Hindi sumagot ang alférez, at ang guinawa'y tinawag ang "asistente."

--Dalhin mo ang babaeng ito,--anya;--¡pabigyan mo siya cay Marta n~g

ibang baro at sabihin mo tuloy na gamutin! Pacanin mo siyang magaling at

bigyan mo n~g isang magaling na higaan ... ¡icaw ang bahala, pagca

siya'y inyong pinaglupitan! Bucas ay ihahatid siya sa bahay ni guinoong

Ibarra.

Pagcatapos ay sinarhang mabuti ang pintuan, inilagay ang talasoc at saca

lumapit sa canyang asawa.

--¡Naghahanáp icaw na basaguin co ang mukha mo!--ang sa canya'y sinabing

nacasuntoc ang m~ga camay.

--¿Ano ang nangyayari sa iyo?--ang tanong n~g babae na tumindig at

umurong.

--¿Ano ang nangyayari sa akin?--ang sigaw n~g tinig na cahawig n~g

culog, casabay n~g isang tun~gayaw, at pagcatapos na maituro sa babae

ang isang papel na puspos n~g sulat na tila cahig n~g manoc, ay

nagpatuloy n~g pananalita:

--¿Hindi mo ba ipinadala ang sulat na ito sa Alcalde, at iyong sinabing

pinagbabayaran aco upang aking ipahintulot ang sugal, babaeng p--?

¡Aywan co cung bakit hindi pa kita linûlusay!

--¡Tingnan natin! ¡tingnan natin cung macapan~gan~gahas ca!--ang sinabi

sa canya n~g babaeng nagtátawa't siya'y linilibac;--¡ang lulusay sa

aki'y isang malaking totoo ang cahigtan n~g pagcalalaki sa iyo!

Narinig n~g alférez: ang gayong alimura, n~guni't namasdan niya ang

látigo. Dumampot n~g isang pinggan sa m~ga na sa ibabaw n~g isang mesa,

at ipinukol sa ulo n~g asawa: ang babaeng dating bihasa na sa ganitong

pakikiaway, agad-agad yumucod, at ang pingga'y sa pader tumama at doon

nabasag; gayon din ang kinahangganan n~g isang mangcoc at n~g isang

cuchillo.

--¡Duwag!--ang sigaw n~g babae,--¡hindi ca macapan~gahas lumapit!

At linurhan ang alférez upang ito'y lalong magn~gitn~git. Pinagdimlan

ang lalaki at umaatun~gal na hinandulong ang babae; n~guni't hinaplit

nito n~g caguilaguilalas na caliksihan ang mukha n~g lalaki at saca

sumagasang tumacbong tuloytuloy sa canyang silid, at biglang sinarhan

n~g malacas ang pinto. Hinabol siya n~g alférez, na humahagoc sa galit

at sa sakit n~g palong tinanggap, n~guni't walang nasunduan cung di

mapahampas sa pintò, bagay na sa canya'y nagpabulalas n~g m~ga

tun~gayaw.

--¡Sumpaín nawà ang iyong angcan, babaeng baboy! ¡Bucsán mo, p--p--,

bucsan mo, sa pagca't cung hindi'y babasaguin co ang iyong bun~gô!--ang

iniaatun~gal, at kinacalabog ang pinto n~g canyang m~ga suntoc at sicad.

Hindi sumasagot si doña Consolación. Nariri~ngig sa dacong loob ang

calampagan n~g m~ga silla at m~ga baul, na anaki mandin nagtatayo n~g

isang cutà sa pamamag-itan n~g m~ga casangcapang-bahay. Yumayanig ang

bahay sa m~ga sicad at m~ga tun~gayaw n~g lalaki.

--¡Huwag cang pumasoc! ¡huwag cang pumasoc!--ang sabi n~g maasim na

tinig n~g babae; ¡papuputucan co icaw pagca sumun~gaw ca!

Tila mandin untiunting pumapayapa ang lalaki, at nagcasiya na lamang

siya sa magpalacadlacad n~g paroo't parito sa magcabicabilang dulo n~g

salas, na ang isang halimaw na na sa sa jaula ang catulad.

--¡Pasalansan~gan ca't magpalamig icáw n~g ulo!--ang patuloy na paglibac

n~g babae, na tila mandin nacatapos na n~g pagtatayo n~g caniyang

pangsangalang na cutà.

--¡Isinusumpa co sa iyo, na pagca kita'y nahaguip, cahi't ang Dios ay

hindi ca makikita, salaulang babaeng p--!

