lumalacad sa simbahan, ay di nagdarahan,

ang tulin ay di hamac at cun nagchichinelas ay sumasagadsad, bucod sa

masamang tingnan, nacalilibang sa nagdarasal na tauo, nacapagbibigay

galit at di malayo macayurac sa nan~galuluhod, ay nagpapahayag na uala

sa caniyang caloob ang pagpasoc sa bahay nang Dios.

Sa pagpapacial naman at may datnang lu~gar na paghin~galayan at ang

man~ga binata,i, may casamang mahal na tauo, ó man~ga babaye, cun

sacali,t, man~gagsisiloclóc, ay magparaya ang man~ga binata sa mahal

na tauo, ó man~ga babaye cun sacali,t, ualang maraming bancó, ó man~ga

taboreteng mauupan.

Cun ang bata ó baguntauo, ay nagpapacial na casama,i, capoua binata,

ay iilagan ang masamang ugali, na nagyayacapan, cun minsan nagaauitan

ó naghihiyauan parang ulól, ó nagaaglahian nang mahalay, sapagca

nagpapahayag na ualang pinagaralang bait.

Caiin~gatan mo, Feliza si Honesto, houag ipahintulot na maquisama at

maquipagibigan sa capoua batang masama, sapagca, cun may caunting bait

na inin~gat, utang sa pagcacalin~ga ni ama,t, ni ina, masisira, cahina

hinayang, sapagca,t, cun ano ang maquita sa capoua bata, ay siya ang

gaguin.

Cun magcagayo,i, sayang nang magandang aral na tinangáp sa magulang

sayang nang canilang puyat, sayang naman nang puyat mo. Dito nauucol

yaong refran nang castila: sabihin mo sa aquin cun sino ang

casa-casama mo, at tuturan co naman sa iyo cun icao ay sino. Ang

cahuloga,i, cun ang casamahi,i, may bait, ay bait naman ang matutuhan

nang bata, at cun masamá ang casamahin, ay masamá rin naman ang

matututuhan.

Cun si Honesto na sa lansan~gan, ay houag mong tulutan na maglalaong

lubha, maquiquipagpacial sa batang ualang bait, at nang houag masira.

Cun may causap sa lansan~gan, na maguing mahal mang tauo, ó capoua

bata, ay itutunton sa guhit ang asal, quilos at pan~gun~gusap, at

houag magasal han~gal. Adios. Feliza, hangan sa isang sulat.--URBANA.

Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza · 第 40 / 61 题