TALABABA:

[160] Ang namamaguitnâ sa pagbilí, pagbibili, ang nakikialam sa m~ga

almoneda at iba pa.

[161] Ang nagpapaupa n~g pagdadalá n~g ano mang bagay na mabigat.

[162] Ang bahay na nagpapacain sa sino mang nagbabayad sa may ari, at

ang papatuloy sa bawa't magbayad.

[163] Wicang francés na ang cahuluga'y "fonda:" cacanán at tuluyan. Cung

ipan~gusap ay "restorán."

[164] Estátua ó larawang cáhoy, bató, tansô ó bacal na inilalagay na

pinacahaligui n~g anó man.

[165] Tuláy n~g España.

[166] Isáng carruajeng ganitó cung tawaguin.

[167] Tinatawag n~g catagalugang "carretela" ang isáng sasacyáng anyóng

carretong marami ang lulan, n~guni't mahirap sa sumásacay; dalawá ang

gulong at isáng cabayo ang humihila.--Ang tinatawag na carretela n~g

m~ga castilà ay isáng mainam na carruajeng apat ang gulóng at dalawang

cabayo ang humihila.

[168] Tinatawag na Sabána [hindî Sábana, cumot] ang daang macalampás n~g

Jardin Botánico, hangang sa m~ga unang báhay n~g Ermita, na tinatawag na

daang Real.

[169] Tinatawag n~g m~ga castilàng guindilla ang m~ga policía municipal

sa sa España.--Ang sili ó ang bun~ga n~g tinatawag na "guindillo de

India."

[170] Ang lupang iniuucol sa pagtatanim n~g sarisaring cahoy at m~ga

halaman upang doo'y mapag-aralan ang m~ga carunun~gang nauucol sa bagay

na ito.

[171] Tila mandín naguguniguni na ni Rizal na sa pinagpatayaang iyón sa

paring canyáng sinasabi, na sa acalà co'y waláng ibá cung dî si Pari

Burgos, doon din siya pápatayin.

[172] Ang tan~ging ibong pinaniniwalaan n~g m~ga tao sa unang mulíng

nabubuhay, pagcatapos na masunog, sa ibabaw n~g canyáng m~ga abó.

[173] Ang alín may sa dalawáng panig na malapit sa Ecuador ó

calaguitnaan n~g lupa, tinatawag ang isáng panig na "trópico de Cancer"

sa hemisfercio boreal, at "trópico de Capriconio" de "hemisfercio

austral".

[174] Sásacyang waláng gulóng na siyáng guinagamit pagca hielo ang

dinaraanan; cahawig n~g canggâ ó n~g paragos natin.

=IX.=

=MANGA CAUGALIAN NG BAYANG ITO=

Hindî nagcámalî si Ibarra; nalululan n~ga si "victoriang" iyón si parì

Dámaso at tumutun~go sa báhay na canyáng bágong caíiwan.

--¿Saan bâ cayó paroroon?--ang tanóng n~g fraile cay María Clara at cay

tía Isabel, na man~gagsisisacay na sa isáng cocheng may m~ga pamuting

pílac, at tinatampîtampì ni párì Dámaso ang m~ga pisn~gí ni María Clara,

sa guitnâ n~g canyang m~ga caguluhan n~g ísip.

--Cucunin co sa beaterio ang aking m~ga bagaybagay roon--ang sagót ni

María Clara.

¡Aháaá! ¡ahá! tingnán natin cung sino ang mananalo sa amin, tingnan

natin!--ang ipinagbububulóng na hindî nápapansin ang sinasabi, na anó

pa't nagtacá, ang dalawang babae. Tinún~go ang hagdanan at nanhíc doon

si párì Dámasong nacatun~gó ang úlot't madálang-dalang ang hacbáng.

¡Marahil siya'y magsésermon at canyáng isinasaulo ang canyáng

ipan~gan~garal!--aní tía Isabel;--sacáy na María at tatanghalíin tayo

n~g pagdatíng.

Hindî namin masábi cung magsesermón n~gâ ó hindî; datapuwa't inaacala

naming m~ga dakílang bagay ang m~ga pinag-íisip-ísip niyá, sa pagcá't

hindî man lamang naiabot niyá, ang canyáng camáy cay capitang Tiago,

cayá't napilitang yumucód pa itó n~g cauntî upáng hagcán ang camáy na

iyón.

--¡Santiago!--ang únang sinabi niyá--may pag-uusapan tayong mahahalagang

bagay; tayo na sa iyong oficina.

