[252] Tinatawag na "m~ga elemento" n~g una ang lúpà, ang tubig, ang
han~gin at ang apóy.
[253] Marahil ang ibig bangguitin ni Dr. José Rizal dito'y ang librong
"PAGSUSULATAN NI URBANA'T NI FELIZA" (Urbanidad) na sinulat ni Guinoong
Modesto de Castro, presbítero, taga Binyáng, Laguna, at naguing cura
párroco sa bayan n~g Naic, Cavite. Ang libróng yao'y isáng
carikitdikitang patnubay sa magandang pakikipagcapwa-tao at sa mainam na
caasalan, bucód sa magalíng na ulirán sa mabuting pananalita't pagsulat
n~g wícang tagalog.--P.H.P.
[254] Isáng ibong; minamagaling dahil sa carikitan n~g canyáng m~ga
balahibo at sa cadaliang matutong ulitin ang m~ga salitáng sa canya'y
itúrò.--Tinatawag na _papagayo_ ang nagsasalitá n~g m~ga bágay na hindî
nauunawà--P.H.P.
[255] Ganito ang narinig cong salitaan n~g isang curang fraile at n~g
isáng tagalog na mangmang baga, ma't mayaman.--_Tagalog._ Bakit po bá
hindi isinasawicang tagalog ang pagmimisa at iba pang panalan~gin,
gayóng talastas na ninyong hindi namin nalalaman ang wicang
latin?--_Cura._ Sa pagcá't cung wicang tagalog ay kinakailan~gang
sabihing macaitlo upang maunawa n~g Dios ang ating hinihin~gi sa canyá,
cung wicang castila'y macalawa, at cung wicang latin ay minsan lámang;
itó ang dahil at sa _Misterio_ at sa _Trisagio'y_ na sa wicang latin ang
mahalagáng pananalan~gin.
N~gayón naliliwanagan na n~g ilaw n~g catotohanan ang pag-iisíp n~g
halos n~g lahat n~g tagalog, ang gayong pananalità n~g curang walang
mithî cung di mamahay tayo sa cabulagán ay magtátamo agad n~g matindíng
pagpapawalang halagá. Cung ganap na catotohanán ang Dios puspós n~g
carunun~gan waláng hanggán--sa pagca't cung di gayo'y hindi siyá Dios
dapat náting sampalatayanang túnay na talós niyá ang lahát n~g wicà at
sa anó mang wica sabihin ang pagtáwag sa canya'y caracaraca'y nauunawà
niyá; hindi lámang itô; di pa natin binúbuca ang ating bibíg ay talastás
na niyá ang íbig nating hin~gín. Ang masamâ ang casamasamaan, sa pagca't
isáng pagaacsayá n~g panahón ay ang magsasalitâ n~g di alám cung anó ang
sinasabi, tulad sa ibong _papagayo ó loro_.--P. H. P.
=XX.=
=ANG PULONG SA TRIBUNAL=
Yaó'y isang salas na may labíngdalawá ó labíng-limáng metro ang hábà may
waló ó sampóng metro ang lúang. Ang m~ga pader n~g salas na iyó'y
pinaputî n~g pintáng ápog at punóng-punô n~g m~ga dibujong úling ang
iguinúhit na humiguít cumúlang ang capan~gitan, humiguít cumúlang ang
casalaulàan, na may m~ga cahalong paunawang súlat upang mapag-unáwang
magalíng ang m~ga cahulugán noón. Namamasdan sa isáng suloc na
nacasandál n~g mahúsay na pagcacahanay ang may sampóng m~ga lúmang fusil
na batóng pingkian ang pangpaputóc na cahálò n~g sableng cálawan~gin,
m~ga espadin at m~ga talibóng: yaón ang m~ga sandata n~g m~ga
"cuadrillero."
Sa isáng dúlo n~g salas na napapapamutihan n~g maruruming m~ga
"cortinang" pulá, natatagò ang larawan n~g hári, na nacasábit sa pader,
nacapatong sa isáng tarímang cáhoy ang isáng lúmang sillóng nacabucá ang
canyáng wasác na m~ga brazo; sa harapa'y may isáng malakíng mesang cáhoy
na narurun~gisan n~g tinta na may m~ga úkit na m~ga salitâ at m~ga únang
letra n~g pan~galan cawan~gis n~g marami sa m~ga mesa sa m~ga tindahan
n~g álac at cerveza sa Alemania, na caraniwang paroonan n~g m~ga
estudiante. Man~ga siráng banccô at silla ang siyáng nacahúhusto n~g
m~ga casangcapan.
Itó ang salas na pinagpupulun~gan n~g tribunal, n~g m~ga pagpapahirap at
ibá pa. Dito nagsasalitaan n~gayón ang m~ga púno n~g báyan at n~g m~ga
nayon: hindî nakikihálò ang pangcát n~g m~ga matatanda sa pangcát n~g
m~ga báta, at hindî nan~gagcacasundò ang isá't isá; silá ang m~ga
kinácatawan n~g partido conservador at n~g partido liberal, ang
naguiguing catangîa'y totoong napapacalabis sa m~ga bayan ang caniláng
m~ga pagtatalotalo.
--¡Nacacapagcúlang-tiwálà sa ákin ang asal n~g gobernadorcillo!--ani Don
Filipong púno n~g partido liberal sa canyáng m~ga catoto; may dáti
siyáng talagang pacay siya totoong ipinagpahuli niya ang pagtutuos n~g
bálac na gúgugulin. Unawàin ninyóng labing-isáng araw na lamang ang sa
áti'y nátitira.
--At ¡nátira siya sa convento upang makipagsalitaan sa curang may
sakit!--ipinaalaala n~g ísa sa m~ga batà.
--¡Hindî cailan~gan!--ang sinábi namán n~g isá;--ang lahát, ay naihandâ
na natin. Huwág bâ lamang magcaroon n~g lálong maráming "voto" ang bálac
n~g m~ga matatandá....
--¡Hindî co inaacalang magcaroon!--ani Don Filipo;--acó ang magháharap
n~g bálac n~g m~ga matatandâ....
--¿Bakit? ¿anó ang sábi pô ninyó?--ang sa canyá'y m~ga tanóng n~g m~ga
nakikinig sa canyáng páwang nan~gagtátaca.
--Ang sinasabi co'y cung acó ang únang magsasalita'y áking iháharap ang
bálac n~g ating m~ga caáway.
--At ¿ang bálac natin?
--Cayó pô namán ang magháharap n~g bálac natin--ang sagót n~g tenienteng
n~gumin~giti, na ang pinagsasabiha'y isáng bátang cabeza de
barangay;--magsasalità pô cayó, pagcâ aco'y natálo na.
--¡Hindî pô namin mawatasan ang inyóng caisipán!--ang sábi sa canyá n~g
m~ga causap, na minámasdan siyáng puspos n~g pag-aalinlán~gan.
--¡Pakinggan ninyó!--ang marahang sinabi ni Don Filipo sa dalawá ó sa
tatlóng nakikinig sa canyá--Nacausap co canínang úmaga si matandáng
Tasio.
--At ¿anó?
--Sinabi sa akin n~g matandà: "Kinapopootan pô cayó n~g inyóng m~ga
caaway n~g higuit sa pagcapóot sa inyóng m~ga caisipán. ¿Ibig bagá
ninyóng howag mangyári ang isáng bágay? Cung gayó'y cayó ang humicayat
na gawín ang bágay na iyán, at cáhi't ang bágay na iyá'y
pakikinaban~gang higuít cay sa isáng "mitra" ay ipagtatacwilan. Cung
cayó'y matálo na, inyóng ipasábi ang inyóng linalayon sa lalong
cababababaan sa lahát ninyóng m~ga casamahán, at sasang-ayunan ang
inyóng láyong iyón n~g inyóng m~ga caaway, sa han~gád niláng cayó'y
hiyâin." Datapuwa't inyó sánang in~gátan ang líhim cong itó.
--N~guni't....
--Cayâ n~ga acó ang siyáng magsasalitâ upang gawín ang panucálà n~g
ating m~ga caáway, na anó pa't pacalalabisin co ang pan~gan~gatuwíran
hanggang sa catawá-tawá. ¡Howág cayóng main~gay! Narito na si Guinoong
Ibarra at ang maestro sa escuela.
Bumáti ang dalawáng binátà sa isá't isáng pulutóng; n~guni't hindî
nakialám sa m~ga salitâan.
Hindî naláo't pumásoc ang gobernadorcillong malungcót ang pagmumukhâ:
siyá rin ang nakita nátin cahapong may daláng isáng arrobang candilà.
Humintô ang m~ga alin~gawn~gáw pagpásoc niyá; bawá't isa'y naupô at
untiunting naghárì ang catahimícan.
Naupô ang gobernadorcillo sa sillóng nacalagáy sa ibabâ n~g larawan n~g
harì, macaapat ó macálimang umubó, hinaplós ang úlo at ang mukhâ,
inilagáy ang síco sa ibabaw n~g mesa, inalís, mulíng umubó at gayón ang
paúlit-ulit na guinawâ.
--¡M~ga guinoó!--ang sinábi sa cawacasang nanglulupaypay ang
voces:--nan~gahás acóng anyayáhan co cayong lahát sa pagpupulong na itó
... ¡ejem!... ¡ejem!... gágawin natin ang fiesta n~g ating pintacasing
si San Diego sa ica 12 nitong buwán.... ¡ejem!... ¡ejem!... n~gayo'y ica
2 tayo ¡ejem!... ¡ejem!...
At dito'y inubó siyá n~g mahabà at tuyô na siyang pumíguil n~g canyáng
pagsasalitâ.
