At ipinagpatuloy n~g dalawáng sundalo ang caniláng pag-_ronda._

Mulíng natatanawan na namán natin sa liwanag n~g m~ga farol ang dalawáng

aninong nagcacasunod na lumalacad n~g boong pag-iin~gat. Isáng mabalasic

na _¿quién vive?_ ang siyáng nagpahintô sa dalawá, at sumagót ang nauna

n~g _¡España!_ na nan~gan~gatal ang tinig.

Kinaladcád siyá n~g m~ga sundalo at siyá'y dinalá sa farol upáng siyá'y

kilalanin. Siyá'y si Lucas, n~guni't nan~gag-aalinlan~gan ang m~ga

sundalo at nan~gagtatanun~gan sa tin~ginan.

--¡Hindi sinasabi n~g alferez na may pilat!--anáng bisayà sa sabing

marahan.--¿Saán ca paroroon?

--Magdádala acó n~g pamisa upang gawín bucas.

--¿Hindi mo ba nakikita si Elías?

--¡Hindi co po siyá nakikilala, guinoó!--ang sagót ni Lucas.

--¡Hindi co itinátanóng sa iyo cung siyá'y nakikilala mo, ¡tan~ga! cami

ma'y hindi namin siyá nakikilala; itinátanóng co sa iyó cung siyá'y

nakita mo!

--Hindi pô, guinoo.

--Pakinggán mong magalíng, sasabihin co sa iyó ang canyáng m~ga _señas_.

Ang taás ay cung minsa'y matangcád, cung minsa'y catatagán; ang buhóc at

ang m~ga matá'y maiitim; at ang lahát n~g m~ga ibá pa'y pawang m~ga

catatagán,--anáng bisayà.--¿Nakikilala mo na siyá n~gayón?

--¡Hindi po, guinoó!--ang isinagót ni Lucas na natútulig.

--¡Cung gayó'y _¡sulong!_ hayop, burro!--At ipinagtulacan siyá nilá.

--¿Nalalaman mo ba cung bakin ang acala n~g alferez ay matangcád si

Elías at ang acalà naman n~g cura'y catatagán lamang ang taás?--ang

itinanóng na nag iisip-isip n~g tagalog sa bisayà.

--Hindi.

--Sa pagcá't nacabaón sa pusáw ang alférez n~g siyá'y mámatyagan, at ang

cura namá'y nacatayô.

--¡Siyá n~gâ!--ang bigláng sinabi n~g bisaya; mainam ang pag-iisip mo

... ¿bakit ca nagguardia civil?

--Hindi capagcaraca'y guardia civil acó; acó'y dating

contrabandista,--ang isinagót n~g tagalog na nagpapahan~ga.

N~guni't silá'y linibáng n~g isá pang anino: sinigawán nilá itó n~g

¿quién vive? at bago dinalá nilá sa ilaw. N~gayó'y si Elías na n~gâ ang

siyáng sa canilá'y humaharap.

--¿Saán ca paroroon?

--Akin pong hinahabol, guinoó, ang isáng taong humampás at nagbalà sa

aking capatíd na lalaki; ang taong iyó'y may pílat sa mukhá't

nan~gn~ga~ngalang Elías ...

--¿Há?--ang bigláng sinabi n~g dalawá at nan~gagtin~ginang

nagsisipanghilacbót.

At pagdaca'y nan~gagtacbuhang ang tun~go'y sa simbahang sasandali pa

lamang na pinaroonan ni Lucas.

=LIII.=

=IL BUON DI SI CONOSCE DA MATTINA.=

Maagang cumalat sa bayan ang balitang may nakitang m~ga ilaw sa

libin~gan n~g gabing nacaraán.

May sinasabi ang punò n~g V.O.T. (Venerable Orden Tercera) na m~ga

candilang may ilaw at cung paano ang anyô at cung gaano ang caniláng

m~ga lakí, datapuwa't ang hindi matucoy ay ang bilang, n~guni't may

nabilang siyáng hanggáng dalawampô. Hindi dapat atimín ni hermana Sipa,

na caanib sa Cofradía n~g Santísimo Rosario, na ang macapagyabáng lamang

na nacakita n~g biyayà n~g Dios na itó'y ang isáng na sa hermandad

(capatiran) na caaway; sinabi namán ni hermana Sipa, cahi't hindi

malapit doon ang canyáng tinátahanan, na siyá'y nacárin~gig n~g m~ga

daíng at hibíc, at hanggáng sa tila mandín canyáng nakikilala ang tinig

n~g tan~ging m~ga tao, na n~g unang panahó'y canyáng naca ...,

datapuwa't alang-alang sa pag-ibig sa capuwa taong atas sa binyaga'y

hindi lamang canyáng pinatatawad, cung di namán canyáng ipinananalan~gin

at inililihim ang caniláng m~ga pan~galan, at dahil dito'y pagdaca'y

pinapagtitibay na siyá'y santa. Hindi totoong matalas ang tain~ga, ang

catotohanan, ni hermana Rufa, n~guni't hindi dapat tiisin niyáng

narin~gig ang bagay na iyón ni hermana Sipa't siyá'y hindi, at dahil

dito'y nanaguinip siyá at sa canyá'y humarap ang maraming m~ga caluluwa,

hindi lamang n~g m~ga taong patáy na, cung di namán n~g m~ga buhay;

hiníhin~gi n~g m~ga caluluwang silá'y bahaguinan n~g m~ga indulgenciang

canyáng maliwanag na itinátala't pinacaiin~gatan. Masasabi niyá ang m~ga

pan~galan sa m~ga familiang nan~gan~gailan~gan, at wala siyáng

hiníhin~gi cung di isáng muntíng limós upáng isaclolo sa Papa, sa m~ga

pan~gan~gailan~gan nitó.

Isáng batang ang hanap-buhay ay mag-alaga n~g m~ga hayop, na nan~gahás

magpatibay na wala siyáng nakita liban na lamang sa isáng ilaw at

dalawáng táong nan~gacasalacot, nahirapang lubha upang macaligtás sa

m~ga hampás at m~ga lait. Nawaláng cabuluháng siyá'y manumpâ, na canyáng

casama ang canyáng m~ga calabaw at silá ang macapagsasabi:

--¿Durunong ca pa sa m~ga celador at sa m~ga hermana, _paracmason,_

hereje?--ang siyáng caniláng sinasabi sa canyá't siya'y iniirapan nilá.

Nanhíc ang cura sa púlpito at inulit ang sermón tungcól sa Purgatorio,

at muli na namáng lumabas ang m~ga pipisohin sa canicaniláng

kinatataguan.

N~guni't pabayaan natin muna ang m~ga caluluwang nan~gaghihirap, at

pakinggán natin ang salitaan ni don Pilipo at n~g matandáng Tasio, na

may sakit at nag-íisa sa canyáng maliit na bahay. Malaon nang hindi

bumaban~gon sa canyáng kinahihigaan ang filósofo ó ulól, at nararatay

dahil sa isáng panghihinang madalî ang paglubhâ.

--Ayawán, sa catotohanan, cung marapat co cayóng handugan n~g masayáng

batì dahil sa pagcátanggáp sa inyó n~g inyóng pagbibitiw n~g

catungculan; n~g una, n~g hindi pakinggán n~g boong cawalánghiyaan ang

palagáy n~g marami sa m~ga nan~gagpupulong, sumasacatuwiran cayóng

hin~gin ninyó ang pahintulot na macapagbitíw cayó n~g inyóng

catungculan; n~guni't n~gayóng cayó'y nakikitalád sa guardia civíl ay

hindi magalíng. Sa panahón n~g pagbabaca'y dapat cayóng manatili sa

inyóng kinalalagyan.

--Tunay n~ga, datapuwa't hindi, pagca naglililo ang general,--ang sagót

ni don Filipo;--talastas na po ninyóng kinabucasa'y inalpasan n~g

gobernadorcillo ang m~ga sundalong aking nahuli, at

nagpacatangguítangguíng gumawa n~g cahi't anó pa man. Wala acóng magawa

cung walang pahintulot ang aking punò.

--Wala n~ga, cung cayó'y nag-íisa, datapuwa't malakí ang magágawa ninyó

cung catulong ninyó ang m~ga ibá. Dapat sanang sinamantala ninyó ang

ganitóng pangyayari upang cayó'y macapagbigáy ulirán sa ibáng m~ga

bayan. Sa ibabaw n~g catawátawáng capangyarihan n~g gobernadorcillo'y

naroon ang catuwiran n~g bayan; iyán sana ang pasimula n~g isáng

magalíng na pagtuturò ay inyóng sinayang na di guinamit.

--¿At anó bagá caya ang aking magágawa sa kinacatawán n~g m~ga malíng

pananalig? Tingnan po ninyó't nariyan si guinoóng Ibarra, na napilitang

makisang-ayon sa m~ga pananampalataya n~g caramihan, ¿inaacalà ba

ninyóng siyá'y naniniwalà sa «excomunión»?

--Ibá ang inyóng calagayan cay sa canyá; ibig ni guinoóng Ibarrang

magtaním, at upang magtaním ay kinacailan~gang yumucód at tumalima sa

cahilin~gan n~g catawán; ang catungculan po ninyó'y magpagpág, at upang

magpagpág ay nan~gan~gailan~gan n~g lacás at nin~gas n~g loob. Bucod sa

rito'y hindi dapat gawín ang pakikitalád laban sa gobernadorcillo; ang

marapat sabihi'y: laban sa lumalabis sa paggamit n~g lacás, laban sa

sumisira n~g catahimican n~g bayan, laban sa nagcuculang sa canyáng

catungculan; at sa ganitó'y hindi n~ga cayó mag-iisá, palibhasa'y ang

bayan n~gayó'y hindi na gaya n~g nacaraáng dalawampóng taón.

--¿Sa acala po caya ninyó?--ang tanóng ni don Filipo.

--¿At hindi po ninyó nararamdaman?--ang isinagót n~g matandang ga

humilig na sa kináhihigan;--¡ah! palibhasa'y hindi pô ninyó nakita ang

panahóng nagdaan, hindi ninyó mapagcucurocurò ang bun~ga n~g pagparito

n~g m~ga tagá Europa, n~g m~ga bagong aclát at n~g pagpasá Europa n~g

m~ga kinabataan. Pag-isip-isipin ninyó't pagsumagsumaguin: tunay n~ga't

nananatili pa ang Real at Pontificia Universidad n~g Santo Tomás, sampô

n~g canyáng carunungdun~gang claustro, at pinapagsasanay pa ang iláng

m~ga nag-aaral sa pagtatatág n~g m~ga «distingo» (pagkilala n~g caibhán)

at bigyán n~g panghulíng ningníng ang m~ga catalasan n~g pagmamatuwiran

tungcól sa iglesia, n~guni't ¿saán pô ninyó makikita n~gayón yaóng m~ga

kinabataang mawilihíng sásalicsic n~g metafísica, panís n~g m~ga dunong,

na sa capapahirap sa pag-iisip ay namamatay sa marayang m~ga

pagbabalacbalac sa isáng suloc n~g m~ga lalawigan, na hindi matapustapos

unawain ang m~ga saguisag n~g «ente», hindi macuhang masunduan ang

liwanag n~g «esencía» (tining) at n~g «existencia» (búhay) cataastaasang

palaisipang nagpapalimot sa atin n~g lalong kinacailan~gang maalaman:

n~g nauucol sa ating cabuhayan at sariling calagayan? ¡Tingnán po ninyó

ang cabataan n~gayón! Sa puspós na casiglahan n~g caniláng loob sa

pagcákita sa lalong malayong tan-awin, silá'y nan~gag-aaral n~g

Historia, Matemáticas, Geografía, Literatura, m~ga dunong sa Física,

m~ga wicà n~g ibá't ibáng lahi, m~ga bagay na lahát na nang panahón

nati'y ating dinírin~gig n~g malakíng pan~gin~gilabot na parang m~ga

heregía; ang lalong mahiliguín sa calayaan n~g isip n~g panahón co'y

pinapagtitibay na mababang-mababa ang m~ga dunong na iyán sa m~ga minana

cay Aristóteles at sa m~ga pátacaran n~g «silogismo». Sa cawacasa'y

napag-unawa n~g taong siyá'y tao; pínabayaan ang pagsisiyasat sa

calagayan n~g canyáng Dios, ang pakikialam sa hindi matangnán, sa hindi

nakita, at ang paglalagdá n~g alituntunin sa m~ga panaguinip n~g canyáng

panimdim; napagkilala n~g taong ang canyáng minana'y ang malawac na

daigdíg, na macacaya niyáng pagharian; na sa canyáng pagcapagál sa isáng

gáwaing waláng cabuluhá't palalò, tumun~gó't pinagmasídmasíd ang lahát

nang sa canyá'y nacaliliguid. Pagmasdán pô ninyó n~gayón cung paano ang

pagsílang n~g ating m~ga poeta; binúbucsan sa ating unti unti n~g m~ga

Musa n~g Naturaleza ang caniláng iniin~gatang m~ga cayamanan at

nagpápasimulâ n~g pagn~giti sa atin upáng tayo'y bigyáng siglá sa

pagpapatulò n~g pawis. Naghandóg na n~g m~ga unang bun~ga ang m~ga

dunong na nagbúhat sa m~ga pinagdanasan; culang na lamang n~gayón ang

lubós na pacabutihin n~g panahón. Naaalínsunod ang m~ga bagong abogado

n~gayón sa m~ga bagong balangcás n~g Filosofia n~g Càtuwirán;

nagpápasimulà na ang ilán sa canilá n~g pagníngning sa guitna n~g

carilimáng nacaliliguid sa luclucan n~g m~ga tagapa-unawa n~g

cagalin~gan, at nahihíwatigan na ang pagbabago n~g lacad n~g panahón.

