....Umui na sa bayan ang m~ga nan~ganihan noong hapong yaon; n~guni't
si matandang Tacio at si Juan ay umiba n~g daan.
--Narito na si Matandang Tacio!--ang putol na sabi n~g isa sa m~ga
nagkakaumpok sa bunsuran n~g isang hagdanan, na ang m~ga ito'y
nagsisipag karay-kurus, ó nag tatan~gá simulá pa n~g makakain n~g
tanghalian.
At sa mapalapit ay pinadaan; n~guni't bagaman gabi na'y nagdasan ding
kusa ang matandà.
--Anó anó ang inyong pinagpupulun~gan m~ga bata?--anang matandà.
--Wari po'y nagkakapalabasan; nagkakapustahan po yata n~g kuarta.
--At sinong pupusta sa akin?--ang ulit n~g matanda--n~guni't ayoko n~g
kuartahan!
--Kami po; ang halos sabay n~g apat na binatang doroon, na ang m~ga
isipa'y nasa kara y kurus din at sa pagkakataló.
--Kapag hindi ko napakain sa dulo n~g kawayang yaan ang kalabaw na
yaong nakatali sa tabing bakod ay anong gagawin ninió sa akin?--ang
patuloy n~g matanda.
--Kapag na pakain mo po'y di iyo na ang lahat naming kuarta, pati na
sa bulsá naming apat--ang tugon n~g isa.
--Ayao ako n~g kuartahan--ang ulit n~g matanda.
--Kapag po napakain mo ay unsun~gin ka po naming pauwi sa bayan,
yamang gabi na din lamang, at ikaw po namay matanda na.
--How?... Lalong mabuti at galing din sa inyong bibig!
--Sia n~ga po ang ulit n~g apat na m~ga kapustahan.
Bueno ... at sabay na kinalág n~g matanda ang kalabaw, at inilapit
lapit sa kawayan; humapay n~g isa, na parang sinukat, na ang dulo'y
napalapit sa un~gos n~g kalabaw, at sa ganito n~ga'y kinain n~g hayop
ang talbós n~g kawayan.
--Ano pa?... ang ulit n~g matanda sa m~ga kapustahang nan~gapamanghâ.
Tumutol ang iba sapagka't inaasahang ipapanhik n~g matanda ang
kalabaw, doon sa dulo n~g kawayan; n~guni't n~g magkaaninawa'y sila
din ang mali sapagka't hindi pinaglinaw muna ang pustahan, ay ang
matanda din ang nagsabi.
Ang kamalian ay katalunan;
Siyang kalakarang leying umiiral.
At ang lahat ay di nakatanguí; napatalo na n~ga sila at matanda'y
inusong sa isang duyan.
--Yamang n~gayo'y gabi na din lamang ay ipagpatuloy ninio ako sa Casa
Real at sabihin niniong ako'y nalunod. Walang pagsalang ako'y
lilimusan n~g m~ga kakila't katoto, lalo na si Doña Isabel; at ikaw
Cebio ang maghahawak n~g kuarta, sapagka't ang asawa ko'y mananan~gis
na lamang; huag lamang kayong magpapahalata. Ikaw naman Kulás ay
pasasa simbahan at magpapa algunias, sabihin mo sa kay Pari Teban na
ako'y pag oracionan.
At ganoon n~ga ang guinawa.