Tumanggap naman si Ibarra n~g isáng maliit na liham na may paban~gó, na
ibinigay sa canyá n~g gabí n~g unang araw n~g fiesta ni Andéng, na
capatíd sa suso ni María Clara. Ganitó ang sabî n~g liham:
"Crisóstomo: Mahiguít n~g isáng araw na hindî ca napakikita;
nahiguin~gan cong may caunting dinaramdam icáw, cata'y ipinagdasal at
ipinagsindi cata n~g dalawang malalaking candilà, bagá man sinasabi n~g
tatay na hindî raw mabigát namán ang sakít mo. Totoong niyamót nilá acó
cagabí at n~gayón; pinatutugtog nilá acó n~g piano at canilá acóng
inaanyayahang sumayáw. Hindî co nalalamang lubhang marami sa ibabaw n~g
lupà ang m~ga nacapagbíbigay yamót. Cung hindî lamang cay Párì Dámaso na
pinagpipílitang acó'y liban~gín sa pagsasaysay n~g maraming bagay, acó
sana'y magcuculóng sa aking silíd upang matulog. Isulat mo sa akin cung
anó ang dinaramdam mo, sa pagca't sasabihin co sa tatay na icáw ay
dalawin. Samantala'y inutusan cong pumaryan sa iyo si Andéng, at n~g
ipaglutò ca n~g chá; magalíng siyáng maglutò at marahil ay daig ang
iyong m~ga alilà."
"Maria Clara."
"Pahabol. Pagca hindî ca naparini búcas, hindî acó paparoon sa
ceremonia. Calakip."
=XXIX.=
=ANG UMAGA.=
Tinugtóg n~g m~ga banda n~g música ang "diana" sa unang pagsilang n~g
liwayway, na anó pa't pinucaw n~g masasayáng tugtuguin ang m~ga pagál na
m~ga mamamayan. Nanag-uli ang búhay at casayahan, mulíng nirepique ang
m~ga campanà at nagpasimulâ ang m~ga putucan.
Yaon ang catapusang áraw n~g fiesta, yaón ang tunay na araw n~g
cafiestahan. Inaasahang lalong marami ang mapapanood, higuít pa sa
nacaraang araw. Lalong marami ang m~ga "manong" n~g V.O.T. (Venerable
Orden Tercera; Cagalanggalang na Pan~gatlong Hánay) cay sa m~ga manong
n~g Santísimo Rosario, at nan~gagsisin~gitî n~g boong cabanalan ang m~ga
manong na iyon ni San Francisco, sa caniláng paniniwalang sa gayo'y
caniláng mahihiyâ, ang caniláng m~ga capan~gagaw. Lalong marami ang
bilang n~g m~ga candilang caniláng binilí: nag-ani n~g malaking
pakinabang ang m~ga insíc na magcacandilâ, at nangag-iisip siláng
pabinyag upang máipakilala nilá ang canilang pagtumbás, baga man
sinanabi n~g ilang yao'y hindî raw sa caniláng pananampalataya sa pagca
católico cung dî sa canilang nais na macapag-asawa. Datapawa't sa gayó'y
sumásagot ang m~ga babaeng banal:
--Cahi't magcagayon man, hindî mangyayaring hindî maguíng isang himala
ang sabaysabáy na pag-aasawa n~g gayong caraming m~ga insíc;
papagbabaliking loob na silá n~g canicanilang m~ga esposa.
Isinuot n~g m~ga tao ang caniláng lalong magagaling na m~ga bihisan;
lumabás sa kinatataguang m~ga cajita ang lahát n~g m~ga hiyas. Sampô n~g
m~ga "tahur" at n~g m~ga sugarol ay nagbihis n~g m~ga barong bordado na
may malalaking brillante, mabibigat na tanicalang (cadena) guintô at
mapuputing sombrerong jipijapa. Ang matandáng filósofo lamang ang
nananatili sa dating suot; ang baro'y sinamáy na may m~ga guhit na itim,
nabobotones hanggang sa liig maluang na zapatos at malapad na sombrerong
fieltro na culay abó.
--¡N~gayó'y lalò pa manding mapanglaw cayó cay sa dati!--ang sabi sa
canyá n~g teniente mayor,--¿aayaw pô ba cayóng manacanacâ tayong
magsayá, yamang maraming tayong lubhang sucat na itan~gis?
--¡Hindî ang cahulugan n~g pagsasaya'y dapat na gumawâ n~g m~ga
caululan!--ang isinagot n~g matandâ.--¡Itó rin ang halíng na pagtatapon
n~g salapî sa taôn-taón! At ang lahat n~g ito'y ¿bakit? iwaldás ang
salapî, sa gayóng macapál na totoo ang carukhaân at m~ga
pan~gan~gailan~gan. ¡Abá! nalalaman co na; ¡itó ang pagtatapón, ang
maruming paggagalac upang matacpán ang m~ga carain~gan n~g lahát!
--Nalalaman na pô ninyóng sumasang-ayon acó sa inyóng m~ga
caisipan,--ang mulíng sinabi ni don Filipo, na tíla ibig magpakitang
galit at tíla n~gumin~giti.--Cayó'y aking ipinagsasanggalang, datapuwa't
¿anó ang aking magagagawâ sa gobernadorcillo at sa cura?
--Magbitiw n~g tungcól--ang sinundán n~g filósofo, at saca lumayò.
Natigagal si Don Filipo, at sinundán n~g matá ang matandâ.
--Magbitiw n~g tungcól!--ang ibinúbulong, samantalang tumutun~go sa
simbahan,--¡magbitíw! ¡Oo! cung isá sanang bagay na nagbibigay dan~gal
ang tungcúling itó at hindî isáng pas-anin, ¡oo, bibitiwan co!
Punô n~g tao ang patio n~g simbahan: m~ga lalaki't m~ga babae, m~ga
bata't m~ga matatanda, taglay ang lalong magagaling na pananamit, na
nan~gagcacahalo-halò, pumapasoc at lumalabas sa makikipot na m~ga
pintúan. Amóy pólvora, amóy bulaclác, amóy incienso, amóy paban~gó;
pinatatacbó at pinasisigaw ang m~ga babae at pinapagtatawá ang m~ga batâ
n~g m~ga bomba, n~g m~ga cohete at n~g m~ga buscapiés. Isáng banda n~g
música ang tumútugtog sa tapát n~g convento, isáng banda namán ang
naghahatid sa m~ga nan~gan~gatungculan sa bayan, ang m~ga ibáng banda'y
naglilibót sa m~ga daang kinalaladlaran at winawagaywayan n~g maraming
m~ga bandera. Lumilibang sa panin~gin ang liwanag at cúlay na sarisarì,
at sa pangpakinig nama'y m~ga tínig at m~ga úgong. Hindî nagtitiguil ang
m~ga campanà n~g carerepique, nagcacasalasalabat ang m~ga coche at m~ga
calesa, na manacanacáng ang m~ga cabayong humihila sa canilá'y
nangáguiguitla dumádamba, humuhulay, m~ga bagay na bagá man hindî
casangcáp sa palatuntunan n~g fiesta, gayón ma'y naguiguing isáng
pánooring hindî pinagbabayaran at siyáng lalong mahalaga.
Nag-utos ang Hermano Mayor sa áraw na itó n~g m~ga alilà upang
man~gaghanáp sa m~ga daan n~g m~ga inaanyayahan, túlad sa nagpiguing na
sinasabi sa atin n~g Evangelio. Hálos sápilitan ang pag-aanyaya upang
uminóm n~g chocolate, café, chá, cumain n~g matamis, at iba pa. Madalás
na naguiguing cawan~gis n~g isáng pakikipagcagalít ang guinagawang
pag-aanyaya.
