Dahil sa calagayan n~g calooban ni Ibarra'y hindi siya mangyaring
macatulog, caya n~ga't n~g upang liban~gin ang canyáng isip at ilayo ang
m~ga malulungcot na panimdim na lalong lumalaki n~g di cawasa cung gabí,
nagtrabajo siyá, sa napag-iisang canyang "gabinete". Inabot siya n~g
araw sa m~ga paghahalohalo at pagbabagaybagay, na doo'y canyáng
inilulubog ang capucaputol na m~ga cawayan at m~ga iba pa, na ipinapasoc
pagcatapos sa m~ga frascong may m~ga número at natatacpan n~g lacre.
Ipinagbigay alam n~g isang alilang lalaking pumasoc ang pagdating n~g
isang taong bukid.
--¡Papasukin mo!--ang canyáng sinabi, na hindi man lamang lumin~gon.
Pumasoc si Elías, na nanatili sa pagcatindig at hindi umiimic.
--¡Ah! ¿cayo po ba?--ang biglang sinabi ni Ibarra sa wicang tagalog, n~g
siya'y canyang makita;--ipagpaumanhin po ninyó ang aking pagca pahintay
sa inyó, hindi co napansin ang inyóng pagdating: may guinagawa acong
isang mahalagang pagtikim....
--¡Ayaw co pong cayo'y abalahin!--ang isinagot n~g binatang piloto; ang
unang ipinarito co'y upang sa inyo'y itanong cung cayo'y may
ipagbibiling ano man sa lalawigang Batan~gang aking patutun~guhan
n~gayon din, at ang icalawa'y upang sabihin co po sa inyo ang isang
masamang balita....
Tinanong ni Ibarra n~g mata ang piloto.
--May sakit po ang anac na babae ni capitang Tiago,--ang idinugtong ni
Elias n~g sabing mahinahon,--datapuwa't hindi malubha.
--¡Iyang na n~ga ang aking ipinan~gan~ganib!--ang sinabi n~g
marahan,--¿nalalaman po ba ninyo cung ano ang sakít?
--¡Lagnat po! N~gayon, cung wala cayong ipag-uutos....
--Salamat, caibigan co; hinahan~gad cong cayo'y magcaroon n~g
maluwalhating paglalacbay ...; datapuwa't bago cayo umalis, itulot po
ninyo sa aking sa inyo'y macapagtanong n~g isa; cung sacali't lihís sa
tapat na pag-iin~gat n~g lihim ay huwag cayong sumagot.
Yumucod si Elias.
--¿Paano ang inyong guinawa't inyong nasansala ang panucalang gulo
cagabi?--ang tanong ni Ibarra na tinititigan si Elias.
--¡Magaang na magaang!--ang isinagot ni Elias n~g boong cahinhinan;--ang
namamatnugot n~g gayong kilusa'y magcapatid na nan~gulila sa ama na
pinatay n~g guardia civil sa capapalo; nagcapalad aco isang araw na
mailigtas co sila sa m~ga camay rin n~g m~ga iyong umamis sa buhay n~g
canilang magulang, at dahil dito'y capuwa cumikilala sa akin n~g utang
na loob ang dalawa. Sa canila, aco nakiusap cagabi, at sila naman ang
sumaway na sa m~ga iba.
--¿At ang magcapatid na iyan ang canilang ama'y pinatay sa capapalo?...
--Ang cahahanggana'y cawan~gis din n~g ama,--ang isinagot ni Elias n~g
marahang tinig;--pagca minsang tinatacan na n~g casacunaan n~g canyang
tanda ang isang mag-anac, kinacailan~gang mamatay n~ga ang lahat n~g
bumubuo n~g mag-anac na iyan; pagca tinatamaan n~g lintic ang isang
cahoy ay naguiguing alaboc na lahat.
At sa pagca't namasdan ni Elias na si Ibarra'y hindi umiimic, siya'y
nagpaalam.
N~g nag-iisa na siya'y nawala ang anyong panatag ang loob na canyang
naipakita sa harap n~g piloto, at nan~gibabaw sa mukha ang sákit n~g
canyang loob.
--¡At aco! ¡acó ang nagpahirap n~g di ano lamang sa babaeng iyan!--ang
ibinulong.
Dalidaling nagbihis at nanaog sa hagdanan.
Bumati sa canyá n~g boong capacumbabaan ang isáng maliit na lalaking
nacasuut n~g lucsa at may isáng malaking pilat sa caliwang pisn~gi, at
pinahinto siyá sa paglacad.
--¿Ano ba ang ibig ninyó?--ang tanong ni Ibarra.
--Guinoo, Lucas ang aking pan~galan, acó ang capatid n~g namatay
cahapon.
--¡Ah! ¡Inihahandog co sa inyó ang pakikisama sa inyóng pighati!... at
anó pa?
--Guinoo, ibig cong maalaman cung gaano ang inyóng ibabayad sa mag-anac
na nan~gulila sa aking capatid.
--¿Ibabayad?--ang inulit n~g binata, na di napiguil ang sama n~g canyang
loob;--pag-uusapan na natin itó. Bumalic po cayó n~gayon hapon, sa
pagca't nagmamadali acó n~gayón.
--¡Sabihin po lamang ninyó cung gaano ang ibig ninyóng ibayad!--ang
pinipilit itanong ni Lucas.
--¡Sinabi co na sa inyóng mag-uusap na tayo sa ibang araw, n~gayo'y wala
acong panahon!--ani Ibarrang naiinip.
--¿Wala po cayong panahón n~gayón, guinoo?--ang tanóng n~g boong saclap
ni Lúcas, na humalang sa harapan ni Ibarra;--¿wala cayong panahon sa
pakikialam sa m~ga patay?
--¡Pumarito na cayó n~gayong hapon, cung ibig ninyóng
magbigay-loob!--ang inulit ni Ibarrang nagpipiguil;--n~gayo'y dadalawin
co ang isáng taong may sakít.
--¡Ah! ¿at dahil sa isang babaeng may sakit ay linilimot po ninyo ang
m~ga patay? ¿Acala ba ninyo't cami'y m~ga ducha'y?...
--Tinitigan siya ni Ibarra at pinutol ang canyang pananalita.