Nang magcagayo'y tumindíg sa bangcô n~g m~ga matatandâ ang isáng táong
may anyong makísig, na may m~ga apat na pong taón ang gúlang. Siya ang
mayamang si capitang Basilio, caaway n~g nasírang si Don Rafael, isáng
taong nagsasabing umanó'y mulâ n~g mamatay si Santo Tomás de Aquino, ang
mundo'y hindî sumusulong n~g cahi't iisang hacbang, at mulâ n~g canyáng
íwan ang San Juan de Letrán, nagpasimulâ ang Sangcataóhan n~g pag-udlót.
--Itúlot pô n~g m~ga camahalan ninyóng magsaysay acó tungcól sa isáng
bágay na totoong mahalagá--anyá. Acó ang náunang nagsalitâ, bagá man
lálong may carapatáng man~gáuna sa ákin ang m~ga caumpóc dito, n~guni't
acó ang únang nagsalitâ, sa pagca't sa acalà co'y sa m~ga ganitóng
bágay, ang magpasimulà n~g pananalita'y hindî ang cahuluga'y siyáng
nan~gun~guna, at gayón ding hindî ang cábuntutan ang cahulugán n~g
cahulihulihang magsaysáy. Bucód sa rito'y ang m~ga bágay na sasabihin
co'y lubháng napacamahalagá upang maipagpaubáyà ó sabihin cayâ sa
cahulihulihan; itó ang dáhil at íbig co sánang magpáuna n~g pananalitâ,
at n~g máibigay ang dápat na cauculán. Itulot n~gâ ninyóng acó ang
máunang magsalitâ sa púlong na itóng kinakikitaan co n~g m~ga
nalílimping totoóng m~ga litáw na m~ga táo, gáya na n~ga n~g guinoong
casalucuyang capitan, n~g capitan pasado, n~g caibigan cong tán~ging si
Don Valenting capitan pasado, ang aking caibigan sa camusmusáng si Don
Julio, ang ating bantóg na capitan n~g m~ga cuadrillerong si Don
Melchor, at marami pang m~ga caguinoohang dî co na sasabihi't n~g huwág
acóng humábà, na nakikita n~g inyóng m~ga camahalang pawang caharap
natin n~gayón ípinamanhic co pô sa inyóng m~ga camahalan ipahintulot na
acó'y macapagsalitâ bago magsalitâ ang ibáng síno man ¿Magtátamo cayâ
acó n~g capalarang pahinuhod ang capulun~gan sa áking mapacumbabang
capamanhican?
At sacâ yumucod ang mananalumpátì n~g bóong paggálang at ga n~gumin~gitî
na.
--¡Macapagsasalitâ na cayó, sa pagcá't cayó'y pinakíkinggan námìn n~g
boong pagmimithî!--ang sinábi n~g m~ga binan~guít na m~ga caibigan, at
iba pang m~ga táong nan~gagpápalagay na siya'y dakílang mananalumpatî:
nan~gag-úubo n~g bóong ligaya ang m~ga matatandâ at caniláng
pinagpípisil ang dalawáng camáy. Pagcatápos na macapagpáhid n~g páwis si
capitán Basilio n~g canyáng panyóng sutlâ, ay nagpatúloy n~g pananalitâ:
Yamang lubháng nápacaganda ang inyong calooban at mapagbigay lugod sa
ating abáng cataohan, sa pagcacaloob sa aking acó ang macapagsalitáng
máuna sa sino mang náririto, sasamantalahin co ang capahintulutang itóng
sa aki'y ipinagcaloob n~g bóong cagandáhan n~g pusó at aco'y
magsasalitâ. Iniisip n~g aking isip na aco'y sumasaguitnâ n~g
cagalanggalang na Senado romano, "senatus populusque romanus", na
sinasabi nátin niyóng m~ga caayaayang panahóng sa caculan~gang pálad n~g
Sangcataóha'y hindî na magbábalic, at aking híhin~gin sa "Patres
Conscripti", ang sasabihin marahil n~g pantás na si Ciceron, cung siyá
ang málagay sa catayuan co n~gayón; hihín~gin co, sapagca't capós táyo
sa panahón, at ang panaho'y guintô, áyon sa sábi ni Salomón na sa
mahalagang pinag uusapan n~gayo'y sabíhing maliwanag, maiclí at
walang ligóy-lígoy n~g báwa't isá ang canyang panucalà. Sinabi co na.
At tagláy ang bóong pagcalugód sa canyáng sariling cataóhan at sa
magaling na pakikinig sa canyá n~g nan~garoroon, naupô ang
mananalumpatî, datapuwa't canyáng tiningnán múna si Ibarra at anyóng
nagpapakilala siya n~g canyáng cataásan, at canyáng tiningnán din namán
ang canyáng m~ga caibigan, na pára mandíng sa canilá'y canyáng sinasabi:
¡Há! ¿Mabuti ba ang áking pagcacásalitâ? ¡há!
Inilarawan namán n~g canyáng m~ga caibigan sa caniláng m~ga matá ang
dalawáng pagtin~gíng iyón, sa caniláng pagsulyáp sa m~ga bátang guinóo,
na ibig niláng patayín sa caingguitán.
--N~gayó'y macapagsasalitâ na ang bawa't may ibig, na ... ¡ejem!--ang
sinabi n~g gobernadorcillo, na hindî natápos ang sinásalitâ, mulíng
siyá'y inihít n~g ubó at n~g m~ga pagbubuntóng hinin~gá.
Ayon sa hindî pag-imíc na námamasid, sino ma'y áyaw na siyá'y tawagguin
"patres conscripti", síno ma'y waláng tumítindíg: n~g magcagayó'y
sinamantala ni Don Filipo ang nangyayari at humin~gíng pahintúlot na
macapagsalitâ.
Nan~gagkindátan at nan~gaghudyátan n~g macahulugán ang m~ga conservador.
--¡Iháharap co, m~ga guinóo, ang áking panucalang gugugulin sa fiesta!
ani don Filipo.
--¡Hindî námin masasang-ayunan!--ang sagót n~g isáng natutuyong
matandáng conservador na hindî mapaclihán n~g anó man.
--¡Lában sa panucalang iyán ang áming voto!--ang sábihan n~g ibáng m~ga
caaway.
--¡M~ga guinoo!--ani Don Filipong pinipiguil ang pagtáwa;--hindî co pa
sinasabi ang panucalang dalá rito naming m~ga "bátà". "Lubós" ang aming
pagása na siyáng mamagalin~gín n~g "lahat" cay sa pinapanucálà ó
mapapanucálà n~g áming m~ga catálo.
Ang palálong pasimuláng itó ang siyáng nacapuspós n~g gálit sa caloóban
n~g m~ga conservador, na nagsisipanumpâ sa caniláng sariling caniláng
gagawín ang catacottacot na pagsalangsáng. Nagpatuloy n~g pananalitâ si
Don Filipo:
--Tatlong libo't limandáang piso ang inaacálà náting gugúlin.
Mangyayaríng macagawâ n~ga táyo, sa pamamag-itan n~g salapíng ito n~g
isang fiestang macahihiguit n~g di anó lamang sa caningnin~gan sa lahát
n~g hanggá n~gayó'y napanood dito sa ating lalawigan at sa m~ga
lalawigang carátig man.
--¡Hmjn!--ang pinagsabihan n~g m~ga hindî naniniwálà; gumugugol ang
bayang A. n~g limáng libo, ang bayang B. nama'y ápat na libo--¡Hmjn!
¡cahambugán!
--¡Pakinggán ninyó acó, m~ga guinoo, at cayô'y maniniwálà. Aking
iniaakit sa inyóng tayo'y magtayô n~g isáng malakíng teatro sa guitnâ
n~g plaza, na maghalagáng isáng dáa't limampóng píso!
--¡Hindî cásiya ang isáng dáa't limampô, kinacailan~gang gumugol n~g
isáng dáa't anim na pô!--ang itinutol n~g isáng matigás ang úlong
conservador.
--¡Itític pô ninyó, guinoong director, ang dalawang daang pisong
iniuucol sa teatro!--ani Don Filipo.--Iniaanyaya cong makipagcayárì sa
comedia sa Tundó upang magpalabás sa pitóng gabíng sunod sunod. Pitóng
palabás na tigdadalawang daang píso bawa't gabí, ang cabooa'y isáng libo
at ápat na ráang píso: ¡isulat pô ninyó, guinoong director, isáng libo't
ápat na raang píso!
Nan~gagtin~ginan ang matatandá't ang m~ga bátà sa pangguiguilalás; ang
m~ga nacatatalos lamang n~g líhim ang hindî nan~gagsikílos.
Iniaanyaya co rin namáng magcaroon tayo n~g maraming totoong m~ga
paputóc; huwág n~ga táyong gumamit n~g malilíit na "luces" at n~g m~ga
malilíit na "ruedang" kinalúlugdan lamang n~g m~ga musmós at n~g m~ga
dalága, huwag táyong gumamit n~g lahat n~g itó. Malalakíng m~ga bomba at
sadyáng malalakíng m~ga cohatón ang ibig natin. Iniaanyaya co n~ga sa
inyó ang pagcacagugol sa dalawang daang malalakíng bomba na tigalawang
píso báwa't isá at dalawang daang cohatong gayón din ang halagá. Ipagawà
natin sa m~ga castillero sa Malabón.
--¡Hmjn!--ang isinalábat n~g isáng matandâ:--hindî nacacagulat sa ákin
at hindî rin nacabibin~gi ang isáng bombang tigalawang piso;
kinacailan~gang maguíng tigatlóng piso.
--¡Isulat pô ninyó ang isáng libong pisong gugugulin sa dalawang daang
bomba at dalawáng daang coletón!
Hindî na nacatiís ang m~ga conservador; nan~gagtindigan ang ilan at
nan~gagsalitaan n~g bucód.