Pakinggán po ninyó cung paanong manalitâ n~gayón ang m~ga cabataan,

dalawing po ninyó ang m~ga páaralang pinagtuturuan n~g m~ga dunong, at

ibá n~g m~ga pan~galan ang umaalin~gáwn~gaw sa m~ga pader n~g m~ga

claustro, diyán sa loob n~g m~ga pader na iyá'y wala tayong máririn~gig

liban na lamang sa m~ga n~galan ni Santo Tomás, Suarez, Amat, Sánchez at

m~ga ibá pa, na pawang pinacasásamba n~g panahóng co. Waláng cabuluháng

magsisigáw buhat sa m~ga púlpito ang m~ga fraile laban sa tinatawag

niláng pagsamâ n~g m~ga ugalì, tulad sa pagsigáw n~g m~ga magtitindá n~g

isdâ, laban sa cacuriputan n~g m~ga mamimili, na hindi nilá

napagkikilalang ang calacal nilá'y bilasâ na't waláng cabuluhán! Waláng

cabuluháng ilaganap n~g m~ga convento ang caniláng mahahabang galamáy at

m~ga ugat sa han~gád na inisín sa m~ga bayan ang bagong agos; pumapanaw

na ang m~ga diosdiosan; mangyayaring mapapamayat n~g m~ga ugat n~g cahoy

ang m~ga halamang doo'y itinatanim, datapuwa't hindi mangyayaring

macaamís n~g buhay sa ibáng nan~gabubuhay, na gaya na n~ga n~g m~ga

ibong napaiilangláng sa calan~gitán.

Masimbuyó ang pananalitâ n~g filósofo; nagníningning ang canyáng m~ga

matá.

--Datapuwa't maliit ang bagong sibol; cung man~gagcáisa ang lahát, ang

pagsúlong na totoong napacamahal ang ating pagbili'y mangyayaring

caniláng mainís,--ang itinutol ni don Filipo na áayaw maniwala.

--Inisin siya, ¿nino? ¿n~g tao bagâ, iyáng pandác bang masasactín ang

macaíinis sa Pagsulong, sa macapangyarihang anác n~g panahón at n~g

casipagan? ¿Cailán bagá nagawâ niyá ang gayón? Lalò n~g itinulac siyá sa

paglaganap n~g m~ga nan~gagpupumilít na siyá'y piguílin sa pamamag-itan

n~g m~ga pinasasampalatayan, n~g bibitayán at n~g pinagsusunugang sigâ.

_E por si muove_, (at gayón ma'y gumágalaw), ang sinasabi ni Galileo n~g

pinipilit siyá n~g m~ga dominicong canyáng sabihing ang lupa'y hindi

gumagalaw; ang gayóng salitá'y iniuucol sa pagsulong n~g dunong n~g tao.

Mapipilit ang iláng m~ga calooban, mapápatay ang iláng m~ga tao,

n~guni't itó'y waláng cabuluhán: magpapatuloy n~g paglacad sa canyáng

landás ang Pagsulong, at sa dugô n~g m~ga mabulagtá'y bubucal ang m~ga

bago't malalacás na m~ga suwi. Pagmasdán po ninyó ang m~ga pamahayagan

man, cahi't ibiguing magpacátiratira sa cahulihulihan, gayón ma'y

humáhacbang n~g isá sa pagsulong n~g laban sa canyáng calooban; hindi

macatacas sa pagtupad sa ganitóng atas ang m~ga dominico man, caya't

caniláng tinutularan ang m~ga jesuita, na cánilang m~ga caaway na cailán

ma'y hindi macacasundô: gumágawâ silá n~g m~ga casayahan sa caniláng

m~ga claustro, nan~gagtátayô n~g m~ga maliliit na m~ga teatro,

nag-áanyô-anyô n~g m~ga tulâ, sa pagcá't palibhasa'y hindi silâ culang

sa catalinuhan, bagá man ang boong isip nilá'y nan~gabubuhay pa silá sa

icalabinglimáng siglo, napagkikilala niláng sumasacatuwiran ang m~ga

jesuita, at silá'y makikialam pa sa daratníng panahón n~g m~ga batang

bayang caniláng tinuruan.

--Ayon, sa sabi ninyó'y ¿caalacbáy ang m~ga jesuita sa paglacad n~g

Pagsulong?--ang tanóng na nagtátaca ni don Filipo;--cung gayo'y ¿bakit

silá'y minamasamâ n~g m~ga tagá Europa?

--Cayó po'y sasagutín co n~g catulad n~g m~ga nag-aaral n~g tungcól sa

Iglesia n~g una,--ang isinagót n~g filósofo, na mulíng nahigâ at

pinapanag-uli ang canyáng pagmumukháng palabiro;--sa tatlóng paraán

mangyayaring macaacbay sa Pagsulong: sa dacong unahán, sa dacong

taguiliran at sa dacong hulihán; ang m~ga nan~gun~guna'y siyáng

namamatnugot sa canyá; ang nan~gasa taguilira'y cusang napadadala na

lamang, at ang nan~gahuhuli'y pawang kinácaladcad, at sa m~ga

kinácaladcad na itó nasasama ang m~ga jesuita. Ang ibig sana nilá'y silá

ang macapamatnubay sa Pagsulong, n~guni't sa pagcá't nakikita niláng

itó'y malacás at ibá ang m~ga hilig, silá'y nakikisang-ayon, at lalong

minamagalíng niláng silá'y makisunod cay sa silá'y tahaki't yapacan, ó

mátira caya sa guitna n~g marilím na daán. N~gayón po'y tingnán ninyó,

tayo rito sa Filipinas ay may m~ga tatlóng siglo, ang cauntian, ang

ating pagcáhuli sa _carro_ n~g Pagsulong: bahagya pa lamang

nagpápasimula tayo n~g pag-alis sa «Edad Media» (476 hanggáng 1453);

caya n~ga ang m~ga jesuita na nasa Europa'y larawan n~g pag-urong, cung

pagmasdan dito'y larawan n~g Pagsulong; cautan~gan n~g Filipinas sa

canilá ang bagong umúusbóng na pagdunong, ang m~ga dunong na catutubò

n~g daigdíg (Ciencias Naturales), na siyáng cáluluwa n~g siglo XIX, na

gaya namang cautan~gán sa m~ga dominico ang Escolasticismo (filosofía

n~g Edad Media), na namatáy na cahi't anóng pagpipilit na gawín ni León

XIII: waláng Papang macabuhay na mag-ulî sa binitay na n~g catutubong

bait ... Datapuwa't ¿saán náparoon ang ating salitaan?--ang itinanóng na

nagbago n~g anyô n~g pananalita;--¡ah! ang pinag-uusapan nati'y ang

casalucuyang calagayan n~g Filipinas ... Siyá n~ga, n~gayó'y pumapasoc

tayo sa panahón n~g pakikitunggalì, malî acó, cayó; nauucol na sa gabí

camíng nan~gaunang ipinan~ganác, cami'y paalís na. Ang nagtutunggali ay

ang nacaraang panahóng cumacapit at yumayacap na nagtútun~gayaw sa

uugaugâ n~g malaking bahay na bató n~g m~ga macapangyarihan, at saca ang

panahóng sasapit, na náririn~gig na buhat sa malayò ang canyáng awit n~g

pagwawagui, sa m~ga sinag n~g isáng namamanaag n~g liwaywáy, tagláy ang

Bagong Magandáng Balita na galing sa m~ga ibáng lupaín ... ¿Sinosino

caya ang man~gatitimbuang at mababaon sa pagcaguhò n~g náguiguibang

bahay?

Tumiguil n~g pananalitâ ang matandáng lalaki, at n~g makita niyang

siyá'y tinititigan ni don Filipong nagninilaynilay, ngumitî at mulíng

nagsalitâ:

--Halos nahuhulaan co ang iniisip po ninyó.

--¿Siyá n~ga pô ba?

--Iniisip po ninyóng magaang na totoóng mangyaring acó'y

nagcacamalì,--ang sinabing n~gumin~gitî n~g malungcót;--n~gayó'y may

lagnát acó at hindi namán acó maipalalagay na hindi namamali cailán man:

_homo sum et nihil humani a me alienum puto,_ ani Terencio; n~guni't

cung manacánaca'y itinutulot ang managuinip, ¿bakit bagá't hindi

mananaguinip acó sa m~ga hulíng sandalî n~g buhay? At bucód sa roo'y

¡pawang panaguinip lamang ang aking naguíng buhay! Sumasacatuwiran pô

cayó; ¡panaguinip! waláng iniisip ang ating m~ga kinabataan cung di ang

m~ga sintahan at layaw n~g catawan: lalong malaki ang panahóng caniláng

ginugugol at ipinagcacapagod sa pagdayà at paglulugsô n~g isáng

capurihán n~g isáng dalaga, cay sa pag-iisip-isip n~g icagagaling n~g

canyáng lupang tinubuan; pinababayaan n~g m~ga babae rito sa atin ang

caniláng sariling m~ga familia, dahil sa pag aalaga n~g bahay at familia

n~g Dios; masisipag lamang ang m~ga lalaki rito sa atin sa nauucol sa

m~ga vicio at silå'y m~ga bayani lamang sa paggawâ n~g m~ga cahiyahiyâ;

námumulat ang camusmusan sa m~ga cadilimán at sa m~ga calumalumaang

pinagcaratihang aayaw baguhin; pinalálampas n~g m~ga cabataan ang lalong

pinacamagalíng na panahón n~g caniláng buhay na waláng anó mang mithîin,

at ang m~ga may gulang na'y waláng guinágawang sucat mamun~ga n~g

cagalin~gan, waláng capacanán silá cung di magpasamâ sa m~ga kinabataan

sa pamamag-itan n~g caniláng masasamáng halimbawang ipinakikita ...

Ikinagagalac cong acó'y mamatáy na ... _claudite jam rivos, pueri._

--¿Ibig pô ba ninyó ang anó mang gamót?--ang itinanóng ni don Filipo,

upáng magbago n~g salitaang nacapagbigáy dilim sa mukhâ n~g may sakít.

--Hindî nagcacailan~gan n~g m~ga gamót ang m~ga mamamatay; cayóng m~ga

mátitira ang nan~gagcacailan~gan. Sabihin pô ninyó cay don Crisóstomo na

acó'y dalawin niyá bucas, may sasabihin acó sa canyáng totoong

mahahalagá. Sa loob n~g iláng araw ay yayao na acó. ¡Sumásacadilimán ang

Filipinas!

Pagcatapos n~g ilàng sandali pang pag-uusapa'y iniwan ni don Filipong

namámanglaw at nag-iisip ang bahay n~g may sakít.

=LIV.=

QUIDQUID LATET, ADPAREBIT,

NIL INULTUM REMANEBIT.

Ipinagbibigay álam n~g campana ang oras n~g pagdarasal sa hapon;

tumitiguil ang lahát pagcárin~gig n~g taguinting n~g pagtawag n~g

religión, iniiwan ang caniláng guinágawa't nan~gagpupugay: inihíhintó

n~g magsasacáng nanggagaling sa bukid ang canyáng pag-awit, pinatitiguil

ang mahinahong lacad n~g calabáw na canyáng sinásakyan, at nagdarasal;

nagcucruz ang m~ga babae sa guitnâ n~g daan at pinagágalaw na magalíng

ang caniláng m~ga labì't n~g sino ma'y huwag mag-alinlan~gang sa

caniláng silá'y mapamintakasi; inihihintô n~g lalaki ang pag-ámac sa

canyáng manóc at dinárasal ang _Angelus_ upáng sang-ayunan siyá n~g

capalaran; nan~gagdárasal n~g malacás sa m~ga bahay ... nalúlugnaw,

nawáwalâ ang lahát n~g in~gay na hindi ang sa _Abá Guinoong Maria_.

Gayón ma'y nagtutumulin sa paglacad sa daan ang curang nacasombrero, na

anó pa't pinapagcacasala ang maraming m~ga matatandáng babae, ¡at lalo

n~g nacapagcacasala! na ang tinutungo niyá'y ang bahay n~g alférez.

Inacala n~g m~ga matatandáng babaeng panahón nang dapat niláng itíguil

ang pagpapakibót n~g caniláng m~ga labi upáng silá'y macahalic sa camáy

n~g cura; datapuwa't hindî silá pinansín ni pari Salví; hindi siyá

nagtamóng lugód n~gayóng ilagáy ang canyáng mabut-óng camáy sa ibabaw

n~g ilóng n~g babaeng cristiana, upáng buhat diyá'y padaus-using maimis

(ayon sa nahiwatigan ni doña Consolación) sa dibdíb n~g magandáng batang

dalaga, na yumúyucod sa paghin~gî n~g bendición.

¡Marahil totoong mahalagáng bagay n~gâ ang nacaliligalig sa canyáng

panimdím upáng malimutan n~g ganyán ang canyáng sariling cagalin~gan at

ang cagalin~gan n~g Iglesia!

Totoong dalidali n~gang siyá'y nanhíc sa hagdanan at tumawag n~g boong

pagdudumalî sa pintô n~g bahay n~g alférez, na humaráp na nacacunót ang

m~ga kilay, na sinusundan n~g canyáng cabiac (n~g canyang asawa), na

n~gumín~giting parang tagá infierno.

--¡Ah, padre cura! makikipagkita sana acó sa inyó n~gayón, ang cambíng

na lalaki po ninyó'y....

--May sadyà acóng totoong mahalagá....

--Hindí co maitutulot na palagui n~g iwasac niyá ang bacod ...

¡papuputucan co siyá cung magbalic!

--¡Iyá'y sacali't buháy pa cayó hanggáng bucas!--anáng cura na

humihin~gal at patun~go sa salas.

