TALABABA:

[215] Isáng cruz na catulad n~g guinagamit n~g una sa Bizancio pa

n~gayo'y Constantinopla.

=XIV.=

=ANG ULOL NA SI TASIO Ó ANG FILOSOFO=

Naglálacad sa m~ga lansán~gang waláng tinutun~go't waláng iniisip ang

cacaibáng matandáng lalaki.

Nag-aral siyá n~g una n~g Filosofía, at iníwan niya ang pag-aáral sa

pagsunód sa canyáng ináng matandâ na; at hindî niyá ipinagpatuloy ang

pag-aaral, hindî sa caculan~gan n~g magugugol at hindî rin sa

caculan~gan n~g cáya n~g pag-iísip: tumíguil siyá n~g pag-aáral, dahilán

n~gâ sa pagcá't mayaman ang canyáng iná, at dahilan sa ayon sa sabiha'y

matalas ang canyáng ísip. Natatacot ang mabaít na babaeng maguíng pantás

ang canyáng anác at macalimot sa Dios, cayâ n~ga't siyá'y pinapamilì, sa

siyá'y magpárì ó íwan niyá ang colegio n~g San José. Nang panahón pa

namáng iyó'y siyá'y may naiibigang babae, cayá't pinilì niyá ang íwan

ang colegio at nag-asawa siyá. Hindî lumampás ang isáng taón at siyá'y

nabáo at naulila; guinawâ niyáng aliwan ang m~ga libro upang siyá'y

macaligtás sa calungcutan, sa sabong at sa pagca waláng guinágawâ.

Datapowa't lubháng nawili sa m~ga pag aaral at sa pamimilí n~g m~ga

libro, hanggáng sa mapabayaan niyá ang sariling pamumuhay, cayá't siyá'y

unti-unting naghírap.

Tinatawag siyáng Don Anastasio ó filósofo Tasio n~g m~ga táong may

pinagaralan, at ang m~ga masasamâ ang tûrò, na siyáng lalong marami,

tinatawag siyáng Tasiong ul-ól, dahil sa hindî caraniwang canyáng m~ga

caisipán at cacaibang pakikipagcapowa-táo.

Ayon sa sinabi na namin, ang hapo'y nagbabalang magca unôs;

liniliwanagan ang abó abóng lan~git n~g iláng kidlát; mabigát ang

aláng-álang at totoong maalis-ís ang han~gin.

Wari'y nalimutan na n~g filósofo Tasio ang canyáng kinalúlugdang bun~gô

n~g ulo; n~gayó'y n~gumin~giting pinagmámasdan ang maiitim na

pan~ganurin.

Sa malapít sa simbaha'y nasalubong niyá ang isáng táong naca chaqueta

n~g alpaca at daladala sa camáy ang may mahiguít na isáng arrobang

candílà at isáng bastóng may borlas, bílang saguísag n~g punong may

capangyarihan.

--¿Tila po cayo'y natótowâ?--ang tanóng nitó sa wícang tagalog.

--Siya n~ga pô, guinoong capitan; natótowâ acó sa pagcá't may isá acóng

inaasahan.

--¿Ha? ¿at alin ang inyóng inaasahang iyán?

--¡Ang unós!

--¡Ang unós! ¿Nag-aacálà bâ cayóng maligò?--ang tanóng n~g

gobernadorcillo n~g palibác, na minamasdan ang dukháng pananamít n~g

matandáng lalaki.

--Malígò acó ... ¡hindî masamâ, lalong lalô na pagcâ nacatitisod n~g

isáng dumi!--ang sagôt ni Tasio, na palibác din namán ang anyô n~g

pananalita, bagá man may pagca pagpapawaláng halagá sa canyáng

causap--n~guni't naghíhintay acó n~g lálong magalíng.

--¿At anó pô bâ iyón?

--Iláng m~ga lintíc na pumatáy n~g m~ga táo at sumúnog n~g m~ga báhay.

