[5] _Colado_, ang taong hindi inaanyayaha'y cusang dumádalo sa isang
piguíng. Maraming di ano lamang sa mañ~ga bayanbayan, at lalonglalo na
dito sa Maynilà, ang mañ~ga taong di nating calahì, na hindî man
inaanyayahan ay nagdudumalíng dumaló sa man~ga piguíng nang man~ga
filipino, na canilang tinatawag _na indio_, at ang man~ga taong yaong di
natin calahì ang siyang tinatawag ni Rizal na man~ga _colado_ sa
piguíng.--P.H.P.
[6] Ang catutubong mahusay at dî nagbabagong calacarán n~g m~ga linikhâ
n~g Dios--P.H.P.
[7] Nang panahóng sulatin ni Rizal ang Noli me tangere ay hindi pa
umaagos dito sa Maynila ang tubig na inumíng nanggagaling sa ilog San
Mateo at Marikina. Talastas nang madla, na ang guinugol sa pagpapaagos
na ito ay ang ipinamanang salapi, upang iucol sa ganitong bagay, ni D.
Francisco Carriedo, castilang naguíng magistrado sa Real Audiencia nang
una. ¡Salamat sa isáng castílà, sa isáng hindî nating caláhì ay
nagcaroon ang Maynílà n~g tubig na totoong kinacailan~gan sa pamumuhay!
Maraming mayayamang filipinong bago mamatay ay nagpapamana n~g maraming
salapî at mahahalagáng cayamanan sa m~ga fraile ó sa m~ga monja,
datapowa't hindî nan~gababalinong magpamana n~g anó mang iguiguinhawa ó
magagamit sa pamumuhay n~g caniláng m~ga cababayan. Walâ rin acóng
nalalamang nagawáng handóg sa m~ga filipino ang m~ga fraile na
macacatulad n~g pamana n~g dakilang si Carriedo; gayóng dahil sa m~ga
filipino cayâ yumaman at naguíng macapangyarihan ang m~ga fraileng
iyan.--¡Culang palad na Filipinas!--Nang di pa umaagos ang tubig na
inumíng sinabi na ay sa ilog Pasig ó sa man~ga ibáng nacaliliguid sa
Maynilà umiiguib nang inumín at ibá pang cagamitan sa bahay, sacali't
ang bahay walang _algibe_ ó tipunán n~g tubig sa ulán.--P.H.P.
[8] Ang namamatnugot sa paggawâ n~g anó man edificio. Tinatawag na
edificio ang bahay, palacio, simbahan, camalig at iba pa.--P.H.P.
[9] Ang ladrillong parang pinggan ang pagcacayarì.--P.H.P.
[10] Ang "maceta" ay wicang castilà na ang cahuluga'y ang lalagyán n~g
lupà na pinagtatamnan n~g m~ga halamang guinágawang pangpamuti, sa
macatuwid ay malî ang tawag na "macetas" sa halaman.--P.H.P.
[11] Patun~gán n~g m~ga "maceta" ó pátirican n~g haligue ó ano mang
bagay.--P.H.P.
[12] Ang capisanan n~g guinagamit sa pagcaing cuchara, cuchillo, tenedor
at iba pa.--P.H.P.
[13] Ang sabing "caida" ay wìcang castilà, na ang cahuluga'y ang
pagcahulog, pagcálagpac, pagcárapâ pagcatimbuang, ó ang kinahuhulugan ó
ang laláy n~g ano mang bagay; datapuwa't dito sa Filipinas, ayawan cung
anong dahil, tinatawag na "caida" n~g m~ga castilà at n~g m~ga lahing
castila ang macapanhíc n~g báhay.--P.H.P.
[14] Ang panig n~g bahay na pinaglálagyán n~g mesang cacanán.--P.H.P.
[15] Mulíng pan~gan~ganac. Ang panahong nagpasimulâ nang calaghatian
nang Siglo XV, na napucaw sa man~ga taong tubò sa dacong calunuran n~g
Sandaigdigan ang masilacbong pagsisiyasat nang m~ga maririkit na
guinagáwâ sa una nang m~ga griego at nang m~ga latino--P.H.P.
[16] Bataláng bató, na ang caraniwa'y baldosa ang tungtun~gan.--P.H.P.
[17] Sa convento n~g Antipolo ay may isang cuadrong catulad nitó.--J.R.
[18] Isáng pabilóg na parang culuong na ang caraniwa'y pinagagapan~gan
n~g m~ga halaman.--P.H.P.
[19] Ang ilawang san~gasan~ga na ibinibiting may m~ga pamuting m~ga
cristal na nagkikislapan.--P.H.P.
[20] Isáng papatun~gang cahoy, na catulad n~g papag na mababà ang
anyô.--P.H.P.
[21] Cahoy na caraniwang tawaguin n~g tagalog na "Palo-China." Ang cahoy
na ito'y caraniwan sa Europa at América. Sumisibol din sa Benguet, dito
sa Filipinas, dahil sa malamíg ang sin~gaw roon.--P.H.P.
[22] Natuclasán ang paggawâ n~g "piano" n~g siglo XIII at siyang naguing
cahalili n~g "clavicordio" at n~g "espineta." Alinsunod sa anyô at lakí
ay tinatawag na piano de mesa, piano de cola, piano de media cola, piano
vertical, piano diagonal at iba pa. Ang piano de cola'y nacahigang
parang mesa, na sa isáng dulo'y malapad at sa cabiláng dulo'y makitid at
isá sa m~ga lalong mahál ang halagá.--P.H.P.