--¡Huwag po sana ninyong piliting ubusin ang aking pagtitiis!--ang
sinabi ni Ibarra at ipinagpatuloy ang canyang paglacad. Sinundan siya ni
Lucas n~g titig na may calakip na n~giting puspos n~g pagtatanim n~g
galit.
--¡Napagkikilalang icaw ang apo n~g nagbilad sa arao sa aking ama!--ang
ibinulong;--¡taglay mo pa ang gayon ding dugo!
At nagbago n~g anyo n~g pananalita, at idinugtong:
--¡Datapuwa, cung magbayad ca n~g magaling ... tayo'y magcatoto!
=XLII.=
=ANG MAG-ASAWANG DE ESPADAÑA.=
Nacaraan na ang fiesta; muli na namang napag-unawa n~g m~ga mamamayan,
cawan~gis din n~g lahat n~g taóng nagdaan, na lalo n~g dukha ang cabán,
na sila'y nan~gagcapagod, nan~gagpawis at totoong nan~gagpuyat na hindi
sila nan~gacapagsayá, hindi sila nan~gagcamit n~g bagong m~ga caibigan,
sa isang salita, mahal na totoo ang canilang pagcabili sa m~ga caguluhan
at sa m~ga basag-ulo. Datapuwa't hindi cailan~gan; gayon din ang gagawin
sa taóng darating, gayon din sa darating na ikasandaang taon, sa pagca't
hangga n~gayo'y ito ang siyang naguing caugalian.
Naghahari sa bahay ni capitang Tiago ang malaking capanglawan; nacasara
ang lahat n~g m~ga bintana, bahagya na nararamdaman ang paglacad n~g
m~ga tao roon sa sahig, sa cocina lamang nan~gan~gahas silang magsalita
n~g malacas. Nararatay sa banig at may sakit si María Clarang caluluwa
n~g bahay; nababasa ang canyang calagayan sa lahat n~g m~ga mukha, tulad
naman sa pagcabasa sa pagmumukha n~g isang tao n~g m~ga dinaramdam n~g
canyang caluluwa.
--¿Ano ba sa acala mo Isabel; sa Cruz sa Tunasan ba aco maglimos ó sa
Cruz sa Matahong?--ang marahang tanong n~g nababalisang ama.--Lumalaki
ang Cruz sa Tunasan, datapuwa't pumapawis naman ang sa Matahong; alin
caya sa acala mo ang lalong mapaghimala?
Nag iisip-isip ang tía Isabel, iguinalaw ang ulo at bumulong:
--Paglaki ... lalong malaking himala ang lumaki cay sa pumawis:
nagpapawis tayong lahat, n~guni't tayong lahat ay hindi lumalaki.
--Tunay n~ga, siya n~ga, Isabel, n~guni't alalahanin mong ang
magpawis.... ang magpawis ang cahoy na guinagawa lamang na paa n~g
bangco ay hindi cacaunting himala ... ¡Aba! ang lalong mainam ay
maglimos sa dalawang Cruz, sa ganya'y walang maghihinanakit na sino man
at lalong madaling gagaling si María Clara ... ¡Mabuti ba ang
pagcacahanda n~g m~ga silid? Nalalaman mo n~g casama mag-asawang doctor
ang isang bagong guinoong may pagcacamag-anac ni pari Dámaso;
kinacailan~gang huwag magculang n~g ano man.
Na sa cabilang dulo n~g "comedor" ang magpinsang si Sinang at si
Victoria, na napaparoo't sinasamahan ang may sakit. Tinutulun~gan sila
ni Andeng sa paglilinis n~g m~ga cagamitang pilac sa pag-inom n~g chá.
--¿Nakikilala ba ninyo ang doctor Espadaña?--ang tanong na mahigpit cay
Victoria n~g capatid sa suso ni María Clara.
--¡Hindi!--anang tinatanong;--ang tan~ging nalalaman co lamang sa
canya'y mahal na totoong sumin~gil, ayon cay capitang Tiago.
--¡Marahil totoong magaling siya cung gayon!--ani Andeng;--mahal
sumin~gil ang bumutas n~g tiyan ni doña María, caya n~ga marunong.
--¡Haling!--ang biglang sinabi ni Sinang,--hindi ang lahat n~g
sumisin~gil n~g mahal ay marunong na. Tingnan mo si doctor Guevara;
pagcatapos na di natutong umalalay sa nan~gan~ganac, hanggang sa putulin
ang ulo n~g sanggol, sinin~gil n~g limampong piso ang nabaong lalaki ...
sumin~gil ang siyang nalalaman.
--¿Ano ang kinalaman mo?--ang tanong sa canya n~g canyang pinsan at
siya'y sinicó.
--¿At bakit hindi co malalaman? Ang lalaki, na isang maglalagari n~g
cahoy, pagcatapos na siya'y mapan~gulila n~g canyang asawa, napilitan
namang mawal-an siya n~g bahay, sa pagca't pinilit siyang magbayad n~g
Alcalde, na caibigan n~g doctor ... ¿bakit hindi co malalaman? Pinautang
pa siya n~g aking ama upang macapasa Santa Cruz[259].
Isang cocheng tumiguil sa tapat n~g bahay ang siyang pumutol n~g lahat
n~g m~ga salitaan.
Nanaog na nagtutumacbo sa hagdanan si capitang Tiago, na sinusundan ni
tía Isabel, upang salubun~gin ang m~ga bagong dating.--Ang m~ga
nagsidating na ito'y ang doctor na si don Tiburcio de Espadaña, ang
canyang guinoong asawang; doctora na si doña Victorina de los Reyes "de"
de Espadaña at isang binatang castilang nacalulugod ang mukha at maganda
ang kiyas.
Ang sa babaeng pananamit ay isang sutlang "bata" na nabuburdahan n~g
m~ga bulaclac, at may isang sombrerong may isang malaking ibong
"papagayo" na halos nababayuot sa m~ga cintas na azul at pula; ang
nan~gagcacahalong alaboc n~g daan at galapong n~g bigas sa canyang m~ga
pisn~gi ang siya manding nagdaragdag n~g canyang m~ga culubot; n~gayo'y
inaalalayan sa m~ga bisig ang canyang asawang pilay, na gaya rin n~g
siya'y makita natin sa Maynila.
