TALABABA:

[261] _¡Vae Victis!_ wicang lating ang cahulugáng sa wicang tagalog ay

_¡Sa aba n~g m~ga nagágahis!_ M~ga salita ni Breno sa m~ga romano, na sa

tuwi na'y inuulit hanggáng sa m~ga panahóng itó, bagá man n~gayo'y

naghahari ang cagandahang asal. N~gayó'y gaya rin n~g una, na ang sa

lalong malalacás ang siyá lamang m~ga catuwirang nagwáwagui.--P.H.P.

=LVIII.=

=ANG SINUMPA.=

Hindî nalao't cumalat sa bayan ang balitàng ilalacad ang m~ga bilanggô;

nacalaguím muna ang pagcarin~gig n~g gayóng balità, at sacá sumunód ang

m~ga iyacan at panambitanan.

Nan~gagtatacbuhang warì'y m~ga ulól ang m~ga casambaháy n~g m~ga

bilanggô; nan~gagsísiparoon sa convento, mulâ sa convento'y napapasa

cuartel at mulà sa cuartel ay napasasa tribunal, at sa pagcá't hindi

silá macásumpong n~g aliw saan man, caniláng pinúpunô ang alang-alang

n~g m~ga sigáw at panambitan. Nagculóng ang cura sa pagcá't may sakít,

dinagdagán n~g alférez ang dami n~g m~ga sundalong na bábantay sa canyá,

at sinasalubong n~g culata n~g m~ga sundalong iyón ang m~ga babaeng

nan~gagmamacaamò; ang gobernadorcillo, taong waláng cabuluhán, anaki'y

lalo pang haling at waláng cabuluhán mandín cay sa dati. Sa tapát n~g

bilanggua'y nan~gagtatacbuhang pacabicabilà ang m~ga babaeng may lacás

pa; ang m~ga walâ na namá'y nan~gagsisiupò sa lupà't tinatawag ang m~ga

pan~galan n~g m~ga taong caniláng iniirog.

Manin~gas ang araw, n~guni't sino man sa m~ga cahabaghabag na iyó'y

hindi nacaiisip umuwî. Si Doray, ang masayá't lumiligayang asawa ni don

Filipo'y nagpapacabicabilang puspós n~g capighatían, kilic ang canyáng

musmós na anác na lalaki: cápuwâ silá umiiyac.

--Umuwî na pô cayó,--ang sa canyá'y sinasabi; malalagnat ang inyóng

anác.

--¿Bakit pa mabubuhay cung walà rin lamang isáng amáng sa canyá'y

magtuturò?--ang isinasagót n~g nalulunos na babae.

--¡Walâ pong casalanan ang inyóng asawa; marahil siyá'y macabalíc din!

--¡Siyá n~gá, cung patáy na cami!

Tumatan~gis si capitana Tinay, at tinatawag ang canyáng anác na si

Antonio; tinítingnan n~g matapang na si capitana María ang maliit na

rejas, sa pagcá't sa dacong loob niyó'y naroroon ang canyáng dalawáng

cambál, na siyáng tan~ging m~ga anác niyá.

Naroroon ang biyanán n~g mánunubà n~g niyóg; hindi siyá tumatan~gis:

nagpaparoo't parito, na cumúcumpas na lilis ang m~ga manggás at

pinagsasabihan n~g malacás ang nan~gároroon:

--¿May nakita na ba cayóng cawan~gis nitó? ¿Hulihin ang aking si Andóng,

paputucan siyá, isuot sa pan~gáw at ilalacad sa cabecera, dahil lamang

sa ... dahil lamang sa may bagong salawal? ¡Humíhin~gî ang ganitóng gawa

n~g ucol na gantí! ¡Napacalabis namán ang m~ga guardia civil!

¡Isinusumpá cong pagca nakita co uling sino man sa canilá'y humahanap

n~g cublíng lugar sa aking hálamanan, gaya n~g madalás na totoong

guinágawa nilá, aalsán co silá n~g ipinamamayan, aalsán co silá n~g

ipinamamayan! ¡ó cung hindi acó namán ang caniláng alsán!!!

N~guni't iilan tao ang pumápansin sa maca Mahomang biyanán.

--Si don Crisóstomo ang may casalanan n~g lahát n~g itó,--ang buntóng

hinin~ga n~g isáng babae.

Naroroon di't nagpapacabicabila, na cahalò n~g marami, ang maestro sa

escuelahan; hindi na pinapagcúcuscos ang m~ga palad n~g camáy ni ñor

Juan; hindi na dinadaladala niyá ang canyáng _plomada_ at ang canyáng

_metro:_ itím ang pananamit n~g lalaki, sa pagcá't nacárin~gig siyá n~g

masasamáng balità, at palibhasa'y nananatili siyá sa canyáng asal na

ipalagáy ang dárating na panahóng parang nangyari na, ipinaglúlucsà na

niyá ang pagcamatáy ni Ibarra.

Tumiguil, pagca á las dos n~g hapon, sa tapát n~g tribunal, ang isáng

carretóng waláng anó mang pandóng, na hinihila n~g dalawáng vacang

capón.

Liniguid n~g caramihan ang carretón, na ibig niláng alsín sa

pagcasingcaw at ipagwasacan.

Huwág cayóng gumawâ n~g gayón,--ani capitana María;--¿ibig ba ninyóng

silá'y maglacád?

Itó ang pumiguil sa m~ga casambaháy n~g m~ga bilanggó. Lumabás ang

dalawampóng sundalo at caniláng liniguid ang sasakyán. Lumabás ang m~ga

bilanggô.

Ang unauna'y si don Filipo, na gapós; bumating nacan~gitî sa canyáng

asawa; tuman~gis n~g masacláp si Doray at nahirapan ang dalawáng guardia

upáng humadláng sa canyá at n~g huwág mayacap ang canyáng asawa. Sumipót

na umiiyac na parang musmós si Antoniong anác ni capitana Tinay, bagay

na siyang lalong nacáragdag n~g m~ga pagsigáw n~g canyáng familia.