[23] Tinatawag na larawang "al óleo," (retrato al óleo) ang larawang
ipinípinta sa pamamag-itan n~g m~ga culay ó pinturang tinunaw sa
lan~gis.--P.H.P.
[24] Sambahan n~g m~ga judío.--P.H.P.
[25] Caraniwang tinatawag na Nuestra Señora ang anó mang larawan ni
Guinoong Santa María, na halos may dî mabilang na pamagát: Nuestra
Señora del Carmen, cung may m~ga escapulario sa camay; Nuestra Señora
del Rosario, cung may tan~gang cuintás; Nuestra Señora de la Correa,
cung nacabigkís n~g balát, Nuestra Señora de Turumba, Nuestra Señora de
Salambaw at iba pang lubháng napacarami.--P.H.P.
[26] "Hindî carapatdapat" ang cahulugán n~g sabing "indigno," salitang
caraniwang sabihin n~g m~ga nacacastiláan.--P.H.P.
[27] Tinatawag na cadete ang nag-aaral sa isáng colegiong doo'y
itinutúrò ang m~ga bagaybagay na nauucol maalaman n~g isáng militar.
[28] Taga ibáng lúpà, sa macatuwid ay hindî taga Filipinas ang cahulugán
n~g sabing "extranjero." Gayon ma'y dî caraniwang tawaguing "extranjero"
ang insíc, ang castílà, ang turco, ang japonés, ang bombay, ang colombo
at ibá pa; sila'y tinatawag ditong insíc, castílá, "turkiano," japón,
bombay, colombo. Tinatawag lamang "extranjero" ang inglés, alemán,
francés, suizo at ibá pa, sa pagca't iniuucol lamang ang sabing
"extranjero" sa m~ga man~gan~galacal na may malalaking puhunan.--P.H.P.
[29] Ang bubóng na tablá n~g m~ga sasacyán.
[30] Tinatawag na "paisano" n~g m~ga sundalo ang hindî militar.--P.H.P.
[31] Caraniwang tinatawag na "biscuit" ang biscochong na sa m~ga
maliliit na latang nanggagaling sa Inglaterra. Tinatawag dito sa ating
"biscocho" ang m~ga malulutóng na tinapay, gaya n~g tinatawag na
"biscocho y caña" at "biscocho y dulce," at ang tunay na biscocho'y
tinatawag na "sopas" n~g m~ga dî nacaaalám n~g wicang castílà. N~gayo'y
gumágawâ na rito sa atin n~g masasaráp na biscochong hindî saból sa m~ga
nanggagaling sa Inglaterra, ang _La Perla_ ni G.J.E. Monroy, ang _La
Fortuna_ ni G. Claro Ong at ibá pa. Carapatdapat papurihan ang m~ga
cababayang itóng naglíligtas sa Filipinas na bomobowís sa m~ga taga
ibáng lupaín sa pagbilí n~g m~ga bagay na dito'y nagágawâ.--P.H.P.
[32] Maran~gal na general ni Cárlos V at ni Felipe II. Siya ang
nagtagumpáy sa panghihimagsic n~g Paises Bajos at nacalupig sa
Fort.--P.H.P.
[33] Ang talaán n~g m~ga oficial at m~ga púnò sa m~ga hucbó.
[34] Ang may catungculang umusig sa masasamang tao at man~gasiwà sa
capanatagán n~g m~ga bayanbayan. N~g panahón n~g Gobierno n~g España'y
may dalawang bagay na Guardia Civil dito sa Filipinas: "Guardia Civil"
ang pan~galan n~g m~ga na sa bayanbayan n~g m~ga lalawigan, at "Guardia
Civil Veterana" ang na sa ciudad n~g Maynílà.--Pawang m~ga filipino ang
m~ga sundalo n~g Guardia Civil at n~g Guardia Civil Veterana, at m~ga
castílà ang m~ga oficial at ang m~ga púnò. Manacánacáng nagcacaroon n~g
alferez at tenienteng m~ga filipino. Ang nahalili n~gayon sa Guardia
Civil ay ang Policía Insular, na tinatawag ding Policía Constabularia,
at sa Guardia Civil Veterana ay ang Policía Metropolitana na pawang
americano at ang Policía Municipal na pawang filipino. Bucod sa Guardia
Civil at Veterana'y may m~ga Cuadrillero pa na pawang filipino ang m~ga
sundalo at pinunò, na ang caraniwa'y fusil na walang cabuluhán at
talibóng ang m~ga sandata. N~g m~ga hulíng taón n~g Gobierno n~g
castila'y nagcaroon sa Maynílà n~g m~ga tinatawag na "Guardia
Municipal," na ang dalang sandata'y revolver at sable. Sa macatuwíd ang
m~ga namamahalà n~g catahimican n~g m~ga namamayan, n~g m~ga hulíng
panahón n~g m~ga castilà, dito sa Maynílà'y ang Guardia Civil Veterana,
ang Guardia Municipal at ang Cuadrillero, at sa m~ga lalawiga'y ang
Guardia Civil at ang Cuadrillero, bucód sa Policía Secreta na itinatag
dito sa Maynílà, hindî co matandaan cung n~g taóng 1894 ó 1895.--P.H.P.
