[178] Wala caming nasumpong na alin mang bayang ganito ang pan~galan,
n~guni't marami ang nacacatulad n~g calagayan n~g bayang ito.--J. R.
[179] Pan~galan ni Venus; sa Siria; ni Céres, sa Fenicia, at ni Juno sa
Cartago.
[180] Anác na babae ni Júpiter at ni Latona, capatíd na babae ni Apolo
at diosa sa pan~gan~gaso.
[181] Caunaunahang ciudad n~g Tonia, sa Asia Menor, balità dahil sa
carikitdikitang templo ni Diana, na sinunog ni Eróstrato. Ipinalagay ang
templong iyo'y isá sa pitóng m~ga caguilaguilalás na edificiong itinayo
sa daigdig.
[182] Malalaking ibong totoong mahábà ang m~ga paa.
[183] Flora.
=XI.=
=ANG MAN~GA MACAPANGYARIHAN=
_Man~gaghati-hati cayó at cayó'y man~gaghari.--(Bagong Machiavelo)_[184]
¿Sinosino bagá ang m~ga nacapangyayari sa bayan?
Cailán ma'y hindî nacapangyari si Don Rafael n~g nabubuhay pa siyá, bagá
man siyá ang lalong mayaman doon, malakí ang lúpá at hálos may útang na
loob sa canyá ang lahát. Palibhasa'y mahinhíng loob at pinagsisicapang
huwág bigyáng cabuluhán ang lahát n~g canyáng m~ga guinágawà, hindî
nagtatag sa báyan n~g canyáng partido [185], at nakita na natin cung
paano ang m~ga paglaban sa canyá n~g makita nilang masamâ ang canyáng
calagayan.--¿Si Capitang Tiago caya?--Totoo't cung siyá'y dumárating ay
sinasalubong siyá n~g orquesta n~g m~ga nagcacautang sa canyá,
hináhandugan siyá n~g piguíng at binúbusog siyá sa m~ga álay. Inilalatag
sa canyáng mesa ang lalong magagalíng na bún~gang cáhoy; cung
nan~gacacahuli sa pan~gán~gaso n~g isáng usá ó baboy-ramó'y sa canyá ang
icapat na bahagui; cung nababatì niyá ang cainaman n~g cabayo n~g isáng
sa canyá'y may utang, pagdatíng n~g calahating horas ay sumásacanyang
cuadra[186] na: ang lahát n~g itó'y catotohanan; n~guni't siyá'y
pinagtátawanan at tinatawag siyá sa lihim na Sacristan Tiago.
¿Ang gobernadorcillo bagá cayâ?
Itó'y isáng cúlang palad na hindî nag-uutos, siyá ang sumúsunod; hindî
nacapagmúmura canino man, siyá ang minumura; hindî nagágawa niyá ang
maibigan, guinágawâ sa canyá ang calooban n~g ibá; ang capalít nitó'y
nanánagot siyá sa Alcalde mayor n~g lahát n~g sa canyá'y ipinag-utos,
ipinagawâ at ipinatatag sa canyá n~g m~ga ibá, na para manding
nanggaling sa bun~gô n~g canyáng úlo ang lahát n~g iyon; n~guni't dápat
sabihin, sa icapupuri niyá, na ang catungculang canyáng háwac ay hindî
niyá ninacaw ó kinamcám: upang tamuhi'y nagcagugol siyá n~g limáng
libong piso, at maraming cadustâan, n~guni't sa napapakinabang niyá'y
canyáng inaacalang murangmura ang m~ga gugol na iyón.
¿Cung gayo'y bacâ cayâ ang Dios?
¡Ah! hindî nacatitigatig ang mabait na Dios n~g m~ga conciencia at n~g
pagcacatulog n~g m~ga mámamayan doon: hindî nacapan~gin~gilabot man
lamang sa canila; at sacali't másalitâ sa canilá ang Dios sa alin mang
sermón, waláng sálang naiisip niláng casabáy ang pagbubuntóng hinin~gá:
¡Cung íisa sana ang Dios!... Bahagyâ na nilá nagugunitâ ang Dios: lalong
malakí pa n~ga ang capagurang sa canila'y ibiníbigay n~g m~ga santo at
m~ga santa. Nápapalagay ang Dios sa m~ga táong iyóng tulad diyán sa m~ga
haring naglálagay sa canyáng paliguid n~g m~ga tinatan~gi sa pagmamahal
na m~ga lalaki't babae: ang sinusuyò lamang n~g baya'y itóng canilang
m~ga tinatan~gì.