Humagulhól si Andóng pagcakita sa canyáng biyanáng babae, na siyáng may

cagagawán n~g canyáng pagcapahamac. Baliti rin si Albinong

nagseminarista, at gayón din ang dalawáng cambál na anác ni capitana

Maria. Masasamà ang loob at hindi umiimic ang tatlóng binatàng itó. Ang

hulíng lumabàs ay si Ibarra, na waláng talì, n~guni't napapag-itanan n~g

nagháhatid na dalawáng guardia civil. Namúmutlâ ang binatà; humanap siyá

n~g isáng mukháng catoto.

--¡Iyàn ang may casalanan!--ang ipinagsigawan n~g maraming tinig;--¡iyán

ang may casalanan ay siyáng waláng talì!

--¡Walang anó mang guinagawâ ang aking manugang ay siyang

naca-"esposas"!

Linin~gón ni Ibarra ang m~ga guardia:

--¡Gapusin ninyó acó, n~guni't gapusin ninyóng mabuti acó, abo't

sico!--ang canyáng sinabi.

--¡Walang tinatanggáp camíng utos na ganyán ang aming gawín!

--¡Gapusin ninyó acó!

Sumunod ang m~ga sundalo.

Sumipót ang alférez na nan~gan~gabayo, at batbát n~g m~ga sandata patí

n~g m~ga n~gipin; may sumúsunod sa canyáng sampô ó labinglimáng sundalo

pa.

Bawa't isáng bilanggó'y may canicanyáng casambahay na nanghihinaing

upáng cahabagan, na dahil sa canyá'y tumatan~gis at nagpapalayaw n~g

lalong matitimyas na tagurî. Si Ibarra lamang ang tan~ging doo'y walâ

sino man; nan~gagsialís doon patí si ñor Juan at ang maestro sa

escuelahan.

--¿Anó pô ba ang guinawâ sa inyó n~g aking asawa't n~g aking anác?--ang

sa canyá'y sinasabi ni Doray na tumatan~gis; ¡tingnán pô ninyó ang

caawaawà cong anác! ¡inalsan ninyó siyá n~g amá!

Ang pighatî n~g m~ga casambahay ay naguíng galit sa binatà, na

pinagbibintan~gang siyáng may cagagawán n~g caguluhan. Ipinag utos n~g

alférez ang pagya-o.

--¡Icáw ay isáng duwág!--ang sigáw n~g biyanán ni Andóng. Samantalang

nakikihamok ang m~ga ibá dahil sa iyó, icaw nama'y tumatagò, ¡duwág!

--¡Sumpaín ca nawâ!--ang sabi sa canyá n~g isáng matandáng lalaki na sa

canyá'y sumúsunod;--¡pusóng ang guintóng tinipon n~g iyóng magugulang at

n~g siràin ang aming capayapàan! ¡Pusóng!, ¡pusóng!

--¡Bitayin ca nawâ, hereje!--ang sigáw sa canyá n~g isáng camag-anac na

babae ni Albino, at sa hindi na macapiguil ay nuha n~g isáng bató at sa

canyá'y ipinucól.

Sinundán ang uliráng iyón, at sa ibabaw n~g sawíng palad na binatà'y

umulán ang alabóc at m~ga bató.

Tiniis ni Ibarra n~g waláng imíc, waláng poot at waláng daíng ang tapát

na panghihingantí n~g gayóng caraming m~ga púsòng nan~gasugatan. Yaón

ang paalam, ang _adios_ na sa canyá'y dulot n~g canyáng bayang

kinálalagyan n~g lahát n~g canyáng m~ga sinísinta. Tumun~gó, marahil

canyáng dinidilidili ang isáng taong pinalò sa m~ga lansan~gan sa

Maynilà, ang isáng matandáng babaeng nahandusay na patáy pagcakita sa

ulo n~g canyáng anác na lalaki; marahil dumaraan sa canyáng m~ga matá

ang nangyari sa buhay ni Elías.

Minagaling n~g alférez na palayuin ang caramihang tao, n~guni't hindi

humintô ang pangbabató at ang m~ga paglait. Isá lamang iná ang hindi

ipinanghíhiganti sa canyá ang canyáng m~ga pighatî: itó'y si capitana

María. Hindi cumikilos, nacahibic ang m~ga labì, punô ang m~ga matá n~g

m~ga luhàng umaagos na waláng in~gay, canyáng pinanonood ang pagpanaw

n~g canyáng dalawáng anác na lalaki; sa panonood sa canyáng hindî

pagkilos at sa canyáng pipíng dalamhatì, nawáwalâ ang pagcatalinhagà ni

Niobe.

Malayò na ang pulutóng.

Sa m~ga taong nacasun~gaw sa bihibihirang bintanàng nacabucás, ang

lalong nagpakita n~g habag sa binatà'y yaóng m~ga hindi nababahalà at

waláng adhicâ cung di manood lamang. Nan~gagtagò ang canyáng m~ga

caibigan, patí si capitang Basilio'y nagbawal sa canyáng anác na si

Sinang, na huwág umiyác.

Nakita ni Ibarra ang umaaso pang bahay niyáng natupoc, ang bahay n~g

canyáng m~ga magugulang, ang bahay na sa canyá'y pinan~ganacán, ang

kinabubuhayan n~g lalong matatamís na alaala n~g canyáng camusmusán at

n~g canyáng cabinatàan; ang m~ga luhàng malaong canyáng pinipiguilpiguil

ay bumalong sa canyáng m~ga matá, lumun~gayn~gay at tuman~gis, na hindi

magcaroon n~g alíw na mailihim ang canyáng pag-iyac, palibhasa'y

nacagapos, ó macapucaw man lamang ang canyáng pighatî n~g habag sa

can~gino man. N~gayó'y walâ siyáng bayan, bahay, casintahan, m~ga

catoto, at mahihintay na maligayang panahóng dárating.