--¡Oo! masasabi mo na ang ibiguin!... ¡aayaw cang aco'y magsimba! ¡aayaw

mo acong bayaang gumanap sa Dios!--ang sabi n~g boong capalibhasaang

siya lamang ang marunong gumawà.

Dinampot n~g alférez ang canyang capacete, naghusay n~g caunti, at saca

umalis na ang hakbang ay malalaki, datapwa't pagcaraan n~g ilang

sandali'y dahandahang bumalic: siya'y nag-alis n~g canyang m~ga bota.

Palibhasa'y bihasang macapanood ang m~ga alila roon n~g m~ga ganitong

pangyayari, caraniwang sila'y inaabot n~g yamot, n~guni't canilang

pinagtakhan ang pag-aalis n~g m~ga bota, bagay na hindi dating

guinagawa, caya't nan~gagkindatan ang isa't isa.

Naupo ang alférez sa isang silla, sa tabi n~g dakilang pinto, at

nacapagtiis na maghintay roon n~g mahiguit na calahating oras.

--¿Tunay bagang umalis ca na ó naririyan ca pa, lalaking cambing?--ang

tanong na manacanaca n~g tinig, na pinagbabagobago ang lait, n~guni't

nalalao'y ilinalacas.

Sa cawacasa'y untiunting inalis niya ang m~ga casangcapang ibinunton sa

tabi n~g pinto: naririnig n~g lalaki ang calampag, caya't siya'y

n~gumin~giti.

--¡Asistente! ¿umalis na ba ang pan~ginoon mo?--ang sigaw ni doña

Consolación.

Sumagot ang asistente sa isang hudyat n~g alférez:

--Oo po, guinoo, umalis na.

Narin~gig ang masayang tawa n~g babae, at saca hinugot ang talasoc n~g

pinto ...

Isang sigaw, ang calabog n~g catawang natutumba, m~ga sumpa, atun~galan,

m~ga tun~gayaw, m~ga hampas, m~ga tinig na paós ... ¿Sino ang

macapagsasaysay n~g nangyari sa cariliman n~g silid na tulugan?

Ang asistente ay napasapanig n~g bahay na pinaglulutuan, at nagbigay sa

tagapagluto n~g isang hudyat na macahulugan.

--¡At icaw ang magbabayad!--ang sinabi sa asistente n~g tagapagluto.

--¿Aco? ¡Cung sacali'y ang bayan ang siyang magbabayad! Itinanong niya

sa akin kung umalis na: tunay; n~guni't bumalik.

=XL.=

=ANG CATUWIRA'T ANG LACAS.=

Niyao'y may icasampong oras na n~g gabi. Nanghihinamad na napaiimbulog

at nagnining sa madilim na lan~git ang ilang globong papel, na

ipinaitaas sa pamamag-itan n~g asó at n~g han~ging pinainit. Ang ilang

m~ga globong pinamutihan n~g m~ga bomba't coetes ay nan~gasunog at

isinasapan~ganib ang lahat n~g bahay; dahil dito'y may nakikita pang

m~ga tao sa m~ga palupo, na may m~ga dalang isáng mahabang cawayang sa

dulo'y may nacacabit na basahan at saca isang baldeng tubig.

Naaaninagnagan ang maiitim nilang anyo sa malamlam na liwanag n~g

impapawid, at ang cahalimbawa nila'y m~ga fantasmang mula sa alang-alang

na nanaog upang manood n~g m~ga casayahan n~g m~ga tao. Sinusuhan din

naman ang maraming m~ga "rueda", m~ga "castillo", m~ga toro ó m~ga

calabaw na apoy, at isang malaking volcang sa ganda at cadakilaa'y

linaluan ang calahatlahatang nakita hanggang sa panahong iyon n~g m~ga

taga San Diego.

N~gayo'y tumutun~go ang caramihang m~ga tao sa dacong plaza n~g bayan,

upang panoorin ang huling palalabasin sa teatro. Dito't doo'y may

nakikitang m~ga ilaw n~g Bengala (luces de Bengala), na siyang

lumiliwanag n~g catacataca sa masasayang m~ga pulutong; gumagamit ang

m~ga bata n~g m~ga sigsig sa paghahanap n~g m~ga bombang hindi pumutoc,

at iba pang m~ga labí na mangyayari pang gamitin, datapuwa't tumugtog

ang música n~g isang palatandaan, at n~g magcagayo'y linisan n~g lahat

ang capatagang iyon.

