TALABABA:

[1] _A mi pátria_, ang sabi sa "original" na wicang castilà. Ang sabing

"pátria" ay waláng catumbas sa wícà natin cung dî: ang tinubuang lupà,

ang tinubuan bayan, ang kinaguisnang bayan, ang kinamulatang bayan, at

iba pa. N~guni't ang sinasabing bayan ò lupà rito'y saclaw ang boong

Sangcapuluang Filipinas, hindî ang lupang Naic ó bayang Malabon ó

lalawigang Tayabas, cung di ang capisanan n~g lahat n~g bayan, n~g lahat

n~g lalawigan sa boong Sangcapuluang ito, casama ang m~ga bundóc, gubat,

ilog, dagat at iba pa.--P.H.P.

[2] "Casaysayan n~g ano mang nangyayari." Ipinan~gun~gusap na "istoria";

sa pagka't sa wicang castila'y hindî isinasama ang h sa pagbasa--P.H.P.

[3] Ang cáncer ay masamáng "bùcol" ó bagâ, na hindî maisatagalog na

"bagâ" ó búcol, sa pagca't ibang iba sa m~ga sakit na itó. Caraniwang

napagagaling ang "bagâ" ó búcol, datapowa't ang "cáncer" ay hindî.

Bawa't dapuan n~g "cáncer" ay namamatay. Wala pang lunas na natatagpuan

ang m~ga pantás na manggagamot upang mapagalíng ang "cáncer", na cung

pamagatá'y "carcinoma." May nagsasabing napagagaling ang "carcinoma" sa

pamamag-itan n~g paglapláp sa búcol, cung panahóng bagong litáw, na

walang ano mang itítira, datapuwa't palibhasa'y hindî nararamdaman n~g

may sakít n~g carcinoma na siya'y mayroon nito, cung dî cung malubha na,

iyan ang cadahilana't walâ n~g magawâ ang m~ga cirujano. Ang caraniwang

dinadapuan n~g cáncer, carcinoma, ay ang m~ga taong bayan at hindi ang

taga bukid; at lalong madalas sa babae cay sa lalakí. Sa suso ó sa

bahay-bata madalás dumápò cung sa babae. Ang sakít na "cancer" ay

tinatawag na "Noli me tangere," na ang cahuluga'y "Howag acong salan~gín

nino man;" sapagca't cung laplapin at hindi macuhang maalís na lahat at

may matirang cahi't gagahanip man lamang ay nananag-ulî at lalong

lumalacas ang paglaganap, tulad sa inuulbusang halaman, damó ó cahoy na

lalong lumálacas ang paglagô, at pagcacagayo'y lalong nadadalî ang

pagcamatay n~g may sakit.--P.H.P.

[4] Tinatawag na civilización ang caliwanagan n~g isip dahîl sa

pag-aaral n~g m~ga bago't bagong dunong. Nagpasimula ang tinatawag na

"civilización moderna," ó bagong civilización, n~g icalabinglimang

siglo, at nacatulong na totoo na bagay na ito ang pagcátuclas n~g

limbagan.--P.H.P.

=NOLI ME TANGERE=

=I.=

=ISANG PAGCACAPISAN.=

Nag-anyaya n~g pagpapacain nang isáng hapunan, n~g magtátapos ang

Octubre, si Guinoong Santiago de los Santos, na lalong nakikilala n~g

bayan sa pamagát na Capitang Tiago, anyayang bagá man niyón lamang

hapong iyón canyang inihayág, laban sa dati niyang caugalìan, gayón ma'y

siyang dahil na n~g lahát n~g m~ga usap-usapan sa Binundóc, sa iba't

ibang m~ga nayon at hanggang sa loob n~g Maynílà. N~g panahóng yao'y

lumalagay si Capitang Tiagong isáng lalaking siyang lalong maguilas, at

talastas n~g ang canyang bahay at ang canyang kinamulatang bayan ay

hindî nagsásara n~g pintô canino man, liban na lamang sa m~ga calacal ó

sa anó mang isip na bago ó pan~gahás.

Cawan~gis n~g kisláp n~g lintíc ang cadalîan n~g pagcalaganap n~g balítà

sa daigdigan n~g m~ga dápò, m~ga lan~gaw ó m~ga "colado"[5], na kinapal

n~g Dios sa canyang waláng hanggang cabaitan, at canyang pinararami n~g

boong pag-irog sa Maynílà. Nan~gagsihanap ang ibá nang "betún" sa

caniláng zapatos, m~ga botón at corbata naman ang ibá, n~guni't siláng

lahát ay nan~gag iisip cung paano cayâ ang mabuting paraang bating

lalong waláng cakimìang gagawin sa may bahay, upang papaniwalàin ang

macacakitang sila'y malalaon n~g caibigan, ó cung magcatao'y humin~gí

pang tawad na hindî nacadalóng maaga.