Mulà sa isáng mataás na lugar ay pinanonood ang malungcót na pulutóng na

iyón n~g isáng tao. Siyá'y isáng matandáng lalaki, namúmutlà, payat na

payát ang mukhà, nacabalot sa isáng cumot na lana, at nanúnungcod n~g

boong pagál. Siyá ang matandáng filósofo Tasio, na nang mabalitàan ang

nangyari ay nagbantáng iwan ang canyáng hihigán at dumaló, n~guni't

hindi itinulot n~g canyáng lacás na macarating siyá hanggáng sa

tribunal. Sinundán n~g matá n~g matandà ang carretón hanggáng sa itó'y

nawalâ sa malayò: nanatiling sumandalî sa pag-iisip-isip na nacatun~gó,

nagtindig pagcatapos at nag inatâ n~g boong hirap na tinun~go ang

canyáng bahay, na nagpápahin~ga maya't mayâ.

Nasumpun~gan siyáng patáy, kinabucasan, n~g m~ga nag-aalagà n~g m~ga

hayop, sa paanan n~g pagpasoc sa canyáng tahanang nag-íisa.

=LIX.=

=ANG KINAGUISNANG BAYAN AT ANG M~GA PAG-AARI.=

Lihim na ibinalità n~g telégrafo ang nangyaring iyón sa Maynilà at n~g

macaraan ang tatlompó't anim na horas ay nan~gagsasaysay na n~g bagay na

iyón n~g malakíng talinghagà at hindi cacauntîng m~ga pagbabalà, ang

m~ga pamahayagan, na dinagdagán, pinagbuti at binawasan n~g fiscal.

Samantala'y m~ga balitàng tan~ging mulâ sa m~ga convento ang nan~gaunang

tumacbóng salinsalin sa m~ga bibíg, sa lihim, na nagbíbigay n~g malakíng

tacot sa bawa't macaalam. Ang nangyaring iyóng sa libolibong

pagcacabalità'y nagcaiba n~g lubhâ, pinaniniwalâan n~g humiguit cumulang

na cadalian, alinsunod sa cung nagpapapuri ó nacasásalansang sa m~ga

hidwáng hílig at anyô n~g caisipán n~g bawa't isá.

Bagá man hindi nasisirà ang catahimican n~g bayan, sa paimbabáw man

lamang, n~guni't naliligalig ang capayapaan n~g bahay, tulad sa

nangyayari sa isang lawà: bagá man nakikitang patag at waláng anó mang

alon ang dacong ibabaw, n~guni't sa ilalim ay gumágamáw,

nan~gagtatacbuhan at nan~gagháhabulan ang m~ga piping isdâ.

Nan~gagpasimuláng nan~gagpainog-inog, wan~gis sa m~ga paró-paró, ang

m~ga cruz, m~ga condecoración, m~ga galón, m~ga catungculan, m~ga

caran~galan, capangyarihan, calakhán, matataas na camahalan at ibá pa,

sa isáng impapawid na guintóng salapî sa m~ga matá n~g isáng bahagui n~g

m~ga mámamayan. Sa isáng bahagui namán n~g m~ga mámamayang iyá'y

napailangláng sa abót n~g panin~gin ang isáng alapaap na madilím, at

nan~gin~gibabaw sa culay abó-abóng pinacapang-ilalim, ang maiitim na

parang anino n~g m~ga rejas, m~ga tanicalâ, at pati n~g calaguimlaguim

na bibitayán. Warì'y náririn~gig sa han~gin ang m~ga tanóng, ang m~ga

bató, ang m~ga sigáw na pinápacnit n~g m~ga pahirap; nagagamagam ang

Marianas at ang Bagumbayang cápuwâ nan~gababalot n~g isáng parang

maduming pigtâ n~g dugóng culubóng: na sa culabô ang m~ga man~gin~gisdâ

at ang m~ga isdâ. Ang nangyaring iyó'y iniláladlad ni Capalaran sa

guniguní n~g m~ga tagá Maynilàng tulad sa m~ga tan~ging paypáy na galing

sa China: napipintahan n~g itim ang isáng mukhâ; ang isá namá'y puspós

n~g dorado, matitingcád na m~ga culay, m~ga ibon at m~ga bulaclac.

Naghaharì sa m~ga convento ang malakíng ligalig. Isinísingcaw ang m~ga

carruaje, nan~gagdádalawan ang m~ga provincial, may lihim na m~ga

pulong. Nan~gagsisiharap silá sa m~ga palacio upáng caniláng ihandóg ang

caniláng tulong sa _Gobierno na na sa calakilakihang pan~ganib._ Muling

napagsalitaanan ang m~ga cometa, ang m~ga pasaring, ang m~ga matutulis

na pananalità, at ibá pa.

--¡Isáng _Te Deum,_ isáng _Te Deum!_--ang sinasabi n~g isáng fraile sa

isáng convento;--¡at n~gayó'y sino ma'y huwag magcuculang sa

pagpasacoro! ¡Hindi cacaunting cagalin~gan ang guinawâ n~g Dios, na

ipakita cung gaano ang cahalagahan natin, n~gayón pa namán sa m~gá

panahóng itóng totoong nápacasasamâ!

--Dahil sa ganitóng muntíng turò, marahil ay kinácagat ang canyàng m~ga

labì n~g generalillong Buisit,--ang sagót namán n~g isá.

--¿Anó cayâ ang nangyari sa canyá cung hindi ang m~ga Capisanan n~g m~ga

fraile?

--At n~g lalong umínam ang ating pagdiriwang, ipagbigay álam sa uldóg na

tagapagluto at sa procurador ... ¡Gaudeamus (cainan) sa tatlóng araw!