Gágawin na ang misa mayor, ang misang tinatawag na "de dalmática",
catulad n~g misa cahapong sinasaysay n~g carapatdapat na corresponsal,
at ang bílang caibhán lámang, ang magmimisa n~gayo'y si Parì Salví, at
sa m~ga taong makikiníg n~g misa n~gayo'y casama ang Alcalde n~g
lalawigan, caacbáy ang maraming m~ga castílà at m~ga táong marurunong,
upang pakinggán si Párì Dámaso na totoong bantóg sa lalawigan. Sampô n~g
alférez, bagá man siya'y lubháng dalá na sa m~ga pan~gan~garal ni Párì
Salví, pumaroon din, sa pagpapatotoo niya n~g cagalin~gan n~g canyang
loob at n~g cung mangyayari, macapanghiganti siyá sa m~ga pagbibigay
galit na sa canyá'y guinawâ n~g cura. Sa calakhán n~g pagcábantog ni
Párì Dámaso'y ipinag-páuna na n~g corresponsal ang pagsúlat namamatnugot
n~g pamahayagan n~g sumúsunod:
"Alinsunod sa aking ipinagpáuna na sa inyo sa waláng wastô cong m~ga
talata cahapó'y gayón n~ga ang nangyari. Nagcamít cami n~g tan~ging
capalarang mápakinggan ang totoong cagalanggalang na si Párì Fray Damaso
Verdolagas, na nagcurang malaon sa bayang itó, at n~gayó'y inilipat sa
lálong malaki, bílang ganting pala sa canyang mabuting pagtupad sa
canyang m~ga catungculan. Lumagáy ang maningning na mananalumpati n~g
m~ga mahal na bagay sa paaralang Espiritu Santo ang nagtuturo, at
nagsaysay n~g carikitdikitan at cálalim-lalimang sermon, na nagbigay
cabanalan sa madlâ at pinagtakhán n~g lahát n~g m~ga binyágang
naghihintay n~g boong pagmimithî n~g pagsilang sa lubhang mapagbun~gang
m~ga labi n~g nacaguiguinhawang bucál n~g waláng hanggáng-búhay.
Cadakilaan sa m~ga cahulugan, capan~gahasan sa m~ga munacalà, m~ga
bagong pananalitâ, cagandahan sa anyô, catutubong m~ga galaw,
pagsasaysay na calugodlugód, calusugán n~g m~ga adhicâ, nárito ang m~ga
híyas n~g Bossuet na castilà, na talagáng carapatdapat n~gá ang canyáng
malakíng pagcábantog hindî lamang sa m~ga marurunong na m~ga castila,
cung di naman sa m~ga waláng pinag-aralang m~ga "indio" at sa m~ga
mapanglinlang na m~ga anác n~g "calan~gitang imperio" (imperio n~g
cainsican)."
Gayon man, unti n~g mapilitan ang mapagcatiwalang corresponsal na
canyang sirain ang calahatlahatan niyang sinulat. Idinaraing ni Párì
Damaso ang isáng magaang na sipóng canyang nasaguip n~g gabing nagdaan:
pagcatapos na siya'y macapagcantá n~g masasayáng m~ga "petenera",
(caraniwang kinacanta sa m~ga lalawigang andalus, sa España), siya'y
uminóm n~ga tatlong vásong sorbete at sandali siyang nanood n~g
pinalalabas sa teatro. Dahíl sa bagay na ito'y ibig sana niyang magbitíw
n~g pagca tagasalitâ n~g m~ga wicà n~g Dios sa m~ga tao, n~guni't
sapagca't waláng ibáng makitang nacacaalam n~g búhay at m~ga himalâ ni
San Diego,--túnay n~ga't natátalos ang m~ga bagay na itó n~g cura,
n~guni't kinacailan~gang siyá'y magmisa,--pinagcaisahan n~g ibáng m~ga
fraile na walâ n~g gagaling pa sa tínig n~g voces ni Párí Dámaso, at
lubhang túnay na cahinahinayang na huwag italumpati ang totoong mainam
na sermóng gaya na n~ga n~g naisulat at naisaulo na. Dahil dito'y ang
babaeng dating tagapag-in~gat n~g susi'y siya'y ipinaghandâ n~g m~ga
limonada, pinahiran ang canyang dibdib at liig n~g m~ga unguente at m~ga
lan~gis, binalot siyá n~g maiinit na m~ga cúmot, siya'y hinilot at iba
pa. Umínóm si Parî Dámaso n~g hiláw na itlóg na binati sa álac, at sa
boong umaga'y hindî nagsalitâ at hindî man lamang nag-agahan; bahagyâ na
uminóm n~g isáng vasong gatas, isáng tazang chocolate at
lalabin-dalawang biscocho, na anó pa't tiniis niya n~g boong
cabayanihang huwag cumain n~g isáng sisiw na frito at calahating quesong
gawang Laguna, na canyang kinaugaliang canin pagcacaumaga, sapagca't
ayon sa canyang catiwalang babae, maaaring macapagpaubó ang sisiw at ang
queso, dahil sa capuwâ may asin at may tabá.
--¡Guinágawá ang lahat n~g itó't n~g camtan natin ang calan~gitan at
magbalíc loob tayo!--ang sabi n~g m~ga Hermana n~g V.O.T., n~g caniláng
maalaman ang ganitóng canyáng m~ga pagpapacahirap.
--¡Siyá'y pinarurasahan n~g Virgen de la Paz!--ang ibinúbulong naman n~g
m~ga Hermana n~g Santisimo Rosario, palibhasa'y hindî nilá maipatawad
ang canyang pagkiling sa canilang m~ga caaway na capuwà babae.
Lumabás ang procesión pagca alas ocho y media sa lilim n~g m~ga toldang
lona. Nacacahawig din n~g guinawâ, cahapon, baga man may isáng bagay na
nabago: ang m~ga Hermano n~g V.O.T., na m~ga matatandang lalaki't babae,
casama ang iláng m~ga dalagang patungó na sa pagtandá, ang pananamit na
dalá'y mahahabang hábitong guingón: damít na guingóng magaspáng ang sa
m~ga mahihirap, at ang sa m~ga mayayama'y guingóng sutlâ, sa macatuwid
baga'y ang tinatawag na "guingông franciscano", sa pagca't siyang lalong
caraniwang gamitin n~g m~ga cagalanggalang na m~ga fraileng franciscano.
Ang lahat n~g m~ga mahal na hábitong iyó'y m~ga dalísay, sa pagca't
pawang galing sa convento sa Maynilà, na siyáng kinucunan n~g m~ga
mamamayan sa limós na ang capalit ay salapíng isinasang-ayon sa táning
na halagang hindî natatawaran, cung bagá mangyayaring sabíhing cawan~gis
n~g sa isáng tindahan. Ang halagang itóng hindî nababawasa'y mangyaring
maragdagan, n~guni't hindî nababawasan. Tulad sa m~ga habitong itó'y
nagbibilí n~g gayón ding m~ga hábito sa monasterio n~g Santa Clara, na
tagláy, bucód ang m~ga tan~ging biyáyang nacapagbibigay n~g maraming
m~ga indulgencia sa m~ga patáy na pinagsasaputan, ang biyáyang lalò pa
manding tan~gi: na lalò pang mahál ang halagá paga lalong lumà, gulanit
at hindî na magagamit. Itinititic namin itó at baca sacaling banal na
bumabasang nagcacailan~gan n~g gayóng m~ga mahál na "reliquia" (anó mang
bagay na guinamit ó linangcáp na n~ga ibá), ó baca caya may matalas na
isip casam-ang mámumulot n~g m~ga basahang taga Europa, na ibig yumaman
sa pagdadalá sa Filipinas n~g isáng "cargamento" (maraming yácos na
catatagang lúlan sa ísáng daóng) n~g m~ga hábitong masurot at malibág,
sa pagca't nagcacahalagá n~g labíng anim na píso ó higuit pa, ayon sa
calakhán n~g pagcalibaguing humiguít cumulang.
Nacapatong si San Diego de Alcalá sa isáng carrong napapamutihan n~g
m~ga planchang pílac na nabuburdahan. May malaking capayatán ang Santo,
garing mulá sa úlo hanggáng bay-awang, magagalitín at nacacaaalang-alang
ang anyô n~g pagmumukhâ, baga mán culót ang buhóc sa úlo, na catulad n~g
m~ga ita. Sutlang raso na nabuburdahan n~g guintô ang canyáng pananamit.
Sumusunod ang ating cagalang-galang na Amang si San Francisco,
pagcatapos ay ang Virgeng gaya cahapon, ang caibhán lamang ay si Párì
Salví n~gayón ang sumasailalim n~g palio at hindî ang makisig na si Párì
Sibyla na mainam cumíyà. N~guni't cung di tagláy ni Párì Salví ang
magandang anyô ni Párì Sibyla, datapuwa't nagcacanlalabis naman sa canyá
ang pagca anyóng banál: nacatun~gó ang m~ga matá; nacadoop ang m~ga
camay na ang anyó'y matimtiman at lumalacad na nacayucód. Ang m~ga may
dalá n~g palio'y yaón ding dáting m~ga cabeza de barangay, na nagpapawis
n~g boong ligaya, sa caniláng panunungcól na nakikisacristán, bucód sa
silá'y maninin~gil n~g buwis, manunubos n~g m~ga taong lagalág at m~ga
dukhâ, sa macatuwid baga'y m~ga Cristong nagbibigay n~g dugô dahil sa
m~ga casalanan n~g m~ga ibá. Ang coadjutor, na nacasobrepelliz, ay
nagpaparoo't parito sa iba't ibáng m~ga carro, na dalá ang incensario,
at canyáng manacanacang hinahandugan n~g úsoc nitó ang pan~gamoy n~g
cura, na pagca nagcacagayo'y lalong lalong n~g nagmumukhang caaway n~g
tawa at magagalitín.