Mainam na totoo ang pagcacapaliwanag sa tablado, libolibong m~ga ilaw

ang nacaliliguid sa m~ga haligui, nacabitin sa bubun~gan, at nasasabog

sa sahig na masinsin ang pagcacapulupulutong. Isáng alguacil ang siyáng

nag-aalaga n~g m~ga ilaw na iyón, at pagca napaparoon at n~g mapagbuti

ang m~ga ilaw na cucutapcutap, siya'y pinagsusutsutanan at sinisigawan

n~g madla;--¡Nariyan na, nariyan na siyá!

Sa haráp n~g escenario (palabasan) ay pinagtotonotono n~g orquesta ang

canilang m~ga instrumento, ipinaririn~gig ang m~ga pan~gunahin n~g m~ga

tugtuguin; sa licuran n~g orquesta'y naroroon ang lugar na sinasabi n~g

corresponsal sa canyáng sulat. Ang caguinoohan sa bayan, ang m~ga

castila at ang m~ga mayayamang dayo'y nan~gagsisiupo na sa nahahanay na

m~ga silla. Ang bayan, ang m~ga taong walang catungculan at walang m~ga

dan~gal na caloob n~g pamahalaa'y siyang nacalalaganap sa nan~gatitirang

lugar sa plaza; may pas-ang bangco ang m~ga iba, na ang caraniwa'y hindi

n~g upuan cung di n~g bigyang cagamutan ang pagca pandac:

pinanggagalin~gan ang ganitóng gawâ n~g maiin~gay na m~ga pagtutol n~g

m~ga walang bangco; pagcacagayo'y nan~gagsisipanaog agad-agad ang m~ga

nacatayo sa bangco; n~guni't hindi nalalao't sila'y muling pumapanhic,

na parang walang ano mang nangyari.

M~ga pagpaparoo't parito, m~ga sigawan, m~ga in~gayan sa pagtataca, m~ga

halakhacan, isáng huli na sa panahóng "buscapié", isang "reventador" ang

siyang nan~gagdáragdag n~g cain~gayan. Sa daco rito'y may nababaling paa

n~g isáng bangco at nan~gahuhulog sa lupa, sa guitna n~g tawanan n~g

caramihan, ang m~ga taong nanggaling sa malayo at n~g macapanood ay

n~gayo'y siyang naguiguing panoorin; sa daco roo'y nan~gag-aaway sa

pagpapan~gagaw sa lugar; sa dacong malayo pa roo'y may naririn~gig na

isáng calampagan n~g nababasag na m~ga copa at m~ga botella: yao'y si

Andeng na may daláng m~ga alac at m~ga pangpatid uhaw; main~gat na

tan~gan n~g dalawang camay ang malapad na bandeja, n~guni't canyang

nacasalubong ang sa canya'y nan~gin~gibig, na nag-acalang magsamantala

n~g gayong calagayan ...

Nan~gun~gulo sa pamamanihala at cahusayan n~g panoorin ang teniente

mayor na si don Filipo; sa pagca't malulugdin sa "monte" ang

gobernadorcillo. Ganito ang sabi ni don Filipo cay matandang Tasio:

--¿Ano caya ang mabuti cong gawin?--ang sabi niyá;--hindi tinanggap n~g

Alcalde ang pagbibitíw co n~g catungculan;--"¿inaacala po ba ninyóng

salá't cayó sa lacás sa pagganap n~g inyóng m~ga catungculan?"--ang

itinanóng sa akin.

--At ¿ano ang inyong isinagot?

--¡Guinoong Alcalde!--ang aking isinagot;--ang m~ga lacas n~g isang

teniente mayor, cahi't magpacawalawalang capacanan, pawang catulad n~g

m~ga lacas n~g lahat n~g m~ga pinuno: nanggagaling ang m~ga lacas na

iyan sa m~ga matataas na pinunò. Tinatanggap n~g cahi't hari man ang

canyang m~ga lacas sa bayan at tinatanggap naman n~g bayan sa Dios ang

canyang lacas. ¡Itong bagay na ito pa naman ang wala sa akin, guinoong

Alcalde!--Datapuwa't hindi aco pinakingan n~g Alcalde, at sinabi sa

aking pag-uusapan na raw namin ang m~ga bagay na ito pagca tapos n~g

m~ga fiesta.

--¡Cung gayo'y tulun~gan nawa cayo n~g Dios!--ang sinabi n~g matanda, at

nag-acalang umalis.

