San Diego, 11 n~g Noviembre."

Itó ang isinulat n~g mabait na corresponsal. Tingnán namán natin n~gayón

cung anó ang isinulat ni capitang Martín sa canyáng catotong si Luis

Chiquito.

"Minamahal cong Choy: Magmadalî cang pumaríni, cung mangyayari;

sapagca't ang fiesta'y totoong masayá; súcat ang matantô mong hálos

natumbá ang bangcâ ni capitang Joaquin: macaitlong pinagulong ni

capitang Tiago ang canyáng tayâ, at sa tatlong iyó'y tumamà, at pintô

n~g pintóng palagui, caya't sa gayóng nangyari lalong nangliliit sa

catuwâan si cabezang Manuel na may arì n~g bahay. Binasag ni Párì

Dámaso, sa isáng dagoc, ang isáng ilawán, sa pagca't hanggá n~gayó'y

hindî pa siyá tumatamà miminsan man lamang. Natalo ang Cónsul sa canyáng

m~ga sasabun~gin, at natalo sa bangcâ ang lahát n~g pinanalunan sa atin

sa fiesta n~g Binyáng at sa fiesta n~g Pilar, sa Santa Cruz."

"Inaasahan naming isasama rito sa amin ni capitang Tiago ang canyáng

mamanugan~gin, ang mayamang nagmana cay Don Rafael, datapuwa't wari'y

ibig manding tumulad sa canyáng amá, sa pagca't hindî man lamang

napakita ¡Sayang! Sa masíd co'y hindî siya pakikinaban~gan cailan man."

"Malakíng totoong cayamanan ang nakikita n~g insíc na si Cárlos sa

"liampó"; naghihinala acóng may taglay siyáng anó mang lihim, isáng

bato-balanì marahil: waláng tíguil ang canyáng pagdaing n~g sakit n~g

úlo, na may taling panyô pagcâ tumitiguil na n~g untiuntî ang umíikit na

sangkap n~g "liampó," pagcacagayo'y tumútun~go siyá n~g mainam hanggáng

sa halos mápabunggô na sa canyáng noo, na anaki'y ibig na totoong

hiwatigan ang pag-inog na iyón. Nagcuculang tiwalà acó, dahil sa may

nalalaman acóng m~ga cawan~gis n~g bagay na iyóng guinágawâ."

"Paalam, Choy; magaling ang calagayan n~g aking m~ga sasabun~gin, at ang

aking asawa'y masayá at naglilibang."

"Ang iyóng catotoo.

Noli Me Tangere · 第 38 / 51 题