Gumawâ rin namán n~g malaking handâ sa báhay ni capitang Tiago.
Nakikilala natin ang may báhay; ang canyáng hilig sa caparan~galanan, at
dápat na hiyaín n~g canyáng capalaluang pagca tagá Maynila, sa caríkitan
n~g piguing, ang m~ga tagalalawigan. May isá pang cadahilanang sa
canya'y pumipilit na pagsicapan niyáng siya'y macapan~gibabaw na lubos
sa m~ga ibá: casáma niyá ang canyáng anác na si María Clara at sacâ
naroroon ang canyáng mamanugan~gin, caya't waláng pinag uusapan ang m~ga
tao cung dî siyá lámang.
At siyá n~ga namán: hinandugan ang canyáng mamanugan~gin n~g isá sa
lálong m~ga dalubasang pámahayagan sa Maynilà n~g isáng "artículo"
(casulatan) sa canyáng únang mukhâ, na ang pamagát (n~g artículong iyón)
ay "¡Siya'y inyong tularan!" pinuspos siya n~g m~ga pan~garal at
inaalayan siyá n~g iláng m~ga papuri. Tinawag siyáng "marilag na binata
at mayamang mamumuhunan;" pagcatapos n~g dalawáng renglon ay sinabing
siya'y "tan~ging mapagcaawang-gawâ"; sa sumúsunod na párrafo'y ikinápit
namán sa canyá ang saysay na: "alagad ni Minervang naparoon sa Ináng
Bayan upang bumátì sa wagás na lúpà n~g m~ga arte at m~ga carunun~gan"
at sa dácong ibabà pa'y "ang español filipino" at iba't ibá pa.
Nag-aalab ang loob ni capitang Tiago sa magandang pakikipag-unahán sa
gawáng magaling, at canyáng iniísip na bacá magalíng na canyáng
pagcagugulan ang pagtatayô namán n~g isáng convento.
Nang m~ga nagdaáng áraw ay dumatíng sa báhay na tinatahanan ni María
Clara at ni tía Isabel ang maraming caja n~g m~ga cacánin at m~ga
inumíng gáling Europa, m~ga salaming pagcálalaki, m~ga cuadro at ang
piano n~g dalaga.
Dumatíng si capitang Tiago n~g áraw rin n~g vispera: paghalíc sa canyá
n~g camáy n~g canyang anác na babae, hinandugán niyá itó n~g isáng
magandang relicariong guintô na may m~ga brillante at m~ga esmeralda, na
ang lamá'y isáng tatal n~g bangca ni San Pedro, sa dacong inup-án n~g
ating Pan~ginoong Jesucristo n~g panahón n~g pan~gin~gisda.
Walâ n~g lalalò pa sa galing n~g pagkikita n~g bibiananin at n~g
mamanugan~gin; cauculán n~gang silá'y mag-úsap n~g nauucol sa
escuelahan. Ang ibig ni capitang Tiago'y tawaguing "Escuela ni San
Francisco."
--Maniwalà cayó sa ákin,--ang sabi ni capitang Basilio,--¡isáng magalíng
na pintacasi si San Francisco! Wala cayong pakikinaban~gin cung
tatawaguin ninyong "Escuela n~g Instrucciôn Primaria". ¿Sino pô si
Instrucción Primaria?
Dumating ang iláng m~ga caibigang babáe ni María Clara at caniláng
inanyayahan itong magpasial.
--N~guni't bumalic ca agád,--aní capitang Basilio sa canyáng anác na
babáe na sa canyá'y humihin~ging pahintulot;--nalalaman mo n~g sasalo sa
átin sa paghápon si parì Dámasong bágong carárating.
At canyáng linin~gon si Ibarrang nag-anyóng may iniísip, at idinugtóng:
--Cayó po namán ay sumalo n~g paghápon sa amin; magiisa cayó sa inyóng
báhay.
--Malakíng totóo po ang áking pagca ibig, datapwa't dápat pong sumaaking
bahay acó't bacá sacáling may dumating na m~ga "visita,"--ang isinagót
n~g binatang nagcacang-uútal, at iniiwasan ang títig ni María Clara.
--Dalhín po ninyó rito ang inyóng m~ga caibigan, ang itinútol n~g boóng
capanatagán ni capitang Tiago;--May sagánang pagcain sa áking bahay....
Bucód sa roó'y ibig cong cayó at si párì Dámaso'y magcáwatasan....
--¡Magcacaroon na pô n~g panahón sa bágay na iyán!--ang isinagót ni
Ibarrang n~gumin~giti n~g sapilitang pagn~gitî, at humandáng samáhan ang
m~ga dalaga.
Nanaog silá sa hagdanan.
Nangguiguitnâ si María Clara cay Victoria at cay Iday, sumusunod sa
licuran si tía Isabel.
Nagwawahi ang tao sa udyóc n~g paggálang, at n~g sila'y mabigyáng daan.