Maligalig ang lóob ni Capitang Tiago, hindî nacaimíc n~guni't sumunód sa

napacalakíng sacerdote, at sinarhán ang pintô pagcapásóc nilá.

Samantalang nagsasalitaan silá n~g líhim, siyasatin nátin cung anó ang

kinaratnan ni Fr. Sybila.

Walâ sa canyang convento ang pantás na dominico; maagang maaga,

pagcapagmisa, siyá'y napatun~go sa convento n~g canyáng capisanang na sa

macapasoc n~g pintuan ni Isabel Segunda, ó ni Magallanes, alinsunod sa

naghaharing familia, sa Madrid.

Hindî niya pinansin ang masaráp na amóy-chocolate, at gayón ding dî niya

ininó ín~gay n~g m~ga cajón at ang salapìng náririn~gig mulâ, sa

Procuración, at bahagyâ n~g sumagót sa mapitagan at maguíliw na batì n~g

uldóg na procurador, nanhíc si Fr. Sybila, tinahac ang ilang m~ga

"corredor" at tumuctóc n~g butó n~g m~ga dalírì sa isáng pintûan.

--¡Tulóy!--anang isáng voces na wari'y dumaraing.

--¡Pagalin~gin nawâ cayó n~g Dios sa inyóng sakít!--ang siyáng batì n~g

batang dominico pagpasoc.

Nacaupo sa isáng malaking sillón ang isáng matandáng párì, culubót at gá

namúmutlâ na ang balát n~g mukhâ, cawan~gis n~g isá riyán sa m~ga

santong ipinintá ni Rivera. Nan~glálalalim ang m~ga matáng napuputun~gan

n~g lubháng málalagong kilay, na palibhasa'y láguing nacacunót ay

nacapagdáragdag n~g ningníng n~g paghíhin~galô n~g canyang m~ga matá.

Nabábagbag ang lóob na pinagmasdán siyá ni párì Sibilang nacahalukipkíp

ang m~ga camáy sa ilalim n~g cagalanggalang na escapulario ni Santo

Domingo. Inilun~gayn~gay pagcatapos ang úlo, hindî umíimic at wari'y

naghíhintay.

--¡Ah!--ang buntóng hinin~gá n~g maysakít--inihahatol sa akin, Hernando;

na akin daw ipahíwà! ¡Ipahiwà sa tandâ co n~g itó! ¡Itóng lupaíng ito!

¡Ang cagulatgulat na lupaíng itó! ¡Muhang ulirán ca sa nangyayari sa

akin, Hernando!

Dahándáhang itinàas ni Fr. Sybila ang canyáng m~ga matá at itinitig sa

mukhà n~g may sakít:

--At ¿anó pô ang inyóng minagaling?--ang itinanóng.

--¡Mamatáy! ¡Ay! ¿May nálalabi pa bagá sa aking ibáng bágay? Malábis na

totoo ang aking ipinaghihirap; datapuwa't.... pinapaghirap co namán ang

marami.... ¡nagbabayad-útang lamang acó! At icáw, ¿cumustá ca? ¿anó ang

sadyâ mo?,

--Naparíto pô acó't sasabihin co sa inyó ang ipinagcatiwalang bílin sa

akin.

--¡Ah! ¿at anó ang bagay na iyón?

--¡Psh!--sumagót na may samâ ang loob, umupô at ilinin~gón ang mukhâ, sa

ibáng panig,--m~ga cabulastigan ang sinabi sa atin; ang binatang si

Ibarra'y isang matalínong bagongtao; tila mandín hindì halíng; n~guni't

sa acálà co'y isáng mabaít na bagongtao.

[Larawan:--....Mananatili ang ating capangyarihan hanggang sa

capangyarihang iya'y nananalig......]

--¿Sa acálà mo?

--¡Nagpasimulâ cagabí ang caniláng pagcacáalit!

--¡Nagpasimulâ na! ¿at bákit?

Sinaysay ni Fr. Sibyla, sa maiclíng pananalitâ, ang nangyari cay párì

Dámaso at cay Crisóstomo Ibarra.

--Bucód sa rito--ang idinugtóng na pangwacás--mag-aasawa ang binatà sa

anác na babae ni Capitang Tiago, na nag-aral sa colegio n~g ating m~ga

capatid na babae; siyá'y mayaman at dî n~ga niyá iibiguing magcaroon n~g

m~ga caaway upang siyá'y mawal-án n~g caligayahán at cayamanan.

Itinan~gô n~g may sakít ang canyang úlo, sa pagpapakìlalang siyá'y

sang-áyon.