--Ikinaliligaya cong ipakilala sa inyo ang aming pinsang si don Alfonso
Linares de Espadaña!--ani doña Victorina na itinuturo ang binata; ang
guinoong ito'y inaanac n~g isang camag-anac ni pari Dámaso, tan~ging
kalihim n~g lahat n~g m~ga ministro....
Bumati n~g calugodlugod ang binata; unti n~g hagcan ni capitang Tiago
ang canyang camay.
Samantalang ipinapanhic ang lubhang maraming m~ga "maleta" at m~ga "saco
de viaje", samantalang inihahatid sila ni capitang Tiago sa canicanilang
m~ga silid, pag-usapan natin ang ilang bagay na nauucol sa mag-asawang
ito, na bahagya na natin napagsalitaanan sa m~ga unang bahagui n~g
librong ito.
Si doña Victorina'y isang guinoong babaeng may taglay n~g m~ga apat na
po't limang agosto, na catumbas n~g tatlompo't dalawang abril ayon sa
canyang balac sa aritmética. Maganda siya n~g panahong bata pa, malamán
ang canyang catawan,--gayon ang madalas niyang sabihin--n~guni't sa
canyang pagcawili sa panonood sa canyang sarili, pinawal-ang halaga niya
ang maraming sa canya'y nan~gin~gibig na m~ga filipino, palibhasa'y ang
minimithi niya'y ang ibang lahi. Hindi niya inibig ipagcatiwala can~gino
man ang canyang maputi at maliit na camay, datapuwa't hindi sa
pagcuculang tiwala, sa pagca't hindi mamacailang nagbigay siya sa ilang
lagalag na m~ga tagaibang lupain at m~ga tagarito n~g m~ga pamuti at
m~ga hiyas na hindi maulatan ang cahalagahan.
Anim na buwan pa muna bago dumating ang panahong sinasaysay namin
n~gayon, nasunduan niyang ganap ang lalong caligaligaya niyang
panaguinip, ang panaguinip n~g boong buhay niya, na dahilan dito'y
pinawalang halaga niya ang m~ga pagsuyo n~g cabataan at sampo n~g m~ga
pan~gacong pagsinta ni capitang Tiago na n~g una'y ibinubulong sa
canyang tain~ga ó inaawit sa ilang m~ga pananapat. Lampas na n~ga sa
panahon n~g masunduan niya ang canyang mithi; n~guni't palibhasa'y
cahi't pamalimali'y nagsasalita si doña Victorina n~g wicang castila, at
higuit cay Agustina na taga Zaragoza ang canyang pagca española,
nalalaman niya yaong casabihang "Mas vale tarde que nunca" (Magaling cay
sa wala ang magcamit cahi't malaon), at siya rin ang umaaliw sa sarili
sa pagsasalita nito sa canya rin.--"No hay felicidad completa en la
tierra" ay isa naman sa canyang laguing guinagamit na casabihan sa
canyang buhay, sa pagca't hindi lumalabas sa canyang m~ga labi ang
dalawang casabihang ito sa harap n~g ibang m~ga tao.
Si doña Victorinang pinagdaanan na n~g una, pan~galawa, pan~gatlo at
pang-apat na cabataan sa paglaladlad n~g canyáng m~ga lambat upang
mahuli sa dagat n~g daigdíg ang bagay na adhica n~g canyáng m~ga hindi
pagcacatulog, sa cawacasa'y napilitang sumang-ayon sa ibig n~g
capalarang sa canya'y ipagcaloob. Cung naguing tatlompo't isang abril
sana ang canyáng gulang, at hindi tatlompo't dalawá,--ang layo'y totoong
malaki ayon sa canyáng aritmética.--isinauli disin n~g cahabaghabag na
babae sa Capalaran ang inihahandog sa canyáng huli sa lambát, upáng
maghintáy n~g lalong naaalinsunod sa canyang calooban. N~guni't
palibhasa'y pinapanucala n~g tao at ang pan~gan~gailan~gan ang siyáng
nagpapasiya, siyáng malaki n~g lubha ang pan~gan~gailan~gan n~g asawa,
napilitang magalin~gin na niyá ang isáng abang lalaki na iniabsang n~g
bayang Extremadura (España), at pagcatapos na macapaglagalag sa daigdig
n~g anim ó pitóng taón, Ulisis na bago, sa cawacasa'y nasumpun~gan niya
sa pulo n~g Lusóng ang mapapanuluyan, salapi at isang panís n~g Calipso,
na canyáng-cabiac dalandán ... ¡ay! at ang dalanda'y maasim. Tiburcio
Espadaña ang pan~galan n~g caawaawa, at baga man tatlompo't limang taón
ang gúlang ay tila matanda na; gayón ma'y lalong bata pa siya cay doña
Victorina, na may tatlompo't dalawa lamang. Magaang maunawa ang
cadahilanan nitó, n~guni't pan~ganib na sabihin.
Siya'y na pa sa Pilipinas na ang catungcula'y Oficial Quinto sa m~ga
Aduana, datapuwa't totoong napacalihis ang canyang palad, na bucód sa
siya'y nahilong mainam at nabalian siya n~g isang hita samantalang
naglalacbay-dagat, binawian siya n~g catungculan n~g macaraan ang labing
limáng araw mula n~g siya'y dumating, pagbawing sa capanahuna'y dinala
sa canyá n~g "Salvadora", n~g wala na siya cahit isang cuarta man
lamang.
Sa canyáng pagcadala sa dagat, hindi niya inibig umuwi sa España
hanggang hindi siyá yumayaman, at inisip niyáng maghanap-buhay sa ano
man. Ayaw itulot sa canyá n~g capalaluan n~g budhi n~g pagca castila ang
paggugugol n~g lacas: han~gad sana n~g lalaking mamuhay siyá sa isang
paraang walang icapipintas ang sino man, n~guni't ayaw ipahintulot sa
canya n~g capurihan n~g m~ga castila na gugulin niyá ang lacás sa
paggawa, at hindi siya mailigtas sa m~ga pan~gan~gailan~gan n~g
capurihang iyón.
