[86] Wicang haluang castilà't tagalog, na cung tawagui'y "wicang
tinulá". Nagpapatumpictumpic bago'y ibig,--May m~ga filipinong hindî
nan~gingiming magsalitang sila'y hindî nacacawatas n~g wicang tagalog,
na hindî silá marunong n~g wicang tagalog; datapawa't hindî rin naman
marunong magsalitâ n~g tunay na wicang castilà; waláng nalalaman cung dî
ang wicang tindá: ¡cahabaghabag na m~ga tao!
[87] Ang pagtuturò n~g isáng carunun~gan; sa halimbawà: si Fulano'y
nagtuturò n~g catedra n~g "Derecho" na gaya rin cung sabihing si
Fulano'y nagtuturò n~g dunong n~g "Derecho."
[88] Magbigay ang sandata sa haráp n~g carunun~gang; sa macatuwid baga'y
dapat gumalang ang m~ga militar sa m~ga táong pantás.
[89] Magbigáy ang sandata sa harap n~g m~ga fraile; dapat gumalang ang
m~ga militar sa m~ga fraile.
[90] Wicang castilà ang sabing "mundo" at maraming cahulugán: ang
cabooan n~g lahat n~g m~ga kinapal.--Ang lupà.--Ang cabooan n~g lahát
n~g tao.--Baúl na malakí.--Tungcol sa pamumuhay. Isá sa m~ga caaway n~g
caluluwa. Dito'y ang cahulugan ay isáng tan~ging bahágui n~g
sangcataohan, sa macatuwid baga'y ang m~ga tao sa piguíng na
iyón.--P.H.P.
[91] Si Lucio Licino Lúcalo, cónsul romano, na bantog dahil sa totoong
magalíng na pagcain sa canyang mesa.
[92] Ang cahulugán dito'y isang malaking tasang malucóng na
pinaglálagyan n~g pagcain--Cahulugan din n~g wicang "fuente"; Bucál n~g
tubig na nanggagaling sa lúpà.--Isáng "aparato" upang doo'y lumabas ang
tubig na nanggagaling sa m~ga "tubo" at n~g magamit sa bahay, sa daan ó
sa halamanan.--Mulâ n~g isang bagay.--Ang sugat na talagang guinágawâ sa
brazo, sa bintî at iba pa.--Kinacailan~gang sa pagsasalitâ n~g "fuente"
ay magpalabas n~g han~gin sa bibig, sa pagca't cung hindi ay masasabing
"puente" na ang cahuluga'y tuláy. Ito'y isá sa m~ga cadahilanan cayâ
ayaw acóng makisunod sa bagong palacad na isulat n~g P cahi't ang
pinanggalin~ga'y F, gaya sa halimbáwà n~g Filipinas, Fernando, Faustino
na may m~ga sumusulat n~gayon n~g Pilipnas, Pernando, Paustino. Gayon
ma'y iguinagalang co at hindi co pinipintasan ang sa ibang caisipan at
palacad na sinusunod.--Upang maipan~gusap ang "efe" ay idinadaiti ang
labi sa m~ga n~giping itaas sacâ magpalabás n~g han~gin sa pagsasalitâ
n~g letra.--P.H.P.
[93] Pinupuri cata. Pasimulâ n~g isáng dasál sa Dios na wicang latíng
sinasabi n~g m~ga pári at iba pang católico bago cumain.
[94] Tinatawag n~g m~ga castilang "Península" ang España.--"Peñinsula"
ang sabi ni Doña Victorina, sa pagca't siya'y isá riyan si m~ga babaeng
tagálog na nagcacasticastilaan ay bago'y hindî man lamang marunong
man~gusap n~g wicang castilà. Ang tunay na cahulugan n~g Península ay
ang lupang halos naliliguid n~g tubig magcabicabilà.--P.H.P.
[95] Tulad sa tinatawag nating wicang "castilàng tinda." Halohalong
salitang inglés, insic, portugués at malayo; gaya namán n~g nangyayari
na rito sa Filipinas tungcol sa pananalitâ n~g inglés na halohalò n~g
inglés, castila't tagalog.--P.H.P.