--¿Anó? ¿inaacala po ba ninyóng mapapatay acó niyáng taotaohang pipitong

buwan pa lamang n~g ipan~ganac? ¡Lúlusayin co siyá sa isáng sicad

lamang!

Umudlót si pari Salvi at hindi kinucusa'y itinun~gó ang panin~gín sa paá

n~g alférez.

--¿At sino po ba ang inyóng sinasabi?--ang itinanóng na nan~gán~gatal

--¿Sino ang sasabihin co cung di iyáng nápacahalíng, na hinamon acóng

camí raw ay magpatayan sa pamamag-itan n~g revolver, na ang layo'y

sandaang hacbáng?

--¡Ah!--humin~gá ang cura, at saca idinugtóng:--Naparito acó't may

sasabihin sa inyóng isáng bagay na totoóng madalian.

--¡Huwág na pó cayóng magsabi sa akin n~g ganyáng m~ga bagay! ¡Marahil

iyá'y catulad n~g sa dalawáng batà!

Cung di lamang naguíng lan~gís ang pang-ilaw at hindi sana nápacarumí

ang _globo_, nakita disín n~g alférez ang pamumutlâ n~g cura.

--¡Ang ating pag-uusapan n~gayó'y ang mahalagáng bagay na nauucol sa

buhay n~g calahatan!--ang mulíng sinabi n~g cura n~g marahan.

--¡Mahalagáng bagay!--ang inulit n~g alférez na namutlà; ¿magalíng po

bang magpatamà ang binatang iyán?...

--Hindi siyá ang aking sinasabi.

--Cung gayó'y ¿sino?

Itinurò n~g cura ang pintô, na sinarhán n~g alférez alinsunod sa canyáng

kinaugalian, sa pamamag-itan n~g isáng sicad. Ipinalálagay n~g alférez

na waláng cabuluhán ang m~ga camay, at wala n~gang mawáwalâ sa canyáng

anó man cung maalis ang canyang dalawang camáy. Isáng tun~gayaw at isáng

atun~gal ang siyáng naguíng casagutan buhat sa labás.

--¡Hayop! ¡biniyác mo ang aking noó!--ang isinigáw n~g asawa niyá.

--¡N~gayó'y iluwal na pô ninyó!--ang sinabi sa cura n~g boong

capanatagán n~g loob.

Tinitigan n~g cura ang alférez n~g malaon; pagcatapos ay tumanóng niyáng

tinig na pahumál at nacayayamot na caugalian n~g nan~gagsesermon:

--¿Nakita pô ba ninyó cung paano ang aking pagparito, patacbó?

--¡Redios! ¡ang boong isip co'y nagbubululós pô cayó!

--Cung gayó'y tingnán ninyó,--ang sinabi n~g cura na hindi pinansín ang

cagaspan~gan n~g asal n~g alférez;--pagca nagcuculang acó n~g ganyán sa

aking catungculan, maniwala cayó't may mabibigát na m~ga cadahilanan.

--¿At anó pa pô?--ang itinanóng n~g causap na itinátadyac ang paá sa

tinútungtun~gan.

--¡Huminahon cayó!

--Cung gayó'y ¿anó't cayó'y nagmámadali n~g mainam sa pagparito?

Lumapit sa canyá ang cura't tumanong n~g matalinghagà:

--¿Walà ... pô ... ba ... cayóng ... nababalitaang ... anó ... man?

Pinakibít n~g alférez ang canyáng m~ga balicat.

--¿Pinagtitibay pô ba ninyóng wala cayóng natátalastas na anóng anó man?

--¿Ibig pô ba ninyóng ipaunawa sa akin ang nauucol cay Elías na cagabí'y

itinagò n~g inyóng sacristan mayor?--ang itinanóng.

--Hindi, hindi co sinasabi n~gayón ang m~ga cathacathàng iyan,--ang

sagót n~g curang nagpakita na n~g pagcayamot;--ang ibig cong sabihin

n~gayó'y ang isáng malakíng pan~ganib.

--¡P ...! ¡cung gayó'y magsalitâ cayó n~g maliwanag!

--¡Abá!--ang madalang na sinabi n~g fraile na may anyóng pagpapawaláng

halaga;--n~gayó'y muli pa ninyóng makikita ang cahalagahan naming m~ga

fraile; catimbáng n~g isáng regimiento ang catapustapusang uldóg; caya't

ang cura'y ...

At ibinabâ ang tinig at sinabi n~g matalinghagang pananalitâ:

--¡Nacatuclas acó n~g isáng malaking acalang pangguguló!

Lumucsó ang alférez at tinititigan ang fraile sa malakíng gulat.

--Isáng cakilakilabot at mabuting pagcacahandang munacalang tacsíl na

pangguguló, na sasambulat n~gayón ding gabí.

--¡N~gayón ding gabi!--ang bigláng sinabi n~g alférez, na dinaluhong ang

cura; at tinacbó ang canyáng revolver at sable na nacasabit sa pader.

--¿Sino ang aking daracpin?, ¿sino ang aking daracpin?--ang sigáw.

--¡Huminahon po cayó, may panahón pa, salamat sa aking pagdadalidaling

guinawa; hanggáng sa á las ocho....

--¡Babarilín co siláng lahát!

--¡Makiníg po cayó! Lumapit sa akin n~gayóng hapon ang isáng babae, na

hindi co dapat sabihin ang pan~galan (sa pagcá't isang lihim n~g

confesió) at ipinahayag sa aking lahát. Sasalacayin nilá't cucunin ang

cuartel, pagca á las ocho, na hindi magpapamalay, lolooban ang convento,

dáracpin nilá ang falúa at pápatayin tayong lahát na m~ga castila.

Tulíg na tulíg ang alférez.

--Waláng sinabi sa akin ang babae cung di itó lamang,--ang idinugtóng

n~g cura.

--¿Walâ n~g ibáng sinabi? ¡cung gayó'y daracpin co siyá!

--Hindi co mapababayaan: ang hucuman n~g pan~gun~gumpisal ay siyáng

luclucan n~g Dios na mahabaguin.

--¡Waláng Dios at waláng mahabaguing macapagliligtas! ¡huhulihin co ang

babaeng iyán!

--Sinisirà po ninyó ang inyóng isip. Ang marapat pô ninyóng gawin ay

humandá; lihim ninyóng papagsandatahin ang inyóng m~ga sundalo, at

ilagáy ninyó silá sa magalíng na mapagbabacayan; padalhan pô ninyó acó

n~g apat na guardia sa convento, at ipaunawâ ninyó ang mangyayari sa

m~ga taga falúa.

--¡Walâ rito ang falúa! Hihin~gî acó n~g saclolo sa ibáng m~ga

_sección!_

--Huwág, sa pagca't cung gayó'y caniláng maiino, at hindi nila

ipatutuloy ang caniláng bantâ. Ang lalong magalíng ay máhuli nating

buháy silá at sacâ natin pasigawin, sa macatuwíd bagá'y cayó ang

magpapasigaw sa canilá; hindi acó dapat makialám sa bagay na itó, sa

pagcá't acó'y sacerdote. ¡Dilidilihin ninyó! sa mangyayaring itó'y

macatutuclas cayó n~g m~ga _cruz_ at m~ga _estrella;_ ang tan~ging

hiníhin~gi co'y papagtibayin lamang na acó ang siyáng sa inyó'y

nagsabi't n~g macapaghandà.

--¡Papagtitibayin, padre, papagtitibayin, at hindi malayong sa inyó'y

mapaputong ang isáng mitr!--ang sagót n~g alférez na nagágalac, at

tinitingnan ang m~ga mangás n~g canyáng suut na damít.

--Ipaasahan cong magpápadala cayó sa akin n~g apat na guardia na ibá ang

pananamit, ¿eh?

Samantalang nangyayari ang m~ga bagay na itó'y nagtátatacbo ang isáng

tao sa daang patun~gó sa bahay ni Crisóstomo at dalidaling pumapanhic sa

hagdanan.

--¿Nariyan ba ang guinoo?--ang tanóng n~g tinig ni Elías sa alilà.

--Na sa canyáng gabinete at may guinagawâ.

Sa nais ni Ibarrang malibáng ang canyáng pagcainíp sa paghihintay n~g

oras na macapagpapaliwanagan cay María Clara'y gumagawa sa canyáng

laboratorio.

--¡Ah! cayó pô palá, ¿Elías?--ang bigláng sinabi;--cayó ang sumasaaking

isip, nalimutan co cahapong itanóng sa inyó ang pan~galan niyóng

castilàng may bahay na kinatitirahan n~g inyóng nunòng lalaki.

--Hindi pô nauucol sa akin, guinoo....

--Pagmasdán po ninyó,--ang ipinagpatuloy ni Ibarra, na hindi

nahihiwatigan ang pagcabalisa n~g binata, at inilapit sa nin~gas ang

isáng caputol na cawayan; nacatuclas acó n~g isáng dakilang bagay; hindi

nasusunog ang cawayang itó.

--Hindi pô ang cawayan ang dapat nating lin~gunín n~gayón; ang dapat

ninyóng gawín n~gayó'y iligpit ang inyóng m~ga papel at cayó'y tumacas

sa loob n~g isáng minuto.

Pinagmasdán ni Ibarra si Elías na nagtatacá, at n~g makita sa canyáng

pagmumukhâ ang anyóng hindi nag aaglahî, canyáng nábitiwan ang bagay na

hawac.

--Sunuguin pô ninyó ang lahát na macapapahamac sa inyó at sa loob n~g

isang oras ay lumagáy cayó sa isáng lugar na lalong panatag.

--At ¿bakit?

--Inyó pong sunuguin ang lahat n~g papel na inyóng sinulat ó ang

isinulat sa inyó; ang lalong waláng cahuluga'y caniláng masasapantahang

masamâ ...

--N~guni't ¿bakit?

--¿Bakit? sa pagcá't bago cong natuclasan ang isáng munacalang

pangguguló na cayó ang ipinalálagay na may cagagawán at n~g cayó'y

ipahamac.

--¿Isáng munacalang pangguguló? at ¿sino ang may cagagawán?

--Hindi co nangyaring nasiyasat cung sino ang may cagagawán; bagong

capakikipagsalitaan co lamang sa isá sa m~ga culang palad na sa bagay na

iyá'y pinagbayaran, na hindi co nangyaring naakit na huwag gumawa n~g

gayón.

--At iyán, ¿hindi pô ba sinabi sa inyó cung sino ang sa canyá'y

nagbayad?

--Sinabi pô, at pinapan~gaco acóng aking pacain~gatan ang lihim, sinabi

sa aking cayó raw pô.

--¡Dios co!--ang biglang sinabi ni Ibarra, at siyá'y nagulomihanan.

--¡Guinoo, huwág pô cayóng mag-alinlan~gan, huwag nating sayan~gin ang

panahón, pagcá't marahil matuloy n~gayóng gabí rin ang munacalang

pangguguló!

Tila mandin hindi siyá naririn~gig ni Ibarrang nacadilat n~g mainam at

naca capit sa ulo ang m~ga camáy.

--Hindi mangyayaring mapahinto ang caniláng gagawin,--ang ipinagpatuloy.

ni Elías,--wala n~g magagawa n~g acó'y dumatíng, hindi co kilalá ang

canilang m~ga pinuno ... ¡lumigtás po cayó, guinoo, magpacabuhay cayó,

sa icagagaling n~g inyóng bayan!

--¿Saán acó tatacas? ¡Hiníhintay aco n~gayóng gabi!--ang bigláng sinabi

ni Ibarra na si María Clara ang iniisip.

--¡Sa alin mang bayan, sa Maynila, sa bahay n~g sino mang punong may

capangyarihan, n~guni't sa ibáng lugar, n~g hindi nilá masabing cayó ang

namumunò sa pangguguló!

--¿At cung acó rin ang magcanulo n~g munacalang pangguguló?

--¡Cayó ang magcacanulo?--ang bigláng sinabi ni Elías, na siyá'y

tinititigan at nilalayuan n~g pauróng; malalagay po cayóng tacsíl at

duwag sa m~ga matá n~g m~ga mangguguló, at mahinà ang loob sa m~ga matá

n~g m~ga ibá; wiwicaíng inuman~gan ninyó silá n~g isáng silo at n~g

cayó'y magtamo n~g carapatán, mawiwicang ...

--Datapuwa't ¿anó ang dapat cong gawín?

--Sinabi co na sa inyó: pugnawín ang lahát ninyóng m~ga papel na nauucol

sa inyóng buhay, at tumacas at maghintáy n~g m~ga mangyayari....

--¿At si María Clara?--ang sigáw n~g binatà;--¡hindi, mamatáy na muna

acó!

Pinilípit ni Elías ang sariling camáy at nagsabi:

--¡Cung gayó'y inyóng ilagan man lamang ang dagoc, maghandâ cayó sa

pananagót cung cayó'y isumbóng na nilá!!!

Lumin~gap sa paliguid niyá si Ibarrang ang anyó'y natútulig.

--Cung gayó'y tulun~gan pô ninyó aco; diyán sa m~ga carpetang iyá'y may

m~ga sulat acó n~g aking familia; piliin ninyó ang sa aking amá na

siyáng macapapahamac sa akin marahil. Basahin po ninyó ang m~ga firma.

At ang binata'y tulíg, hibáng, ay binubucsá't sinasarhan ang m~ga cajón,

nagliligpit n~g m~ga papel, dalidaling binabasa ang m~ga sulat,

pinupunit ang m~ga ibá, ang m~ga ibá namá'y itinatagò, dumárampot n~g

m~ga aclát, binubucsan ang m~ga dahon at ibá pa. Gayón din ang guinágawâ

ni Elías, bagá man hindi totoóng natútulig, n~guni't gayón din ang

pagdadalidali; datapuwa't humintô, nangdilat, pinapagbiling-bilíng ang

papel na hawac at tumanóng na nan~gán~gatal ang tinig:

--¿Nakikilala pô ba n~g inyóng familia si don Pedro Eibarramendia?