May pagcawan~gis ang San Diego sa Roma; n~guni't hindî sa Roma n~g
panahóng guinuguhitan n~g araro n~g cuhilang si Rómulo[187] ang canyáng
m~ga cútà; hindî rin sa Romang nacapaglalagdâ n~g m~ga cautusan sa
sandaigdíg sa palilígò sa sarili't sa m~ga ibáng dugô, hindî: wan~gis
ang San Diego sa casalucuyang Roma, at ang bilang caibhán lamang ay
hindî m~ga monumentong mármol at m~ga coliseo ang naroon, cung dî
sawaling monumento at sabun~gáng pawid. Ang pinaca-papa sa
Vaticano'y[188] ang cura; ang pinaca hárì sa Italiang na sa
Quirinal[189] ay ang alférez n~g Guardia Civil; datapowa't dapat
unawâing ibabagay na lahát sa sawálì at sa sabun~gáng pawid. At dito'y
gaya rin doong palibhasa'y ibig macapangyari ang isá't isá,
nan~gagpapalagayang ang isá sa canila'y labis (sa macatuwid ay dapat
mawalâ ang isá sa canila), at dito nanggagaling ang wálang licát na
samaan n~g loob. Ipaliliwanag namin ang aming sabi, at sásaysayín namin
ang caugalìa't budhî n~g cura at n~g alférez.
Si Fr. Bernardo Salví ay yaong batà at hindî makibuing franciscanong
sinaysay na namin sa unahán nitó. Natatan~gì siya, dahil sa canyáng m~ga
ásal at kílos sa canyáng m~ga capowâ fraile, at lálonglálò na sa
napacabalasic na si párí Dámasong canyáng hinalinhán. Siyá'y payát,
masasactín, halos laguì na lamang nag-íisip, mahigpít sa pagtupád n~g
canyáng m~ga catungculan sa religión, at mapag-in~gat sa carilagán n~g
canyáng pan~galan. May isáng buwan lamang na nacararating siyá roón,
halos ang lahát ay nakicapatid na sa V.O.T.[190], bagày na totoong
ipinamamangláw n~g canyáng capan~gagáw na cofradía n~g Santísimo
Rosario. Lumúlucso ang cálolowa sa catuwâan pagcakita n~g nacasabit sa
bawa't liig na apat ó limáng m~ga escapulario, at sa bawa't bayawáng ay
isáng cordóng may m~ga buhól, at niyóng m~ga procesión n~g m~ga bangcáy
ó m~ga fantasma[191] na may m~ga hábitong guinggón. Nacatipon ang
sacristán mayor n~g isáng mabutíbutí n~g puhunan, sa pagbibilí ó sa
pagpapalimós, sa pagca't ganitó ang marapat na pagsasalitâ, n~g m~ga
casangcapang kinakailan~gan upáng mailigtás ang cálolowa at mabáca ang
diablo: talastás n~g ang espíritung itó, na n~g una'y nan~gán~gahas na
sumalansáng n~g pamukhâan sa Dios, at nag-aalinlan~gan sa
pananampalataya sa m~ga wicà nitó, ayon sa sabi sa librong santo ni Job,
na nagpailangláng sa aláng-álang sa ating Pan~ginoong Jesucristo, na
gaya n~g guinawâ namán n~g Edad Media[192] sa m~ga bruja[193], at
nananatili, ang sabihan, hanggá n~gayón sa paggawa n~g gayón din sa m~ga
asuang[194] sa Filipinas; datapowa't tila mandín n~gayón ay naguíng
mahihiyâing totoo na, hanggáng sa hindî macatagál sa pagtin~gín sa
capirasong damít na kinalalarawanan n~g dalawáng brazo, at natatacot sa
m~ga buhól n~g isáng cordón: n~guni't dito'y waláng napagkikilala cung
dî sumusulong namán ang dunong sa panig na itó, at ang diablo'y aayaw sa
pagsúlong, ó cung dilî caya'y hindî malulugdín sa pagbabagong asal,
tulad sa lahát n~g namamahay sa m~ga cadiliman, sacasacali't hindî ibig
na sapantahain nating tagláy niyá ang m~ga cahinàan n~g loob n~g isáng
dalagang lálabing-limáng taón lamang.