--¡Amen!, ¡Amen! ¡Mabuhay si Salvi¡ ¡Mabuhay!

Ibá namán ang salitaan sa isáng convento.

--¿Nakita na ninyó? Iyá'y isáng nag-aral sa m~ga jesuita; ¡lumálabas sa

Ateneo ang m~ga filibustero!--ang sabi n~g isáng fraile.

--At ang m~ga caaway n~g m~ga fraile.

--Sinabi co na: ipinapahamac n~g m~ga jesuita ang lupaíng itó,

pinahahalay ang ugali n~g cabatàan; datapuwa't pinababayaan, sila't

dahil sa gumuguhit sa papel n~g iláng m~ga waláng cawawaang cahig manóc

cung lumilindol....

--¡At ang Dios ang nacacaalam cung papaano ang m~ga pagcacagawâ!

--Siyá n~gâ, ¿datapuwa't man~gahas cayóng sumalansang sa canila? ¡Pagca

nan~gn~giníg at gumágalaw ang lahat! ¿sino ang macasusulat n~g m~ga

cahig-manóc! ¡Walâ, si parì Secchi!....

At nan~gagn~gin~gitîan n~g malakíng pagpapawaláng halagá.

--¿N~guni't ang m~ga sigwá? at ¿ang m~ga bagyó?--ang tanóng n~g isá n~g

matindíng paglibác;--¿hindi ba cadakidakilàan iyán?

--¡Sino mang man~gin~gisda'y nahuhulàan ang m~ga bagay na iyán!

--Pagcâ ang namiminuno'y isang halíng ... ¡sabihin mo sa akin cung anó

ang anyô n~g iyong ulo, at sasabihin co sa iyó cung anó ang iyong

panicad! N~guni't makikita rin ninyó cung nan~gagtatangkilican ang

man~gagcacaibigan: halos hiníhin~gî n~g m~ga pamahayagang bigyán n~g

isáng mitra (n~g catungculang pagca arzobispo ú obispo) si parì Salvi.

--¡At cacamtan n~gâ niyá! ¡Masusunduan niyá ang catungculang iyán!

--¿Sa acalà mo cayà?

--¡At hindi bagá! N~gayó'y ibinibigay ang catungculang iyán cahi't sa

waláng cabuluháng bagay. Nacakikilala acó n~g isáng sa lalong waláng

cabuluha'y nagcamit n~g mitra: sumulat n~g isáng waláng cawawaang aclát,

ipinakilalang waláng caya ang m~ga _indio_ cung hindi sa m~ga gawain n~g

camáy ... ¡psh! ¡matatandâ n~g pangcaraniwan!

--¡Tunay n~gâ! ¡Nacasisirà sa religión ang ganyáng caraming m~ga

paglihís sa catuwiran!--ang bigláng sabi namán n~g isá;--cung may m~ga

matá sana ang mitra at caniláng makita ang m~ga bao n~g ulong sa

canilá'y pagpuputun~gan....

--¡Cung ang m~ga mitra sana'y pawang m~ga likhâ n~g Naturaleza,--ang

dagdág namán n~g isá, na ang tinig ay lumalabas sa ilóng.--_Natura

abhorret vacuum ..._

--Cayâ n~gâ cumacapit sa canilá; ¡ang pagcawaláng lamán ang sa canilá'y

humahalina!--ang sagót n~g isa.

Ang m~ga itó at iba páng m~ga bagay ang m~ga sábihan sa m~ga convento,

at ipinatátawad na namin sa m~ga bumabasa ang pagsasaysáy n~g m~ga ibáng

m~ga upasalà na may m~ga culay político, metafísico at mahahangháng.

Ating ihatid ang bumabasa sa bahay n~g isáng waláng anó mang

catungculan, at sapagcá't cácauntî ang cakilala natin sa Maynilà'y doon

tayo pumaroon sa bahay ni capitang Tinong, ang lalaking mapag-anyaya, na

ating nakitang pinipilit anyayahan si Ibarra upáng papurihan siya n~g

isáng dalaw.

Sa mayama't maluang na salón n~g canyáng bahay sa Tundó ay naroon si

capitang Tinong, nacaupo sa isáng malapad na sillón, na hináhagpos ang

noo't ang batoc, na may anyóng lubháng nahahapis, samantalang umíiyac at

pinagwiwicaan siyá n~g canyáng asawang si capitana Tinchang, sa haráp

n~g canyáng dalawáng anác na babae, na nagsisipakiníg mulâ sa isáng

suloc na hindi nan~gagsisiimic, nan~gatútulig at nan~gabábagbag ang

loob.

--¡Ay, Virgen sa Antipolo!--ang sigáw n~g babae.--¡Ay, Virgen del

Rosario at de la Correa! ¡ay!, ¡ay! ¡Nuestra Señora de Novaliches!

--¡Nanay!--ang sa canyá'y sinabi n~g bunso sa canyáng m~ga anác na

babae.

--¡Sinasabi co na sa iyó!--ang ipinatuloy n~g babae, na pagsisi ang

anyô;--¡sinasabi co na sa iyó! ¡ay Virgen del Cármen, ay!

--¡N~guni't hindi ca namán nagsasabi sa akin n~g anó man!--ang

ipinan~gahás isagót ni capitang Tinong na napapaiyac;--baligtád,

sinasabi mo sa aking mabuti ang aking guinágawâ sa pagmamalimít co sa

bahay na iyón at manatili sa pakikipag-ibigan cay capitang Tiago, sa

pagcá't ... sa pagcá't mayaman ... at sinabi mo sa aking....

--¿Anó? ¿anó ang sinabi co sa iyó? ¡Hindi co sinasabi sa iyo iyán, walâ

acóng sinasabing anó man sa iyó! ¡Ay! ¡cung pinakinggán mo sana acó!