[96] Guillermo Shakespeare, dakilang poetang inglés at isa sa m~ga
pan~gulong dramático sa sangcataohan. Ipinan~ganac sa Strafford n~g 1564
at namatay n~g 1616. Ang m~ga pan~gulong sinulat niya'y ang "Macbet,"
"Romeo at Julieta", "Hamlet," "Otelo," "Ang Mercader sa Venecia," "Ang
panaguinip n~g isáng gabíng tag-araw" at iba pa.--P.H.P.
[97] Ang caharian n~g China.
[98] Pan~galawáng libro n~g Pentatesco ni Moisés.--Ang paglalacbay sa
ibang lupain n~g m~ga túbò sa isáng nación ó báyan, na siyáng cahulugán
dito.
=IV.=
=HEREJE AT FILIBUSTERO=
Nag-aalinlan~gan si Ibarra. Ang han~gin sa gabí, na sa m~ga buwáng iyó'y
caraniwang may calamigán na sa Maynilà, ang siyáng tila mandín pumawì sa
canyáng noo n~g manipís na úlap na doo'y nagpadilím: nagpugay at
humin~gá.
Nagdaraan ang m~ga cocheng tila m~ga kidlá't, m~ga calesang páupahang
ang lacad ay naghíhin~galô, m~ga naglálacad na tagá ibá't ibáng nación.
Tagláy iyáng paglacad na hindî nan~gagcacawan~gis ang hacbáng, na siyáng
nagpapakilala sa natitilihan ó sa waláng mágawà, tinun~go n~g binatà ang
dacong plaza n~g Binundóc, na nagpapalin~gap-lin~gap sa magcabicabilà na
wari'y ibig niyáng cumilala n~g anó man. Yao'y ang m~ga dating daan at
m~ga dating báhay na may m~ga pintáng putî at azul at m~ga pader na
pinintahán n~g putî ó cung dilî caya'y m~ga anyóng ibig tularan ang
batóng "granito" ay masamâ ang pagcacáhuwad; nananatili sa campanario
n~g simbahan ang canyáng relós na may carátulang cupás na; iyón ding
m~ga tindahan n~g insíc na iyóng may marurumíng tabing na násasampay sa
m~ga varillang bacal, na pinagbalibalicucô niyá isáng gabí ang isá sa
m~ga varillang iyón, sa pakikitulad niyá sa masasama ang pagcaturong
m~ga bátà sa Maynilà: sino ma'y waláng nagtowíd niyón.
--¡Marahan ang lacad!--ang ibinulóng, at nagtulóy siyá sa daang
Sacristía.
Ang m~ga nagbíbili n~g sorbete ay nananatili sa pagsigáw n~g:
¡Sorbeteee! m~ga huepe rin ang siyáng pang-ilaw n~g m~ga dating
nan~gagtítindang insíc at n~g m~ga babaeng nagbíbili n~g m~ga cacanin at
m~ga bun~gang cahoy.
--¡Cahan~gahan~gà!--ang sinabi niyá--¡itó rin ang insíc na may pitóng
taón na, at ang matandáng babae'y ... siyá rin! Masasabing nanaguinip
acó n~g gabíng itó sa pitóng taóng pagca pa sa Europa!.. at ¡Santo Dios!
nananatili rin ang masamang pagcálagay n~g bató, na gaya rin n~g aking
iwan!
At naroroon pa n~ga't nacahiwalay ang bató sa "acera" n~g linílicuan n~g
daang San Jacinto at daang Sacristía.
Samantalang pinanonood niyá ang catacatacáng pananatiling itó n~g m~ga
báhay at ibá pa sa báyan n~g waláng capanatilihán, marahang dumapò sa
canyáng balicat ang isáng camáy; tumungháy siyá'y canyáng nakita ang
matandáng Teniente na minámasdang siyáng halos nacan~gitî: hindî na
tagláy n~g militar yaóng mabalasic niyáng pagmumukhâ, at walâ na sa
canyá yaóng m~ga kilay na totoong canyáng ikinatatan~gì sa ibá.
--¡Bagongtao, magpacain~gat cayó! ¡Mag-aral pô cayó sa inyóng amá--ang
sinabi niyá.
--Ipatawad pô ninyó; n~guni't sa acalà co'y inyóng pinacamahál ang aking
amá; ¿maaarì pô bang sabihin ninyó sa akin cung ano ang canyáng
kináhinatnan?--ang tanóng ni Ibarra na siyá'y minámasdan.
