VII

Sabihin pa ang pagkapamanghâ n~g marami sa mapagtantong ang namatay ay

si matandang Tasiong Sistidor, lubha pa n~g m~ga nakakita sa kanian sa

anihan, n~g araw na yaon.

Ang bankay nia'y inilagak na lamang sa silong n~g Casa Real ayon sa

utos n~g Kapitan. N~guni't noon ding gabing yoon ay walang makasabi

kung bakit ipinadala na doon sa pantion at n~g doon muna mapa lagak

hangang kinabukasan; at ganito n~ga ang nasunod.

N~g sia'y mapag-isá doon, at n~g wala nang makakita sa kania ay

nagban~go't pinasan ang sa kaniya'y pinagusun~gan at tuloy tuluyang

umuwî sa kaniang bahay, sa wala sinomang nakakita. Noon din ay

pinaroonan nia ang dalawang sa kania'y umusong magbuhat sa bukid, at

ipinagalám sa kaniang inaakalang gawin. Kinabukasang ililibing ang

nalunod na matandang Tacio ay wala ang bankay sampon n~g pinaglagyan,

kaya naman sa takot n~g dalawang pinagutusan n~g kapitan, ay

nagpahayag n~g daw, ay nakita nilang kababalaghang, pag pailanglang

n~g bangkay ni Tandang Tacio hangang kalan~gitan. Ang salaysay na ito

ay paniwala'y dili n~g marami, n~guni't pinagtitibay na patotohanan

n~g dalawang yaon, dahil sa takot na mapalò n~g kapitan.

Hindi Biro!... ó Ang Anting-Anting · 第 9 / 13 题