Dahándahán n~ga at matimtiman ang lacad n~g procesióng inaacbayan n~g
ugong n~g m~ga bomba at n~g tinig n~g m~ga cantá at músicang tungcol sa
religióng ilinalaganap sa impapawid n~g m~ga banda n~g músicang
sumusunod sa licurán n~g bawa't carro. Samantala'y napakasipag na totoo
ang pamamahagui n~g Hermano Mayor n~g malalaking m~ga candila, na ang
marami sa m~ga nakipagprocesio'y nag-uwi sa canilang m~ga bahay n~g
maipag-iilaw sa apat na gabi samantalang nan~gagsusugál. Nagsisiluhód
n~g boong gálang ang m~ga nanonood pagca nagdaraan ang carro n~g Ina n~g
Dios at nan~gagdarasal silá n~g taimtim sa loob n~g m~ga Sumasampalataya
ó n~g m~ga Aba pô.
Tumiguil ang carro sa tapát n~g isáng báhay na sa m~ga bintanang
napapamutihan n~g maririkit na m~ga pangsampáy (colgadura) ay
nacasun~gaw ang Alcalde, si capitang Tiago, si María Clara, si Ibarra,
ilang m~ga castilà at m~ga dalaga; nágcataong tumungháy si Párì Salví,
datapuwa't hindî gumawâ n~g cahi't munting kilos na magpahalatang siya'y
bumabatì ó nakikilala niyá silá; ang tan~ging guinawá niyá'y lumindíg
lamang, tinuíd ang catawán at sa gayo'y sumabalicat niyá n~g lalong
caayusan at gandá ang "capa pluvial."
Sa dacong ibabâ n~g bintana'y may isáng dalagang nacalúlugód ang gandá
n~g mukhâ, mahalagá ang suut na damít at may kílic na isáng musmós na
lalaki. Marahil siyá'y sisiwa ó taga pag-alagà lamang, sa pagca't ang
sanggól na iyó'y maputi at mapulá ang buhóc, samantalang ang dalaga'y
caymangguí at mahiguít pa sa caitimán n~g azabache ang canyáng m~ga
buhóc.
Pagcakita sa cura, iniunat n~g musmós ang canyáng maliliit na bísig,
tumawa niyáng táwang hindî nacapagbibigay sákit at hindî namán pighati
ang nacapagpapatawá, at sumigáw n~g pautál sa guitna n~g isáng sandalíng
catahimican: ¡Tá ...tay! ¡Tatay! ¡Tatay!
Kinilabutan ang dalaga, dalidaling inilagay ang canyang camay sa ibabaw
n~g bibig n~g sanggól na lalaki at patacbóng lumayô roong taglay ang
totoong malaking cahihiyan. Umiyác ang bátà.
Nan~gagkindatan ang m~ga mapaghinala, at nan~gagsin~gití ang m~ga
castilang nacamasid n~g gayóng maiclíng pangyayari. Naguing pulá ang
catutubong pamumutla ni Párì Salví.
At gayón ma'y wala sa catuwiran ang táo: hindî man lamang nakikilala n~g
cura ang babaeng iyón, siya'y taga-ibang bayan.
=XXX.=
=SA SIMBAHAN.=
Mulâ sa isá hanggang sa cabiláng dúlo'y punô ang camálig na
ípinalalagá'y n~g m~ga táong yaó'y bahay n~g Lumaláng sa lahát.
Nan~gagtutulacán, nagsisicsican, nan~gagdudurugan ang isá't isá, at
nan~gagdarain~gan ang iláng lumálabas at ang maraming nagsisipasoc.
Malayò pa'y iniuunat na ang camáy sa pagbabasâ n~g m~ga dalirì n~g túbig
na bendita, n~guni't caguinsaguinsa'y dumárating ang isáng álon n~g
pagtutulacán at napapalayô ang camay: Naririn~gig pagca nagcacagayon ang
isáng án~gil, nagmúmura ang isáng babaeng nayapacan, datapuwa't hindî
tumitiguil ang pagtutulacán. Ang iláng matandang lalaking naisasawsaw
ang m~ga dalirì sa tubig na iyóng culay pusalí na, palibhasa'y naghúgas
n~g camáy roon ang boong báyan, bucód pa sa m~ga taga-ibáng báyang doo'y
dumarayo, ipinapahid ang túbig na iyón n~g boong pamimintacasi, baga mán
sila'y nahihirapan dahil sa casicpán, sa caniláng bátoc, sa puyó, sa
noo, sa ilóng, sa babà, sa dibdib at sa púsod, sa caniláng pananalig na
sa gayó'y caniláng nabebendita ang m~ga bahaguing iyón n~g catawán,
bucód sa hindî silá magcacasakit n~g paninigás n~g liig, n~g sakít n~g
úlo, n~g pagcatuyô, n~g hindî pagcatúnaw n~g kinacain. Ang m~ga
cabataan, marahil sa sila'y hindî totoong masasactín ó baca cayâ naman
hindî silá naniniwala sa mahal na gamót na íyón, bahagyâ na niláng
binabasâ ang cáduloduluhan n~g caniláng daliri--at n~g walang anó mang
masabi sa canilá ang m~ga mapamintacasing tao,--at cunuwa'y canilang
ipinapahid sa caniláng noó, na, ang catotohana'y hindî nilá isinasayad.
"Marahil n~ga'y bendita ang túbig na iyán at taglay ang lahát n~g m~ga
sinasabi",--ang iniisip marahil n~g sino máng dalaga,--"n~guni't may
isáng culay na" ...!
Bahagyâ na macahin~gá roon, mainit at amóy háyop na dalawá ang páa;
datapuwa't catumbás n~g lahá't n~g pagcacahirap na iyón ang magsesermong
as sermông yao'y dalawang daa't limampung piso ang bayad n~g bayan. Ito
ang sinabì n~g matandáng Tasio.
--¡Dalawang daa't limampung piso ang bayad sa isang sermôn! ¡Isá lamang
táo at sa minsan lamang na paggawâ! ¡Ang icatlóng bahagui n~g ibinabayad
sa m~ga comediante na mangagpapagal sa loob n~g tatlóng gabí!... ¡Tunay
n~ga marahil na cayo'y mayayaman!
--¿At bakit namán mawawan~gis ang bagay na iyán sa isáng comedia?--ang
isinagót na masamá ang loob n~g mapúsoc na maestro n~g m~ga Hermano n~g
V.O.T.; ¡nacahuhulog n~g m~ga caluluwa sa infierno ang comedia, at
nacapapasalan~git ang sermón! Cung humin~gi siyá n~g sanglibo'y
babayaran din namin, at kikilalanin pa naming utang na loob ...
--¡Cahi ma't comedia, cung sa ganáng akin!--ang isinisigaw naman sa
galit n~g isá.
--¡Naniniwalà acó, palibhasa'y magalíng na totoo ang inyóng pagca unawà
sa kinauuculan n~g comedia at n~g sermón!
At yumao ang pusóng, na hindî inalumana ang guinagawâ n~g magagaliting
maestro na m~ga paglait at masasamang húlang mangyayari sa daratning
búhay ni matandáng Tasio sa hinaharáp na panahón.
Samantalang hinihintay ang Alcalde, nágpapawis at naghihicab ang m~ga
tao; iguinagalaw sa han~gin ang m~ga paypáy, m~ga sombrero at m~ga
panyô; nan~gagsisigawan at nan~gag-iiyacan ang m~ga batà, bagay
nagbíbigay pagál sa m~ga sacristan na pagpapalabas sa m~ga batang iyón
sa simbahan. Ang gawáng ito'y siyang umaakit sa pagdidilidili n~g
matalas na caisipan at malumanay na maestro n~g Cofradía n~g Santisimo
Rosario:
--"Pabayaan ninyóng lumapit sa akin ang m~ga báta," anáng áting
Pan~ginoong Jesucristo, n~guni't dito'y dapat n~g unawaing yaó'y ucol
lamang "sa m~ga batang hindî umiiyac."
Ganitó ang sinasabi n~g isá sa m~ga matatandang babaeng nanánamít n~g
guingón, si Hermana Pute bagá, sa isáng babaeng may anim na taón na ang
gúlang na canyáng apó, na nacaluhód sa canyáng tabi:
--¡Condenada! ¡itahimic mo ang iyóng isip, at macaririnig ca n~g isáng
sermóng gáya n~g sa Viernes Santo!