--Bucód pa sa roon, upang makita n~g ating m~ga capit-bayang tayo'y m~ga
taong walang hinayang at nagcacanlalabis sa atin ang salapî--ang
ipinagpatuloy ni Don Filipo, na itinaas ang voces at matúling sinulyap
ang pulutóng n~g m~ga matatandâ,--aking iniaanyaya: una, apat na
"hermano mayor" sa dalawáng áraw na fiesta, at icalawa, ang itápon sa
dagatan sa aráw áraw ang dalawáng dáang inahíng manóc na pinirito, isang
daang capóng "rellenado" at limampóng lechón, gáya n~g guinagawà ni
Sila, sa panahón ni Ciestón, na bágong casasabi pa lámang ni capitang
Basilìo.
--¡Siya n~gâ, gáya ni Sila!--ang iculit ni capitang Basilio, na na
totowâ n~g pagcábangguit sa canyá.
Lumálaki n~g lumálaki ang pagtatacá.
--Sa pagca't marámi ang dádalong mayayaman at bawa't isa'y may daláng
libolíbong piso, at sacâ ang caniláng lalong magalíng na sagabun~gin, at
ang "liampó" at m~ga baraja, ini anyaya co sa iyó na tayo'y magpasabong
n~g labínglimáng áraw, at magbigay calayaang mabucsan ang lahát n~g m~ga
bahay n~g sugalan....
N~guni't nan~gagtindíg ang m~ga cabatáan at siya'y sinalabát: ang boóng
acálà nilá'y nasirá ang ísip n~g teniente mayor. Nan~gagtatalotalo n~g
mainam ang m~ga matatandâ.
--At sa cawacasan, n~g huwág mapabayaan ang m~ga caligayahan n~g
cálolowa....
Natacpáng lubos ang canyáng voces n~g m~ga bulongbulun~gan at n~g m~ga
sigawang sumiból sa lahat n~g súloc n~g sálas: yao'y naguing isáng
caguluhan na lámang.
--¡Hindî!--ang isinígaw n~g isang matálic na conservador;--ayaw cong
maipan~galaratac niyang siya ang nacagawa n~g fiesta, ayaw. Pabayaan,
pabayaan ninyong aco'y macapagsalitâ.
--¡Dináyà táyo ni Don Filipo!--ang sinásalitâ naman n~g m~ga liberal.
Bovoto cami n~g laban sa canya! ¡Cumampí siya sa matatandâ! ¡Bomoto tayo
n~g laban sa canya!
Ang gobernadorcillo, na higuít ang panglulupaypay sa cailan man; walang
guinawa cahi't anó upang manag úli ang catiwasayan: naghíhintay na sila
ang cusang tumiwasay.
Humin~gíng pahintulot ang capitan n~g m~ga cuadrillero upang magsalíta;
pinagcalooban siya, datapuwa't hindî binucsan ang bibig, at mulíng
naupóng nakikimî at puspós cahihiyan.
Ang cabutiha'y nagtindîg si capitang Valenting siyang pinacamalamíg ang
loob sa lahat n~g m~ga conservador, at nagsalitâ.
Hindi camí macasang-ayon sa palagáy na munacalà n~g teniente mayor, sa
pagca't sa ganang amin ay napaca labis naman. Ang gayóng mapacaraming
m~ga bomba at ang gayong napaca raming gabi n~g pagpapalabas n~g
comedia'y ang macacaibig lamang ay ang isang batang gaya n~g teniente
mayor, na macapagpúpuyat n~g maraming gabí at macapakíkinig n~g maraming
putóc na dî mabíbin~gi. Itinanóng co ang pasiya n~g m~ga taong matalino
at nagcacaisa ang lahat sa hindî pagsan-ayon sa panucalâ ni Don Felipo.
¿Hindí bâ ganito, m~ga guinóo?
--¡Tunay n~ga! ¡tunay n~ga! ang sabay sabay na pinagcaisahang sagót n~g
m~ga bata't matandâ. Nan~galulugod ang m~ga bata sa pakikiníg sa gayóng
pananalitâ n~g isang matandâ.
--¡Anó ang ating gagawín sa apat na m~ga hermano mayor!--ang ipinatúloy
n~g matandâ.--¿Anó ang cahulugan niyóng m~ga inahíng manóc, m~ga capón
at m~ga lechóng itatapon sa dagatan? ¡Cahambugan! ang sasabihin n~g m~ga
calapit-bayan natin, at pagcatapos ay magsásalat tayo sa pagcain sa loob
n~g calahating taón. ¿Anó't makikiwan~gis táyo cay Sila ó sa m~ga romano
man? ¿Tayo ba'y inanyayahan minsan man lámang sa canilang m~ga fiesta?
Acó sa gannang akin, lamang, caílan ma'y hindî pa acó nacatatanggap n~g
anó mang canílang líham na pang-anyaya, ¡gayóng aco'y matanda na!
--Ang m~ga romano'y tumahan sa Roma. Kinalalagyan n~g papa!--ang
marahang sa canya'y ibinulóng ni capitáng Basilio.
--¡N~gayon co napagkilala!--ang sinabi n~g matandang hindî
nagulomihanan. Marahil guinawa ang canilang fiesta cung "vigilia" at
ipinatatapon n~g papa ang pagcain at n~g howag magcasala. N~guni't sa
paano mang bágay, hindî mangyayaring masang-ayunan ang inyong panucalang
fiesta, sa pagca't isáng caulúlan!
Napilitan si Don Filipong iurong ang canyáng panucálà; dahil sa totoong
sinásalansang.
Ang m~ga lalong matatalic na m~ga conservador sa caniláng caaway, hindî
nan~gagdamdam n~g anó mang pag-aalap-ap n~g makita niláng tumindig ang
isáng bátang cabeza de barangay at humin~gíng pahintúlot na
macapagsalitâ.
--Ipinamámanhic co sa inyóng m~ga camahalang ipagpaumanhíng bagá ma't
bátà acó'y man~gahás magsalitâ sa haráp n~g lubháng maráming táong
totóong cagalanggalang dáhil sa canilang gúlang at dáhil namán sa
catalinuhan at carunún~gang magpasiyá n~g tapát sa lahát n~g bagay,
n~guni't sa pagca't ang caayaayang mananalumpatìng si capitang Basilio'y
nag-aanyayang saysayin dito n~g lahát ang canicanilang m~ga panucálà,
maguíng pinacacalásag n~g aking cauntîan ang canyáng mahalagang
pananalitâ.
Tumátan~gô, sa pagcalugod, ang m~ga conservador.
--¡Magalíng magsalitâ ang bátang itó!--¡Siya'y
mápagpacumbabá!--¡Caguiláguilalás cung man~gatuwíran!--ang sabihan n~g
isa't isá.
--¡Sayang at hindî marunong cumíyang magalíng!--ang pasiyá ni capitan
Basilio.--N~guni't nangyayari itó dahil sa hindî siya nag-aral cay
Cicerón, at sacâ totoong bátà pa.
--Hindî cayâ isinásaysay co sa inyó ang isáng palatuntunan ó
panucálà,--ang ipinatuloy na salitâ n~g bátang cabeza,--ay hindî dahil
sa ang isip co'y inyóng mámagalin~gin ó inyó cayáng sasang-ayunan: ang
aking han~gad, casabáy n~g aking mulî pang pan~gan~gayupápà sa calooban
n~g lahát, ay patotohanan sa m~ga matatandang sa tuwî na'y sang-ayon ang
aming isípan sa caniláng ísip, sa pagcá't áming ináangkin ang lahát n~g
m~ga adhicáng isinaysay n~g boong caningnin~gán ni capitang Basilio.
--¡Mabuting pananalitâ! ¡mabuting pananalitâ!--ang sabihanan n~g m~ga
pinauunlacáng m~ga conservador. Hinuhudyatán ni capitang Basilio ang
bátà upáng sa canyá'y sabihin cung paano ang marapat na paggaláw n~g
bísig at cung paano ang acmâ n~g páa. Ang gobernadorcillo ang tan~ging
nananatili sa hindî pagpansín, nalílibang ó may ibáng iniisip:
nahihiwatigan ang dalawang bagay na itó sa canyá. Nagpatuloy ang bátà
n~g pagsasaysay, na nalalao'y lalong sumásaya ang pananalitâ:
--Náoowî, m~ga guinóo, ang aking panucála sa sumusunod: mag-ísip n~g
m~ga bagong pánooring hindî caraniwan at laguing nakikita natin sa
aráw-áraw, at pagsicápang huwág umalís díto sa báyan ang salapîng
nalicom, at huwág gugúlin sa waláng cabuluháng m~ga pólvora, cung hindî
gamítin sa ano mang bagay na pakinaban~gan n~g lahat.
--¡Iyán n~gâ! ¡iyán n~gâ!--ang isináng-áyong salitâ n~g m~ga bátà; iyáng
ang ibig n~ga namin--totoong magalíng--ang idinugtóng n~g m~ga
matatandâ.
--¿Anó ang máhihitâ nátìn sa isáng linggóng comediang hiníhin~gî n~g
teniente mayor? ¿Anó ang matututuhan natin sa m~ga hárì sa Bohemia at
Granada, na nan~gag-uutos na putlín ang úlo n~g canilang m~ga anác na
babae, ó cung dìlì caya'y ikinacarga sa isáng cañón ang m~ga anác na
babaeng iyán at bágo naguiguing trono ang cañón? Tayo'y hindî m~ga hárì,
hindî tayo m~ga tampalasang táong-párang, walâ namán táyong m~ga cañón,
at cung sila'y ating paráhan ay bibitayin táyo sa Bágongbayan. ¿Anó bagá
ang princesang iyáng nakikihalobílo sa m~ga paghahámoc, namamahagui n~g
tagâ at úlós, nakikipag-away sa m~ga principe at naglilibot na
nan~gag-íisa sa m~ga bundóc at parang, na cawan~gis n~g
nan~gatitigbalang? Kinalulugdan natin, ayon sa ating caugalian, ang
catamisan at ang pagcamasintahin n~g babae, at man~gan~ganib tayong
tumán~gan sa m~ga camáy n~g isáng biníbining narurun~gisan n~g dugô,
cahi't na ang dugong ito'y sa isáng moro ó gigante; bagá man ang dugóng
itó'y sa pinawawal-an nating halagá, palibhasa'y ipinalálagay náting
imbí ang lalaking nagbubuhat n~g camá'y sa isáng babae, cahi't siya'y
príncipe, alférez, ó tagabúkid na waláng pinag-aralan. ¿Hindî cayâ
libolibong magalíng na ang palabasin natin ay ang laráwan n~g ating
sariling m~ga caugalîan, upang mabágo nátin ang ating masasamang m~ga
pinagcaratihan at m~ga lihís na hílig at purihin ang magagandang gawâ at
caugalian?