Puspós n~g catacatacang cagandahan si María Clara: napáwi ang canyáng
pamumutlâ, at cung nananatiling tila may iniísip ang canyáng m~ga mata,
ang canyáng bibig namán ay warì'y waláng ibang nakikilala cung hindî ang
n~gitî. Tagláy iyáng cagandahan n~g loob n~g isáng lumiligayang dalaga,
siya'y bumabatì sa canyáng m~ga dating cakilala mulâ pasa camusmusan, at
n~gayo'y nagsisipangguilalás sa canyáng mapálad na cabatâan. Sa cúlang
pang labíng limáng áraw ay nanag-úlì sa canyá yaóng lubós na
pagpapalagay n~g loob, yaóng catabiláng musmos na tila mandin nagulayláy
sa guitnâ n~g makikipot na tahanang nalilibot n~g pader sa beaterio;
masasabing kinikilala n~g paroparó ang lahat n~g m~ga bulaclac pagcaalís
niya sa canyáng bahay-uod; nagcasiya sa canyá ang lumipád na sumandali
at magpainit sa m~ga doradong sínag n~g áraw upang mawalâ ang catigasan
n~g m~ga casucasuan n~g bágong nagcacapacpác. Cumikisláp ang bágong
búhay sa boong cataohan n~g dalaga: pawang magaling at maganda ang
canyang tin~gin sa lahát; isinasaysay ang canyáng pagsintá sa
pamamag-itan niyang calugodlugód na asal n~g isáng virgeng palibhasa'y
waláng namamasdán cung dî m~ga budhîng dalísay, hindî nakikilala cung
anó ang dáhil n~g m~ga paghihiyahiyâan. Gayón man, pagca siya'y
inaalayan n~g masasayáng m~ga aglahi'y tinatácpan niya ang canyáng mukhâ
n~g abanico; datapuwa't pagca nagcacagayó'y n~gumin~gitî ang canyáng
m~ga matá at lumalaganap sa canyáng boong cataohan ang bahagyang
kilabot.
Pinasimulaang lagyán n~g m~ga ílaw ang m~ga pan~gulong báhay, at sa m~ga
daang pinagdaraanan n~g m~ga música ay sinisìndihan ang m~ga ílaw n~g
m~ga arañang cawayan at cahoy na inihuwad sa m~ga araña n~g simbahan.
Natatanaw buhat sa daan, sa m~ga bintanang bucás, ang hindî naglilicat
na pagpaparoo't parito n~g m~ga tao sa m~ga bahay, sa guitnâ n~g
caliwanagan n~g m~ga ílaw at halimuyac n~g m~ga bulaclac, sa caayaayang
tínig n~g piano, arpa ú orquesta. Nan~gaglalacaran sa m~ga daan ang m~ga
insíc, m~ga castila, m~ga filipinong may suot europeo ó suot tagalog.
Nan~gagcacahalòhalò sa paglacad, na nan~gagcacasicuhan at
nan~gagtutulacán ang m~ga alilang lalaking may dalang carne ó m~ga
inahíng manóc, m~ga estudianteng nacaputî ang pananamit, m~ga lalaki't
m~ga babae, na nan~gagsisipan~ganib na sila'y matahac n~g m~ga coche at
m~ga calesa, na cahit sumisigaw n~g "tabì" ang m~ga cochero'y
nahihirapan din silang macapaghawì n~g daan.
Bumati sa ating m~ga cakilala, n~g na sa tapát silá n~g báhay ni
capitang Basilio, ang iláng m~ga kinabataan, at inaayayahang pumanhic
muna sa báhay. Ang masayáng voces ni Sinang, na tumatacbóng papanaog sa
hagdanan, ang siyáng nagbigay wacás sa m~ga pagdadahilan upang huwag
pumanhic.
--Pumanhíc muna cayóng sandalî upang aco'y macasama sa inyó,--ang
sinasabi niya. Nababagot acó sa pakikipanayam sa gayóng caraming hindî
co m~ga cakilalang walang pinag-uusapan cung di m~ga sasabun~gin at m~ga
baraja.
Nan~gagsipanhic silá.
Punongpuno ang salas n~g m~ga tao. Nan~gagpauna ang ilán upang bumati
cay Ibarra, na kilala, ang pan~galan n~g lahat; canilang pinagmamasdan
n~g boong pagcahan~ga ang cagandahan ni María Clara, at
nan~gagbubulungbulun~gan ang ilang m~ga matatandang babae, samantalang
n~guman~gan~gà: "¡mukhang vírgen!"
Napilitan silá roong uminóm n~g chocolate. Naguing matalic na caibigan
at taga pagsanggalang ni Ibarra si capitang Basilio, mula n~g araw na
sila'y maglibang sa caparan~gan. Naalaman niya, sa pamamag-itan n~g
telegramang inihandóg sa canyang anac na babaeng si Sinang, na natatalos
ni Ibarra ang canyang pananalo sa usapin, ayon sa hatol n~g hucom, at
dahil dito'y sa pagca't aayaw siyang pagahis sa cagandahan n~g loob,
canyang ipinakiusap na pawalang cabuluhan ang pinagcayarian n~g sila'y
maglarò n~g ajedrez. Datapwa't sa pagca't aayaw pumayag si Ibarra sa
gayóng bagay, ipinakiusap naman ni capitang Basiliong ang salaping dapat
na ibayad sa m~ga costas ay gamitin sa pagbabayad n~g isang maestro sa
gagawing escuela n~g bayan. Dahil sa gayóng nangyayari, guinagamit ni
capitang Basilio ang canyang mainam na m~ga pananalita, at n~g huwag n~g
ipagpatuloy n~g ibang m~ga causapin ang canilang m~ga cacaibang adhica,
at sa canila'y sinasabi:
--¡Maniwala cayó sa akin: sa m~ga usapín ang nananalo'y siyang
nahuhubdan!
Datapwa't wala siyang mapahinuhod na sino man, baga man canyang
sinasambit ang m~ga romano.
N~g macatapos n~g macainom n~g chocolate, napilitan ang ating m~ga
cabataang pakingan ang pianong tinutugtog n~g organista n~g bayan.
Pagca siya'y pinakikinggan co sa Simbahan ani Sinang, nacacaibig acong
magsayaw; n~gayong piano ang canyang tinutugtóg ang naiisipan co nama'y
magdasal. Dahil dito'y sasama acó sa inyó.
--¿Ibig pô ba nínyóng pumarito sa amin n~gayóng gabí?--ang inianás ni
capitang Basilio sa tain~ga ni Ibarra n~g itó'y magpaalam na--maglalagáy
si parì Dámaso n~g isáng maliit na ban~gcâ.
