ANG AASALIN SA SIMBAHAN

_Si Urbana cay Feliza_.--MANILA....

FELIZA: Napatid ang hulí cong sulat sa pagsasaysay nang tapát na

caasalan, na sucat sundin sa loob nang simbahan: n~gayo,i, ipatutuloy

co. Marami ang naquiquita sa man~ga babayeng nagsisipasoc sa simbahan,

na lumalacad na di nagdarahan, nagpapacagaslao-gaslao, at cun mariquit

ang cagayacan, ay nagpapalin~gaplin~gap, na anaqui tinitin~gnan cun

may nararahuyo sa caniya. Marami ang namamanyo nang nan~gan~ganinag,

nacabin~git lamang sa ulo at ang modang ito,i, dala hangang sa

paquiquinabang at pagcocompisál. ¡Oh Feliza! ¿napasaan caya ang galang

sa lugar Santo? ¿napasaan caya ang canilang cahinhinán? Diyata,i,

lilimutin na nang man~ga babayeng cristiano yaong utos sa canila ni S.

Pablo, na pinapagtataquip nang muc-ha sa loob nang simbahan,

pacundan~gan sa man~ga Angeles?[3] ¿Diyata,i, hangang sa

confesionario,i, dadalhin ang capan~gahasang di nagpipitagang itanyág

ang muc-há sa Sacerdote? may naquiquita namang naquiquipagtauánan sa

capoua babaye; ó uupó caya at maquiquipagn~gitian sa lalaquing

nanasoc, ano pa n~ga,t, sampo nang bahay nang Dios ay guinagauang

lugar nang pagcacasala.

Itong man~ga biling huli na ucol sa lalaque, ay ipahayag mo cay

Honesto, na bunsó tang capatid. Pagbilinan mo, na pagpasoc sa

simbahan, ay houag maquipagumpucan sa capoua bata, nang houag

mabighani sa pagtatauanan at pagbibiroan. Maniniclohód nang boong

galang sa harapán nang Dios, magdarasál nang rosario, at houag tularan

ang naquiquita sa iba, sa matanda ma,t, sa bata na nacatin~gala,

nacabucá ang bibig na parang isang han~gal, na napahuhula. Houag

bobonotin ang paa sa chapin, sapagca,t, isang casalaulaan. At sa iyo,

Feliza, ang hulí cong bilin, ay houag mong bobonotin sa simbahan at

saan man ang paa sa chinelas, at pagpilitan mong matacpán nang saya,

sapagca,t, ga nacamumuhí sa malinis na matá ang ipaquita. Ipahayag mo

cay ama,t, cay ina ang boong cagalan~gan co: Adios, Feliza, hangang sa

isang sulat.--URBANA.

Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza · 第 22 / 61 题