At sacâ pinacacurotcurót, na anó pa't pinucaw ang cabanalan n~g batang
babae, na ikinibit ang mukhâ, pinahabà ang n~gúso at pinapagcunót ang
m~ga kílay.
Humihimláy ang iláng m~ga lalaking nacapaningkayád sa tabí n~g m~ga
confesionario. Ang acalà n~g ating matandang babaeng nagn~gun~gun~guya
n~g m~ga dasal at pinatatacbó sa canyáng m~ga dalírì ang m~ga butil n~g
canyáng cuintás, na ang guinágawang pagtan~gô n~g isáng matandáng
lalaking malaki ang pag-aantoc, ay talagáng gayón ang lalong magalíng na
pagsang-ayon sa m~ga calooban n~g Lan~git, caya't ang guinawâ niya'y
untitunti niyáng guinagád ang gayóng anyô.
Na sa isáng sûloc si Ibarra; nacaluhód si María Clara sa malapit sa
altar mayor, sa isáng lugar na nagmagandang loob ang curang paalsan n~g
m~ga tao sa pamamag-itan n~g m~ga sacristán. Nacaupô si capitang Tiagong
nacasúot n~g frac sa isá sa m~ga bangcóng laan sa m~ga pinunò, dahil sa
bagay na itó'y ang isip n~g m~ga insíc na sa canyá'y hindî
nacakikilala'y gobernadorcillo rin siyá cayá't hindî nan~gan~gahás na sa
canyá'y lumapit.
Sa cawacasa'y dumating ang Alcalde na casama ang canyáng Estado Mayor,
(ang m~ga guinoong sa canyá'y umaacbay), doon sa sacristía silá nagmulà
at siyá'y lumucloc sa isá sa m~ga maiinam na m~ga sillóng nacapatong sa
ibabaw n~g isáng alfombra. Pangdakilà ang casuutan n~g Alcalde at sa
canyá'y nacalagáy ang banda ni Cárlos III at apat ó limáng m~ga
condecoración (m~ga saguisag na inilalagáy sa dibdib, tandâ n~g sa
nagdadala'y pagbibigay unlác n~g isáng harì ó n~g cataastaasang pûnò sa
isáng nación.)
Hindî siyá nakikilala n~g bayan.
--¡Abá!--ang bigláng sinabi n~g isáng tagabukid; ¡isáng civil na
nacasuot comediante!
--¡Tangá!--ang isinagót n~g canyáng calapit at siyá'y sinicó;--¡iyán ang
principe Villardo na ating nakita cagabí sa teatro!
Tumaas n~gâ ang calagayan n~g Alcalde sa m~ga matá n~g báyan at siyá'y
ipinalagay na encantadong principe, na nácapanalo sa m~ga gigante.
Nagpasimula ang misa. Nagsitidindig ang m~ga nauupô, ang m~ga natutulog
ay nan~gáguisíng dahil sa cacacampanilla at sa matunóg na voces n~g m~ga
cantór. Tila totoong natutuwâ si Párì Salví, baga man siyá'y may mukhang
walang caibigan, sa pagca't sa canyá'y naglilingcód na diácono at
subdiácono ang dalawá pa namáng agustino.
Bawa't isá'y nagcantâ, n~g dumatíng ang úcol na panahón, baga man
humiguit cúmulang na nagdaraan sa ilóng ang caniláng voces at malabò ang
pan~gun~gusap, liban na lamang sa nagmimisa na may pagca nan~gin~ginig
ang voces at hindî mamacáilang nasirà ang tono, na anó pa't malaki ang
ipinagtataca n~g m~ga táong sa canyá'y nacakikilala. Gayón ma'y
gumágalaw siya n~g makinig na anyô at hindî nag-aang-ang; ikinácanta ang
"Dominus vobiseum" n~g taimtim sa loob, ikinikiling n~g caunti ang úlo
at tumitin~gala sa "boveda," (bubun~gan n~g simbahan). Sa pagmamasid n~g
pagtanggáp niyá n~g asó n~g incienso, masasabing totoo n~gâ ang sabi ni
Galeno, na naniniwaláng pumapasoc daw ang úsoc sa bao n~g úlo, pagcaraan
sa bútas n~g ilóng na ang tulóy ay sa salaang but-ó, sa pagca't siya'y
lumilindig, iniiling-ay ang úlo sa lícod, pagcatapos ay lumalacad na
patun~gó sa guitnâ n~g altar n~g lubháng malakíng pagmamakisig at
caguilasan, hanggang sa acalain ni capitan Tiagong daig niya sa
cagalin~gang cumíyà ang comedianteng insíc n~g gabing nagdaang nacadamít
emperador, may pintá ang mukhâ may maliliit na bandera sa licód, ang
balbás ay buntót n~g cabayo at macapal ang "suclas" n~g sapín.
--Hindî n~gâ mapag-alinlan~ganan, higuit ang camahalang umanyô n~g isáng
cura namin cay sa lahat n~g m~ga emperador.
Sa cawacasa'y dumating ang pinacananasang sandali na marinig, na si Párì
Dámaso. Nan~gagsiupô sa caniláng m~ga sillón ang tatlóng sacerdote, na
ang anyó'y nacapag-bibigáy ulirán sa cahinhinan, ayon sa sasabihin
marahil n~g may malinis na caloobang "corresponsal;" tinularan silá n~g
Alcalde at ibá pang m~ga taong may vara at may bastón; humintô ang
música:
Pamucaw ang paghaliling iyón n~g catahimican sa úgong sa ating matandáng
Hermana Pule, na humihilic na, salamat sa música. Túlad cay Segismundo ó
gaya n~g "cocinero" sa kinathang búhay ni Dornroscheu, ang unang guinawa
pagcaguising ay tuctucan ang canyáng apóng babae, na nacatulog din.
Ito'y umatun~gal, datapuwa't pagdaca'y nalibang n~g makitang nagdaragoc
sa dibdib ang isang babae sa lubós na pananalig at sa caalaban n~g loob.
Pinagsicapan n~g lahat na maipacaguinhawa n~g anyô; naningcayad ang m~ga
waláng bangcô, umupô sa lupà ó sa caniláng sariling paa ang m~ga babae.
Tináhac ang caramihan ni Párì Dámaso, na pinan~gun~gunahan n~g dalawáng
sacristan at sinusundan n~g isáng capuwa niya fraileng may daláng isáng
malaking cuaderno. Nawala siyá pagpanhíc sa hagdanang palicawlicaw,
n~guni't pagdaca'y mulíng sumipót ang canyáng mabilog na úlo, pagcatapos
ay ang canyáng macacapal na bátoc at sumunod agad-agad ang canyáng
catawan. Tumin~gin sa magcabicabila n~g boong capanatagan n~g loob at
uubo-ubó; nakita niya si Ibarra. Ipinahiwatig niya sa isáng tan~ging
kiráp, na hindî calilimutan sa canyáng m~ga pananalan~gin ang casintahan
ni María Clara; tinitigan n~g tin~ging may towa si Párì Sibyla at saca
niya sinulyap n~g tin~gíng calakip ang pagpapawalang halagá si Párì
Manuel Marsing cahapo'y nagsermón. N~g matapos ang ganitóng
pagsisiyasat; linin~gon ang casama n~g paalimís at sa canyá'y sinabi:
"¡Magpacatalino, capatid!"--Binucsan nitó ang cuaderno.
Datapuwa't carapatdapat na isaysay sa isáng bahaguing bucód ang sermóng
itó. Isáng binatang nag aaral n~g panahóng iyón n~g taquigrafia at
malakíng totoo ang pagcalugód sa m~ga dakilang mananalumpati ang siyáng
umalalay n~g pagtititic samantalang nagsasaysay si Párì Dámaso; at
salamat sa ganitóng guinawa'y mailalagdâ namin dito ang isáng bahagui
n~g pan~gan~garal tungcól sa religión sa m~ga lupaing iyón.
=XXXI.=
=ANG SERMON.=
Nagpasimulâ si Párì Dámaso, n~g madalang at mahinang pan~gun~gusap:
"Et spiritum tuum honum dedisti, qui doceret eos, et manna tuum non
prohibuisti ab ore corum, et aquam dedisti eis in siti".--"At ibinigay
mo sa canilá ang espíritu mong magaling upang caniláng iturò at hindî mo
inalís sa caniláng bibig ang iyóng maná at binigyán mo silá n~g tubig sa
caniláng pagcauhaw!"
"M~ga salitang ipinan~gusap n~g Pan~ginoon sa pamamag-itan n~g bibig ni
Esdras, icalawáng aclát, icasíyám na bahagui, icadalawampong tulâ."
Sa udyóc n~g pangguiguilalás ay sinulyáp ni Párì Sibyla ang nagsesermón;
namutla at lumun-oc n~g laway sa Párì Manuel Martin: marikit ang sermóng
iyón cay sa canyáng sermón.