--¡N~gayo'y acó ang bibigyan mong casalanan!--ang itinutol n~g masacláp

na tinig, at sacâ tumampál n~g malacás sa camáy n~g sillón;--¿hindi mo

ba sinabi sa aking magaling ang aking guinawâ na siyá'y aking

inanyayahang cumain dito sa atin, sa pagcá't palibhasa'y mayaman ...

sinasabi mong hindi dapat tayong makipagcaibigan cung di sa mayayaman

lamang? ¡Abá!

--Tunay n~gang sinabi co iyán sa iyó, sa pagcá't ... sa pagcá't walâ n~g

magágawâ; walâ cang guinágawâ cung hindi purihin siyá; _don Ibarra_

dito, _don Ibarra_ doon, _don Ibarra_ sa lahát n~g panig, ¡abaá!

Datapuwa't hindi co inihatol sa iyong makipagkita ca sa canyá ó

makipagsalitaan ca sa canyá sa pagcacapisang iyon; hindi mo maicacailà

itó sa akin.

--¿Nalalaman co bang paparoon siyá roon?

--¡Abá! ¡dapat mong maalaman!

--¿Paano? ¿siyá'y hindi co man lamang nakikilala pa niyon?

--¡Aba! ¡dapat mo siyáng makilala!

--N~guni't Tinchang, ¡paano'y niyón co lamang siyá nakita, at niyón co

lamang namán nárin~gig na siya'y pinag-uusapan!

--¡Aba! ¡dapat sanang nakita mo siyá n~g una, nárin~gig ang usapan

tungcól sa canyá, sa pagcá't lalaki icaw, may salawal ca at bumabasa ca

n~g _Diario de Manila!_--ang di mabilíng na sagót n~g asawa, casabáy n~g

pagpapahatid sa canyá n~g cakilakilabot na irap.

Waláng maalamang itutol si capitan Tinong.

Hindi pa nasiyahan si capitana Tinchang sa canyáng pagwawaguíng itó'y

pinacsáng siyá'y papangguipuspusín, caya't sa canyá'y lumapit na

nacasuntoc.

--¿Cayâ ba nagpagál acó n~g mahabang panahón at nagtipíd n~g hindi

cawasà, at n~g dahil sa iyóng cahalin~ga'y ipahamac mo ang bun~ga n~g

aking m~ga pagod?--ang ipinagwica sa canyá,--N~gayó'y paririto silá't

n~g icaw ay dalhín sa tapunán, huhubaran camí n~g ating pag-aarì, gaya

n~g nangyari sa asawa ni ... ¡Oh, cung lalaki lamang acó! ¡cung lalaki

lamang acó!

At n~g makita niyáng tumútun~go ang canyáng asawa, mulíng nagpasimulâ

n~g pagtan~guyn~góy, n~guni't laguì ring inuulit:

--¡Ay, cung lalaki lamang acó! ¡cung lalaki lamang acó!

--At cung naguing lalaki icaw,--ang itinanóng sa cawacasan n~g lalaking

nadadalimumot na,--¿anó sana ang gagawin mo?

--¿Anó? ¡abá!, ¡abá!, ¡abá! ¡n~gayón di'y háharap aco sa Capítan

General, upáng acó'y humandóg sa pakikihamoc laban sa m~ga

nanghihimagsic, n~gayón din!

--N~guni't ¿hindi mo ba nababasa ang sinasabi n~g _Diario?_ ¡Basahin mo!

«Nasugpô n~g boong higpít, lacás at catigasán ang caliluháng imbî at

casamâsamaan, at hindi malalao't daramdamin n~g m~ga suwail na caaway

n~g Ináng Bayan at n~g caniláng m~ga cainalám, ang boong bigát at

caban~gisán n~g m~ga cautusan» ... ¿nakita mo na? wala n~g himagsican.

--Hindi cailan~gan, dapat cang humaráp na gaya n~g guinawa n~g madla n~g

taóng 72, at nan~gacaligtás n~ga namán.

--¡Siya n~ga! humaráp din si parì Burg....

Datapuwa't hindi natapos ang salita; tinacbó siya n~g babae at tinacpán

ang canyáng bibíg.

--¡Halá! ¡sabihin mo ang pan~galang iyán at n~g bucas di'y bitayin ca sa

Bagumbayan ¿Hindi mo ba nalalamang sucat na ang saysayin ang pan~galang

iyan upang parusahan ca, na hindi cailangan ang gumawa pa n~g _causa?_

¡Halá! ¡sabihin mo!

Cahi't ibiguin man ni capitan Tinong sundin ang utos n~g canyáng asawa'y

hindi rin mangyayari; natatacpan ang canyang bibig n~g dalawáng camáy

n~g canyáng asawa, at iniipit ang canyang maliit na ulo laban sa licuran

n~g sillón, at marahil namatay sa pagcainis ang abáng lalaki cung hindi

namag-itan ang isáng bagong dumatíng na tao.

Itó'y ang caniláng pinsang si Primitivo, na nasasaulo ang Amat, isáng

lalaking may m~ga apat na pong taón ang gulang, malinis ang pananamit,

titiyanin at may catabaan.

--_¿Quid video?_--ang bigláng sinabi;--¿anó ang nangyayari?

_¿Quare?_[262]

--¡Ay, pinsan!-anáng babae na umiiyac at tumatacbong patun~go sa

canyá;--ipinatawag cata, sa pagcá't hindi co maalaman cung anó ang

mangyayari sa aming m~ga babae ... ¿anó ba ang hatol mo sa amin?

¡Magsalita ca, icaw na nag-aral n~g latin at m~ga _argumento_

(pakikipagmatuwiran)!..

--N~guni't bago magsalita acó, _¿Quid quaeritis? Nihil est in intellectu

quod prius non fuerit in sensu; nihil volitum quin praecognitum,_[263]

At marahang naupô. Anaki mandín ang m~ga sinabing wicang latin ay may

bisàng nacapagbibigay capanatagán, capuwa tumiguil n~g pagtan~gis ang

mag-asawa, at nan~gagsilapit sa canyá at hinihintay sa canyáng m~ga labì

ang aral, na gaya namán n~g guinágawa n~g m~ga griego n~g una cung

hinihintay ang pangligtas na salita n~g «oráculo» na macapagliligtas sa

canilá sa manglulusob na m~ga tagá Persia.