N~g m~ga unang araw ay nabubuhay siya sa gugol n~g ilang cababayan niya,
n~guni't palibhasa'y marunong mahiya si Tiburcío, sa damdam niya'y
masaclap ang canyang kinakain, caya't hindi tumataba cung di bagcos pa
n~gang nan~gan~gayayat. Sa pagca't wala siyang dunong, salapi ó mataas
na taong tumangkilic sa canya, inihatol sa canya n~g canyang m~ga
cababayan, upang huwag na siyang macabigat pa sa pamumuhay na siya'y pa
sa m~ga lalawigan at doo'y magpanggap siyang doctor sa pangagamot. N~g
m~ga unang mula'y aayon sana ang lalaki, sa pagca't tunay n~ga't siya'y
naguing alila sa Hospital n~g San Cárlos n~guni't wala siyang natutuhang
ano man sa carunun~gan tungcol sa panggagamot: ang tungculin niya roo'y
pagpagan n~g alaboc ang m~ga bangco at papagnin~gasin ang m~ga bagang
pangpainit, at ito'y hindi pa, nalaon. Datapuwa't sa pagca't nalalao'y
humihigpit ang caguipitan, at pinapawi n~g canyang m~ga caibigan ang
m~ga pag-aalap-ap niya, pinakinggan niya sila sa cawacasan, siya'y na pa
sa m~ga lalawigan, nagpasimula siya n~g pagdalaw sa ilang m~ga may
sakit, at sumisin~gil siya n~g alinsunod sa inihahatol sa canya n~g
sariling budhi. Datapuwa't ang nacawan~gis niya'y ang binatang filósofo
na sinasabi ni Sameniego, sa cahulihuliha'y sumin~gil siya n~g mahal at
linagyan niya n~g mataas na halaga ang canyang m~ga dalaw sa m~ga may
sakit; dahil dito'y ipinalagay siyang dakilang manggagamot, at marahil
siya sana'y yumaman, cung hindi nabalitaan n~g m~ga pan~gulong
manggagagamot sa Maynila ang camalacmalac na canyang pagsin~gil at ang
pakikipan~gagaw na guinagawa sa m~ga ibang manggagamot.
Namag-itan sa canya ang m~ga walang catungculan at ang m~ga
profesor.--"Caibigan,--ang canilang sinabi sa maganapin sa catungculang
si Dr. C.,--pabayaan na ninyong siya'y macatipon n~g caunting puhunan,
at pagca may anim ó pitong libo na siya'y macaoowi na sa canyang bayan
at n~g doo'y mamuhay sa capayapaan. Sa catotohana'y ¿ano ang guinagawa
sa inyong masama? ¿na canyang dinaraya ang m~ga hindi marunong
mag-in~gat na m~ga "indio"? Sila'y magpacatalino. Siya'y isang caawaawa;
huwag po ninyong alisin sa canyang bibig ang pagcain; cayo sana'y
mag-asal mabait na castila!"
¿Palibhasa'y mabait n~gang castila ang doctor, napahinuhod siyang
magwalang malay n~g cagagawang iyon; n~guni't sa pagca't dumating sa
tain~ga n~g bayan ang gayong balita, nagpasimula n~g pagcuculang tiwala
sa canya, at hindi nalao't wala n~g pagamot cay don Tiburcio Espadaña at
sa ganito'y napilitan na namang halos magpalimos n~g kinakain sa
araw-araw. N~g panahong iyo'y nabalitaan sa isang caibigan niya, na
naguing matalic namang caibigan ni doña Victorina, ang malaking
pan~gan~gailan~gan n~g asawa n~g guinoong babaeng ito, ang canyang
pagsinta sa bayang España at ang cagandahan n~g canyang puso. Natanawan
ni don Tiburcio roon ang isang capilas na lan~git, at ipinakiusap na
siya'y ipakilala cay doña Victorina.
Nagkita si doña Victorina't si don Tiburcio. ¡"Tarde venientibus ossa,"
ang biglang sinabi marahil ni don Tiburcio cung marunong sana siyá n~g
latin! Si doña Victorina'y di na masasabing maaariari pa, tunay na di na
maaari; nauwi na lamang ang canyáng malagong buhóc sa isang pusód, na
ayon sa sabi n~g canyáng alilang babae'y ang ulo n~g bawang ang
nacacasinlaki raw, ang m~ga culubót n~g canyang mukha'y tulad sa
dinaanan n~g araro at nagpapasimula na n~g pag-uga ang canyang m~ga
n~gipin, nan~gagdaramdam na rin naman ang canyáng m~ga matá, at malaki
na ang ipinagdamdam, caya't kinacailan~gan na niyáng ga ipikit na n~g
caunti upang macakita sa dacong may calayuan; ang caugalian na lamang
niya ang tan~ging sa canya'y natira.
Nan~gagcaunawaan n~g matapos ang calahating horas na pagsasalitaan, at
nan~gagtanggapan sila. Dahil sa ang ibig niya ang isang castilang hindi
napacapiláy, hindi totoong utal, hindi lubháng upawin, huwag napaca
bun~gi ang m~ga n~gipin na huwag mapacalabis ang pananambulat n~g laway
cung nagsasalita, at magcaroon sana n~g lalong malaking licsi at
"categoria", na gaya n~g caraniwan niyang sabihin; n~guni't ang ganitóng
m~ga bagay na castila'y hindi lumapit cailan man sa canyá upang
ipakiusap na sa canya'y pacasal. Hindi miminsang canyang narin~gig na
"la ocasión la pintan calva" (ilinalarawang walang buhoc sa ulo ang
magaling na pagcacataon), at inacala niyá n~g taimtim sa loob na si don
Tiburcio'y siyang tunay na magaling na pagcacataon, sa pagca't salamat
sa m~ga gabíng lubhang mapighating canyáng dinaanan, maagang nangyayari
sa canyá ang pagcapanot n~g ulo. ¿Sino ang babaeng hindi matalino sa
icatatlompo't dalawang taóng gulang?
