IV

Dumatíng si Juan kay Matandang Tacio at sinabi niang sia’y

pinagtawanan n~g lahat.

--Ganoong n~ga. Ito’y bago-bago ka pa! Huwag niong alumanahin ang

anoman; sa magalit sila’t sa matwa ay gawin mo ang gagawin mong utos

ko sa iyo!... Papaano ba ang oracion mo?--ang dugtong n~g matanda.

Dalakong tikoy at balatong

tunkos mungos talagang ubos.--ang

ulit ni Juan.

--Ah! tingnan mo, di mali ka!... Pagkaba nag kuláng ka n~g iisa man

lamang letra eh!... di ... Sirâ ka na.

--Hindi po ba ganoon ang turo mo?

--Hindi;--Sinabi ko na n~ga't tila hindi ka maari, at sa unang lision

lamang ay hindi ka naka lampás ... Bueno! mag pahin~ga;--at sa ulî ay

iba naman ang gagawin natin.

At nag si pamahin~ga na n~ga silâ, palibhasa't malalim na ang gabí;

n~guni't pinagbilinan muna.

--Sa Viernes, humanda ka Juan at kita'y susubuan n~g isang Anting na

mabuti sa iyo..... Maliligo ka muna, sa ilog mag hilod na mabuti at ...

bahala na.

--Opô, opô; ang tugon n~g kausap.

Patuloy ang panunuyo ni Juan sa mag asawa ni matandang Tacio.

Dumating ang Viernes. Madilim-dilim pa'y na ligô na n~ga si Juan, at

pagkawi sa bahay ay nag lutô, nag haien, kumaen sila sampon n~g mag

asawa. Kaguinsaguinsa'y isang babae ang na pa tawo sa hagdanan.

--Anó Angue?... at na parito ka?

--Dahil pô kay Ambo, ay ibig ko pong patingnan sa iyo.

--Oo; madali yoon, titingnan lamang pala eh ...!

--Ibig kó pong ipagamot sa iyo.

--At anó bang sinasakít?

--Walá pô;

--Walá palá'y bakit?

--Meroon pô;

--Na ano yoon?

--Hindi ko n~ga po maalaman.

--Baka pasmá?

--Baka n~ga po yoon ang pasma tabardillo.

--Hindi ka maalam mag salita! "Asno Tamardillo", ang tawag sa sakit na

yoon baga ma't hindi ko pa nakikita.

--Ah!... asno tamardillo ... asno tamardillo ...!

--Oo pabayaan mo't ako'y mapapadaan n~gaion sa inio at kami ni Juan ay

pasasaanihan. At ang babae'y namaalam na.

Gumayak na madalì ang dalawa ni Juan at ni Matandang Tacio, at halos

ay inabutan pa n~ga nila ang tumawag na si Angue. Nanhik silang

panabay at dinatnan n~ga namang si Ambo'y gugulong gulong sa sahig na

anhin ang batang sangol. Pinulsuhan n~g matanda at iiling-iling na

nagsabí.

Oh!--Di sinabi ko n~ga. Di tama n~ga Angue ..."Asno Tamardillo" n~ga

itong asawa mo! Ha! Ha ha ... ha!--ang patawa n~g mangagamot.

--Hindi ba masakit ang ulo mo?--ang tuloy na tanong sa may sakit.

--Masakit n~ga pô.

--Ang tian, hindi ba parang walang laman?

--Ganoon n~ga po.

--Di ba ang ibig mo'y kain n~g kain ay ... wala ka namang ...?

--Sia n~ga po.

--Di ba ang ibig mo'y laging uminom ay?...

--Tila n~ga po.

--Di ba para kang hilo, walang maisipang gawin?

--Sia n~ga po!

--Ano!--ang badling na sabi kay Angue--di asno tamardillo n~ga ...

sinapantahâ ko na n~ga. Ano bang gawâgawâ n~gaion n~g m~ga tawo dito

sa iniong bandahing itó? mapa ibá ako, n~g usap.

