MANILA....

MINAMAHAL CONG CAPATID: Alinsunod sa pagsunód co sa cahin~gian mo na

isulat co sa iyo ang mágandang aral na aquing tinangap sa maestra, ay

minatapat co na dito,i, ipahayag sa iyo ang ayon sa calinisan. Tanto

co na icao at si Honesto hinguil sa magandang asal na ito, n~guni

dito,i, siya co ring saysay at ang aquing nasa,i, siyang cauilihan

nang iyong loob at panatilihan, sapagca,t, ang cahusayan nang

calinisan sa asal ay salamin nang calinisan nang caloloua.

Pagca tapos nang pagpupuri sa Dios, ang pagpilitan nang tauo ay ang

paglilinis nang catauan, na para nang aquing sinaysay sa man~ga unang

sulat, ay isusunod ang pagsisicap na ang damit na isosoot ay malinis;

at ang calinisang ito ay di dapat limutin nang tauo sa bahay man, sa

simbahan at sa lansan~gan man sapagca,t, ang calinisan at cahusayan sa

batá ó binata, sa may asaua, ó sa dalaga ay hiyas na quinalulugdan

nang mata at quinauiuilihan nang loob. Ang calinisan at cahusayan,

anaquin; sapagca,t, malinis man at mariquit ang damit, cun ualang

cahusayan, ay di nagbibigay dilag sa dinaramtan. Bucod sa calinisan at

cahusayang hinihin~gi, ay cailan~gan din naman ang pagbabagay-bagay

sapagca,t, napatataua ang hindi marunong magucol ucol nang damit, na

caparis nang lucsa na sa pula; gayon din naman ang pagsasalit nang may

halagang cayo sa duc ha at abang damit.

Cun ang pananamit na di nagcacabagay-bagay ay nacatataua, ang

pananamit na mahalay ay nacasusuclam at nacaririmarim.

Cun magsoot ang isang babaye nang barong nan~gan~ganinag, ualang

tapapecho ó panaquip sa dibdib, ay nacasusuclam tingnan, at ang may

panaquip man ay di rin naitatago ang catauan at cahit paganhin ang

barong nan~gan~ganinag sa isang babaye ay masamang tingnan, sapagca,t,

naquiquita ang calahati nang catauan.

Salamat, Feliza, sa íyong magandang ugali, na pinagsususón mo ang

baro, at iniin~gatan mong maquita nang matá ang iyong catauan. Ang

magluang nang bilog, ang mamaro nang maicli, ang babaye na di marunong

magin~gat nang caniyang pagquilos, ay parang itinatanyag ang catauan

sa mata nang tauo.

Sucat alalahanín nang man~ga namamaling binibini ang malinis na uaní

nang isda, na tinatauag na _Pesmulier_. Ang isdang ito, ang sabi, ay

may suso sa dibdib, ang palicpic ay malalapad: pagnahuli nang

man~gin~gisda, caraca raca ay ibanababá ang palicpic at itinataquip sa

dibdib at nang di maquita. ¡Magandang caasalan na sucat pagcunang

halimbaua nating man~ga babaye!

Casunod nang calinisan sa pananamit ang calinisan at cahusayan sa

pamamahay; sapagca,t, ang carumihan at caguluhán ay nagbabantóg sa

nananhic na ang namamahay ay culang sa bait, anyaya at magasó. At nang

pagcaratihan mo, Feliza, ay hatol co sa iyo na anomang gamitin mo ay

isauli sa pinagcunang lugar, at bago isauli ay linisin cun narumihán.

Ang hagdanan, cocina at hihigan ang nagsasaysay nang calinisan nang

may bahay, caya dapat pagiin~gatan.

Sucat na tandaan nang isang dalaga na siya ma,i, maganda, mayaman at

marunong maghiyas cun di marunong mamahay, ay uala ring halagá sa

marunong magmasid: sapagca,t, ang babaye ang nagiin~gat nang susi nang

caran~galan sa pamamahay, caran~galang sinisira nang sambulat na

babaye.

