CAGAGAUAN NI URBANA SA BAHAY NANG MAESTRA.

_Si Urbana cay Feliza_.--MANILA....

FELIZA: Sa a las siete,t, cami macasimbá na, cacain cami sa agahan,

pagcatapos ay maglilibanglibang ó maghuhusay caya nang cani-caniyang

casangcapan, sapagca,t, ang calinisán at cahusáyan, ay hinahanap nang

matá nang tauo, tauong náguising at namulat sa cahusayan at calinisan.

A las ocho, gagamit ang isa,t, isa nang librong pinagaaralan; ang

iba,i, darampót nang pluma, tintero,t, ibang casangcapang ucol sa

pagsulat, magdarasál na sumandali bago umupó sa pagaarál, hihin~ging

tulong sa Dios at cay Guinoong Santa Maria, at nang matutuhan ang

pinagaaralan; magaaral hangang á las diez, oras nang pagleleccion sá

amin nang Maestra; pagcatapos, magdarasál nang rosario ni Guinoong

Santa Maria. Pag nacadasál na nang rosario, aco,i, nananahí, ó

naglilinis caya nang damit, at pag cumain ay iguinagayac co ang

servilleta, linilinis co ang tenedor, cuchara at cuchillo, na

guinagamit sa lamesa. Ang lahat nang ito,i, cung maquita nang

Maestrang marumi, ay cami,i, pinarurusahan. Pagtugtog nang á las doce,

oras nang aming pagcain ay pasasa mesa cami, lalapit ang isa,t, isa sa

cani-caniyang loclocan, magbebendicion ang Maestra sa cacanin, caming

man~ga bata,i, sumasagót nacatindig na lahat, ang cataua,i, matouid at

iniaanyó sa lugar. Pagcarinig namin nang n~galang Jesus at Gloria

Patri, ay itinutun~gó ang ulo, at saca cami,i lumuloclóc sa pagcain.

Pagcatapos, magpupuri,t, magpapasalamat sa Dios. Sa hapon cami ay

nagaaral para rin sa umaga. Pagtugtog nang Ave Maria ay magdarasal

cami nang pagbati nang Angel cay Guinoong Santa Maria, na paluhód; sa

arao nang Sabado at Domingo nan~g hapon, ay patindig, at gayon din

naman magmulá sa Sabado Santo hangang sa Sábadong vísperas nang

Santísima Trinidad. Gayon ang bilin nang Santo Papa, na nagcaloob nang

indulgencia sa dasal na ito. Pagcatapos, sino ma,i, ualang tumitindig

sa amin hangang hindi nan~gun~guna ang Maestra, at saca nagbibigay

nang magandang gabi sa caniya. Sa gabi magdarasál nang rosario,

pagcatapos, magaaral nang dasál ang iba, at ang iba nama,i, tinuturuan

nang Maestra nang paquiquipagcapoua tauo. A las ocho cami humahapon;

pagcatapos, naglilibang, naglalaró ang iba, at ang iba,i,

nagsasalitaan. A las nueve y media, cami,i, nagdarasál na saglit,

isang cuartong oras bumabasa nang gunamgunam, pagcatapos,

pagdidili-dilihin ang binasa, magaalaala nang casalanang nagaua sa

arao na yaon; at inahihin~gi nang tauad sa Panginoong Dios. May isang

bumabasa sa amin naman niyaong man~ga uica, na gunam gunamin na ang

pagtulog ay larauan nang camatáyan, at ang hinihigang banig, ay

cahalimbaua nang hucay; hindi nalalaman nang isa,t, isa, na cun sa

gabing iya,i, hahatulan nang Dios, na ipa-paris sa haring Baltazar na

pinangusapan. Sa gabing ito,i, huhugutin ang caloloua mo sa iyong

catauan. Macalauà isang lingo, nagcocompisal aco at naquiquinabang;

ang iba,i, minsan sa isang buan, ó lingo, at ang sinusunod ang utos

nang man~ga confesores. Ang lahat na ito, Feliza, ay alinsunurin mo,

at siya mo rin namang ituro cay Honesto, sapagca,t, nauucol

sapaglilingcód sa Dios, sa paquiquipagcapoua tauo: Adios,

Feliza.--URBANA.

Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza · 第 23 / 61 题