--¡Iyan n~gâ! ¡iyan n~gâ!--ang inúlit n~g canyáng m~ga cacampí.
--¡Sumasacatuwíran!--ang ibinulóng na nan~gagdidilidili ang iláng
matatandâ.
--¡Hindî co naisip cailán man ang bágay na iyán!--ang ibinulóng ni
capitang Basilio.
--Datapuwa't ¿paano ang paggawâ ninyó niyán?--ang itinutol sa canyá n~g
isáng mahirap sumang-ayon.
--¡Magaang na magaang!--ang sagót n~g bátà. Dalá co rito ang dalawang
comedia, na marahil pasisiyahang totoong masasangayunan at catowatowa
n~g m~ga cagalanggalang na matatandang dito'y nalilimpî, palibhasa'y
lubós ang pagcatalós nilá sa bawa't magandá at kilalá namán n~g lahát
ang caniláng catalinuhan.
Ang pagmagát n~g isá'y Ang pag-hahalal n~g Gobernadorcillo, ito'y isáng
comediang patupatuloy ang pananalitâ, nababahagui sa limang pangcat,
cathâ n~g isá sa m~ga náriritong caharáp. At ang isa'y may siyam na
bahagui, úcol sa dálawáng gabi, isang talinghagang "drama" na ang
pamimintás ang tucoy, sinulat n~g isá sa lalong magalíng na poeta dito
sa lalawigan at Mariang Makiling ang pamagát. Nang áming mámasdang
naluluatan ang pagpupulong n~g nauucol sa paghahandâ n~g fiesta, at sa
pan~gan~ganib naming bacâ culan~gin n~g panahón, líhim na humánap camí
n~g aming m~ga "actor" at pinapag-aral namin silá n~g canicanilang
"papel". Inaasahan naming sucat na ang isáng linggóng pagsasánay upang
silá'y macaganáp n~g magalíng sa canicanilang ilálabas. Itó, m~ga
guinoo, bucód sa bágo, pakikinaban~gan at sang-ayon sa mahúsay na
caisipán at may malakíng cagalin~gang hindî malakí ang magugugol: hindî
natin cailan~gan ang pananamit: magagamit natin ang ating suot na
caraniwan sa pamumuhay.
--¡Acó ang gugugol sa teatro!--ang isigaw na malaking tawa ni capitang
Basilio.
--¡Sacali't may lumalábas na m~ga cuadrillero, akíng ipahihiram ang
aking m~ga nasásacop--ang sabi namán n~g capitán n~g m~ga cuadrillero.
--At acó ... at acó ... cung nagcacailan~gan n~g isáng matandâ ... ang
sinabing hindî magcatutó n~g isá, at naghuhumiyád n~g pagmamakisíg.
--¡Sang-áyon camí! ¡sang-áyon cami!--ang sigawan n~g marami.
Namúmutlâ ang teniente mayor: napunô n~g m~ga lúhà ang canyáng m~ga
matá.
--¡Siyá'y tumatan~gis sa pagn~gingitn~git!--ang inísip n~g mahigpít na
conservador, at sumigaw:
--¡Sang-áyon camí, sang-áyon camí, at hindî cailan~gang pagmatuwiranan
pa!
At sa canyáng galác sa canyáng pagcapanghigantí at sa lubós na pagcatálo
n~g canyáng caáway, pinasimulán n~g lalákíng iyón ang pagpapaunlác sa
panucálà n~g bátà. Nagpatuloy itó n~g pananalitâ:
--Magagamit ang ikalimáng bahagui n~g salapíng nalilicom sa pamamahagui
n~g iláng gantíng pálà, sa halimbáwà, sa lalong mabuting batang nag-aral
sa escuela, sa lálong mabúting pastól, magsasacá, mán~gin~gisdâ, at ibá
pa. Macapagtatatag tayo n~g isáng unahán n~g patacbuhan n~g m~ga bangcâ
sa ílog at sa dagatan, patacbuhan n~g m~ga cabayo; magtayô n~g m~ga
"palosebo" at mag-anyô n~g m~ga laróng mangyayaring makísama ang
tagabukid natin. Sumasang-áyon na acó, álang-álang sa totoóng
pinagcaugalian na, ang tayo'y magcaroon n~g m~ga paputóc: marikit at
catuwá-tuwang panoorín ang m~ga "rueda" at m~ga "castillo", n~guni't
inaacalà cung hindî natin cailan~gan ang m~ga bombang panucalà n~g
teniente mayor. Casucatan na, sa pagbibigay casayahan sa fiesta, ang
dalawáng bandang música, at sa ganya'y maiilagan natin iyang m~ga
pag-aaway at pagcacagalít, na ang kinahihinatna'y ang m~ga caawa-awang
músicong naparirito't n~g bigyang galác ang ating m~ga pagpifiesta, sa
pamamag-itan n~g canilang pagpapagal, naguiguing tunay na m~ga
sasabun~ging manóc, na nan~gagsisiowî, pacatapos, na masamâ, ang sa
canila'y pagcacabayad, masamâ ang pagcacapacain, bugbóg ang catawán at
sugatán pa cung macabihirà. Mapasisimulâan ang pagpapagawâ n~g isang
maliit na bahay na magamit na escuelahan, sa pamamag-itan n~g lalabis na
salapî, sa pagca't hindî n~ga natin hihintaying ang Dios ay manaog at
siyang gumawâ n~g escuelahang iyán: capanglaw-panglaw n~gang bagay, na
samantalang tayo'y may isáng sabun~gáng pan~gulo sa lakí at gandá, ang
m~ga batâ natin ay nan~gag-aáral halos doón sa alagaan n~g m~ga cabayo
n~g cura. Sa maiclíng salita'y narito ang panucalâ: ang pagpapainam
nito'y siyáng pagcacapaguran.
Maaliw na bulungbulun~gan ang siyáng sumilang sa salas; halos ang lahát
ay sumasang-ayon sa bátà: iilan lamang ang bumúbulong:
--¡M~ga bágong bagay! ¡m~ga bágong bagay! ¡Sa ating m~ga kinabataa'y!...
--¡Ating sang-ayúnan na muna n~gayón iyán!--ang sabihan n~g m~ga
ibá;--áting hiyâin iyón.
At caniláng itinutúrò ang teniente mayor.
Nang manumbalic ang catahimican, ang lahát ay sumang-ayon na. Cúlang na
lamang ang pasiya n~g gobernadorcillo.
Ito'y nagpapawis, hindî mápacali, hináhaplos ang noo at sa cawacasa'y
nasabi n~g pautal-utal, na nacatun~gó:
--¡Acó ma'y sang-ayon din!... n~guni't ¡ejem!
Hindî umíimic ang boong tribunal n~g pakikiníg sa canyá.
--¿N~guni't?--ang tanóng ni capitang Basilio.
--¡Totoong sang-ayon acó!--ang inulit n~g gobernadorcillo;--sa macatuwid
baga'y ... hindî acó sang-ayon ... ang sinasabi co'y sang-ayon acó;
n~guni't ...
At kinuscos ang m~ga matá n~g camaoo.
--N~guni't ang cura,--ang ipinagpatuloy n~g cúlang pálad--ibáng bágay
ang íbig n~g párì cura.
--¿Nagcacagugol bâ ang cura sa fiesta ó tayo ang nagcacagugol? ¿Nagbigáy
bâ siyá n~g isáng cuarta man lamang?--ang sigaw n~g isáng voces na
nanunuot sa tain~ga.
Tumin~gín ang lahát sa dacong pinanggagalin~gan n~g m~ga tanóng na iyón:
si filósofo Tasio ang nároroon.
Hindî cumikilos ang teniente mayor at nacatitig sa gobernadorcillo.
--¿At anó ang íbig n~g cura?--ang itinanong ni capitang Basilio.
--¡Abá! ang íbig n~g cura'y ... anim na procesión, tatlóng sermón,
tatlóng malalaking misa ... at cung may lumabis na salapî, comediang
Tundó at cantá sa m~ga pag-itan.
--¡Ayaw namáng camí n~g lahát n~g iyán!--ang sinábi n~g m~ga bátà at n~g
iláng matandâ.
--¡Siyáng ibig n~g párí cura!--ang inulit n~g gobernadorcillo.--Aking
ipinan~gacò sa curang magaganap ang canyang calooban.
--Cung gayó'y ¿bakin inanyayahan pa ninyóng cami magpúlong?
--¡Inanyayahan co cayó't ... n~g sa inyo'y áking sabihin ang gayóng
bágay!
--At ¿bákit hindî ninyó sinábi sa pagsisimulâ pa n~g salitaan?
--Ibig co sánang sabihin, m~ga guinóo, n~guni't nagsalita si capitáng
Basilio'y ¡hindî na acó nagcapanahón ...! ¡kinacailan~gang sumunód sa
curá!
--¡Kinacailan~gang sumunód tayó sa canyá!--ang inúlit n~g iláng
matatandâ.
--¡Kinacailan~gang sumunod, sa pagca't cung hindî, tayo'y ibibilanggong
lahát n~g alcalde!--ang idinugtóng n~g boóng capanglawan n~g ibá, namáng
matatandâ.
