--¡"Jaque" sa "Reina"!--ang muling sinábi ni Ibarra, na pinagbabalâan
n~g canyáng "Torre" ang "Reina," na ipinagsasanggalang n~g isang "Peón."
Sa pagca't hindî matacpán ni capitang Basilio ang "Reina" at hindî namán
niyá maiurong itó, dahil sa "Haring na sa sa licód", humin~gî siyá n~g
panahón upang siya'y macapa-isip.
--¡Sumasang-ayon pô acó n~g boong tuwâ!--ang sagót ni Ibarra;--mayroon
pa namang sasabihin acó n~gayón din sa iláng lalaki sa pulutóng na iyón.
At nagtindíg siyá, pagcapagcaloob sa canyáng calaban n~g icaapat na
bahágui n~g isang oras upang mag-ísip.
Tan~gan ni Idáy ang mabílog na cartóng kinasusulatan n~g apat na po't
walóng tanóng, at si Albino ang may tan~gan n~g libro n~g m~ga sagót.
--¡Casinun~galin~gan! ¡hindî totoo! ¡casinungalin~gan!--ang isinísigaw
ni Sinang na halos umíiyac.
--¿Anó bâ ang nangyayari sa iyo?--ang sa canyá'y tanóng ni María Clara.
--Tingnán mo, aking itinanóng: "¿Cailán bagá acó magcacabait?" binitiwan
có ang m~ga "dado", at ang guinawa niyang curang iyang bantilaw ay
binasa sa libro ang ganito: "¡Pagca nagcabuhóc ang palaca!" ¿Itó ba'y
mabuti?
At saca n~giniwian ni Sinang ang naguíng seminarista, na hindî
tumitiguil n~g pagtatawa.
N~guni't ¿Síno ba ang may utos sa iyong magtanong ca n~g gayon?--ang
sinabi sa canya n~g pinsan niyang si Victoria--¡Súcat na ang magtanóng
n~g gayón upang marapat sa gayóng m~ga sagót!
--¡Tumanóng pô cayó!--ang sinabi nila cay Ibarra, casabay n~g
paghahandog sa canya n~g "rueda"--Pinagcayarian naming cung sino ang
magcamit n~g lalong magaling na sagót ay tatangap sa m~ga iba n~g isang
handóg. Nacatanóng na camíng lahat.
--¿At Sino ang nagcamit n~g lalong magalíng na sagót?
--¡Si María Clara! ¡si María Clara!--ang isinagót ni Sinang.--Ibiguin
man niya't hindî'y siya'y pinatanong namin: "¿Tapát baga't hindî
magmamaliw ang canyáng pagliyag?" at ang libro'y sumagót....
N~guni't tinacpan ni María Clarang namúmulang mainam ang bibíg ni
Sinang, at hindî itinulot na maipatuloy ang sinasabi.
--¡Cung gayo'y ibigay ninyó sa akin ang "rueda"!--ani Crisóstomong
n~gumin~gitî.