--¡Hin~gín na ninyóng paminsanan ang gúnaw!

--¡Nararapat tayong lahát, cayó at acóng gunawin! Dalá pô ninyó riyan,

guinoong capitan, ang isáng arrobang candílang gáling sa tindahan n~g

insíc; may mahiguít n~g sampóng taóng aking ipinakikiusap sa bawa't

bágong capitang bumíbili n~g pararrayos[216], at pinagtatawanan acó n~g

lahát; gayón ma'y bumibili n~g m~ga "bomba" at m~ga "cohete", at

nan~gagbabayad n~g m~ga repique n~g m~ga campánà. Hindî lamang itó:

kinábucasan n~g pakikiusap co sa inyó, nagbilin pô cayó sa m~ga

magtutunáw na insíc n~g isáng "esquilang" álay cay Santa Bárbara, gayóng

nasiyasat na n~g carunun~gang mapan~ganib ang tumugtóg n~g m~ga campanà

sa m~ga araw na may unós. At sabihin pô ninyó sa akin, ¿bakit pô bâ n~g

taóng 70 n~g mahulog ang isáng lintíc sa Binyáng, doon pa namán nahúlog

sa campanario at iguinibâ ang relój sacâ isáng altar? ¿Anó ang guinagawâ

n~g esquilita ni Santa Bárbara?

Nang sandalíng iyo'y cumisláp ang isáng kidlát.

--¡Jesús, María y José! ¡Santa Bárbarang mahál!--ang ibinulóng n~g

capitang namutlâ at nagcruz.

Humalakhác si Tasio.

--¡Cayó'y carapatdapat sa pan~galan n~g inyóng pintacasi!--aní Tasio sa

wicang castilà, tinalicdán ang capitan at tumún~go sa simbahan.

Nagtátayo ang m~ga sacristan sa loob n~g simbahan n~g isáng

"túmulo"[217] na nalilibot n~g m~ga malalaking candilang natitiric sa

m~ga candelabrong cáhoy. Ang túmulong yao'y dalawáng mesang malalakíng

pinagpatong at natátacpan n~g damít na maitím, na may m~ga listóng puti;

sa magcabicabila'y may napipintang m~ga bun~gô n~g úlo.

--¿Iyán ba'y patungcól sa m~ga cálolowa ó sa m~ga candilâ?--ang

itinanóng.

At n~g makita niyá ang dalawáng batang lalaking may sampóng taón ang isá

at ang isá'y may malapit sa pitó, lumapit sa caniláng hindî na hinantay

ang sagót n~g m~ga sacristán.

--¿Sasama ba cayó sa akin, m~ga báta?--ang itinanóng sa canilá. May

handâ sa inyó ang inyóng nanay na isáng hapunang marapat sa m~ga cura.

--¡Aayaw po caming paalisin n~g sacristan mayor hanggang hindî

tumutugtog ang icawalóng horas--ang sagót n~g pinacamatandâ.--Hinihintay

co pong másin~gil ang aking "sueldo" upang maibigay co sa aking iná.

--¡Ah! at ¿saán bâ cayó paparoon?

--Sa campanario pô upang dumublás sa m~ga cálolowa.

--¿Pasasacampanario cayó? ¡cung gayó'y cayó'y mag-in~gat! ¡howág cayóng

lalapit sa m~ga campanà hanggáng umúunos!

Umalís sa simbahan, pagcatapos na masundán n~g isáng titíg na may habág

ang dalawáng batang pumapanhic sa m~ga hagdanang patun~go sa coro.

Kinuscós ni Tasio ang m~ga matá, tumin~gín ulî sa lan~git at bumulóng:

--N~gayó'y dáramdamin cong mahulog ang m~ga lintíc.

At nacatun~góng pumaroon sa labás n~g báyang nag-iisip-isip.

Dumáan pô muna cayó!--ang sabi sa canyá sa wicang castílà n~g isáng

matimyás na voces mulâ sa isáng bintanà.