--¡Cung gayo'y sumunód, cayó at cayó na lámang ang gumawa n~g
fiesta!--ang ipinagsigawan n~g m~ga báta--¡iniuurong namin ang aming
m~ga ambág!
--¡Nasin~gíl n~g lahat!--ang sinabi n~g gobernadorcillo.
Lumapit si Don Filipo sa gobernadorcillo at saca sinabi niya rito n~g
boóng capaítan.
--Inihándog co sa pagcaamís ang pag-ibig co sa aking sarilí upang
magtagumpay lamang ang magandang caisipan; cayô namá'y inihayin ninyó sa
pagcaapí ang inyóng camahalan upáng manálo ang masamáng panucála, at
inyóng iniwasác ang lahát.
Samantala'y--isinasabi namán ni Ibarra sa maestro n~g escuela:
--¿May-ibig bâ cayóng ipagbilin sa pan~gúlong báyan n~g lalawigan?
Paroroon acó n~gayón din.
--¿Mayroon pô bâ cayóng pakikialaman doón?
--¡Mayroon pô táyong pakikialaman doón!--ang talinghagang sagót ni
Ibarra.
--Sa daa'y sinasabi n~g matandang filósofo cay Don Filipong sinusumpa
ang sarilíng pálad.
--¡Tayo ang may casalanan! ¡Hindî cayó tumutol n~g cayo'y bigyán nila
n~g aliping sa inyo'y magpúnò, at aking nalimutan ang bagay na ito, sa
aking cahalin~gan!
=XXI.=
=CASAYSAYAN NANG BUHAY NANG ISANG INA=
_Waláng tinutun~go sa canyang paglacad,
walang linalayon sa linipadlipad,
susumandali ma'y di napapanatag.
(Alaejos)_
Tumatácbo si Sisang patun~gó sa canyáng báhay, tagláy iyóng caguluhan
n~g baít na nangyayari sa ating cataohan, pagcâ sa guitnâ n~g isáng
casacunaán ay walâ sino mang nagmamalasakit sa atin at sa ati'y
tumatacas ang m~ga pag-asa. Cung nagcacagayo'y anaki'y dumidilim na
lahát sa ating paliguid, at sacali't macakita tayo n~g isáng máliit na
ilaw sa maláyò, tinátacbo natin ang ilaw na iyón, pinag-uusig natin, at
hindî natin alumana cáhi't makitang sa calaguitnâan n~g landás ay may
isang malalim na ban~gín.
Ibig n~g ináng iligtás ang canyáng m~ga anác, n~guni't ¿paano? Hindî
itinátanong n~g m~ga iná ang gágawing m~ga paraan, pagca nanucól sa
canilang m~ga anác.
Tumátacbong nagsísikip ang dib-dib, palibhasa'y pinag-uusig n~g m~ga
guniguníng calaguímlaguim. ¿Nárakip na cayâ ang anác niyang si Basilio?
¿Saán tumácas ang canyáng anác na si Crispin?
Nang malápit na siyá sa canyáng báhay ay canyáng natanawan ang m~ga
capacete n~g dalawáng sundalong na sa ibábaw n~g bacuran n~g canyáng
halamanan. Hindî mangyayaring maisaysay cung anó ang dinamdám n~g
canyáng pusó: nalimutan niyá ang lahát. Hindî cailâ sa canyá ang
canpan~gahasan n~g m~ga táong iyóng hindî nan~gagpipitagan cahi't sa
lálong mayayaman sa bayan, ¿anó cayâ ang mangyayari sa canyá at sa
canyáng m~ga anác na pinagbibintan~gan nan~ganácaw? Hindî m~ga táo ang
m~ga guardia civil, sila'y m~ga guardia civil lamang: hindî nilá
dinírin~gig ang m~ga panghihimanhic at sila'y bihasang macapanood n~g
m~ga lúhà.
Hindî sinásadya'y itinaás ni Sisa ang canyáng m~ga matá sa lan~git, at
ang lan~git ay n~gumín~gitî n~g caayaayang caliwanagan; lumalan~go'y ang
ilang maliliit at mapuputing alapaap sa nan~gan~ganinag na azúl. Humintò
siyá upang piguilin ang pan~gan~gatal na lumalaganap sa canyáng boong
katawán.
Iniiwan na n~g m~ga sundalo ang canyáng báhay at silá'y waláng casama;
walâ siláng hinuli cung dî ang inahíng manóc na pinatátabâ ni Sisa.
Nacahin~gá siyá at lumacás ang canyáng loób.
--¡Pagcábabait nilá at pagcágaganda n~g caniláng m~ga calooban!-ang
ibinulóng na hálos umíiyac sa catowáan.
Cahi't sunuguin n~g m~ga sundalo ang canyáng báhay, huwag lámang piitín
nilá ang canyáng m~ga anác, ay silá'y pacapupuspusin dín niyá n~g
pagpupuri.
Muling tinitigan niyá, sa pagpapasalamat, ang lan~git na pinagdaraanan
n~g isang cawan n~g m~ga tagác, iyáng matutûling m~ga alapaap n~g m~ga
lán~git n~g Filipinas, at sa pagca't nanag-úli sa canyáng púsó ang
pananálig ay ipinagpatúloy niyá ang paglácad.
Nang malapit na si Sisa sa m~ga catacot-tacot na m~ga táong yao'y
nagpalin~gaplin~gap sa magcabicabíla at nagcóconowáng hindî niyá
nakikita ang canyáng inahing manóc na pumípiyac at humihin~ging sáclolo.
Bahagya pa lamang nan~gacacaraan sa canyáng tabí ay nag-acála siyang
tumacbó, n~guni't piniguil ang tulin n~g canyáng paglacad n~g pagiin~gat
na bacâ siyá'y máino.
Hindî pa siyá nacalálayô n~g malaki n~g márinig niyáng siyá'y caniláng
tinatawag n~g boong caban~gisán.
Hindî kinukusa'y lumapit si Sisa, at náramdaman niyáng hindî niyá
maigaláw ang canyáng dilà sa tácot at natútuyô ang canyáng lalamunan.
--¡Sabìhin mo sa amin ang catótohanan ó cung hindî itatáli ca namin sa
cáhoy na iyon at papuputucán ca namin n~g dalawa!--anang isá sa caniláng
may pagbabálà ang tunóg n~g voces.
Tumin~gin ang babae sa dacong kinalalagyan n~g cáhoy.
--¿Icaw bâ ang iná n~g m~ga magnanacaw, icáw?--ang tanóng naman n~g isá.
--¡Iná n~g m~ga magnanacaw!--ang di sinásadya'y inúlit ni Sisa.
--¿Saán nároon ang salapíng iniuwî sa iyo cagabí n~g iyóng m~ga anác?
--¡Ah, ang salapi!...
--¡Howag mong itangguí ang salapíng iyán, sa pagca't lálong mápapasamá
icaw!--ang idinugtóng n~g isá. Naparíto cami't n~g dacpín ang iyóng m~gá
anác; ang pinacamatanda'y nacatanan sa amin, ¿saan mo itinágò ang bunsô?
Humin~gá si Sisa n~g márin~gig ang gayong sabi.
--¡Guinoó!--ang isinagot--¡malaon na pong araw na hindî co nakikita ang
aking anác na si Crispín: ang boóng acálà co'y masusumpun~gan co siyá
caninang umaga sa convento, doo'y ang sinábi lamang sa aki'y....
--Nagsuliapan ang dalawang sundálo n~g macahulugán.
--¡Magaling!--ang bigláng sinabi n~g isá sa canilá; ibigay mo sa amin
ang salapi, at hindî ca na namin babagabaguin.
--¡Guinoo!--ang isinamò n~g cúlang palad na babae!--ang aking m~ga anac
ay hindî nagnanacaw cahi't madayucdóc; bihasa caming magútom. Hindî
nag-uuwî sa akin si Basilio cahi't isang cuarta; halughuguín ninyó ang
boong bahay, at cung cayo'y macasumpong cahi't sisicapat man lamang,
gawín ninyó sa amin ang bawa't maibigan. ¡Caming m~ga dukhâ ay hindî
magnanacaw!
--Cung gayón--ang ipinagpatuloy n~g sundálo n~g madálang na pananalitâ,
at canyáng tinititigan ang m~ga matá ni Sisa,--icáw ay sumáma sa amin;
pagsisicapan na n~g iyóng m~ga anác na humarap at isísipót ang salaping
ninacaw: ¡Sumama ca sa amin!
--¿Acó? ¿sumama acó sa inyó?--ang ibinulóng n~g babae na umudlót at
minamasdan n~g boong pagcagulat ang m~ga pananamít n~g sundalo.
--¿At bakit hindî?
--¡Ah! ¡mahabág cayó sa akin!--ang ipinamanhíc na halos
lumúluhod.--Totoong acó'y mahírap; walâ acóng guintô ó hiyas man lamang
na súcat maialay sa inyó: nacúha na ninyó ang aking tan~ging pag-aarì,
ang inahíng manóc na inacala co sanang ipagbili ... dalhín na ninyó ang
lahat n~g inyóng masumpong sa aking dampâ; n~guni't ¡pabayaân na ninyó
rito acóng pumayapâ; pabayaan na ninyóng mamatay acó rito!
--¡Súlong na! kinacailan~gang sumama ca sa amin; at cung aayaw cang
sumama n~g sa magalin~gan, icaw ay gagapusin namin.
Tuman~gis si Sisa n~g capaitpaitan. Hindî nababagbag ang loob n~g m~ga
taong iyón.
--¡Ipaubayà man lamang ninyóng acó'y mauna n~g malayô-layô!--ang
ipinakiusap n~g maramdaman niyang siya'y tinatangnan n~g boong calupitan
at siya'y itinutulac.
Naawà ang dalawang sundalo at nag-usap sila n~g marahan.