--¿Bakit cayó umiiyac? _¿Ubinam gentium sumus?_[264]

--Nalalaman mo na ang balità tungcol sa panghihimagsic.

--_¿Alzamentum Ibarræ ab alferesio Guardiæ civilis destructum? ¿Et

nunc?_ ¿At anó? ¿May utang ba sa inyó si don Crisóstomo?

--Wala, n~guni't talastasin mong inanyayahan siyá ni Tinong na cumain

dito, bumati sa canyá sa tuláy n~g España ... ¡sa liwanag n~g araw!

¡Wiwicain niláng si don Crisóstomo'y canyáng caibigan!

--¿Caibigan?--ang bigláng sinabing námamangha ang latino, at saca

tumindíg, _¡amice, amicus Plato sed magis amica veritas!_[265] ¡Sabihin

mo sa akin cung sino ang casacasama mo at sasabihin co sa iyo cung sino

icaw! _¡Malum negotium et est timendum rerum istarum horrendissimum

resultatum!_[266]

Namutla n~g catacottacot si capitang Tinong n~g canyang marinig ang

gayóng caraming salitáng ang catapusá'y _um_; ang tunog na itó'y

ipinalálagay niyáng masama ang cahulugan. Pinapagdaóp n~g canyáng asawa

ang dalawáng camáy sa pagsamò, at nagsabi:

--Pinsan, huwag mo camíng causapin n~gayon n~g latín; talastás mo nang

hindi cami m~ga filósofong gaya mo; causapin mo camí n~g tagalog ó

castilà, datapuwa't hatulan mo camí n~g dapat naming gawín.

--Sayang na hindi cayó marunong n~g latín, pinsan; ang m~ga catotohanan

sa latín ay casinun~galin~gan sa tagalog, sa halimbawà: _contra

principia negantem fustibus est argüendum,_[267] sa latín ay isáng

catotohanang tulad sa Daóng ni Noé; minsa'y guinamit co sa gawa ang

bagay na iyán, ang pinangyarihan ay acó ang nabugbóg. Dahil dito,

cahinahinayang na hindi cayó marunong n~g latín; sa latín ay mahuhusay

na lahát.

--Camí ay maraming nalalaman namáng _oremus, parcenobis_ at _Agnus Dei

Catolis,_ n~guni't n~gayó'y hindi tayo magcacáwatasan. ¡Bigyán mo n~ga

n~g isáng _argumento_ si Tinong at n~g huwág siyáng bitayin!

--¡Masama ang guinawa mo, totoong cásamasamaan ang guinawa mo, pinsan,

sa iyong guinawáng pakikipagcaibigan sa binatang iyan!--ang mulíng

sinabi n~g latino.--Nagbabayad ang m~ga waláng casalanan sa gawâ n~g

m~ga macasalanan; halos ihahatol co sa iyong gawin mo na ang iyong

_testamento _(casulatang pinaglálagdaan n~g m~ga hulíng kalooban n~g

isáng tao).... _¡Vae illis! Ubi est fumus ibi est ignis! Similis simili

gaudet; alqui Ibarra ahorcatur, ergo ahorcaberis!_....[268]

At nagpapailing-iling na masamâ ang loob.

--¡Saturnino, anó ang nangyayari sa iyo!--ang sigáw ni capitana

Tinchang, na puspós n~g tacot;--¡ay, Dios co! ¡Namatáy! ¡Isáng

manggagamót! ¡Tinong, Tinonggoy!

Dumaló ang dalawáng anác na babae at nagpasimula ang tatló n~g

pananambitan.

--¡Itó'y isang panghihimatáy lámang, pinsan, isáng panghihimatáy! Lalo

pa sanang icatutuwâ co cung ... cung ...; datapuwa't sa cawaláng palad

ay walà cung di isáng panghihimatay lamang. _Non timeo mortem in catre

sed super espaldonem Bagumbayanis._[269] ¡Magdalá cayó rito n~g tubig.

--¡Huwág cang mamatáy!--ang panambitan n~g babae;--¡huwág cang mamatáy,

sa pagcá't paririto silá't huhulihin icaw! ¡Ay, cung icaw ay mamatáy at

saca pumarito ang m~ga sundalo, ¡ay! ¡ay!

Winiligán n~g pinsan n~g tubig ang mukha ni capitang Tinong, at

pinag-saulìan itó n~g pag-iisip.

--¡Halá, huwág cayóng umiyác! _Inveni remedium,_ nasumpun~gan co na ang

gamót. Ilipat natin siyá sa canyáng hihigán; ¡hala! ¡tapan~gan ninyó ang

inyóng loob! nárito acó at ang lahát n~g carunun~gan n~g m~ga tao sa

una.... Magpatawag cayó n~g isáng doctor;--at n~gayón din, pinsan cong

babae, pumaroon ca sa capitán general at dalhán mo siyá n~g isáng

handóg, isáng tanicalang guinto, isáng singsíng.... _Dadivae quebrantant

peñas;_ (dumudurog n~g bató ang handóg); sabihin mong iyá'y handóg dahil

sa pascó. Sarhán ninyó ang m~ga bintanà, ang m~ga pintô, at sino mang

magtanóng sa aking pinsan, sabihin ninyóng may sakít na mabigát.

Samantala'y susunuguin co ang lahát n~g m~ga súlat, m~ga papel at m~ga

libró at n~g huwag siláng macakita n~g anó man, gaya n~g guinawâ ni don

Crisóstomo. _Scripti testes sunt! Quod medicamenta, non sanant, ferrum

sanat, quod ferrum non sanat, ignis sanat _[270].