--¿Aayaw po ba cayong manood n~g palabas?

--¡Salamat! hindi co kinacailan~gan ang sino man sa pananaguinip at sa

paggawa n~g m~ga caululan, sucat na acong mag-isa,--ang isinagot n~g

filósofong calakip ang isang tawang palibac;--datapuwa't n~gayo'y

naalaala co, ¿hindi ba tinatawag ang inyong paglilining n~g caugalia't

hilig n~g ating bayan? Payapa, n~guni't malulugdin sa m~ga panooring

nauucol sa m~ga pagbabaca at sa m~ga labanang sumasabog ang dugò, ibig

ang pagcacapantay-pantay, datapuwa't sumasamba sa m~ga emperador, sa

m~ga hari at sa m~ga príncipe; hindi mapagpitagan sa religión, n~guni't

iniwawaldas ang pamumuhay sa m~ga walang cabuluhang pag paparan~galan sa

m~ga fiesta; ang m~ga babae rito sa atin ay may caugaliang matimyas,

n~guni't nan~gahahaling pagca nacacakita n~g isang princesang

nagpapa-ikit n~g sibat ... ¿nalalaman po ba ninyo cung ano ang

cadahilanan nito? Talastasin po ninyong dahil sa....

Pinutol ang canilang salitaan n~g pagdating ni María Clara at n~g

canyang m~ga caibigang babae. Tinanggap sila ni don Filipo, at sinamahan

sila sa canicanilang upuan. Sumusunod sa canila ang curang may casamang

isa pang franciscano't ilang m~ga castila. Casama rin naman n~g cura ang

ilang m~ga mamamayang ang hanap-buhay umalacbay tuwina sa m~ga fraile.

--¡Bigyang pala nawà sila n~g Dios naman sa cabilang buhay!--anang

matandang Tasio, samantalang lumalayo.

Pinasimulan ang palabas cay Chananay at cay Marianito, sa pagcanta n~g

"Crispino e la comare". May m~ga mata at may pakinig ang lahat n~g na sa

escenario, liban lamang sa isá: si párì Salvi. Tila mandin walang

sinadyâ n~g nagbibigay paroon cung di bantayan si María Clara, na ang

tinataglay na cahapisa'y nagbibigay sa canyang cagandahan n~g isang

anyong cahimahimalá sa ningning at cahalagahan, na ano pa't

napagwawaring tunay n~g ang may catuwirang siya'y panoorin n~g boong

pagliyag. N~guni't hindi nan~gagsasaysay n~g pagliyag ang m~ga mata n~g

franciscano, na lubhang natatago sa malalim na hungcag na kinalalagyan

n~g canyang m~ga panin~gin; nababasa sa m~ga titig na iyon ang isang

bagay na cahapisang may malaking pagn~gin~gitn~git: ¡gayon marahil ang

m~ga mata ni Caín sa panonood, buhat sa malayo, n~g Paraiso, n~g m~ga

caligayahan, doo'y ipinakilala sa canya n~g canyang ina!

Nagtátapos na ang "acto" (bahagui) n~g pumasoc si Ibarra;

pinanggalin~gan ang pagdating niya roon n~g isang bulungbulun~gan: siya

at ang cura ang siyang pinagtinin~gan n~g pagpansin n~g lahat.

Datapuwa't parang hindi nahiwatigan n~g binata ang bagay na iyon, sa

pagca't bumati siya n~g walang kimì cay María Clara at sa canyang m~ga

caibigang babae, at naupo sa tabi n~g canyang casintahan. Si Sinang ang

tan~ging nagsalitâ:

--¿Pinanood mo ba ang volcan?--ang initanong.

--¿Hindi caibigan? ako'y napilitang aking samahan ang Capitan General.

--Cung gayo'y ¡sayang! Casama namin ang cura, at sinasaysay sa amin ang

m~ga naguing buhay n~g m~ga napacasama; ¿nakita mo na? tacutin cami at

n~g huwag caming macapagsaya, ¿nakita mo na?

Nagtindig ang cura at lumapit cay don Filipo, na tila mandin canyang

pinakipagtalunan n~g masilacbo. Mainit ang pananalita n~g cura,

mahinusay naman at mahina ang pananalita ni don Filipo.

--Dinaramdam co pong hindi aco macapagbigay-loob sa inyo; ang sabi ni

don Filipo;--si guinoong Ibarra'y isa sa m~ga lalong malalaki ang ambag,

at may catuwirang macalagay rito samantalang hindi nanggugulo n~g

capayapaan.