Nagdamdam naman si don Tiburcio, sa ganang canyá, n~g hindi mawatasang
pamamanglaw n~g canyáng dilidilihin ang m~ga unang buwan n~g canyang
pag-aasawa na ang caraniwa'y nagtatamasa n~g boong catamisan. N~guni't
caniyang taglay ang pagsang-ayon sa sawing capalaran, at humin~gi siyang
saclolo sa pag-aalaala sa dinaanan at dinaraanan pang gutom cung sacali.
Cailan man ay hindi niya inisip ang luman~goy sa yaman ó magtamo n~g
mataas na catungculan, magagaang na camtan ang canyang m~ga adhica n~g
loob, hindi malalawac ang canyáng m~ga mithi; datapuwa't ang canyang
pusong virgen pa n~g m~ga panahong iyón ay naghan~gad n~g ibang
nacasisintahing lubhà.--Doon sa canyang cabataan, cung pagal na siya sa
cagagawa, pagcatapos na magawa niyá ang dukhang paghapon,
nagpapahin~galay siya sa masamang hihigán upáng tunawin ang "gazpacho",
at natutulog siyang ang napapanag-inip ay isang larawang nacan~giti at
mapagbigay layaw. Pagcatapos, n~g maragdagan ang m~ga sama n~g loob at
m~ga casalatan, nagdaan ang m~ga taón at hindi dumating ang calugodlugod
na larawan, ang inisip na lamang niya'y ang isang mabait na babae,
masipag, mabuting mamahay, na macapagdala sa canya n~g caunting salapi
sa pagcacasal, macapagbigay aliw sa canya sa m~ga pagal n~g paggawa at
manacanacang siya'y cagalitan.--¡tunay, ipinalalagay niyang isang
caligayahan ang m~ga pag-aaway n~g mag-asawa! Datapuwat n~g siya'y
mapilitang maglagalag sa bayanbayan, na ang hinahanap niya'y hindi na
ang cayamanan cung hindi caunti man lamang caguinhawahan sa pamumuhay sa
panahon canyang ipinananatili pa sa daigdig; n~g pucawin sa canya ang
pag-asang macakikita n~g caguinhawahan n~g m~ga balibalitang bigay sa
canya n~g canyang m~ga cababayang galing sa cabilang ibayo n~g dagat,
lumulan siya sa isang sasacyang tun~go sa Filipinas, pinapamugad n~g
layon sa canyang dibdib ang isang calugodlugod na mestiza, sa isang
magandang india na may malalaking matang maitim, napuputos n~g sutla at
m~ga nan~gan~ganinag na m~ga damit, tiguib n~g taglay na m~ga brillante
at guinto at iniaalay sa canya ang pagsinta, ang m~ga coche, at iba pa.
Dumating sa Filipinas at ang boong acala niya'y nasunduan na niya ang
caganapan n~g canyang panag-inip, sa pagca't tinititigan siya n~g may
halong pagtataca n~g m~ga dalagang nacasacay sa m~ga cocheng plateadoong
nagpapasial sa Luneta at Malecón. Datapuwa't n~g siya'y bawian n~g
catungculan, nawala sa canyang panimdim ang mestiza ó ang india, at
linikha naman niya n~g boong hirap ang larawan n~g isang bao, n~guni't
isang baong calugodlugod. Caya n~ga't n~g makita niyang naguiguing
catotohanan ang isang bahagui n~g canyang panaguinip, siya'y namanglaw
n~guni't palibhasa'y taglay niya ang caunting catutubong pagsangayon sa
ano mang nangyayari, sinabi niya ang sa canyang sarili: ¡"Yao'y wala
cung di isang panaguinip lamang, at sa daigdig ay hindi nabubuhay sa
panaguinip"! Sa ganito'y binibigyan niyang capasiyahan ang canyang m~ga
pag-aalinlan~gan: gumagamit siya n~g galapong n~g bigas, pshe! cung
macasal na sila'y ipag-uutos na niyang huwag gumamit; na marami n~g
culubot ang balat, n~guni't ang levita niya'y lalo n~g maraming guisi at
m~ga sursi, na yao'y isang matandang babaeng mapagyabang, mapagpasuco at
asal lalaki, datapuwa't ang gutom ay lalo n~g asal lalaki, lalo n~g
mapagpasuco at lalo pa manding mapagyabang, at bucód sa roo'y caya n~ga
naman catutubo na niya ang pagcamatimyas na ugali, at ¿sino ang
nacacaalam? binabago n~g pagsinta ang m~ga caasalan; na totoong masamang
man~gastila, siya man nama'y hindi rin magaling man~gastila, ayon sa
sinabi sa canya n~g puno n~g Negociado n~g ipagbigay alam sa canya ang
sa canya'y pagbawi n~g catugculan, at bucod sa roo'y ¿ano baga iyon? ¿na
ang babaeng iyo'y isang matandang pan~git at catawatawa? ¡siya nama'y
pilay, wala n~g n~gipin at saca panot pa! Lalong minamagaling pa ni don
Tiburcio ang siya'y mag alaga cay sa siya'y alagaan sa pagcacasakit sa
gútom. Pagca linilibac siyá n~g alin mang caibigan niyá, ito ang canyáng
isinasagot: "Bigyan mo aco n~g pagcain at tawaguin mo acong tan~gá".
Si don Tiburcio'y isa riyan sa caraniwang sinasabing hindi gumagawa n~g
masama cahi't sa isang lan~gaw: mahinhin at walang cayang magtaglay n~g
isang masamang caisipan, siya disi'y nagmisionero n~g m~ga unang
panahón. Hindi nangyaring nacapanagumpay sa canya ang lubos na
paniniwala n~g malaking cataasan, n~g dakilang camahalan at mataas na
cahalagahang sa loob n~g ilang linggo'y cumacapit sa calooban n~g
pinacamalaking bahagui sa canyang m~ga cababayan. Hindi nagcasiya cailan
man sa canyang puso ang magtanim n~g galit; hindi pa siya nacasusumpong
n~g isa man lamang na "filibustero"; wala siyang nakikita cung hindi
m~ga haling na isip na kinakailan~gang agawan n~g pagcabuhay, sacali't
aayaw na maguing halíng pa cay sa canila. N~g pag-acalaang siya'y
pag-usiguin sa harap n~g m~ga hucuman dahil sa pagpapanggap niya n~g
pagca manggagamot, hindi siya naghinanakit, hindi siya dumaing;
kinikilala niya ang catuwiran, at ito lamang ang canyang isinasagót:
¡Datapuwa't kinacailan~gang mabuhay!