--¡Mangyari pa bagá!--ang isinagót ni Ibarra, na nagbúbucas n~g isáng

cajón at kinucuha roon ang isáng buntóng m~ga papel; ¡siyá ang aking

nunò sa tuhod!

--¿Inyó po bang nunò sa tuhod si don Pedro Eibarramendia?--ang mulíng

itinanóng ni Elías, na namúmutla't siráng sirâ ang mukhâ.

--Opô,--ang isinagót ni Ibarra, na nalílibang; pinaiclî namin ang

apellido sa pagcá't napacahabà.

--¿Siyá pô ba'y vascongado?--ang inulit ni Elías at lumapit sa canya.

--Vascongado, n~guni't ¿ano po ang nangyayari sa inyó?--ang itinanóng na

nangguíguilalas.

Itinicom ni Elías ang canyang m~ga daliri, idiniin sa canyáng noó at

tinitigan si Crisóstomo, na umudlót n~g canyáng mabasa ang anyó n~g

mukhâ ni Elías.

--¡Nalalaman pô ba ninyó cung sino si don Pedro Eibarramendia?--ang

itinanong na nangguiguitil.--¡Si don Pedro Eibarramendia'y yaóng imbíng

nagparatang sa aking nunòng lalaki at may cagagawan n~g lahát n~g m~ga

sacunáng nangyari sa amin!

Tiningnán siyá ni Crisóstomong nanglúlumo, datapuwa't ipinagpag ni Elías

ang canyáng bisig, at sinabi sa canyá n~g isáng mapait na tinig na doo'y

umaatun~gal ang nagbabagang galit.

--¡Masdán ninyó acóng magaling, masdan ninyó acó cung acó'y naghirap, at

cayó'y buháy, sumisinta cayo, cayó'y may cayamanan, bahay,

kinaalang-alan~ganan! ¡nabubuhay cayó!... ¡cayó'y nabubuhay!

At hibáng na tinun~go ang ilang m~ga sandatang típon, n~guni't bahagyâ

pa lamang nacahugot n~g dalawáng sundang ay cusang binitiwan, at

tiningnang wari'y sirâ ang isip si Ibarra, na nananatiling hindi

cumikilos.

--¡Aba!--¿anó ang aking gagawin?--ang ibinulóng, at saca tumacas at

iniwan ang bahay na iyón.

=LV.=

=ANG CAPAHAMACAN.=

Nan~gaghahapunan doon sa comedor (cacanán) ni Capitan Tiago, si Linares

at si tía Isabel; narín~gig mulá sa salas ang calampagan n~g m~ga

pinggán at n~g m~ga cubierto. Sinabi ni María Clarang aayaw na siyáng

cumain, at naupô sa piano na ang casama'y ang masayáng si Sinang, na

bumúbulong sa canyáng m~ga tain~ga n~g m~ga talinghagang salitâ,

samantalang balisáng nagpaparoo't parito sa salas si pari Salvi.

Hindi sa dahiláng hindi nagdáramdam n~g gutom ang bagong galing sa

sakit, hindî; cayâ gayó'y hinihintay ang pagdating n~g isang tao, at

sinamantala ang sandaling hindi niyá macacaharap ang canyáng Argos (sa

macatuwid baga'y ang hindi naglílicat n~g pagbabantay sa canyá saán

man): ang oras n~g paghahapunan ni Linares.

--Makikita mo cung hindi matitira ang fantasmang iyán hanggáng sa á las

ocho,--ang ibinulóng ni Sinang, na itinuturo ang cura; dapat _siyáng_

pumarito pagca á las ocho. Gaya rin siyá ni Linares na umiibig.

Pinagmasdán ni María Clara n~g boong panghihilacbót ang canyáng catotong

babae. Hindi nápagmasdan nitó ang gayóng bagay, caya't nagpatuloy ang

catacottacot na masalin~gatà:

--¡Ah! nalalaman co na cung bakit aayaw umalis cahi't pagpasarin~gan co:

¡aayaw magcagugol sa pag-iilaw n~g convento! ¿nalaman mo na? Mulâ n~g

magcasakít icaw, mulíng pinatáy ang dalawáng lámparang dating

pinasísindihán ... Datapuwa't ¡tingnán mo cung anó ang guinagawang anyó

sa m~ga matá, at cung paano ang pagmumukhà!

Tinugtóg n~g sandalíng iyón n~g relós sa bahay ang á las ocho. Nan~gatal

ang cura at naupô sa isáng suloc.

--¡Darating na!--ani Sinang at kinurót si María Clara;--¿náririn~gig mo

ba?

Tumugtóg ang campanà sa simbahan n~g á las ocho at tumindig ang lahát

upáng man~gagdasál; namunò si pari Salvi n~g mahina't nan~gán~gatal na

tinig; datapuwa't palibhasa'y may canícanyang iniisip ang bawa't isá,

sino ma'y waláng pumansín n~g bagay na iyón.

Bahagyá pa lamang natatapos ang dasál ay dumatíng si Ibarra. May tagláy

na luksâ ang binatà, hindi lamang sa pananamít, cung di naman sa mukhá,

caya pagcakita sa canyá ni María Clara'y tumindig at humacbáng n~g isá

upáng siyá'y tanun~gin cung napapaano, n~guni't sa sandali ring iyó'y

narin~gíg ang isáng pútucan n~g m~ga baríl. Tumiguil si Ibarra, umiinog

ang canyáng m~ga matá, siyá'y naumíd. Nagtagò sa licód n~g isáng haligui

ang cura. Bago na namáng m~ga putucan, bagong m~ga ugong ang náririn~gig

sa dacong convento, na sinusundan n~g m~ga hiyawan at tacbuhan.

Nan~gagsipasoc n~g panacbó si capitan Tiago, si tía Isabel at si Linares

at nan~gagsisigawan n~g _¡tulisán! ¡tulisán!_ Casunod nilá si Andeng na

iniwawasiwas ang isáng duruan at tumacbó't naparoon sa tabí n~g canyáng

capatíd sa suso.

Nanicluhód si tía Isabel at umiiyac at dinárasal ang _kyrie eleyson;_

dalá ni capitán Tiagong namúmutlá't nan~gán~gatal sa isáng tenedor ang

atáy n~g isáng inahíng manóc at inihahaying tumatan~gis sa Virgen sa

Antipolo; punongpunô ang bibig ni Linares at nacasandata n~g isáng

cuchara; nan~gagyacap si Sinang at si María Clara; ang tan~ging hindi

nananatili sa hindi pagkilos ay si Crisóstomo, na hindi maisaysáy ang

canyáng pamumutlá.

Nagpapatuloy ang sigawá't ang m~ga hampasan, nan~gagsásara n~g m~ga

bintanà n~g boong in~gay, naririn~gig ang tunóg n~g m~ga pito,

manacanaca'y isáng putóc n~g baríl.

--_¡Christe eleyson!_ Santiago, ¡nagáganap na ang hulà ... sarhán mo ang

m~ga bintana!--ang hibíc ni tía Isabel.

--¡Limampóng bombang malalakí at dalawáng misa de gracia!--ang tugón

namán ni capitán Tiago;--_¡Ora pro nobis!_

Untiunting nananag-uli ang cakilakilabot na catahimican ... Nárin~gig

ang tinig n~g alférez na sumísigaw at tumatacbo:

--¡Padre cura! ¡Padre Salvi! ¡Hali cayó!

--_¡Miserere!_ ¡Humihin~gi n~g confesión ang alférez!--ang sigáw ni tía

Isabel.

--¿May sugat ba ang alférez?--ang sa cawacasa'y itinanóng ni Linares;

¡ah!

At n~gayó'y canyáng nahiwatigang hindi pa palá nan~gún~guyá ang na sa

canyáng bibig.

--¡Padre cura, halí cayó! ¡Walâ nang sucat icatacot!--ang ipinatuloy na

sigáw n~g alférez.

Sa cawacasa'y minagalíng ni fray Salving namúmutlâ, na lumabás sa

canyáng pinagtataguan at manaog sa hagdanan.

--¡Pinatáy n~g m~ga tulisán ang alférez! ¡María, Sinang, pasá cuarto

cayó, trangcahán ninyóng magalíng ang pintô! _¡Kyrie eleyson!_

Napasa hagdanan namán si Ibarra, bagá man sinasabi sa canyá ni tía

Isabel:

--¡Huwág cang lumabás at hindi ca nacapan~gun~gumpisal, huwág cang

lumabás!

Ang mabait na matandang babaeng itó'y caibigang matalic n~g una n~g

canyáng iná.

Datapuwa't nilisan ni Ibarra ang bahay; sa pakiramdám niyá'y umiinog na

lahát sa canyáng paliguid, na nawáwalâ ang canyáng tinutungtun~gan.

Humahaguing ang canyáng tain~ga, bumibigát ang canyáng m~ga bintî at

cacaibá cung ilacad; naghahalihaliling nagdaraan sa canyang panin~gín

ang m~ga alon n~g dugô, liwanag at carilimán.

Bagá man totoóng maliwanag ang sicat n~g buwán sa lan~git, natitisod ang

binatà sa m~ga bató't m~ga cahoy na na sa daang mapanglaw at waláng

cataotao.

Sa malapit sa cuartel ay nacakita siyá n~g m~ga sundalong nacalagáy sa

dulo n~g fusil ang bayoneta, na nan~gagsasalitaan n~g masimbuyó, caya't

nacaraan siyá na hindi napansín.

Naririn~gig sa tribunal ang m~ga dagoc, m~ga sigáw, m~ga daíng, m~ga

tun~gayaw; nan~gin~gibabaw at nagtatagumpay sa lahát ang tinig n~g

alférez.

--¡Sa pan~gáw! ¡Lagyán n~g _esposas_ ang m~ga camay! ¡Dalawáng putóc

agád sa cumilos! ¡Sargento, magtatág cayó n~g bantáy! ¡Waláng

magpapasial n~gayón, cahi't Dios! ¡Huwág cayóng matutulog, capitán!

Nagtumulin n~g pagpatun~go sa canyáng bahay si Ibarra; hinihintay siyá

n~g canyáng m~ga alila na malakí ang balisa.

--¡Siyahan ninyó ang lalong pinacamagalíng na cabayo at cayó'y

matulog!--ang sa canilá'y sinabi.

Pumasoc sa canyáng gabinete, at nag-acalang magdalidaling ihandá ang

isáng maleta. Binucsán ang isáng cajang bacal, kinuha ang canyáng m~ga

hiyas, kinuha ang lahát n~g salaping doroon at ípinasoc sa isáng supot.

Kinuha ang canyáng m~ga hiyas, kinuha sa pagcasabit ang isáng larawan ni

María Clara, at pagcatapos na macapagsandata n~g isáng sundang at

dalawáng revolver ay tinun~go ang isáng armario na kinálalagyan n~g

canyáng m~ga casangcapan.

Nang sandaling iyó'y tatlóng calabóg na malalacás ang tumunóg sa pintô.

--¿Sino iyán?--ang itinanóng ni Ibarra n~g tinig na malungcót.

--¡Bucsán ninyó sa n~galan n~g harì, bucsan ninyò agád ó iguiguibà namin

ang pintô!--ang sagót sa wicàng castilà n~g isáng tinig na mahigpit ang

pag-uutos.

Tumin~gin sa bintana si Ibarra; nagningning ang canyáng m~ga matá at

ikinasá ang canyáng revolver; datapuwa't nagbagong isipan, binitiwan ang

m~ga sandata at siyá rin ang nagbucás n~g nan~gagdaratin~gan na ang m~ga

utusán.

Pagdaca'y hinuli siyá n~g tatlóng guardia.

--¡Parakip po cayó sa n~galan n~g Hari!--anáng sargento.

--¿Bakit?

--Doon na sasabihin sa inyó, bawal sa amin ang sabihin.

Nagdilidiling sandali ang binatà, at sa pagcá't aayaw siyá marahil na

makita ang canyáng m~ga paghahandâ sa pagtacas, dinampót ang sombrero't

nagsalitâ:

--¡Sumasailalim po acó n~g inyóng capangyarihan! Inaacala cong sa

sandalíng oras lamang.

--Cung nan~gan~gaco cayóng hindi tatacas, hindi po namin cayó gagapusin;

ipinagcacaloob po sa inyó n~g alférez ang biyayang itó; n~guni't cung

cayó'y tumacas....

Sumama si Ibarra, at iniwan ang canyáng m~ga alilang nan~galálaguim.

Samatala'y ¿anó na ang nangyari cay Elías?

