[216] Parrarayo, pangpatiguil ó pangpahintô n~g lintíc. Isáng
casangcapan ó aparato na cung ilagay sa taluctóc n~g isáng edificio ay
nacacatawag n~g electricidad ó n~g lintíc at inihahatid itó sa
pamamag-itan n~g isáng cáwad sa isáng lugar na hindî macasásakit canino
man. Natuclasán ang paggawâ n~g "parrarayo" ni Benjamin Franklin n~g
taóng 1732. Ang caraniwang táas n~g parrarayo'y ánim hanggáng labíng
dalawáng metro, at natatangkilic na dî pinúputucan n~g lintíc ang
paliguidliguid n~g kinátatayuan na ang sucat n~g sacláw ay ang lambál ó
ibayo n~g sucat n~g taás. Si Benjamin Franklin ay pantás na diplomático,
físico at economista, na gumamit n~g boóng cáya upang magtamó n~g
casarinlán ang canyáng Inang Báyang Estados Unidos n~g América.
Ipinan~ganác siyá sa Boston n~g 1706, at namatáy n~g 1790.--P.H.P.
[217] Caraniwang tinatawag n~g catagalugan "tumbá", marahil sa túro n~g
m~ga fraile. Pinagpapatongpatong na m~ga mesa ó balangcás na anó man,
tinatacpan n~g damit na maitím at doon guinágawâ ang m~ga ceremoniang
ucol sa m~ga patáy.
[218] Ang m~ga cahirapang tinitiis n~g m~ga banál na cálolowa sa
Purgatorio.
[219] Ang samaháng ang palatuntuna'y ang pagsisicap na camtán ang m~ga
calayâan.
[220] Sa pagkikibit n~g balicat ay ipinakikilalang hindî niyá dinaramdam
ó hindî niyá sinasakit n~g loób ó sa canya'y waláng halagang sabi ó
balitang náririn~gig.
[221] Sa capangyarihan.
[222] Sa casalucuyan, sa horas ding iyón.
[223] Ang cahulugán n~g pan~galang Zoroastro'y: "ang lalong magalíng sa
m~ga anác n~g m~ga táo.--Si Zoroastro'y pantás na filósofo na bumago n~g
religión persa."--P. H. P.
[224] Ang librong kinapapalamnan n~g m~ga aral ni Zoroastro. Tinatawag
ding "Zindavesta" ang librong ito.--P. H. P.
[225] Hindî malilimutang filósofo griego na ipinan~ganác sa Egina n~g
taóng 429 n~g dî pa ipinan~gan~ganac si Jesucristo.--Ang m~ga pan~gulong
librong sinulat niyá'y "Ang República" at ang "Salitaan n~g dalawá". Ang
pan~galan niyá'y Aristocles, n~guni't pinan~galanan siyá Sócrates n~g
Platón, dahil sa calaparan n~g noó. Siyá'y naguíng discípulo ni Sócrates
at naguíng maestro ni Aristóteles.--P. H. P.
[226] Bantog na escritor at naturalista latino. Ipinan~ganác n~g taóng
23 at namatáy n~g taóng 79.
[227] Patriarca sa Constantinopla. Namatáy n~g taóng 271.
[228] Hindî malilimutang poeta na cumathâ n~g "Eneida", na doo'y
sinásaysay ang pinagdaanang búhay n~g troyaneng si Eneas. Siyá rin ang
cumathâ n~g "Las Eglogas" at n~g "Las Geórgicas."
[229] Bantóg na papang nagpatanghál at nagpakináng na lubhâ sa
Pontificado.