--¡Hala!--ang wíca n~g isá--sa pagca't buhat dito hanggang sa pumasoc
tayo sa bayan ay macatátacbo ca, icaw ay lalagay sa pag-itan naming
dalawâ. Cung naroroon na tayo, macapagpapauna ca sa amin n~g may m~ga
dalawampong hakbang; n~guni't ¡mag-in~gat ca! ¡huwag cang papasoc sa
alín mang tindahan at huwag cang hihintô. ¡Hala, lacad na at magmadalî
ca!
Nawal-ang cabuluhan ang m~ga pagsamò, nawal-ang cabuluhan ang m~ga
pan~gan~gatuwiran, hindî pinansin ang m~ga pan~gacò. Sinasabi n~g m~ga
sundalong lumalagay na silá sa pan~ganib at malabis n~g totoo ang
canilang ipinagcacaloob.
Nang malagay na siya sa guitna n~g dalawa'y naramdaman niyang siya'y
namámatay n~g hiyâ. Tunay n~ga't walâ sino mang lumalacad sa daan,
n~guni't ¿ang hán~gin at ang liwánag n~g áraw? Ang tunay na cahihiya'y
nacacakita n~g tumitin~gin sa alin mang dáco. Tinacpán n~g panyô ang
mukhâ, at sa paglácad niyáng waláng nakikitang anó man ay tinan~gisan
n~g waláng imic ang canyáng pagcaamís. Napagtatalastas niyá ang canyáng
cahirapan, nalalaman niyáng sa canyá'y walá sino mang tumitin~gin at
sampò n~g canyáng asawa'y hindî siyá ipinagmamalasakit; n~guni't tunay
na alám niyáng siya'y ma'y capurihan at kinalulúgdan n~g madlá hanggáng
sa horas na iyón; hanggang sa horas na iyó'y canyáng kinaháhabagan yaóng
m~ga babaeng nan~gagdáramit n~g catawatawá na pinamámagatan n~g bayang
caagulo n~g m~ga sundalo. N~gayó'y tila mandin sa ganáng canyá'y
napababâ siyá n~g isáng baytang sa kinálalagyan n~g m~ga babaeng iyón sa
hagdanan n~g búhay.
Narinig niya ang yabág n~g lácad n~g m~ga cabayo: yaó'y ang m~ga
nagdádala n~g m~ga isdâ sa m~ga báyang dáco roon. Guinágawa nilá ang
gayóng m~ga paglalacbáy na nagpupulupulutong n~g maliliit ang m~ga
lalaki't babae, na nan~gacasacay sa masasamáng cabayo, sa guitnâ n~g
dalawáng bákid na nan~gacabítin sa magcábilang taguiliran n~g háyop. Ang
ilán sa canilá'y n~g magdaan isáng áraw sa harapán n~g canyáng dampâ ay
nan~gagsihin~gî n~g tubig na inumin, at siyá'y hinandugán n~g iláng
isdâ. N~gayó'y n~g man~gagdaan silá sa canyáng tabi, sa acálà niyá'y
siyá'y tinatahac at guiniguiic, at ang caniláng m~ga tin~gíng may
calakip na habág ó pagpapawaláng halagá ay lumálampas sa panyó at
tinutudlâ ang canyáng mukhâ.
Sa cawacasa'y lumayô ang m~ga maglalacbay at nagbuntóng hinin~gá si
Sisa. Inihiwalá niyáng sandalî ang panyô sa canyang mukhâ upang canyáng
matingnán cung silá'y maláyò pa sa báyan. May nátitira pang iláng m~ga
halígui n~g telégrafo bago dumating sa "bantayan". Cailan ma'y hindî
niyá náramdaman ang caunatan n~g gayong láyò, cung dî niyón lamang.
Sa tabi n~g daa'y may isáng malagóng cawayanang sa lilim niyó'y
nagpapahin~ga siyá n~g unang panahón. Diya'y pinakikiusapan siyá n~g
catamistamisan n~g sa canyá'y nan~gin~gibig; tinutulun~gan nito siyá n~g
pagdadalá n~g cáhoy at m~ga gúlay; ¡ay! nagdaan ang m~ga áraw na iyóng
túlad sa panag-inip; ang nan~gin~gibig ay canyáng naguing asawa, at ang
asawa'y inatan~gan n~g catungculang "cabeza de barangay" at n~g
magcagayó'y nagpasimula ang casaliwaang pálad n~g pagtawag sa caniláng
pintuan.
Sa, pagca't nagpapasimulâ ang áraw n~g pag init na totoo, siya'y
tinanóng n~g m~ga sundalo cung ibig niyang magpahin~ga.
--¡Salamat!--ang canyáng isinagót na nan~gin~gilabot.
Datapuwa't n~g totoong siya'y mapuspos n~g malaking pangguiguipuspos ay
n~g malapit na siyang dumating sa bayan. Sa malakíng samâ n~g canyáng
loob ay siya'y lumín~gap sa magcabicabilâ; malalawac na m~ga paláyan,
isáng maliit na sangháng inaagusan n~g tubig na pangdilíg, salupanít na
m~ga cáhoy; ¡walâ siyáng makitang isáng ban~gíng pagpatibulirán ó isáng
malakí't matigás na batóng paghampasán n~g sariling catawán! Canyáng
pinagsisihan ang canyáng pagcasama sa m~ga sundalo hanggáng doon;
¡n~gayó'y pinanghihinayan~gan niyá ang malalim na ilog na tumátacbo sa
malapit sa canyáng dampâ, sapagca't ang matataas na m~ga pampan~gin
niyao'y nasasabugan n~g m~ga matutulis na buháy na batóng
nan~gagháhandog n~g catamistamisang camatayan. N~guni't ang pagcaalaala
niyá sa canyáng m~ga anác, sa anác niyáng si Crisping hindî pa niya
natatalos n~g sandalíng iyón ang kinasapitan, ang siyáng tumangláw sa
canyá n~g gabíng iyón n~g canyáng búhay cayá't canyáng naibulong sa
pag-sang-ayon sa marawal na palad:
--¡Pagcatapos ... pagcatapos ay mananáhan camí sa guitnâ n~g cagubatan!
Pinahíran n~g lúha ang canyáng m~ga matá, pagpílit na tumiwasáy at
nagsabi sa m~ga guardia n~g marahang tínig:
--¡Na sa bayan na tayo!
Hindî mapaglírip ang anyô n~g canyáng pagcápanalitâ; yao'y daing, sisi,
hibic, yaó'y dalán~gin, yaón ang pighatíng binuò sa tínig.
Sinagót siyá n~g isáng tan~gô n~g m~ga sundalong sa canyá'y naháhabag.
Nagmadaling nagpauna si Sisa at pagpílit na mag-anyóng tiwasáy ang loob.
Nang sandalíng iyó'y pagpasimulâ ang pagrepique n~g m~ga campana't
ipina-aalam ang pagcatapos n~g mísa mayor. Tinulinan ni Sisa ang
paglacad, at n~g cung mangyayari'y huwag niyáng macasalubong ang m~ga
táong lalabas sa simbahan. Datapuwa't ¡hindî nangyari! waláng nakitang
paraan upang maiwasan ang gayóng pagcasalubong.
Bumatì n~g masacláp na n~giti sa dalawáng cakilala niyá, na sa canyá'y
nag-uusísa sa pamamag-itan n~g tin~gín, at mulâ niyó'y n~g canyáng
mailágan ang gayóng m~ga cahirápan n~g loob, tumun~gó siyá at ang lúpang
tinutuntun~gan niyá ang canyáng minasdán, at ¡bagay na caguilaguilalas!
natitisod siyá sa m~ga bató n~g lansán~gan.
Tumiguil n~g sandalî ang m~g táo pagcakita sa canyá, silá-silá'y
nan~gag-uusap at sinusundan siyá n~g caniláng títig: nakikita niya ang
lahát n~g itó, náraramdaman niya, bagaman siyá'y laguing nacatin~gín sa
lúpà.
Narin~gig niyá ang voces n~g isáng waláng cahihiyang babae, na
nasalicuran niyá at nagtátanong n~g hálos pasigáw:
--¿Saan ninyó nahuli ang babaeng itó? ¿At ang salápi?
Yaó'y isáng babaeng waláng tápis, dilaw at verde ang sáya at ang báro'y
gasang azul; napagkikilala sa canyang pananamít na siyá'y isáng caagulo
n~g sundalo.
Nacaramdam si Sisa n~g isáng parang tampál: wari'y hinubdán siyá n~g
babaeng iyón sa haráp n~g caramíhan. Sandalíng tumungháy upang siyá'y
magsáwa sa libác at pag-amís: nakita niyang ang m~ga táo'y maláyò,
totoong maláyò sa canyá; gayôn ma'y náramdaman niyá ang calamigán n~g
caniláng tin~gin at canyang náririn~gig ang caniláng m~ga
bulungbulun~gan. Lumalacad ang abáng babaeng hindî nararamdaman ang
pagtungtóng sa lúpa.
--¡Uy, dito ca tumún~go!--ang isininigáw sa canya n~g isáng guardia.
Tulad sa waláng pag-íisip na nawasac ang nacapagpapagalaw,
biglangbiglang ipinihit niyá ang canyáng m~ga paa. At hindî siyá
nacakikita n~g anó man, waláng anó mang iniisip, siya'y tumacbo at
nagtágò; nakita niyá ang isáng pintuang may isáng sundalong bantáy,
nag-acála siyang pumasoc doon; n~guni't siya'y inilihís sa canyang
paglacad n~g isá pang voces na lalò pa manding mabalasíc. Tinunutón niya
ang pinanggalin~gan n~g voces, na humáhacbang siyáng halos masun~gabà sa
panglulupaypáy; naramdaman niyang siya'y itinutulac sa licuran, siya'y
pumikit, humacbáng n~g dalawá at sa pagca't kinúlang siya n~g lacás,
nagpacálugmóc na siyá sa lúpà, paluhód muna at paupô pagcatápos. Isang
pagtán~gis na waláng lúha, walang sigáw, walang hibíc, ang siyang sa
canya'y nagpapacatal.