Ayawan cong nahiwatigan ni Párì Dámaso ang gayóng bagay ó baca cayâ
naman talagang namamaos pa, datapuwa't ang guinawa niya'y umubóng
macailan at ikinapit ang dalawang camáy sa palababahan n~g púlpitong
mahal. Sumása tapat n~g canyáng úlo ang Espiritu Santo na bago lamang
capípinta: maputi, malinis at culay rosa ang maliliit na paa at ang
tucâ.
"¡Cárilagdilagang Guinoo (sa Alcalde), cábanalbanalang m~ga sacerdote,
m~ga cristiano, m~ga capatid cay Jesucristo!"
Gumawa rito n~g dakiláng paghintô, at maling inilacad niya ang canyáng
panin~gin sa m~ga nakikinig, at sa canya'y nacagalác ang pag-ulinig sa
canya at canilang taimtim na pagtahimic.
Wicang castilà ang unang bahagui n~g canyáng sermón at wicáng tagalog
ang icalawang bahagui: "loquebantur omnes linguas".
Pagcatapos n~g m~ga ¡oh! at ô n~g paghinto dakilang iniunat niya ang
canyang canang camáy sa dacong altar at tumitig sa Alcalde,
naghalukipkip pagcatapos, na waláng anó mang sinasabi; n~guni't
caguinsaguinsa'y inihalili sa mahinhing kilos ang cagalawán, iniling-ay
sa licód ang úlo, itinuró ang dacong pintóng malakí na pinutol ang
han~gin sa pamamag-itan n~g taguiliran n~g camáy n~g boong cabilisán,
hanggang sa acalain n~g m~ga sacristang ang cahulugán n~g gayong galáw
ay ipinag-uutos sa caniláng ísará ang m~ga pinto, at gayón n~ga ang
caniláng guinawâ; nagdamdam ligalig ang alférez at nag-alinlan~gan cung
siyá'y lálabas ó hindî; datapuwa't nagpapasimulá na ang nagsesermón n~g
pananalitang malacás, punô at mataguinting: tunay n~ga palá namáng
totoong matalinò sa panggagamót ang dating canyáng tagaalagang babae.
"¡Nagniningning at cumikislap ang altar, malapad ang malaking pintô, ang
han~gin ang sasacyan n~g santong wica n~g Dios na búbucal sa aking
bibig, pakinggán n~ga ninyó n~g m~ga pangdin~gig n~g caluluwa at n~g
púsò at n~g hindî man~galaglag ang m~ga salitâ n~g Pan~ginoon sa lupang
batuhán at canin n~g m~ga ibon sa Infierno, cung dî ang cayó'y lumagô at
sumibol na catulad n~g isáng santong binhî sa lináng n~g ating
cagalanggalang at huwad sa serafing Amáng si San Francisco! Cayóng m~ga
malalaking macasalanan, m~ga bihag n~g m~ga moro n~g cálolowa, na siyang
lumalaganap sa m~ga dagat n~g waláng hanggang búhay, na pawang nacalulan
sa macapangyarihang m~ga sasacyán n~g sa táong catawán at n~g m~ga lugód
sa búhay na itó, cayóng hindî magcandadala n~g m~ga tanicalâ n~g
mahahalay na hilig at n~g m~ga calibugan, at nan~gagsisigaod sa daóng
n~g taga Infiernong si Satán, masdán ninyó riyan n~g mapitagang
pagcahiyâ ang tumutubós sa m~ga cálolowa sa pagcabihag n~g demonio, ang
matapang na Gedeón, ang malacás na loob na David, ang mapagwaguing
Roldan n~g cacristianohan, ang tagalan~git na guardia civil, na higuít
ang catapan~gan sa lahat n~g m~ga guardia civil cahi't pagsamasamahin
ang m~ga guardia civil n~gayón at ang sa búcas pa".--(Pinapagcunót n~g
alférez ang noo)--"Siya n~gâ, guinoong alférez, higuít ang canyáng
tapang at lacás, na cahi't walâ siyáng fusil cung di isáng cruz na
cahoy, canyáng guinágahis n~g boong cabayanihan ang walang hanggang
tulisán n~g m~ga cadilimán, at gayón din ang lahát n~g m~ga cacampí ni
Luzbel, at cung dî lamang hindî nan~gamamátay ang m~ga espiritu, siláng
lahat ay nan~galipol na magpacailan man! Ang caguilaguilalás na laláng
na itó n~g Dios, itóng hindî mapaglírip na himalâ ay ang maluwalhating
si Diego de Alcalá, na, gagamit acó n~g isáng pagsusumag, sa pagca't
nacatutulong na magalíng ang m~ga pagsusumag sa pagca unawà n~g m~ga
bagay na hindî mapag-abót n~g ísip, ayon sa wicà n~gâ n~g ibá, sinasabi
co n~ga na ang dakilang santong itó'y isáng catapustapusang cawal, isáng
"ranchero" (tagapagpacain) lamang sa aming lubháng macapangyarihang
hucbóng pinag-úutusan n~g aming tulad sa serafing Amáng si San
Francisco, na siyang ikinararan~gal cong kinapapanigang acó'y cabo ó
sargento sa talaga't awà n~g Dios."
Ang m~ga han~gal na "indio", ayon sa sabi n~g "corresponsal", walang
nábingwit sa sinaysay na iyón, liban na lamang sa m~ga salitang "guardia
civil", "tulisan", "San Diego" at "San Francisco"; namasid nilá ang
pagsamà n~g mukhá n~g alférez, ang anyóng bayani n~g nagsesermón, at sa
gayo'y inacala niláng kinagagalitan n~g Párì ang alférez dahil sa hindî
niyá inuusig ang m~ga tulisán. Si San Diego at si San Francisco ang
gaganap n~g bagay na iyón, at silá n~ga ang túnay na macagagawa, tulad
sa pinatototohanan n~g isáng pinturang na sa convento n~g Maynila, na sa
pamamag-itan lámang n~g canyáng cordón ay nahadlan~gan ni San Francisco
ang paglúsob n~g m~ga insíc n~g m~ga unang taón n~g pagcatuclás sa
Filipinas n~g m~ga castila. Hindì n~ga cacaunti ang catuwaang tinamó ó
n~g m~ga namimintacasi, kinilala niláng utang na loob sa Dios ang
ganitóng túlong, at hindî silá nag-aalinlan~gan sa paniniwalang pagca
walâ n~g m~ga tulisán, ang m~ga guardia civil naman ang lilipulin ni San
Francisco. Lalong pinagbuti n~ga nilá ang pakikinig, sinundan nilá ang
m~ga sinasaysay ni Párì Dámaso, na nagpatuloy n~g pananalitâ:
"Cárilagdilagang guinoo: Ang malalaking m~ga bagay talagáng malalakíng
m~ga bagay cahi't na sa tabí n~g m~ga maliliit, at ang m~ga maliliit
cailan ma'y maliliit din na sa siping man n~g m~ga malalaki. Itó ang
sabi n~g Casaysayan, (Historia), at sa pagca't ang Casaysayan, sa
sandaang palo'y isá lamang ang tumatamà, palibhasa'y bagay na gawâ n~g
m~ga tao, at ang m~ga tao'y nagcacamaling "errare es hominum" ayon sa
sabi ni Ciceron, ang may dilà ay nahihidwâ, ayon sa casabihan sa aking
bayan, ang nangyayari'y may lalong malalalim na catotohanang hindî
sinasabi n~g Historia. Ang m~ga catotohanang itó, Cárilagdilagang
Guinoo, ay sinabi n~g Espíritu Santo, sa canyáng cataastaasang
carunun~gang cailan ma'y hindî naabót n~g pag iisip n~g tao mulâ pa sa
m~ga panahón, ni Séneca at ni Aristóteles, iyang m~ga pantás na m~ga
fraile n~g unang panahón hanggang sa macasalanang m~ga panahón natin
n~gayón, at ang m~ga catotohanang itó'y hindî n~gâ ibá cung di hindî
palaguing ang m~ga maliliit na bagay ay maliliit n~ga, cung di pawang
malalakí, hindî cung isusumag sa m~ga mumuntî, cung di cung isusumag sa
lalong malalakí sa lúpà at sa lan~git at sa han~gin at sa m~ga
pan~ganurin at sa m~ga tubig at sa alang-alang at sa buhay at sa
camatayan."
--¡Siya nawa!--ang isinagót n~g maestro n~g V.O.T., at saca nagcruz.