--¿N~guni't hindi ba panggugulo n~g capayapaan ang magbigay casalanan sa

mabubuting m~ga cristiano? ¡Iya'y isang pagpapabayang macapasoc ang

isang lobo sa cawan n~g m~ga mababait na tupa. ¡Sasagot ca sa bagay na

ito sa harap n~g Dios at sa harap n~g m~ga matataas na puno!

Cailan man po'y nananagot aco, padre, sa lahat n~g m~ga gawang bucal sa

aking sariling calooban,--ang isinagot ni don Filipo na yumucod n~g

caunti;--datapuwa't hindi binibigyang pahintulot aco n~g aking maliit na

capangyarihang makialam sa m~ga bagay na nauucol sa religión. Ang m~ga

nag-iibig man~gilag na canyang macapanayam ay huwag makipagsalitaan sa

canya: hindi naman namimilit si guinoong Ibarra canino man.

--¡N~guni't isáng pagbibigay puang sa pan~ganib, at cung sino ang

umiibig sa pan~ganib ay sa pan~ganib namamatay!

--Wala acóng nakikitang anó mang pan~ganib, padre: ang guinoong Alcalde

at ang Capitan General, na aking m~ga punong matataas, capuwa

nakipag-usap sa canyá sa boong hapong itó, at hindi n~ga acó ang sa

canila'y magpapakilalang masama ang canilang guinawa.

--Cung hindi mo siyá palalayasin dito'y cami aalis.

--Daramdamin cong totoo, datapuwa't hindi aco macapagpapalayas dito sa

canino man.

Nagsisi ang cura sa sinabi, n~guni't wala n~g magawa. Humudyát sa

canyáng casama, na nagtindig na masama ang loob, at capuwa sila umalis.

Guinagád silá n~g m~ga taong caniláng cacampí, baga man inirápan muna

nila n~g boong pagtataním si Ibarra.

Napuspos ang ugong n~g m~ga bulungbulun~gan at salisalitaan: n~g

magcagayo'y nan~gagsilapit at nan~gagsibati sa binatang si Ibarra ang

ilang m~ga tao, at sinabi sa canyá:

--¡Sumasainyo cami; huag po ninyóng pansinin ang m~ga iyán!

--¿Sinong m~ga "iyan"?--ang itinanong na nagtátaca.

--¡Iyang m~ga nagsialis at n~g mapan~gilagan ang macapanayam po ninyo!

--¿At n~g mapan~gilagan ang aking pakikipanayam? ¿ang aking

pakikipanayam?

--¡Opo! ¡anila'y excomulgado raw po cayó!

--Sa pagtatacá ni Ibarra'y hindi naalaman cung anó ang sasabihin, at

lumin~gap sa canyáng paliguid. Canyáng nakita si María Clara na

tinatacpan ang mukha n~g canyáng abanico.

--N~guni't ¿ito baga'y dapat cayang mangyari?--ang sa cawacasa'y bigláng

sinabi n~g malacás;--¿casalucuyan bang na sa unang panahón tayo n~g

cadilimán? Sa macatuwid baga'y....

At lumapit sa m~ga dalaga, at binago ang anyo n~g pananalitâ.

--Pagpaumanhinan ninyó acó,--anyá,--nacalilimot acóng mayroon paláng sa

aki'y naghihintay na aking catipán; magbabalic acó at n~g cayo'y aking

masamahan.

--¡Huwag cang umalís!--ang sa canya'y sinabi ni Sinang;--sasayaw si

Yeyeng sa "La Calandria"; ¡totoong calugodlugod sumayaw!

--Hindi maaari, caibigan co, datapuwa't aco'y bábalic.

Lalong lumala ang m~ga bulungbulun~gan.

Samantalang lumalabas si Yeyeng na nacasuot "chula" at sinasabi ang "Da

usté su permiso?" ("¿Ipinagcacaloob po ba ninyo ang inyong pahintulot?")

at sinasagot siya ni Carvajal n~g "Pase usté adelante" ("Tumuloy po

cayo") at iba pa, nan~gagsilapit ang dalawang sundalo n~g guardia civil

cay don Filipo at hinihin~ging ihinto ang pagpapalabas.

--¿At bakit?--ang tanong ni don Filipo na nagtataca.

--Sa pagca't nagsuntucan ang alférez at ang guinoong babae ay hindi sila

macatulog.