Sila n~ga'y napacasal ó nagsiluan ang isa't isa[260], at na pa sa Santa
Ana sila at n~g doon nila lasapin ang catimyasan n~g unang buwan n~g
bagong casal; n~guni't n~g gabi n~g sa canila'y pagcacasal, nagcasakit
si doña Victorina, dahil sa catacottacot na hindi pagcatunaw n~g kinain;
si don Tiburcio'y napasalamat sa Dios, nagpakitang siya'y mairog at
maiguing mag-alaga. Gayón man, n~g icalawang gabi'y ipinakilala niyáng
siya'y lalaking marunong magmahal sa capurihan, at n~g manalamin siya
n~g kinabucasan, n~gumiti n~g boong calungcutan hanggang sa ipakita niya
ang canyang m~ga n~gidn~gid na walang n~gipin: ang cauntia'y may sampong
taón ang canyang itinanda.
Sa lubhang malaking pagcalugod ni doña Victorina sa canyang asawa,
ipinagpagawa niya siya n~g magagaling na m~ga n~giping nailalagay at
naaalis, ipinag-utos sa lalong magagaling na m~ga sastre sa ciudad na
igawa ang canyang asawa n~g lalong magagaling na m~ga casuutan; bumili
n~g m~ga araña at m~ga calesa; nagbilin sa Batan~gan at sa Albay n~g
lalong magagaling na m~ga "pareja" n~g m~ga cabayo, at hanggang sa
pinilit niya si don Tiburciong magcaroon n~g dalawang cabayong handa sa
m~ga tacbuhang darating.
Samantalang binabago niya ang calagayan n~g canyang asawa'y hindi niya
nililimot ang canyang sariling catawan: canyang iniwan ang sayang sutla
at ang barong pinya at ang guinamit niya'y ang pananamit europea;
inihalili niya sa madaling gawing puyod n~g m~ga filipina ang
magdarayang m~ga "flequillo", at sa pamamag-itan n~g canyang m~ga
pananamit na cagulatgulat ang sa canya'y hindi pagcabagay, binigyang
niyang ligalig ang capayapaan n~g tahimic at walang guinagawang m~ga
mamamayan.
Ang canyang asawang cailan ma'y hindi umaalis na naglálakad,--(aayaw si
doña Victorinang makita ang capilayan n~g canyang asawa),--dinádala siya
sa m~ga lugar na walang tao, bagay na ikinahahapis na totoo ni doña
Victorina, palibhasa'y ang ibig niya'y maipagparan~galan ang canyang
asawa sa lalong hayag na m~ga paseo: n~guni't hindi siya umiimic sa
pagpipitagan niya sa m~ga unang buwan n~g catamisan n~g m~ga bagong
casal.
Nagpasimula ang pagbabawas n~g timyas n~g canilang pagsasama, n~g
acalain n~g canyang asawang siya'y pakiusapan tungcol sa "polvos de
arroz" (galapong n~g bigas) at sabihin sa canyang yao'y daya at hindi
catutubo; pinapagcunot ni doña Victorina ang canyang m~ga kilay, at
siya'y tinitigan sa m~ga n~giping nailalagay at naaalis. Hindi na umimic
ang lalaki, at napagwari n~g babae cung alin ang pangpahina sa canya n~g
loob.
Hindi nalao't ang isip niya'y siya'y nagdadalang tao na, at canyang
ipinamalita ang gayong bagay sa lahat n~g canilang m~ga caibigan:
--Acó at si de Espadaña'y cami pasasa "Peñinsula" sa buwang darating;
aayaw acong ipan~ganac dito ang aming anac at tatawaguing
"revolucionario".
Nilagyan niya n~g isang "de" ang apellido n~g canyang asawa; hindi
pinagcacagugulan n~g ano man ang "de"; n~guni't nacapagbibigay
"categoria" (camahalan sa pan~galan). Cung pumifirma siya'y ganito ang
inilalagay niya sa sariling pan~galan: Victorina de los Reyas "de" de
Espadaña; ang "de" de Espadañang ito ang siyang ikinasisira n~g canyang
isip; bagay na hindi nangyaring naalis sa canyang ulo n~g litografong
gumawa n~g canyang m~ga tarjeta at n~g cahi't canyang asawa.
--Cung isa lamang "de" ang aking ilalagay, mawiwicang talagang wala cang
"de", ¡haling!--ang sinabi sa canyang asawa.
Walang licat ang canyang pamamalita n~g guinagawa niyang m~ga paghahanda
sa paglalacbay, pinagsicapan niyang isaulo ang m~ga pan~galan n~g m~ga
duon~gang dinaraanan n~g m~ga sasacyang patun~go sa España, at
nacalulugod na pakinggan siya sa pananalita:--"Aking makikita ang ismo
n~g canal ni Suez; sinasabi ni De Espadañang siya raw lalong maganda, at
nalibot ni De Espadaña ang boong daigdig. "--" Marahil ay hindi na aco
uuwi dito sa lupain n~g m~ga taong gubat, "--" Hindi aco ipinan~ganac
upang matira aco sa lupaing ito; lalo pang nababagay sa akin ang Aden ó
Port Said: musmos pa aco'y gayon na ang aking caisipan," at iba pa.
Pinagbabahagui ni doña Victorina ang daigdig, sa canyang "geografía," sa
Filipinas at España, na naiiba naman sa m~ga chulo (m~ga taong han~gal
sa Madrid) na binabahagui ang daigdig sa España at America ó China sa
ibang pan~galan.