--¿Bakit? ¿hindî pô bâ ninyó nalalaman?--ang tanóng n~g militar.
--Itinanóng co cay Capitáng Tiago ay sumagót sa aking hindî niyá
sasabihin cung dî búcas na. ¿Nalalaman po bâ ninyó, sacalì?
--¡Mangyari bagá, na gaya rin namán n~g lahát! ¡Namatáy sa bilangguan!
Umudlót n~g isáng hacbáng ang binatà at tinitigan ang Teniente.
--¿Sa bilangguan? ¿sinong namatáy sa bilangguan?--ang itinatanóng.
--¡Abá, ang inyó pong amá, na nábibilanggô!--ang sagót n~g militar na
may cauntíng pangguiguilalás.
--Ang aking amá ... sa bilangguan ... ¿napipiít sa bilangguan? ¿Anó pô
ang wicà ninyó? ¿Nakilala pô bâ ninyó ang aking amá? ¿Cayó pô ba'y ...?
ang itinanóng n~g binatà at hinawacan sa brazo ang militar.
--Sa acalà co'y hindî acó námamalî; si Don Rafael Ibarra.
--¡Siyá n~ga, Don Rafael Ibarra!--ang marahang ùlit n~g binatà.
--¡Ang boong ísip co'y inyó pong nalalaman na!--ang ibinulóng n~g
militar, na puspós n~g habág ang anyô n~g pagsasalitâ, sa canyáng
pagcahiwatig sa nangyayari sa cálolowa ni Ibarra; ang acalà co'y inyóng
...; n~guni't tapan~gan ninyó ang inyóng loob! ¡dito'y hindî
mangyayaring magtamóng capurihán cung hindî nabibilanggô!
--¡Dapat cong acaláing hindî pô cayó nagbíbirô sa akin--ang mulîng
sinabi ni Ibarra n~g macaraan ang iláng sandalíng hindî siyá umíimic!
¿Masasabi pô bâ ninyó sa akin cung bakit siyá'y nasasabilangguan?
Nag-anyóng nag-iisip-isip ang militar.
--Ang aking ipinagtátacang totoo'y cung bakit hindî ipinagbigay alam sa
inyó ang nangyayari sa inyóng familia.
[Larawan:--¡Binatà, mag-ín~gat pô cayó! ¡Mag-aral cayó sa inyóng
amá!--anáng teniente sa canyá.--Imp. de M. Fernández Paz, 447, Sta
Cruz.]
--Sinasabi sa akin sa canyáng hulíng sulat, na may isáng taón na
n~gayón, na huwág daw acóng maliligalig cung dî niya acó sinusulatan, sa
pagcá't marahil ay totoong marami siyang pinakikialamán;
ipinagtatagubilin sa aking magpatuloy acó n~g pag-aaral ... at
¡benebendicìonan acó!
--Cung gayó'y guinawâ niyá ang sulat na iyán sa inyó, bago mamatay;
hindî malalao't mag-íisang taón n~g siyá'y aming inilibíng sa inyóng
bayan.
--¿Anóng dadahilana't nábibilanggô ang aking amá?
--Sa cadahilanang totoong nacapagbíbigay puri. N~guni't sumama pô cayó
sa aki't acó'y paroroon sa cuartel; sasabihin có han~ggáng tayo'y
lumalacad. Cumapit pô cayó sa aking brazo.
Hindî nan~gag-imican sa loob n~g sandalî; may anyóng nagdidilidili ang
matandâ at wari'y hiníhin~gi sa canyáng "perilla,"[99] na
hinihimashimas, na magpaalaala sa canyá.