Ibig ni Párì Dámasong papangguilalasin ang m~ga nakikinig sa ganitóng
anyô n~g pananalitáng canyáng napag-aralan sa isáng dakilang
tagapagsermón sa Maynilà, at siya n~gang nangyari, na sa pagcápatan~ga
sa gayóng caraming m~ga catotohanan, kinailan~gan niyang dunggulín n~g
paa ang canyáng "espiritu santo" (ang fraile bagáng sa canyá'y
tagadictá) upang sa canyá'y maipaalaala ang canyáng catungculan.
--Maliwanag na nakikita n~g inyóng m~ga matá!--ang sinabi n~g "espiritu"
búhat sa ibabá.
"Maliwanag na nakikita n~g inyóng m~ga matá ang sumasacsing ganáp at
napapaukit na itóng waláng hanggáng catotohanang naalinsunod sa
Filosofía! Maliwanag na nakikita iyáng áraw n~g m~ga cabanalan, at
sinabi cong áraw at hindî buwán, sa pagca't waláng malaking carapatang
numingning ang buwán sa boong gabî; sa lupà n~g m~ga bulág ang dalawáng
mata'y harì ang bulág ang isáng matá lamang (nacapangyayari sa bayan n~g
m~ga han~gal ang may caunting dunong na pinag-aralan); mangyayaring
numingníng ang isáng ílaw cung gabí, ó ang isáng maliit na bituin; ang
lalong mahalaga'y ang macapagningníng cahi't catanghaliang tulad sa
guinagawâ n~g áraw: ¡ganitó n~ga ang pagniningníng n~g capatid na si
Diego cahi't sa guitna n~g lalong m~ga dakilang santo! ¡Nariya't
nacahayág sa inyóng m~ga matá, sa inyóng pusóng na hindî pananampalataya
sa uliráng gawà n~g Cataastaasan upang mabigyáng cahihiyan ang lalong
m~ga dakila sa lupà; oo, m~ga capatid co, hayag, hayag sa lahát, hayag!"
Nagtindíg ang isáng lalaking namumutlâ at nanginginig at nagtagò sa
isáng confesionario. Siya'y isáng maglalacò n~g álac na nag-aagaw-tulog
at nananag-inip na hinihin~gan siyá n~g m~ga caribinero n~g "patente" na
hindî niyá taglay. Hindî na raw siyá umalís sa canyáng pinagtaguan
hanggang sa hindî natapos ang sermón. [258]
--"Mapagpacumbabà at maligpiting santo, ang iyóng cruz na cáhoy"--(ang
dalá n~g larawan ni San Diego'y cruz na pilac),--"ang iyóng mahinhíng
hábito'y pawang nagbibigay dan~gal sa dakilang si Francisco, na camí
canyáng m~ga anac at nakikiwan~gis sa canyáng m~ga guinagawá!
Inilalaganap namin ang layong santong lahi sa boong daigdig, sa lahát
n~g m~ga suloc, sa m~ga ciudad, sa m~ga bayan at hindî namin tinitin~gî
ang maputi sa maitim"--(piniguil n~g Alcalde ang canyáng paghin~ga)--"sa
pagtitiis n~g hindî pagcain at n~g m~ga pagpapacahirap, santong lahi mo
na sa pananampalataya at sa religióng may taglay na sandata"--(¡Ah! ang
hinin~gá n~g Alcalde)--"na pinapananatili ang sangcataohan sa matatag na
calagayan at pumipiguil na mabulíd sa malalim na ban~gin n~g
capahamacán!"
Untiunting naghihicab ang m~ga nakikinig, sampo ni capitang Tiago: Hindî
pinakikinggan ni María Clara ang sermón: nalalaman niyang malapit sa
canyáng kinalalagyán si Ibarra at siyáng sumasaisip niya, samantalang
siyá'y nag-aabanico at canyáng minámasdan ang toro n~g isá sa m~ga
Evangelista, na waláng pinag-ibhán sa anyó n~g isáng calabaw na maliit.
"Dapat nating masaulong lahát ang m~ga Santong Casulatan, ang búhay n~g
m~ga santo, at sa ganitó'y hindî co kinacailan~gang sa inyó'y man~garal,
m~ga macasalanan; dapat ninyóng maalaman ang m~ga bagay na itóng totoong
mahalagá at kinacailan~gang gaya n~g pagcasaulo sa Ama namin, bagá man
nacalimutan na ninyó itó at nagbubuhay protestante ó hereje na cayó, na
hindî nagsisigalang sa m~ga ministro (cawaní n~g Dios, na gaya n~g m~ga
insíc), n~guni't cayó'y man~gagpapacasama, lálò n~g man~gapapahamac
cayó, m~ga sinumpa!"
--Abá, cosa ese pale Lámaso, ese! (Abá anó ba namán ang párì Dámasong
iyán)--ang ibinulóng n~g insíc na si Cárlos, na iniirapan ang
nagsesermóng nagpapatuloy n~g m~ga pananalitáng naiisip niya n~g
sandalíng iyón, at nagbúbubuga siyá n~g m~ga licaw-licaw na m~ga paglait
at pagmumurá.
¡"Mamamatáy cayóng hindî macapagsisisi n~g inyóng m~ga casalanan, m~ga
lahi n~g m~ga hereje! Mulâ pa rito sa lupa'y pinarurusahan na cayó n~g
Dios n~g m~ga pagcapiit at pagcabilanggô! ¡Ang m~ga mag-amag-anac, ang
m~ga babae ay dapat lumayô sa inyó: dapat cayóng bitayíng lahát n~g m~ga
namummunô at n~g hindî lumaganap ang binhî ni Satanás sa halamanan n~g
Pan~ginoon!... Sinabi ni Jesucristo: Cung cayó'y may masamáng
casangcapan n~g catawáng humihicayat sa inyó sa pagcacasala, putulin
ninyó, iabsáng ninyó sa apóy!..."
Nan~gin~ginig si fray Dámaso, nalimutan niyá ang canyáng sermón at ang
maayos na pananalitâ.
--Náriníg mo ba?--ang itinanóng sa canyáng casama n~g isáng binatang
estudianteng taga Maynílà;--¿puputulin mo ba ang iyo?
--¡Ca! siyá na muna ang magputol!--ang isinagót n~g causap, na itinuturò
ang nagsesermon.
Naligalig si Ibarra; lumin~gap sa canyáng paliguid at humahanap n~g alin
mang súloc, datapwa't punôngpunô ang boong simbahan. Walang nárîrinig at
waláng nakikita si María Clara, na pinagsisiyasat ang cuadro n~g
pinagpalang m~ga cáluluwa sa Purgatorio, m~ga cáluluwáng ang anyó'y m~ga
lalaki't m~ga babaeng hubó't hubad na may nacapatong sa úlong "mitra,"
(sombrero n~g papa,) "capelo" (sombrero n~g cardenal), ó "toca"
(talucbóng n~g monja), na nan~gaiihaw sa apóy at nan~gagsisicapit sa
cordón ni San Francisco, na hindî nalalagot cahi't lubháng napacabig-at
ang m~ga nacabiting iyón.
Sa gayóng pagdaragdag ni Fray Dámaso n~g canyáng m~ga naisipa'y
nag-caligáw-ligáw ang espíritu santong fraile sa pagcacasunodsunód n~g
sermón hanggang sa siya'y lumactaw n~g tatlóng mahahabang pangcát at
sumamâ ang pagdidictá cay Párì Dámaso, na humihin~gal at nagpapahin~ga
sa canyang maalab na pagmumurá.
"¿Sino sa inyó, m~ga makasalanang nakikinig sa akin, ang hihimod sa m~ga
súgat n~g isáng dukhâ at libaguing magpapalimos? ¿Sino? Sumagót at itaas
ang camáy cung sino! ¡Walâ sino man! Dati co nang nalalaman; walâ n~gang
macagagawâ n~g gayón cung dî ang isáng santong gaya ni Diego de Alcalá;
canyáng hinimuran ang boong cabulucán, at tulóy sinabi niyá sa isang
capatid na nangguiguilalás; ¡Ganitó ang paggamot sa may sakít na itó!
¡Oh pagcacacawang gawâ n~g cristiano! ¡Oh pagcahabág na waláng
cahulililip! ¡Oh cabanalan n~g m~ga cabanalan! ¡Oh cagalinggalin~gang
hindî matutularan! ¡Oh waláng bahid na lunas!...."
At ipinagpatuloy ang isáng mahabang tanicalang m~ga ¡oh! na idiniripa
ang m~ga camáy, at itinataas at ibinababa na anaki mandin ibig na
lumipad ó bumugaw n~g m~ga ibon.