--Sabihin po ninyo sa alférez, na binigyan cami n~g capahintulutan n~g

Alcalde Mayor, at "wala sino man" sa bayang may capangyarihan

sumalangsang sa capahintulutang ito, cahi't ang gobernadorcillo man, na

siyang tan~gi cong mataas na puno.

--¡Talastasin ninyong kinakailan~gang itiguil ang palabas!--ang inulit

n~g m~ga sundalo.

Tinalicdan sila ni don Filipo. Nan~gagsialis ang m~ga guardia.

Hindi sinabi canino man ni don Filipo ang nangyaring ito at n~g huwag

magulo ang catahimican.

N~g matapos na ang bahaguing iyon n~g zarzuela na totoong

pinagpurihanan, lumabas naman ang Príncipe Villardo, at hinahamon n~g

away ang lahat n~g m~ga morong pumipiit sa canyang amá; pinagbabalaan

sila n~g bayaning puputlan silang lahat n~g úlo, at ang m~ga ulong ito'y

ipadadala sa buwan. Sa cagalin~gang palad n~g m~ga moro, na

nan~gagsisipaghanda na sa labanang tinutugtugan n~g "himno de Riego", ay

siyang pagcacaroon n~g isang gulo. Biglang nagsihinto n~g pagtugtog ang

m~ga bumubuo n~g orquesta at canilang linusob ang teatro, pagcatapos

maipaghaguisan ang canilang m~ga instrumento. Ang matapang na si

Villardo, na hindi inaacalang man~gagsisirating ang m~ga taong iyong,

canyang ipinalagay na cacampi n~g m~ga moro, inihaguis naman ang canyang

espada at escudo at saca bumigay n~g tacbo; nang makita n~g m~ga morong

tumatacas ang cakilakilabot na cristianong iyon, hindi sila

nag-alinlan~gang siya'y canilang gagarin: may naririn~gig na m~ga

sigawan, m~ga daing, tun~gayawan, m~ga salitang capusun~gan,

nagtatacbuhan ang m~ga tao, nan~gamatay ang m~ga ilaw, ipinaghahaguisan

sa impapawid ang m~ga vaso n~g ilaw, at iba pa.--¡M~ga tulisan! ¡M~ga

tulisan!--ang sigaw n~g m~ga iba.--¡Sunog! ¡sunog! ¡m~ga

magnanacaw!--ang sigawan naman n~g m~ga iba; nan~gagsisitan~gis ang m~ga

babae't ang m~ga musmos, gumugulong sa lupa ang m~ga banco at ang m~ga

nanonood, sa guitna n~g ligalig, pagcacain~gay at caguluhan.

¿Ano ang nangyari?

Ilinagad n~g dalawang guardia civil na may tan~gang pamalo ang m~ga

músico at n~g pahintuin ang pinalalabas; sila'y narakip, baga man

nagsisilaban, n~g teniente mayor, na casama ang caniyang m~ga

cuadrillerong ang dalang sandata'y ang canilang m~ga lumang sable.

--¡Inyong ihatid sila sa tribunal!--ang sigaw ni don Filipo,--cayó ang

bahala pagca sila'y nacawala!

Bumalic na si Ibarra at canyang hinanap si María Clara. Nan~gagsicapit

sa canya ang natatacot na m~ga dalagang pawang nan~gan~gatal at

nan~gamumutla; dinarasal ni tía Isabel ang m~ga letanía sa wicang latin.

N~g pagbalicang loob n~g caunti ang m~ga tao sa pagcagulat, at n~g

canilang matalastas cung ano ang nangyari, nag-alab ang galit sa lahat

n~g m~ga dibdib. Umulan ang m~ga bato sa pulutong n~g m~ga cuadrillerong

naghahatid sa dalawang guardia civil; may isang nagyayacag na silabin

ang cuartel at iihaw roon si doña Consolacióng casama ang alférez.

--¡Sa ganyan lamang sila pinakikinaban~gan!--ang sigaw n~g isang babaeng

naglililis n~g canyang mangas at iniunat ang canyang m~ga

bisig;--panggugulo n~g bayan! ¡Wala silang nalalamang pag-usiguin cung

di ang mababait na m~ga tao! ¡Nariyan ang m~ga tulisan at ang m~ga

magsusugal! ¡Sunuguin natin ang cuartel!