N~gumitî si Ibarra at sumagót n~g isáng tan~gô n~g úlo, na mangyayaring
ang maguing cahuluga'y pagsang-ayon, at mangyayari namang hindî
pagsang-ayon.
--Sino ba iyan?--ang tanóng ni María Clara cay Victoria, na itinurò sa
isáng mabilís na sulyáp ang isáng binatang sa canilá'y sumusunod.
--Iyan ... iya'y isáng pinsan co,--ang isinagót na halos
nagugulumihanan.
--¿At ang isá?
Iya'y hindî co pinsan.--ang dalidaling isinagót ni Sinang;--iyá'y isáng
anác n~g aking tía.
Nagdaan silá sa harapán n~g conventong tahanan n~g cura, na ang
catotohanan ay hindî sahól sa m~ga ibáng lugar sa casayahan. Hindî
napiguilan ni Sinang ang isáng sigaw n~g pangguiguilalás n~g canyáng
makitang may m~ga ílaw ang m~ga lámpara, m~ga lámparang ang m~ga anyó'y
sa caunaunahan pa, na hindî pinababayaan cailan man ni párì Salving
siyang pag-ilawan at n~g huwag magcagugol sa petróleo. May nan~gariring
na m~ga sigawan at malalacás na halakhacan, napapanood na ang m~ga
fraile'y lumalacad n~g mahinà, at iguinagalaw ang úlo n~g ayon sa
compás, at malakíng tabaco ang napapamuti sa m~ga lábì. Pinagsisicapan
n~g hindî páring sa canila'y nakikipanayam, na caniláng gagarin ang
lahát n~g guinágawà n~g m~ga mababait na fraile. Ayon sa m~ga damit
europeong caniláng casuutan, marahil sila'y m~ga cawanì (empleado) n~g
gobierno ó m~ga punong lalawigan.
Natanawan ni María Clara ang mabilog na pan~gan~gatawán ni parì Dámaso
sa tabí n~g makisig na tindíg ni parì Sibyla. Hindî cumikilos sa canyáng
kinalalagyán ang matalinghaga at mapanglawing si parì Salví.
--¡Nalulungcot!--ang ipinahiwatig ni Sinang;--canyáng pinag-iisip-isip
ang canyáng magugugol sa gayóng caraming m~ga panauhín. N~guni't
makikita rin ninyóng hindî siyá ang magbabayad cung hindî ang m~ga
sacristán. Sa tuwituwi na'y cumacain ang canyáng m~ga panauhin sa ibáng
lugar.
--¡Sinang!--ang ipinagwicâ sa canyá ni Victoria.
--Totoóng aco'y galít sa canyá mulâ n~g iwasac ang "Rueda de la
Fortuna," hindî na acó man~gun~gumpisal sa canyá.
Natan~gî sa lahát n~g m~ga bahay ang isáng waláng cailaw-ilaw, at hindî
man lamang bucás ang m~ga bintana; ang bahay na iyón ang sa alférez.
Nagtacá sa bágay na itó si María Clara.
--¡Ang asuang! ¡ang Musa n~g Guardia Civil, ang wicà n~gà n~g matandáng
lalaki!--ang bigláng sinabi n~g catacot tacot na si Sinang.--¿Anó ang
ipakikialam niyá sa ating m~ga catuwaan? ¡Marahil ay nagn~gan~galit!
Pabayaan mong dumating ang cólera at makikita mong siya'y mag-aanyaya.
--Cailán ma'y kinasusutan co siyá, at lalonglalo na n~g guluhin ang
ating pagcacatuwa sa pamamag-itan n~g canyáng m~ga guardía civil. Cung
Arzobispo lamang aco'y ipacacasal co ang babaeng iyán cay parì Salvi....
¡makikita mo cung anó ang caniláng maguiguing m~ga anác! Sucat bang
ipahuli ang caawaawang piloto, na sumugbá sa tubig macapagbigay loob
lamang....
Hindî niyá natapos ang sinasabi; sa suloc n~g plaza na pinagcacantahan
n~g isáng bulág na lalakî, na isáng guitarra ang catono, n~g casaysayang
ucol sa m~ga isdà, may isáng hindî caraniwang napapanood.
Yayó'y isáng lalaking ang nacapatong sa úlo'y isáng malapad na salacót
na dáhon n~g bulí, at dukhang totoo ang pananamít. Ang suut niya'y isáng
gulagulanit na levita at salawal na maluang, na cawan~gis n~g salawal
n~g m~ga insic, na punít sa ibá't ibáng lugar. Carukharukhaang m~ga
panyapác ang nacasuut sa canyáng m~ga paa. Sumasadilím ang canyáng mukhâ
dahil sa canyáng salacót; n~guni't manacanacang nagmumulâ sa cadilimáng
iyón ang dalawang kisláp, na pagdaca'y napapawi. Siya'y matangcád, at
napagkikikilalang siya'y bátà pa, dahil sa canyáng m~ga galáw.
Inilalagáy sa lúpà ang ísang baculan, at pagcatapos ay lumalayo't
nagsasalitâ n~g m~ga cacaibang tínig na hindì mawatasan; nananatiling
nacatindíg, lubós ang pagcalayô sa m~ga ibá, na anaki'y siya at ang
caramihang tao'y talagáng nan~gagpapan~gilagan ang isá't isá.
Pagcacagayo'y nan~gagsisilapit ang iláng m~ga babae sa canyáng baculan
at inilalagáy doon ang m~ga bun~gang cáhoy, isdâ, bigás at ibá pa. Pagcâ
walâ n~g lumalapit na sino man, nan~gagsisilabás sa m~ga cadilimang iyón
ang ibáng m~ga tínig na lalong malulungccót, n~guni't hindî na totoong
nacalulunos, napasasalamat marahil; dinarampot ang canyang baculan at
sacâ lumalayô upang ulitin ang gayón ding gawâ sa ibáng lugar naman.