[230] Balitang poeta sa Italia n~g Edad Media. Ipinan~ganác sa Florencia
n~g 8 n~g Mayo n~g 1265 at namatay n~g 14 n~g Septiembre n~g 1321. Ang
pan~galan niyáng tunay ay DURANTE at ang DANTE ay palayaw. Ipinalimbag
niyá ang m~ga librong Vida Nueva, Canzones, El Infierno, El Banquete, De
Vulgari Eloquio, El Purgatorio, De Monarchia Mundi, La Divina Comedia at
iba pa. Ganitó ang saysáy niyá sa canyáng sinulat na librong "De
Monarchia Mundi:" Hindî sa m~ga cónsul ang m~ga namamayan at hindî sa
harì ang nación, cung dî pabaligtad: sa m~ga namamayan ang m~ga cónsul
at sa nación ang harì. Hindî itinatag ang m~ga ciudad at n~g pag-uculan
n~g m~ga cautusán; itinatag ang m~ga cautusán at n~g iucol sa m~ga
ciudad. Cayâ n~ga't ang m~ga tumatalima sa m~ga cautusán ay hindî
pinapagsama sa isáng báyan upang maguing tagapaglingcód sa naglálagdâ
n~g m~ga cautusán: cung dî ang naglalagdâ n~g m~ga cautusán ang siyáng
tagapaglingod sa báyan, at iba pa." Hindî minamagalíng ni Dante na ang
papa'y magcaroon n~g capangyarihan sa búhay at pamumuhay n~g catawan, at
dahil sa panucalà niyang canyáng itóng isinaysay sa canyáng m~ga
casulatan, siya'y pinag-usig n~g m~ga papa, m~ga cardenal at n~g lahát
n~g m~ga cacampí sa ang han~gad na ang papa'y magcaroon n~g
capangyarihang hárì. Labingdalawang taón n~g patáy siyá'y ipinag-utos pa
n~g cardenal del Poggetto na cunin sa baunan ang canyáng bun~gô at m~ga
butó, sunuguin at itapon, sa pagca't excomulgado raw siyá, bagay na
hindî natuloy, salamat sa paghadlang n~g maraming m~ga mamamayan. Siya'y
poeta, filósofo, soldado, músico, filólogo, publicista, político, mabaít
na táong bayan, nagtayô n~g isáng arte, siyá ang masasabing humusay at
nagtatag n~g wicang italiano, naguing punò n~g canyáng ciudad
republicana, nápatapong madalás dahil sa pagtatanggol n~g catuwiran n~g
bayan, at sa kinatapuna'y halos nagpalimos n~g kinacain, teólogo,
masicap na apóstol n~g caisipáng di dapat magharì ang papa, hinatulang
sunuguing buháy n~g isáng tribunal revolucionario, at pinag-usig n~g
boong calupitán n~g tribunal n~g Inquisicióng nagparatang na siyá'y
hereje, bago'y banal na binyagan; n~guni't sa cawacasa'y inilagay ang
canyáng larawan sa Vaticano, sa casamahán n~g m~ga Doctor n~g Iglesia
Católica, at ang m~ga butó niyá'y iniin~gatan n~g boong galang sa
catedral ni Santa María del Fìore; m~ga cagagawang nagpapakilalang
maliwanag na ang m~ga papa'y nagcacamali ring gaya n~g lahát n~g tao at
hindî catotohanang ang m~ga papa'y "infalible", hindî nagcacamali. Itó
n~gâ sa maiclíng salitâ ang carilagdilagang buhay ni Dante, na ilinagdà
co rito't n~g mapanghinularan.--P.H.P.
[231] Ministro n~g religión ni Brahma.
[232] Ang m~ga sumusampalataya sa religión ni Budha.
[233] Barquero ni Aqueronte sa ílog n~g infierno. Si Carón ó Caronte ang
tunay na larawan ni Camatayan sa caban~gisang walang habág canino man,
sa bata't matanda, sa maganda't pan~git, sa lalaki't babae--P. H. P.
[234] Ang isá sa m~ga pintuan n~g infierno.
[235] Ang m~ga táong ang pakikipabaca ang guinágawáng hanap-búhay.
[236] Poeta n~g m~ga unang "celta".
[237] Hindî lamang tinatawag na mán~gan~gaso (cazador) n~g m~ga castilà
ang nanghuhuli n~g usá, baboy-ramó at iba pang hayop sa pamamag-itan n~g
m~ga aso, cung dî ang nanghuhuli ó pumapatay n~g sinabi n~g m~ga hayop
sa pamamag-itan n~g m~ga sandata, n~g m~ga silò ó n~g m~ga patibóng.
[238] Ang m~ga caugaliang guinagawa n~g bawa't religión sa canilang
panapalan~gin at pagpupuri sa Dios; at sa iba pang m~ga bagay.
[239] Templo at ciudadela n~g Roma, na na sa ibabaw n~g isang bundóc at
doon pinuputun~gan n~g corona ang m~ga nan~gagtatagumpay sa pakikibaca.
