_Si Urbana cay Feliza_.--MANILA ...
FELIZA: Itong man~ga huling sulat co, sa iyo, na may nanucol sa
calagayan mo, at ang iba,i, aral cay Honesto, ay ipinaoonaua co, na di
sa sariling isip hinan~go, cun di may sinipi sa man~ga casulatan, at
ang caramihan ay aral na tinangáp co cay Doña Prudencia, na aquing
Maestra: at siyang sinusunód sa escuela namin caya ibig co disin, na
sa ating man~ga camaganac, sa man~ga escuela sa bayan at man~ga
barrio, ay magcaroon nang man~ga salin at pag aralan nang man~ga bata.
Ipatuloy co ang pagsasaysay nang man~ga cahatolan.[4]
Si Honesto, bago pa sa escuela, ay pabebendicion muna cay ama,t, cay
ina; sa lansan~gan, houag maquiquialám sa man~ga pulong at auay na
tinatamaan, matouid ang lacád, houag ngin~gisi-n~gisi, manglilibác sa
capoua bata, ó lalapastan~gan sa matandá, at nang houag mauica nang
tauo, na ualang pinagaralan sa magulang. Cun magdaraan sa harap nang
simbahan, ay magpupugay, at cun nalalapit sa pintoan ay yuyucód.
Pagdating sa bahay nang maestro ay magpupugay, magbibigay nang
magandang arao, ó magandang hapon, magdasál na saglit sa haráp nang
man~ga santong larauan, na pinagdadasalán nang man~ga escuela,
hihin~ging tulóng sa Dios at cay Guinoong Santa Maria, at nang
matutong gumauá nang cabanalan, at maisaulo ang leccióng pinagaaralan.
Cun sa escuela may pumasoc na sacerdote, capitan, mahal na tauo ó
matandá, ay tumindig, magbigay nang magandang arao, ó magandang hapon,
at houag uupó hangang hindi pinaguutusan. Ang galang na ito,i, houag
icahihiyang gauin, sapagca,t, ang cagalan~gan ay capurihán nang
gumagalang, at di sa iguinagalang. Ang batang may bait at dunong, ay
capurihán nang magulang, at ang caniyang quilos, pan~gun~gusap at
asal, ay nagsasaysay na mahal ang asal nang nagturong magulang.
Pagpilitan mo na houag catamaráng pagaralan ang lección; cun di
matutuhan, ay mag-tanong sa, capoua escuela ó sa maestro caya, houag
mahihiya, sapagca,t, cung hiyas nang isang marunong ang suman~guni sa
bait nang iba, ay capurihán naman nang isang bata ang mag-tanong sa
marunong, sapagca,t, napahahalata na ibig matuto,t, maramtan ang hubád
na isip, nang carunun~ga,t, cabaitan; cun di agád matutuhan ang
lección, ay houag mabubugnót mag-tiagang magaral, sapagca,t, ang
carunun~gan ay bun~ga nang catiagan.
Cun di tinatanong nang maestro, ay houag sasagót, at cun matatanong
ay tumindig muna, at sáca sumagót. Gayon din ang gagauin sa matandá ó
guinoong causap.
Pagbilinan mo, na huag magpahalata sa capoua escuela, na siya,i,
nanaghili sa mariquit na gayac, carunun~gan cayamanan, camahalan nang
capoua, bata, sapagca,t; maguiguing capintasan sa caniyang asal.
Sa capoua bata, houag magsasalitá nang nangyayari sa ating bahay, nang
icamumura sa capoua tauo, at sa ating bahay naman, ay huag ipapanhic
ang naquiquita sa escuela, sa lansan~gan at sa bahay nang iba, lalo na
cun na-ooui sa paninira nang puri, at cung sacali magupasala sa tauo
ay sauain, at cun umulí pa,i, parusahan.
Cun sacali macarinig sa capoua bata nang mura sa magulang ó camaganac
na may bait ay ipagtangól nang banayad at matouid na sabi, at
pagdating sa bahay ay ilihim at nang di pagmulan nang pagaaway.
Turoan mong maquípagcasundó si Honesto sa capóua bata, houag
manampalasang magmura manungayao, at cun sacali,t, may lumapastan~gan
sa caniya ay ipagtangól ang catouiran nang banayad na uica, at cun
sacali nauucol na isumbong sa maestro, ay houag daragdagan, houag
magpaparatang nang sala sa iba, sa pagnanasang maca panghiganti,
sapagca,t, ang manghiganti; ay an~gat sa camahalan nang asal.
Cung siya,i, magsasalitá,t, ayao paniualaan nang casalitáan, ay houag
patotohanan nang sumpà, sapagca,t, ang manumpâ sa ualang cabuluhan ay
tandâ nang cabulaánan.
Sa escuela, cun may maquitang cacanin, ay houag pa~ngahasang canin
hangang di pagutusan, at nang di paguicang matacao.
Sa ano mang utos nang maestro, at ayon sa matouid, ay umalinsunod, at
cun sacali,t, maparusahan ay houag mabubugnót, matamisin sa loob ang
parusa,t, nang houag maquitaan nang capalaloan.
Cung macapagleccion na,t, pahintulutan nang maestro na omoui, ay
lumacad nang mahusay, houag palin~galin~ga, magpatuloy omoui sa bahay,
at pagdating ay magdasál, at pagcatapos, ay humalic sa camay ni ama,t,
ni ina, at gayon din ang gagauin sa hapon.
Sabihin mo cay ina, na di co sila nililimot sa harapán ng Dios, at
malayo man aco ay hinihintay co ang canilang bendicion: Adios, Feliza,
hangang sa isang sulat.--URBANA.