Guinawâ ang anyaya sa paghapong itó sa isáng bahay sa daang Anloague, at

yamang hindî namin natatandâan ang canyang bilang (número), aming

sásaysayin ang canyang anyô upang makilala n~gayón, sacali't hindî pa

iguiniguibá n~g m~ga lindól. Hindî camí naniniwalang ipinaguibâ ang

bahay na iyon n~g may-arì, sa pagca't sa ganitong gawa'y ang

namamahala'y ang Dios ó ang Naturaleza[6], na tumanggap din sa ating

Gobierno n~g pakikipagcayarì upang gawín ang maraming bagay.--Ang bahay

na iyo'y may calakhan din, tulad sa maraming nakikita sa m~ga lupaíng

itó; natatayô sa pampang n~g ilog na san~gá n~g ilog Pasig, na cung

tawaguin n~g iba'y "ría" (ilat) n~g Binundóc, at gumáganap, na gaya rin

n~g lahát n~g ilog sa Maynílà, n~g maraming capacan-ang pagcapaliguan,

agusán n~g dumí, labahan, pinan~gin~gisdâan, daanan n~g bangcang

nagdádala n~g sarisaring bagay, at cung magcabihirà pa'y cucunán n~g

tubig na inumín, cung minamagalíng n~g tagaiguib na insíc[7]. Dapat

halataíng sa lubháng kinakailan~gang gamit na itó n~g nayong ang dami

n~g calacal at táong nagpaparoo't parito'y nacatutulig, sa layong halos

may sanglibong metro'y bahagyâ na lamang nagcaroon n~g isang tuláy na

cahoy, na sa anim na bowa'y sirâ ang cabiláng panig at ang cabilâ nama'y

hindî maraanan sa nálalabi n~g taon, na ano pa't ang m~ga cabayo, cung

panahóng tag-init, canilang sinasamantala ang gayong hindî nagbabagong

anyô, upang mulà roo'y lumucsó sa tubig, na ikinagugulat n~g nalilibang

na táong may camatayang sa loob n~g coche ay nacacatulog ó nagdidilidili

n~g m~ga paglagô n~g panahón.

May cababâan ang bahay na sinasabi namin, at hindî totoong magaling ang

pagcacàanyô; cung hindî napagmasdang mabuti n~g "arquitectong"[8]

namatnugot sa paggawâ ó ang bagay na ito'y cagagawán n~g m~ga lindól at

m~ga bagyó, sino ma'y walang macapagsasabi n~g tucoy. Isáng malapad na

hagdanang ma'y cacapitáng culay verde, at nalalatagan n~g alfombra sa

mumunting panig ang siyang daanan mulâ sa silong ó macapasoc n~g

pintuang nalalatagan n~g "azulejos"[9] hanggang sa cabahayán, na ang

linalacara'y napapag-itanan n~g m~ga maceta[10] at álagaan n~g m~ga

bulaclac na nacalagay sa "pedestal"[11] na lozang gawâ sa China, na may

sarisaring culay at may m~ga dibujong hindî mapaglirip.

Yamang walang bantay-pintô ó alilang humin~gî ó magtanong n~g "billete"

ó sulat na anyaya, tayo'y pumanhic, ¡oh icaw na bumabasa sa akin, catoto

ó caaway! sacali't naaakit icaw n~g tugtog n~g orquesta, n~g ilaw ó n~g

macahulugáng "clin-clan" n~g m~ga pingga't cubiertos[12] at ibig mong

mapanood cung paano ang m~ga piguíng doon sa Perla n~g Casilan~ganan.

Cung sa aking caibigán lamang at sa aking sariling caguinhawahan, hindî

catá pápagalin sa pagsasaysay n~g calagayan n~g bahay; n~guni't lubháng

mahalagá ito, palibhasa'y ang caraniwan sa m~ga may camatayang gaya

natin ay tulad sa pawican: hinahalagahan at hinihirang tayo alinsunod sa

ating talucab ó tinatahanang bahay; dahil dito't sa iba pang m~ga anyô

n~g asal, cawan~gis n~ga n~g m~ga pawican ang m~ga may camatayan sa

Filipinas.--Cung pumanhic tayo'y agad nating marárating ang isáng

malowang na tahanang cung tawaguin doo'y "caida"[13], ayawán cung bakit,

na n~g gabing ito'y guinagamit na "comedor"[14] at tuloy salón n~g

orquesta. Sa guitna'y may isáng mahabang mesa, na nahihiyasan n~g marami

at mahahalagang pamuti, na tila mandin cumikindat sa "colado," taglay

ang catamistamisang m~ga pan~gacò, at nagbabalà sa matatacuting

binibini, sa walang malay na dalaga, n~g dalawang nacaiinip na oras sa

casamahán n~g m~ga hindî cakilala, na ang pananalita't m~ga pakikikiusap

ay ang caraniwa'y totoong cacaiba. Namúmucod n~g di ano lamang sa m~ga

ganitong handang sa mundo'y nauucol, ang sumasapader na m~ga cuadrong

tungcol sa religión, gaya bagá n~g "Ang Purgatorio", "Ang Infierno,"