Nagunitâ ni María Clara sa gayóng nakita ang isáng sacunâ, at
pinagsumakitang itanóng cung anó anó nangyayari sa cacaibáng táong iyón.
--Iyan ang sanlázarohin,--ang isinagót ni Iday.--May apat na taón na
n~gayóng kinapitan siyá n~g sakit na iyan: ang wicà n~g ibá'y dahil sa
pag-aalagà, sa canyáng iná, at anáng ibá namá'y dahil sa pagcapiit niya
sa malamíg na bilangguan. Siya'y doon tumatahan sa cabukiran, sa malapit
na sa libin~gan n~g m~ga insíc; hindî siya nakikipag-abot-usap canino
man, nan~gagsisilayóng lahát sa canyá sa tacot na bacá mahawahan. ¡Cung
makita mo sana ang canyang dampâ! Iyón ang dampâ ni Guiríng-guiríng: ang
han~gin, ang ulán at ang araw ay pawang pumapasoc at lumalabas na
catulad n~g carayom sa damít. Ipinagbawal sa canyáng humipò n~g anó mang
bagay na pag-aari n~g sino mang tao. Nahulog isáng áraw sa san~ghá ang
isáng batà; hindî naman malalim ang san~ghá, datapuwa't nagcátaong
siya'y dumaraan doon, ang guinawâ niya'y tinulun~gan niya ang batà sa
pag-ahon doon. Napagtantô n~g amá n~g batà ang nangyaring iyón,
pagsacdal sa gobernadorcillo, at ipinapalò siya nito n~g anim sa guitnà
n~g daan at sacâ ipinasunog pagcatapos ang yantóc. ¡Cakilakilabot iyón!
Tumatacbó sa pagtacas ang sanlazarohin, hinahabol siya n~g tagapalo at
sinisigawan siya n~g gobernadorcillo: "¡Mag-aral ca! mabuti pang malunod
na n~ga ang isang tao, huwag lamang magcasakit na gaya n~g sakit mo."
--¡Tunay n~gâ!--ang ibinulóng ni María Clara.
At hindî nalalaman ang canyang guinagawa'y dalidaling lumapit sa baculan
n~g cúlang palad, at inilagay roon ang relicario na bago pa lamang
cahahandóg sa canya n~g canyang ama.
--¿Anó ang guinawâ mo?--ang sa canyá'y itinanóng n~g canyáng m~ga
caibigang babae.
--¡Walâ acóng ibang sucat máibigay!--ang isinagót, at canyáng inilihim
sa pamamag-itan n~g isáng tawa ang luhà n~g canyáng m~ga matá.
--¿At anó ang canyáng gágawin sa iyong relicario?--ang sa canyá'y sinabi
ni Victoria.--Binigyán siyá isáng araw n~g salapî. N~guni't ang guinawâ
n~g sanlazarohin ay inilayô sa canyá ang salapíng iyón sa pamamag-itan
n~g isáng patpat: ¿anó ang gágawin niyá sa salapî sa gayóng walâ sino
mang tumangáp n~g anó mang bágay na gáling sa canyá? ¡Cung macacain sana
ang relicario!
Tiningnán ni María Clara n~g boong pananaghilì ang m~ga babaeng
nagbibilí n~g m~ga cacanín, at ikinibít ang m~ga balicat.
N~guni't lumápit ang sanlazarohín sa baculan, kinuha ang hiyás na
cumináng sa canyáng m~ga camáy, lumuhód, hinagcán ang hiyás na iyón, at
saca nagpugay at bago isinubsób ang canyáng noó sa alabóc n~g bacás n~g
dalaga.
Ikinublí ni María Clara ang canyáng mukhâ sa canyáng abanico at dinalá
ang panyô sa canyáng m~ga matá.
Samantala'y lamapit ang isáng babae sa culang palad na anaki'y
nagdárasal. Lugáy at gusamót ang canyáng mahabang buhóc, at sa liwanag
n~g ilaw n~g m~ga faról ay napanood ang payát at namumutlâ n~g mainam na
pagmumukhâ n~g ul-ol na si Sisa.
N~g maramdaman n~g sanlazarohin ang paghipò sa canyá, nagpacasigawsigaw,
at tumindíg sa isáng lucsó. N~guni't humawac sa canyáng bísig ang ul-ol
na babae, sa guitnâ n~g malakíng pan~gin~gilábot n~g tao, at itó ang
canyáng sinabi:
--¡Magdasál tayo! ¡magdasál tayo! ¡N~gayón ang caarawan n~g m~ga patáy!
Ang m~ga ilaw na iyá'y siyáng m~ga búhay n~g m~ga tao; ¡ipagdasál natin
ang aking m~ga anác na lalaki!
--¡Ilayô ninyó ang babaeng iyán, papaglayuin ninyó silá! sa pagca't
mahahawa ang ul-ol na babae!--ang sigawan n~g caramihang tao, datapwa't
waláng man~gahás na lumapit sino man.
--¿Nakikita mo ba ang ilaw na iyón sa campanario? ¡Ang ilaw na iyón ang
aking anác na si Basiliong nananaog sa pamamag-itan n~g isáng lúbid!
¿Nakikita mo ba ang ilaw na iyón na convento? Ang ilaw na iyón ang aking
anác na si Crispín, n~guni't hindî co silá paroroonan sa pagca't may
sakit ang cura at siya'y maraming m~ga onza, at ang m~ga onza'y
nan~gawawalâ. ¡Magdasal tayo at ating ipatungcol sa caluluwá n~g cura!