Nang canyáng lisanin ang bahay ni Crisóstomo, warì'y sirá ang isip na

tumátacbong hindi nalalaman ang pinatun~guhan. Tinahac ang m~ga

capatagan, dumating sa isáng gubat na totoong malakí ang pagcaguiyaguis;

tinatacasan ang cabayanan, tinatacasan ang liwanag, nacaliligalig sa

canya ang buwan, pumasoc siyá sa talinghagáng lilim n~g m~ga cahoy. Nang

naroroon na'y cung minsa'y tumitiguil, cung minsa'y lumalacad sa m~ga di

kilalang landás, cumacapit sa punò n~g malalaking cahoy, nababayakid sa

m~ga dawag, tumátanaw sa dacong bayan, na sa dacong paanan niyá'y

naliligo sa liwanag n~g buwan, nacalatag sa capatagan, nacahilig sa m~ga

pampan~gin n~g dagat. Nan~gagliliparan ang m~ga ibong nan~gapupucaw sa

caniláng pagtulog; nan~gagpapalipatlipat sa sa isá't isáng san~gá,

nan~gaghuhunihan n~g matataos na tinig at tinititigan siyá n~g mabibilog

na m~ga matá n~g nan~gaglalakihang m~ga panikî, m~ga kuwago at m~ga

sábucot. Hindi silá tinitingnan at hindi man lamang silá náririn~gig ni

Elias. Ang acalà niyá siyá'y sinúsundan n~g m~ga napupuot na anino n~g

canyáng m~ga magulang na nan~gamatay na; nakikita sa bawa't san~gá ang

calaguímlaguím na buslóng kinálalagyan n~g naliligò n~g dugóng ulo ni

Bálat, ayon sa pagcasabi sa canyá n~g canyáng amá; warì natatalisod niyá

mandín sa punò n~g bawa't cahoy ang matandáng babaeng patáy; tila mandin

nakikinikinita niyá sa dilim na papawidpawid ang bun~gô at m~ga butó n~g

nunò niyáng lalaking imbi ... at ang m~ga butóng itó n~g matandáng babae

at saca ang ulong iyó'y sinisigawan siyá: ¡duwág!, ¡duwág!

Linisan ni Elías ang bundóc, tumacas at lumusong sa dacong dagat, sa

pasigang nilacad niyá n~g boong balisa; n~guni't doon sa malayò, sa

guitná n~g tubig, doon sa ipinaiilanglang mandin n~g liwanag n~g buwan

ang isáng ulap, anaki'y nakita niyáng napaimbulog at pumapawidpawid ang

isáng anino, ang anino n~g canyàng capatíd na babaeng basá n~g dugô ang

dibdib, lugáy ang buhók at inilílipad n~g han~gin.

Nanicluhód sa buhan~gin si Elías.

--¡Patí ba namán icaw!--ang ibinulóng na iniunat ang m~ga bisig.

Datapuwâ, nacatitig sa ulap ay dahandahang tumindíg, sumulong at tumubóg

sa tubig, na wari mandin siyá'y may sinúsundan. Lumalacad siyá sa

malaláy na palusóng na iyóng gawá n~g wawà; malayò na siyá sa tabi,

dumarating na sa canyáng bayawáng ang tubig ay siyá'y sumusulong din,

sumusulong na tila niwawaláng diwà n~g isáng mapanhalinang espiritu.

Dumárating na sa canyáng dibdib ang tubig ...; n~guni't umalin~gawn~gaw

ang putucan n~g m~ga baril, nawalá ang aninong malicmatà at ang binatà'y

nataohan. Salamat sa catahimican n~g gabí at sa lalong malakíng

capaikpicán n~g mahinhing han~gin ay dumarating na magaling at malinaw

na malinaw hanggáng sa canyá ang ugong n~g m~ga putucan. Humintô siyá,

nagdilidili, nahiwatigan niyáng siyá palá'y sumasatubig; payapà ang

dagatan at natatanaw pa niyá ang m~ga ilaw sa dampâ n~g m~ga

man~gin~gisdâ.

Nagbalic siyá sa pampáng at napatun~go sa bayan, ¿anó ang dahil? Siyá

ma'y hindi niyá nalalaman.

Tila mandin walang tao ang bayan; saráng lahát ang m~ga bahay, sampóng

m~ga hayop, ang m~ga ásong caraniwang tumatahol cung gabí, pawang

nan~gagtagò sa tacot. Nacararagdag n~g lungcot at pag-iisá ang anyóng

pilac na liwanag n~g buwan.

Sa pan~gan~ganib niyáng bacâ canyáng macasalubong ang m~ga guardia

civil, siya'y nagpasuotsuot sa m~ga halamanan at m~ga pananím, at

anaki'y canyáng naaninagnagan ang dalawáng may anyóng tao; datapuwa't

canyáng ipinatuloy ang lacad, at, pagcalucsó niyá sa m~ga bacod at sa

m~ga pader, dumating siyáng pagál na pagál sa hirap na canyáng m~ga

pinagdaanan, sa isáng dulo n~g bayan, at tinun~go niyá ang bahay ni

Crisóstomo. Na sa pintuan ang m~ga alila't caniláng pinag-uusapan at

caniláng dináramdam ang pagcacapiit sa caniláng pan~ginoon.

Nang matantô na ni Elías ang nangyari siyá'y lumayô, lumiguíd siyá sa

bahay, nilucsó ang pader na bacod, inakyat ang bintanà at pumasoc sa

gabinete, at nakita niyáng nagninin~gas pa ang iniwang candila ni

Ibarra.

Nakita ni Elías ang m~ga papel at ang m~ga libró at ang m~ga suputang

kinasisidlan n~g salapî at m~ga hiyas. Pinag ugnáy-ugnáy sa canyáng

dilidili ang doo'y nangyari, at n~g mapagmasdan niyá ang gayóng caraming

m~ga papel na macapapahamac, inacala niyáng iligpít, ihaguís sa bintanà

at ibaón.

Sumun~gaw siyá sa halamanan, at sa liwanag n~g buwá'y canyáng natanawan

ang dalawáng guardia civil, na may casamang isáng «auxiliante» (isáng

utusán bagá n~g justicia): nagkikintaban ang m~ga bayoneta at ang m~ga

capacete.

Nang magcagayo'y minagalíng niyáng gawín agad ang isáng munacalà:

ibinuntón sa guitnâ n~g gabinete ang m~ga damít at ang m~ga papel,

ibinuhos sa ibabaw ang isáng lámpara n~g petróleo at sacâ sinindihán.

Ibinigkís na nagdudumalî sa bayawáng ang m~ga sandata, nakita ang

larawan ni María Clara, nag-alinlan~gan ... itinagò sa isá sa m~ga

suputan, dinalá ang m~ga suputang itó at tumalón sa bintanà.

Panahón na n~gà; iguiníguibâ na n~g m~ga guardia civil ang pintuan.

--¡Pabayaan ninyó camíng pumanhic upáng aming cunin ang m~ga papel n~g

inyóng pan~ginoon!--anáng directorcillo.

--¿May dalá ba cayóng pahintulot? Cung wala'y hindi cayó

macapapanhic,--ang sabi n~g isáng matandáng lalaki.

N~guni't pinatabi siyá n~g m~ga guardia civil sa cacuculata, pumanhíc

silá sa hagdán ...; datapuwa't isáng macapal na asó ang siyáng pumúpunô

sa bahay, at pagcálalaking m~ga dilà n~g apóy ang siyáng nan~gagsilabás

sa salas at dinidilàan ang m~ga pintó't bintanà.

--¡Sunog! ¡Sunog! ¡Apóy!--ang ipinagsigawan n~g lahát.

Humandulong ang lahát upáng mailigtás n~g bawa't isá ang macacaya,

n~guni't dumating ang apóy sa maliit na laboratorio at pumutóc ang m~ga

naroroong bagay na madadalíng mag-alab. Napilitang umurong ang m~ga

guardia civil, hinaharan~gan silá n~g sunog, na umuun~gal at niwáwalis

ang bawa't maraanan. Nawaláng cabuluháng cumuha n~g tubig sa balón;

sumísigaw ang lahát, ang lahát ay nagpapaguibíc, datapuwa't silá'y

nálalayô sa lahát. Narating na n~g apóy ang m~ga ibáng cabahayán at

napaiilanglang sa lan~git, casabay ang pagpaimbulóg n~g malalakíng

nagpapainog-inog na asó. Nalilipos na n~g apóy ang boong bahay,

lumálacás ang han~ging nasasalab; mulâ sa malayo'y nan~gagsisirating ang

iláng m~ga tagá bukid, nguni't dumárating silá roo't upáng mapanood

lamang nilá ang cagulatgulat na sigâ, ang wacás n~g matandáng bahay, na

pinagpitagang mahabang panahón n~g apóy, tubig at han~gin.

=LVI.=

=ANG SABIHANAN AT ANG INAACALA.=

Sa cawacasa'y pinapag-umaga rin n~g Dios sa bayang tiguíb n~g

pagcagulantang.

Walâ pang lumalacad na m~ga tao sa m~ga daang kinálalagyan n~g cuartel

at n~g «tribunal»; hindi nagpapakilala ang m~ga bahay na may m~ga

tumatao, gayón may main~gay na binucsán ang dahong cahoy n~g isáng

bintanà at sumun~gaw ang ulo n~g isáng musmós, na nagpapaínog-inog sa

magcabicabila ... _¡plas!_ nagpapaunawà ang lagapác na iyón n~g bigláng

pagdapò n~g isáng balát na tuyô sa sariwang balát n~g tao; n~gumiwî ang

bibíg n~g batáng lalaki, pumikit, nawalâ at mulíng sinarhán ang bintanà.

Nacapagbigáy halimbawà na; may nacárin~gig marahil n~g pagbubucás at

pagsasaráng iyón, sa pagcá't marahang binucsán ang sa ibáng bintanà at

main~gat na sumun~gaw ang ulo n~g isáng matandáng babae, culubót at walâ

n~g n~gipin: siyá n~gâ ang si hermana Puté na nag-in~gáy n~g di sapalà

samantalang nagsésermon si parì Dámaso. Ang m~ga musmós at ang m~ga

matatandáng babae ang siyáng tunay na larawan n~g pagcamalabis na

pagmimithíng macaalam n~g m~ga nangyayari sa ibabaw n~g lupà; ang m~ga

batà'y sa malakíng pagnanais na macaalam, at ang m~ga matatandáng

babae'y sa paghahan~gád na mag-alaala sa m~ga nacaraang panahón.

Marahil waláng macapan~gabás na bumigáy n~g palò n~g isáng sinelas, sa

pagca't nananatili, tumátanaw sa malayong pinapan~gún~gunot ang m~ga

kilay, nagmumog, lumurâ n~g malacás at nagcruz pagcatapos. Binucsán ding

may tacot ang isáng maliit na bintanà n~g bahay na catapát, at doo'y

sumun~gaw namán si hermana Rufa, ang aayaw magdayà't aayaw namáng siyá'y

dayâin. Nagtin~ginang saglít, ang dalawá, nagn~gitìan, naghudyatan at

mulíng nan~gagcruz.

--¡Jesús! nacacawan~gis n~g isáng misa de gracia, n~g isáng

castillo!--aní hermana Rufa.

--Mula n~g looban ang bayan ni Bálat ay hindi pa acó nacacakita n~g

isáng gabing catulad n~g sa cagabí,--ang isinagót ni hermana Puté.

--¿Gaano caraming putóc!--ang sabihanan ay ang pulutóng daw ni matandáng

Pablo.

--¿M~ga tulisan? ¡hindi mangyayari! Ang sabihana'y m~ga cuadrillero raw

na nacalaban n~g m~ga guardia civil. Cayâ napipiit si don Filipo.

--¡Sanctus Deus! may m~ga labing apat daw ang cauntian n~g m~ga patáy.

Untiunting pinagbubucsán ang ibáng m~ga bintanà at nan~gagsidun~gaw ang

ibá't ibáng m~ga mukhà, nan~gagbatîan at caniláng pinag-usapan ang m~ga

nangyayari.

Sa sicat n~g araw, na ang anyó'y niningning na magalíng, natatanawan n~g

may calabuan sa malayo ang pagpaparoo't parito n~g m~ga sundalo, na

tulad sa nag-áabo-abóng m~ga anino.

--¡Naroon ang isá pang patáy!--anáng isá buhat sa isáng bintanà.

--¿Isá? dalawá ang nakikita co.

--At acó'y ..., n~guni't sa cawacasan, ¿anó, hindi ninyó nalalaman cung

anó ang nangyari?--ang tanóng n~g isáng lalaking may pagmumukhâng

palabirô.

--¡Ahá! ang m~ga cuadrillero.

--¡Hindi pô; iyá'y isáng pag-aalsá sa cuartel!

--¿Anó bang pag-aalsá? ¡Ang cura't ang alférez ang nan~gaglabanán!

--Alin man diyá'y hindi totoó--ang sabi n~g nagtanóng;--iyá'y ang m~ga

insíc na nagsipag-alsá.

At mulíng sinarhán ang canyáng bintanà.

--¡Ang m~ga insíc!--ang inulit n~g lahát n~g malakíng pagtatacá.

--¡Cayâ palá walâ isá mang nakikita sa canilá!

--Nan~gamatáy na lahát, marahil.

--Inaacala co na n~gang may masamâ siláng gágawing anó man. Cahapon ...

--Iyá'y nakikinikinita co na, cagabí....

--¡Sayang!--aní hermana Rufa; na mamatáy siláng lahát n~gayón pa namáng

malapit na ang pascó, na capanahunan n~g caniláng pagreregalo ...

Maanong hinintáy man lamang nilá ang bagong taón....

Sumásaya n~g untiuntì ang m~ga daan: ang m~ga áso, m~ga manóc, m~ga

baboy at m~ga calapati ang nan~gáunang nag-acalang man~gagsigalà,

sumunod ang iláng marurun~gis na m~ga batang capit-capit at

nan~gagsisilapit sa cuartel na may tagláy na tacot; pagcatapos ay iláng

matatandáng babae, na nacasalumbabà n~g panyô, may tan~gang malalaking

cuintas, at cunuwa'y nan~gagdarasal upang silá'y paraanin n~g m~ga

sundalo. Nang mapagkilalang macalalacad na hindi tátanggap n~g isáng

putóc n~g baril, n~g magcágayo'y nagpasimulâ n~g paglabás ang m~ga

lalaki, na nan~gagwáwalang anó man cunwari; n~g pasimula'y

pinapagcacasiya nilá ang caniláng paglalacadlacad sa tapat n~g caniláng

bahay, na caniláng hináhagpos ang manóc; n~g malao'y tinicmán niláng

pahabahabain ang caniláng naaabot, na manacánacá siláng tumitiguil, at

sa kinágagayo'y nacarating silá hanggáng sa haráp n~g «tribunal».