"Ang hulíng Paghuhucom", "Ang pagcamatáy n~g banal," "Ang pagcamatáy n~g

macasalanan," at sa duyo'y naliliguid nang isáng marin~gal at magandañg

"marco" na anyong "Renacimiento"[15] na gawâ ni Arévalo, ang isáng

mabuting ayos at malapad na "lienzo" na doo'y napapanood ang dalawang

matandang babae. Ganitó ang saysay n~g doo'y titic: "Nuestra Señora de

la Paz y Buen Viaje, na sinasamba sa Antipolo, sa ilalim n~g anyong

babaeng magpapalimos, dinadalaw sa canyang pagcacasakít ang banal at

bantog na si Capitana Inés"[16]. Tunay mang ang pagcacapinta'y hindî

nagpapakilala n~g "arte" at cabutihang lumikhâ, datapowa't nagsasaysay

naman n~g caraniwang mamalas: ang babaeng may sakít ay tila na bangcay

na nabûbuloc, dahil sa culay dilaw at azul n~g canyang mukhâ; ang m~ga

vaso't iba pang m~ga casangcapan, iyang maraming m~ga natitipong bagay

bagay sa mahabang pagcacasakít ay doo'y lubhang mabuti ang pagcacasipì,

na ano pa't napapanood patí n~g linálaman. Sa panonood n~g m~ga

calagayang iyong umaakit sa pagcacagana sa pagcain at nagúudyoc n~g ucol

sa paglasáp n~g masasaráp na bagay bagay, marahil acalain n~g iláng may

masamáng isipan ang may-arì n~g bahay, na napagkikilalang magalíng ang

calooban n~g halos lahát n~g m~ga magsisiupô sa mesa, at n~g huwag

namáng máhalatang totoo ang canyang panucalà, nagsabit sa quízame n~g

maririkít na lámparang gawâ sa China, m~ga jaulang waláng ibon, m~ga

bolang cristal na may azogueng may culay pulá, verde at azul, m~ga

halamang pangbíting lantá na, m~ga tuyóng isdáng botete na hinipa't n~g

bumintóg, at iba pa, at ang lahát n~g ito'y nacúculong sa may dacong

ílog n~g maiinam na m~ga arcong cahoy, na ang anyo'y alan~gang huguis

europeo't alan~gang huguis insíc, at may nátatanaw namáng isáng

"azoteang"[17] may m~ga balag at m~ga "glorietang"[18] bahagyâ na

naliliwanagan n~g m~ga maliliit na farol na papel na may sarisaring

culay.

Nasasalas ang man~gagsisicain, sa guitnâ n~g lubháng malalakíng m~ga

salamín at na n~gagníningning na m~ga araña[19]: at doon sa ibabaw n~g

isáng tarimang[20] pino[21] ay may isáng mainam na "piano de cola"[22],

na ang halaga'y camalácmalác, at lalò n~g mahalagá n~g gabíng itó, sa

pagca't sino ma'y walang tumútugtog. Doo'y may isáng larawang "al

óleo"[23] n~g isáng lalaking makisig, nacafrac, unát, matuwíd, timbáng

na tulad sa bastóng may borlas na tagláy sa m~ga matitigás na daliring

puspós n~g m~ga sinsíng: wari'y sinasabi n~g larawan:

--¡Ehem! ¡masdán ninyó cung gaano carami ang suot co at aco'y hindî

tumatawa!

Magagandá ang m~ga casangcapan, baga man marahil ay hindî maguinhawahang

gamitin at nacasasamâ pa sa catawan: hindî n~gâ ang icaiilag sa sakít

n~g canyáng m~ga inaanyayahan ang naiisip n~g may-arì, cung dî ang

sariling pagmamarikít.--¡Tunay at cakilakilabot na bagay ang

pag-iilaguín, datapowa't cayó namá'y umuúpô sa m~ga sillóng gawáng

Europa, at hindî palaguing macacátagpò cayó n~g ganyán!--itó marahil ang

sinasabi niya sa canilá.

Halos punô n~g tao ang salas: hiwaláy ang m~ga lalaki sa m~ga babae,

tulad sa m~ga sambahang católico at sa m~ga sinagoga[24]. Ang m~ga babae

ay iláng m~ga dalagang ang iba'y filipina at ang iba'y española:

binúbucsan nila ang bibíg upang piguilin ang isáng hicáb; n~guni't

pagdaca'y tinátacpan nilá n~g caniláng m~ga abanico; bahagyâ na

nan~gagbubulun~gan n~g iláng m~ga pananalitâ; anó mang pag-uusap na

ipinagsúsumalang pasimulán, pagdaca'y naluluoy sa iláng putól-putól na

sábi; catulad niyáng m~ga in~gay na náririn~gig cung gabí sa isáng

bahay, m~ga in~gay na gawâ n~g m~ga dagâ at n~g m~ga butikî. ¿Bacâ cayâ

naman ang m~ga larawan n~g m~ga iba't ibang m~ga "Nuestra Señora"[25] na

nagsabit sa m~ga pader ang siyang ninilit sa m~ga dalagang iyong huwag

umimíc at magpacahinhíng lubós, ó dito'y talagang natatan~gì ang m~ga

babae?

Ang tan~ging sumasalubong sa pagdatíng n~g m~ga guinoong babae ay isáng

babaeng matandang pinsan ni capitán Tiago, mukhang mabait at hindî

magaling magwicang castilà. Ang pinacaubod n~g canyáng pagpapakitang

loob at pakikipagcapuwa tao'y walâ cung ang dî mag-alay sa m~ga española

n~g tabaco at hitsô, at magpahalíc n~g canyang camáy sa m~ga filipina,

na ano pa't walang pinag-ibhán sa m~ga fraile. Sa cawacasa'y nayamot ang

abáng matandang babae, caya't sinamantala niya ang paglagapác n~g isang

pinggang nabasag upang lumabás na dalidalì at nagbububulong:

--¡Jesus! ¡Hintay cayó, m~ga indigno[26]!

At hindî na mulíng sumipót.

Tungcol sa m~ga lalaki'y nan~gagcacain~ga'y n~g cauntî. Umaaticabong

nan~gagsasalitaan ang iláng m~ga cadete[27]; n~guni't mahihinà ang

voces, sa isa sa m~ga súloc at manacanacang tinitingnan nila at

itinuturo n~g dalirî ang iláng m~ga taong na sa salas, at silasila'y

nan~gagtatawanang ga inililihim n~g hindi naman; ang bilang capalit

nama'y ang dalawang extrangero[28] na capowâ nacaputî n~g pananamit,

nan~gacatalicod camáy at dî umíimic ay nan~gagpaparoo't paritong

malalakí ang hacbang sa magcabicabilang dulo n~g salas, tulad sa

guinágawâ n~g m~ga naglalacbay-dagat sa "cubierta"[29] n~g isáng

sasacyán. Ang masaya't mahalagáng salitàa'y na sa isang pulutóng na ang

bumubuo'y dalawang fraile, dalawang paisano[30] at isáng militar na

canilang naliliguid ang isáng maliit na mesang kinalalagyan n~g m~ga

botella n~g alac at m~ga biscocho inglés[31].