Cun ang calinisan ay hinihin~gi, sa tauo sa sariling catauan at sa

pamamahay ay hinihin~gi rin naman sa pagharap sa tauo. Ito ang dahilan

at pan~gun~gusap quilos, pagtin~gin at boong caasalàn ay sucat

in~gatan na houag maquitaan nang casalaulaan ó anyong masama na

icapipintás.

Cun tayo,i, naquiqui usap ay houag i-abot ang camay cun baga,t, marumi

at nang di pangdirihan: at sacali,t, hin~gin, ay itangui at isaysay

ang cadahilanan.

Sa pagcain, ang ano mang bagay na ating gamitin at marumihan nang

camay ó nang ating bibig ay di dapat i-abot sa casalo.

Ano mang gamit natin sa pamamahay ay houag ipagamit sa iba cun

pangdidirihan, maliban na lamang cun na sa caguipitan at ualá nang

magamit na iba, at capos naman sa panahong sucat ipaglinis.

Sa pan~gin~gibang bahay naman ay dapat ang pagiin~gat. Sa paggamit

nang casangcapan nang may bahay ay di ucol ang ualang uastó, ualang

cahusayan at calinisan, sapagca,t, nacamumuhi.

Ang manhic sa ibang bahay na di malinis ang chapin ó paá, ay

nacagagalit sa may bahay, caya dapat maglinis muna sa pamahiran nang

paá.

Sa pagpanhic sa hagdanan ay houag mananabaco, lalo,t, cun ang

sinasadya ay tauong mayselan. Cun macapanhic na, macapag bigay galang

sa may bahay, houag caracaraca,i, umupó cun di cun pagutusan: at

sacali,t, dumating ang ibang tauo ay alayan nang loclocan, at cun bagá

ualá nang iba cun di ang inu-upoan natin ay siyang i-alay.

Ang man~gahas bumuclat nang libro ó sulat, ó dumampót caya nang ano

mang bagay na maquita sa mesa, ay asal nang tauong hamac.

Ang magsalitá nang nacasusuclám sa caharáp ay masamang paquingan, at

totoong pan~git sa isang binibini.

Gayon man, ang magandang caasalan ay naguiguing viciong nacacamuhi,

cun pinalalampas sa guhit. Nacapopoot sa man~ga casambahay, at sa

sinasamáng palad na nacacasama sa man~ga paglacad sa cati, sa paglayag

sa caragatan, ay nacápagbibigáy poot cun maquita na ang anomang

malapit, anomang maamóy, anomang mahipo ay pinangdidirihan.

Nacálulucod tingnan ang malinis sa pamamahay, sa pananamit, sa m~ga

paggauá at sa boong caasalan: n~guni ang lahat nang bagay dito sa

mundó ay dapat ituntóng sa guhit, na di ucol na lampasán.

Ang cahusayan at calinisan ay hiyas na hinahanap sa babaye at gayon

din sa lalaqui, n~guni alalahanin na ang ating man~ga casangcapan,

damit at madlang pagaari sa mundo at talagang ipaglilingcod sa tauo.

Caya cahima,t, mahalaga ang anomang pagaari, ay di sucat mahalin nang

ating puso, di dapat na pagubusan nang ating lacás.

Cun sa pagmamahal sa asal, at sa calinisan ay nágcuculang ang man~ga

babaye, ay lalo ang man~ga lalaqui.

Namamasdaan n~gayon ang mamaro nang maicli, ang salauál ay manipis at

madalang, ¿ano ang sinasaysay nang asal na ito?

Ang sinasaysay ay casalaulaan, caculan~gan nang hiya at bait nang

sumusunod sa mahalay na moda.

¡Masamang casalan na pangsira sa man~ga caloloua, nunucao nang galit

nang Dios na tayo, parusahan!

Ipagcaloob nauá nang Lan~git na maliuanagan: ang nagcacamaling bait

nang cabinataan.

In~gatan ca nang Dios, Feliza.--URBANA.

Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza · 第 38 / 61 题