Ah! marami po n~gaion ang anihin at nagkakalutlot ang palay.

--Ay sino sa inio ang nan~gan~ganihan?

--Wala po kundi akong saglitsaglit, dian lamang sa malapit; di n~ga po

makaláyo'y itong si Ambo'y may sakit at may bata pa akong....

--Mahirap ano?... Marahil sa pagani sia na pasmá?--ang pasaring n~g

kausap.

--Sia n~ga po;--ang tugon na lamang n~g mabait na si Angue na

ikinakanlong ang ugali n~g asawa nia--Ay ano po kayang mabuti?--ang

patuloy na tanong nia.

Ang matanda'y hindi nakasagot kaagad palibhasa'y inisip nia, na kung

itóng aanihin na lamang at sukat, mabuti naman ang pahunusan ay

kinatatamaran pa, ay ano pa n~ga kaya't di katamarán ang gawang mag

bukid, at mag bugtá n~g lupâ na lalong mahirap kay sa umani,

palibhasa'y nan~gan~gailan~gan n~g pagod, isipan at puhunan, ang pag

bubukid na siang kauna-unahang batis n~g ikinabubuhay n~g m~ga tawo at

n~g alin mang Bansa.

--Ay ano pong mabuti kay Ambo?--ang ulit na tanong ni Angue.

Kung makakaban~gon at makakalakad ay pasamahin mo sa amin ni Juan.

--Opô ...anó, Ambo; sasama ka?--ang badling n~g Angue sa kaniang may

sakit, daw, na asawa.

--Kung ako'y gagamutin mo pô ay bakít ako ipagsasama--ang tanong

naman n~g may sakit na talagang ayaw buman~gon.

--Kailan~gan sumama ka; at n~g pagtulò n~g gamot na ihahaplas ko sa

batok mo't likod ay malamig lamig pang mapasakatawan mo ... Sumama ka't

n~g ikaw ay madáling gumaling at n~g umabot ka n~g anihin, sayang ang

palay at mapapásalupa lamang ay hindi mapakinaban~gan, tutukain lamang

n~g m~ga ibong kung saan saan galing na m~ga pook.

--Ako po'y baka di makatagal ah!

--Bahala na, utay-utay ... banay banay tayong lalakad at nagkakataong

dumarating tayo'y ...

Hindi sumasagot si Ambo; nag tindig na n~gang wari hahapayhapay, sa

panglalatâ lamang n~g katawang kusang ayaw na igalaw, at n~gaio'y

tatlo na silang lumalakad sa paroroonang anihan. Si Angue ay saka

susunod kung maihabilin sa kalapit bahay ang kaniang m~ga anak na

mumunti.

Dumating ang tatlo sa kamalig n~g anihan. Na tanaw nila ang maraming

tawong sumasabukid na ang karamiha'y babaieng malalapad ang salakot at

mapupulang kundiman at dinampol ang m~ga baro't saya kundiman kaya'y

sadyang pinulahan.--Hindi na luatán at nagdatin~gan ang lahat na

pawang may kanikanilang sunong na uhay n~g palay sa kanilang m~ga

sisidlan. Nagkatipon sa kamalig na maluang din naman, ay pawang

nagdaramdam kapaguran at init n~g namimitik na araw, nagbibigay n~g

kasaganaan. Gaion din ang m~ga dalaga, na sa kanilang m~ga pisn~gí ay

waring na nananalaytay ang dugong buhay n~g kasipagan, lalo na si

Biang na anak n~g may bukid.

--Juan!... humanda ka't n~gaion kita bibigyan--ang pabulong ni

Tandang Tacio kay Juan.

--Opo Lelong;

At magkakainan na ang lahat n~g kumuha n~g alak si Tininting Isiro at

ipinanagay ni Biang na inuna n~gang tagayan si Matandang Tacio, si

Juan at si Ambo.

--Totoong sistidor ang matandang Taciong yaan--ang sabi ni Tiningting

Isiro sa isa niang kaharap. Makikita natin at hangang mamaya'y ...

gagawa n~g sisté!