Ang militar ay isang matandang teniente, matangcád, mabalasic ang

pagmumukhâ, na ano pa't anaki'y isang Duque de Alba[32] na napag-iwan sa

escalafon[33] n~g Guardia Civil[34]. Bahagyâ na siya nagsásalita,

datapuwa't matigás at maiclî ang pananalitâ.--Ang isá sa m~ga fraile'y

isang dominicong bata pa, magandá, malinis at maningning, na tulad sa

canyang salamín sa matang nacacabit sa tangcáy na guintô, maaga ang

pagca ugaling matandâ: siya ang cura sa Binundóc at n~g m~ga nacaraang

tao'y naguing catedrático[35] sa San Juan de Letran[36]. Siya'y balitang

"dialéctico"[37], caya n~ga't n~g m~ga panahong iyóng nan~gan~gahas pa

ang m~ga anac ni Guzmang[38] makipagsumag sa paligsahan n~g catalasan

n~g ísip sa m~ga "seglar"[39], hindî macuhang malitó siya ó mahuli

cailan man n~g magalíng na "argumentador"[40] na si B. de Luna[41];

itinutulad siya n~g m~ga "distingo"[42] ni Fr. Sibyla sa mán~gin~gisdang

ibig humuli n~g igat sa pamamag-itan n~g sílò. Hindî nagsasálitâ ang

dominico at tila mandin pinacatitimbang ang canyang m~ga pananalità.

Baligtád ang isá namáng fraile, na franciscano, totoong masalitâ at lalò

n~g maínam magcucumpás. Bagá man sumusun~gaw na ang m~ga uban sa canyang

balbás, wari'y nananatili ang lácas n~g canyang malusóg na

pan~gan~gatawán. Ang mukhâ niyang magandá ang tabas, ang canyang m~ga

pagtin~ging nacalálaguim, ang canyáng malalapad na m~ga pan~gá at

batìbot na pan~gan~gatawan ay nagbibigay anyô sa canyáng isáng patricio

romanong[43] nagbalát cayô, at cahi't hindî sinasadya'y inyóng

mágugunitâ yaong tatlong monjeng[44] sinasabi ni Heine[45] sa canyáng

"Dioses en el destierro"[46], na nagdaraang namamangcâ pagcahating gabi

sa isang dagatan doon sa Tyrol,[47] cung "equinoccio"[48] n~g

Septiembre, at sa tuwing dumaraa'y inilálagay n~g abang mámamangca ang

isáng salapíng pílac, malamíg na cawan~gis n~g "hielo," na siyang sa

canya'y pumupuspos n~g panglulumó. Datapuwa't si Fray Dámaso'y hindî

mahiwagang gaya nilá; siya'y masayá, at cung pabug-al bug-al ang canyáng

voces sa pananalità, tulad sa isang taong cailan ma'y hindi

naaalang-alang, palibhasa'y ipinalálagay na banal at walâ n~g gágaling

pa sa canyáng sinasabi, kinacatcat ang sacláp n~g gayóng ugalî n~g

canyáng táwang masayá at bucás, at hangang sa napipilitan cang sa

canya'y ipatawad ang pagpapakita n~g m~ga paang waláng calcetín at m~ga

bintíng mabalahíbo, na icakikita n~g maraming pagcabuhay n~g isáng

Mendicta sa m~ga feria sa Kiapò.

Ang isa sa m~ga paisano'y isang taong malingguit, maitím ang balbás at

waláng íkinatatán~gì cung dî ang ilóng, na sa calakhá'y masasabing hindî

canyá; ang isá, nama'y isang binatang culay guintô ang buhóc, na tila

bagong datíng dito sa Filipinas: itó ang masilacbóng

pinakikipagmatuwiranan n~g franciscano.

--Makikita rin ninyó--ang sabi n~g franciscano--pagca pô cayó'y nátirang

iláng bowan dito, cayó'y maniniwálà sa aking sinasabi: ¡ibá ang mamahala

n~g bayan n~g Madrid at ibá, ang mátira sa Filipinas!

--N~guni't....

--Acó, sa halimbáwà--ang patuloy na pananalitâ ni Fr. Dámaso, na lalong

itinaas ang voces at n~g dî na macaimíc ang canyang causap--aco'y

mayroon na ritong dalawampo at tatlong taóng saguing at

"morisqueta"[49], macapagsasabi aco n~g mapapaniwalâan tungcól sa bagay

na iyan. Howág cayóng tumutol sa akin n~g alinsunod sa m~ga carunun~gan

at sa mabubuting pananalitâ, nakikilala co ang "indio"[50]. Acalain

ninyong mulá n~g aco'y dumatíng sa lupaíng ito'y aco'y iniucol na sa

isang bayang maliit n~ga, n~guni't totoong dúmog sa pagsasaca. Hindî co

pa nauunawang magalíng ang wicang tagalog, gayon ma'y kinúcumpisal co na

ang m~ga babae[51] at nagcacawatasan camí, at lubháng pinacaíbig nila

aco, na ano pa't n~g macaraan ang tatlóng taón, n~g aco'y ilipat sa

ibáng báyang lalong malakí, na waláng namamahálà dahil sa pagcamatáy n~g

curang "indio" roon, nan~gagsipanan~gis ang lahat n~g babae, pinuspos

acó n~g m~ga handóg, inihatid nila acong may casamang música....

--Datapowa't iya'y nagpapakilala lamang....

--¡Hintáy cayó! ¡hintay cayó! ¡howag naman sana cayóng napacanin~gas!