--Cawan~gis n~g lubós pô ninyóng pagcatalastás--ang ipinasimulâ n~g
pagsasalitâ--ang amá pô ninyó'y siyáng pan~gulo n~g yaman sa boong
lalawigan, at bagá man iniibig siyá't iguinagalang n~g marami, ang m~ga
ibá'y pinagtatamnan namán siyá n~g masamáng loob, ó kinaíinguitán. Sa
casaliwàang palad, camíng m~ga castilang naparito sa Filipinas ay hindî
namin inuugalì ang marapat naming ugalíin: sinasabi co itó, dahil sa isá
sa inyóng m~ga nunong lalaki at gayón din sa caaway n~g inyóng amá. Ang
waláng licát na paghahalihalilí, ang capan~gitan n~g asal n~g m~ga
matataas na púnò, ang m~ga pagtatangkilic sa di marapat, ang camurahan
at ang caiclîan n~g paglalacbay-bayan, ang siyáng may sála n~g lahát;
pumaparito ang lalong masasamâ sa Península, at cung may isáng mabaít na
máparito, hindî nalalao't pagdaca'y pinasásamâ n~g m~ga tagarito rin. At
inyóng talastasíng maraming totoong caaway ang inyóng amá sa m~ga cura
at sa m~ga castílà.
Dito'y sandalíng humintô siyá.
--N~g macaraan ang iláng buwán, búhat n~g cayó po'y umalís, nagpasimulâ
na ang samàan n~g loob nilá ni párì Dámaso, na dî co masabi ang tunay na
cadahilanan. Biníbigyang casalanan siyá ni párì Dámasong hindî raw siyá
nagcucumpisal: n~g una'y dating hindî siyá nan~gun~gumpisal, gayón ma'y
magcaìbigan siláng matalic, na marahil natatandaan pa pô ninyó. Bucód sa
rito'y totoong dalisay ang capurihán ni Don Rafael, at higuít ang
canyáng pagcabanál sa maraming nan~gagcucumpisal at nan~gagpapacumpisal:
may tinútunton siyá sa canyáng sariling isáng cahigpithigpitang pagsunód
sa atas n~g magandáng asal, at madalás sabihin sa akin, pagca násasalitâ
niyá ang m~ga sámàang itó n~g loob: "Guinoong Guevara,
¿sinasampalatayanan po bâ ninyóng pinatatawad n~g Dios ang isáng mabigát
na casalanan, ang isáng cusang pagpatáy sa cápuwâ táo, sa halimbáwà,
pagcâ, nasabi na sa isáng sacerdote; na táo rin namáng may catungculang
maglihim n~g sa canyá'y sinasaysay, at matacot másanag sa infierno, na
siyáng tinatawag na pagsisising "atricion"? ¿Bucod sa duwag ay waláng
hiyáng pumapanatag? Ibá ang aking sapantahà tungcól sa Dios--ang
sinasabi niyá--sa ganáng akin ay hindî nasasawatâ ang isáng casam-an n~g
casam-an din, at hindî ipinatatawad sa pamamag-itan n~g m~ga waláng
cabuluháng pag-iyác at n~g m~ga paglilimós sa Iglesia." At inilálagáy
niyá sa akin ang ganitóng halimbáwà:--"Cung aking pinatáy ang isáng amá
n~g familia, cung dahil sa catampalasanan co'y nabao't nálugamì sa
capighatìan ang isáng babae, at ang m~ga masasayáng musmós ay naguíng
m~ga dukháng ulila, ¿mababayaran co cayâ ang waláng hanggang Catowiran,
cung aco'y cusang pabitay, ipagcatiwalà co ang líhim sa isáng
mag-iin~gat na howag máhayag, maglimós sa m~ga cura na siyáng hindî
tunay na nan~gagcacailan~gan, bumilí n~g "bula de composición," ó
tuman~gistan~gis sa gabí at araw? ¿At ang bao at ang m~ga ulila?
Sinasabi sa akin n~g aking "conciencia"[100] na sa loob n~g cáya'y dapat
acóng humalili sa táong aking pinatáy, ihandóg co ang aking boong lacás
at hanggáng aco'y nabubuhay, sa icágagalíng n~g familiang itóng acó ang
may gawâ n~g pagcapahamac, at gayón man, ¿sino ang macapagbibigay n~g
capalít n~g pagsintá n~g amá?"--Ganyán ang pan~gan~gatuwiran n~g inyó
pong amá, at ang anó mang guinagawa'y isinasangayong láguì sa mahigpit
na palatuntunang itó n~g wagás na caasalán, at masasabing cailán ma'y
hindî nagbigáy pighatî canino man; baligtád, pinagsisicapan niyáng
pawîin, sa pamamag-itan n~g magagandáng gawâ, ang m~ga tan~ging casawìan
sa catuwirang, ayon sa canyá'y guinawâ raw n~g canyáng m~ga nunò.
