TALABABA:

[99] Ang balbás na sumisibol sa babà, na pinapag aanyong pera--Ang pera

ay ang caraniwang tawaguing "peras." "Pera" pagcâ íisa; "peras" pagcâ

dalawá ó marami, ito'y cung sa wícang castilàs sa pagcá't sa wícà natin

ay hindî nagbabago ang tawag cung íisa ó marami man. Ipinaliliwanag co

itó sa pagca't marami sa m~ga tagalog na sa dî caalaman ay tinatawag na

"pera" ó "pira" ang isáng céntimo, sa pagtulad sa m~ga castilàng

tinatawag na "perra chica" ang caniláng cuartang ang halaga'y isáng

céntimo natin ó "perra grande" pagcâ halagang dalawang céntimo. Asong

babae ang cahulugan n~g sabing "perra," at ganito ang itinawag n~g

castilà sa canilang cuarta, dahil doo'y may napapanood na isáng leóng

ang camukha'y aso.--P.H.P.

[100] Catutubong hiyas n~g espíritu n~g tao na siyang tagaacay sa

paggawâ niyá n~g anó man. Pagcakilalang tunay n~g casamaang dapat nating

pan~gilagan at n~g cagalin~gang dapat nating gawín--P.H.P.

[101] Nang panahóng nacapangyayari ang Gobierno n~g España sa Filipinas,

hindî ipinahihintulot na ang m~ga castilang lalaki't babae'y gumawâ n~g

anó mang may cabígatán, gaya bagá n~g mag-araro, mag-asaról, mag-pahila

n~g carretón, magpas-an, ang lalaki, at ang babae namá'y hindi namimilí

n~g pagcain sa m~ga pamilihan, hindi naglulutò, hindi naglalácad n~g

maláyò; inaacala n~g m~ga castilang isáng casiraan n~g caniláng puri

cung mapanood n~g m~ga filipinong sila'y gumagawa n~g mabigat, at

nakikigaya namán sa canilá ang m~ga lahing castilà. Naguíng casabihán

tulóy sa catagalugan, dahil sa bagay na itó ang "para ca namáng

castila", "para ca namáng señora," sa m~ga lalaki't babaeng tagalog na

aayaw magtrabajo n~g mabigát.--P.H.P.

[102] N~g panahóng sinasabi ni "Rizal" na nangyari ang sinasaysay sa

librong itó, ang tawag sa bahay-bayan (Casa municipal) ay tribunal at

ang tawag sa Presidente Municipal ay Gobernadorcillo (maliit na

Gobernador) panglibác na pan~galan. Ang Gobernadorcillo'y tagapamahalà

n~g bayan, hucóm sa m~ga mumuntíng bagay na usapín, tagausig sa

masasamáng tao, taga panin~gíl as m~ga cabeza de barangay, nacaaalam n~g

correo at ibá pa.--P.H.P.

[103] Waláng anó mang calabisán. Lubhà n~gang catotohanan ang sinasabing

itó ni Rizal na sucat na ang alalahanín cung bakit hinatulang mapresidio

ang iláng maririlag na guinoong filipino, n~g 1872 dahil sa

sinapantahang sila'y m~ga cainalám sa m~ga nangyari sa arsenal n~g

Tan~guay n~g taóng iyón. Ang isá sa lalong m~ga calaguímlaguím na

sumbóng na guinawâ laban cay Don Antonio Maria Regidor ay ang pagcacuha

sa isáng "aparador" n~g canyáng bahay, na "punong-punô n~g alaboc," n~g

dalawampong "ejamplar" n~g librong _La Cuestión Colonial_ na sinulat ni

Labra. Basahin ang folletong "Carain~gang ipinadalá sa mahál na Hari ni

Don Antonio María Regidor, na sinulat ni Don Manuel Silvela: Madrid

1872. Pinagdusahan sa Marianas ni Don Antonio María Regidor ang gayong

cakilakilabot na "casalanan."