--¡Oo, tanggapin mo, pinsan; sunuguin mong lahát!-ani capitana

Tinchang;--nárito ang m~ga susì, nárito ang m~ga sulat ni capitang

Tiago, ¡sunuguin mong lahát! Huwag ca sanang mag-iiwan n~g anó mang

pamahayagang galing sa Europa, sa pagcá't totoong nacapagbibigay

pan~ganib. Nárito itong m~ga _The Times_ na aking iniin~gata't n~g

mapagbalutan n~g m~ga sabón at n~g m~ga damít. Nárito ang m~ga libro.

--Pumaroon ca na sa capitán general, pinsan,--aní Primitivo;--pabayaan

mo acóng mag-isá. _In extremis extrema._ Bigyán mo acó n~g capangyarihan

n~g isáng tagapamatnugot na romano, at makikita mo cung paano ang

pagliligtás na gagawín co sa bay ... sa aking pinsáng lalaki bagá.

At nagpasimula n~g sunódsunod na pag-uutos, n~g paghalo n~g m~ga

estante, n~g pagpupunit n~g m~ga papel, m~ga libró, m~ga sulat at iba

pa. Hindi nalao't nag-álab sa _cocina_ ang isáng sigâ; caniláng sinibác

n~g palacól ang m~ga lumang escopeta; itinapon nilá sa cumón ang m~ga

cálawan~ging revolver; ang alilang babaeng ibig sanang iligpít ang cañón

n~g isáng revolver at n~g magamit na hihip ay kinagalitan:

--_¿Conservare etiam sperasti, perfida?_ ¡Sa apóy!

At ipinatuloy ang canyáng pagsúnog.

At nacakita n~g isáng líbróng ang balát ay pergamino (balát n~g vaca) ay

binasa niyá ang pan~galan:

«M~ga revolución n~g m~ga globo sa lan~git» (m~ga ganáp na pag-inog n~g

m~ga planeta sa caniláng talagáng tinatacbuhan), na sinulat ni

Copérnico; ¡pfui! _¡ite maledicti, in ignem calanis!_--ang bigláng sinabi

at saca inihaguis sa nin~gas. ¡M~ga revolución at saca si Copérnico pa!

¡Patong patong na casalanan! Cung di dumatíng acó sa capanahunan ...

«Ang calayaan n~g Filipinas»; ¡Tatata! ¡pagca m~ga libro! ¡Sa apóy!

At sinunog ang m~ga libróng waláng caanoano mang casamaan, na sinulat

n~g m~ga taong waláng malay. Hindi man lamang nacaligtas ang

nagn~gan~galang «Capitang Juan», na napacawalang sala. May catuwiran si

pinsáng Primitivo: nagbabayad ang m~ga waláng casalanan sa m~ga sála n~g

m~ga macasalanan.

Nang macaraan ang ápat ó limáng oras ay pinagsasalitaanan ang

casalucuyang m~ga nangyayari sa isáng púlong n~g m~ga nagmámataas, sa

loob n~g Maynilà. Silá'y caramihang matatandáng babae at m~ga dalagang

matatandáng nacaca-ibig mag-asawa, m~ga asawa ó m~ga anác na babae n~g

m~ga cawaní n~g pamahalaan, nan~gacasuot n~g báta, nan~gagpápaypay at

nan~gaghíhicab. Capanayám n~g m~ga lalaki, na cawan~gis din namán n~g

m~ga babaeng sa caniláng pagmumukha'y nahihiwatigan kung anó ang

caniláng pinag-aralan at ang caniláng pinagbuhatan, ang isáng guinoong

may catandáan na, maliit at pingcáw, na pinagpipitaganan n~g m~ga

naroroon, at siyá namá'y nagpapakita sa canyáng m~ga caharap n~g isáng

pagpapawaláng halagá sa canyáng hindi pag-imic.

--Ang catotohanan ay dating totoong nasususot acó sa m~ga fraile at sa

m~ga guardia civil, dahil sa cagaspan~gán n~g caniláng m~ga asal,--ang

sabi n~g isáng matabáng guinoong babae; n~gunit n~gayóng nakikita co ang

sa canila'y pinakikinabang at ang caniláng m~ga paglilingcod, hálos

aking icagágalac na pacasál sa alín man sa canilá. Macabayan acó.

--¡Gayón din ang sabi co!--ang idinagdág n~g isáng babaeng

payát;--¡sáyang at n~gayo'y walâ rito ang náunang gobernador; cung siyá

ang náririto'y lilinising parang «patena» ang bayang itó!

--¡At malilipol ang m~ga lahì n~g m~ga filibusterillo!

--Hindi ba ang sábiha'y marami pa ang m~ga pulóng kinacailan~gang

padalhán n~g m~ga mámamayan doon. ¡Bakit hindi itápon doon ang ganyán

caraming mayayabang na m~ga indio! Cung acó ang capitán general....

--M~ga guinoong babae,--anáng pingcáw;--nalalaman n~g capitán general

cung anó ang canyáng catungculan; ayon sa aking nárin~gig ay totoong

galit na galit siyá; sa pagcá't canyáng pinuspós n~g m~ga biyaya ang

Ibarrang iyán.

--¡Pinuspos n~g m~ga biyaya!--ang inulit n~g payát na babae, na

nagpápaypay n~g malaki ang poot;--¡tingnán na n~ga lamang ninyó ang

pagca hindi marunong cumilala n~g útang na loob nitong m~ga indio!

¿Mangyayari bagáng silá'y ipalagáy na m~ga tao sa pagpapanayám? ¡Jesús!

--At ¿nalalaman ba ninyó ang aking nárin~gig?--ang tanóng n~g isáng

militar.

--¡Tingnán natin!--¿Anó iyón?--¿Anó ang sinasabi nilá?