Tumungháy ang filósofo, at canyáng nakita ang isáng lalaking may

tatlompô ó tatlompo't limang taóng sa canyá'y n~gumitî.

--¿Anó pô bâ ang inyóng binabasa riyán?--ang tanóng ni Tasio, na

itinuturò ang isáng librong hawac n~g lalaki.

--Isáng librong pangcasalucuyan: ¡"Las penas que sufren las benditas

ánimas del Purgatorio!"[218]--ang isinagót n~g causap na n~gumin~gitî.

--¡Nacú! ¡nacú! ¡nacú!--ang wicâ n~g matandáng lalaki sa sarisaring

"tono" n~g voces, samantalang pumapasoc sa báhay;--totoong matalas ang

ísip n~g cumathâ niyán.

Pagcapanhíc niyá n~g hagdanan ay tinanggáp siyá n~g boong

pakikipag-ibigan n~g may báhay na lalaki at n~g canyáng asawa. Don

Filipo Lino ang pan~galan n~g lalaki at Doña Teodora Viña namán ang

babae. Si Don Filipo ang siyáng teniente mayor at siyáng púnò n~g isáng

"partidong" halos ay "liberal"[219], sacali't matatawag itó n~g gayón,

at cung sacaling mangyayaring magcaroon n~g m~ga "partido" sa m~ga bayan

n~g Filipinas.

--¿Nakita pô ba ninyó sa libin~gan ang anác n~g nasirang si Don Rafael

na bagong carárating na galing sa Europa?

--Opò, nakita co siyá, n~g siyá'y lumúlunsad sa coche.

--Ang sabihana'y naparoo't upang hanapin ang pinaglibin~gán sa canyáng

amá ... Marahil cakilakilabot ang canyáng pighatî n~g maalaman....

Ikinibít n~g filósofo ang canyáng m~ga balicat[220].

--¿Hindî pô bà dináramdam ninyó ang casaliwâang palad na iyan?--ang

tanóng n~g guinoong babaeng bátà pa.

--Talastás na pô ninyóng acó'y isá sa anim na nakipaglibing sa bangcáy;

acó ang humarap sa Capitan General n~g aking makitang ang lahát dito'y

hindî umíimic sa gayóng calakilakihang capusun~gán, gayóng cailán ma'y

minamagaling co ang paunlacán ang táong mabait cung nabubuhay pa cay sa

cung patáy na.

--¿Cung gayó'y bakit?

--Datapuwa't hindî pô acó sang-ayon sa pagmamanamana n~g caharîan.

Alang-álang sa caunting dugong insíc na bigáy sa akin n~g aking iná,

sumasang-ayon acó n~g cauntî sa caisipan n~g m~ga insíc: pinaúunlacan co

ang amá dahil sa anác, n~guni't hindî ang anác dahil sa amá. Na ang

bawa't isá'y tumanggáp n~g gantíng pálà ó n~g caparusahán dahil sa

canyáng m~ga gawâ; datapuwa't hindî dahil sa m~ga gawà n~g ibá.

--¿Nagpamisa pô bâ cayó n~g patungcol sa inyóng nasírang asawa,

alinsunod sa hatol co sa inyó cahápon?--ang itinanóng n~g babae nagbago

n~g pinasasalitaanan:

--¡Hindî!--ang sagót n~g matandáng lalaking n~gumin~giti.

--¡Sayang!--ang isinagót n~g babaeng tagláy ang túnay na

pagpipighatî;--casabiháng hanggang sa icasampong oras n~g umaga búcas,

ang m~ga calolowa'y malayang naglilibot at naghihintay n~g sa canilá'y

pagbibigáy guinhawa n~g m~ga buháy; na ang isáng misa sa m~ga panahóng

itó'y catimbáng n~g limá ó anim na misa sa m~ga ibáng araw n~g isáng

taón, ayon sa sabi n~g cura, caninang umaga.

--¡Mainam! ¿Sa macatuwíd ay mayroon tayong isáng caaliw-alíw na taning

na dapat nating samantalahin?