Datapuwa't ipanumbalic natin sa canyáng samaan n~g loob sa cura, ang
m~ga pagcacaalit na ito'y lumúlubhà; binábangguit siyá ni párì Dámaso
buhat sa púlpito, at cung dî tinutucoy siyá n~g boong liwanag ay isáng
himalâ, sa pagca't sa caugalian n~g paring iyá'y mahihintay ang lahát.
Nakikinikinita co nang masamâ ang cahahangganan n~g bagay na itó.
Muling humìntóng sandali ang matandáng Teniente.
--Naglílibot n~g panahón iyón ang isáng naguíng sundalo sa artillería,
na pinaalís sa hucbó dahil sa malabis na cagaspan~gán n~g canyáng ásal
at dahil sa camangman~gang labis. Sa pagca't kinacailan~gan niyáng
mabuhay, at hindi pahintulot sa canyá ang magtrabajo n~g mabigát na
macasisirà n~g aming capurihan[101], nagtamó siyá, hindî co alám cung
sino ang sa canyá'y nagbigáy, n~g catungculang pagca maninin~gil n~g
buwís n~g m~ga carruaje, calesa at ibá pang sasacyán. Hindî tumanggáp
ang abâ n~g anó mang túrò, at pagdaca'y napagkilala n~g m~ga "indio" ang
bagay na itó: sa ganang canilá'y totoong cahimahimalâ, na ang isang
castilà'y hindî marunong bumasa't sumulat. Pinaglilibacan ang culang
palad, na pinagbabayaran n~g cahihiyan ang násisin~gil na buwís, at
nalalaman niyáng siyá ang hantun~gan n~g libác, at ang bagay na itó'y
lalong nacáraragdag n~g dating masamâ at magaspáng niyang caugalîan.
Sadyang ibinibigay sa canyá ang m~ga sulat n~g patumbalíc;
nagpapaconwarî siya namáng canyang binabasa, at bago siyá pumifirma cung
sáan nakikita niyang waláng sulat, na ang parang kinahig n~g manóc na
canyáng m~ga letra'y siyáng larawang tunay n~g canyáng cataohan;
linálan~gap niyá ang masasacláp na cairin~gang iyón, n~guni't
nacacasin~gil siyá, at sa ganitóng calagayan n~g canyang loob ay hindi
siyá gumagalang canino man, at sa inyóng ama'y nakipagsagutan n~g
lubhang mabibigat na m~ga salitâ.
Nangyari isáng araw, na samantalang pinagpipihitpihit niyá ang isáng
papel na ibinigáy sa canyá sa isáng tindahan, at ibig niyáng málagay sa
tuwíd, nagpasimuláng kinawayán ang canyáng m~ga casamahan n~g isáng
batang nanasoc sa escuela, magtawá at itúro siya n~g dalirì. Naririn~gig
n~g táong iyón ang m~ga tawanan, at nakikita niyáng nagsásaya ang libác
sa m~ga dî makikibuing mukhâ n~g nan~garoroon; naubos ang canyang
pagtitiis, bigláng pumihit at pinasimulâang hinagad ang m~ga batang
nan~gagtacbuhan, at sumísigaw n~g "ba", "be", "bi", "bo", "bu."
Pinagdimlán n~g galit, at sa pagca't hindî siya mang-abot, sa canilá'y
inihalibas ang canyáng bastón, tinamaan ang isá sa úlo at nábulagtâ; n~g
magcagayo'y hinandulong ang nasusubasob at pinagtatadyacán, at alín man
sa nan~gagsisipanood na nanglilibac ay hindî nagcaroon n~g tapang na
mamag-itan. Sa casamaang palad ay nagdaraan doon ang inyóng amá. Napoot
sa nangyari, tinacbó ang maninin~gil na castilà, hinawacan siyá sa brazo
at pinagwicaan siyá n~g mabibigát. Ang castilàng marahil ang tin~gín sa
lahát ay mapulá na, ibinuhat ang camáy, n~guni't hindî siyá binigyang
panahón n~g inyong amá, at tagláy iyáng lacás na nagcácanulô n~g pagca
siyá'y apó n~g m~ga vascongado ... anáng ibá'y sinuntóc daw, anáng ibá
namá'y nagcasiyá, na lamang sa pagtutulac sa canyá; datapowa't ang
nangyari'y ang tao'y umúgà, napalayô n~g iláng hacbáng at natumbáng
tumamà, ang úlo sa bató. Matiwasay na ibinan~gon ni Don Rafael ang
batang may sugat at canyáng dinalá sa tribunal[102]. Sumuca n~g dugô ang
naguing artillerong iyón at hindî na natauhan, at namatáy pagcaraan n~g
iláng minuto. Nangyari ang caugalìan, nakialám ang justicia, piniit ang
inyóng amá, at n~g magcagayo'y nan~gagsilitáw ang m~ga lihim na caaway.