Ang isá pang nagdusa sa presidio dahil sa m~ga gayón ding casalanan ay

si Don Máximo Paterno, na ipinagsanggalang n~g hindî malilimot na si Don

Germán Gamazo sa ganitóng pananalitâ: "Gayon ma'y hindî piniit ó

pinag-usig sa haráp n~g m~ga tribunal si Don Máximo Paterno, sa m~ga

sandaling malapit na una ó hulí sa panghihimagsíc (sa Tan~guay). Panatag

at umaasa sa canyáng sariling pagcawalang malay-sala, nan~gasiwang

hayág, sa canyáng m~ga hanap buhay, mulâ n~g ica 21 n~g Enero, nangyari

ang panghihimagsic, hangang sa ica 20 n~g Febrero na siya'y dinakíp sa

canyáng bahay at inihatid sa cutà n~g Santiago. Pinag-usig siyá sa harap

n~g m~ga Tribunal na hindî nacapágligtas sa canyá ang canyáng ganitóng

pag-asa at capayapaan n~g loob, na nagpapakilalang maliwanag na hindi

siyá sinasalaguimsiman n~g cahi't muntíng panimdín, palibhasa'y

talastás, niyang siyá'y walang sala; at ang lalong cahapishapis ay

siya'y hinatulang magdusa. Ang siyá'y nasamsamán n~g isáng bilang n~g

"El Eco Filipino" (pamahayagang nagsásanggaláng sa Madrid n~g m~ga

catuwiran n~g m~ga páring clérigo); ang siya'y umambág n~g caunting

salapî sa pagtatatag n~g (pamahayagang) "El Correo de Ultramar" ... ang

siyáng m~ga tan~ging cadahilanan mandin n~g hatol na siyá'y magdusa."

(Basahin ang folleto: "Carain~gang ipinadalá sa Consejo Supremo de la

Guerra ni Don Máximo Paterno na sinulat ni Don Germán Gamazo:" Madrid,

1873.)

Sa "El Correo de Ultramar" ay nan~gagsisulat ang m~ga pantás at

macabayang castilang sina D. Ramón Mesonero Romanos, D. Mariano

Urrabieta, D. Juan Miguel de Arrambide, D. José González de Tejada,

Pedro Antonio de Alarcón, D. José Selgas, Baldomero Mendez, D.

V. Guimera, D. José Ferrer de Coute, D. J. M. Bello, D. Luis Mariano de

Larra at iba. ¿Naglalathalà bagá, ang "El Correo de Ultramar" n~g ano

mang laban sa m~ga castilà? Ito'y catulad cung tanun~gíng: ¿sumulat baga

si Rizal, si Marcelo Hilario del Pilar, si Mabínì, si López Jaena n~g

ano mang laban sa catagalugan? Gayón ma'y pinag-uusig n~g m~ga fraile

bawa't bumabasa n~g "El Correo Ultramar" dahil sa ang pamahayagang iyo'y

hindi catoto n~g cadilimán n~g isip na dito'y pinipilit laganap n~g m~ga

"cahalili n~g Dios."

Ang isá pang napapresidio ay ang sacerdoteng si Don Agustín Mendoza, na

naramay rin sa nangyari sa Tan~guay. ¿M~ga cadahilanan? Dingguín ninyó

ang canyáng abogadong si Don Rafael Maria de Labra: "ang lahat n~g m~ga

sumbong n~g Fiscal laban sa nagsasaysay n~gayón ay maioowi sa dalawá

lamang: ang una'y ang paglalaganap n~g isáng lihim na pamahayagang ang

pamagát ay "El Globo," na sino may waláng nacapagharáp n~g cahi't isá

man lamang na "ejemplar," at ang icalawa'y ang pagpapanucálà n~g m~ga

lihim na pagpupulong, bagay na waláng nagbabalitâng policía ó sino mang

táo n~g cahi't bahagya man lamang. Basahin ang folleto: "Carain~gang

ipinadalá sa Poder Ejecutivo ni D. Agustin Mendoza", na sinulat ni Don

Rafael María de Labra: Madrid, 1878.

Sa isáng salita: "antiespañol" (laban sa castilà) "filibustero" at iba

pa ang lahát n~g filipinong sa canyáng lupain ay may tagláy n~g m~ga

caisipang nauucol sa m~ga calayaan; n~guni't lalonglalò na cung ang m~ga

caisipáng iya'y sumasacanyáng bahay sa pamamag-itan n~g m~ga libro ó n~g

m~ga pahayagan, cailan ma't dumating ang isang capanahunan, dapat

samantalahín ang capanahunang itó upang mapapresidio ang gayóng

filipino.

Ang ibáng nan~gatitic sa itaas ay sinipi co sa "Vida y Escritosa n~g Dr.

Rizal," sinulat ni G. Wenceslao E. Retana. Salamat sa casipagan at

catalinuhan n~g guinoong itó'y maraming catotohanang hindî kilala ang

n~gayo'y lumilitaw at numiningning.--P.H.P.