Dating casiping n~g Capitolio ang tinatawag na "Roca Tarpeya", malaking
bato, na doo'y pinatátayo ang m~ga may casalanan at bago itinutulac sa
ban~gín at n~g doo'y mamatay. Nanggaling ang pamagát na Tarpeya sa
pan~galang ganito rin n~g isáng dalagang taga Roma, na nagbilí sa m~ga
sabino n~g ciudadela n~g Roma, at pagcatapos ay ang m~ga sabino rin ang
pumatáy sa canyá, carapatdapat na ganting pálà sa lahát n~g gaya niyáng
tacsíl.
[240] Doctor n~g Iglesia Católica, na namatáy n~g taóng 217.
[241] Isá sa m~ga lalong bantog na párì n~g Iglesia Católica, na taga
pagpaunawà n~g m~ga Santong Casulatan. Ipinan~ganác n~g 185 at namatáy
n~g 243.
[242] Obispo sa Lyon at masigasig na caaway n~g m~ga "gnóstico",
hanggáng sa sumulat n~g isáng librong pinamagatán niyá n~g "Tratado de
las herejías."
[243] N~gayo'y cacasamahin catá sa Paraiso.--S. Lúcas XXIII, 43.
[244] Concilio ecuménico na guinawa sa ciudad n~g Trento, sacop n~g
Austria, n~g 1545 hanggang sa 1563.
[245] Protestante, ang cahuluga'y "tumututol". Tinatawag na protestante
ang m~ga sumasang-ayon sa pagtutol na guinawâ ni Lutero sa "dieta" sa
Spira n~g taóng 1529. Si Martín Lutero ay dating fraileng agustino.
Siyá'y tubo sa Eisleben, Sajonia, at ipinan~ganác n~g taóng 1483 at
namatay n~g 1546.
[246] Ang sacerdote n~g Iglesia Griega na hindî cumikilala sa
capangyarihan n~g Papa.
[247] Librong dakilang kinálalagyan n~g Luma at Bagong Testamento.
[248] Pan~galang bigay sa m~ga príncipe sarraceno na cahalili ni Mahoma.
[249] Pan~galawang pinsan ni Mahoma; isá sa lalong mababan~gis na
tagapaglaganap n~g secta ni Mahoma.
[250] Pagbilang na guinágawâ sa ano mang bagay.
=XV.=
=ANG MGA SACRISTAN=
Bahagyâ na ang patláng n~g dagundóng n~g m~ga culóg, at
pinan~gun~gunahan bawa't culóg n~g cakilakilabot na namimilipit na
lintíc: masasabing isinusulat n~g Dios ang canyáng pan~galan sa
pamamag-itan n~g isáng súnog at ang waláng hanggáng bubóng n~g lán~git
ay nan~gín~ginig sa tacot. Ang ula'y parang ibinubuhos, at sa pagca't
hináhampas n~g hán~ging humahaguing n~g lubháng malungcót, báwa't
sandali'y nagbabago n~g tinutun~go. Ipinarírin~gig n~g m~ga campána, n~g
voces na tagláy ang malaking laguím, ang caniláng mapangláw na hibíc, at
sa sandasandalíng ínihihimpil n~g nan~gagbában~gis na m~ga culóg ang
caniláng matunóg na atún~gal, isáng malungcót na tugtóg n~g campánà, na
daíng ang catúlad, ang siyáng humahagulgól.
Nan~gasaicalawáng sáray n~g campanario ang dalawáng bátang nakita náting
caúsap n~g filósofo. Ang pinacabátà sa canilá, na may malalakíng matáng
maitím at matatacutíng mukhâ, pinipilit na idigkít niyá ang canyáng
catawán sa catawán n~g canyáng capatîd, na totoong nacacawan~gis niyá
ang pagmumukhâ, at ang caibhán lamang ay malálim tumin~gín at may
pagcaanyóng matápang. Ang pananamit n~g dalawá'y dukháng-dukhâ at puspós
n~g m~ga sursi at tagpî. Nan~ga-uupô sa capirásong cáhoy at capuwâ may
tan~gang isáng lubid na ang dúlo'y na sa icatlóng sáray, doon sa itáas,
sa guitnâ n~g cadilimán. Ang uláng itinutulac n~g hán~gin ay dumárating
hanggáng sa canilá at pinapamímisic ang isáng upós n~g candilang
nag-aalab sa ibábaw n~g isáng malakíng bató na caniláng pinagugulong sa
coro, upang huwarán ang úgong n~g culóg, cung Viernes Santo.