[35] Ang nagtuturò sa paaralan.--P.H.P.
[36] Colegio ó paaralang m~ga fraileng dominico ang may-arì at silá rin
ang nan~gagtuturò.
[37] Tinatawag na "dialéctico" ang gumagamit n~g dialéctica. Ang
"dialéctica'y" ang carunun~gang ucol sa pag iisip-ísip at ang m~ga
pinanununtunang landás sa bagay na itó.--P.H.P.
[38] Si Santo Domingo de Guzman ang nagtatag n~g capisanan n~g m~ga
fraileng dominico cayá sila'y tinatawag na m~ga anác ni Guzman.--P.H.P.
[39] Ang nananatili sa pakikipanayam sa sangcataohan; ang hindî
sacerdote.
[40] Ang nagpápalagay n~g m~ga paláisipang dapat sagutin at tutulan sa
pan~gan~gatowiran n~g catalo.
[41] Ito'y ang balitang si G. Benedicto de Luna, marunong na abogadong
filipino.
[42] Ang pagtatan~gî at pagbubucod n~g pinagmamatuwirang anó man.
[43] Ang m~ga inanác ó iniapó n~g m~ga unang senador sa Roma.
[44] M~ga fraile.
[45] Si Enrique Heine ay bantóg na poeta at crítico alemán. Sumulat sa
wicang alemán. Ipinan~ganác n~g 1796 at namatáy n~g 1856.
[46] Ang m~ga dios sa pinagtapunan.
[47] Ang Tyrol ay isáng magandáng panig n~g Suiza at Baviera at isá sa
m~ga lalawigan n~g Austria-Hungría. May siyam na raang libong tao ang
namamayan doon.
[48] Tinatawag na equinoccio ang pagcacaisá n~g hábà n~g araw at n~g
gabí. Nagcacaequinoccio pagpapasimulâ n~g signo Aries at pagpapasimulâ
namán n~g signo Libra. May equinoccio n~g tag-araw, mulâ sa 20 hanggang
21 n~g Marzo, at may equinoccio n~g tag-ulan, mulâ sa 22 hanggang 23 n~g
Septiembre.
[49] Halos talós n~g lahát n~g fipinong ang cahulugán n~g "morisqueta"
ay canin; n~guni't ang walâ marahil nacacaalám niyan ay cung saang wicà
nanggaling; sa pagca't ang sabing morisqueta'y hindî wicang castilà,
hindî tagalog, hindî latín, hindî insíc at iba pa. ¿Ang m~ga fraile cayâ
ang nagtatag n~g salitang iyan?
[50] Sinabi co na sa sa isá sa m~ga paunawà sa Buhay ni Rizal na sa
pasimulâ n~g librong itó na ang sabing "indio" ay wicang castilà na ang
cahuluga'y túbò ó inianác sa India. Ang Filipinas ay m~ga pulóng na sa
panig n~g libutáng tinatawag na "Oceanía," at ang India ay na sa panig
n~g libutáng tinatawag na Asia. Ang tawag na indio n~g m~ga fraile, n~g
m~ga castilà at n~g m~ga lahing putî sa m~ga túbò sa Filipinas ay isáng
pag-alimura at pagcutyâ sa m~ga lahing caymanggui. Caacbáy n~g sabing
indio ang cahulugang tamád, waláng damdamin, han~gal, dugong mabábà,
cutad na ísip, ugaling pan~git, waláng cahihiyan at iba pang lalong m~ga
casamasamâan. Sacsí nitóng m~ga sabi co ang m~ga sinulat n~g m~ga
fraile't castilà tungcol sa Filipinas. N~guni't ang lalong nacatátawa'y
ang m~ga táong túbò rin dito sa Filipinas, na dahil sa maputî ang
caniláng balát ay tumatawag sa capowâ tagritong caymangui n~g indio ...
¡M~ga dukhang damdamin!--P.H.P.
[51] Ito'y lubós na catotohanan. Ang sumusulat nito'y nacapan~gumpisal
n~g panahóng cabataan pa sa isáng fraileng palibhasa'y bahagyâ n~g
macawatas n~g wicang tagalog, ipinipilit na ang casalanang ikinucumpisal
ay sabihin n~g nan~gun~gumpisal sa m~ga salitáng cahalayhalay at
magagaang na sa Diccionariong wicang castilà at wicang tagalog na
sinulat n~g caniláng capowà fraile.--P.H.P.
[52] Ang m~ga sinisin~gíl sa binyag, casal, tawag, libíng, campana,
ciriales at iba pa.
[53] Ang caraniwang tinatawag na "manong" ó "manang", galing sa salitang
"hermano", "hermana". May dalawang bagay na manong, ang manong na
franciscano ó franciscana at manong na dominico ó dominicana.