Ang humalili sa akin ay hindí totoong nagtagal na gaya co, at n~g siya'y

umalís ay lalò n~g marami ang naghatíd, lalo n~g marami ang umiyác at

lalo n~g mainam ang música, gayóng siya'y lalò n~g mainam mamálò at

pinataas pa ang m~ga "derechos n~g parroquia"[52], hangang sa halos

nag-ibayo ang lakí.

--N~guni't itutulot ninyó sa aking....

--Hindî lamang iyan, nátira aco sa bayang San Diegong dalawampong taón,

may iláng bowán lamang n~gayong aking.... iniwan (dito'y nagpakitang

tila masamâ ang loob). Hindî maicacait sa akin nino mang dalawampong

tao'y mahiguít cay sa catatagán upang makilala ang isang bayan. May anim

na libo ang dami n~g taong namamayan sa San Diego, at bawa't tagaroo'y

nakikilala co, na parang siya'y aking ipinan~ganac at pinasuso:

nalalaman co cung alín ang m~ga lisyang caasalan nito, cung anó ang

pinan~gan~gailan~gan niyon, cung sino ang nan~gin~gibig sa bawa't

dalaga, cung ano anong m~ga pagcadupilas ang nangyari sa babaeng itó,

cung sino ang tunay na amá n~g batang inianac, at iba pa; palibhasa'y

kinucumpisal co ang calahatlahatang taong-bayan; nan~gag-iin~gat n~g

mainam sila sa canicaniláng catungculan. Magsabi cung nagsisinun~galing

aco si Santiagong siyang may arì nitong bahay; doo'y marami siyang m~ga

lupà at doon camí naguíng magcaibigan. N~gayo'y makikita ninyó cung anó

ang "indio"; n~g aco'y umalís, bahagya na acó inihatid n~g ilang m~ga

matatandáng babae at iláng "hermano" tercero[53], ¡gayóng nátira aco

roong dalawampong taón!

N~guni't hindî co mapagcúrò cung anó ang cabagayán n~g inyong m~ga

sinabi sa pagcacaális n~g "estanco n~g tabaco"[54]--ang sagot n~g may

mapuláng buhóc na causap, na canyang sinamantala ang sandaling

pagcatiguil dahil sa pag-inom n~g franciscano n~g isang copita n~g

Jerez[55].

Sa pangguiguilalas n~g dî anó lamang ni Fr. Dámaso ay cauntî nang

mabitiwan nito ang copa. Sandalíng tinitigan ang binata at:

--¿Paano? ¿paano?--ang sinabi pagcatapos n~g boong

pagtatacá.--Datapowa't ¿mangyayari bagang hindî ninyo mapagwarì iyang

casíng liwanag n~g ílaw? ¿Hindî ba ninyó nakikita, anác n~g Dios, na ang

lahat n~g ito'y nagpapatibay na totoo, na pawang cahalin~gán ang m~ga

pagbabagong utos na guinágawà n~g m~ga minìstro?

N~gayo'y ang may puláng buhóc naman ang natigagal, lalong ikinunot n~g

teniente ang canyang m~ga kilay, iguinagalaw ang ulo n~g taong bulilit

na parang ipinahahalatâ niyang biníbigyan niyang catuwiran ó hindi si

Fray Dámaso. Nagcasiya na lamang ang dominico sa pagtalicód sa canilang

lahat halos.

--¿Inaacalà bagá ninyó ...?--ang sa cawacasa'y nagawang tanóng n~g boong

catimpian n~g binátà, na tinítitigan n~g boong pagtatacá ang fraile.

--¿Na cung inaacalà co? ¡Sinasampalatayanan cong gaya n~g pagsampalataya

sa Evangelio[56]! ¡Napaca "indolente"[57] ang "indio"!

--¡Ah! ipatawad po ninyong salabatin co ang inyong pananalitâ--anang

binatà, na idinahan ang voces at inilapít n~g cauntî ang canyang upuan;

sinabi po ninyo ang isang salitâ na totoong nacaakit sa aking

magdilidili. ¡Tunay n~ga cayang catutubò n~g m~ga dalisay na tagarito

ang pagca "indolente," ó nangyayari ang sinasabi n~g isang maglalacbáy

na taga ibang lupain, na tinátacpan natin n~g pagca indolenteng ito ang

ating sariling pagca indolente, ang pagcáhuli natin sa pagsulong sa m~ga

carunun~gan at ang ating paraan n~g pamamahala sa lupaíng nasasacupan?

Ang sinabi niya'y ucol sa m~ga ibang lupaíng sacóp, na ang m~ga

nananahan doo'y pawang sa lahì ring iyan!...

--¡Ohó! ¡M~ga cainguitan! ¡Itanong pô ninyo cay guinoong Laruja na

nacakikílala rin sa lupaíng itó; itanong ninyo sa canya cung may m~ga

catulad ang camangman~gan at ang pagca "indolente" n~g indio!

--Tunay n~ga--ang sagót namán n~g bulilít na lalaking siyang

binangguit--¡hindî po cayó macacakita sa alin mang panig n~g daigdíg n~g

híhiguit pa sa pagca indolente n~g indio, sa alin mang panig n~g

daigdíg!

--¡Ni iba pang lalong napacasama n~g asal na pinagcaratihan, ni iba pang

lalong hindî marunong cumilala n~g utang na loob!

--¡At n~g ibang lalong masamâ ang túrò!

Nagpasimulâ ang binatang mapulá ang buhóc n~g pagpapalin~gaplin~gap sa

magcabicabilà n~g boong pag-aalap-ap.