--Siyâ n~gâ, gayón din ang áking acálà ... Sa pamamag-itan n~g gayóng

babae at isáng bianáng lalaking gayón, maguiguing atin ang canyáng

catawá't cálolowa. At cung hindî ¡lálong magalíng cung siya'y

magpakitang kaaway natin!

Minamasdáng nagtátaca ni Fr. Sibyla ang matandâ.

--Unawàing sa icagagaling n~g ating Santong Capisanan--ang idinugtóng na

naghihirap n~g paghin~gá.--Minámagaling co pa ang makilaban sa átin, cay

sa m~ga halíng na pagpupuri at paimbabáw na panghihinuyò n~g m~ga

caibigan.... tunay at silá'y may m~ga bayad.

--¿Inaacalà pô bâ ninyóng gayón?

Tiningnán siyá n~g boong lungcót n~g matandâ.

--¡Tandaân mong magalíng!--ang isinagót na nagcácangpapagál--Manacatilî

ang ating capangyarihan samantalang sa capangyarihang iya'y nananalig.

Cung táyo'y labánan, ang sasabihin n~g Gobierno'y: "Nilalabanan silá, sa

pagca't ang m~ga fraile'y isáng hadláng sa calayaan n~g m~ga filipino;

at sa pagca't gayo'y papanatilihin natin ang m~ga fraile."

--At ¿cung silá'y pakinggán? Manacânacang ang Gobierno'y....

--¡Hindî silá pakíkingan!

--Gayón man, cung sa udyóc n~g casakimá'y nasáin n~g Gobiernong maowî sa

canyá ang ating inaani ... cung magcaroon n~g isáng pan~gahás at walang

gúlat na....

--Cung magcágayo'y ¡sa abâ niyá!

Capuwâ hindî umimíc.

--Bucód sa roón--ang ipinatúloy n~g may sákít--kinacailan~gan nating

tayó'y labánan, táyo'y pucáwin: nagpapakilala sa atin ang m~ga labanáng

ito n~g cung saan naroon ang ating cahinaan, at ang gayó'y

nacapagpapagalíng sa atin. Nacararayà sa átin at nacapágpapahimbing ang

malábis na m~ga pagpúri: datapowa't sa lábás ay nacapagpapapan~git n~g

ating anyô, at sa araw na mahúlog táyo sa capan~gitang anyô, táyo'y

mapapahamac, na gáya n~g pagcapahamac natin sa Europa. Hindî na papasoc

ang salapí sa ating m~ga simbahan; sino ma'y walâ n~g bíbili n~g m~ga

escapulario, n~g m~ga correa at n~g anó man, at pagcâ hindî na tayo

mayaman, hindî na natin mapapapanalig ang m~ga budhî.

--¡Psh! Mananatili rin sa atin ang ating m~ga "hacienda," ang ating m~ga

báhay!

--¡Mawáwala sa ating lahát, na gaya n~g pagcawalâ sa átin sa Europa! At

ang lálong masamá'y nagpapagal táyo at n~g táyo'y mangguípuspós. Sa

halimbáwà: iyáng nápacalabis na pagsusumakit na dagdagan sa taóntaón,

ayon sa ating maibigan, ang halagá n~g buwís n~g ating m~ga lúpà, ang

pagsusumakit na iyáng aking sinalansáng sa lahát n~g m~ga malalaking

pulong natin; ¡ang pagsusumakit na iyán ang siyáng macapapahamac sa

atin! Napipilitan ang "indiong" bumilí sa ibang daco n~g m~ga lúpang

casíng galíng din n~g ating m~ga lupà ó lálò pang magalíng.

Nan~gan~ganib acóng bacâ táyo'y nagpapasimulâ na n~g pagbabâ: "Quos vult

perdere Jupiter dementat prius."[175] Dahil dito'y huwág n~gâ nating

dagdagán ang ating bigát; ang báya'y nagbububulóng na. Mabúti ang inisip

mo: pabayâan natin ang ibáng makikipaghusay doón n~g canícanilang

sagutin; papanatilihin natin ang sa ati'y pagpipitagang nálalabi, at sa

pagcá't hindî malalao't makíkiharáp táyo sa Dios, linísin nátin ang

ating m~ga cama'y ... ¡Maawà nawâ sa áting m~ga kahinàan ang Dios n~g

m~ga pagcahabág!

--Sa macatuwíd ay inaaacalà pó bâ ninyóng ang buwís ay ...