Yáón ang cuartel: doo'y may m~ga sundalo, m~ga babae, m~ga baboy at m~ga
inahíng manóc. Nan~gagsisipanahî n~g canicanilang m~ga damít ang ibáng
m~ga sundálo, samantalang nacahiga sa bangcô ang canilang m~ga caagulong
babae, na ang híta n~g lalaki ang inuunan, nan~gaghihithiitan n~g tabaco
ó cigarrillo at minámasdang ang bubun~gang nan~gayáyamot sa búhay:
Tumutulong namán ang m~ga ibáng babae sa paglilinis n~g damit n~g m~ga
sandata at iba pa, at inaaguing-íng ang m~ga mahahalay na awit.
--¡Tila mandin nacatacas ang m~ga sisiw! ¿Ang inahíng manóc lamang ang
inyong dalá?--anang isang babae sa m~ga sundalong bagong dating; na
hindî napagsi siyasat cung ang sabi niya'y dahil cay Sisa ó sa inahíng
manóc na nagpapatuloy n~g piniyácpiyác.
--¡Siya n~ga namán! cailan ma'y mahalagá ang inahíng manóc cay sa
sisiw--ang isinagot niyá sa canyá ring tanong, n~g makita niyáng hindî
umiimic ang m~ga sundalo.
--¿Saan naroon ang sargento?--ang tanóng na may anyóng samâ ang loob n~g
isá sa m~ga guardîa cívil--¿Nagbigay sabi na bâ sa alferez?
M~ga kibit n~g balícat ang siyáng sa canya'y sagót n~g nan~garoon, sino
ma'y walang nagmamalasakit n~g camuntî man lamang tungcól sa calagayan
n~g abáng babáe.
Dalawáng horas ang itinagal doon ni Sisa, sa isáng anyóng halos ay
hibáng, nacauncót sa isáng súloc, nacatágo ang ûlo sa m~ga camay, gusót
at gusamót ang buhóc. Natanto n~g alférez ang padakip na iyon n~g
pagcatanhaling tapát, at ang únang guinawâ niyá'y ang huwag paniwalâan
ang sumbóng n~g cura.
--¡Bah! ¡iya'y m~ga caul-ulan lamang n~g curipot na fraile!--anyá, at
ipinag-utos na alpasán ang babae, at sino ma'y huwag n~g makialam n~g
bagay na iyon.
--¡Cung ibig niyáng másumpong ang sa canyá'y nawalâ--ang
idinugtong--hin~gin niya sa canyáng San Antonio ó magsacdál cayà siya sa
nuncio! ¡Iyan!
Dahil sa mangyaring ito, si Sisa'y pinalayas sa cuartel na halos
ipinagtutulacan, sa pagca't aayaw siyang cumílos.
Nang mákita ni Sisang siya'y sumasaguitna n~g daan lumacad na siyáng dî
alam ang guinágawa, at tumún~go sa canyang báhay, nagmámadalî, walang
anó mang takip ang úlo at ang tinititiga'y ang maláyong tan-awin.
Nagninin~gas ang araw sa taluctóc n~g lan~git at walang anó mang alapaap
na nacacucublí sa maningníng niyang cabilugan; bahagyâ na pinagágalaw
n~g han~gin ang dáhon n~g m~ga cahoy; hálos tuyô na ang m~ga daan;
waláng man~gahas cahi't isang ibon man lamang na iwan ang lilim n~g m~ga
san~gá.
Sa cawacasa'y dumating din si Sisa sa canyang maliit na bahay. Pumásoc
siyá roong pipí, hindî umiimic, nilibot ang cabahayan, umalís,
nagpalacadlacad sa magcabicabila. Tumacbó, pagcatapos sa bahay ni
matandang Tasio, tumáwag sa pintuan; n~guni't walâ roon ang matandà.
Bumalic sa canyáng báhay ang culang palad at nagpasimulâ n~g pagtáwag
n~g pasigáw: ¡Basilio! ¡Crispín! at maya't maya'y humihinto at nakikinig
n~g mainam. Inuulit n~g alin~gan~gaw ang canyáng voces: ang matimyas na
lagaslas n~g tubig sa calapit na ílog, ang música n~g m~ga dahon n~g
m~ga cawayan; itó ang tan~ging m~ga voces n~g pag-iisa. Mulíng
tumatawag, umaacyá't sa isáng mataas na lúpa, lumulusong sa isang
ban~gin, nananaog sa ilog; nagpapalín~gaplin~gap ang canyáng m~ga matáng
may anyóng maban~gis; ang m~ga matá ring iyo'y manacanacang nag-aalab
n~g mainam, pagcatapos ay nagdídilim, tulad sa lan~git cung gabíng
sumísigwa: masasabing namímisic ang liwanag n~g pag-iísip at malapit n~g
magdilím.
[Larawan: ¡Nasirà ang isip ni Sisa! ¡Higuít ang calungcutan n~g canyang
hinibíc-hibíc cay sa capanglaw-panglawang náririnig na m~ga daíng cung
gabíng n~gitn~git n~g dilím at umaatun~gal ang lacás n~g unós!]
Mulíng pumanhíc sa canyáng maliit na báhay, naupô sa baníg na caniláng
hinig-án n~g nagdaang gabí, itinungháy ang m~ga matá at nakita niyá ang
capirasong napunit sa bárò ni Basilio sa dúlo n~g isáng cawayan n~g
dingding, na na sa tabí n~g ban~gin. Nagtinding, kinuha ang pilas na
damit na iyon at pinagmasdan sa ínit n~g áraw: may m~ga bahid, na dugò.
Datapwa't marahil hindî nakita ni Sisa ang gayong m~ga bahid, sa pagca't
nanaog at ipinagpatuloy ang pagsisiyasat sa pílas, sa guitnâ n~g
nacasusunog na ínit n~g araw, na canyáng itinataas, at sa pagca't tila
mandin ang tin~gin niya'y madilím na lahát, tinitigan niyá n~g paharap
ang araw n~g dilát na dilát.
Nagpatúloy rin siya n~g pagpapalacadlacad sa magcabicabilá, na sumísigaw
ó umaatun~gal n~g cacaibang tunóg; marahil siya'y catatacutan cung sa
canya'y may macarinig; may isáng tínig ang canyáng voces na hindî
caraniwang manggaling sa lalamunan n~g táo. Sa boong gabí, pagca
umaatun~gal ang unós, at lumilipad ang han~gin n~g calaguimlaguim na
catulinan, at ipinagtatabuyan n~g canyáng hindî nakikitang m~ga pacpac
ang isáng hucbóng m~ga aninong sa canyá'y humahagad, cung sacali't
cayo'y na sa isáng báhay na guibâ at nag-íisa, at nacacarinig cayó n~g
m~ga cacaibang daing, m~ga cacaibang buntóng-hinin~gáng ipinalálagay
ninyóng yaó'y ang hilahis n~g hihip n~g han~gin sa pagtámà sa matataas
na m~ga torre ó siráng m~ga pader, datapuwa't sa inyó'y pumupuspos n~g
tacot at sa inyó'y nagpapakilabot na hindî ninyó mapiguilan; talastasin
n~gâ ninyóng higuit ang lungcót n~g tínig n~g ináng iyón, cay sa hindî
mapaglírip na m~ga hibíc sa m~ga gabíng madilím pagcâ umaatun~gal ang
unós.
Sa gayóng calagaya'y inábot si Sisa n~g gabí. Pinagcalooban siyá marahil
n~g Lán~git n~g iláng horas na pagcacatulog, at samantalang siya'y
nahihimbing, hinilahihisan n~g pacpác n~g isang ángel ang namumutlâ
niyáng mukhâ, upang macatcát sa canyá ang alaala, na waláng ibáng
tinátaglay cung dî pawang capighatîan; marahil hindî cásiyang macáya n~g
mahinang lacás n~g táo ang gayóng caraming m~ga pagcacasákit, caya't n~g
magcágayo'y na mag-itan marahil ang Inang-Talagá n~g Dios na tagláy ang
canyang matimyás na pangpagaang n~g hírap, ang pagcalimot; datapuwat sa
papaano man, ang catotohana'y n~g kinabucasan, si Sisa'y
nagpapalacádlácad na nacan~gitî, nag-aawit ó cung hindî nakikipag-usap
sa lahát n~g m~ga may búhay na kinapál.
=XXII.=
=MANGA ILAW AT MGA DILIM=
Nacaraan ang tatlóng áraw mulâ n~g mangyari ang m~ga bagay na aming
sinaysay. Guinamit n~g bayan n~g San Diego ang tatlong araw na ito, na
casama ang m~ga gabí sa paghahanda n~g fiesta at sa m~ga salitaan,
casabay ang m~ga pag-uupasálà.
Samantalang caniláng nilalasap-lasap na ang m~ga mangyayaring m~ga
casayahan, pinipintasan n~g ibá ang gobernadorcillo, ang ibá namá'y ang
teniente mayor, at ang ibá'y ang m~ga batà, at hindî nawawalan n~g
binibigyang casalanan n~g lahát ang lahát.
Pinag-uusap-usapan ang pagdating ni María Clara, na casama n~g tía
Isabel. Sila'y nan~gatutúwâ sa gayong pagdatíng, palibhasa'y caniláng
kinalúlugdan siyá, at casabáy n~g caniláng malaking pangguiguilalás sa
canyáng cagandahan, ang canilá namáng pagtatacá sa m~ga pagbabagobago
n~g caugalian ni pári Salví.--"Madalás na siyá'y natitigagal at anaki'y
nakalilimot samantalang nagmimisa; hindi na lubháng nakikipagsalitaan sa
amin, at kitangkita ang canyang pagyayat at ang canyáng pagcawaláng
catiwasayan n~g loob,"--ang sabihan n~g m~ga nagcucumpisal sa canyá.