[54] Dating estancado ang tabaco dito sa Filipinas. Ang Gobierno n~g
España ay siyang namímilì n~g tabacong dahon sa m~ga magsasacá sa m~ga
bayang may pahintulot na magtaním n~g tabaco, ang Gobierno ang
nagpapadalá dito sa Maynílà siya ang nagpapagawa n~g tabaco at
cigarrillo at siya rin ang nagbibilí. Sino ma'y walang nacabibilí n~g
tabacong dahon cung dî ang Gobierno at sino ma'y walang nacapagbibilí
n~g tabacong dahon, n~g tabacong yarì at n~g cigarrillo cung dî ang
Gobierno. Sa m~ga bayang may pahintulot na magtaním n~g tabaco'y may
m~ga cagawad ang Gobierno, na siyang nan~gan~gatawa't n~g gumalíng ang
taním na tabaco at mag-ani n~g marami. Ang Gobiernong mamimili ay siya
ring nagháhalaga n~g tabacong dahong canyang biníbili. N~g taóng 1883 ay
inalís dito sa Filipinas n~g Gobierno n~g España ang estanco n~g tabaco
at binigyang calayaan ang lahat na macapagtaním at macapagbilí n~g
tabacong dahon, tabacong yarì ó cigarrillo, at ang inihalili sa estanco
ay iba't ibang bagay na pagpapabowis sa m~ga tagarito.--P.H.P.
[55] Alac na Jerez, na nanggagaling sa uvas na inaani sa bayang Jerez de
la Frontera, na sacop n~g lalawigang Cadiz, caharian n~g España. Ang
bayang iyo'y mayaman, nasa tabí n~g ilog Guadalete at may 62,009 ang
nananahang tao.--P.H.P.
[56] Tinatawag na Evangelio ang m~ga sinulat ni San Mateo, San Lucas,
San Marcos at San Juan. Ang m~ga sinulat n~g apat na Santong itó, na dî
iba cung dî ang casaysayan n~g m~ga ipinan~garal at buhay ni Jesucristo,
ang siyang pinagpapatuunan n~g m~ga utos at palatuntunan n~g Iglesia
Católica Apostólica Romana, n~g Iglesia Cismática sa Rusia at sa Grecia,
n~g Iglesia Protestante at n~g Iglesia Filipina Independiente.--P.H.P.
[57] Ang cahulugan n~g sabing indolente ay ang táong hindî napupucaw ang
loob sa m~ga bagay na sa iba'y nacasakit. Ang walang malasakit sa ano
man, ang mabagal, ang tamád.
[58] "Bailujan," galing sa sabing "baile," sayáw. Ang baile ay wicang
castilà. Ang "bailuhan" ay hindî guinagamit n~g m~ga fraile at n~g m~ga
castilà dito sa Filipinas cung dî ang sabing "baile" pagca ang sayawan
ay sa bahay n~g capowà castílà, at "bailujan" pagca ang sayawan ay sa
bahay n~g m~ga filipino. Sa maiclíng sabi, ang cahulugan n~g "bailujan"
ay sayáw na carapatdapat cutyaín, catawátawá, waláng cahusayan.
[59] Ang "loto" ay isáng cahoy sa Africa. Anang m~ga poeta, ang taga
ibang lupaíng macacain daw n~g bun~ga n~g "loto" ay nacalilimot sa
canyang kinamulatang bayan.
[60] Sa macatuwid baga'y sucat na ang magcaroon n~g caunting pag-iisip.
[61] Caugalian sa m~ga castilang hindî "usted" (cayó pô) na guinagamit
sa caraniwan, cung dî "Vuestra Reverencia" ó "Vuesarevencia" (sa
cagalanggalang pô ninyo) ang siyang ibinibigay na galang sa m~ga fraile
sa pakikipag-usap sa canila.
[62] Ipinan~gun~gusap n~g "ereje," sa pagca't sa wicang castila'y hindi
isinasama ang h sa pagbasa. Tinatawag na "hereje" ang cristianong
sumásalansang ó hindi sumasampalataya sa m~ga pinasasampalatayanan n~g
Iglesia Católica Apostólica Romana.--P.H.P.
[63] Ang kinácatawan n~g Dios.
[64] Maliit na general; sa macatuwíd baga'y waláng halagang general.
[65] Maliit na general Capansanan.
[66] "Su excelencia" sa wicang castila, paunlác na tawag sa Capitan
General at sa iba pa n~g m~ga castila.--P.H.P.
[67] Pan~galawa n~g Real Patrono. Tinatawag na Real Patrono n~g Iglesia
Católica Romana ang Harî sa España. Haring tagatangkilic ang cahulugan
sa wicang tagalog--P.H.P.
[68] Hindî acó nasísilong cahi't siya'y pan~galawá man n~g harì--ang
ibig sabihin ni Pári Dámaso.--P.H.P.
[69] Mulà sa taóng 1717 hangang 1719 ay naguíng Gobernador General sa
Filipinas si Don Fernando Bustamante. Sa pagca't canyáng napagunáwà ang
malaking m~ga pagnanacaw sa pamamanihalà n~g salapî n~g Harì, minagálíng
niya ang magtatag n~g m~ga bágong utos sa pamamahalâ n~g salapî n~g
calahatán. Pinasimulán niyáng kinulóng sa bilangguan ang m~ga taong
pinaghihinalàan; sila'y canyáng pinag-usig sa haráp n~g m~ga tribunal.
Galít na galít cay Bustamante ang m~ga may matataas na catungculang sa
ganito'y nan~gagsipan~ganib na mapahamac, at sa gayóng cahigpita'y hindî
nan~gabihasa cailán man. Sa pagcá't nabalitàan ni Bustamante ang
panucalang manghimagsic laban sa canyáng capangyariha't pamamahálà, at
tinatangkílic n~g m~ga fraile sa caniláng m~ga simbahan ang lalong m~ga
kilaláng mahihigpít niyáng m~ga caaway, naglathalà siyá n~g pagtawag sa
lahát n~g m~ga lalaking may mahiguít na labíng apat na taón upang
man~gagsipanig sa hucbòng magsasanggaláng sa capangyarihan n~g Harì.