Nacahambál n~g mainam ang pagdating n~g dalawáng cuadrillero, na may

daláng isáng angarilla na kinalululanan n~g isáng may anyóng tao, at

isáng guardia civil ang siyáng sa canilá'y sumúsunod. Napagtalastás na

silá'y galing sa convento; sa anyó n~g m~ga paang nan~gacalawít ay

pinagbalacbalac n~g isá cung sino caya iyon; sa daco roo'y may nagsabing

iyón n~gâ; sa lalong daco roo'y ang patáy ay dumami at nangyari ang

talinghagà n~g Santísima Trinidad; pagcatapos ay mulíng nasnaw ang

himalâ n~g m~ga tinapay at n~g m~ga isdâ, at naguíng tatlompó't waló na.

Nang may á las siete y media, n~g dumating ang ibáng m~ga guardia civil,

na galing sa m~ga caratig na bayan, ang balitang cumacalat ay maliwanag

na't nasasabi ang m~ga nangyari.

--Cagagaling co pa sa tribunal, na kinakitaan cong nan~gapipiit si don

Filipo at si don Crisóstomo,--ang sabi n~g isáng lalaki cay hermana

Putê; kinausap co ang isá sa m~ga nagbabantay na cuadrillero. Ang

nangyari'y isinaysáy na lahát cagabí ni Bruno, na anác niyóng namatáy sa

cápapalò. Talastás na po ninyóng ipacácasal ni capitang Tiago ang

canyáng anác na babae sa binatang castilà; sa sakit n~g loob ni don

Crisóstomo'y nag-acalang manghigantí at binantá niyáng patayín ang lahát

n~g m~ga castilà, patí ang cura; linusob nilá cagabí ang cuartel at ang

convento, at sa cagalin~gang palad, at sa awà n~g Dios, ay na sa sa

bahay ni capitang Tiago ang cura. Nan~gacatacas daw ang marami. Sinunog

n~g m~ga guardia civil ang bahay ni don Crisóstomo, at cung hindî sana

siyá nahuli na muna, siyá ma'y sinunog din.

--¿Sinunog nilá ang canyáng bahay?

--Nan~gabibilanggô ang lahát n~g m~ga alilà. ¡Pagmasdan ninyó't hanggáng

dito'y natatanawan pa ang asó!--anáng nagbabalità;--sinasabi n~g m~ga

nanggagaling doon ang m~ga bagay na totoong cahapishapis.

Minasdán n~g lahát ang lugar na itinurò: isáng manipís na asó ang

marahang napaiimbulog pa sa lan~gít. Nan~gaglilininglining ang lahát sa

nangyaring iyón, na may nahahabag at may sumisisi namán.

--¡Cahabaghabag na binatà!--ang mariing sinabi n~g isáng matandáng

lalaking asawa ni hermana Putê.

--¡Siyá n~gâ!--ang isinagót sa canyá n~g canyáng asawa;--n~guni't

alalahanin mong cahapo'y hindi nagpamisa n~g patungcól sa cáluluwa n~g

canyáng amá, na waláng salang siyáng lalong nagcacailan~gan n~g higuí't

cay sa ibá.

--N~guni't babae, ¿walâ cang caawaawà?...

--¿Awà sa m~ga excomulgado? Isáng casalanan ang maawà sa m~ga caaway n~g

Dios,--ang sabi n~g m~ga cura. ¿Natatandaan ba ninyó? ¡Siyá'y naglálacad

sa Campo Santo na parang yaó'y isáng culun~gan lamang n~g m~ga hayop!

--¿Hindi bagá nagcacawan~gis ang culun~gán n~g m~ga hayop at ang Campo

Santo?--ang isinagót n~g matandáng lalaki;--ang pinagcacáibhan lamang ay

ang tan~ging pumapasoc sa Campo Santo'y yaóng m~ga hayop na nauucol sa

isáng pulutóng....

--¿Siyá ca na n~ga!--ang isinigáw sa canyá ni hermana

Putê;--ipagsásanggalang mo pa ang taong nakikita nating maliwanag na

maliwanag na pinarurusahan n~g Dios. Makikita mo't icáw namá'y huhulihin

din. ¡Umalalay ca sa isáng bahay na nalulugsó!

Hindi na umimic ang lalaki sa gayóng pan~gan~gatuwiran.

--¡Halá!--ang ipinagpatuloy n~g matandáng babae; pagcatapos na masuntóc

niyá si parì Dámaso'y walá na n~ga siyáng nalalabing gawin cung di

patayín namán si parì Salví.

--N~guni't hindi maicacailáng siya'y mabait n~g panahóng siya'y musmós

pa.

--Tunay n~gà, siyá'y dating mabait,--ang mulíng itinutol n~g matandáng

babae; n~guni't siyá'y na pa sa España; ang lahát n~g napa sa sa España,

ang sabi n~g m~ga cura, ay naguiguing m~ga hereje.

--¡Ohoy!--ang isinagót namán n~g lalaki na nacasilip n~g sucat niyáng

icaganti;--¿hindi ba pawang tagá España ang lahát n~g m~ga cura, at ang

arzobispo, ang papa at ang Virgen? ¡Abá! ¿cung gayó'y pawang m~ga hereje

namán palá? ¡aba!

Nagcapalad si hermana Putê, na mámasdang tumatacbo ang isáng alilang

babae, na balisáng balisá at namúmutlá, at siyáng pumutol n~g pagtatalo.

--¡May isáng nagbigtí sa halamanan n~g capit-bahay!--ang sabing

humihin~gal.

--¡Isáng nagbigtí!--ang bigláng pinagsabihanan n~g lahát na puspós n~g

agám-ágam.

Nan~gagcruz ang m~ga babae; sino ma'y waláng nacakilos sa kinálalagyan.

--Siyá n~gá po,--ang ipinagpatuloy n~g alilang babaeng

nan~gán~gatal;--cucuha sana acó n~g pataní ... tumanáw acó sa halamanan

n~g capit-bahay upáng maalaman co cung siyá'y naroroon ..., ang nakita

co'y isáng lalaking úugoy-ugoy; ang boong isip co'y si Teo, ang alilang

siyáng lagui n~g nagbibigay sa akin ..., lumapit acó upáng ... cumuha

n~g patanì, at ang nakita co'y hindi siyá cung hindi ibá, isáng patáy;

tumacbó acó, tumacbó acó at ...

--Tingnán natin siyá,--ang wicá n~g matandáng lalaki, at sacâ

tumindig;--iturò mo sa amin.

--¡Huwag cang pumaroon!--ang isinigaw sa canya n~g canyáng asawa at

tinangnán siyá sa barò;--¡mapapahamac icáw!--¿siyá'y nagbigti? ¡lalong

masamá sa canyá!

--Pabayaan mong tingnán co siyá, babae;--pasa tribunal ca Juan, at

ipagbigay alam mo; bacâ sacali hindi pa patáy.

At siyá'y na pa sa halamanan, na sinúsundan n~g alilang babae, na

nagtatagò sa canyáng licuran; nan~gagsisunod din ang m~ga babae at gayón

din si hermana Putê, na pawang nan~gapúpuspos n~g tacot at n~g nais na

macapanood.

--Naroon pô, guinoo,--anáng alilang babae na humintô at itinuturò n~g

dalirì.

Tumiguìl ang capisanang iyón sa lalong pinacamalayò, at pinabayaang

mag-patuloy na mag-isá ang matandáng lalaki.

Isáng catawán n~g tao, na nacabitin sa isáng san~gá n~g puno n~g santól,

ang marahang umúugoy sa hihip n~g mahinhíng amihan. Pinagmasdán siyáng

sandalî n~g matandâ; nakita niyá ang m~ga paang nanínigas, ang m~ga

bisig, ang may dumíng damít, ang ulong nacalun~gayn~gáy.

--Hindi dapat natin siyáng galawín hanggáng sa dumatíng ang

justicia,--ang sinabing malacás;--matigás na; malaon nang siyá'y patáy.

Unti-unting lumapit ang m~ga babae.

--Iyán ang capit-bahay nating tumítira sa bahay na iyón, na may dalawáng

linggó na n~gayóng dumatíng dito; tingnán ninyó ang pilat niya sa mukhà.

--¡Avemaria!--ang sinabi pagdaca n~g m~ga babae.

--¿Ipagdárasal ba natin ang canyáng cáluluwa?--ang itinanóng n~g isáng

dalaga, caracaracang matapos na niyáng mapagmasdán at masiyasat ang

patáy na iyón.

--¡Halíng, hereje!--ang ipinan~gusap sa canyá ni hermana Puté,--hindi mo

ba nalalaman ang sinabi ni parì Dámaso? isáng pagtucsó sa Dios ang

ipagdasál ang isáng nápacasamâ; ang nagpapacamatay ay napapacasamáng

waláng sala, cayâ n~gâ siyá'y hindi inililibing sa lupàng «sagrado».

--Inaacalà co na n~gang masamâ ang cahihinatnan n~g taong iyán; cailán

ma'y hindi co nangyaring masiyasat cung anó ang canyáng ikinabubuhay.

--Macaalawang nakita co siyáng nakikipag-usap sa sacristan mayor,--ang

ipinahiwatig n~g isáng dalaga.

--¡Marahil ay hindi sa dahiláng siyá'y magcucumpisal ó magpapamisa cayâ.

Nan~gagsiparoon ang m~ga capit-bahay, at macapal na m~ga tao ang siyáng

lumiguid sa bangcáy, na nananatili sa pagpapaugóy-ugóy. Nan~gagsiratíng,

nang may calahating horas na, ang isáng alguacil, ang directorcillo at

dalawáng cuadrillero; ipinanaog n~g m~ga itó ang bangcáy at canilang

inilagáy sa ibabaw n~g isang _angarilla._

--Nagdadalidali ang tao sa pagcamatáy,--ang sinabi n~g directorcillong

tumatawa, samantalang kinucuha ang plumang nacasin~git sa licód n~g

canyáng tain~ga!

Guinawâ ang canyáng m~ga mararayà at panghulíng m~ga tanóng,

pinapagsaysáy ang alilang babae, na pinagpipilitan niyáng hulihin sa

silò, na cung minsa'y canyáng iniirapan, cung minsa'y canyáng

pinagbabalàan, at cung minsa'y pinararatan~gan n~g m~ga salitáng hindi

sinasabi, hanggáng sa magpasimulâ n~g pag-iyác ang alilang iyón, dahil

sa ang isip niyá'y siyá ay mapipiit sa bilangguan, at ang naguíng

catapusá'y sinabi na tulóy niyáng hindi siyá nagháhanap n~g patanì, cung

hindi ..., at canyáng sinásacsi si Teo.

Samantala'y minámasdan ang bangcáy at ang lubid n~g isáng tagá bukid, na

nacasalacót n~g malapad at may isáng malakíng tapal sa liig.

Hindî higuit cay sa ibáng bahagui n~g catawán ang pan~gin~gitím n~g

mukhâ n~g bangcáy; may nakikitang dalawáng galos at dalawáng maliliit na

pasâ sa dacong itaas n~g talì; mapuputî at waláng dugô ang m~ga hilahis

n~g lubid. Inusisang magalíng n~g mapagsiyasat na tagá bukid, ang barò

at salawal n~g bangcáy, at canyáng nahiwatigang punóng punô n~g alabóc,

at hindi pa nalalaong napunit sa ibá't ibáng m~ga lugar; n~guni't ang

lalong canyáng náino'y ang m~ga bun~ga n~g tinglóy ó _amorseco_ na

nacarikít sa cuello n~g barò.

--¿Anó ang iyóng tinítingnan?--ang itinanóng sa canyá n~g directorcillo.

--Tinítingnan co po cung siyá'y mangyayaring makilala co,--ang pautál na

sinabi, na anyóng magpupugáy, sa macatuwid bagá'y lalong itinun~gó ang

salacót.

--¿N~guni't hindî mo ba narin~gig na iyán ang nagn~gan~galang Lucas?

¿Nacacatulog ca ba?

Nan~gagtawanan ang lahát. Nagsalitâ n~g iláng pautál-utál na sabi ang

tagá bukid na nápahiyâ, at yumaong nacatun~gó at mahinà ang lacad.

--¡Oy! ¿saán cayó paparoon?--ang isinigáw sa canyá n~g matandáng

lalaki;--¡hindi riyán ang daan n~g paglabás; diyán ang patun~gó sa bahay

n~g patáy!

--¡Nacacatulog pa ang lalaki!--anáng directorcillo n~g

palibác,--kinacailan~gang busan siyá n~g tubig sa ibabaw.

Muling nan~gagtawanan ang m~ga naroroon.

Iniwan n~g tagá bukid ang lugar na iyóng kinahiyâan niyá, at napatun~go

sa simbahan. Itinanóng ang sacristán mayor pagdatíng sa sacristía.

--¡Natutulog pa!--ang sa canyá'y caniláng isinagót n~g magaspang na

anyô;--¿hindî mo ba nalalamang nilooban cagabí ang convento?

--Híhintayin cong siyá'y maguising.

Minasdán siyá n~g m~ga sacristán niyáng anyóng magaspáng na talagáng

asal na n~g m~ga taong bihasang silá'y alimurahin.

Natutulog ang bulág ang isáng mata sa isáng mahabang silla, na na sa

isáng suloc na hindi ináabot n~g liwanag. Nacalagáy ang salamín sa matá

sa ibabaw n~g noo, sa guitnâ n~g mahahabang naglawit na buhóc, waláng

nacatátakip sa payát at nan~gan~galirang na dibdib, na tumataas at

bumábabâ sa canyáng paghin~gá.