Umulán ang m~ga paratang, isinumbóng na siyá'y filibustero at hereje:
ang maguing "hereje" ay isáng casawîang palad sa lahát n~g lugar, lalong
lalo na n~g panahóng iyóng ang "alcalde"[103] sa lalawiga'y isáng taong
nagpaparan~galang siyá'y mapamintacasi, na casama ang canyáng m~ga
alílang nagdárasal n~g rosario sa simbahan n~g malacás na pananalitâ,
marahil n~g marinig n~g lahat at n~g makipagdasal sa canya; datapuwa't
ang maguíng filibustero ay lalong masamâ cay sa maguíng "hereje," at
masamâ pang lalò cay sa pumatáy n~g tatlóng máninin~gil n~g buwís na
marunong bumasa, sumulat at marunong magtan~gîtangì. Pinabayàan siyá n~g
lahát, sinamsám ang canyáng m~ga papel at ang canyáng m~ga libro.
Isinumbóng na siyá'y tumátanggap n~g "El Correo de Ultramar" at n~g m~ga
periódicong gáling sa Madrid; isinumbóng siya, dahil sa pagpapadalá sa
inyó sa Suiza alemana; dahil sa siyá'y násamsaman n~g m~ga sulat at n~g
larawan n~g isáng paring binitay, at ibá pang hindî co maalaman.
Kinucunan n~g maisumbóng ang lahát n~g bágay, sampô n~g paggamit n~g
bárong tagalog, gayóng siyá'y nagmulâ sa dugóng castilà[104]. Cung
naguing ibá sana ang inyóng amá, marahil pagdaca'y nacawalâ, sa pagcá't
may isáng málicong nagsaysáy, na ang ikinamatáy n~g culang palad na
maninin~gil ay mulâ sa isáng "congestión"[105]; n~guni't ang canyáng
cayamanan, ang canyáng pananalig sa catuwiran at ang canyáng galit sa
lahát n~g hindî naaayon sa cautusán ó sa catuwiran ang sa canyáng
nan~gagpahamac. Acó man, sacali't malakí ang aking casuclamán sa
pagluhog sa paggawâ n~g magalíng nino man, humaráp acó sa Capitán
General, sa hinalinhan n~g ating Capitán General n~gayón; ipinaliwanag
co sa canyáng hindî mangyayaring maguíng "filibustero" ang tumatangkilik
sa lahát n~g castilang dukhâ ó naglalacbay rito, na pinatutuloy sa
canyáng bahay at pinacacain at ang sa canyáng m~ga ugát ay tumátacbo pa
ang mapagcandiling dugóng castílà; ¡nawaláng cabuluháng isagót co ang
aking úlo, at ang manumpâ acó sa aking carukhâan at sa aking capuriháng
militar, at walâ acó n~g nasunduan cung dî magpakita sa akin n~g
masamáng pagtanggáp, pagpakitâan acó n~g lalong masamâ sa aking
pagpapaalam at ang pamagatán acó n~g "chiîlado"[106]!