--¡N~guni't Doray!--ang isinabad ni Don Filipo;--talastas mo n~g hindî

naniniwálà si Don Anastasio sa Purgatorio.

--¿Na hindî acó naniniwalà sa Purgatorio?--ang itinutol n~g matandáng

lalaking tumitindig na sa canyáng upuan.--¡Diyata't pati n~g "historia"

n~g Purgatorio'y aking nalalaman!

--¡Ang historia n~g Purgatorio!--ang sinabing puspós n~g pagtatacá n~g

mag-asawa. ¡Tingnán n~gâ natin! ¡Saysayin ninyó sa amin ang historiang

iyán!

--¿Hindî palá ninyó nalalaman ay bakit cayo'y nan~gagpapadalá roon n~g

m~ga misa at inyóng sinasabi ang m~ga pagcacahirap doon? ¡Magaling!

yamang nagpapasimulâ na n~g pag-ulán at tíla mandín tátagal,

magcacapanahón tayo upang howag tayong mayamót--ang isinagót ni Tasio,

at saca nag-isíp-ísip.

Itiniclóp ni Don Filipo ang librong canyáng tan~gan, at umupô sa canyáng

tabi si Doray, na náhahandang huwag maniwálà sa lahát n~g sasabihin ni

Tasio. Nagpasimulâ itó sa paraang sumusunod:

--Malaon pang totoo bago manaog ang ating Pan~ginoong Jesucristo'y may

Purgatorio na, at ito'y na sa calaguitnaan n~g lúpà, ayon cay párì

Astete, ó sa malapit sa Cluny, ayon sa monjang sinasabi ni párì Girard,

datapuwa't hindî ang may cahulugan dito'y ang kinalalagyan. Magaling,

¿sinosino ang m~ga nasásanag sa apoy na iyóng nag-aalab mulâ n~g

lalan~gín ang sanglibutan? Pinapagtitibay ang caunaunahang pagcacatatág

n~g Purgatorio n~g Filisofía Cristiana na nagsasabing walâ raw

guinágawang bagong anó man ang Dios mulâ n~g magpahin~galáy siyá.

--Mangyayaring nagcaroong "in potentia"[221]; datapuwa't hindî "in

actu"[222], ang itinutol n~g teniente mayor.

--¡Magalíng na magalíng! Gayón ma'y sasagutin co cayóng may iláng

nacakilala n~g Purgatorio na talagang mayroon na "inactu", ang isá sa

canilá'y si Zarathustra ò Zoroastro[223], na siyang sumulat n~g isáng

bahagui n~g "Avestra"[224] at nagtatag n~g isáng religióng sa m~ga

tan~ging bagay nacacahawig n~g atin at alinsunod sa m~ga pantas, si

Zarathustra'y sumilang na nauna cay Jesucristo n~g walóng daang taón ang

cauntian. Ang cauntian ang wícà co, sa pagca't pagcatapos na masiyasat

ni Platón[225], Xanto de Lidia Plinio[226], Hermipos at Eudoxio,[227]