Alinsunod sa aming sinabi, si párì Salví'y totoong masigasig gumanap n~g
canyáng m~ga catungculan; napacasigasig namán, ang sabi n~g
alfèrez,--Samantalang nagsesermon--totoong siya'y maibiguíng
magsermon--pinasasarhan niyá, ang m~ga pintuan n~g simbahan. Sa ganitóng
gawá'y natutulad siyá cay Nerón[195] na ayaw magpaalis canino man,
samantalang cumacanta sa teatro: n~guni't guinagawa iyón ni Nerón sa
icágagaling, datapuwa't guinágawà ang m~ga bagay na iyón n~g cura sa
icasasamâ n~g m~ga calolowa. Ang lahát n~g caculan~gán n~g canyáng m~ga
nasásacop, ang cadalasa'y pinarurusahan n~g m~ga "multa"; sa pagcá't
bihírang bihirang namamalò siyá,; sa bagay na ito'y náiiba siyáng lubhâ
cay pári Dámaso, na pinaghuhusay ang lahát sa pamamag-itan n~g m~ga
panununtóc at panghahampás n~g bastong nagtátawa pa at taglay ang
magandáng han~gád. Sa bagay na itó'y hindî siya mapaghihinanactán: lubós
ang canyáng paniniwalang sa pamamálò lamang pinakikipanayaman ang
"indio"; ganitó ang salitâ n~g isáng fraileng marunong sumulat n~g m~ga
libro, at canyáng sinasampalatayanan, sa pagcá't hindî niyá, tinututulan
ang anó mang nálilimbag: sa hindî pagcámasuwayíng ito'y macaráraing ang
maraming tao.
Bihírang bihírang namamalo si Fr. Salví, n~guni't gaya na n~ga n~g sabi
n~g isáng sa baya'y matandáng filosofo[196], na ang naguiguing
caculan~gán sa bílang ay pinasasaganà namán sa tindí; datapuwa't hindî
rín namán siyá mapaghihinanactan tungcól sa ganitóng gawâ.
Nacapan~gín~gilis n~g canyáng m~ga ugát ang canyáng m~ga pag-aayuno[197]
at pan~gin~gilin n~g pagcain n~g m~ga lamáng-cáti na siyáng
ikinapaguíguing dukhâ n~g canyáng dugô, at, ayon sa sabihan n~g táo,
pumápanhic daw ang han~gín sa canyáng úlo.
Ang alférez, na gaya na n~ga n~g sinabi namin, ang tan~ging caaway n~g
capangyarihang ito sa cálolowa, na may pacay na macapangyari namán sa
catawán. Siyá lamang ang tan~gì, sa pagca't sinasabi n~g m~ga babae na
tumatacas daw sa cura ang diablo, dahiláng sa n~g minsang nan~gahás ang
diablo na tucsuhín ang cura, siyá'y hinuli nitó, iguinapos sa paa n~g
catre at sacá pinálò n~g cordón, at cayâ lamang siyá inalpasán ay n~g
macaraan na ang siyám na araw.
Yaya mang gayó'y ang táong pagcatapos n~g ganitóng nangyari,
makipagcagalít pa sa cay párì Salvî ay maipapalagay na masamâ pa sa m~ga
abáng diablong hindî marunong mag-in~gat, cayâ n~ga't marapat na
magcaroon n~g gayóng capalaran ang alférez. Doña Consolación cung
tawaguin ang canyáng guinoong asawa, na isáng matandáng filipina, na
nagpapahid n~g maraming m~ga "colorete"[198] at m~ga pintura; ibá ang
ipinan~gan~galan sa canyá n~g canyáng esposo at n~g ibá pang m~ga táo.
Nanghihigantí sa sariling catawán ang alférez, sa canyáng pagcawaláng
palad sa matrimonio, na nagpapacalasíng hanggang sa dî macamalay-táo;
pinag-"eejercicio"[199] ang canyáng m~ga sundalo sa arawan at siyá'y
sumisilong sa lílim, ó cung dilî cayâ, at itó'y siyáng lalong madalás,
pinapagpag niyá n~g pálò ang licód n~g canyáng asawa, na cung dî man
isáng "cordero" (tupa) n~g Dios na umáalis n~g casalanan nino man,
datapuwa't nagagamit namán sa pagbabawas sa canyá n~g maraming m~ga
cahirapan sa Purgatorio, sacali't siyá'y máparoon, bagay na
pinag-aalinlan~ganan n~g mapamintacasing m~ga babae. Nan~gaghahampasang
magalíng ang alférez at si Doña Consolacióng parang nan~gagbíbiruan
lamang, at nag-aalay siláng waláng bayad sa m~ga capit-bahay n~g m~ga
pánoorin: "concierto vocal" at "instrumental"[200] n~g apat na camáy,
mahinà, malacás, na may "pedal"[201] at lahát.