Dinadalhán co siyá n~g amargoso at zazalidas; punongpunô ang aking
halamanan n~g m~ga bulaclac at dating may dalawa acong anác na lalaki.
¡Dati acóng may halamanan, nag-aalagà aco m~ga bulaclac at dating may
dalawá acóng anác na lalaki!
At binitawan ang sanlazarohin at lumayóng cumacantá:
--¡Dáting may halamanan aco't m~ga bulaclác, aco'y dating may m~ga anác
na lalaki, halamanan at m~ga bulaclác!
--¿Anó na ba ang nagawâ mong magaling sa cahabághabág na babaeng
iyán?--ang tanóng ni María Clara cay Ibarra.
--¡Walâ pa! siya'y nawala n~g m~ga araw na itó sa bayan at hindi
nangyaring siya'y masumpun~gan!--ang isinagót n~g binatang nagdadaláng
cahihiyan--Bucod sa roo'y totoong marami ang aking guinawâ, n~guni't
huwág ca sanang mahapis; ipinan~gacò sa akin n~g curang tutulun~gan niyá
acó, tulóy ipinagtagubilin niyá sa akin ang malaking pag-iin~gat at
paglilihim sa pagca't tila mandin isang cagagawán n~g guardia civil
¡Totoong ipinagmamalasakit n~g cura ang babaeng iyán!
--¿Hindî ba sinasabi n~g alférez na canyáng ipahahanap ang m~ga bátà?
--¡Oo, n~guni't n~g sabihin iyo'y may caunting....calan~guhan siyá!
Casasabi pa n~g gayóng bágay n~g caniláng makitang hindî inihahatíd cung
di kinacaladcad ang ul-ol na babae n~g isáng soldado: aayaw sumama si
Sisa.
--¿Bákit ba ninyó hinuli ang babaeng iyán? ¿Anó ang canyáng guinawá? ang
tanong ni Ibarra.
--¿Cung bákit? ¿Hindî ba ninyô nakita cung paano ang guinágawâ niyáng
pag-iin~gay?--ang sagót n~g tagapag-in~gat n~g catahimican n~g bayan.
Dalidaling kinuha n~g sanlazarohin ang canyáng baculan at lumayô.
Minagalíng ni María Clarang umuwî na, sa pagca't lumipas sa canyá ang
tuwá at casayahan.
--¿Mayroon din palang m~ga taong hindî lumiligaya! ang canyáng
ibinulóng.
Pagdatíng niyá sa pintuan n~g canyáng bahay, canyáng naramdamang
naragdagan ang canyáng capanglawan, n~g canyáng mahiwatigang aayaw
pumanhíc at nagpapaalam ang nan~gin~gibig sa canyá.
--¡Kinacailan~gan!--ang sabi n~g binatà.
Pumanhíc sa hagdanan si María Clarang ang sumasaisip ay totoong
nacayayamot ang m~ga araw n~g fiesta, pagcá dumarating ang m~ga
panauhing tagaibang bayan.
=XXVIII.=
=MAN~GA SULAT=
_Ang bawa't tao'y nagsasaysay
ayon sa kinasasapitan
sa fiestang pinaroroonan._
Sa pagca't waláng anó mang mahalagang nangyayari sa m~ga taong
sinasaysay natin ang buhay na pinagdaanan, sa gabí n~g sinusundang araw
n~g fiesta at gayón din sa kinabucasan, magalac na lalactawan namin ang
araw na itó n~g pagsasayá, cung di lamang inaacala naming baca sacalì
han~garing maalaman n~g sino mang bumabasang taga ibang lupaín cung
paano ang guinagawá n~g m~ga filipino sa caniláng m~ga pagpifiesta. Sa
ganitóng cadahilana'y sisipiin naming hindî daragdaga't hindî babawasan
ang iláng m~ga sulat, na ang isá sa canila'y ang sa "corresponsal" n~g
isang pamahayagang matimtiman at tinatan~gi sa Maynilà, na
cagalanggalang dahil sa canyang cataasan at cahigpitang manalitá. Ang
m~ga bumabasa sa amin ang siyá n~g bahalang magpunô sa ilang maliliit at
calacarang m~ga cauculan.
Narito ang sulat n~g carapatdapat na "corresponsal" n~g mahal na
pamahayagan:
"Guinoong Namamatnugot....
"Tan~gi cong caibigan: cailan ma'y hindî pa acó nacapapanood, at
inaacalà cong hindî na acó macapapanod pa sa m~ga lalawigan n~g isáng
fiestang tungcòl sa religióng totoong dakilà, maningning at nacababagbag
n~g loob, na gaya n~g pagsasayáng guinagawa sa bayang ito n~g m~ga
totoong cagalanggalang at m~ga banal na m~ga paring Franciscano."
"Pagcaramirami n~g dumalo: nagtamó acó rito n~g ligayang bumati sa halos
lahát n~g m~ga castilang tumitira sa lalawigang ito, sa tatlong
cagalanggalang na m~ga Paring Agustino na na sa lalawigang Batan~gan, sa
dalawang cagalanggalang na m~ga Paring Dominico, na ang isá sa canila'y
ang totoong cagalanggalang na si Pári Fray Hernando de la Sibyla, nasa
canyáng pagparito'y canyang pinaunlacan ang bayang itó, bagay na hindî
dapat calimutan magpacailan man n~g m~ga carapatdapat na m~ga tagarito.