inaacalà niláng nauna si Zarathustra cay Jesucristo n~g dalawang libo at

limáng daan taón. Sa papaano mang bagay, ang catotohana'y sinasabi na ni

Zarathustra ang isáng bagay na nawawan~gis sa Purgatoria, at naghahatol

siyá n~g m~ga paraan upang macaligtás doon. Matútubos n~g m~ga buháy ang

m~ga calolowang namatáy sa casalanan, sa pagsasalitâ n~g m~ga nasasaysay

sa "Avestra" at gumawâ n~g m~ga cagalin~gan; datapuwa't kinacailan~gang

ang mananalan~gin ay isáng camág-ánac n~g nasírà hanggang sa icaapat na

salin. Ang panahóng táning sa bágay na itó'y sa taón taón, tumátagal n~g

limáng áraw. Nang malaon, n~g tumibay na sa bayan ang gayóng

pananampalataya, napagwárì n~g m~ga sacerdote sa religióng iyóng

malakíng dî anó lamang ang pakikinaban~gin sa gayóng pananampalataya,

caya't kinalacal nilá yaóng m~ga "bilangguang n~gitn~git n~g dilím na

pinaghaharìan n~g m~ga pagn~gan~galit sa nagawang casalanan", ayon sa

sabi ni Zarathustra. Ipinaalam n~gâ niláng sa halagáng isáng "derem",

salapíng bahagyâ na ang halagá'y nababawas sa calolowa ang isáng táong

pagcacasakit n~g dî cawásà; n~guni't sa pagca't ayon sa religiong iyó'y

may m~ga casalanang pinarurusahan n~g tatlóng daan hanggáng isáng libong

taón, gaya n~g pagsisinun~galíng, n~g pangdaráyà, at n~g hindî pagganáp

sa naipan~gacò, at ibá pa, ang nangyari'y tumátanggap ang m~ga balawîs

na sacerdote n~g maraming millong "derems." Dito'y mapag-wawari na ninyó

ang caunting bagay na nawawan~gis sa Purgatorio natin, bagá man

mapagtatantò na ninyóng ang pinagcacaibha'y ang m~ga religión.

Isáng kidlát na may casunód agád agád na isáng maugong na culóg ang

siyáng nagpatindig cay Doray na nagsalitáng nagcucruz:

--¡Jesús, Maria y José! Maiwan co muna cayó; magsusunog acó n~g

benditang palaspás at n~g m~ga "candilang perdón".

Nagpasimulâ n~g pag-uláng tila ibinubuhos. Nagpatúloy n~g pananalitâ ang

filósofo Tasio, samantalang sinusundan niyá n~g tin~gín ang paglayô n~g

may asawang babáeng bátà pa.

--N~gayóng walâ na siyá'y lalong mapag-uusapan na natin n~g boong

caliwanagan ang dahil n~g áting salitaan. Cahi't may cauntíng

pagcamapamahîin si Doray, siyá'y magalíng na católica, at hindî co íbig

na pumacnít sa púsò n~g pananampalataya: naíiba ang isáng

pananampalatayang dalísay at wagás sa halíng na pananampalataya, túlad

sa pagcacaiba n~g nín~gas at n~g úsoc, wán~gis sa caibhán n~g música sa

isáng gusót na cain~gayan: hindî napagkikilala ang ganitong pagcacaiba

n~g m~ga halíng, na túlad sa m~ga bin~gí. Masasabi náting sa ganáng átin

ay magalíng, santo at na sa catuwiran ang pagcacahácà n~g Purgatorio;

nananatili ang pagmamahalan n~g m~ga patáy at n~g m~ga buháy at siyáng

nacapipilit sa lálong calinisan n~g pamumuhay. Ang casam-a'y na sa

tacsil na paggamit n~g Purgatoriong iyán.

N~guni't tingnán natin n~gayón cung bakit pumasoc sa catolicismo ang

adhicáng itóng walâ sa Biblia at walâ rin sa m~ga Santong Evangelio.

Hindî binábangguit ni Moisés at ni Jesucristo caunti man lamang ang

Purgatorio, at hindî n~ga casucatán ang tan~ging saysay na canilang

sabing na sa m~ga Macabeo, sa pagca't bucód sa ipinasiyá sa Concilio n~g

Laodicea, na hindî catotohanan ang librong ito, ay nitó na lamang huling

panahón tinanggap n~g Santa Iglesia Católica. Walâ ring nacacatulad n~g

Purgatorio sa religión pagana. Hindî mangyayaring panggalin~gan n~g

pananampalatayang itó ang casaysayang "Aliæ panduntor inanies" na

totoong madalás bangguitín ni Virgilio[228] na siyáng nagbigáy dahil sa

dakilang si San Gregorio[229] na magsalitâ n~g tungcól sa m~ga

cálolowang nalunod, at idagdág ni Dante[230] ang bagay na itó sa canyáng

"Divina Comedia".