--¡Batakin mo ang iyóng lúbid, Crispin!--anáng capatíd na matandâ sa
bátà niyáng capatíd.
Nag-alambitin sa lúbid si Crispin, at nárinig sa itáas ang isáng daíng
na mahinà, na pagdáca'y natacpán n~g isáng culóg, na ang úgong ay
pinarami n~g libolibong alin~gawn~gáw.
--¡Ah! ¡cung na sa báhay sana táyong casáma n~g nánay!--ang ibinuntóng
hinin~gá n~g maliit na tinítingnan ang canyáng capatíd;--doo'y hindî acó
matatacot.
Hindî sumagót ang matandáng capatíd; minámasdan cung paáno ang pagtúlò
n~g pagkit at tíla mandin may pinag-iisip.
--¡Doo'y walà sino mang nagsasabi sa aking acó'y nagnanácàw!--ang
idinugtóng ni Crispin;--¡hindî itutulot n~g nánay! ¡Cung maalaman niyáng
aco'y pinapalò....!
Inihiwaláy n~g matandáng capatíd ang canyáng m~ga matá sa nin~gas n~g
ílaw, tumin~galâ, pinang-guiguílan n~g cagát ang malaking lúbid at bago
bigláng binaltác, at n~g magcagayo'y nárin~gig ang matunóg na tugtóg n~g
campánà.
--¿Mananatilî bâ tayo sa ganitóng pamumúhay, cacâ?--ang ipinatúloy ni
Crispin. ¡Ibig co sánang magcasakit acó búcas sa báhay, ibig cong
magcasakít acó n~g malaón at n~g acó'y alagâan n~g nánay at huwág na
acóng pabalikín ulî sa convento! ¡Sa ganitó'y hindî acó pan~gan~ganlang
magnanácaw at waláng háhampas sa akin! At icáw man, cacâ, ang mabuti'y
magcasakit cang casáma co.
--¡Howag!--ang sagót n~g matandáng capatíd;--mamámatay táyong lahát:
mamámatay sa pighatî ang nánay at cata'y mamámatay n~g gútom.
Hindî na sumagót ulî si Crispin.
--¿Gaáno bâ ang sasahurin mo sa bowáng ito?--ang tanóng ni Crispin n~g
macaraan ang sandalî.
--Dalawáng piso: tatlóng multa ang ipinarusa sa akin.
--Bayaran mo na ang sinasabi niláng ninácaw co, at n~g huwag táyong
tawáguing m~ga magnanacaw; ¡bayáran mo na, cacâ!
--¿Naúulol ca bâ, Crispín? Waláng macacain ang nánay; ang sabi n~g
sacristan mayor ay nagnacaw ca raw n~g dalawáng onza, at ang dalawang
onza ay tatlompo't dalawáng piso.
Bumilang ang malíit sa canyáng m~ga dalírì hanggáng sa dumating sa
tatlompo't dalawá.
--¡Anim na camáy at dalawáng dalírì! At bawa't dalírì ay piso--ang
ibinulóng na nag-iisip-iísip.--At bawa't piso ... ¿iláng cuarta?
--Isáng dáan at anim na pô.
--¿Isáng dáa't ánim na pong cuarta? ¿Macasandaan at ánim na pong isáng
cuarta? ¡Nacú! ¿At gaano ang isáng dáa't ánim na pô?
--Tatlompô at dalawáng camáy--ang sagót n~g matandáng capatíd.
Sandalíng pinagmasdán ni Crispín ang maliliit niyáng camáy.
[Larawan:--¡Doo'y walâ sino mang nagsasabi sa aking aco'y
magnanacaw!--ang idinuctóng ni Crispín;--¡hindî itutulot n~g nanay!
¡Cung maalaman niyang aco'y pinapalò....--Imp de M Fernández, Paz 447,
Sta. Cruz.]