Cailán mang dumárating sa tain~ga ni párì Salví ang m~ga
escándalong[202] itó, siyá'y n~gumín~gitî at nagcucruz at nagdárasal
pagcatapos n~g isáng Amá namin; cung tinatawag siyáng "carca"[203],
mapagbanalbanalan, "carlistón"[204], masakím, n~gumín~gitî rin si párì
Salvì at lalong nagdárasal. Cailán ma'y ipinagbibigay alám n~g alférez
sa íilang castilang sa canyá'y dumadalaw ang sumusunod na casabihán:
--¿Paparoon bâ cayó sa convento upang dalawin ang "curita"[205] "Mosca,
muerta[206]? ¡Mag-in~gat cayó! Sacali't anyayahan cayóng uminóm n~g
chocolate, ¡bagay na aking pinag-aalinlan~ganan!.. n~guni't gayón man,
cung cayó'y aanyayahan, cayó'y magmasíd. ¿Tinawag ang alila't sinabing:
"Fulanito, gumawâ ca n~g isáng "jícarang"[207] chocolate; ¿eh?"--Cung
gayó'y mátira cayóng waláng anó mang agam-agam; n~guni't cung sabihing:
"gumawâ ca n~g isáng "jícarang" chocolate, ¿"ah"?"--Pagcâ gayó'y
damputin ninyó ang inyóng sombrero at yumao cayóng patacbó.
--¿Bakit?--ang tanóng n~g causap na nagugulat--¿nanglalason pô bâ sa
pamamag-itan n~g chocolate? ¡Carambas[208]!
--¡Abá, hindî namán nápacagayón!
--¡At paano, cung gayón?
--Pagca chocolate ¿eh? ang cahuluga'y malapot, at malabnáw pagca
chocolate ¿ah?[209]
N~guni't inaacalà naming ito'y bintáng lamang n~g alferez; sapagcá't ang
casabiháng ito'y cabalitàang guinagawà rin daw n~g maraming m~ga cura.
Ayawán lamang cung ito'y talagáng ugalì na n~g boong capisanan n~g m~ga
fraile ...
Upang pahirapan ang cura, ipinagbabawal n~g militar, sa udyóc n~g
canyáng asawa, na sino ma'y huwag macagalà pagcatugtóg n~g icasiyam na
horas n~g gabi. Sinasabi ni Doña Consolacióng dî umano'y canyang nakita
ang cura, na nacabarong pinya at nacasalacót n~g nítò't n~g huwag siyang
makilala, na naglíbot na malalim na ang gabí. Nanghíhiganti naman n~g
boong cabanalan si Fr. Salví: pagcakita niyang pumapasoc sa simbahan ang
alférez, lihim na nag-uutos sa sacristang isará ang lahát n~g m~ga
pintò, at nagpapasimulâ n~g pagsesermón hanggáng sa mápikit ang m~ga
matá n~g m~ga santo at ibulóng sa canyá n~g calapating cahoy na na sa
tapát n~g canyáng úlo, ang larawán bagá n~g Espíritung Dios, na ¡siyá
na, alang-alang! Hindî dahil dito'y nagbabagong ugáli ang alférez, na
gaya rin n~g lahát n~g hindî marurunong magbalíc-lóob: lumálabas sa
simbahang nagtútun~gayáw, at pagcásumpong sa isáng sacristan ó alilà n~g
cura'y pinipiit, binúbugbog at pinapagpupunas n~g sahíg n~g cuartel at
n~g bahay niyáng sarili, na pagcâ nagcacagayo'y lumilinis. Pagbabayad
n~g sacristan n~g multang ipinarurusa n~g cura, dahil sa hindî niyá
pagsipót, canyáng ipinauunáwâ, ang cadahilanan. Dinírin~gig siyáng
waláng kibô ni Fr. Salví, iliníligpit ang salapî, at ang únang
guinágawa'y pinawáwal-an ang canyáng m~ga cambíng at m~ga túpa at n~g
doon silá man~ginain sa halamanan n~g alférez, samantalang humahanap
siyá n~g isáng bagong palatuntunan sa isáng sermóng lalong mahabâ at
nacapagpapabanal. Datapuwa't hindî naguiguing hadláng ang lahát n~g itó,
upang pagcatapos ay man~gagcamá'y at magsalitaan n~g boong cahinusayan,
cung silá'y magkita.
Pagcâ, itinutulog n~g canyang asawa ang calasin~gán ó humíhilic cung
tanghalì, hindî maaway ni Doña Consolación ang alférez, pagcacágayo'y
lumálagay sa bintanà't humíhitit n~g tabaco at nacabarong franelang
azul. Palibhasa'y kinasúsusutan niyá ang cabataan, mulâ sa canyáng
kinálalagya'y namamanà, siyá n~g canyáng m~ga matá, sa m~ga dalaga, at
silá'y canyáng pinípintasan. Ang m~ga dalagang itóng sa canyá'y
nan~gatatacot, dumaraang kimingkimî, na dî man lamang maitungháy ang
m~ga matá, nan~gagdudumalî n~g paglacad at pinipiguil ang paghin~gá. May
isáng cabanalan si Doña Consolación: tila mandin hindî siyá nananalamin
cailán man.
Ito ang m~ga macapangyarihan sa bayang San Diego.