Walâ rin namáng nacacawan~gis n~g ganitóng caisipán sa m~ga

"brahman"[231], sa m~ga "budhista"[232] at sa m~ga egipcio mang nagbigáy

sa Roma n~g caniláng "Caronte"[233] at n~g caniláng "Averno"[234]. Hindî

co sinasaysay ang m~ga, religión n~g m~ga bayan n~g Ibabâ n~g Europa:

ang m~ga religióng itó, palibhasa'y religión n~g m~ga "guerrero"[235],

n~g m~ga "bardo"[236] at n~g m~ga mán~gan~gaso[237], datapuwa't hindî

religión n~g m~ga filósofo, bagá man nananatili pa ang caniláng m~ga

pananampalataya at patí n~g caniláng m~ga "rito"[238] na pawang

nangálangcap na sa religión cristiana; gayón ma'y hindî nangyaring

sumama silá sa hucbó n~g m~ga tampalasang nangloob sa Roma, at hindî rin

silá nangyaring lumuclóc sa Capitolio[239]: palibhasa'y m~ga religión

n~g m~ga úlap, pawang nan~gapápawì sa catanghaliang sícat n~g

araw.--Hindî n~gâ sumasampalataya sa Purgatorio ang m~ga cristiano n~g

m~ga unang siglo: nan~gamámatay siláng tagláy iyáng masayáng pag-asang

hindî na malalao't silá'y háharap sa Dios at makikita nilá ang mukhâ

nitó. Si San Clemente na taga Alejandría[240], si Orígenes[241] at si

San Irineo[242] ang siyáng m~ga unang m~ga párì n~g Iglesiang tila

bumábangguít n~g Purgatorio, marahil sa pagcadalá sa canilá n~g akit n~g

religión ni Zarathustra, na namumulaclac at totoong lumalaganap pa n~g

panahóng iyón sa boong Casilan~ganan, sa pagca't malimit nating nababasa

ang m~ga pagsisi cay Orígenes, dahil sa canyáng malabis na paghílig sa

m~ga bagay sa Casilan~ganan. Guinagamit ni San Irineong pangpatibay sa

pananampalataya sa Purgatorio, ang "pagcátira ni Jesucristong tatlóng

araw sa cailaliman n~g lúpà," tatlóng araw na pagcapasa Purgatorio, at

canyáng inaacála, dahil dito, na bawa't cálolowa'y dapat manatili sa

Purgatorio hanggáng sa mabuhay na mag-ulî ang catawán, bagá man tila

laban mandin sa bagay na itó ang "Hodie mecum eris in Paradiso[243]."

Nagsasaysay rin namán si San Agustín, tungcól sa Purgatorio; datapowa't

sacali't hindî niyá pinagtibay na tunay na mayroon n~gâ, gayón ma'y

ipinalálagay niyang mangyayari n~gang magcaróon, sa pag-aacálà niyáng

maipagpapatuloy hanggáng sa cabilang búhay ang tinátanggap nating m~ga

caparusahan sa búhay na itó, dahil sa ating m~ga casalanan.

--¡Nacú namán si San Agustin!--ang sinabi ni Don Filipo;--¡hindî pa siyá

magcacásiya sa tinitiis nating m~ga hirap sa búhay na itó't ibig pa niyá

ang magpatuloy hanggáng sa cabiláng-búhay!