Dinin~gíg n~g bayan ang pag tawag na iyón, at nátatag ang isang hucbó
n~g m~ga cusang pumasoc sa pagsusundalo. Nan~gagsifirma ang Arzobispo at
iláng m~ga abogado sa isáng casulatang doo'y itinututol na waláng
capangyarihan at waláng catowiran daw si Bustamante na ipag-utos ang
pagpapabilangô sa notariong si Osejo, na tumacbò at nagtagò sa simbahang
Catedral: dahil dito'y ipinag-utos n~g Gobernador General na dacpín at
ibilanggô ang arzobispo at gayon din ang m~ga abogadong cainalám sa
gayong panucalang catacsilan.--Pinanggalin~gan ang m~ga
pagpapabilanggong itó n~g iba't ibang m~ga caguluhan, at sa tacot n~g
m~ga fraileng bacâ síla namán ang pag-usiguin, minagalíng nilá ang silá
ang mamatnugot sa m~ga lumálabag sa capangyarihan n~g
Gobernador.--Lumabás sa m~ga simbahan ang m~ga nagtatagò roon, nagdalá
n~g m~ga sandata, at n~g macasanib na sa canilá ang iláng m~ga tagarito,
lumacad silá't ang tinun~go'y ang palacio n~g Gobernador, na n~g
panahóng iyó'y na sa taguilirang ilaya n~g tinatawag n~gayóng Plaza ni
William McKinley. Nan~gun~guna sa paglacad ang m~ga fraile na may m~ga
hawac na Santo Cristo sa caniláng m~ga camáy. Nang maalaman ni
Bustamante ang gayóng panghihimagsic, ipinag-utos sa canyáng m~ga
guardiang barilín ang m~ga nanghihimagsic na iyón; datapuwa't hindî
sumunód sa canyáng utos ang m~ga sundalo, at n~g dumating ang m~ga
nanghihimagsic sa tapát n~g palacio, isinucô nilá ang caniláng m~ga
sandata sa haráp n~g pagca damít sacerdote n~g m~ga fraileng nán~gagtaás
ang m~ga camay na may hawac na m~ga Santo Cristo at m~ga larawan n~g
Santo. Pinabayaan din n~g m~ga sundalong alabardero na silá'y macapasoc.
Lumabás ang cahabaghabag na si Bustamanteng may sandatang hawac, at
sinalubong sa hagdanan ang m~ga nanghihimagsic. Hinandulong siyá n~g
m~ga nanghihimagsic at sa sandali lamang ay may sugat na siyáng malubha.
Dumaló sa canyá ang canyang anác na lalaki, at itó nama'y agád binaril
at nasugatan n~g bála. Kinaladcad n~g m~ga nanghihimagsic ang canilang
Gobernador na naghihin~galó hanggang sa isáng bilangguang na sa silong
n~g Audiencia, at doon siya namatáy n~g magtatakip silim n~g hapon n~g
araw ring iyong ica 11 n~g Octubre n~g 1719; ipinagcaít sa canyá ang
lahát n~g saclolo at hindi siyá binigyán n~g isá mang lamang vasong
tubig. Kinaladcád namán ang anác n~g Gobernador General sa talian n~g
m~ga cabayo sa palacio, at doon siya namatáy n~g hapon ding iyón, at
ipinagcáit sa canyáng macaguibíc ang sino man manggagamot at itinangguí
sa canyá ang lahat n~g bagay na saclolo. Ang m~ga nanghimagsic na
pinamunuan n~g m~ga fraileng pumupuri at nagpapaunlac sa m~ga pumatáy sa
Gobernador at sa canyáng anác ay nan~gagsitun~go sa cúta n~g Santiago at
doo'y kinuha at pinawalán ang arzobispo, na pagdaca'y siyá, ang nagatang
sa sarili n~g catungculang pagca Gobernador General sa Sangcapuluang
itó. Hindi nagcamít parusa cailan man ang m~ga cakilakilabot na
katampalasanang ito.--Sinipi sa "Censo de las Islas Filipinas" n~g 1903,
tomo I, página 342--P.H.P.
[70] "Su Majestad el Rey" sa wicang castilà. Masasabing: "ang
Macapangyarihan Harì."
[71] Sa matuwid bagá'y hindi niya pinahahalagahan ang taong sinasabi n~g
Teniente.
[72] Aayaw kilalanin n~g m~ga fraile si Alfonso XII, na n~g panahong
sinasabi sa "Noli me tangere" ay síyang hari sa España, cung di si
Cárlos de Borbón na naghahan~gad na siyáng maghari sa m~ga castilà.
Dahil sa paghahan~gád na ito'y silasila ring m~ga castilà ang
nan~gagsipagbaca, at maraming dugò ang nabuhos. Ang unang nacabaca n~g
reina Cristina at n~g reina Isabel II ay si Cárlos de Borbón, capatid ni
Fernando VII; isinalin niyá pagcatapos ang tinatawag niyang catuwiran sa
Corona n~g España sa canyáng anác na si Cárlos Luis, na nagpamagat n~g
Conde de Montemolin at haring Cárlos VI, na siyang muling nagsabog n~g
caligaligan, dugô at m~ga capahamacan sa España, sa isang manin~gas na
pagbabaca at n~g siyá'y matalo'y omowi sa Trieste at doon namatáy n~g
1861.