Hinihipò n~g isa ang canyang bisig at humihi~ngi n~g confesión;

cahabaghabag na m~ga taghoy ang lumalabas sa ilalim n~g m~ga bangcong

nan~gatumba: yao'y isang caawaawang músico. Punongpuno ang escenario n~g

m~ga artista at n~g m~ga taong bayan. Nariyan si Chananay, na nacasuot

n~g Leonor sa Trovador, na nakikipagsalitaan n~g wicang tinda cay Ratia,

na nacasuot maestro n~g escuela; si Yeyeng na nacabalot n~g malaking

panyong sutla na na sa tabi n~g príncipe Villardo; pinagpipilitan ni

Balbino't n~g m~ga morong aliwin ang m~ga músicong may m~ga nasactan at

hindi. Nagpapacabicabila ang ilang m~ga castila at pinagsasabihan ang

bawa't canilang nasasalubong.

Datapuwa't may nagcacabilog n~g isang pulutong. Napag-unawa ni don

Filipo ang canilang adhica at canyang tinacbo upang sansalain.

--¡Huwag sana ninyong sirain ang catahimican!--ang isinisigaw ni don

Filipo;--¡hihin~gi tayo bucas n~g carapatang tumbas sa caguluhang

canilang guinawa, bibigyan tayo n~g nauucol sa ating catuwiran;

nananagot aco sa inyong bibigyan tayo n~g nauucol sa ating catuwiran!

--¡Hindi!--ang isinasagot n~g ilan; ¡gayon din ang guinawa sa Calambà

(n~g 1879), gayon din ang ipinan~gaco, datapuwa't walang ano mang

guinawa ang Alcalde! ¡Ibig naming gumawa n~g pagca justicia sa aming

camay! ¡Tayo na sa cuartel!

Nawalang cabuluhan ang m~ga pakikiusap n~g teniente mayor; nagpapatuloy

ang pulutong sa canilang panucala. Lumin~gap si don Filipo sa canyáng

paliguid at humahanap n~g sa canya'y tumulong ay canyáng nakita si

Ibarra.

--Guinoong Ibarra, ¡para na ninyóng awa! ¡Sila'y inyóng sansalain,

samanatalang humaharap acó n~g m~ga cuadrillero!

--Anó ang aking magagawa?--ang itinanong n~g binata, na natitigagal,

datapuwa't malayo na ang teniente mayor.

Si Ibarra naman ang naglin~gap-lin~gap sa canyáng paliguid, at

naghahanap siya n~g hindi nalalaman cung sino. Sa cagalin~gang palad ay

anaki'y canyáng nasuliapan si Elías, na walang bahalang pinanonood ang

gayóng kilusan. Tinacbó siya ni Ibarra, hinawacan siyá sa bisig at

sinabi sa canya sa wikang castila:

--¡Alang-alang sa Dios! ¡gumawa po cayó n~g bahagya, sacali't may

magagawa; wala po acong magawang anó man!

Tila mandin siya'y nawatasan n~g piloto, sapagca't nawala siya't sinuot

ang m~ga bumubuo n~g pulutong.

Narin~gig ang masilacbóng pagmamatuwiran, mabilís na tutulán; pagcatapos

ay untiunting nagpasimula n~g paghihiwahiwalay n~g m~ga magcacapulutóng,

at naalis sa bawa't isá ang anyóng may gagawing caguluhan.

At panahón na n~ga, sa pagca't lumalabas na ang m~ga sundalong may

dalang m~ga sandata at nacalagay sa dulo n~g fusil ang bayoneta.

¿Samantala'y ano ang guinagawa n~g cura?

Hindi pa nahihiga si párì Salví. Nacatindig siya, nacatuon ang noo sa

m~ga "persiana", sa dacong plaza ang tanaw, hindi cumikilos, at

manacanacang pinatatacas niya ang pinipiguil na buntong hinin~ga. Cung

hindi sana napacadilim ang liwanag n~g canyang ilaw, marahil

napagmasdang napupuno n~g m~ga luha ang canyang m~ga mata. Gayon ang

caniyang naguing anyo sa isang horas halos.

Pinucaw siya sa ganitong calagayan n~g pagcacagulo sa plaza. Sinundan

n~g canyang m~ga matang nangguiguilalas ang walang tuos na pagpaparoo't

parito n~g m~ga tao, at ang m~ga tinig nila'y dumarating sa canyang

hagawhaw na lamang.--Isa sa m~ga alilang dumating ang sa canya'y

nagbigay alam n~g nangyayari.