Nalalaman n~g canyang asawang ang ilang sa m~ga bigay na iyo'y m~ga
cahalin~gan, n~guni't hindi umiimic at n~g huwag siyang masigawan at
maipamukha sa canya ang canyáng cautalan. Nagpacunwari si doña
Victorinang siya'y naglilihi, at nagpahumaling sa pagsusut n~g m~ga
damit na sarisari ang m~ga culay, nagbalot n~g m~ga bulaclac at n~g m~ga
sintas at nagpapasial na nacabata sa Escolta, datapuwa't ¡oh casaliwaang
palad! nagdaan ang tatlong buwan at nalugnaw ang panag-inip, at sa
pagca't wala n~g dapat ipan~gilag upang huwag maguing revolucionario ang
anac na lalaki, hindi na niya ipinatuloy ang paglalacbay. Ang
kinahiligan nama'y ang pagtatanong sa m~ga manggagamot, m~ga hilot, m~ga
matatandang babae't iba pa, datapuwa't nawalang cabuluhan; siyang aayaw
pasaclolo sa can~gino mang santo ó santa, at canyang nililibac si San
Pascual Bailon, bagay na totoong ikinahahapis ni capitang Tiago; caya
n~ga't sa canya'y sinabi n~g isang caibigan n~g canyang asawa:
Maniwala po cayo sa akin, guinoong babae, cayo po ang bugtong na may
"espiritu fuerte" (matapang na diwa) sa nacayayamot na lupang ito!
Siya'y n~gumiti baga man hindi niya nauunawa cung ano ang "espiritu
fuerte" at pagcagabi, sa oras n~g pagtulog, itinanong cung ano ang
cahulugan niyon sa canyang asawa.
--Guiliw co,--ang isinagot nito,--ang nalalaman cong e ... espiritu
fuerte ay ang "amoniaco;" isang "re ... retórica" (bulaclac n~g
pananalita) lamang marahil ang sinabi n~g aking caibigan.
Buhat niyó'y sinasabi niya cailan ma't maaari:
--Aco ang bugtong na amoníaco sa lubhang nacayayamot na lupaing ito, sa
pananalitang retórica; gayon ang sinabi ni Guinoong N. de N., peninsular
na totoong mataas ang "categoria".
Ang bawa't maibigan niyá'y kinacailan~gang gawin; totoong napasuco
niyang lubos ang canyang asawa, na hindi naman nagpakita n~g malaking
pagsalangsang sa canya, na ano pa't naguing cahalimbawang tunay n~g
isáng ásong maliit na sumusunod sa bawa't maibigan ni doña Victorina.
Cung guinagalit siya'y hindi pinahihintulutang siya'y macapagpasial, at
cung totoong siya'y pinapagn~gin~gitn~git, inaagaw cay don Tiburcio ang
postizong m~ga n~gipin at pinababayaan siyang magmukhang cagulatgulat sa
isa ó ilang araw caya, ayon sa maisipan.
Naisipan ni doña Victorinang dapat maguing doctor sa Medicina at sa
Cirugía ang canyang asawa, at ipinaunawa niya cay don Tiburcio ang bagay
na ito.
--¡Guiliw co! ¿ibig mo bang aco'y dacpin?--ang tanong na nagugulat.
--¡Huwag ca sanang báliw, pabayaan mo't aco ang nacacaalam!--ang
isinagót,--hindi ca manggagamot can~gino man, datapuwa't ibig cong
tawaguin ca nilang doctor acó'y doctora, ¡halá!
At kinabucasa'y tumanggap si Rodoreda n~g biling iukit sa isang losa n~g
maitim na mármol ang ganito: Dr. DE ESPADAÑA, ESPECIALISTA EN TODA CLASE
DE EMFERMEDADES (manggagamot na tan~gi sa lahat n~g bagay na sakít).
Ipinag-utos sa lahat n~g m~ga lingcód nila sa bahay na itawag sa canilá
ang canilang m~ga bagong titulo, at dahil dito'y naragdagan ang bilang
n~g m~ga flequillo, cumapál ang pahid na polvos de arroz, at dumami ang
m~ga cintas at ang m~ga encaje, at lalo n~g tiningnang n~g malaking
pagpapawalang halaga ang canyang m~ga aba at culang palad na m~ga
cababayang babae, na ang m~ga asawa'y mababa ang camahalan cay sa
canyang asawa. Bawa't araw na magdaan ay nararamdaman niyang lalong
naguiguing mahal at lalong tumataas siya, at cung magpapatuloy ang
gayong calacarán, paguiguing isang taó'y sasapantahain na niyang siya'y
calahi n~g Dios.
Hindi nacahahadlang ang m~ga dakilang caisipang itó, na hanggang
nagdaraan ang araw ay lalo siyang tumatanda at lalong nagmumukhang
catawatawa. Cailan mang masasalubong niya si capitáng Tiago at maaalaala
niyang nawalang cabuluhan ang pan~gin~gibig sa canya nitó, pagdaca'y
nagpapadala siya n~g piso sa Simbahan sa pamisa, bilang pasasalamat.
Gayón ma'y iguinagalang na totoo ni capitang Tiago ang canyang asawa
dahil sa título na pagca manggagamot sa lahat n~g bagay na sakít, at
canyang pinakíkinggang magaling ang m~ga ilang salitang canyang
naipan~gun~gusap dahil sa canyang cautalán. Dahil dito, at dahil sa
hindi dumadalaw ang manggagamot na ito sa can~gino man, hinirang siya ni
capitang Tiago upang siyang gumamot sa canyang anac na babae.
Cung tungcól sa binatang Linares ay iba na. N~g gumagayac n~g pagpasa
España, inacala ni doña Victorina ang maglagay n~g isáng
tagapan~gasiwáng castila, sa pagca't walang tiwala siya sa m~ga filipino
naalaala n~g canyang asawa ang isang pamangking na sa Madrid, na
nag-aaral n~g pag-aabogado at ipinalalagay na siyang pinacamatalas ang
caisipan sa lahat n~g m~ga magcacamag-anac sinulatan n~ga siya, na
ipinagpauna ang bayad sa sasacyan n~g pagparito, at naglalacbay-dagat na
siyang dito ang tumpá, n~g mapugnaw ang pananag-inip tungcol sa
pagdadalang tao.
Ang tatlong guinoong ito ang siyang bagong cararating.
Samantalang cumacain sila n~g pan~galawang agahan, dumating si pari
Salví, at sa pagcá't siyá'y cakilala na n~g mag-asawa, ipinakilala nila
sa canyá, sampo n~g m~ga tagláy na carapatán n~g binátang si Linares, na
nagdamdam cahihiyan.