--¡Tatlompô at dalawáng camáy!--ang inuulit úlit--ánim na camáy at
dalawang dalírì, at bawa't dalírì ay tatlompô at dalawáng camáy ... at
bawa't dalírî ay isáng cuarta ...¡Nacú gaáno caráming cuarta niyán!
Hindî mabibilang n~g isá sa loob n~g tatlông áraw ...at macabíbili n~g
sinelas na úcol sa m~ga paa at sombrerong úcol sa úlo, pagcâ umiinit ang
áraw, at isáng malakíng páyong pagca umúulan, at pagcain, at m~ga damít
na úcol sa iyo at sa nánay at....
Nag-isíp-ísip si Crispin.
--¡N~gayó'y dináramdam co ang hindî co pagnanácaw!
--¡Crispin!--ang ipinagwícà sa canyá n~g canyáng capatíd!
--¡Huwág cang magálit! Sinabi n~g curang pápatayin daw acó n~g pálò pag
hindî sumipót ang salapî; cung ninácaw co n~ga sána ang salapíng iyó'y
aking maisisipot ...¡at cung sacali't mamatáy acó, magcaroon man lamang
icáw at ang nánay n~g m~ga damít!...
--¡Sáyang at hindî co n~gâ ninácaw!
Hindî umimíc ang pinacamatandâ at hiníla ang canyáng lúbid. Pagcatapos
ay nagsalitáng casabáy ang buntóng hinin~gá.
--¡Ang ikinatatacot co'y bacâ, cagalitan ca n~g nánay cung maalaman!
--¿Sa acálà mo cayâ?--ang tanóng n~g malíit na nagtátaca.--Sabíhin mong
maigui ang pagcabugbog sa akin, ipakikita co ang aking m~ga pasâ at ang
punít cong bulsá: hindî acó nagcaroon cailan man cung dî isáng cuarta
lámang na ibinigay sa akin niyóng pascó at kinúha sa akin cahapon n~g
cura ang isáng cuartang iyón. ¡Hindî pa acó nacacakita n~g gayón
cagandáng isáng cuarta! ¡Hindî maniniwálà ang nánay! ¡hindî maniniwalà!
--Cung ang cura ang magsabi....
Nagpasimulâ, n~g pag-iyác si Crispín, at ibinúbulong sa guitnâ n~g
paghagulhól:
--Cung gayó'y umuwî ca n~g mag-isá; aayaw acóng umuwî. Sabihin mo sa
nánay na acó'y may sakít; aayaw acóng umuwî.
--¡Crispín, huwág cang umiyác!--anang matandáng capatíd.--Hindî
maniniwalà ang nánay; huwág cang umiyác; sinabi ni matandáng Tasiong may
handâ raw sa ating masaráp na hapúnan.
Tumin~galâ si Crispín at pinagmasdán ang capatíd.
--¡Isáng masaráp na hapúnan! Hindî pa acó nanananghalîan: áayaw acóng
pacanin hanggáng hindî sumísipot ang dalawáng onza ... Datapuwa't ¿cung
maniwalà ang nánay? Sabíhin mong nagsisinun~galíng ang sacristan mayor,
at ang curang maniwalà sa canyá'y sinun~galing din, na siláng lahát ay
sinun~galing; na sinasabi niláng magnanacaw daw tayong lahát, sa pagca't
ang tátay natin ay "viciosong".
N~guni't sumún~gaw ang isáng úlo sa maliit na hagdáng patun~gó sa
pan~gulong aáray n~g campanario, at ang úlong itó, na cawan~gis n~g cay
Medusa[251], ang siyáng bigláng humárang n~g salitâ sa m~ga lábì n~g
bátà. Yaó'y isáng úlong habâ, payát, na may mahahabang buhóc na maitím;
salamíng azul sa matá ang siyáng cumúcublí n~g pagca bulág ang isáng
matá. Yaón ang sacristán mayor, na talagáng gayón cung pakita, waláng
ín~gay, hindî nagpáparamdam n~g pagdatíng.
Nanglamíg ang magcapatíd.
--¡Minumultahán catá, Basilio, n~g caháti, dáhil sa hindî mo pagtugtóg
n~g maayos!--ang sábi n~g voces na malagunlóng na tíla waláng campanà sa
lalaugan.--At icáw, Crispín, mátira ca rito n~gayóng gabí hanggáng sa
sumipót ang iyóng ninácaw.