Nakita co rin naman ang lubhang maraming m~ga caguinoohang taga
lalawigang Tan~guay, Capangpan~gan, ang maraming mayayamang m~ga taga
Maynilà at maraming m~ga banda n~g música, at ang isá sa canila'y ang
lubháng mainam na banda sa Pagsanghán, pag-aari n~g guinoong Escribanong
si guinoong Miguel Guevara at ang caramihang m~ga insic at m~ga indio,
na taglay n~g m~ga insíc ang canilang talagang dating caugaliang pagca
maibiguíng macakita n~g iba't ibang bagay, at n~g m~ga indio ang
caniláng asal na mapamintacasi, hinihintay nilá n~g maalab na pagmimithî
ang pagdating n~g araw na ipagsasaya ang dakilang fiesta, upang caniláng
mapanood ang palalabasing "comico-mímico-lirico-coreográfico-dramático,"
at n~g magawá ang bágay na itó'y sila'y nagtayò n~g isáng malaki at
maluang na tablado sa guitnâ n~g plaza."
"N~g icasiyam na oras n~g gabi n~g araw na icasampô nitóng buwan, araw
na sinusundan n~g fiesta, pagcatapos n~g isáng masaráp at saganang
hapunang inihandóg sa amin n~g Hermano Mayor, tinakhan naming lahát na
m~ga castila't m~ga fraileng na sa convento, ang caaliw-aliw na tugtóg
n~g musicang may casabay na nagsisiksicang caramihang tao at n~g úgong
n~g m~ga cohete at malalaking bomba, at pinamamatnugutan n~g m~ga guinoo
n~g bayan, ang tinutun~go'y ang convento upang cami'y sunduin at ihatíd
sa lugar na nahahandâ at iniuucol sa amin at n~g doo'y panoorin namin
ang catuwaang palalabasin."
"Napilitan caming pahinunod sa gayóng magandáng anyaya, bagá man lalo
sanang minamagaling co pa ang magpahin~galay sa m~ga bisig ni Morfeo, at
pagcalooban n~g masanghayang pagpahin~galay ang aking nananakit na m~ga
laman at buto, salamat sa nilundaglundag n~g lulanáng sa ami'y
ipinagcaloob n~g Gobernadorcilio sa bayan n~g B."
"Nanaog n~ga camí at aming hinanap ang aming m~ga casamang humahapon
bahay na pag-aari rito n~g mapamintacasi at mayamang si don Santiago de
los Santos. Ang totoong cagalanggalang na si Párì Fray Bernardo Salvi na
cura nitóng bayan, at ang totoóng cagalanggalang na si Párì Fray Damaso
Verdolagas, na sa tanging biyayà n~g Cataastaasan ay magaling na sa
dinaramdam na sa canya'y guinawa n~g camáy na pusóng, na ang casama'y
ang totoong cagalanggalang na si Párì Fray Hernando de la Sibyla at ang
banál na cura sa Tanawan at iba pang m~ga castilà, ang siyang m~ga
panauhín n~g mayamang filipino. Diya'y nagtamó caming capalarang
pangguilalasan, hindî lamang ang lubhang mahahalagang casangcapan at
cagalin~gang magpamuti n~g may-ari n~g bagay, bagay na hindî caraniwan
sa m~ga taong tubò rito, cung di naman ang camahálmahalan,
cágandagandahan at mayamang dalagang magmamana, na nagpakilalang siya'y
tunay at ganáp na alagad ni Santa Cecilia sa pagtugtóg n~g lalong
caayaayang músicang likhá n~g m~ga alemán at n~g m~ga italiano, sa
canyáng mainam na piano, na anó pa't ang canyáng cagalin~gang tumugtóg
ay nagpaalaala sa akin sa babaeng si Galvez. Sayang at napacatimtiman
naman ang gayong lubós sa cagalin~gang binibini, at inililihim ang
canyang m~ga carapatán sa madláng caguinoohang pawang pagpupuri lamang
ang sa canya'y handóg. Hindî co dapat iwan sa tintero, na sa bahay n~g
nag-anyaya'y pinainóm cami n~g champaña at masasarap na m~ga licor n~g
boong casaganaan at cagandahang loob na siyang caugaliang hindî
nagbabago n~g kilalang mamumuhunan."
"Pinanood namin ang palabás. Kilala na po ninyó ang ating m~ga artistang
si na Ratia, Carvajal at Fernandez; camí lamang ang nacaunawa n~g
canilang carikitang lumabas, sa pagca't ang m~ga taong walang
pinag-arala'y walang napagtantò cahi't babahagya. Magaling ang
pagcacalabas ni Chananay at ni Balbino, baga man may caunting pamamaos
nilá: isang pagcantáng hidwa n~g caunti sa música ang guinawa ni
Balbino, datapuwa't catacatacá ang cabooan at ang canilang pagpupumilit
sa mabuting pagganap. Lubháng naibigan n~g m~ga indio at lalong-lalò na
n~g gobernadorcillo ang comediang tagalog: nagpakita n~g malaking
catuwaan ang gobernadorcillo at sinasabi sa aming sáyang daw at hindi
pinapakipag-away ang princesa sa gigante na sa canya'y umagaw, bagay na
sa canyáng balac ay lalò sanang caguilaguilalas, at higuit pa, cung
hindî mangyaring talban ang gigante cung di sa púsod lamang, na gaya
baga n~g isang nagn~gan~galang Ferragús, ayon sa nababasa sa casaysayan
n~g buhay n~g Doce Pares. Nakikisang-ayon sa acala n~g gobernadorcillo
ang totoong cagalanggalang na si Parì Fray Damaso, taglay iyáng
cagandahan n~g púsong siyang ikinatatangì niyá, at ang idinagdag pa'y
cung sacali't magcagayon daw, ang princesa na ang hahanap n~g paraan at
n~g canyáng masunduan ang púsod n~g gigante upang sa gayo'y canyang
mápatay."