Humalili cay Cárlos Luis ang canyang capatíd na si Juan Borbón, n~guni't
walà itóng nagawáng may cahulugán.
Ang anác ni Juang nagn~gan~galang Cárlos at nagpamagát n~g haring Cárlos
VII ang siyang nagpatuloy n~g pagbabaca, sa udyóc at tulong n~g m~ga
fraile at macafraile. Pinasimulán ang icatlong pagbabaca sa Españang
m~ga capowa castila rin ang nagpatayan, n~g 8 n~g Abril n~g 1872. N~g
panahong iyó'y maraming totoong salapi ang ipinadaláng galing sa
Filipinas na handóg n~g m~ga fraile cay Cárlos, datapuwa't wala ring
kinahinatnan ang pagpupumilit nitó, n~g m~ga fraile at n~g m~ga
macafraile, cung dî magsabog n~g dugong calahi at papaghirapin n~g di
ano lamang ang España. Natapos ang pagbabaca roon n~g 27 n~g Febrero n~g
1876, araw na ibinalic ni Cárlos sa Francia. Ang pinacamabuti sa m~ga
general nito'y si Zumalacárregui at si Cabrera. Cumilala at sumuco si
Cabrera sa haring Alfonso XII n~g taóng 1895. Cung pamagatán si Don
Cárlos n~g m~ga castila'y "Cárlos Chapa."
Marahil ibiguin n~g m~ga bumabasang maalaman cung ano ang dahil n~g
pagbabacang ito, na nagpasimula n~g 2 n~g Octubre n~g 1833 at nagtapós
n~g 27 n~g Febrero 1876, at aking sasabihin sa maicling salitâ:
Bago pa lamang nacacawalâ ang España sa capangyarihan n~g m~ga francés,
ay nagpasimulâ na ang panúcalà n~g m~ga fraile at n~g m~ga macafraileng
papanumbalikin doon ang pagtatatag ulî n~g "absolutismo"; sa macatuwid
baga'y ang capangyarihan n~g haring magawâ ang bawa't maibigan, at
manumbalic ang "tribunal n~g Inquisición." Hindi pumayag si Fernando VII
sa gayóng balac, at sa gayó'y kinagalitan siya at minagaling n~g m~ga
fraileng sa canyá'y mahalili ang canyáng capatid na si Cárlos María
Isidro de Borbón, na nan~gacong cung siya ang maguiguing harì ay gagawin
niya bawa't ibiguin n~g Papa at n~g m~ga fraile. Bago namatáy si
Fernando ay gumawa itó n~g testamentong isinasalin niya ang canyáng
corona sa canyáng anác na babaeng si Isabel. N~g mamatay si Fernando VII
n~g 29 Septiembre n~g 1833 ay nahahanda na upang bacahin ang hahaliling
reinang si Isabel II, na sa pagca't musmós pa noon, ang namamahalà n~g
caharia'y si reina Cristinang nabao cay Fernando VII, at n~g icatlóng
araw n~g pagcamatay nitó'y pinasimulaan na n~gâ ang pangguguló sa España
ni Cárlos, na tinutulun~gan n~g papa, n~g m~ga fraile, n~g lahat n~g
m~ga párì at n~g canilang m~ga cacampi.
N~gayóng m~ga panahóng itó'y mahinang mahinà na ang carlismo sa España,
at sila sila'y nagsisirâan. May nan~gagpapan~galang "integrista" na
siyang nan~gag-iibig n~g "absolutismo" at n~g "inquisición," at
"mestizo" ang itinatawag nila sa sumasang ayon sa calagayang dalá n~g
panahón at ayaw sa "inquisición" at sa "absolutismo." N~gayo'y macucurò
na cung bakit aayaw kilalanin n~g m~ga fraileng hárì nila si Alfonso XII
at si Alfonso XIII man; n~guni't ang sawicain n~ga n~g m~ga castilà'y "á
la fuerza ahorcan" (sapilitan ang pagbitay). Aayaw man sila'y sapilitang
nilálagoc ang apdóng handóg n~g catuwiran at n~g catotohanan.--P.H.P.
[73] Sa canyáng calagayan ó sa canyáng sarili.
[74] Sa galit ay nabiglaanan.
[75] Sa bibíg lamang.
[76] Mulâ sa púsò, taimtim sa púsò.
[77] Na sa pag-iisip.
[78] Sa isáng pagcacataón, hindi sinasadya.
[79] Sa pagcacataon at sa ganáng akin.
[80] Ang páring catulong n~g cura. N~g panahón n~g Gobierno n~g España,
halos ang lahat n~g paring filipino ay pawang coadjutor lamang ang
naaabot na catungculan; bihirang bihirà ang naguiguing cura, at ang
caraniwa'y m~ga fraile ang naguiguiug cura; caya't ang lahát n~g m~ga
cura halos sa sangcapuluang ito'y pawang m~ga fraile. Aliping mistulà
ang pagpapalagay n~g m~ga curang fraile sa m~ga coadjutor na filipino.