Ayon sa caugalia'y si María Clara ang siyáng pinag-usapan; ang dalaga'y
nagpapahin~galay at natutulog. Napagsalitaanan ang tungcol sa
paglalacbáy: ipinagparan~galan ni doña Victorina ang canyang catabilán
sa pagpintas sa m~ga tagalalawigan, sa canilang m~ga bahay na pawid, sa
canilang m~ga tulay na cawayan, na hindi kinalimutang sabihin sa cura
ang pagca sila'y m~ga caibigan n~g Segundo Cabo, n~g Alcaldeng si gayón,
n~g Oldor na si ganyán, n~g Intendente at iba pa, m~ga táong pawang
matataas na totoong naaalang-alang sa canila.
--Cung naparito po sana cayo camacalawa, doña Victorina,--ang isinunód
ni capitang Tiago, pagcatapos n~g isáng sandaling pagtahimic n~g
usapan,--inyó po sanang nacatagpo ang marilag na Capitan General: diyan
siya nacaupo.
--¿Anó? ¿Paano? ¿Naparito ba ang capitang General? ¿At dito sa inyong
bahay? ¡Casinun~galin~gan!
--¡Sinasabi co po sa inyong diyan siya nacaupo! Cung naparito pó sana
cayó camacalawa....
--¡Ah! sáyang na hindi nagcasakit agád si Clarita!--ang bigláng sinabi
niyang taglay ang túnay na pagdaramdam, at saca pinagsabihan si Linares:
--¿Narin~gig mo na, pinsan? ¡Dírito ang Capitán General! ¿Nakita mo na
cung totoo ang sabi ni De Espadaña, n~g sabíhin sa iyóng ang paroroonan
mo'y hindi bahay n~g isang waláng cabuluhang indio? Sa pagca't
talastasin po ninyo na ang aming pinsa'y n~g nasa Madrid ay caibigan n~g
m~ga ministro at n~g m~ga duque, at doon cumacain sa bahay n~g conde del
Campanario.
--N~g duque de la Torre, Victorina,--ang isinala n~g canyang asawa.
--Gayon din lamang iyon, ¿icaw pa ba naman ang magsasabi sa akin?...
--¿Mararatnan co po caya si pari Damaso sa canyang bayan?--ang
isinalabat ni Linares, na si pari Salvi ang kinacausap;--malapit daw
rito ang sabi sa akin.
--Aba, naririto siya n~gayon at hindi malalao't siya'y paririto,--ang
isinagot n~g cura.
--¡Gaano calaki ang aking tuwa! may dala acong sulat na ucol sa
canya,--ang biglang sinabi n~g binata,--at cung hindi lamang sa ganitong
maligayang pagcacataon n~g pagparito cong ito, nagsadya disin pa aco n~g
pagparito upang siya'y aking dalawin.
Samantala'y naguising ang "maligayang" pagcacataon.
--¿De Espadaña?--ani doña Victorina n~g matapus ang pagcain,--ating
titingnan na si Clarita?--At saca sinabi cay capitang Tiago: ¡Dahil sa
inyo lamang, don Santiago; dahil sa inyo lamang! Hindi gumagamot ang
aking asawa cung di sa m~ga matataas na tao lamang, at iyon pa man, iyon
pa man! ¡Hindi cawan~gis ang aking asawa n~g m~ga taga rito!... hindi
siya nanggagamot sa Madrid cung hindi sa m~ga taong matataas lamang.
Tinun~go nila ang kinalalagyan n~g may sakit na babae.
Halos n~gitn~git n~g dilim ang silid na kinalalagyan n~g may sakit,
nacalapat ang m~ga bintana, dahil sa pan~gan~ganib sa hihip n~g han~gin,
at nanggagaling ang bahagyang liwanag doon sa dalawang malalaking
candilang pagkit na nakatiric at nagninin~gas sa harap n~g isang larawan
n~g Virgen sa Antipolo.
Nabibigkisan ang ulo n~g isang panyong basa n~g Agua de Colonia,
nababalot na mabuti ang catawan sa mapuputing cumot na may saganang m~ga
ticlop, na siyang tumatakip sa canyang pagca anyong virgen, nacahiga ang
dalaga sa canyang catreng camagong na napapamutihan n~g m~ga cortinang
jusi at pinya.
Ang canyang m~ga buhoc na nacaliliguid sa mukha niyang tabas itlog ang
nacararagdag n~g gayong nan~gan~ganinag na pamumutla, na binibigyang
buhay lamang n~g malalaking m~ga matang puspos n~g calungcutan. Na sa
canyang siping ang canyang dalawang caibigang babae at si Andeng na may
babae na isang san~ga n~g azucena.
Pinulsuhan siya ni De Espadaña, siniyasat ang canyang dila, tinanong
siya n~g ilan, at saca nagsalitang iiling iling:
--¡I ... ito'y may sakit, n~guni't maaring gumaling!
Minasdan ni doña Victorina n~g boong calakhan n~g loob ang m~ga
nalilimpi.
--¡Liqueng may cahalong gatas sa umaga, jarabe de altea, dalawang
pildora n~g sinoglosa!--ang ipinag-utos ni De Espadaña.
--Lacsan mo ang iyong loob, Clarita,--ang sabi ni doña Victorina na sa
canya'y lumapit; naparito cami't n~g gamutin icaw ... ¡Ipakikilala co sa
iyo ang pinsan namin!
Nawiwili si Linares sa panonood sa m~ga calugodlugod na m~ga mata ni
María Clara, na anaki'y may isang hinahanap, caya't hindi niya narin~gig
ang sa canya'y pagtawag ni doña Victorina.
--Guinoong Linares--ang sa canya'y sinabi n~g cura, na ano pa't pinucaw
siya sa canyang pagcawili sa panonood;--narito na si pari Damaso.
At tunay n~ga namang dumarating si pari Damaso, na namumutla at ga
nalulungcot na; pagbaban~gon niya sa higaa'y si Maria Clara ang unang
canyang dinalaw. Hindi na siya ang dating pari Damaso, na totoong mataba
at mapag-aglahi; n~gayo'y lumalacad na walang imic at anyong
hahapayhapay.