[104] Ang pagtiguil ó pagcapásalà n~g anomang bagay na m~ga "humor" sa

alin mang bahagui n~g catawan.

[105] Sirâ ang isip.

[106] N~g panahóng iyo'y naititipon sa alcalde ang m~ga catungculang

pagca hucóm, gobernador civil administrador n~g Hacienda, Subdelegado

n~g Fondos Locales, administrador n~g Correos at iba pa.--P.H.P.

[107] Ang dalawang salamíng na sa m~ga tila bumbóng na tansô ó bacal, na

cung doon sumílip ang sinó man ay nacacakita n~g m~ga na sa

malayò.--P.H.P.

=V.=

=ISANG BITUIN SA GABING MADILIM=

Nanhíc si Ibarra sa canyáng cuarto, na nasadacong ilog, nagpatihulóg sa

isáng sillón, at canyáng pinagmasdán ang boong abót n~g tin~gin, na

malakí ang natatanaw, salamat sa nacabucás na bintanà.

Totoong maliwanag, sa caramihan n~g ilaw, ang catapát na báhay sa

cabiláng ibayo, at dumárating hanggáng sa canyáng "cuarto" ang m~ga

masasayáng tínig n~g m~ga instrumentong may cuerdas ang caramihan.--Cung

hindî totoong guló ang canyáng isip, at cung siyá sana'y maibiguíng

macaalam n~g m~ga guinágawâ n~g capowâ táo'y marahil ninais niyáng

mapanood, sa pamamag-itan n~g isáng gemelos[108], ang nangyayari sa

kinalalagyán n~g gayóng caliwanagan; marahil canyáng hinan~gâan ang isá,

riyán sa m~ga cahimáhimaláng napapanood, isá riyán sa m~ga talinghagang

napakikita, na maminsanminsang nátitingnan sa m~ga malalakíng teatro sa

Europa, na sa marahan at caayaayang tínig n~g orquesta ay nakikitang

sumisilang sa guitnâ n~g isáng ulán n~g iláw, n~g isáng bumúbugsong agos

n~g m~ga diamante at guintô, sa isáng cárikitdìkitang m~ga pamuti,

nababalot n~g lubháng manipís at nan~gan~ganinag na gasa ang isáng

diosa, ang isáng "silfide"[109] na lumalacad na halos hindî sumasayad

ang paa sa tinatapacan, naliliguid at inagaapayanan n~g maningning na

sinag: sa canyáng pagdatíng ay cusang sumisilang ang m~ga bulaclác,

nagbíbigay galác, ang m~ga sayáw, nan~gapupucaw ang matimyás na

tugtugan, at ang m~ga pulutóng n~g m~ga díablo, m~ga ninfa[110], m~ga

sátiro[111], m~ga génio[112], m~ga zagala[113], m~ga ángel m~ga pastor

ay sumásayaw, guinagalaw ang m~ga pandereta, nan~gagpapaliguidliguid at

inihahandog n~g bawa't isá sa paanan n~g diosa ang canícaniláng alay.

