MAN~GA BILIN O REGLANG SUSUNDIN SA PAGCAIN.

_Si Urbana cay Feliza_.--MANILA ...

FELIZA: Ang isa pang pagcacaquilanlán sa tauo, na may pinagaralan, ay

sa pagcain, caya ang tauo,i, hangang bata ay magaral, at nang houag

maguipit sa capanahonan. Magmulá sa cabataan, hangang sa tumanda, ay

marami ang pagdaraanan, Hindi nalalaman cun siya,i, magmamaguinoo, o

cun hindi, cun sino sinong tauo ang caniyang macacasalo sa pagcain,

cun saan saang bayan siya mapapatun~go; cun may pinagaralan, ay di

mahihiya pagdating nang capanahonang gamitin ang caniyang carunun~gun.

Cahiman, Feliza, ay di caraniuan sa ating tagalog ang gumamit nang

cubiertos[5] sa pagcain; dito,i, isusulat co rin ang man~ga cahatolang

dapat alinsunurin. Di mo cailan~gan ang saysayin co sa iyo, pagca,t,

datihang cang gumamit; n~guni quinacailan~gan nang iba, na di

nacaaalam, sapagca,t, cun maanyayahán sa isang piguing na di sumusubo

nang camáy ¿ano ang masasapit cun di marunong? Capilitang mahihiya.

Laqui nang nasa co, na ito,i, pagcaugalian sa catagalugan. Ang lahat

nang nacion sa Europa, ang Americanos, may ganitong caugalian,

sapagca,t, isang camahalan nang asal. At cahima,t, ang Inchic, ay di

gumagamit nang cubiertos sa pagcain, ay may sipit na sinasancáp,

sapagca,t, aayao marumihan ang camay at nang di carimariman. Ang

man~ga Turcos ay may ugali sa pagcain na para nang tagalog; n~guni sa

panahong ito,i, nagaaral nang magcubiertos, lalo na ang man~ga guinoó,

tumutulad sa man~ga taga Europa, sapagca,t, naquiquita ang calinisan

nang ganitong pagcain. Aquing mumulang isulat ang man~ga regla.

Ang lamesa,i, lalatagan nang mantel na malinis, at sa ibábao nang

servillet ilalagay ang sopera[6] cun mayroon. Ang soperang ito, ay

ilalagay sa harap nang magbabahagui nang sopas, na ang caraniuang

mamahagui ay ang pinaca puno sa lamesa. Cun ilan ang uupó sa dulang,

ay gáyon din namán ang bilang nang plato sopera;[7] sa caliua ilalagáy

ang tenedor, sa canan ang cuchillo,t, cuchara na cung mangyayari

maguing tatlong paris na pauang malilinis. Pagcatapos nang sopas, ay

casunod ang puchero ó laoya na babahaguinin nang may catungculan.

Cailan~gan, na ang magpipiguing ay humanap nang sirvienteng datihan sa

ganitong pagcain, sapagca,t, cun di matuto ang naglilincód sa dulang,

ay mahihiya ang may piguing. Ang iba,i, may ugali, na pagcatapos

cumain nang isang potage, ay naghahalili nang pingan at cubiertos,

magmasid ang pinipiguing at maquiugali sa caniyang casalo. Quilanlin

naman nang may piguing cun sino ang caniyang pinipiguing at

carampatang bagayan. Tingnan cun may ganitong ugali, at paquibagayan.

Nang di magcagulo-gulo ang pámamahala sa mesa ay nauucol maghandá nang

maraming pingang malinis sa isang bucód na mesa, at magca hali halili.

Pagcatapos nang puchero, may ugali ang iba na isinusunód ang man~ga

guisado at saca ang prito, asado ó inihao. Ang salsa, ay ilalagáy sa

salsero[8] na carániuang gamitin sa man~ga asado. Ang salsero ay houag

saosauán, sapagca,t, isang casalanlaan.

Cun cailan~gang magsangcap nang salsa, ay magbuhos nang caunti sa

caniyang pingan, at cun ang salsero,i tasa lamang ay caoquin nang

cucharang malinis. Ang cuchara ó cuchillong marumi, ay di dapat

gamitin sa ulam na nasa mesa, at nang di pangdirihan nang iba. May isa

namang ugali, na ang namamahala sa mesa, at namamahagui nang ulam, ay

ang man~ga casambahay ó caibigan caya nang may piguing. Ang isdá cun

malaqui, ay dapat namang ilagay sa isang platong mahaba, at cun

babahaguinin sa lamesa, ay hahatiin nang cuchillo sa taguiliran,

magmulá sa ulo hangang buntot, cun maubos ang isang taguiliran ay

isusunod ang cabilâ. Cun ito,i, maubos naman, ay itaas ang tinic, at

saca isunód na ipamahagui ang bandang tiyan. Cun ang isda,i maliliit,

ay ipamahaguing boó. Cun may calac han ay pagputlin-putlin. Ang pugo

ay boong ipamahagui, cun malalaqui ang ibon ay pag-puputlin-putlin sa

isang pingang bucód, huhulihin ang casucasuaan nang pacpác, hita at

nang huag paghirapan, ang pichó ó dibdib, ay cucunin nang paayón sa

estauan, boó-boong piraso at di duduroguin.