Naupô sa malapit ang tagá bukid, at handáng maghintay n~g boong

catiyagaan, n~guni't may nahulog sa canyáng cuarta, hinanap niyá sa

pamamag-itan at tulong n~g isang candilà, sa ilalim n~g sillón n~g

sacristán mayor. Námasid din n~g tagá bukid na may m~ga bun~ga rin n~g

tinglóy (amorseco) ang salawál at ang m~ga manggás n~g baró n~g

natutulog, na sa cawacasa'y náguising, kinusót ang tan~ging matáng

canyáng nagagamit, at may galit na pinagwicâan ang taong iyón.

--¡Ibig co pó sanang magpamisa n~g isa, guinoo!--ang sabi, na ang anyó'y

humíhin~ging tawad.

--Natapos na ang lahát n~g m~ga misa,--ang sinabi n~g bulag ang isáng

matá, n~g magcagayon, na pinatimyás n~g cauntî ang canyáng tinig; bucas,

cung ibig mo ... ¿sa m~ga cáluluwa sa Purgatorio ba?

--Hindi pô,--ang sagót n~g tagá bukid, at sacá ibinigay ang piso sa

sacristán.

At tinitigan ang canyáng iisaisang matá, at idinagdág:

--Patungcól pô sa isáng taong hindi malalao't mamámatay.

At linisan ang sacristía.

--¡Mahuhuli co sana siyá cagabí!--ang sinabing nagbúbuntong hinin~ga,

samantalang inaalis ang tapal at iniuunat ang catawán, upáng manag-uli

ang pagmumukhà at taas ni Elías.

=LVII.=

=¡VAE VICTIS!=[261]

Napahamac ang aking tuwâ.

Nagpaparoo't parito ang m~ga guardia civil, na nacalálaguim ang anyô sa

harap n~g tribunal, at pinagbabalàan n~g culata ang canilang baril ang

pan~gahás na m~ga musmós, na tumítiyad ó nan~gagpapasanan upang canilang

mátanawan cung anó cayâ ang nan~garoroon sa dacong loob n~g _rejas._

Hindî na nápapanood sa salas yaóng masayáng anyô n~g panahóng

pinag-tatalunan ang palatuntunan n~g fiesta; n~gayó'y malungcót at hindi

nacapagbíbigay panatag. Ang m~ga naroroong m~ga guardia civil at m~ga

cuadrillero'y bahagyâ n~g nagsasalitàan, at sacali't magsalitàan n~g

ila'y sa tinig na marahan. Nan~gagsisisulat sa papel, sa ibabaw n~g

mesa, ang directorcillo, dalawang escribiente at iláng m~ga sundalo;

nagpaparoo't parito ang alférez sa magcabicabilang panig, at canyáng

manacânacáng tinítingnan n~g anyóng mabalasic ang pintuan; na anó pa't

hindî hihiguit sa canyáng pagmamalaki si Temistocles sa m~ga Larô sa

Olimpo, pagcatapos n~g pagbabaca sa Salamina. Naghihicab sa isáng suloc

si doña Consolación, na anó pa't ipinakikita ang canyáng maitim na loob

n~g bibig at m~ga n~giping pakilwagkilwag; ang panin~gin niya'y

tumititig n~g malamig at nacapangan~ganib sa napúpuspos n~g m~ga

nacapintáng cahalayhalay na m~ga larawang na sa sa pintuan n~g

bilangguan. Naipakiusap n~g babaeng itó sa canyáng asawa, na lumambót

ang loob sa canyáng pagtatagumpáy, na ipaubaya sa canyáng mapanood ang

m~ga pagtanóng na gágawin, at marahil ay ang m~ga pagpapahirap na

kinauugaliang gamitin. Naaamoy n~g halimaw ang bangcáy, canyáng

inaasam-asám na, at canyáng ikinayáyamot ang calaunan n~g pagpapahirap.

Laguim na totoó ang gobernadorcillo; ang canyáng sillón, yaóng dakilang

sillóng nacalagáy sa ilalim n~g larawan n~g mahál na harì, waláng

gumagamit, at wari'y natutungcol sa ibáng tao.

Dumatíng ang curang namúmutla't cunót ang noó, n~g malapit n~g tumugtóg

ang á las nueve.

--¡Hindi pô namán nagpahintáy cayóng totoó!--ang sinabi sa canyá n~g

alférez.

--Ibig co pang huwag n~g makiharáp,--ang isinagót ni parì Salví n~g

mahinang pananalitâ, na hindi na pinansín ang anyóng masacláp na sabi

n~g alférez;--acóy totoong malaguimin.

--Sa pagcá't sino ma'y waláng naparirito upáng huwág bayâang waláng

nan~gan~gasiwà, inaacalà cong ang inyóng pakikialam ay ... Nalalaman na

pó ninyóng aalis silá n~gayóng hapon.

--¿Ang binatang si Ibarra at ang teniente mayor?...

Itinuro n~g alférez ang bilangguan.

--Waló ang náriyan,--anyá;--namatáy si Bruno caninang hating gabí,

n~guni't nacatitic na ang canyáng m~ga saysáy.

Bumati ang cura cay doña Consolación, na ang isinagót ay isáng hicáb at

isáng ¡aah! at naupô sa sillóng na sa ilalim n~g larawan n~g mahál na

harì.

--Macapagpapasimulà na tayo!--ang mulíng sinabi.

--Cunin ninyó ang dalawáng nan~gasasapan~gáw!--ang ipinag-utos n~g

alférez, na pinagpilitang ang tinig niyá'y mag-anyóng cagulágulatang, at

humaráp sa cura at idinugtóng na nagbago n~g tinig:

--¡Nan~gasúsuot sa pan~gáw na may patláng na dalawáng butas!

Ipaliliwanag namin sa m~ga hindî nacacaalam cung anó ang cagamitáng itó

sa pagpapahirap, na ang pan~gáw ay isá sa m~ga lalong waláng cabuluhán.

Humiguít cumulang sa isáng dangcál ang lalayò n~g m~ga butas na

pinagsusuutan n~g m~ga paa n~g m~ga pinipiit; cung patlan~gan n~g

dalawáng butas, may cahirapan n~g cauntî lamang ang calagayan n~g

napipiit, na anó pa't nagdáramdam na tan~ging bagabag sa m~ga

bucong-bucong at nacabucacà ang dalawáng paa, na nagcaca-layô n~g may

mahiguit na isáng vara: hindi n~gâ nacamámatay agad-agád, ayon sa

mapagcucurong magaang n~g sino man.

Ang tagatanod bilangguang may casunod na apat na sundalo'y inalis ang

talasoc at binucsán ang pintô. Nan~gagsilabás ang isáng amoy na labis

n~g bahò at isáng han~ging malapot at malamig sa macapál na dilim na

iyón, casabáy n~g pagcárin~gig n~g iláng himutóc at pagtan~gis. Nagsindi

n~g fósforo ang isáng sundalo, datapuwa't namatáy ang nin~gas sa

han~ging iyóng nápacabigat at bulóc na bulóc, caya't nan~gapilitang

hintayín niláng macapagbagong han~gin.

Sa malamlám na liwanag n~g isáng ilaw ay caniláng naaninagnagan ang

iláng may m~ga mukháng tao: m~ga taong nacayacap sa caniláng m~ga tuhod

at sa pag-itan n~g dalawáng tuhod niláng itó'y ikinúcublí ang caniláng

ulo, m~ga nacataób, nan~gacatindíg, nan~gacaharáp sa pader, at ibá pa.

Nárin~gig ang isáng pucpóc at pagcalairit, na caacbay n~g m~ga

tun~gayaw; binúbucsan ang pan~gáw.

Nacayucód si doña Consolación, nacaunat ang m~ga casucasuan n~g liig,

luwâ ang m~ga matá at nacatitig sa nacasiwang na pintó.

Lumabás ang isáng anyóng nacapag-aalap-ap na naguiguitnâ sa dalawáng

sundalo; yaó'y si Társilo na capatíd ni Bruno. May m~ga «esposas» ang

m~ga camáy; ipinamámasid n~g canyáng m~ga wasác wasác na m~ga damít ang

canyáng batibot na m~ga casucasuan. Tinitigan niyáng waláng pacundan~gan

ang asawa n~g alférez.

Sa licuran ni Társilo'y sumipót ang isáng anyóng cahabaghabág, na

tumátaghoy at umiiyac na anaki'y musmós; piláy cung lumacad at may

dun~gis na dugô ang salawál.

--Iyá'y isáng mapangdayà,--ang inihiwatig n~g alférez sa cura;

nagbantáng tumacas, n~guni't nasugatan siyá sa hità. Ang dalawáng itó

ang tan~ging m~ga buháy sa canilá.

--¿Anó ang pan~galan mo?--ang itinanóng n~g alférez cay Társilo.

--Társilo Alasigan.

--¿Anó ang ipinan~gacò sa inyó ni don Crisóstomo upáng looban ninyó ang

cuartel?

--Cailán ma'y hindi nakikipag-usap sa amin si don Crisóstomo.

--¡Huwág mong itangguí! Cayâ binantà ninyóng camí ay subukin.

--Nagcacamali pô cayó; pinatáy pô ninyó sa capapalò ang aming amá,

siyá'y ipinanghihiganti namin, at walâ n~g ibá. Hanapin pô ninyó ang

inyóng dalawáng casama.

Nagtátaca ang alférez na tiningnán ang sargento.

--Nan~garoon silá sa ban~gin, doon silá itinapon namin cahapon, doon

silá mabúbuloc. N~gayó'y patayin na ninyó acó, wala na cayóng malalamang

anó pa man.

Tumahimic at nangguilalás ang lahát.

--Sabihin mo sa amin cung sino sino ang iyóng m~ga ibáng cainalám,--ang

ibinantâ n~g alférez na iniwawasiwas ang isáng yantóc.

Sumun~gaw sa m~ga labì n~g may sala ang isáng n~giti n~g pagpapawaláng

halagá.

Nakipag-usap n~g sandali sa cura ang alférez, na marahan ang caniláng

salitaan; at sacá humaráp sa m~ga sundalo.

--¡Ihatid ninyó siyá sa kinalalagyan n~g m~ga bangcáy!--ang iniutos.

Sa isáng suloc n~g patio, sa ibabaw n~g isáng carretóng lumà, ay

nacabuntón ang limáng bangcáy, na halos natátacpan n~g capirasong

gulanít na baníg na punô n~g carumaldumal na m~ga dumí. Nagpaparoo't

parito sa magcabicabilang dulo ang isáng sundalo, na mayá't mayá'y

lumúlurâ.

--¿Nakikilala mo ba sila?--ang tanóng n~g alférez na itinataás ang

banig.

Hindi sumagót si Társilo; nakita niyá ang bangcáy n~g asawa n~g ulól na

babae na casama n~g m~ga iba; ang bangcáy n~g canyáng capatíd na tadtád

n~g sugat ang catawán, sa cásasacsac n~g bayoneta, at ang cay Lucas na

may lubid pa sa liig. Lumungcót ang canyáng panin~gin at tila mandín

nagpumiglás sa canyáng dibdib ang isáng buntóng hinin~gá.

--¿Nakikilala mo silá?--ang mulíng sa canyá'y itinanóng nilá.

Nanatili sa pagca pipí si Társilo.

Isáng haguinít ang siyáng umalin~gawn~gáw sa han~gin at pumalò ang

yantóc sa canyáng licód. Nan~giníg, nan~gurong ang canyáng m~ga

casucasuan. Inulit-ulit ang pagpalò n~g yantóc, n~guni't nanatili si

Társilo sa pagwawaláng bahalà.

--¡Hagupitín siyá n~g palò hanggáng sa pisanan ó magsalità!--ang sigáw

n~g alférez na nagn~gin~gitn~git.

--¡Magsabi ca na!--ang sinabi sa canyá n~g directorcillo;--sa papaano

ma'y pápatayin ca rin lamang.

Mulíng inihatid siyá sa salas na kinalalagyan n~g isáng napipiit, na

tumatawag sa m~ga santo, nan~gan~galigkig ang m~ga n~gipin at ang m~ga

paa'y cusang nahuhubog.

--¿Nakikilala mo ba iyán?--ang tanóng ni parì Salvi.

--¡N~gayón co lamang siyá nakita!--ang sagót ni Társilo, na minámasdan

ang isá n~g may halong habág.

Binigyán siyá n~g isáng suntóc at isáng sicad n~g alférez.

--¡Inyóng igapos siyá sa bangcó!

Hindi na inalís sa canyá ang m~ga «esposas» na nadúdumhan n~g dugô, at

siyá'y itinali sa isáng bangcóng cahoy. Lumin~gap ang caawaawà sa

canyáng paliguid, na anaki'y may hinahanap siyáng anó man, at n~g

canyáng nakita si doña Consolación, siyá'y humalakhác n~g patuyâ. Sa

pagtatacá n~g m~ga nanonood ay sinundán nilá ang tinítingnan n~g

nagagapos, at ang caniláng nakita'y ang guinoong babae, na

nan~gan~gatlabì n~g cauntî.

--¡Hindi pa acó nacacakita n~g ganyáng capan~gít na babae!--ang biglang

sinabi n~g malacás ni Társilo, sa guitná n~g hindî pag-imíc nino

man;--ibig co pang humigâ sa ibabaw n~g isáng bangcò, na gaya n~g

calagayan co n~gayón, cay sa humigâ acó sa siping niyá na gaya n~g

alférez.

Namutlâ ang Musa.

--Papatayin pô ninyó acó sa palò, guinoong alférez,--ang

ipinagpatúloy;--n~gayóng gabi ipanghíhiganti aco n~g inyóng asawa

pagyacap niyá sa inyó.

