Catha sa wicang castila ni

=Dr. José Rizal=

at isinatagalog ni

=Pascual H. Poblete=

=SA AKING TINUBUANG LUPA=[1]

Nátatalà sa "historia"[2] n~g m~ga pagdaralità n~g sangcataohan ang

isáng "cáncer"[3] na lubháng nápacasamâ, na bahagyâ na lámang másalang

ay humáhapdi't napupucaw na roon ang lubháng makikirót na sakít. Gayón

din naman, cailán mang inibig cong icáw ay tawáguin sa guitnâ n~g m~ga

bágong "civilización"[4], sa han~gad co cung minsang caulayawin co ang

sa iyo'y pag-aalaala, at cung minsan nama'y n~g isumag co icáw sa m~ga

ibáng lupaín, sa towî na'y napakikita sa akin ang iyong larawang írog na

may tagláy n~g gayón ding cáncer sa pamamayan.

Palibhasa'y nais co ang iyong cagalin~gang siyáng cagalin~gan co rin

namán, at sa aking paghanap n~g lalong mabuting paraang sa iyo'y

paggamót, gágawin co sa iyo ang guinágawà n~g m~ga tao sa úna sa

canilang m~ga may sakít: caniláng itinátanghal ang m~ga may sakít na

iyan sa m~ga baitang n~g sambahan, at n~g bawa't manggaling sa pagtawag

sa Dios ay sa canilá'y ihatol ang isáng cagamutan.

At sa ganitóng adhica'y pagsisicapan cong sipîing waláng anó mang

pacundan~gan ang iyong tunay na calagayan, tatalicwasín co ang isáng

bahagui n~g cumot na nacatátakip sa sakít, na anó pa't sa pagsúyò sa

catotohanan ay iháhandog co ang lahát, sampô n~g pagmamahál sa sariling

dan~gál, sa pagcá't palibhasa'y anác mo'y tagláy co rin namán ang iyong

m~ga caculan~gán at m~ga carupucán n~g púsò.

Ang Cumatha.

Europa, 1886.

Noli Me Tangere · 第 10 / 51 题