"Nagsalitâ siyâ n~g latin bago mamatáy, ¡bagá man dating hindî murunong
n~g latin! Mangguilalás cayó m~ga macasalanan! ¡Hindî cayô
macapagsasalitâ n~g latin, baga man pinag aaralan ninyó, at sa pag aaral
na ito'y pinapalò cayó, hindî cayó macapagsasalitâ n~g latin, mamamatay
cayóng hindî macapaglálatin! ¡Isáng biyaya n~g Dios ang macapagwicang
latin, cayâ nagsasalita n~g latín ang Iglesia! ¡Acó ma'y nagwiwicang
latin din! ¿Bakit ipagkakait n~g Dios ang caaliwang itó n~g loob sa
canyáng minamahal na si Diego? Mangyayari ba siyáng mamatáy,
mapababayaan ba siyáng hindî nagwiwicang latín? Hindî n~ga mangyayari!
Cung magcagayó'y hindî gaganáp sa catuwiran ang Dios, hindî sa
totohanang siyá'y Dios! ¡Nagwicang latín n~gâ siyá at nagpapatotoo ang
m~ga sumulat n~g aclat n~g m~ga panahóng iyón!" At canyáng binigyáng
wacás ang canyang pasimula n~g pan~gan~garal n~g lalong pinaghirapan
niya na canyáng inumit sa titic n~g isáng dakilang manunulat, na si
Guinoong Sinibaldo de Más.
"¡Binabatì n~gâ cata, marilág na Diego, dan~gal n~g aming samahán!
Puspós ca n~g cabanalan, mahinhing may capurihán; mapagpacumbabang may
camahalan; masunuring boo ang loob; mapagtiis sa cacaunting bagay na
mapagmithi; caaway na tapát ang loob; maawaing nagpapatawad; fraileng
lubháng maselang; mapanampalatayang namimintacasi; mapaniwalaíng waláng
málay; waláng bahid calupaang sumisinta; hindî maimiking may tinagong
líhim; mapagtiis na matiyagá; matapang na natatacot; mapagpiguil na may
calooban; mápan~gahás na masulong; mapanalimang nagpapacatinô; mahiyaing
may caran~galan; mapag-in~gat n~g iyóng pag-aaring hindî mahinayan~gin;
maliksing tagláy ang cáya; mapagbigáy galang na marunong
makipagkapuwa-tao; matalas ang ísip na ma-in~gat; mahabaguing may awa,
matimtimang may hiyá; mapanghigantíng matapang; sa casipaga'y dukhâ na
mapagsang-ayon; mapag-impoc na mapagbiyaya; waláng malay na nacacatalós;
mapagbagong may kinauuwian; mapagwalangbahalang nagmimithíng matuto:
¡linaláng ca n~g Dios upang camtán ang m~ga caayaayang lugód n~g
pagsintang malamlam!...Tulun~gan mo acóng umawit n~g iyóng m~ga
cadakiláan at n~g ang iyóng pan~gala'y lalong mataas cay sa m~ga bituin
at lalong lumiwanag cay sa araw na umiinog sa iyong paanan! Tulun~gan
ninyó acóng humin~gi sa Dios n~g cauculáng tálas n~g ísip, sa
pamamag-itan n~g pagdarasal n~g isáng Aba Guinoong María!..."
Nan~gagsiluhód na lahát at bumán~gon ang isáng hûgong na catúlad n~g
sabay-sabáy na húgong n~g sanglíbong bubúyog. Iniluhód n~g Alcalde n~g
malakíng pag-hihirap ang isáng páa, na iniíiling ang úlo sa samâ n~g
lóob; namutlá at nagsisisi n~g taimtim sa púsò ang alférez.
--¡Napacadiablo ang curang iyán!--ang ibínulóng n~g isá sa m~ga binatang
galing Maynílà.
--¡Huwág cang main~gay!--ang sagót n~g casáma,--naririnig táyo n~g
canyáng asawa.
Samantala'y hindî ang pagdarasál n~g Abá Guinoong María ang guinágawâ ni
Párì Dámaso, cung dî ang pag-away sa canyáng "espíritu santo," dáhil sa
paglactaw na guinawâ sa tatlóng pinacamainam na pangcát n~g canyáng
sermón, sacâ cumáin n~g tatlóng merengue at uminóm n~g isáng vasong álac
na Málaga, sa canyang lubós na pananalig na masusundûan niyá sa canyáng
kináin at ininóm na iyon ang magagalíng na salitáng canyáng sasaysayin,
n~g higuít sa maibubulóng sa canyá n~g lahát n~g m~ga "espiritu santong"
cáhoy na may anyóng calapati ó may but-ó't may lamáng may anyóng
maliban~ging fraile. Pasisimulan niya na ang sermóng wícang tagalog.
Tinuctucán n~g matandáng mapamintacasi ang canyáng apóng babae, na
naguising na masamâ ang loob at nagtanóng:
--¿Dumating na ba ang oras n~g pag-iyác?
--Hindî pa, n~guni't huwag cang matulog ¡"condenada"!--ang isinagót n~g
mabait na núnong babae.
Babahagyâ lamang ang naitandá namin sa pan~galawang bahágui n~g sermón,
sa macatwíd bagá'y ang sa wícang tagalog. Hindî nagsasaulo n~g
pinag-ayos sa wicang tagalog si Párì Dámaso, cung dî ang maisipan na
lamang niyá sa oras n~g pagsesermón, hindî sa dahiláng malakî ang dunong
niyá sa pananagalog cay sa pan~gan~gastila, cung dî palibhasa'y
ipinalálagay niyáng páwang han~gál ang m~ga filipinong m~ga taga
lalawigan sa maayos na pananalitâ, hindî siyá nan~gan~ganib
macapagsalitâ n~g m~ga caul-ulán sa haráp nilá. Sa m~ga castila'y ibá
n~g bagay, may naringgan siyáng may palatuntunan daw na sinusunod sa
magalíng na pananalumpatì, at hindî n~gâ malayong magcaroón sa m~ga
nakikinig n~g isá man lamang na nacapag-aral sa colegio, marahil ang
guinoong Alcalde Mayor ang isá sa canilá; at dahilán dito'y isinusulat
muna niyá ang canyáng m~ga sermón, pinagsisicapang pagbutíhin, kinikikil
at sacâ isinasaulo pagcatápos, at guinágawâ niyá ang pagsasanay sa loob
n~g m~ga dalawáng áraw bágo dumatíng ang pagsesermón.
Naguíng cabalitaàng sino man sa nakikinig ay hindî nacaunawa n~g caboóan
n~g sermóng iyón: at gayón ang nangyari, palibhasa'y mapupuról ang
caniláng ísip at totoong malalalim ang m~ga sinabi n~g nagsermón, ang
sabi n~ga ni Hermana Rufa, cayâ n~ga't nasáyang lámang ang paghihintáy
n~g m~ga nakikinig n~g pagdatíng n~g m~ga pananalitáng kinararapatang
iyacán, at bucód pa sa roo'y mulíng natúlog ang "condenadang" apó n~g
matandáng mápagbanal.
Gayón man, itóng huling bahaguing itó'y namun~gang hindî gáya, n~g úna,
cahi't sa m~ga tan~ging nakikinig man lamang, ayon sa makikita natin sa
dacong súsunod.
Nagpasimulâ n~g isáng: "Maná capatir con cristiano", at sacá isinunod
dito ang dugyóng-dugyóng m~ga salitáng hindî maihuhulog sa anô mang
wicà; nagsalita n~g tungcól sa cáluluwa, sa Infierno, sa "mahal na santo
pintacasi, sa m~ga macasalanang m~ga "indio" at sa m~ga banal na m~ga
Páring Franciscano."
--¡Menche!--anáng isá sa dalawáng m~ga waláng galang na tagá Maynila sa
canyáng casama:--wicang griego sa ganáng ákin ang lahat n~g iyán, yayao
na acó.
At sa pagca't nakita niyang nacasará ang lahát n~g pintuan, doón siyá
lumabás sa sacristía, na ano pa't malaking totoo ang ipinagcasala n~g
m~ga tao at n~g nagsesermón, sa dahil sa gayo'y namutlâ at itiniguil ni
Párì Dámaso sa calahati ang isáng salitâ niyá; inacálà n~g ilang
magsasalitâ siyá n~g isáng mabalásic na múra, n~guni't nagcásiya na
lamang si Párì Dámaso na pasundan niyá n~g tin~gin ang umalís, at sacâ
ipinagpatúloy ang pagsesermón.