Humintô ang matandâ n~g pananalità upang magpahin~gá, at n~g canyáng
mahiwatigan ang hindî pag-imíc n~g canyáng casama, na pinakikinggan
siyá'y hindî siyá tinítinguan, ay nagpatuloy:
--Nakialam acó sa usapín sa cahin~gian n~g inyóng amá. Dumulóg acó sa
bantóg na abogadong filipino, ang binatang si A--; n~guni't tumangguí sa
pagsasanggalang.--"Sa akin ay matatalo"--ang wicà sa
akin.--Panggagalin~gan ang pagsasanggaláng co n~g isáng bagong sumbong
na laban sa canyá at marahil ay laban sa akin. Pumaroon pô cayó cay
guinoong M--, na masilacbóng manalumpátì, taga España at lubháng
kinaaalang-alan~ganan. Gayón n~ga ang aking guinawâ, at ang balitang
abogado ang nan~gasiwa sa "causa" na ipinagsanggalang n~g boong
catalinuhan at caningnin~gán. Datapwa't marami ang m~ga caaway, at ang
ilá'y m~ga líhim at hindî napagkikilala. Saganà ang m~ga sacsíng sabuát,
at ang caniláng m~ga paratang, na sa ibang lugar ay mawawal-ang
cabuluhán sa isáng salitang palibác ó patuyâ n~g nagsásanggalang, dito'y
tumitibay at tumítigas. Cung nasusunduan n~g abogadong mawaláng
cabuluhán ang caniláng m~ga bintáng, sa pagpapakilala n~g
pagcacalabán-lában n~g canicanilang saysáy at n~g m~ga saysáy niláng
sarili, pagdaca'y lumálabas ang m~ga ibáng sumbóng. Isinusumbóng niláng
nan~gamcám siyá n~g maraming lúpà, hinin~gán siyáng magbayad n~g m~ga
casiráan at m~ga caluguiháng nangyari; sinabi niláng siya'y
nakikipagcaibigan sa m~ga tulisán, upang pagpitaganan nilá ang kanyáng
m~ga pananím at ang canyáng m~ga hayop. Sa cawacasa'y nagulóng totoo ang
usapíng iyón, na anó pa't n~g maguíng isáng taòn na'y waláng
nagcacawatasáng sino man. Napilitang iwan n~g "alcade"[107] ang canyáng
catungculan, hinalinhán siyá n~g ibang, ayon sa balita'y, masintahin sa
catuwiran, n~guni't sa casaliwâang palad, ito'y iláng buwán lamang
nanatili roon, at ang napahalili sa canyá'y napacalabis naman ang pagca
maibiguín sa mabuting cabayo.
Ang m~ga pagtitiis n~g hirap, ang m~ga samâ n~g loob, ang m~ga
pagdarálitâ sa bilangguan, ó ang canyáng pagpipighatî n~g canyáng
mapanood ang gayóng caraming gumaganti n~g catampalasanan sa guinawâ
niyá sa caniláng m~ga cagalin~gan, ang siyáng sumirà sa catibayan n~g
canyáng catawang bacal, at dinapúan siyá, niyáng sakít na ang libin~gan
lamang ang nacagagamot. At n~g matatapos na ang lahát, n~g malapit n~g
tamuhín niyá, ang cahatuláng siyá'y waláng casalanan, at hindî
catotohanang siyá'y caaway n~g Bayang España, at di siyá, ang may sala
n~g pagcamatáy n~g máninin~gil, namatáy sa bilanggúang walâ sino man sa
canyáng tabí. Dumatíng acó upang mapanood ang pagcalagót n~g canyáng
hinin~gá.
Tumiguil n~g pananalitâ ang matandâ; hindi nagsalitâ si Ibarra n~g anó
man. Samantala'y dumatíng silá sa pintúan n~g cuartel. Humintô ang
militar, iniabót sa canyá ang camáy at nagsabi:
--Binatà, ipagtanóng ninyó cay Capitang Tiago ang m~ga paliwanag.
N~gayó'y ¡magandáng gabí pô! Kinacailan~gan cong tingnán cung may
nangyayaring anó man.
Waláng imìc na hinigpît na mairog ni Ibarra ang payat na camáy n~g
Teniente, at hindî cumikibo'y sinundán n~g canyáng m~ga matá itó,
hanggáng sa dî na mátanaw.
Marahang bumalíc at nacakita siyá n~g isáng nagdaraang carruaje;
kinawayán niya ang cochero:
--¡Sa Fonda ni Lala!--ang sinabing bahagyâ na mawatasan.
--Marahil nanggaling itó sa calabozo--ang inisip n~g cochero sa canyáng
sarili, sacá hinaplit n~g látigo ang canyáng m~ga cabayo.