Salamat sa revolucióng guinawa n~g Katipunang tatag ni Gat Andrés
Bonifacio'y nahan~gò ang m~ga paring filipino sa gayóng caalipinan;
datapuwa't hanggá n~gayò'y walá isá man lamang sa m~ga paring filipinong
nacacagunitang magpaunlác cay Gat Andrés Bonifacio. Cahimanawarì sila'y
man~gáguising sa panahóng hináharap. ¡Wala n~g carimarimarim na púsong
gaya n~g di marunong tumumbás sa utang na loob!!!]
[81] Ang sumusulat n~g m~ga inilalathala sa m~ga periódico ó
pámahayagan.
[82] Ang may almacen ó tindahan. Tinatawag ding almacenero ang catìwala
sa pag-iin~gat n~g m~ga camalig na ligpitan n~g anó man, ó ang isáng
catungculan sa Gobiernong ganito ang pan~galan.--P.H.P.
[83] Caugalìan n~g m~ga taong may pinag-aralang cung pumapanhic silá sa
bahay n~g isang hindî cakilala, ang siya'y iharap sa maybahay n~g isáng
cakilala nitó at sabihing:--"May capurihan po acóng ipakikilala sa inyó
si guinoong Fulano."--P.H.P.
[84] Ang monje Bernardo Schwart, alemân, na siyáng nacátuclas n~g
pag-gawâ n~g pólvora n~g siglo XIV.--P.H.P.
=II.=
=CRISOSTOMO IBARRA=
Hindî magagandá at mabubuting bíhis na m~ga dalaga upang pansinín n~g
lahat, sampô ni Fr. Sibyla; hindî ang cárilagdilagang Capitan General na
casama ang canyang m~ga ayudante upang maalís sa pagcatigagal ang
teniente at sumalubong n~g ilang hacbáng, at si Fr. Dámaso'y maguíng
tila nawal-an n~g díwà: sila'y walâ cung dî ang "original" n~g larawang
naca frac, na tan~gan sa camáy ang isáng binatang luksâ ang boong
pananamit.
--¡Magandang gabí pô, m~ga guinoo! ¡Magandang gabí pô "among"[85]!--ang
unang sinabi ni Capitang Tiago, at canyáng hinagcan ang m~ga camáy n~g
m~ga sacerdote, na pawang nacalimot n~g pagbebendicion. Inalís n~g
dominico ang canyang salamín sa mata upang mapagmasdan ang bagong datíng
na binatà at namumutlâ si Fr. Dámaso at nangdídidilat ang m~ga matá.
--¡May capurihan acóng ipakilala pô sa inyó si Don Crisòstomo Ibarra, na
anác n~g nasirà cong caibigan!--ang ipinagpatuloy ni Capitang
Tiago.--Bagong galing sa Europa ang guinoong ito, at siya'y aking
sinalubong.
Umalin~gawn~gaw ang pagtatacá n~g márin~gig ang pan~galang ito;
nalimutan n~g tenienteng bumatì sa may bahay, lumapit siya sa binatà at
pinagmasdan niya ito, mulâ sa paa hanggang ulo. Ito'y nakikipagbatian
n~g m~ga ugaling salitâ n~g sandalíng iyon sa boong pulutóng; tila
mandin sa canya'y walang bagay na naíiba sa guitnâ n~g salas na iyon,
liban na lamang sa canyang pananamít na itím. Ang canyang taas na higuít
sa caraniwan, ang canyang pagmumukhâ, ang canyang m~ga kílos ay pawang
naghahalimuyac niyang cabataang mainam na pinagsabay inaralan ang
catawa't cálolowa. Nababasa sa canyang mukháng bucás at masayá ang
cauntíng bacás n~g dugong castilà na naaaninag sa isang magandáng culay
caymanggui, na mapulapulá sa m~ga pisn~gi, marahil sa pagcápatira niya
sa m~ga bayang malalamíg.
--¡Abá!--ang biglang sinabi sa magalác na pagtatacá--¡ang cura n~g aking
bayan! ¡Si parì Dámaso: ang matalic na caibigan n~g aking amá!
Nan~gagtin~ginang lahat sa franciscano: ito'y hindi cumilos.
--¡Acó po'y pagpaumanhinan ninyó, aco'y nagcámali!--ang idinugtong ni
Ibarra, na ga nahihiyâ na.
--¡Hindî ca nagcámali!--ang sa cawacasa'y naisagot ni Fr. Dámaso, na
sirâ ang voces.--N~guni't cailan ma'y hindî co naguíng caibigang matalic
ang iyong amá.
Untiunting iniurong ni Ibarra ang canyang camáy na iniacmáng humawac sa
camáy ni parì Dámaso, at tiningnan niya itó n~g boong pangguiguilalas;
lumin~gón at ang nakita niya'y ang mabalasic na anyô n~g teniente, na
nagpapatuloy n~g pagmamasíd sa canya.
--Bagongtao, ¿cayó po bâ ang anác ni Don Rafael Ibarra?
Yumucód ang binatà.
Ga tumindíg na sa canyang sillón si Fr. Dámaso at tinitigan ang
teniente.
--¡Cahimanawarî dumatíng cayong malualhatì dito sa inyong lupaín, at
magtamó nawâ pô cayó n~g lalong magandang palad cay sa inyong ama!--ang
sabi n~g militar na nan~gin~ginig ang voces. Siya'y aking nakilala at
nácapanayam, at masasabi cong siya'y isa sa m~ga taong lalong
carapatdapat at lalong may malinis na capurihán sa Filipinas.