"Hindî co pô kinacailan~gang sabihin sa inyong samantalang guinágawâ ang
pagpapalabas ay di itinulot n~g Rothschild na filipinong magculang n~g
ano man sa cagandahan n~g canyang loob: ang m~ga sorbete, m~ga limonada
gaseosa, m~ga refresco, m~ga matamis, m~ga alac at iba't iba pa'y
saganang ipinamamahagui sa aming lahat na nangaroon. Ininóng totoó, at
na sa catuwiran n~ga ang gayong pag-ino, ang pagcawala roon n~g kilala
at marunong na binatang si don Juan Crisostomo Ibarra, na ayon sa talos
na ninyo, ay dapat na siyáng manguló búcas sa pagbebendición n~g unang
bató na nauucol sa dakilang "monumento" na canyang ipinatatayò sa udyóc
n~g malaking nais na macagawâ n~g magalíng. Ang carapatdapat na calahing
itó n~g m~ga Pelayo at n~g m~ga Elcano, (sa pagca't ayon sa napagtantò
co'y tubò sa ating bayani at uring mahál na m~ga lalawigan sa dacong
Timugan n~g España ang isá sa canyáng m~ga nunò sa amá, na marahil ay
isá sa m~ga unang kinasama ni Magallanes ó ni Legaspi) ay hindi rin
napakita sa m~ga nalalabing oras n~g araw, dahil sa caunting sakit na
canyáng dinaramdam. Nagpapalipatlipat sa m~ga bibig ang canyáng
pan~galang ipinan~gun~gusap lamang upang purihin, m~ga pagpupuring hindî
mangyayaring di mauuwî sa icararan~gal n~g España at n~g tunay na m~ga
castilang gaya na n~gâ natin, na cailan ma'y hindî natin
pinasisinun~galin~gan cailan man ang ating dugô, cahit magpacáramirami
ang m~ga maguing cahalò."
"Napanood namin n~gayóng icalabing isá n~g buwan, sa dácong umaga, ang
isáng nangyaring lubháng nacababagbag n~g loob. Hayág n~gâ at talastás
n~g lahát na sa araw na itó'y cafiestahan n~g Virgen de la Paz (Virgen
n~g Capayapaan), at itó'y ipinagsasayá n~g m~ga Hermano (capatíd) n~g
Santisimo Rosario Búcas ang cafiestahan n~g Pintacasing si San Diego, at
sa fiestang iyá'y lubhang nakikitulong ang m~ga Hermano n~g V.O.T.
(Venerable Orden Tercera; Cagalang-galang na Pan~gatlóng Hanáy). May
isáng malaking pagpapataasang banal ang dalawang Capisanang itó sa
paglilingcód sa Dios, at dumaratíng ang ganitóng gawáng cabanalan
hanggang sa panggalin~gan n~g santong pagcacasamaan n~g loob nilá, gaya
na n~gâ nitong hulíng nangyari dahil sa pakikipagtalo sa salitaan n~g
dakilang taga pagsermong kinikilalang talagang balità, na hindî iba't
ang di mamakailang aking binangguit, na totoong cagalanggalang na si
Párì Fray Damaso, na siyáng lalagay búcas sa sadyang licmúan n~g
Espiritu Santo, at ayon sa maacalà n~g lahát ay hindî malilimutang
paunlacán n~g religión at n~g literatura."
"Alinsunod n~gâ sa aming sinasaysay, napanood namin ang isáng nangyaring
lubháng nacapagtuturò at nacababagabag n~g loob. Lumabas sa sacrista ang
anim na m~ga bata pang m~ga "religioso" (fraile), ang tatlo sa canila'y
upang mangagmisa at ang tatló n~g mag-"acolito", nanicluhod sila sa
harap n~g altar, at kinanta n~g "celebrante" (ang magmimisa) na itó
n~ga'y ang totoong cagalanggalang na si párì Fray Hernando Sibyla, ang
"Surge Domme", na siyang dapat maging pasimulâ n~g procesión sa paliguid
n~g simbahan, taglay yaóng mainam na voces at anyong mataimtin na sa
canyá'y kinikilala n~g lahat at siyang lubós na ipinaguiguing dapat niyá
sa pangguiguilalas n~g madla. Pagca tapos n~g "Surge Domine",
pinasimulan ang procesión n~g gobernadorcillo, na nacafrac, dalá ang
"guión" at may casunod na apat na sacristang may hawac na m~ga
insensario. Sumusunod sa caniláng licuran ang m~ga cirial na pilac, ang
caguinoohan n~g bayan, ang mahahalagang m~ga larawang nasusuutan n~g
sutlang raso at guintô ni na Santo Domingo at San Diego, at n~g Virgen
de la Paz na may isáng carikitdikitang balabal (manto) na azul at may
m~ga planchang pilac na dinorado, handóg n~g banál na capitang paradong
si don Santiago de los Santos, na totoong carapatdapát uliranin at hindî
casiya ang siyá'y ibantog magpacailán man. Nalululan ang lahát n~g m~ga
larawang itó sa m~ga carrong pílac. Sumusunod caming m~ga castilà at ang
ibáng m~ga religioso sa licuran n~g Iná n~g Dios: tinatangkililc n~g
isáng páliong dalá n~g m~ga cabeza de barangay ang "oficiante" at ang
wacás n~g procesio'y ang may mabuting carapatang capisanan n~g Guardia
Civil. Inaacalà cong hindî na cailan~gang sabihing caramihang m~ga
"indio" ang siyáng bumubuo n~g dalawang hanay n~g procesión, na pawang
may tan~gang candílang may nin~gas at taglay ang boong pamimintacasi.
Tumutugtog ang música n~g m~ga marcha religiosa; ulit-ulit na putóc ang
siyáng guinágawa n~g m~ga bomba at n~g m~ga apóy na rueda.