Napanood sana ni Ibarra ang cagandagandahang dalagang timbáng at matowíd

ang pan~gan~gatawán, tagláy ang mainam na pananamít n~g m~ga anác na

babae n~g Filipinas, na nangguíguitnâ sa nacaliliguid na sarisaring táo

na masasayáng cumikilos at nan~gagcucumpasan. Diyá'y may m~ga insíc,

m~ga castilà, m~ga filipino m~ga militar, m~ga cura, m~ga matatandáng

babae, m~ga dalaga, m~ga bagongtao, at ibá pa. Na sa tabí n~g diosang

iyón si párì Dámaso, at si párì Dámaso'y n~gumín~giting catulad n~g

isáng nasacaluwalhatîan; si Fr. Sibyla ay nakikipagsalitaan sa canyá, at

iniaayos ni Doña Victorina sa canyáng pagcagandagandang buhóc ang isáng

tuhog na m~ga perla at m~ga brillante, na cumíkislap n~g sarisaring

kináng n~g culay n~g bahaghárì. Siyá'y maputî, nápacaputî marahil, ang

m~ga matáng halos laguing sa ibabâ ang tin~gín ay pawang

nan~gagpapakilala n~g isáng cálolowang cálinislinisan, at pagcâ siyá'y

n~gumín~gitî at nátatanyag ang canyáng mapuputî at malilìt na m~ga

n~gípin, masasabing ang isáng rosa'y bulaclác lamang n~g cahoy, at ang

garing ay pan~gil n~g gadya[114] lamang. Sa pag-itan n~g nan~gan~ganinag

na damít na piña at sa paliguid n~g canyáng maputî at linalic na líig ay

"nan~gagkikisapan," gaya n~g sabi n~g m~ga tagalog, ang masasayáng m~ga

matá, n~g isáng collar na m~ga brillante. Isáng lalaki lamang ang tila

mandin hindî dumaramdam n~g canyáng maningníng na akit: itó'y isáng batà

pang franciscano, payát, nanínilaw, putlâin, na tinátanaw na dî

cumikilos ang dalaga, buhat sa maláyò, cawán~gis n~g isáng estátua[115],

na halos hindî humíhin~gá.

Datapuwa't hindî nakikita ni Ibarra ang lahát n~gitó: napapagmasdan n~g

canyáng m~ga matá ang ibáng bagay. Nacúculong ang isáng munting luang

n~g apat na hubád at maruruming pader; sa isá sa m~ga pader, sa dácong

itáas ay may isáng "reja"; sa ibabaw n~g maramí at casuclamsuclam na

yapacán ay may isáng baníg, at sa ibabaw n~g baníg ay isáng matandáng

lalaking naghíhin~galô; ang matandáng lalaking nahihirapan n~g paghin~gá

ay inililin~gap sa magcabicabilà ang m~ga mata at umiiyac na

ipinan~gun~gusap ang isáng pan~galan; nag-íisa ang matandáng lalaki;

manacanacang náririn~gig ang calansíng n~g isáng tanicalâ ó isáng

buntóng-hinin~gáng naglalampasan sa m~ga pader ... at pagcatapos, doon

sa maláyò'y may isáng masayáng piguíng, hálos ay isáng mahalay na

pagcacatowâ; isáng binata'y nagtátawa, ibinubuhos ang álac sa m~ga

bulaclác, sa guitnâ n~g m~ga pagpupuri at sa m~ga tan~ging tawanan n~g

m~ga ibá. At ¡ang matandáng lalaki'y catulad n~g pagmumukhà n~ga canyáng

amá! ¡ang binata'y camukhâ niyá at canyáng pan~galan ang pan~galang

ipinan~gun~gusap na casabáy ang tan~gis!

Itó ang nakikita n~g culang palad sa canyáng harapán.

Nan~gamatáy ang m~ga ílaw n~g catapát na báhay, humintô ang músìca at

ang cain~gayan, n~guni't náririnig pa ni Ibarra ang cahapishapis na

sigáw n~g canyáng amá, na hinahanap ang canyáng anác sa canyáng

catapusáng horas.

Inihihip n~g catahimicán ang canyáng hungcag na hinin~ga sa Maynilà, at

warì mandi'y natutulog ang lahát sa m~ga bísig n~g walâ; náririn~gig na

nakikipaghalínhinan ang talaoc n~g manóc sa m~ga relój n~g m~ga

campanario at sa mapangláw na sigáw na "alerta" n~g nayáyamot na

sundalong bantáy; nagpapasimulâ n~g pagsun~gaw ang capirasong bowán;

wari n~ga'y nan~gagpapahin~galáy na ang lahát; si Ibarra man ay

natutulog na ri't marahil ay napagál sa canyáng malulungcot na m~ga

caisipán ó sa paglalacbáy.

N~guni't hindî tumutulog, nagpúpuyat, ang batang franciscanong hindî pa

nalalaong nakita nating hindî cumikilos at hindî umíimic. Napapatong ang

síco sa palababahan n~g durun~gawan n~g canyáng "celda" at saló n~g

pálad n~g camáy ang putlai't payát na mukhâ, canyáng pinanonood sa

maláyò ang isáng bituing numíningning sa madilím na lan~git. Namutlâ at

nawalâ ang bituwin, nawalâ rin ang m~ga bahagyáng sínag nang nagpápatay

na bowán; n~guni't hindî cumilos ang fraile sa canyáng kinálalagyan:

niyao'y minamásdan niyá, ang malayong abót n~g tin~ging napapawî sa ulap

n~g umaga sa dacong Bagumbayan, sa dacong dagat na nágugulaylay pa.

Noli Me Tangere · 第 15 / 51 题