--Ganyán n~ga ang calagayan n~g bagay na ito: sumasampalataya ang ibá at

ang ibá'y hindî. Bagá ma't sumáng-áyon na si San Gregorio, alinsunod sa

canyáng "de quibusdam levibus culpis esse ante judicium purgatorius

ignis credendus est," hindî rin nagcaroon n~g patuluyang catibayan ang

Purgatorio, hanggang sa n~g ipasiyá n~g Concilio sa Florencia n~g taóng

1439, sa macatuwíd ay n~g macaraan na ang walóng daang taón, na dápat

magcaroon n~g isáng apóy na pangdalísay ó panglínis sa m~ga cálolowang

bagá ma't namatáy na sumísinta sa Dios, n~guni't hindî pa lubós

napagbabayaran ang Justicia n~g May Capal. Sa cawacasa'y ang Concilio

Tridentino[244], sa ilalim n~g pan~gun~gulo ni Pio IV n~g taóng 1563, sa

icalabinglimáng púlong ay ilinagdâ ang cautusán tungcól sa Purgatorio,

na ang pasimula'y: "Cum catholica ecclesia Spiritu Sancto edocta etc.,"

na doo'y sinasabing ang m~ga patungcól n~g m~ga buháy, ang m~ga

panalan~gin, ang m~ga paglilimós at iba pang m~ga gawáng cabanalan ay

siyáng mabibísang paraan upang mailigtás sa Purgatorio ang m~ga

cálolowa, bagá man sinasabing ang paghahayin n~g misa'y siyang lalong

cagalinggalin~gan sa lahat. Gayón ma'y hindî sumasampalataya ang m~ga

protestante[245] sa Purgatorio, at gayon dín ang m~ga páring

griego[246], sa pagca't walâ siláng nakikitang pagbibigay catotohanan

n~g Biblia[247], at sinasabi niláng binibigyáng wacás n~g camatayan ang

taning upang macagawâ n~g m~ga carapatán ó n~g m~ga laban sa m~ga

carapatán, at ang "Quodcumque ligaberis in terra" hindî ang cahulugá'y

"usque ad purgatorium" etc.; n~guni't dito'y maisásagot na sa pagcá't na

sa calaguitnàan n~g lúpa ang Purgatorio, talagáng dapat mapasailalim n~g

capangyarihan ni San Pedro. Datapuwa't hindî acó matatapos n~g

pagsasaysay, cung sasalitain co ang lahát n~g m~ga sabi tungcol sa bagay

ni ìtó. Isáng araw na ibiguin pô ninyóng pagmatuwiranan natin ang bagay

sa Purgatorio, magsadyâ, cayó sa aking báhay at doo'y babasahin natin

ang m~ga libro at tayo'y maláyà at payapang macapagpapalagayan n~g

canícanyang catuwiran. N~gayó'y yayao na acó: hindî co mapaghúlò cung

bakit itinutulot n~g cabanalan n~g m~ga crístiano ang pagnanacaw sa

gabíng itó.--Cayóng m~ga punong báyan ay nan~gagpapabayà sa ganitóng

gawâ, at aking ipinan~gan~ganib ang aking m~ga libro. Cung sana'y

nanacawin nilá sa akin upang caniláng basahin ay aking ipauubayà,

datapuwa't marami ang nan~gag-iibig na tupukin ang aking m~ga libro, sa

han~gád na gumanáp sa akin n~g isáng pagcacaawang gawâ, at dapat n~gang

catacutan ang ganitóng pagcacaawang gawang carapatdapat sa califa[248]

Omar[249]. Dahil sa m~ga librong itó'y ipinalálagay n~g ibáng linagdaan

na aco n~g parusa n~g Dios....

--¿N~guni't inaacalà cong cayó po'y sumasampalataya sa parusa n~g

Dios?--ang tanóng ni Doray na n~gumín~gitî at lumálabas na may dalang

lalagyán n~g m~ga bágang pinagsusunugan n~g m~ga tuyóng dahón n~g

palaspás, na pinagbubuhatan n~g nacayáyamot n~guni't masaráp na amóy na

úsoc.

--¡Hindî co po alám, guinoong babae, cung anó ang gágawin sa akin n~g

Dios!--ang isinagót ni matandáng Tasio na nag-iísip-ísip. Pagcâ acó'y

naghihin~galô na, iháhandog co sa canyá ang aking cataohang waláng

camuntî mang tacot; gawín sa akin ang bawa't ibiguin. N~guni't ma'y

naiisip aco ...