--M~ga guinoo--ang sinabing marahan--tila mandin tayo'y na sa bahay n~g

isang "indio". Ang m~ga guinoong dalagang iyan....

--¡Bah! huwag cayóng napaca magugunigunihin! Hindî ipinalalagay ni

Santiagong siya'y "indio," bucód sa roo'y hindî siya naháharap, at....

¡cahi't náhaharap man siya! Iya'y m~ga cahalin~gán n~g m~ga bágong

dating. Hayaan ninyong macaraan ang ilang bowan; magbabago cayóng isipán

pagca cayo'y nacapagmalimít sa maraming m~ga fiesta at "bailujan"[58],

nacatulog sa m~ga catre at nacacain n~g maraming "tinola".

--Tinatawag po ba ninyong tinola ang bun~gang cahoy na cahawig n~g

"loto"[59] na ... ganyan ... nacapagmamalimutin sa m~ga tao?

--¡Ano bang loto ni loteria!--ang sagot ni párì Dámasong

nagtátawa;--nagsasalitâ cayó n~g m~ga cahalin~gán. Ang tinola ay ang

pinaghalong inahíng manoc at sacá úpo. ¿Buhat pa cailán dumating cayó?

--Apat na araw--ang sagot n~g binatang ga namumuhî na.

--¿Naparito ba cayong may catungculan?

--Hindi pô; naparito acó sa aking sariling gugol upang mapagkilala co

ang lupaíng itó.

--¡Aba, napacatan~gì namang ibon!--ang saysay ni Fr. Dámaso, na siya'y

minamasdan n~g boong pagtatacá--¡Pumarito sa sariling gugol at sa m~ga

cahalin~gán lamang! ¡Cacaibá namáng totoo! ¡Ganyang caraming m~ga libro

... sucat na ang magcaroon n~g dalawang dáling noo[60].... Sa ganya'y

maraming sumulat n~g m~ga dakílang libro! ¡Sucat na ang magcaroon n~g

dalawang daling noo....

--Sinasabi n~g "cagalanggalang po ninyo"[61] ("Vuestra reverencia"),

párì Dámaso--ang biglang isinalabat n~g dominico na pinutol ang

salitaan--na cayo'y nanaháng dalawampong taón sa bayang San Diego at

cayo umalis doon.... ¿hindî pô ba kinalúlugdan n~g inyong cagalan~gan

ang bayang iyon?

Biglang nawalâ ang catowaan ni Fr. Dámaso at tumiguil n~g pagtatawá sa

tanóng na itong ang anyo'y totoong parang walang anó man at hindî

sinásadyâ.

Nagpatuloy n~g pananalitâ ang dominico n~g anaki'y lalong nagwáwalang

bahálà:

--Marahil n~ga'y nacapagpipighati ang iwan ang isáng bayang kinátahanang

dalawampong taón at napagkikilalang tulad sa hábitong suot. Sa ganáng

akin lamang naman, dinaramdam cong iwan ang Camilíng, gayóng iilang

buwan acóng nátira roon ... n~guni't yaó'y guinawâ n~g m~ga púnò sa

icagagaling n~g Capisanan ... at sa icágagaling co namán.

Noon lamang n~g gabíng iyón, tila totoong natilihan si Fr. Dámaso. Di

caguinsaguinsa'y pinacabigyanbigyan n~g suntóc ang palun~gán n~g camáy

n~g canyáng sillón, humin~ga n~g malacás at nagsalitâ:

--¡O may Religión ó wala! sa macatuid baga'y ¡ó ang m~ga cura'y may

calayâan ó walâ! ¡Napapahamac ang lupang itó, na sa capahamacán!

At sácâ mulíng sumuntóc.

--¡Hindi!--ang sagót na paan~gil at galit, at saca biglang nagpatinghigâ

n~g boong lacás sa hiligán n~g sillón.

Sa pagcámanghâ n~g nan~gasasalas ay nan~gagtin~ginan sa pulutóng na

iyón: itinungháy n~g dominico ang canyáng ulo upang tingnán niya si pári

Dámaso sa ilalim n~g canyáng salamín sa mata. Tumiguil na sandali ang

dalawáng extranjerong nan~gagpapasial, nan~gagtin~ginan, ipinakitang

saglít ang caniláng m~ga pan~gil; at pagdaca'y ipinagpatuloy uli ang

caniláng pagpaparoo't parito.

--¡Masamâ ang loob dahiláng hindî ninyó binigyán n~g Reverencia

(Cagalang-galang)!--ang ibinulóng sa tain~ga n~g binatang mapulá ang

buhóc ni guinoong Laruja.

--¿Anó pô bâ, ang ibig sabihin n~g "cagalanggalang" ninyó (Vuestra

Reverencia)? ¿anó ang sa inyo'y nangyayari?--ang m~ga tanóng n~g

dominico at n~g teniente, na iba't ibá ang taas n~g voces.

--¡Cayâ dumaráting dito ang lubháng maraming m~ga sacunâ! ¡Tinatangkílik

n~g m~ga pinúnò ang m~ga "hereje"[62] laban sa m~ga "ministro" n~g

Dios[63]! ang ipinagpatuloy n~g franciscano na ipinagtutumâas ang

canyáng malulusog ó na m~ga panuntóc.

--¿Anó pô ba ang ibig ninyóng sabihin?--ang mulíng itinanóng n~g abot

n~g kilay na teniente na anyóng titindig.