--Pinagtitibay n~g m~ga taong mapaniniwalaan,--anáng militar sa guitná

n~g lalong malakíng hindi pag-imic n~g madlâ;--na ang lahát n~g m~ga

cain~gayang iyón sa pagtatayô n~g isáng páaralan ay walâ cung di pawang

catacata lámang.

--¡Jesús! ¿nakita na ninyó?--ang bigláng sinabi n~g m~ga babae, na

nan~gag sisipaniwalà na sa catacata.

--Isáng sangcalan lámang ang páaralan; ang bantà niyá'y magtayô n~g

isáng cutà, at n~g buhat doo'y macapan~ganlóng cung silá'y lusubin na

namin....

--¡Jesús! ¡pagcálakilaking cataksilan! Ang isáng indio n~ga lámang ang

tan~ging macapagtátaglay n~g ganyáng pagcaimbiimbíng m~ga isipan,--ang

bigláng sinabi n~g babaeng matabâ. Cung acó ang capitán general, nakita

sana nilá ... nakita sana nilá....

--¡Gayón din ang sabi co!--ang bigláng sinabi namán n~g babaeng payát na

ang pingcáw ang kinacausap. Dáracpin co ang lahát n~g abogadillo,

cleriguillo, mán~gan~galacal, hindi co na pagagawán pa n~g _causa_ at

silá'y aking itatapon ó ipadádalá sa ibáng lupaín. ¡Bawa't masamâ'y

bunutin patí n~g ugát!

--¡Abá, sabihana'y castilà ang magugulang n~g filibusterillong

iyán!--ang pahiwatig n~g pingcáw na hindi tumitin~gin can~gino man.

--¡Ah, gayón palá!--ang sinabing mariin n~g hindi masiyahang babaeng

matabâ;--¡cailán ma'y ang m~ga halûan ang dugô! ¡sino mang indio'y hindi

nacawawatas n~g panghihimagsic! ¡Mag-alagà ca n~ga namán n~g m~ga uwác!

¡mag-alagà ca n~ga namán n~g m~ga uwác!...

--¿Nalalaman ba ninyó ang narin~gig cong salitaan?--ang itinanóng n~g

isáng babaeng halûan ang dugô (mestiza), na sa gayóng paraa'y pinutol

ang salitaan.--Ang asawa raw ni capitáng Tinong ... ¿naaalaala ba ninyó?

iyong may-ari n~g bahay na ating pinagsayawan at hinapunan niyóng fiesta

sa Tundó....

--¿Iyón bang may dalawáng anác na babae? ¿at anó?

--¡Abá, ang babaeng iyó'y bagong caháhandog n~gayóng hapon sa capitán

general n~g isáng singsíng na isáng libong piso ang halagá!

Lumin~gón ang pingcáw.

--¿Siyá n~ga ba? ¿at bakit?--ang tanóng na numíningning ang m~ga matá.

--Ang sabi raw n~g babae, iyón daw ay bigáy niyáng papascó....

--¡Isáng buwán pa muna ang lálampas bago dumating ang pascó!

--Marahil nan~gan~ganib na bacá lagpacán siya n~g sigwá ...--ang

pahiwatig n~g babaeng matabâ.

--At caya siyá'y cumúcubli,--ang idinugtóng n~g babaeng payát.

--Ang pagsasanggaláng cahi't hindi pinúpucol nino man ay pagpapakilalang

tunay na may casalanan.

--Iyán n~ga ang sumasaisip co; tinamaan ninyó ang sugat.

--Kinacailan~gang tingnáng magalíng iyán,--ang hiwatig n~g

pingcáw;--nan~gan~ganib acóng baca riyá'y may nacáculong na pusà.

--¡Nacáculong na pusà! iyán n~ga! iyán n~ga sana ang sasabihin co!--ang

inulit n~g babaeng payát.

--At acó,--ang sinabi namán n~g isáng babae, na umagaw n~g pananalita sa

payát;--ang asawa ni capitang Tinong ay napacaramot ... hanggá n~gayo'y

hindi pa tayo pinadádalhan n~g anó mang hangdóg, gayóng tayo'y

napaparoon na sa canyáng bahay. Tingnán ninyó, pagcá ang isáng maramot

at macamcam ay nagbibitiw n~g isang handóg na isáng libong piso'y ...

--¿N~guni't totoó ba iyán?--ang tanóng n~g pingcáw.

--¡At napacatotoo! ¡at napacatunay! sinabi sa aking pinsáng babae n~g

nan~gin~gibig sa canyá, na ayudante n~g capitán general. At hálos ibig

cong acalaing ang singsíng na iyón ang suot n~g pan~ganay n~g araw n~g

cafiestahan. ¡Siya'y lagui n~g batbát n~g m~ga brillante!

--¡Siyá'y isáng tindahang lumalacad!

--Isáng paraan din namáng magalíng upáng macapagbilí, na gaya rin n~g

alin man sa ibáng m~ga paraan. Nang huwag n~g bumilí pa n~g isáng

tautaohan ó bumayad pa n~g isang tindahan....

Linisan n~g pingcáw ang pulong na iyon sa pamamag-itan n~g isáng

dahilán.

At n~g macaraan ang dalawáng oras, n~g nan~gatutulog na ang lahát,

tumangáp ang iláng namamayan sa Tundo n~g isáng anyaya sa pamamag-itan

n~g m~ga sundalo ... Hindî mapabayáan n~g Punong may capangyarihang ang

m~ga tan~ging táong m~ga mahal at may m~ga pag-aari ay matulog sa

caniláng báhay, na hindi magalíng ang pagcacain~gat at bahagya na ang

lamig: ang pagtulog sa Fuerza n~g Santiago at iba pang m~ga bahay n~g

gobierno'y lálong tiwasáy at nagsasaulì n~g lacas. Casama sa m~ga táong

itóng pinacamamahal ang caawa-awang si capitang Tinong.

Noli Me Tangere · 第 48 / 51 题