--At ¿anó po ang naíisip ninyóng iyán?

--Cung ang m~ga católico lamang ang tan~ging mapapacagaling, at limá

lamang sa bawa't isáng daang católico ang siyáng mápapacagaling, at sa

pagca't ang dami n~g m~ga católico'y icalabingdalawang bahagui n~g m~ga

nabubuhay na táo sa lúpà, sacali't paniniwalaan natin ang sinasabi sa

m~ga estadística[250], ¿ang mangyayari'y pagcatapos na mapacasamâ ang

yuta-yutang m~ga táong nabuhay sa daigdig sa boong dî mabilang na m~ga

siglong nagdaan, bago nanaog sa lúpà ang Mananacop, at pagcatapos na

mamatay dahil sa atin ang Anác n~g isáng Dios, n~gayó'y lílima lamang

ang mapapacagaling sa bawa't isáng libo't dalawáng daang táo? ¡Oh, tunay

na tunay na hindî! ¡Minámagaling co pa ang magsaysay at sumampalatayang

gaya ni Job: "¿Diyata't magpapacabagsíc icáw sa isáng inilílipad na

dahon at pag-uusiguin mo ang isáng tuyóng layác?" ¡Hindî, hindî

mangyayari ang gayóng casaliwaang pálad na calakilakihan! ¡Cung

sampalatayanan ito'y isáng capusun~gán; hindî, hindî!

--¿Anóng inyóng gágawin? Ang Justicia, ang cadalisayan n~g Dios ...

--¡Oh, datapuwa't nakikita n~g Justicia at n~g Cadalisayan n~g Dios ang

darating bago guinawâ ang paglikhâ sa Sangsinucob!--ang isinagót n~g

lalaking matandang nan~gin~gilabot na tumindíg.--Ang boong kinapal, ang

táo ay isáng linaláng sa isáng nais lamang n~g calooban; n~guni't hindî

niyá kinacailan~gan, cayá't hindî n~gâ marapat na likhaín niyá, hindî,

cung cacailan~ganing mapacasamâ sa waláng hanggáng casaliwaang palad ang

daándaáng táo upang mapaligaya ang isá lamang, at ang lahát n~g itó'y

dahil sa m~ga minanang casalanan ó sa sandalíng pagcacasala, ¡Hindî!

Cung iyá'y maguiguing catotohanan, sacalín na ninyo't patayin iyáng

inyóng anác na lalaking diya'y tumutulog; cung ang ganyáng

pananampalataya'y hindî isáng malaking capusun~gáng lában sa Dios na

iyáng dapat na maguíng siyáng Dakilang Cagalin~gan; pagcacágayó'y ang

Molok fenicio na ang kinacai'y ang inihahayin sa canyáng m~ga pinápatay

na táo at ang dugóng waláng-malay-sála, at sinususunog sa canyáng tiyán

ang m~ga sanggól na inagaw sa dibdib n~g caniláng m~ga iná, ang

mamamatay-táong dios na iyán, ang dios na iyáng calaguimlaguím, cung

isusumag sa Canyá'y masasabing isáng dalagang mahinà ang loob, isáng

caibigang babae, ang iná n~g Sangcataohan!

At puspós n~g panghihilacbót, umalís sa báhay na iyón ang ul-ól ó ang

filósofo, at tumacbó sa lansan~gan, bagá man umuulan at madilím.

Isáng nacasisilaw na kidlát na caacbáy n~g isáng cagutlaguitlang culóg

na nagsabog sa impapawid n~g pangpatáy na m~ga lintic ang siyáng

tumangláw sa matandáang lalaking nacataás ang m~ga camáy sa lan~git, at

sumísigaw:

--¡Tumututol icaw! ¡Talastas co nang hindî ca maban~gís; talastas co

nang ang dapat co lamang itawag sa iyo'y SI MABAIT!

Nag-iibayo ang m~ga kidlát, lalong lumálacas ang unós....

Noli Me Tangere · 第 29 / 51 题