--¿Na cung anó ang íbig cong sabíhin?--ang inulit ni Fr. Dámaso, na

lalong inilacás ang voces at humaráp sa teniente.--¡Sinasabi co ang ibig

cong sabihin! Acó, ang ibig cong sabihi'y pagca itinatapon n~g cura sa

canyáng libin~gan ang bangcáy n~g isáng "hereje," sino man, cahi ma't

ang hárì ay waláng catuwirang makialám, at lalò n~g waláng catuwirang

macapagparusa. ¡At n~gayo'y ang isáng "generalito"[64], ang isáng

generalito Calamidad[65]...!

--¡Párì, ang canyáng Carilagán[66] (ang marilág bagáng Gobernador

General) ay Vice-Real Patrono[67],--ang sigaw n~g teniente na nagtindíg.

--¡Anó bang Carilagán ó Vice-Real Patrono[68] man!--ang sagót n~g

franciscanong nagtindíg din.--Cung nangyari itó sa ibáng panaho'y

kinaladcád sana siyá n~g pababâ sa hagdanan, tulad n~g minsa'y guinawâ

n~g m~ga Capisanan n~g m~ga fraile sa pusóng na Gobernador

Bustamante[69]. ¡Ang m~ga panahóng iyón ang tunay na panahón n~g

pananampalataya!

--Ipinauunawà co sa inyó na di co maitutulot ... Ang "Canyang

Carilagán," (ó ang marilág na Gobernador General) ang pinacacatawán n~g

Canyáng Macapangyarihan, ang Hárì[70].

--¡Anó bang hárì ó cung Roque[71] man! Sa ganáng amin ay waláng ibáng

hárì cung dî ang tunay[72]....

--¡Tiguil!--ang sigáw n~g tenienteng nagbabalà at wari'y mandin ay

nag-uutos sa canyáng m~ga sundalo;--¡ó inyóng pagsisisihan ang lahát

ninyóng sinabi ó búcas din ay magbíbigay sabi acó sa Canyang

Carilagán!...

--¡Lacad na cayó n~gayón din, lacad na cayó!--ang sagót n~g boong

paglibác ni Fr. Dámaso, na lumapít sa tenienteng nacasuntóc ang

camáy.--¿Acalà ba ninyo't may suot acóng hábito'y walâ acóng ...? ¡Lacad

na cayo't ipahihíram co pa sa inyó ang aking coche!

Naoowî ang salitaan sa catawatawang anyô. Ang cagalin~gang palad ay

nakialam ang dominico.--¡M~ga guinoo!--ang sabi niyáng taglay ang anyóng

may capangyarihan at iyáng voces na nagdaraan sa ilóng na totoong

nababagay sa m~ga fraile;--huwag sana ninyóng papagligáwligawín ang m~ga

bagay, at howag namán cayóng humánap n~g m~ga paglapastan~gan sa waláng

makikita cayó. Dapat nating ibucód sa m~ga pananalitâ ni Fr. Dámaso ang

m~ga pananalitâ n~g tao sa m~ga pananalitâ n~g sacerdote. Ang m~ga

pananalitâ n~g sacerdote, sa canyáng pagcasacerdote, "per se"[73], ay

hindî macasasakít n~g loob canino man, sa pagca't mulâ sa lubós n~g

catotohanan. Sa m~ga pananalitâ n~g tao, ay dapat gawín ang isá pa

manding pagbabahagui: ang m~ga sinasabing "ab irato"[74], ang m~ga

sinabing "exore"[75], datapuwa't hindî "in corde"[76], at ang sinasabing

"in corde". Ang m~ga sinasabing "in corde" lamang ang macasasakít n~g

loob: sacali't dating tinatagláy n~g "in meate"[77] sa isáng

cadahilanan, ó cung nasabi lamang "per accidens"[78], sa pagcacáinitan

n~g salitàan, cung mayroong....

--¡N~guni't aco'y "por accidens" at "por mi"[79] ay nalalaman co ang

m~ga cadahilanan, pári Sibyla!--ang isinalabat n~g militar, na nakikita

niyáng siya'y nabibilot n~g gayóng caraming m~ga pag tatan~gitan~gi, at

nan~gan~ganib siyáng cung mapapatuloy ay siyá pa ang lalábas na may

casalanan.--Nalalaman co ang m~ga cadahilanan at papagtatan~giin n~g

"cagalan~gan pô ninyo" (papagtatan~gitan~giin pô ninyo). Sa panahóng

wala si pári Dámaso sa San Diego ay inilibíng n~g coadjutor[80] ang

bangcáy n~g isáng táong totoong carapatdapat ...; opò, totoong

carapatdapat; siya'y macáilan cong nácapanayam, at tumúloy acó sa

canyáng bahay. Na siya'y hindi nan~gumpisál cailan man, at iyán bagá'y

¿anó? Acó ma'y hindi rin nan~gun~gumpisál, n~guni't sabihing

nagpacamatáy, iya'y isáng casinun~galin~gan, isáng paratang. Isáng táong

gaya niyáng may isáng anác na lalaking kinabubuhusan n~g boong pag-irog

at m~ga pag-asa, isáng táong may pananampalataya sa Dios, na nacacaalám

n~g canyang m~ga catungculang dapat ganapín sa pamamayan, isáng táong

mapagmahál sa capurihán at hindi sumisinsay sa catuwiran, ang ganyáng

tao'y hindî nagpápacamatay. Ito'y sinasabi co, at hindî co sinasabi ang

m~ga ibáng aking iniisip, at kilanlíng utang na loob sa akin n~g

"cagalan~gan" pô ninyó.

