=ULIRAN NA NG MAN~GA BATA.=
_Si Feliza cay Urbana_.--PAOMBON ...
URBANA: Si Honesto,t, aco,i, nagpapasalamat sa iyo, sa matatáas na
hatol na inilalaman mo sa iyong mán~ga sulat. Cun ang batang ito
maquita mo disin, ay malulugód cang di hamac at mauiuica mo, na ang
caniyang mahinhing asal ay cabati nang Honesto niyang pan~galan.
Masunurin sa ating magulang, mapagtiis sa capoua bata, hindi mabuyó sa
paquiquipagauay, at manga pan~gungusap na di catouiran. Mauilihin sa
pagaaral at sa pananalan~gin; pagcaumaga,i, mananaog sa halamanan,
pipitás nang san~gáng may man~ga bulaclac, pinagsasalitsalit, iba,t,
ibang culay, pinagaayos, guinagauang ramillete, inilalagay sa harap
nang larauan ni Guinoong Santa Maria; isáng azucena ang inauucol sa
iyo, isang lirio ang sa aquin, at paghahain sa Reina nang man~ga
Virgenes ay linalangcapán nang tatlong _Aba Guinoong Maria_. Cun
macapagcompisal na at saca maquinabang ang isip co,i, Angelito, na
cumacain nang tinapay nang man~ga Angeles, at ga naquita co, na ang
pagibig at puring sinasambitlâ nang caniyang inocenteng labi, ay
quinalulugdan nang Dios na Sangól, na hari nang man~ga inocentes.
Ipatuloy mo, Urbana, ang iyong págsulat, at nang paquinaban~gan namin:
Adios, Urbana.--FELIZA.