_Si Urbana cay Feliza._--Manila ...
FELIZA: Tinangap co ang sulat mo nang malaquing toua, n~guni,t, nang
binabasa co na,i, napintasán quita,t, dinguin mo ang cadahilanan. Ang
una i, nabanguit mo si ama,t, si ina, ay di mo nasabi cun sila,i, may
saquit ó ualá; n~guni pinararaan co ang caculan~gan mong ito, at di
cataca-tacá sa edad mo na labing dalauang taon; ang icalaua,i, hindi
ang búhay co cun di ang búhay mo ang itinatanong co,i, ang isinagót
mo,i, ang pinagdaanan nang camusmusán ta, at madlang matataas na puri
sa aquin, na di mo sinabi na yao,i, utang co sa mabait na magulang
natin at sa Maestrang umaral sa aquin. N~guni, pag dating sa sabing
nagcucunót ang noó co, at sa man~ga casunód na talata, ay nan~giti ang
puso co, nagpuri,t, nagpasalamat sa Dios, at pinagcalooban ca nang
masunoring loob.
N~gayo,i, dinguin mo naman at aquing sasaysayin yamang hinihin~gi mo
ang magandang aral na tinangap co cay Doña Prudencia na aquing
Maestra. Natatanto mo, na aco,i, marunong nang bumasa nang sulat nang
taong 185 ... na cata,i magcahiualay. Pag dating co rini, ay ang una,
unang ipinaquilala sa aquin, ay ang catungculan nating cumilala,
mamintuho, maglingcód at umibig sa Dios; ang icalaua,i, ang cautan~gan
natin sa ganang ating sarili; at ang icatlo,i; ang paquiquipagcapoua
tauo. N~guni, at sa pagca ang sulat na ito ay hahabang lubha, cun
aquing saysayin itong man~ga daquilang catungculan nang tauo, bucód
dito nama.i, n~gayong, á las sieting mahiguit nang umaga na aco,i,
sumusulat, ay malapit na ang oras nang pag-aaral co, ay sa icalauang
sulat mo na hintin ang pag sunód co sa cahin~gian mo: Adios,
Feliza.--URBÀNA.