Dumaan sa canyang panimdim ang isang isipin. Sa guitna n~g m~ga

cain~gayan at caguluhan, sinasamantala n~g m~ga may mahahalay na budhi

ang pagcagulat at cahinaan n~g loob n~g m~ga babae; nan~gasisisiticas at

nan~gagliligtas sa sarili, sino ma'y walang nacacaalaala sa can~gino

man, hindi nariri~nig ang sigaw, hinihimatay ang m~ga babae,

nan~gagcacasaguian, nan~gasusun~gaba; dahil sa pagcagulat at pagcatacot

ay hindi pinakikinggan ang hibik n~g capurihang nalulugso, at sa

calaguitnaan n~g gabi ... ¡at pagca nagcacaibigan! Tila mandin

nakikinikinita niyang calong ni Crisostomo si María Clarang hindi

nacamamalay-tao, at sila'y nan~gawala sa cadiliman.

Lumulucsong nanaog sa m~ga hagdanan, walang sombrero, walang bastón at

parang sira ang isip na tinu~ngo ang plaza.

Nasumpun~gan niya roon ang m~ga castilang pinagwiwicaan ang m~ga

sundalo, canyang tiningnan ang m~ga upuang kinalalagyan ni María Clara

at n~g canyang m~ga caibigan, at nakita niyang wala na sila roon.

--¡Padre Cura! ¡padre Cura!--ang sigawan sa canya n~g m~ga castila;

n~guni't hindi niya pinansin sila. Doo'y nacahin~ga siya: nakita niya sa

manipis na tabing na naroon ang isang anino, ang carapatdapat sambahing

anino, ang puspos n~g biyaya at calugodlugod na pan~gan~gatawan ni María

Clara, at ang sa canyang tía na may dalang m~ga taza at m~ga copa.

--¡Magaling na lamang!--ang canyang ibinulong,--tila mandin walang

nangyari cung di ang pagcacasakit lamang.

Sinarhan ni tía Isabel, pagcatapos ang m~ga capis n~g bintana, at hindi

na napakita ang caibig-ibig na anino.

Lumayo sa lugar na iyon ang cura, na di man lamang nakikita ang

caramihan. Nalaladlad sa harap n~g canyang m~ga mata ang

cagandagandahang pan~gan~gatawan n~g isang dalaga, na tumutulog at

humihin~ga n~g catamistamisan; naliliman ang bubong n~g m~ga mata n~g

mahahabang pilicmata, na ang calantican ay tulad sa m~ga pilicmata n~g

m~ga Virgen ni Rafael; n~gumin~giti ang maliit na bibig; nalalarawan sa

boo n~g pagmumukhang yaon ang pagca Virgen, ang calinisang wagas, ang

pagca walang malay casalanan; ang pagmumukhang iyo'y isang lubhang

matimyas na panaguinip sa guitna n~g maputing damit n~g canyang higaan,

wan~gis sa isang ulo n~g querubín sa guitna n~g m~ga alapaap.

Nagpatuloy n~g pagcakita ang panimdim ni pari Salví n~g iba't iba pang

m~ga bagay ...; ¿n~guni't sino ang macapaglilipat sa papel n~g lahat n~g

mapapanimdim n~g isang nag-aalab na budhi?

Marahil ay ang Corresponsal n~g periódico, na winacasan ang pagsaysáy

n~g fiesta at n~g lahat n~g m~ga nangyari sa ganitong paraan:

"Macalilibong salamat, walang hangang salamat sa sumapanahon at masicap

na pamamag-itan n~g totoong cagalanggalang na si pari fray Bernardo

Salví, na hindi kinatacutan ang lahat n~g pan~ganib, sa guitna n~g

bayang iyóng nagn~gin~gitn~git n~g galit, sa guitna n~g caramihang wala

n~g pinagpipitaganan; waláng bastón, walang sombero'y pinayapa niyá ang

m~ga galit n~g caramihan, na waláng ibang guinamit liban na lamang sa

canyáng mapanghicayat na pananalita, at ang cadakilaan at capangyarihang

cailan ma'y hindi nagcuculang sa sacerdote n~g isang Religión n~g

Capayapaan. Linisan n~g banal na religioso ang m~ga catamisan n~g

pagcahimbing, na tinatamasa n~g lahat n~g magandang diwa na gaya n~g

canyang taglay, upáng mailagang mangyari ang isang munting casacunaan sa

canyáng m~ga oveja. Hindi n~ga marahil calilimutan n~g m~ga mamamayan sa

San Diego ang ganitong lubhang magaling na guinawa niyá at magpacailan

ma'y kikilanlin sa canyang utang na loob!"

=XLI.

Noli Me Tangere · 第 42 / 51 题