--Guinoo--ang sagót ni Ibarrang nababagbag ang púsò--ang inyo pong
pagpuri sa aking amá ay pumapawì n~g aking m~ga pag-alap-ap tungcol sa
caniyang kinahinatnang palad, na aco, na canyang anác ay di co pa
napagtátalos.
Napunô n~g lúhà ang m~ga matá n~g matandà, tumalicód at umalís na
dalídálì.
Napag-isa ang binata sa guitnâ n~g salas; at sa pagca't nawalâ ang may
bahay, walâ siyang makitang sa canya'y magpakilala sa m~ga dalaga, na
ang caramiha'y tinitingnan siya n~g may paglin~gap. Nang
macapag-alinlang may iláng minuto, tinun~go niya ang m~ga dalagang
tagláy ang calugodlugod na catutubong kilos.
--Itulot ninyo sa aking lacdan~gan co--anya--ang m~ga utos n~g mahigpit
na pakikipagcapwa tao. Pitóng taón na n~gayong umalís acó rito sa aking
bayan, at n~gayong aco'y bumalíc ay hindi co mapiguilan ang nasang aco'y
bumáti sa lalong mahalagang hiyas niya; sa canyang m~ga suplíng na
babae.
Napilitan ang binatang lumayò roon, sa pagca't sino man sa m~ga dalaga'y
waláng nan~gahás sumagot. Tinun~go niya ang pulutóng n~g ilang m~ga
guinoong lalaki, na n~g mámasid na siya'y dumarating ay nan~gagcabilog.
M~ga guinoo--anya--may isang caugalían sa Alemaniang pagca pumaparoon sa
isang capisanan, at walang masumpun~gang sa canya'y magpakilala sa m~ga
ibá; siya ang nagsasabi n~g canyáng pan~galan at napakikilala, at
sumasagot naman ang m~ga causap n~g sa gayón ding paraan. Itúlot pô
ninyó sa akin ang ganitóng ugálì; hindî dahil sa ibig cong dito'y
magdalá n~g m~ga asal n~g m~ga tagá ibáng lupain, sa pagca't totoong
magaganda rin naman ang ating m~ga caugalian, cung dî sa pagca't
napipilitan cong gawín ang gayong bagay. Bumati na acó sa lan~git at sa
m~ga babae n~g aking tinubuang lúpà: n~gayo'y ibig cong bumati naman sa
m~ga cababayan cong lalaki. ¡M~ga guinoo, ang pan~galan co'y Juan
Crisóstomo Ibarra at Magsalin!
Sinabi naman sa canya n~g canyang m~ga causap ang canicanilang m~ga
pan~galang humiguit cumulang ang pagca walang cabuluhan, humiguit
cumulang ang pagca hindî nakikilala nino man.
--Ang pan~galan co'y A--á!--ang sinabi't sucat n~g isang binata at
bahagya n~g yumucód.
--¿Bacâ po cayá may capurihan acong makipagsalitaan sa poetang ang m~ga
sinulat ay siyáng nacapagpanatili n~g marubdób cong pagsintá sa
kinaguisnan cong bayan? Ibinalità sa aking hindî na raw po cayó
sumusulat, datapuwa't hindî nila nasabi sa akin ang cadahilanan ...
--¿Ang cadahilanan? Sa pagcá't hindî tinatawag ang dakílang nin~gas n~g
isip upang ipamalingcahod at magsinun~galíng. Pinag-usig sa haráp n~g
hucóm ang isang tao dahil sa inilagáy sa tulâ ang isang catotohanang
hindi matututulan. Aco'y pinan~galanang poeta, n~guni hindî aco
tatawaguing ulól.
--At ¿mangyayari po bagang maipaunawà ninyo cung anó ang catotohanang
yaon?
--Sinabi lamang na ang anac n~g león ay león din namán; cacaunti na't
siya'y ipinatapon sana.
At lumayô sa pulutóng na iyón ang binatang may cacaibang asal.
Halos tamátacbo ang isáng táong masayá ang pagmumukhâ, pananamit
filipino ang suot, at may m~ga botones na brillante sa "pechera."
Lumapit cay Ibarra, nakipagcamay sa canyá at nagsalitâ:
--¡Guinoong Ibarra, hinahan~gad cong mákilala co pô cayó; caibigan cong
matalic si Capitang Tiago, nakilala co ang inyóng guinoong amá ...; ang
pan~galan co'y Capitang Tinong, nanánahan aco sa Tundóng kinálalagyan
n~g inyóng báhay; inaasahan cóng pauunlacán ninyó acó n~g inyóng
pagdalaw; doon na pô cayó cumain búcas!
Bihág na bihág si Ibarra sa gayóng calakíng cagandahang loob:
n~gumín~gitî si Capitang Tinong at kinucuyumos ang m~ga camay.
--¡Salamat po!--ang isinagót n~g boong lugód.--N~guni't pasasa San Diego
po acó búcas ...
--¡Sáyang! ¡Cung gayo'y sacâ na, cung cayo'y bumalíc!
--¡Handâ na ang pagcain!--ang bigáy álam n~g isáng lingcod n~g Café "La
Campana." Nagpasimulâ n~g pagpasamesa ang panauhín, bagá man
nagpapamanhíc na totoo ang m~ga babae, lalong lalò na ang m~ga filipina.