Ang jamon naman, ay lalapain muna ang tabá, na di ihihiualay sa

casama, bábaligtarin ang balát na linapláp saca cucunin nang

pasalapsáp sa loob, paayon sa quilabot, ninipisán nang pacuha cun

ilang lapang, ang cailan~gan, ay siyang ipamahagui, at saca itataquip

ang linapnáp na tabá. Ang iba,i, may ugali, na hinihiuang manipis nang

paputól ang jamón. Sa pabo nama,i, ang unang quinucuha,i, ang buchi,

isinusunód ang hita, at saca ang dibdib, na hinihiua nang pahabá. Di

ang caraniuang gamit ay ang trinchante.[9]

Ang pastel at relleno, ay inaalisán muna náng pinacataquip, quinucuha

ang lamán, at ang pastel ó masang nacabalot sa lamán ay hihiuain nang

pahabá. Cun ang laman ay ibon, ay ibubucod. Cun ang pastel ay manipis,

mumulan ang hiua sa bandang guitna. Ang inihao na baca, ay hihiuain

nang pahalang sa lamán, ang tupa ay paayón.

Ang man~ga biling ito, ay siya ring susunód sa man~ga guisado. Ang

man~ga bun~ga nang cahoy cun i aabót sa iba at uala sa pingan, ay

duroin nang tenedor, at houag hahauacan nang camáy. Ang man~ga

binatang nagiibig matuto, ay mag-aral sa sarili nang houag mahiya

pagdating nang capanahonan.

Houag ihahahauac ang daliri nang ano man sa mesa cun di ang gagamitin

ang cochillo,t, tenedor.

Sa pingan ó sa vasong ini inomán ó quinacanan, cailan man ay magtitirá

nang coanti. Banlauan ang ano mang quinacanan at saca inomin ay isang

catacauan.

Ang paggamit nang cubiertos ay marahan, houag n~gan~galotin nang

n~gipin at houag namang n~gabn~gabin nang labi.

Ang magauit sumutsót at dumhán ang iba nang sabao, ay nacarurumí, para

rin naman nang sumigao, mamintás nang ulam, mamulá sa iba,

magmadirihin sa quinacain, sapagca,t, nacahihiyá sa may piguing, at

nacagagalít sa iba. Cun magsasalitá ay sayahan, n~guni lalangcapán

nang cahinhinan; houag maglalasing, sapagca,t, cun mapagdimlan na ang

isip, ay di na maalaman ang guinagaua ó sinasabi.

Houag magpaquita nang quilos masamá, na para baga nang mamualan,

dumampót nang lapang lapang na ulam, ó tinapay, uminóm nang maraming

alac, nang di mauicaang matacao ó lasing.

Cun tumama nang pingan ó ulam na marumi, ay houag ipahálata sa may

piguing na pinangdidirihan, ibigay sá sirviente at nang halinhan nang

ibá.

Cun may capintasan ang handa, ay ualing bahala; ang ipaquiquita,i,

saya, at pasalamatan ang nagpiguing sa anyayang bigay puri sa

piniguing.

Ugali nang taga Europa, na sa pagcain ay nagsasalit nang tagay na

sinasamahan nang pan~gun~gusap na tulá, at cun minsan ay di tulá, na

ang cahulogán, pagnanasá nang cagalin~gan sa hari ó reina, ó ibang

pinuno, ó sa may piguing caya.

Cun minsan, ay unang nan~gun~gusap nang patindig, ang pinaca puno sa

mesa, pagtindig niya,i, susunod ang lahat; at sa paginom naman nang

alac ay ganoon din. N~guni,t, ang baua,t isa, ay may sariling copa ó

vaso.

Máy bucod namang brindis ó tagayan na isang tatlo apat lamang sa mesa

ang nagtatan~goan nang ulo, na ang cahulugán, ay pa papáhayag nang

cani canilang pagiibigan at pagmamahalan.

Ang camahalan nang asal sa pagcain, sucat pagaralan hangang bata, nang

pagca bihasahan, at nang di n~gan~gapa-n~gapa pagdating nang

capanahonan.

Si Honesto, Feliza, pagpilitan mong matuto, sapagca,t, capurihan mo,t,

caran~galan naman niya. Cun nagtatacá ca,t, aco animo,i, isang dalaga,

ay hindi bagay ang gumauá nang madlang bagay na dito,i, sinasabi, ang

sagot co sa iyo,i, di co guinagaua,t, di co nacacayanan, palibhasa,i,

di ucol sa babaye. Isinulat co sa iyo,t, nang may pagcaaninauan si

Honesto. Adios, Feliza, in~gatan ca nauá nang Dios.--URBANA.

Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza · 第 39 / 61 题