CAASALAN SA SARILI.

_Si Urbana cay Feliza_.--MANILA ...

FELIZA: Aquing naisulat na sa iyo, ang madlang cahatoláng ucol sa

paglilingcód sa Dios, n~gayo,i, isusunód co áng nauucol sa sarili

nating catauan. Sabihin mo cay Honesto, na bago masoc sa escuela,

maghihilamos muna, suclain aayosin ang buhóc, at ang baro,t, salauál

na gagamitin ay malinis; n~guni,t, ang calinisa,i, houag iuucol sa

pagpapalalo. Houag pahahabaing lubha ang buhóc na parang tulisan,

sapagca,t, ito ang quinagagauian nang masasamang tauo. Ang cucó houag

pahahabain, sapagca,t, cun mahaba, ay pinagcacaratihang icamot sa

sugat, sa ano mang dumi nang catauan, nadurumhan ang cucó, ay

nacaririmarim, lalonglalo na sa pagcain. Bago magalmosal, ay magbigay

muna nang magandang arao sa magulang, maestro ó sa iba cayang pinaca

matandá sa bahay. Sa pagcain, ay papamihasahin mo sa pagbebendición

muna, at pagcatapos, ay magpasalamat sa Dios. Cun madurumhán ang

camay, muc-ha ó damit, ay maglinis muna bago pa sa escuela. Houag

mong pababayaan, na ang plana, materia, tarsilla ó regla, papel,

libro,t, lahat nang ga~gamitin sa escuela ay maguing dun~gis

dun~gisan. Cun naquíquipagusap sa capoua tauo, ay houag magpapaquita

nang cadun~goan, ang pan~gun~gusap ay totouirin, houag hahaloan nang

lanyós ó lambing houag cacamotcamot ó hihilurin caya ang camáy ó

babasin nang lauay ang daliri at ihihilod mo pa n~ga,t, houag

magpapaquita nang casalaolaan. Sa harap nang ating magulang ó matandá

caya, ay houag mong pababayaang manabaco, ó man~gusap caya nang

calapastan~ganan, ó matunog na sabi. Cun naquiquipaglarô sa capoua

bata, ay houag tulutan na maglapastan~gan, ó dumhán caya ang damit

nang iba, at pagpilitian mo na yaong caraniuang uicain nang tauo, na

ang masamá sa iyo,i, houag mong gauin sa iyong capoua, ay itanim sa

dibdib at alinsunurin. Sa capoua bata, ay houag magbibigay nang

cacanin na may cagat, ó marumi.

Matanda at bata, ay may pinagcacaratihang casalaolaan, na

carima-rimarin. Cun naquiquipagusap sa capoua tauo, caraca-raca,i,

ilalagay ang daliri sa ilóng at sisin~gá. Ca-iin~gat, Feliza, na

ito,i, gauin ni Honesto. Cun sisin~ga man ay sa panyô ay marahang

gagauin, itatalicód ang muc-há ó lumayo caya. May isa pang

pinagcacabihasnan ang caramihan nang tauo, na cun naquiquipagusap sa

capoua, ay ang camáy ay iquinacamot sa haráp. ¡Asal na cahalayhalayan

na nacapopoot sa malilinis na loob. Caiin~gat na ito,i, pagcaratihan

nang bata. Cun may lalabas na masamang amoy, ay lumayo sa tauo, houag

pamalay at nang di mapan~ganlang salahula: Adios, Feliza, hangang sa

isang sulat.--URBANA.

Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza · 第 25 / 61 题