Tiningnán ni Crispín ang canyáng capatíd, na parang siyá'y humihin~ging
tangkílic.
--Binigyán na camí n~g capahintulutan ... hiníhintay pô camí n~g nánay
sa á las ocho--ang ibinulóng ni Basiliong tagláy ang boong cakimîan.
--¡Icáw man namán ay hindî macaaalís sa icawalóng oras; hanggáng sa
icasampô!
--N~guni't talastás na pô ninyóng hindî nacapaglálacad pagca á las nueve
na, at maláyò ang báhay.
--At ¿ibig mo yatang macapangyari pa cay sa ákin?--ang itinanóng na
galít n~g táong iyón. At hinawacan si Crispín sa bísig at inacmàang
caladcarín.
--¡Guinoo! ¡may isáng linggó na pô n~gayóng hindî namin nakikita ang
aming iná!--ang ipinakiusap ni Basilio, at tinan~gnán ang canyáng bátang
capatíd na ang anyó'y íbig ipagsanggaláng itó.
Nailayô ang canyáng camáy n~g sacristán mayor sa isáng tampál, at sacâ
kinaladcád si Crisping nagpasimulâ n~g pag-iyác, at nagpatinghigâ,
samantalang sinasabi sa canyáng capatíd:
--¡Huwág mo acóng pabayâan, pápatayin acó nilá!
N~guni't hindî siyá pinansín n~g sacristan, kinaladcád at nawalâ siyá sa
guitnâ n~g cadilimán.
Nátira si Basiliong hindî man lamáng macapagsalitâ. Nárinig niyá, ang
m~ga pagcacáhampáshampás n~g catawán n~g canyáng capatíd sa m~ga baitang
n~g maliit na hagdanan, isáng sigáw, iláng tampál, at unti-unting napáwì
sa kanyáng tain~ga ang gayóng m~ga pagsigáw na nacaháhambal.
Hindî humíhin~ga ang bátà: nacatindíg na nakíkinig, dilát na dilát ang
m~ga matá, at nacasuntóc ang m~ga camáy.
--¿Cailán bagá cayâ acó macapag aaráro n~g isáng búkid?--ang maráhang
ibinúbulong, at dalîdaling nanáog.
Pagdatíng sa coro'y nakiníg n~g maigui: lumálayô n~g boong catulinan ang
voces n~g canyáng capatíd, at ang sigáw na: "¡nánay!", "¡cacâ!" ay
nawaláng lubós pagcasará n~g pintô. Nan~gán~gatal, nagpapawis, sandalî
siyáng tumiguil; kinácagat niyá ang canyáng camao upang lunúrin ang
isáng sigáw na nagtutumácas sa canyáng púsò at pinabayaan niyáng
magpalin~gaplin~gap ang canyáng m~ga matá sa nag-aagaw dilím at liwanag
na simbahan. Doo'y malamlám ang nin~gas n~g ílaw na lan~gís sa
"lámpara"; na sa guitnâ, ang "catafalco"; sará ang lahát n~g m~ga
pintuan, at may m~ga rejas ang m~ga bintánà.
Dî caguinsaguinsa'y nanhíc sa maliit na hagdán, linampasán ang
pan~galawang sáray, na kinalalagyan n~g nagninin~gas na candílà, nanhíc
sa icatlóng sáray. Kinalás ang m~ga lúbid na nacatálî sa m~ga "badajo"
(pamaltóc n~g campánà), at pagcatapós ay mulíng nanáog na namúmutlâ;
n~gúni't cumíkinang ang canyáng m~ga matá'y hindî sa m~ga lúhà.
Samantala'y nagpapasimulâ n~g pagtílà ang ulán at untiunting lumiliwanag
ang lán~git.
Pinagdugtong ni Basilio ang m~ga lubid, itinálì ang isáng dúlo sa isáng
maliit na pinacahalígui n~g "barandilla", at hindî man lámang naalaalang
patayín ang ílaw, umus-ós sa lubid sa guitnâ n~g cadilimán.
Nang macaraan ang iláng minuto, sa isá sa m~ga dáan sa báyan, ay
nacárinig n~g m~ga voces at tumunóg ang dalawáng putóc; n~guni't síno
ma'y waláng natigatig, at mulíng tumahimic na lahát.