ANG CATUNGCULAN NANG TAUO SA DÍOS

_Si Urbana cay Feliza_.--MANILA ...

FELIZA: N~gayon tutupdin ang cahin~gian mo, na ipinan~gaco co so iyo

sa huling sulat fecha....

Sa man~ga panahóng itong itinirá co sa Ciudad, ay marami ang

dumarating na bata, na ipinagcacatiuala nang magulang sa aquing

maestra, at ipinag bibilin na pag pilitang macatalastás nang tatlong

daquilang catungculan nang bata na sinaysay co sa iyo. Sa manga batang

ito, na ang iba,i, casing edad mo, at ang iba,i, humiguit cumulang, ay

na pag quiquilala ang magulang na pinagmulan, sa cani-canilang

cabaitan ó cabuhalhalán nang asal. Sa carunun~gang cumilala sa Dios ó

sa cahan~galan, ay nahahayág ang casipagan nang marunong na magulang

na magturo sa anac, ó ang capabayaan. Sa man~ga batang ito,i, ang

iba,i, hindi marunong nang ano mang dasal na malalaman sa doctrina

cristiana, na para baga nang _Ama namin, sumasampalataya, punong

sinasampalatayanan_, na sa canilang edad disin, ay dapat nang maalaman

nang bata, caya hindi maca sagót sa aming pagdarasál ó maca sagót man

ang iba,i, hindi magauing lumuhód, ó di matutong uman-yó, na nauucol

bagang gauin sa harapán nang Dios. Sa pag darasál namin, ay nag

lulupagui, sa pagsimba,i, nag papalin~galin~ga, sa pagcain ay nag

sasalaulâ, sa pag lalaro,i, nananampalasan sa capoua bata, ó

nan~gun~gusap caya nang di catouiran; caya ang man~ga batang ito,i,

maquita mo lamang ay maca pag dadalang galit. ¡Oh Feliza, gandang

palad natin, at pinagcalooban tayo nang Pan~ginoong Dios nang marunong

na magulang! Dahilan sá cahangalang ito nang man~ga bata, ay di unang

itinuro nang Maestra,i, ang dasalan, at nang matutong cumilala at

maglingcód sa Dios; ang pagbasa nang sulat, cuenta, pagsulat,

pananahi, at nang maalis sa cahan~galan. Dinguin mo naman ang aming

gagauin sa arao arao.

Sa umagang pagca guising bago cami malis sa hihigán, nag cucruz muna,

nagpupuri,t, nagpapasalamat sa Dios, para rin naman nang itinuturo sa

atin nang canitang magulang. Macaraan ang ilang minuto, maniniclohód

cami saharapán nang larauan nang ating Pan~ginoong Jesucristo at ni

Guinoong Santa Maria, ihahayin ang púso sa pag lilingcód sa Dios sa

arao na yaon, hihin~gi nang gracia na icaiilag sa casalanan.

Cun matapos ito,i, maghihilamos, magsusuclay, magbibihis nang damit na

malinis, patutun~go sa hagdanan, at bago manaog ay magcucruz muna,

yayauo sa simbahan; sa paglacad namin ipinagbabaual ang

magpalin~gap-lin~gap, ang maglaró at magtauánan. Pagdating sa pintoan

nang simbahan, ay magdarasál ang baua,t, isa sa amin nang panalan~ging

sinipi sa salmo na na sa ejercicio cuotidiano. Pagcaoc nang tubig na

bendita, ay iniaalay co sa aquing maestra, sapagca,t, cautusán, na cun

may casamang mahal ó matandá, ay dapat ialay. Pagca tapos, ay lalacad

at maniniclohód sa harap nang Santísimo Sacramento; ang iba,i,

magdarasál nang rosario, ang iba,i, may hauac na libro sa camáy at

dinadasál ang man~ga panalan~ging ucol sa pagsisimbá. Sa pagluhód

namin, ay ibinabaual nang Maestra, na palibotlibotin ang matá,

itinuturo na itun~gó ang ulo, at nang houag malibáng sa lumalabas at

pumapasoc na tauo. Cun cami,i, naquiquinyig nang sermón, ay

tinutulutang umupó cami, n~guni, ipinagbabaual ang maningcayád,

sapagca,t, sa lalaqui ma,t, sa babaye, ay mahalay tingnan ang upòng

ito, at tila ucol lamang sa hayop. Sa Pagupó namin, ay ipinagbibilin

nang Maestra na cami ay magpacahinhin, itatahimic ang bibig, matá at

boong catauan, paquiquingang magaling ang aral nang Dios Espíritu

Santo, na ipinahahayág nang Sacerdote Feliza, nan~gan~galó na ang

camáy co sa pagsúlat, ay sa iba nang arao sasaysayin co sa iyo ang

man~ga biling ucol sa paglagay sa simbahan. Ihalic mo aco sa camay ni

ama,t, ni ina: Adios, hangang sa isang sulat.--URBANA.

Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza · 第 21 / 61 题