Namamasid n~g "cocinerong" siya'y namamayat n~g namamayat, at dumaraing
n~g dî pagpapaunlac sa canyáng m~ga inilulutong pagcain. N~guni't ang
lalong nacapagpapaalab n~g m~ga bulong-bulun~ga'y ang canilang
namamasdang mahiguít sa dalawáng ilaw sa convento cung gabí, samantalang
si párì Salví'y dumadalaw sa isang bahay n~g mámamayan ... ¡sa báhay ni
María Clara! ¡Nan~gagcucruz ang m~ga mápagbanal, n~guni't ipinatutuloy
nila ang pagbubulong-bulun~gan.
Tumelégrama si Juan Crisóstomo Ibarra buhat sa pan~gulong bayan n~g
lalawigan, na bumabati siyá cay tía Isabel at sa pamangkin nito;
n~guni't hindî ipinaliliwanag cung bakit walâ siyá roon. Ang acálà n~g
marami siya'y nabibilango dahil sa ginawâ niya cay parì Salví n~g hapon
n~g araw n~g "Todos los Santos".
Datapuwa't lalò n~g lumakí ang m~ga usap-usapan n~g makita nila n~g
hapon n~g icatlóng araw na lumúlunsad si Ibarra sa isang coche, sa
harapan n~g munting bahay na tinitirahan n~g dalagang canyang maguiguing
asawa, at bumabati n~g boong pitagan sa fraile, na tumutun~go rin sa
bahay na iyón.
Sino ma'y walang nacacagunitâ cay Sisa at sa canyang m~ga anac.
Cung pumaroon tayo n~gayón sa bahay ni María Clara, isang magandang
púgad na na sa guitna n~g m~ga dalandan at ilang-ilang, mararatnan pa
natin ang binata't dalagang capuwâ nacasun~gaw sa isang bintana sa
dacong dagatan. Lumililim sa bintanang iyon ang m~ga bulaclac at m~ga
halamang gumagapang sa m~ga cawayan at sa m~ga cawad, na pawang
nan~gagsasabog n~g pihícang ban~go.
Bumubulong ang canilang m~ga labi n~g m~ga salitang higuit ang
cagandahang dingguín cay sa halishísan n~g m~ga damó, at lalong
mahalimuyac cay sa han~ging may taglay na ban~gong handog n~g m~ga
bulaclac halamanan.
Sinasamantala n~g m~ga "sirena" sa dagatan ang pag-aagaw-dilím n~g oras
na iyon n~g matúling pagtatakíp-sílim n~g hapon, upang isun~gaw sa
ibabaw n~g m~ga alon ang canilang masasayáng maliliit na úlo at
pangguilalasan at bumatì n~g canilang m~ga awit sa araw na
naghihin~galô. M~ga azúl daw ang canilang m~ga mata at ang canilang m~ga
buhóc; na sila'y may m~ga pútong na coronang halaman sa tubig na may
m~ga bulaclac na mapuputi't mapupula; manacanacâ raw ipinamamalas n~g
m~ga bulâ ang canilang parang linalic na catawang higuit sa bulâ ang
caputian at cung ganap n~g gabi'y canilang pinasisimulaan ang canilang
m~ga calugodlugod na paglalarô, at canilang ipinarírinig ang m~ga tinig
na talinghagang tulad sa m~ga arpa sa lan~git; sa bihanan din namang
...; n~guni't pagbalican natin ang ating m~ga kinabataan pakinggan natin
ang wacas n~g canilang salitaan. Sinasabi ni Ibarra cay María Clara:
--Búcas, bago magbucáng liwayway, magáganap ang han~gád mo. Iháhandâ
cong lahát n~gayóng gabí at n~g huwag magculang n~g anó man.
--Cung gayó'y susulat acó sa aking m~ga caibigang babae at n~g
man~gagsiparito. ¡Gawín mo ang bagay na itó sa isang parang howag sanang
macasunód ang cura!
--At ¿bakit?
--Sa pagca't tila mandin acó'y binábantayan niyá. Nacasásamâ sa ákin ang
canyáng m~ga matang malalálim at malulungcót, pagca itinititig niya sa
akin ay acó'y natatacot. Pagcâ acó'y kinacausap niyá, siya'y may isáng
voces na ... sinasabi sa akin ang m~ga bagay na totoong cacaiba, na
hindî mapaglirip, na totoong cacatuwâ ... minsa'y itínanóng niya sa akin
cung hindî co nananag-ínip n~g tungcól sa m~ga súlat n~g nanay; sa aking
acala'y halos nasisíra ang canyang baít. Sinasabi sa akin n~g caibigan
cong si Sinang at saca ni Andeng na aking capatíd sa gatas, na siya'y
may pagcaculang-culang ang ísip. ¡Gawín mo sana n~g paraang siya'y howag
pumarito!
--Hindî maaaring siya'y hindî natin anyayahan--ang sagot ni Ibarrang
nag-iisip-ísip.--Catungculang atang ito n~g caugalian n~g bayan; siya'y
nasa bahay mo at bucod sa rito'y nag-ugaling mahal siya sa akin. Nag
magtanóng sa canya ang Alcalde tungcól sa bagay na sinabi co na sa iyó,
walang sinabi siya cung dî pawáng m~ga pagpuri sa akin, at hindi
nag-acalang maglagay n~g cahit caunting hadlang man lamang. N~guni't
namamasid cong icaw ay namúmuhî; howag cang manimdím at hindî macasasama
siya sa atin sa bangcâ.
Narinig ang marahang lacad; yao'y ang curang lumalapit na taglay ang
n~gitíng pilit.
--¡Maguinaw ang han~gin!--anyá;--pagcâ nacacáhaguíp n~g isáng sipón, ay
hindî bumíbitiw cung dî dumatíng ang tag-ínit. ¿Hindî ba cayó
nan~gan~ganib na baca cayó'y malamigan?
Nan~gan~gatal ang voces niyá at sa maláyò ang canyáng tanáw: hindî siyá
tumitin~gin sa binata't dalága.
--¡Tumbalíc; ang pakiramdám namin ay caayaaya ang gabi at masarap ang
hán~gin. Itó ang pinacá "otoño" at "primavera"[256] namin, nanlálaglag
ang iláng m~ga dahon, datapuwa't laguing sumisilang ang m~ga bulaclac.
Nagbuntóng hinin~gá si párì Salví.
--Ipinalálagay cong carikitdikitan ang pagcacálangcap n~g dalawáng
bahaguing itó n~g taóng hindî nangguíguitnâ, ang "invierno"
(tagguinaw)--ang ipinagpatuloy ni Ibara.--Sisilang, pagdating n~g
Febrero, ang m~ga bagong san~ga n~g m~ga cahoy at pagdating n~g Marzo'y
may m~ga bun~gang hinog na tayo. Pagdating n~g m~ga buwang tag-init ay
paparoon cami sa ibang daco.
N~gumitî si Fray Salví. Nagpasimulâ sila n~g pagsasalitaan n~g m~ga
bagay-bagay na walang cabuluhan, n~g nauucol sa panahón, sa bayan at sa
dárating na fiesta; humanap si María Clara n~g dahilán at umalís.
--At yamang m~ga fiesta ang ating m~ga pinag-uusapan, itulot pô ninyóng
cayo'y anyayahan co sa gagawin namin búcas. Ito'y isáng fiestang búkid
na aming iaalay sa aming m~ga caibigan at iniaalay namán nilá sa amin.
--At ¿saan pô ba gagawin?
--Ibig n~g m~ga cabataang gawín sa bátis sa umaagos sa malapit ditong
gubat at na sa tabi n~g balítì: cayâ magban~gon tayo n~g maaga at n~g
huwag táyong abútin n~g áraw.
Nag-ísip-ísip ang fraile, at dî nalaon at sumagót:
--Mápanucsong totoo ang anyáya at aco'y napahihinuhod, upang sa inyo'y
patotohanang hindî po acó nagtátanim sa inyó. Datapuwa't kinakailan~gang
dumaló roon pagcatapos na aking maganáp ang aking m~ga catungculan.
¡Cayó'y mapálad, sa pagca't may calayâan, lubos na may calayâan!
Nang macaraan ang iláng sandalî ay nagpaalam si Ibarra upang
pan~gasiwâan ang paghahandâ n~g fiesta sa kinabucasan. Madilím na ang
gabí.
Lumapit sa canyá sa daan ang isáng sa canya'y naghandóg n~g boong
paggálang.
--¿Sino pô bâ cayó?--ang sa canya'y tanóng ni Ibarra.
--Hindî pô ninyó alam, guinoo, ang aking pan~galan,--ang sagót n~g hindî
kilalá.--Dalawáng áraw na pong hinihintay co cayó.
--¿At bakit?
--Sa pagca't sa alin mang daco'y hindî acó kinahabagán, palibhasa'y acó
raw po'y tulisán, guinoo ¡Datapuwa't nawalan acó n~g m~ga anác, sirâ ang
isip n~g aking asawâ, at ang sabihan n~g lahát ay carapatdapat acó sa
nangyayarî sa akin!
Madaling pinagmasdán ni Ibarra ang taong iyón, at tumanóng:
--¿At anó bâ ang íbig ninyó n~gayon?
--¡Ipagmacaáwa co po sa inyó ang aking asawa at ang aking m~ga anác!
--Hindî acó macatiguil,--ang sagot ni Ibarra. Cung íbig po ninyóng
sumunód sa akin, habang tayo'y lumalacad ay masasabi ninyó ang sa inyó'y
nangyayari.
Napasalamat ang tao at pagdaca'y nan~gawalâ silá sa guitnâ n~g cadilimán
n~g m~ga daang bahagyâ na may ílaw.