At tinalicdán ang franciscano at nagpatuloy n~g pananalitâ:

--N~g magcágayo'y n~g magbalic ang curang itó sa bayan, pagcatapos na

maalipustá ang coadjutor, ang guinawa'y ipinahucay ang bangcáy na iyón,

ipinadala sa labás n~g libin~gan, upang ibaón hindi co maalaman cung

saan. Sa caruwagan nang bayang San Diego'y hindi tumutol; tunay n~ga't

iilan lamang ang nacaalam, walang camag-anac ang nasirà, at na sa Europa

ang canyang bugtóng na anác; n~guni't nabalitaan n~g Gobernador General, at

palibhasa'y táong may dalisay na púsò, ay hinin~gi ang caparusahán ...

at inilipat si pári Dámaso sa lalong magaling na bayan. Itó n~gâ lamang

ang nangyari. N~gayo'y gawín n~g "inyó pong cagalan~gán" ang

pagtatan~gitan~gi.

At pagca sabi nitó'y lumayò sa pulutóng na iyón.

--Dináramdam cong hindî co sinásadya'y nábanguit co ang isáng bagay na

totoong mapan~ganib ani párì Sibylang may pighatî.--Datapuwa't cung sa

cawacasa'y nakinabang naman cayó sa pagpapalít-bayan....

--¡Anó bang pakikinaban~gin! ¿At ang nawáwalâ sa m~ga paglipat ... at

ang m~ga papel ... at ang m~ga ... at ang lahát n~g m~ga

náliligwín?--ang isinalabat na halos nauutál ni Fr. Dámaso na hindi

macapagpiguil n~g galit.

Untiunting nanag-úli ang capisanang iyón sa dating catahimican.

Nan~gagsidatíng ang ibá pang m~ga tao, caacbáy ang isáng matandáng

castilàng piláy, matamís at mabaít ang pagmumukhâ, nacaacay sa bísig n~g

isáng matandáng babaeng filipinang punô n~g culót ang buhóc, may m~ga

pintá ang mukhâ at nacasuot europea.

Sila'y sinalubong n~g bating catoto n~g naroroong pulutóng, at

nan~gagsiupô sa tabí n~g ating m~ga cakilala ang Doctor De Espadaña at

ang guinoong asawa niyang "doctora" na si Doña Victorina. Doo'y

napapanood ang iláng m~ga "periodista"[81] at m~ga "almacenero"[82] na

nan~gagpaparoo't parito at waláng maalamang gawín.

--N~guni't ¿masasabi pô ba ninyo sa akin, guinoong Laruja, cung anóng

tao cayâ ang may arì n~g bahay?--ang tanóng n~g binatang mapulá ang

buhóc.--Aco'y hindî pa naipapakilala sa canyá[83].

--Ang sabihana'y umalís daw, acó ma'y hindi co pa siyá nakikita.

--¡Dito'y hindî cailan~ganang m~ga pagpapakilala!--ang isinabád ni Fr.

Dámaso,--Si Santiago'y isáng táong mabaít.

--Isang táong hindi nacátuclas n~g pólvorâ--ang idinugtong ni Laruja.

--¡Cayó pô namán, guinoong Laruja!--ang sinabi sa malambing na pagsisi

ni Doña Victorinang nag-aabanico.--¿Paano pô bang matutuclasan pa n~g

abang iyón ang pólvora, ay alinsunod sa sabi'y natuclasan na ito n~g

m~ga insíc na malaong panahón na?

[Larawan:.....Ang Doctor De Espadaña at ang canyang guinoong asawa ang

"Doctora" Doña Victorina ...--Imp. de M Fernández, Paz 447, Sta. Cruz.]

--¿Nang m~ga insíc? ¿Nasisirà bâ ang isip ninyo?--ang sabi ni Fr.

Dámaso,--¡Tumahán n~gâ cayó! ¡Ang nacátuclas n~g paggawâ n~g pólvora'y

isang franciscano, isá sa aming samahan, Fr. Hindî co maalaman Savalls,

n~g siglong ... ¡icapitó!

--¡Isang franciscano! Marahil naguíng misionero sa China, ang párì

Savalls na iyan--ang itinutol n~g guinoong babae na hindî ipinatatalo

n~g gayongayon lamang ang canyang m~ga isipan.

--Marahil Schwartz[84] ang ibig pô ninyong sabihin, guinoong babae--ang

itinugón namán ni Fr. Sibyla, na hindî man lamang siya tinítingnan.

--Hindî co maalaman; sinabi ni Fr. Dámasong Savalls: walâ acóng guinawâ

cung dî inulit co lamang ang canyang sinalitâ.

--¡Magalíng! Savalls ó Chevás, ¿eh anó n~gayon? ¡Hindî dahil sa isáng

letra ay siya'y maguiguing insíc!--ang mulíng sinaysay na nayáyamot ang

franciscano.

--At n~g icalabing-apat na siglo at hindî n~g icapitó--ang idinugtóng

n~g dominico, na ang anyo'y parang sinásala ang camalìan at n~g

pasakitan ang capalaluan niyong isáng fraile.

--¡Mabuti, datapuwa't hindî sa paglalabis cumulang n~g isáng siglo'y

siya'y maguiguing dominico na!

--¡Abá, howag pô sanang magalit ang cagalan~gán pô ninyo!--ani párì

Sibylang n~gumín~gitî.--Lalong magalíng cung siya ang nacátuclas n~g

paggawâ n~g pólvora, sa pagca't sa gayo'y naibsan na niya sa

pagcacapagod sa gayóng bagay ang canyang m~ga capatíd.

--¿At sinasabi pô ninyo, párì Sibyla, na nangyari ang bagay na iyón n~g

icalabíng apat na siglo?--ang tanóng na malakí ang nais na macatalós ni

Doña Victorina--¿n~g hindî pa ó n~g macapagcatawáng tao na si Cristo?

Pinalad ang tinátanong na pumasoc sa salas ang dalawang guinoo.

Noli Me Tangere · 第 11 / 51 题