Ibinulusoc niyá ang m~ga sumpâ lában sa lácad n~g m~ga caasalan n~g
sangcataohan, lában sa pagwawaláng gálang, lában sa bagong sumísilang na
paglabág sa religión. Tila mandîn ang ganitóng bágay ang siyang totóong
canyáng cáya, sa pagca't nag-aalab ang canyáng ísip, at nagsásalitâ n~g
boóng caríinan at caliwanagan. Tinúcoy n~g canyáng pananalitâ ang m~ga
macasalanang, hindî nagsisipan~gumpisal, na nan~gamamatay sa bilangguang
hindî nacatatanggap n~g m~ga sacramento, n~g m~ga familiang sinumpâ n~g
Dios, n~g m~ga palalo't m~ga sopladong "mesticillo" n~g m~ga binatang
nagdudunongdunun~gan, m~ga "filosofillo" ó "pilosopillo", n~g m~ga
"abogadillo", m~ga "estudiantillo" at iba pa. Hindî cailâ ang caugalîang
tagláy n~g marami, pagcà ibig niláng libakín ang caniláng m~ga caaway:
dinuduluhan nilá ang m~ga pananalitâ n~g "illo", palibhasa'y walâ na
mandíng mapigâ sa caniláng útac, at sa ganitóng gawá'y lubos na siláng
lumiligaya.
Naririnig na lahát ni Ibarra at canyáng nalalaman ang m~ga pasaring na
iyón. Nananatili sa canyá ang paimbabáw na catahimican n~g lóob,
hinahanap n~g canyáng m~ga matá ang Dios at ang m~ga púnong may
capangyarihan, datapuwa't doo'y walà cung dî m~ga laráwan n~g m~ga santo
at ang humihímlay na Alcalde.
Samantala'y náraragdagan n~g náraragdagan ang silacbó n~g álab n~g loob
n~g nagsesermón. Sinasabi niyáng n~g m~ga unang panahón daw, ang lahát
n~g filipino, cung nacacasalubong ang isáng sacerdote ay nagpupugay,
iniluluhód ang isáng páa sa lúpà at hinahagcán ang camáy n~g
párì.--"Datapua, gayón, ang idinugtóng--an gawa nínyo láman, inaális
nínyo an salácot ó an "sombrero de castorillo", na nalalágay nínyo
nacakilin sa ibabaw nan ínyo úlo, para húwac masisíra ang súclay nan
ínyon búhoc! Hústo na sabihin nínyo: ¡Magandanaraw, "amon"! at may maná
palalo, na maná "estudiantillos de poco latin", na dahil sila naaáral sa
Manila ó sa Europa, acala na níla mayron na sila catuwiran makicámay
síla sa ámin, sa lugar na síla mahahálic nan cámay sa amin ...¡Ah!
madáli na darásin an paghuhúcom, matatápos an múndo, maramî maná sánto
an huhúla níto uúlan nan ápoy, báto, sáca ábo, para parusahan an
capalaluan nínyo!"
At bago niyá iniaral sa báyang huag tuláran ang gayóng m~ga "salvaje",
cung dî bagcós pang lumayô at casusutan ang gayóng m~ga táo, sa pagcá't
silá'y páwang m~ga "excomulgado."
--"Din-guin ninyo an sabi nan maná "santos concillos!"--anya--"Cun
nasasalûbun nan ísan indio sa calle an ísan cura, itutún-go an úlo,
ihahánda an cányan lilo, at nan an amon ay cumapît dóon; pácca
nacacabayo capuwa, an cura saca an indio, pacca gáyon, hihinto an indio,
mapupúgay nan salácot ó sombrero nan boon gálan; sa catapúsan, cun an
indio nacacabáyo at nadlalácat an cura, iíbis sa cabayo an indio at
hindî sasácay úli hángan híndî nasasábi sa cánya nan cura ¡sólon! ó cun
totoo maláyo na an cura. Maná sabi íto n~g santos concillos, at an hindî
nasusúnod, síya maguiguin "excomulgado."
--At ¿pagca ang sinasacyán n~g isá'y isáng calabaw?--ang tanóng n~g
isáng masuring magsasacá sa canyáng calapít.
--¡Cung gayó'y ... macapagpapatuloy ca!--ang isinagót nitó na totoong
marúnong umíbag.
Datapuwa't marami ring nacacatulog ó nalilibang, bagá man nagsisisigaw
ang nagsesermón at cumikiyang magalíng; paano'y iyón n~g iyón ang
isenesermón sa anó mang áraw at sa anó mang bagay: nawalán n~g
cabuluháng magbuntóng-hinin~gá at magtan~gistan~gisan ang iláng
mápagbanal na babae, dahil sa m~ga casalanan n~g m~ga pusóng, napilitang
itiguil nilá ang caniláng gawâ dáhil sa walâ sino mang sa canílá'y
makisapì. Si Hermana Putî ma'y laban doon ang iniisip. Nacatulog n~g
mainam ang isáng lalaking nacaupô sa canyáng tabí, na waláng ánó-anó'y
natumbá sa canyáng ibabaw, na anó pa't nalúcot ang canyáng hábito:
dinampót n~g mabait na matandáng babae ang canyáng bacyâ at guinísing sa
cáhahampas ang lalaking iyón, casabay n~g sigaw na:
--¡Ay! ¡láyas, salvaje, háyop, demonio, calabáw, áso, condenado!
Nagcaguló n~gà dahil dito. Humintô ang nagsesermón, itinaás ang m~ga
kílay, sa pagtatacá niyá sa gayóng calakíng caligaligan. Linúnod n~g
cagalitan ang salitâ sa canyang lalamúnan, caya't walâ siyang nagawâ
cung dî umatún~gal at, suntukín ang palababahan n~g púlpito. Namún~ga
ang gayóng gawâ: binitiwan n~g matandang babae ang bacyâ, nagbubulóng at
pagcatapos na macapagcruz na macailan, naluhód siya n~g boong
cataimtiman.
--"¡Aaah! ¡aaah! ¡ang sarisawa'y!--naisigaw n~g nagagalit na sacerdote,
na naghalukípkip at naipailíng-ilíng;--¡sa ganyan baga cun caya acó
nangagaral dito sa inyó sa boon umaga, maná salvajes! Dito sa baháy nan
Dios cáyo naaáway at cayo nasasábi nan maná salitan masasáma, maná walan
híya! ¡Aaaah! cayo wála nan iguinágalan!....Ito an maná gawa nan
calibugan at nan hindî paglayo sa calupaan nan panahon ito! Sinasabi co
na sa inyo ¡aah!"
At ipinatuloy niya ang pagsesermón tungcól sa bagay na itó sa loob n~g
calahating oras. Humihilic na ang Alcalde, tatan~gotan~go na si María
Clara sa pagcaantoc, hindî na mapaglabanan n~g abang dalaga ang
pagtutucá, palibhasa'y walâ n~g ano mang pintura at ano mang larawan man
lamang na mapagsiyasat sa mapagliban~gan. Hindî na nacalingit cay Ibarra
ang m~ga sinasabi at gayón din ang m~ga pasaring; ang canyang iniisip
n~gayó'y isang maliit na bahay sa taluctóc n~g isang bundóc, at doo'y
nakikita niyang si María Clara'y na na sa halamanan. ¡Anóng masakit sa
canya cung doon sa capataga'y gumagapang ang m~ga tao sa canilang m~ga
imbing bayan!
Macaalawang ipinatugtóg ni Párì Sibyla ang campanilla, n~guni't itó'y
parang guinagatun~gan n~g cahoy ang apóy: palibhasa'y "tercero" si fray
Dámaso'y lalò nang pinahabà niya ang sermón, Nan~gan~gagat-labi si Fray
Sibyla, at ulit-ulit na pinagbubuti niya ang canyáng salamín sa matáng
"cristal de roca", na guintô ang kinacacabitan. Si Fray Manuel Martín
ang tan~ging tíla mandín nakikinig n~g boóng ligaya, sa pagca't
n~gumin~giti.
Sa cawacasa'y sinabi n~g Dios na siya na, napagal ang nagsesermón at
nanaog sa púlpito.
Nan~gagsiluhód ang lahat upang magpasalamat sa Dios. Kinuscós n~g
Alcalde ang canyang m~ga mata, inúnat niya ang isang brazo na para
manding nag-iinat, nagbitiw n~g isang malalim na ¡"ah"! at naghicab.
Ipinagpatuloy ang misa.
Nang cantahín na ni Balbino at ni Chananay ang "Incarnatus est", n~g
magasiluhód na ang lahat, at n~g magsitun~gó na ang m~ga sacerdote,
ibinulóng n~g isang lalaki sa tain~ga ni Ibarra ang ganitó:--"Sa
ceremonia n~g bendición ay huwag pô cayóng lálayô sa cura, huwag cayóng
lulusong sa húcay, huwag cayóng lalapit sa bató; mapapan~ganyayà ang
inyóng búhay cung di ninyó acó sundin!".
Nakita ni Ibarrang nawalâ si Elias sa caramihan, pagcasabi sa canya n~g
bagay na iyón.