--¡Howág na tayong mag-úsap n~g tungcól sa salapî!--ang isinalabat n~g

may sakít na masamâ ang lóob.--Sinasabi mong ipinan~gacò n~g teniente

cay párì Dámaso..?

--Opo, amá--ang sagot ni párì Sibylang gá n~gumín~gitî na. N~guni't

nakita co caninang umága ang teniente, at sinábi sa áking dináramdam daw

niyá ang lahat n~g nangyári cagabí, na umímbulog daw sa canyáng úlo ang

Jerez, at sa acálà niya'y gayón din ang nangyári cay párì Dámaso.--At

ang pan~gaco?--ang tanóng cong pabirô.--Padre cura ang

isinagót:--marunong pô acóng tumupád n~g áking wicâ, pagcâ sa pagtupád

na iya'y hindî co dinurun~gisan ang aking capurihán; cailan ma'y dî co

naguing ugálì ang magcanulô canino man, at dàhil dito'y teniente acó

hanggá n~gayón.

--N~g macapagsalitaan silá n~g m~ga ibá't ibáng bágay na waláng

cabuluhán, nagpaalam sì Fr. Sibyla.

Hindî n~ga namán naparoón ang teniente sa Malacanyáng; n~gunit naalaman

din n~g Capitan General ang nangyari.

Nang nakikipagsalitaan siyá sa canyáng m~ga ayudante tungcól sa m~ga

pagbangguít na sa canya'y guinágawá n~g m~ga páhayagan sa Maynilà, sa

ilalim n~g m~ga pamagat na m~ga "cometa"[176] at iba pang m~ga

napakikita sa lan~git, sinabí sa canyá n~g isá sa m~ga ayudanteng iyón

ang pakikipagcagalit ni párì Dámaso, na pinalubhâ pa ang cabigatán n~g

m~ga pananalitâ, bagá man pinakinis n~g cauntî ang m~ga bigcás n~g sabi.

--Síno ang sa iyo'y nagsábi--ang tanong n~g Capitán General na

n~gumin~gitî.

--Narin~gig co pô cay Laruja, na siyáng nagbabalità caninang umága sa

pásulatan n~g pámahayagan.

Mulíng n~gumitî ang Capitan General at idinagdág:

--¡Hindî nacasásakit ang babae't fraile! Ibig cong manahimic sa

nátitirang panahón n~g pagtirá co sa lupáng itó, at aayaw na acóng

makipag-alít sa m~ga lalaking gumagamit n~g sáya. At lálong lálò na

n~gayóng áking natalastás na pinaglalaruan lamang n~g provincial ang

aking m~ga útos; hinin~gi cong pinacaparusa ang paglilipat sa ibáng

bayan n~g fraileng iyán; at siyá n~ga namán, siya'y inilipat, n~guni't

doon siya inilagay sa lalong magaling na báyan: ¡frailadas![177] na

sinásabi natin sa España.

N~guni't humintô n~g pagn~gitì ang Capitan General n~g nagíisa na.

--¡Ah! ¡cung hindî sána nápacatan~gá ang báyang ito'y pasusucuin co ang

aking m~ga cagalanggalang na iyán!--ang ipinagbuntóng

hinin~gá.--Datapuwa't carapatdapat ang báwa't báyan sa kinasasapitan

niyá; gawin nátin ang inuugalì n~g lahát.

Samantala'y natápos si Capitang Tiago n~g pakikipulong cay pári Dámaso,

ó sa lalong magalíng na sabi, ang pakikipulong ni párì Dámaso cay

Capitang Tiago.

--¡N~gayo'y napagsabihan na catá!--ang sabi n~g franciscano n~g

magpaalam. Naílágan sana ang lahát n~g itó, cung nagtanóngtanóng ca múna

sa akin, cung dî ca sana nagsinun~galing n~g icáw ay tinatátanong co.

¡Pagsicapan mong howag ca nang gumawâ n~g m~ga cahalin~gán, at manálig

ca sa canyáng ináama!

Lumibot n~g macaalawa ó macaatló sa salas si Capitang Tiagong

nag-iísip-isip at nagbúbuntóng hinin~gá; di caguinsaguinsa'y párang may

naisip siyáng magalíng, tumacbó sa pánalan~ginan at pinatáy ang m~ga

candílà at ang lámparang canyáng pinasindihán upang siyáng macapagligtás

cay Ibarra.

--May panahón pa, sa pagca't totoong malayò ang linálacbay--ang

ibinulóng.

Noli Me Tangere · 第 24 / 51 题