--Aba!...--ang pabiglâ n~g matanda sa kay Biang na tumatagay--

Ang unang tiro'y sa botillera

At ang ikalawa'y sa kastillero;

Huag kang magkakawikaan Ineng at talagang kalakarán--ang dugtong n~g

matandà.

Ang dalaga'y tumatangui sana'y di naman na gawí na at una nan~gang

uminom n~g isang tagay, na ipinamaalam, at saka panibagong sinidlan

ang tagayanat inilapat sa matandà.

--Ako'y patawarin mo Ineng; at ako'y may na din~gig na isang awit

kastila na ania'y,

_El dinero del sacristan

Cantando viene y cantando van._

Samakatawid ko baga Neneng, kung tatagaluguin ko sa sarili lamang ay.

Ang tuba daw sa karitan

ay di tutulo kundi pan~gulukatikan.

Ang ibig sabihin ay iawit mo!...ang sabihang pabiglâ n~g m~ga

nanonood; kaya n~ga naman ang dalaga ay umawit n~g ganito na tan~gan

ang tagayan; na sinaliwan n~g tugtog n~g biguela n~g isang binata.

Utos ng matanda'y

Mahalay di sundin

Kinabubusun~gan

Batang paris ko din

Larán-larán larin

larin larán

Larán larán larin

larin larán...

......................At pagka ikot n~g umaawit ay hinarap ang matanda

at dinugtong.

Kaya n~ga:

Inom na, inom na't

Sa kamay ko galing

Sukdang ito'y laso'y

Di ka na tatalbín...

Laran laran larin.

Ehoy!... Ehoy ...! ang sigawan n~g marami. At saka inilapit sa matanda,

upang ipainom.

--Dalawa ineng, itong aking kasama ay pumili ka, n~g makakahalig sa

akin,--at itinuro ang magkasigbay na si Juan at si Ambo.--Sapagka't

totoong masama sa aking n~gaion ang alak, linisan ko na ang malabis na

pag inóm dahil sa ako'y nagkakasakít kung ako man lamang ay makaamoy.

Uminom ako n~g alak kung kagamutan at kung kailan~gan lamang, n~guni't

hindi ako naglalan~gó, sapagka't nakita ko na ang kapagitan n~g

ugaling paglalan~gó, at di ko na sabihin pa sa iyo.

Sia n~ga; sia n~ga, ang payo n~g Isiro si pareng Tacio ay sasakupin ni

pareng Juan. Kaya iniliwat kay Juan na kasigbay n~g Tacio.

...Prrrf!.... Prrf!... Prrrf!.... at na laguinlin ang m~ga nanonood sa

bandang yoon sapagka't biglang ibinuga ni Juan sa mukha ni Ambo ang

alak na kaniang ininom na anhin mo ang nagbubuga sa mukha n~g manok,

na sasabun~guin. At bakit kaya? Walang makasabi n~g tiak, dapua't

waring nagkakaisa ang lahat na dahil daw sa na lagyan n~g sileng

pacite ang tagay na yoon. Sa ganito n~gay na sunod ang sabi ni

Tingting Isiro. Sistidor n~ga si Matandang Tacio!

Nag kainan na ang lahat pagkatapus n~g paghihinumó n~g tawanan n~g

lahat.

Bagama't na hanghan~gan n~g sile si Juan ay nag papa walang anoman,

n~guni't hianghia sa m~ga dalaga, sapagka't naguing parang sagâ ang

mukhâ, at gaion din ang m~ga mata nia.

Natapus ang kainan; n~guni't nabigò ang m~ga naghihintay na mag sisté

pa uli sa pagkain ang matandang Tacio. Hindi n~ga nia guinawà ang

gayon at ania'y hindi dapat na sa loob n~g panahón n~g pagkain ay

magkatawanang lubha sapagka't malaki aniang kalapastan~ganan sa gracia

at biayá n~g Dios, at isa pa'y hindi nakatutunaw n~g kinain, kung baga

ma'y pagkatapus n~g pag kain.