--¡Lagyán ninyó n~g pang-al ang bibig!--ang sigáw n~g alférez na

nahíhibang at nan~gán~gatal sa galit.

Tila mandin waláng ibáng hináhan~gag si Társilo cung di ang siyá'y

magcapang-al, sa pagca't pagcatapos na siyá'y malagyan n~g pang-al na

iyón, nagsaysáy ang canyáng m~ga matá n~g isáng kisláp n~g catuwáan.

Sa isáng hudyát n~g alférez, pinasimulan n~g isáng guardiang may hawac

na isáng yantóc, ang canyáng cahapishapis na catungculan, Nan~gurong ang

boong catawán ni Társilo; isáng un~gol na sacál at mahabà ang siyáng

nárin~gig, bagá man napapasalan ang canyáng bibig n~g damit; tumun~gó:

napípigtâ ang canyáng damít n~g dugô.

Tumindig n~g boong hirap si parì Salvi, na namúmutlà't sirâ ang

panin~gín, humudyát n~g camáy, at linisan ang salas na nan~gán~galog ang

m~ga tuhod. Nakita niyá sa daan ang isáng dalagang nacasandál sa pader,

matuwíd ang catawán, hindi cumikilos, nakíkinig na lubós, tinítingnan

ang álang-álang, nacaunat ang m~ga nan~gán~gayumcom na m~ga camáy sa

lumang muog. Binibilang manding hindi humíhin~ga ang m~ga hampás na

macalabóg, waláng taguintíng at yaóng cahambál-hambál na daing. Siyá ang

capatíd na babae ni Társilo.

Samantala'y ipinagpapatuloy sa salas ang cagagawang iyón; ang culang

palad, sa hindi na macayang bathing hirap, ay napipi at hinintáy na

man~gapagál ang canyáng m~ga verdugo. Sa cawacasa'y inilawít ang m~ga

bisig n~g sundalong humihin~gal; ang alférez, na namúmutlâ sa galit at

sa pangguiguilalás, humudyát n~g isá upang calaguín ang pinahihirapan.

Nang magcágayo'y nagtindíg si doña Consolación at bumulóng n~g ilán sa

canyáng asawa. Tuman~gô itó, sa pagpapakilalang canyáng naunawà.

--¡Dalhín siyá sa bal-on!--anyá.

Natatalastas n~g m~ga filipino cung anó ang cahulugán n~g salitáng itó;

isinasatagalog nilá sa sabing _timbain._ Hindi namin maalaman cung sino

cayâ ang nacaisip n~g ganitóng gawâ. Ang Catotohanang umaahon sa isáng

bal-on, marahil ay isáng pagbibigáy cahulugáng nápacamatindíng libác.

Sa guitnâ n~g patio n~g tribunal ay naroroon ang caayaayang pader na na

caliliguid sa isáng bal-on; ang pader na yaó'y batóng buháy na magaspáng

ang pagcacágawâ. Isáng casangcapang tulad sa pinggáng cawayan

(timbalete) ang siyáng doo'y gamit sa pagcuha n~g tubig na malapot,

marumí at mabahò. M~ga papantin~gin, m~ga dumi at ibá pang masasamáng

tubig ang doo'y natitipon, sa pagcá't ang bal-ong yaó'y tulad naman sa

bilangguan; doon inihuhulog ang lahat n~g pinawawalang halagá ó

ipinalalagay na wala nang cabuluhán; casangcapang doo'y mahulog,

magpacabutibuti, wala n~g halagá. Gayón ma'y hindi tinatabunan cailán

man: manacánacang pinahihirapan ang m~ga bilanggóng hucayi't palaliman

ang bal-ong iyón, hindi dahil sa balac na muha n~g capakinaban~gán sa

parusang iyón, cung dî dahil sa m~ga cahirapang nangyayari sa gawáng

iyón: ang bilanggóng doo'y lumusong ay nacacacuha n~g lagnát na ang

caraniwa'y ikinamámatay.

Pinanonood ni Társilo, na nacatitig, ang m~ga paghahandâ n~g m~ga

sundalo; siyá'y namúmutlâ n~g mainam at nan~gán~gatal ang canyáng m~ga

labì ó bumúbulong n~g isáng dalan~gin. Warì'y nawalâ ang pagmamataas

niyá sa canyáng di maulatang hirap, ó cung hindi ma'y hindi na totoong

masimbuyó. Macailang inilun~gayn~gáy ang nacalindíg na liig, tumitig sa

lupà, sang-ayong magdalità.

Dinalá siyá nilá sa pader na nacaliliguid sa bal-on, na sinúsundan ni

doña Consolacióng nacan~gitî. Isáng sulyáp, na may tagláy na panaghilì,

ang itinapon n~g sawíng palad, sa nagcacapatong-patong na m~ga bangcáy,

at isáng buntóng hinin~gá ang tumacas sa canyáng dibdib.

--¡Magsabi ca na!--ang mulíng sinabi sa canyá n~g directorcillo,--sa

papaano ma'y bibitayin ca; mamatáy ca man lamang na hindi totoong

naghirap n~g malakí.

--Aalis ca rito upáng mamatáy,--ang sinabi sa canyá n~g isáng

cuadrillero.

Inalisán nilá siyá n~g pang-al, at ibinitin siyáng ang tali ay sa m~ga

paa. Dapat siyáng ihugos n~g patiwaric at manatiling malaón laón sa

ilalim n~g tubig, catulad n~g guinágawâ sa timbâ, na ang caibhán lamang

ay lalong pinalalaon ang tao.

Umalis ang alférez upáng humanap n~g relós at n~g bilan~gin ang m~ga

minuto.

Samantala'y nacabitin si Társilo, ipinapawid n~g han~gin ang canyáng

mahabang buhóc, nacapikit n~g cauntî.

--Cung cayó'y m~ga cristiano, cung may pusò cayó,--ang ipinamanhic n~g

paanás,--ihugos ninyó acó n~g matulin, ó ihugos ninyó sa isáng paraang

sumalpóc ang aking ulo sa bató at n~g acó'y mamatáy na. Gagantihin cayó

n~g Dios sa magandáng gawáng ito ... marahil sa ibáng araw ay mangyari

sa inyó ang kináhínatnan co.

Nagbalíc ang alférez at pinan~guluhan ang paghuhugos na tan~gan ang

relós.

--¡Marahan, marahan!--ang sigáw ni doña Consolacióng sinusundan n~g matá

ang cahabaghabág;--¡mag-in~gat cayó!

Marahang bumábabà ang timbalete; humihilahis si Társilo sa m~ga batóng

nan~gacaumbóc at sa m~ga mababahong damóng sumisibol sa m~ga guiswác.

Pagca tapos ay hindi na cumilos ang timbalete; binibilang n~g alférez

ang m~ga segundo.

--¡Itaás!--ang matinding utos, n~g macaraan na ang calahating minuto.

Ang in~gay na mataguintíng at nagcacasaliwsaliw n~g m~ga patac n~g tubig

na nahuhulog sa ibabaw n~g tubig ang siyáng nagbalità n~g pagbabalíc n~g

may sala sa caliwanagan. N~gayón, palibhasa'y lalong mabig-at ang

pabató, siyá'y nanhíc n~g mabilis. Nanglálaglag n~g malaking in~gay ang

m~ga batóng natitingcab sa m~ga tabí n~g balón.

Natátacpan ang canyáng noo't ang canyáng buhóc n~g carumaldumal na

pusalì, puspos n~g m~ga sugat at m~ga galos ang canyáng mukhâ, ang

catawa'y basâ at tumutulò, n~g siyá'y sumipót sa m~ga matá n~g

caramihang hindi umíimic; pinapan~gán~galigkig siyá sa guináw n~g

han~gin.

--¿Ibig mo bang magsaysáy?--ang sa canyá'y caniláng itinanóng.

--¡Huwág mong pabayaan ang capatid cong babae!--ang ibinulóng n~g

caawaawà, na tinititigan n~g pagsamò ang isáng cuadrillero.

Mulíng cumalairit ang pinggáng cawayan, at mulíng nawalá ang

pinahihirapan. Nahihiwatigan ni doña Consolacióng hindî gumágalaw ang

tubig. Bumilang n~g isáng minuto ang alférez.

Nang mulíng ipanhic si Társilo'y nacawin~gî at nan~gin~gitim ang mukhâ.

Tinitigan niyá ang m~ga naroroon at nanatiling nacadilat ang m~ga matáng

nan~ga múmula sa dugô.

--¿Magsasabi ca ba?--ang mulíng itinanóng n~g alférez na ang tinig ay

nanglúlupaypay.

Umilíng si Társilo, at muli na namang inihugos siyá. Untiunting

nasásarhan ang m~ga pilic-matá niyá, ang balingtatáo n~g canyáng m~ga

matá'y nananatili sa pagtitig sa lan~git na pinapawiran n~g mapuputíng

alapaap; ibinabalì ang liig upáng macapanatili sa panonood n~g liwanag

n~g araw, n~guni't pagdaca'y napilitang lumubog sa tubig, at tinacpán

n~g carumaldumal na tabing na iyón ang canyáng minámasdang daigdíg.

Nagdaan ang isáng minuto; namasid n~g tumítin~ging Musa ang malalaking

bulubóc n~g tubig na napaiibabaw.

--¡Nauuhaw!--ang sabing tumatawa.

At mulíng tumining ang tubig.

Isáng minuto't calahati ang itinagál n~gayón, bago humudyát ang alférez.

Hindi na nacawin~gi ang mukhá ni Társilo; nasisilip sa nacasiwang na

pan~gisáp ang puti n~g matá, lumálabas sa bibig ang tubig na pusaling

may cahalong cumacayat na dugô; humihihip ang han~ging malamíg, n~guni't

hindi na nan~gan~gán~galigkig ang canyáng catawán.

Nan~gagtin~ginan ang lahát na waláng imíc, nan~gamumutlâ at pawang

nan~ga alaguím. Humudyat ang alférez upáng alisin sa pagcabitin si

Társilo at lumayóng naglilininglining; macailang idiniit ni doña

Consolación sa nacalilís na m~ga paa n~g bangcáy ang baga n~g canyáng

tabacô, n~guni't hindi cumatál ang catawán at namatáy ang apóy.

--¡Nag-inís siyá sa sarili!--ang ibinulóng n~g isáng

cuadrillero;--masdán ninyó't binaligtád ang canyáng dilà, na anaki

pinacsâ niyáng lunukín.

Pinagmámasdang nan~gán~gatal at nagpápawis niyóng isáng bilanggô ang

m~ga guinagawâng iyón; lumilin~gap na ang camukhá'y ulól sa lahát n~g

panig.

Ipinag-utos n~g alférez sa directorcillong tanun~gín ang bilanggóng

iyón.

--¡Guinoo, guinoo!--ang hibic;--¡akin pong sasabihin ang lahat ninyóng

maibigang sabihin co!

--¡Cung gayo'y mabuti! tingnán natin; ¿anó ang pan~galan mo?

--¡Andóng, pô!

--¿Bernardo ... Leonardo ... Ricardo ... Eduardo ... Gerardo ... ó anó?

--¡Andóng, pô!--ang inulit n~g culáng culáng ang isip.

--Ilagáy ninyóng Bernardo ó anó man,--ang inihatol n~g alférez.

--¿Apellido?

Tiningnán siyá n~g taong iyóng nagugulat.

--¿Anó ang pan~galan mong dagdág sa n~galang Andóng?

--¡Ah, guinoo! ¡Andóng Culáng-culáng po!

Hindi napiguil ang tawa n~g nan~gakikinig; patí ang alférez ay tumiguil

n~g pagpaparoo't parito.

--¿Anó ang hanap-buhay mo?

--Mánunubà pô n~g niyóg, at alila pô n~g aking biyanáng babae.

--¿Sino ang nag-utos sa inyóng looban ninyó ang cuartel?

--¡Walâ pô!

--¿Anóng walâ? Huwág cang magsinun~galing at titimbaín ca! ¿sino ang

nag-utos sa inyó? ¡Sabihin mo ang catotohanan!

--¡Ang catotohanan pô!

--¿Sino?

--¡Sino pô!

--Itinatanong co sa iyó cung sino ang nag-utos sa inyóng cayó'y

man~gag-alsá.

--¿Alin pô bang alsá?

--Iyón, cung cayá ca doroon cagabí sa patio n~g cuartel.

--¡Ah, guinoo!--ang bigláng sinabi ni Andóng na nagdádalang cahihiyan.

--¿Sino n~ga ang may casalanan n~g bagay na iyán?

--¡Ang akin pong biyanáng babae!

Tawanan at pangguiguilalás ang sumunód sa m~ga salitáng itó. Humintô n~g

paglacad ang alférez at tiningnán n~g m~ga matáng hindi galít ang

caawaawà, na sa pagcaisip na magaling ang kinalabasan n~g canyáng m~ga

sinabi, nagpatuloy n~g pananalitáng masayá ang anyô.

--¡Siyá n~gà pô; hindi pô acó pinacacain n~g aking biyanáng babae cung

di iyóng m~ga bulóc at walà n~g cabuluhán; cagabí, n~g acó'y umuwi

rito'y sumakít ang aking tiyán, nakita cong na sa malapit ang patio n~g

cuartel, at aking sinabi sa sarili;--N~gayó'y gabí, hindi ca makikita

nino man.--Pumasoc acó ... at n~g tumitindig na acó'y umalin~gawn~gáw

ang maraming putucan: itinatali co pô ang aking salawal....

Isang hampás n~g yantóc ang pumutol n~g canyáng pananalitâ.

--¡Sa bilangguan!--ang iniutos n~g alférez;--¡ihatíd siyá n~gayóng hapon

sa cabecera!

Noli Me Tangere · 第 47 / 51 题