Nacapangguiguilalás ang panonood n~g cahinhinán at nín~gas n~g loób na
iniuudióc sa pusò n~g m~ga nanampalataya sa caniláng wagás at malaking
pananalig sa Vírgen de la Paz ang pagdiriwang na lubós at marubdób na
pamimintacasing guinágawâ nating nagtamó n~g palad na ipan~ganác sa
lílim n~g casantasantahan at waláng báhid na dun~gis na bandera n~g
España sa ganitong m~ga cafiestahan."
"N~g matapos ang procesio'y pinasimulán ang misa, na sinasaliwan n~g
orquesta at n~g m~ga artista n~g teatro. N~g matapos na ang Evangelio'y
pumanhík sa púlpito ang totoong cagalanggalang na si Párì Fray Manuel
Martín, agustinong nanggáling sa lalawigang Batan~gan, na pinagtakhán
n~g m~ga nakikinig na páwang nan~gabitin sa canyáng pananalitâ,
lalonglalò na ang m~ga castíla, sa pagpapasimulâ n~g pan~gan~garal n~g
wícang castílà, na sinaysay n~g boong cabayanihan sa m~ga pananalitang
magagaang ang pagcacataglay, at totoong angcáp na ancáp, na anó pa't
pinúpuspos ang aming m~ga púsò n~g mataimtim na pamimintacasi at
pag-aalab. Ang ganitóng pan~gun~gusap n~gâ ang siyáng marapat ilagdâ sa
dinaramdam, ó ating dinaramdam pagcâ nauucol ang sinasaysay sa Vírgen ó
sa ating sinisintang España, at lálonglálo na pagcâ naisasal-it sa
sinasabi, yamang mangyayari namán sa bagay na itó, ang m~ga caisipán n~g
isáng príncipe n~g Iglesia, na si "señor Monescillo," na mapapagtitibay
na siyáng dináramdam n~g lahát n~g m~ga castilà."
"N~g matápos ang misa'y pumanhíc camíng lahát sa convento, na casama n~g
m~ga caguinoohan sa bayan at ibá pang mahahalagáng m~ga tao, at doo'y
hinandugán silá n~g boong cagandahan n~g loob, pagpipitagan at
casaganaang siyáng kinaugalian n~g totoong cagalanggalang na si Párì
Fray Salví, na inalayan nilá n~g m~ga tabaco at m~ga pagcaing inihandâ
n~g Hermano Mayor sa sílong n~g Convento na handâ sa lahát n~g m~ga
nagcacailan~gang patahimikin ang m~ga pan~gan~gailan~gan n~g sicmurà."
"Waláng naguíng caculan~gang anó man sa loob n~g maghápon upang bigyáng
casiyahan ang fiesta at n~g upang manatili ang masayáng caasalán n~g
m~ga castilà, na sa m~ga gayóng capanahuna'y hindî mangyaring
mapiguilan, na ipinakikilala, cung minsa'y sa m~ga "canción" ó m~ga
sayaw, at cung minsa'y sa m~ga waláng cahulugan at masayáng m~ga
paglilibáng, palibhasa'y may m~ga púsong mahál at malacás, na anó pa't
hindî nacararaig sa canilá ang m~ga pighati, at sucat na ang magcapisan
ang tatlóng castilà sa alin mang lugar, upang doo'y tumácas ang
calungcutan at samâ n~g loob. Pinag-aláyan n~gâ sa maraming bahay si
Terpsícore datapuwa't lalonglalo na sa marilág na cayamanyamanang
filipino na pinagpiguin~gan sa amin sa pagcain. Hindî co na
kinacailan~gang sabihin pô sa inyóng lubháng masaganà at masaráp ang
m~ga ipinacain sa piguing na iyón, na masasabing pan~galawa na n~g m~ga
piguing sa casalan sa Caná ó cay Camacho, na pinagbuti at dinagdaran pa
mandin. Samantalang nagtatamasa cami n~g m~ga caligayahan n~g pagcaing
pinamamatnubayan n~g isáng tagalútò n~g "La Campana," tumútugtog naman
ang orquesta n~g m~ga cawiliwiling tinig. Tagláy n~g cagandagandahang
dalaga sa bahay, ang isáng casuutang mestiza, at isáng warí'y ágos n~g
m~ga brillante, at siyá n~gâ, ayon sa pinagcaratihan na, ang reina n~g
fiesta. Dinamdám naming lahát na dahil sa isáng hindî namán malubháng
pagcápatapiloc n~g canyáng magandang paa'y hindî siya nangyaring
nagcamit n~g m~ga ligaya sa pagsasayáw, sa pagca't cung ayon sa aming
nahiwatigang siyá'y ganáp sa cagalin~gang gumawâ n~g anó man, ang
guinoong binibining de los Santos, cung sumayaw marahil ay catulad n~g
isáng "silfide"."
"Dumating n~g hapong itó ang Alcalde n~g lalawigan, upang bigyán n~g
cadakilaan sa canyáng pagharáp ang gagawing "ceremonia" búcas. Dinamdám
niyá ang pagsamâ n~g damdám n~g hirang na mamumuhunang si guinoong
Ibarra, na salamat sa Dios, at ayon sa sabihana'y magalíng na."
"Nagcaroon n~g gabíng itó n~g mainam na procesión, datapuwa't sasabihin
co na ang bagay na itó sa aking sulat búcas, sa pagca't bucód sa m~ga
malalaking bombang sa aki'y nacatulíg at halos nacabin~gi, acó'y totoong
pagód at nahahapay na acó sa pag-aantoc. Samantalang binabawì co ang
lacás sa m~ga bisig ni Morfeo, sa macatuwid baga'y sa catre n~g
convento, hinahan~gad co, tan~gi cong caibigang cayó'y matamó n~g
magandang gabi at hanggang búcas, isáng araw na dakilà."
"Ang mairuguin ninyóng catotong nakikiramá'y.
"Ang Corresponsal.