V

At ganoon n~ga ang nangyari.

Tapus nang kumain ang lahat, ay tinawag n~g matanda sa gawing labas

n~g kamalig si Ambo at sarilinang nag usap. Tinawanan n~g ilán.

Pinulsuhan muna si Ambo, binasá n~g tubig ang batok at saka

pínagsabihan:

--Ang hatol ko sa iyo ay magliguíd ka n~g magliguíd dian sa walong

pilapil na yaan, sabay na itinuro ang m~ga pilapil, na pag dating mo

dito'y patuloy ka pa n~g patuloy hangang patiguilin kita. Ako nama'y

kukuha n~g iinomín mong gamot na ewan ko lamang sa baat n~g aking

salokot na nasa kamalig.

Ang hinatulan ay walang liwag na sumunod. Líguid-ke líguid sa m~ga

pilapil at sa sikat n~g mainit na araw samantala'y sa loob n~g kamalig

ay naghihinugang ang tawanan n~g lahat.

Hindi naluatan at dumating si Angue, na kayâ natagalan n~g pag sunod

ay nag bayo muna n~g palay na kakanin nila nag saing at nag pakain

muna sa kaniang m~ga anak. Nakita nia ang kaniang asawa sa guitnà n~g

bukid at sa pagkaawà, palibhasà baga'y asawa ay nagmakaamong lumuluhod

at tumatan~gis sa matanda, na ania'y patawarin ang kaniang asawa. Kayâ

naman na ululan pa mandin ang tawanan n~g lahat, na nanonood.

--Ibig mo bang gumaling sia?--ang tanong n~g matanda sa nananan~gis.

--Opò, ay huag mo po namang pahirapan at ...

--Angue;--ang tugon n~g matandà;

Pag ang sakit ay masamá

ang gamot malaking lubhâ,

Pag ang sakit ay maliit

ang gamot ay gaga hanip.

--At tunay bang ibig mong gumaling ang asawa mo? ang patuloy na tanong

n~g matandà.

--Talaga pong ganoon, mahirap po lamang ang ...

--Mahirap n~ga ang mabawo....

--Ah! hindi po ... hindi po yaan ang ibig kong sabihin.

--Hindi pala eh ... anó?

--Mahirap po anakin ang iniong gamot na hatol sa kania.

--Yaan ang mabuting papawis ...! sa katawan; hindi delikado sa han~gin,

bukod sa ... walang gasta kahi't ga kusing man. Makita mo't kapag

araw-araw ay pinapag-liguid mo ang iyong asawa na mag araro baga, ang

ibig kong sabihin ay bukod sa kayo'y mag kakabukid ay gagaling pa ang

kaniang katawan palibhasa'y papawisan. Naku Angue!... Baka akala mo'y

kakaunting sakit ang nakukuha n~g pawis ...! Hindi kakaunti, at siang

lalong tumpak na gamot sa sakit na yaang "Asno--Tamardillo".

--Ay ano po ba sa wika tagalog ang "asno tamardillo"?... Wari ko po'y

ibang wika iyan? ang sabad n~g isang kaharap.

--"Asno", iisaisahin ko sa iyong kahulugan ay tawong linalang n~g P.

Dios. at pinaalis sa bayang Paraiso n~g magkasala sa pagkain n~g

bun~gang bawal at sinumpa n~gang sinabi sa kania.

Yaman n~gang sa Akin íkaw nag suail

kaya buhat n~gayon at sa haharapin

sa pawis n~g noo mo'y iyong kukunin

ang iyong kakanin at ipakakain,

at simula n~ga noo'y naparam ang ginhawa nakaramdam na sila n~g gutom

at nag isip n~ga n~g paraang ikabubuhay, na ito'y ang pagtatanim n~g

m~ga halaman.

--At ano pong guinawa, kaya n~g nunong Adan? ang tanong naman n~g

tininting Isiro.

--Nag isip pong bungkalin ang lupa upang mag tanim; at sa ganito

n~ga'y natamo nia ang bun~ga n~g lahat niang halaman at sia niyang

ipinakain sa asawang Eva sanpon sa lahat niang inianak. Kaya Tingting

Isiro; ang iniong pagbubukid ay talagang kapuri-puring gawa sapagka't

siang kaunaunahang natuklasang pangbuhay sa m~ga tawo, at hangang

n~gayo'y sia pa ring ikabubuhay at ikabubuhay n~g lahat n~g bayan sa

Sangsinukuban, munti at malaki man, dan~gang dito sa atin ay waring

napapabayaan.

Samantala'y patuloy pa si Ambo n~g pag liliguid sa bukid.

--Ay ano po naman ang tamardillo?--ang ulit n~g kausap.

Ang "tamar" ay tamad, hindi masipag, ayaw gumawa, at "dillo" ay

tinadtad, anhin mo'y pikadillo; sapagka't ang tawong tamad ay talagang

tinatadtad n~g pintas at pula n~g kapua tawo; at ipaghalimbawa nating

tayo n~ga'y makakitá n~g isang tawong malakas at walang karamdaman

n~guni't nagaansikot, ayaw gumawa o mag paupa ay pinupuri kaya

ninoman? Kung makakita kayo, n~g walang gawa kundi maglagalag,

maglan~go, o magsugal na lamang ay anong maitatawag ninyo? Kung may

makita tayong isang salantang wari pilihot ang m~ga paa na lumapit sa

ating pintuan at humin~gi n~g limos, atin naman lilimusan alang-alang

sa salanta, n~guni't pagkapalayo ay matuid pa't magara kay sa atin

kung lumakad, at kung m~ga araw n~g linggo'y makita nating nagpapatalo

n~g salapi sa sabun~gan o sugalan, anong inyong maitatawag?

--Tamad!... tamad! magdaraya!.. ang ulitan n~g lahat.

--Ganian n~ga; at walang ibang maitatawag ang sinoman,--ang ulit n~g

matanda.

--Sia n~ga!... ang ulitan n~g m~ga kaharap. Dapat n~gang paniwalaan at

siang totoo ...

--Ako'y nagtataka kay Tandang Tacio, sa gayong katulisan n~g unang

dako ay n~gaio'y mabait na't masípag at ang naguiguing aliwan na

lamang niya ay magsistí--ang saló naman n~g isa.

--Sia'y uliran na, na dapat gawin ni Ambo at n~g m~ga iba dian na

talagang tamad, kaya naman pinarusahan siya doon sa initan--at

pagsasabi nito ay gawari hinanap si Ambo, n~guni't n~g tanawin ay wala

na at sa hiya ay nagpatuloy na umuwi sa kanilang bahay. Namalayan

n~ga't pinaghanapanan n~g lahat si Ambo ay wala n~ga sa bukid. Kaya sa

maalaman ni Angue ay napaalam na sa lahat at tinunton ang pook na

pinaroonan n~g kaniang asawa.

Noo'y hapon na; at ang lahat ay nag uwian sa kanikanila, na di

magkangdadala n~g hunos, kaya n~ga ang m~ga bakol, o palanan nila'y

puno n~g palay at ang m~ga tian ay puno din naman n~g ... han~gin sa

katatawa kay matandang Tacio, at busog ang m~ga kaloobán sa m~ga na

dinig na aral n~g sistidor na matanda.

Nagbago kaya si Ambo n~g gaiong ugali?--ang maitatanong n~g bumabasa.

Tayong lahat ay makasasagot. Makaaasa tayo sapagka't sawikain nating

"sa tawo'y ang mukha ang hindi lamang nagbabago", n~gunit na

dudun~gisang minsan minsan kaya minsan minsa'y kailangang humarap sa

salamin n~g mabubuting aral at m~ga basahing makapagaagno sa magaling,

upang sa m~ga yoon ay maisaayos ang m~ga kapakanan n~g ating sarili at

n~g kalahatan sa kapakinaban~gan n~g boong katauhan.

Hindi Biro!... ó Ang Anting-Anting · 第 7 / 13 题